You are on page 1of 3

Ang paggamit ng Wika tungo sa pag-unlad ng

Ekonomiya
Panimula
Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga
mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang bansa.
sa paggamit ng ating sariling wika sa mga transaksyon sa ekonomiya, mas magiging
madali para sa mga mamamayang Pilipino ang makahikayat upang makisali sa
pakikipagtalastasan at mga transaksyon sa loob ng ating ekonomiya.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang lalong maitindihan ang mga dahilan kung bakit
Filipino ang napiling wikang pambansa, malamaman ang mga katangian ng wikang
Filipino at ang pinagkaiba nito sa ibang mga diyalekto, at matukoy ang kaugnayan at
kahalagahan ng wikang ito sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya.

Pag-lalahad ng Suliranin
Narito ang mga katanungan na dapat masagot ng papel na ito,
1. Saan nagmula ang wikang Filipino na ginagamit natin sa ngayon?
2. Paano nakakatulong ang paggamit ng wikang Filipino sa pag-unlad ng ekonomiya
ng bansa?
3. Paano ang naging proseso ng pagpili sa opisyal na wika sa ating bansa?

Saan nga ba nagmula ang wika ng Pilipinas?


Ayon kay Paul Morrow, Maraming lahi ang nagdala ng kani-kanilang salita sa Pilipinas
noong unang panahon, ngunit ang mga wikang dinatnan nila sa Pilipinas ay taal na
Filipino.

Ayon sa Wave Theory


Ang mga ninuno ng lahing Filipino ay dumayo sa Pilipinas nang ilang ulit o waves ng
pandarayuhan sa pamamagitan ng mga tulay na lupa na nalantad dahil mas mababaw
ang mga dagat noong panahon ng kalamigang pandaigdig (Ice Age). Nanggaling daw
sila sa Indonesia, Malaysia at iba pang lugar. Libu-libong taon daw ang pagitan ng
bawat panahon ng pandarayuhan. Diumano’y ito raw ang sanhi kung bakit may mga
Ita, Ifugaw at modernong Filipino sa Pilipinas. Subalit ngayon ay hindi na tinatanggap
ang teoryang ito.

Paano ang naging proseso ng pagpili ng ating wika?


Sa mensahe ni Pang. Manuel L. Quezon sa Unang Pambansang Asamblea noong 27
Oktubre 1936, sinabi niyang hindi na dapat ipaliwanag pa, na ang mga mamamayang
may isang nasyonalidad at isang estado ay “dapat magtaglay ng wikang sinasalita at
nauunawaan ng lahat.”
Paano nakakatulong ang paggamit ng wikang Filipino sa pag-
unlad ng Ekonomiya?
Rekomendasyon
Pangalawa
design by Dóri Sirály for Prezi
used by JungHo for Presentation
Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa sapagkat ito ang
ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Ang
ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o
nagkakaintindihan. Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos nabuo
ng mananaliksik ang mga rekomendasyong ito.

Konklusyon
Una
Pangatlo
Pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Batas Komonwelt Blg. 570 noong 7 Hunyo
1940 na kumikilala sa Pambansang Wikang Filipino [Filipino National Language]
bilang isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas pagsapit ng 4 Hulyo 1946.
Gawing midyum ng pananalita ang wikang Filipino sa lahat ng aspeto ng lipunan.
Nararapat lamang na mas gamitin ang wikang Filipino sa lahat ng transaksyon na
gagawin dito sa ating bansa upang mas mapadali at magkaroon ng
pagkakaintindihan ang lahat ng mga tao.
Ang wika ay may malaking epekto sa pagpapaunlad at pagpapatatag ng ekonomiya
sa isang bansa. Ito ay isang instrumentong ginagamit sa ugnayan at transaksiyon ng
bawat tao sa isang ekonomiya. Kung wala nito, makakaroon ng hindi
pagkakaunawaan at maaring humantong pa sa pagbagsak ng ekonomiya ng isang
bansa.
Linangin pa ang paggamit ng wikang Filipino upang mas maitaas ang kalidad ng
pagsasalita nito.
Dapat nating bigyang halaga ang ating sariling wika, lalo na sa paggamit nito sa iba’t
ibang sektor ng lipunan gaya nalang ng ating ekonomiya. Mas magiging mabilis at
maayos ang pag-aangat ng estado ng lipunan dito sa bansa kung iisa lamang ang
wika at lahat ay magkakaroon ng pagkakaintindihan sa lahat ng kanilang gagawin.
Hindi magiging mahirap ang pag-aangat ng estado ng ekonomiya kung gagamitin
natin ang wikang Filipino kagaya ng ginawa ng ibang bansa na ginamit lamang ang
sarili nilang upang maging isang maunlad na bansa.

You might also like