You are on page 1of 3

Ang paggamit ng Wika tungo sa pag-unlad ng Ekonomiya

Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga


mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang
bansa. 
KAHALAGAHAN NG PAG AARAL
Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang lalong maitindihan ang mga dahilan kung
bakit Filipino ang napiling wikang pambansa, malamaman ang mga katangian ng
wikang Filipino at ang pinagkaiba nito sa ibang mga diyalekto, at matukoy ang
kaugnayan at kahalagahan ng wikang ito sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya.
Pag-lalahad ng Suliranin
Saan nga ba nagmula ang wika ng Pilipinas?
Ayon kay Paul Morrow, Maraming lahi ang nagdala ng kani-kanilang salita sa
Pilipinas noong unang panahon, ngunit ang mga wikang dinatnan nila sa Pilipinas
ay taal na Filipino.
Rekomendasyon
Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa sapagkat ito ang
ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan.
Ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o
nagkakaintindihan. Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos
nabuo ng mananaliksik ang mga rekomendasyong ito.
sa paggamit ng ating sariling wika sa mga transaksyon sa ekonomiya, mas magiging
madali para sa mga mamamayang Pilipino ang makahikayat upang makisali sa
pakikipagtalastasan at mga transaksyon sa loob ng ating ekonomiya.
Ayon sa Wave Theory
Ang mga ninuno ng lahing Filipino ay dumayo sa Pilipinas nang ilang ulit o waves
ng pandarayuhan sa pamamagitan ng mga tulay na lupa na nalantad dahil mas
mababaw ang mga dagat noong panahon ng kalamigang pandaigdig (Ice Age).
Nanggaling daw sila sa Indonesia, Malaysia at iba pang lugar. Libu-libong taon daw
ang pagitan ng bawat panahon ng pandarayuhan. Diumano’y ito raw ang sanhi kung
bakit may mga Ita, Ifugaw at modernong Filipino sa Pilipinas. Subalit ngayon ay
hindi na tinatanggap ang teoryang ito.
Narito ang mga katanungan na dapat masagot ng papel na ito,

1. Saan nagmula ang wikang Filipino na ginagamit natin sa ngayon?


2. Paano nakakatulong ang paggamit ng wikang Filipino sa pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa?
3. Paano ang naging proseso ng pagpili sa opisyal na wika sa ating bansa?

Paano nakakatulong ang paggamit ng wikang Filipino sa pag-unlad ng


Ekonomiya?
Ang wika ay may malaking epekto sa pagpapaunlad at pagpapatatag ng ekonomiya
sa isang bansa. Ito ay isang instrumentong ginagamit sa ugnayan at transaksiyon ng
bawat tao sa isang ekonomiya. Kung wala nito, makakaroon ng hindi
pagkakaunawaan at maaring humantong pa sa pagbagsak ng ekonomiya ng isang
bansa.
Sa mensahe ni Pang. Manuel L. Quezon sa Unang Pambansang Asamblea noong 27
Oktubre 1936, sinabi niyang hindi na dapat ipaliwanag pa, na ang mga
mamamayang may isang nasyonalidad at isang estado ay “dapat magtaglay ng
wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat.”
Paano ang naging proseso ng pagpili ng ating wika?
Pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Batas Komonwelt Blg. 570 noong 7
Hunyo 1940 na kumikilala sa Pambansang Wikang Filipino [Filipino National
Language] bilang isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas pagsapit ng 4 Hulyo
1946. 
Konklusyon
Dapat nating bigyang halaga ang ating sariling wika, lalo na sa paggamit nito sa
iba’t ibang sektor ng lipunan gaya nalang ng ating ekonomiya. Mas magiging
mabilis at maayos ang pag-aangat ng estado ng lipunan dito sa bansa kung iisa
lamang ang wika at lahat ay magkakaroon ng pagkakaintindihan sa lahat ng
kanilang gagawin. Hindi magiging mahirap ang pag-aangat ng estado ng ekonomiya
kung gagamitin natin ang wikang Filipino kagaya ng ginawa ng ibang bansa na
ginamit lamang ang sarili nilang upang maging isang maunlad na bansa.

Una
Nararapat lamang na mas gamitin ang wikang Filipino sa lahat ng transaksyon na
gagawin dito sa ating bansa upang mas mapadali at magkaroon ng
pagkakaintindihan ang lahat ng mga tao.
Pangalawa
Gawing midyum ng pananalita ang wikang Filipino sa lahat ng aspeto ng lipunan.
Pangatlo
Linangin pa ang paggamit ng wikang Filipino upang mas maitaas ang kalidad ng
pagsasalita nito.
ANO ANG WIKA?
- ANG WIKA AY NAG MULA SA SALITANG LATIN NA “LENGUA” NA NANGANGAHULUGANG
“DILA”. ANG WIKA AY BAHAGI NG PAKIKIPAGTALASTASAN NA GINAGAMIT SA PANG ARAW-
ARAW, KALIPUNAN ITO NG MGA SIMBOLO, TUNOG , AT MGA KAUGNAY NA BANTAS UPANG
MAIPAHAYAG ANG NAIS SABIHIN NG KAISIPAN.

SA PILIPINAS AY MAY IBAT- IBANG WIKA KAGAYA NG CEBUANO, ILOKANO, HILIGAYNON,


WARAY, KAPAMPANGAN AT MARAMI PANG IBA PA AT ANG WIKANG PAMBANSA NG
PILIPINAS AY “WIKANG FILIPINO” KILALA DIN SI MANUEL LUIS QUEZON BILANG AMA NG
WIKANG FILIPINO.

ANO ANG EKONOMIYA?


- ANG EKONOMIYA AY BINUBUO NG SISTEMANG EKONOMIKO NG ISANG BANSA. KAGAYA NG
TRABAHO, PUHUNAN, MGA PINAG KUKUNAN NG LUPAIN, PAG MAMANUPAKTURA,
PRODUKTION, AT PANGANGALAKAL ITO AY SUMISIMBOLO NG ESTADO NG PAMUMUHAY NG
ISANG BANSA.

PAANO NAGING DAAN ANG WIKA TUNGO SA PAG UNLAD NG EKONOMIYA?

- DAHIL SA WIKA NAG KAKAROON NG PAGKAKAINTINDIHAN, PAGTUTULUNGAN AT


PAGKAKAISA NG MGA MAMAMAYANAN NA NAKATIRA SA BANSANG ITO. ITO DIN ANG
DAHILAN SA PAGKAKAROON NG MGA TRANSACTIONAL NG MGA NEGOSYANTE, MAGSASAKA,
AT NG MGA MAMIMILI O MAMAMAYANAN KAYA UMUUNLAD ANG ATING EKONOMIYA.

You might also like