You are on page 1of 4

Eugenio, Crisanta E041/10:30AM-12:PM/MW

Galicia, Angelica March 8, 2021


Macalinao, Diana Isabelle
Malab, Marlene
Sad-ang, Dominic
Sangalang, Alona Mae
FILIPINO 1- FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Mungkahing Gawain 2

1. Ano ang mahalagang gampanin ng Wikang Filipino sa mga sumusunod:

LIPUNAN

Ang wika ay isang instrumento na maaring gamitin sa lipunan na kung saan ay

nagkakaroon ng isang maayos na lipunan sa sandalling pagkakaroon ng mabuting

ugnayan ng mga tao sa isang tiyak na pamayanan. Nagagawang pagbuklurin ang lahat

ng mga taong nakatira sa isang lipunan sa pamamagitan ng wikang gagamitin upang ng

gayon sila ay magkaunawaan, magkaintindihan, at magkapalagayan dahil nakabatay ito

sa kanilang sariling kultura. Ang wika ay tila isang pisi na nagbubuklod sa mga tao.

Dahil dito, may pagkakaintindihan at pagkakaisa na nagaganap. Kung ang wika sa

isang lugar ay iba-iba, maaaring hindi ganoon kadali ang komunikasyon at mahirap

magresolba ng mga hindi pagkakasundo. Isa itong mahalagang salik sa tagumpay ng

isang komunidad. Napakalaki ng gampanin nito lalo na sa pagbabago ng pamumuhay

sa isang lipunan.
PAARALAN

Ang wika filipino ay napakaimportante sa ating paaralan dahil malalaman nila at


maiintindihan nila kung ano ba talaga ang nilalaman ng wika Filipino at kung saan
nagmula ang kanilang pinag-aaralan. Sa pagagamit ng wika, mahahasa ang kanilang
kaalaman at kakayahan sa pagsasalita ng Filipino. Kapag ginagamit parati ang wika,
magiging matatag ang pundasyon ng mga salita na siyang magagamit sa pag-unawa sa
maraming bagay tungkol sa ating mga Pilipino. Ang mga nakalimbag na akda, dula o
anumang palabas o panoorin, at ang mga kuwentong naririnig tungkol sa ating mga
pilipino gamit ang wikang Filipino ay mas napahahalagahan dahil sa pagkakaroon ng
sapat na pag-unawa rito. Ito rin ang maaaring pag-ugatan ng damdaming
pagkamakabayan at magsisilbing ningas ng pagmamahal sa ating bansa, sa ating
pagka-Pilipino at isa itong daan upang magkaroon tayong ng matatag na
pagkakakilanlan. Kaya mahalaga ang pagtuturo ng Filipino sa mga bata o studyante
dahil ang bataan ang pag-asa ng bayan. Sila ang magtataguyod ng wikang
magbubuklod sa ating mga Pilipino at magpapakita ng kakayahan, kahusayan, at
kabutihan nating mga Pilipino. Sila rin ang magpapamalas sa buong mundo kung gaano
kaganda at kayaman ang ating wika at kultura. Nararapat lamang na matutuhan nila ito.

TAHANAN

Ang tahanan ang unang simula ng pagkatuto ng paggamit na Wikang Filipino.


Malaki ang gampanain ng wika sa tahanan dahil ito ang susi sa komunikasyon upang
magkaintindihan, magkaunawaan at mapahayag ang bawat saloobin ng pamilya. Dahil
sa wika naipapahayag ng mga kasapi ng pamilya ang kanilang mga pangangailangan,
naninanais at ang kanilang pagmamalasakit sa isa’t isa, ito’y mahalaga sapagkat
napapatibay nito ang relasyon ng pamilya sa tahanan. Sa pamamagitang ng wika
naiiwasan ang di pagkakaintindihan at ang di pagkakaunawaan. Kaya naman kung ang
Wikang Filipino’y palaging nagagamit sa tahanan ito’y magandang simula upang
magbuklod ang mga mamamayan sa labas man ng tahanan o sa ating lipunan na
ginagawalan.
2. Paano nakatutulong ang Wikang Filipino sa iba’t-ibang larangan? Ipaliwanag ang
mga nasa ibabang nakatala ayon sa kahalagahan sa pagpapayabong ng Wikang
Filipino.

MUSIKA

Nakatutulong ang Wikang Filipino sa larangan ng musika lalong lalo na sa mga Pilipino
dahil sariling wika ang kanilang gamit sa paggawa ng mga kanta. Sa Musika
maipapakita na ang Wikang Filipino ay napakahalaga dahil nakakatulong ito na
paangatin ang ating sariling wika at lalong makikilala ito sa pamamagitan ng Musika.

TEKNOLOHIYA

Nakatutulong ang Wikang Filipino sa larangan ng teknolohiya lalo na sa ating


mga kababayan na Pilipino dahil ito ang paraan na kung saan dito natin nalalaman ang
mga nangyayare sa ating kapaligiran, dito din pinapabilis ang trabaho ng bawat
mamamayan. Ang wika ay may taglay na malalim, malawak at natatanging kaalaman at
karunungan na maari nating matuklasan sa paggamit ng teknolohiya. Malaki ang
naitutulong ng wika sa teknolohiya sapagkat nakatutulong ito sa tao upang maging
instrumento ng komunikasyon tulad ng malayang papgpapahayag ng nararamdaman,
pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa ibang tao gamit ang teknolohiya. Ang wika,
gamit ang teknolohiya ay nagpababatid ng mga kaalaman sa lalong mabisang
maikakasangkapan sa ating pambansang kaunlaran kung ito'y lubos at puspusang
pinapairal sa iba't-ibang larangan at disiplina.  
EKONOMIYA

Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng


mga mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang
bansa. Ang wika ay may malaking epekto sa pagpapaunlad at pagpapatatag ng
ekonomiya sa isang bansa. Ito ay isang instrumentong ginagamit sa ugnayan at
transaksiyon ng bawat tao sa isang ekonomiya. Kung wala nito, makakaroon ng hindi
pagkakaunawaan at maaring humantong pa sa pagbagsak ng ekonomiya ng isang
bansa. Dapat nating bigyang halaga ang paggamit ng ating sariling wika sa
pagpapaunlad ng iba't-ibang sektor ng lipunan gaya ng ekonomiya ng ating bansa.
Hindi magiging mahirap ang pag-angat ng estado ng ekonomiya kung gagamitin natin
ang wikang Filipino upang maging maunlad ang ating bansa.

LITERATURA

Nakatutulong ang Wikang Filipino sa larangan ng Literatura sapagkat ito ang


nagpapakita ng pagkakaiba at pagkakapareho ng pamumuhay ng mga tao sa iba’t-
ibang lugar. At maaari nitong mapaunlad ang kultura at pinahuhusay din nito ang
kakayahan upang makapag-usap sa iba. Isa pa nakatutulong ito sa larangan ng
literatura dahil sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan mas mabubuhay ang
lenggwuahe ng ating wikang Filipino at magagamit ang mga salitang hindi na
masyadong nababanggit. Wikang Filipino ang isang tulay upang mapag-aralan ng
wasto ang literatura dahil mapapahayag dito ang ideolohiya, kaisipan at diwa ng mga
tao. Mapapalawak ang ating kakayahan sa paggawa ng kwento, kanta, tulang
pantanghal. Ito rin ay tumutulong upang makabuo ng pagkakakilanlan ng ating
panitikan.  

You might also like