You are on page 1of 3

WIKA at KULTURA

Inaasahang Bunga ng Pagkatuto: Pagkatapos ng Aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Naipaliliwanag ang wikang Filipino bilang bahagi ng kultura;
2. Nasusuri ang ugnayan ng wika, kultura at iba pang mga paksa ukol ditto; a
3. Naiisa-isa ang dulog sa pagtuturo ng wika at kultura.

Kaugnayan ng Wika at Kultura


Ano ba ang wika ? Ano ba ang Kultura ? Bakit angkop na angkop ang wika sa kultura? Bakit walang wikang superyor sa
ibang wika? Bakit magkabuhol ang wika at kultura? At gaano ba kahalaga sa isang bansa ang wika at kultura? Paano ito
mapapahalagahan?
Ano ngaba ang kultura? Bawat pangkat ng mga taong naninirahan sa isang bansa,bayan, pook o pamayanan ay may
sariling kultura. Ang kultura, sa payak na kahulugan, ay ang sining, literatura, paniniwala, at kaugalian ng isang pangkat
ng mga taong nananahanan sa isang pamayanan. Ang wika naman ay isang kabuuan ng mga sagisag sa paraang binibigkas
na sa pamamagitan nito ay nagkakaugnay, nagkakakunawaan at nagkakaisa ang mga tao. Ang kulutura ay hindi maipapasa
o maipapahayag sa ilang henerasyon kung wala ang wika. Ang isang kultura ay hindi mabibigyan ng anyo sa diwa at
saloobin kung wala ang wika. Ang nag uugnay samga tao sa isang kultura ay ang wika dahil dito ang kultura ay madaling
maintindihan maging sa mga taong hindi napaloob sa tinutukoy na kultura. Ang kultura ay ang pangkabuuang pananaw ng
mga tao sa lipunan, mundo at kapiligiran. Ang wika ay nalilinang dahil sa kultura, ang kultura ay nalilinang dahil sa wika
at ang wika ay ang kultura mismo. Maari natin itong ituring bilang batayang gabay sa matibay na kaugnayan ng wika at
kultura bilang mabisang kasangkapan sa pagtaguyod at pagkakakilanlan nating mga Pilipino. Malinaw na ang wika ay
nalilinang at napagtitibay sapagkat ang kultura ay nagbibigay ng katuturan sa ipinapahayag na kaisipan ng wika.
Ginagamit ang wika dahil ito ang daluyan ng komunikasyon upang magpasimula ng isang tiyak na pagkilos o paggawa.
Ito rin ay kailangan ng isang tao sa pakikipag ugnyan sa kanilang kapwa para sila ay magkakaintindihan. Ang wika ay
nakakapaghayag din ng iba’t ibang damdamin at natutukoy din dito ang pananaww sa iba’t ibang bagay
napagpapasiiyahan kung ano ang magiging kalugod lugod sa atin ang pagpapasiyang mayroong impluwensya mula sa
ating kapuwa at ng kabuuan ng lipunang atiing kinabibilangan.

Maaari ding sabihin na ang kultura ay nalilinang at napagtitibay din ng wika.Binigyang kahulugan ni Virgilio Almario ang
wika bilang katutubong halagahan o value para sa marangal na buhay ng ating mga ninuno, isang dakilang pamantayang
nararapat sundin sanman at kailanman tungo sa wastong pakikipagkatao, isang banal na tuntning kailangan tupadin upang
hindi maligaww ng landas. Sabi din sa batas nii Maragtas at Kalantiaw, malinaw na nakapaloob sa isang kaisipang
ipinapahayag ng wikang ginamitang pamantayang itinakda ng batas na ito na sya naming pinagbatayan ng pamumuhayat
pagkilos ng isang mamayang Pilipino sa lipunan na kaniyang kinabibilangan. Matagumpay ding naipabatid at naipasa sa
bawat henerasyon ang mga paniniwala atpamamaraang Pilpino bunga ng sabi sabi o “word of mouth”. Paano nga ba
magagamit ang wika upang malinang ang pambansang kultura?
Ang wika ay may kakayahan upang sumisid sa pinakamalalim na kaalamangbayan, liparin ang pinakamatayog na
karanasan upang maibalik sa lupa at maipatalas ngibayong talastasan at praktikang panlipunan (Bernales, et al. 2011). Ang
ating wika angnagkanlong at nagtago ng hiwaga, kasaysayan, at mayamang kaalaman ng ating bayankung saan nahubog
ang katauhan ng ating lahi na bumubuo sa ating pagkakakilanlanbilang isang Pilipino. Binigyang-diin nga ni Samuel
Johnson na ang wika ang nagdadamitsa ating kamalayan, samakatuwid ito ang magbibihis sa atin ng pagkakakilanlan,
angmagkakaloob ng isang tatak na siyang tatak ng ating lahi.
Ukol sa Wika at Kulturang Pilipino
Malaki ang epekto sa ating bansa ang banyagang kastila at amerikanosa ating kasaysayan maging sa
kasalukuyan.Masasabi ba nating ang Pilipinas ngayon ay isang kabuuang kultural,isang pagkakultura at wika? Tayo ay
nasa yugtong maaaring tawaging isang“pamayanang pambansa” na maghahangad na maging isang bago at masmalawak
na kabuuang etniko.Ngunit iyan ang pangkasaysayang katunayan: ang antas ng "lipunan" aynakamtan ng mga nasabing
grupong etniko sa loob ng isang kabuuang pulitikal nadala at gawa ng mga Kastila. Dahil dito, sa simula pa'y sumulong na
ang lipunangito nang may pagkakasalungat sa mga "manlulupig," sa kabila ng di-matanggap nadamdamin ng paghanga at
kapootan bilang lipunang bihag.Sa ika-19 na siglo ay hindi dapat bale-walain bilang isang "nawawalangkasaysayan."
Naganap noon ang mga unang reaksyon at ang matagalang interaksyonng mga katutubong kultura sa pagkakultura-at-
wika ng mga Kastila. Bunga nito, lalo ngang nabuo mula sa loob ang lipunang sakop, na unti-unting nagkakaroon
ngkaisahan sa kultura habang pinapasukan ng mga elemento ng pagka-Kastila.Dahil sa taal na pagkakahawig ng lahat sa
kultura at dahil sa nadarama na iisaang kaharap sa larangang kultural, humantong ang sitwasyon sa isang polarisasyon
sapaligid ng isang wika sa pinakasentro ng pagtatagpo ng kakastilaan at ng mgakulturang nabuo sa naturang lipunan - ang
Tagalog. Sa rehiyong ito pinakamasidhiang salungatan ng Kastila at katutubo, hindi lamang sa larangang kultural kundi
patina sa ekonomiya at pulitika. Kaya, sa paligid ng katagalugan nabuo ang isang kontra-kultura, isang pagkakatipong
pangkultura na "di-Kastila" o, sa mapag-alipustang sabi,"Indio." Ito'y naging makapang-yarihang konsepto noong siglo ng
Rebolusyon.Ito ang isang malalim na dahilan kung bakit umusbong noon ang literaturangTagalog. Narito rin ang sanhi
kung bakit minarapat ng mga Kastila na dustain o kaya'ymaliitin ang Tagalog at alinmang katha dito, gayong halos
hanggang langit angpagpuri rito noong panahon ng pananakop.Dito lubos na mauunawaan ang interes ng lahat sa "dating
kabihasnan" at angpagpupunyagi nina Rizal, del Pilar at iba pa na kumatha o magsalin sa sariling wika,gayong silang
lahat ay naangkin ng pagka-KastilaUpang mapasulong ang kanilang lipunan sa baitang ng pagkabansa, sa isangbagong
kabuuang kultural. Natanto ito ni Bonifacio at naging gawain ng Rebolusyonang magtatag ng isang estadong Pilipino, na
magbibigay-anyo sa bagongpagkakultura-at-wika at huhubog sa kabuuan nito mismo.Pagkatapos ng ilang taon ng di-
pagkakaunawaan, humalili ang bagongestadong itinatag ng mga Amerikano sa punsiyon ng estadong
rebolusyonaryo.Pinagbigyan ang hangaring makabansa ng lipunang Pilipino sa pamamagitanng kapwa pag-aamuki sa
mga elementong tungo sa kaisahang kultural at ng unti-unting pagsasa-Pilipino ng buonglestado hanggang sa ganap na
kalayaan. Subalit mayisa ring bungang masaklap para sa isang pagkakultura-at-wika, isang bagong ethnos.Nakahimok ng
malawakang pagpapalaganap ng kulturang Amerikano ang isangkatumbas ng dating "dapong kultura" ng Kastila na, sa
ngayon, ay halos napapawi nasa pagyabong ng "pambansang kultura" sa Tagalog at sa iba pang wikang"bernakular."
Nagpasok ang kulturang Amerikano-Pilipinong ito, sa pamamagitan ngIngles, ng isang bagong elemento sa problemang
kultural ng nagiging bansa nangPilipinas.Ang resulta nito ay ang kalagayan hanggang sa kasalukuyan, na matatawag
paring isang "pamayanang pambansa," dahil sa ang antas ng tunay na pagkabansa, angbagong pagkawika-at-kulturang
bunga ng isang estadong mapaghubog at hinuhubo nito, ay kamakailan lamang tuwirang tinutungo ng buong lipunang
pambansa. Subalit,ngayon pa man, wala nang alinlangang ang tagapagpahayag at tagasaklaw na wika ngbinubuong
kabuuang kultural ay ang wikang Pilipino, anuman ang maging kapalaranpa ng Ingles sa Pilipinas.Hindi maaaring
idugtong lamang ang alaala at diwa ng bayang Pilipino saalaala at diwa ng ibang pagkakulturang napapaloob sa wikang
Ingles. Tulad ng tao,alinmang bayan ay hindi maaaring magpalit ng gunita at unawang nakalagak sakanyang wika, kung
gustong mapanatili ang sariling kakanyahan.Ganito rin ang nauukol sa ugali, damdamin at isip ng Pilipino: hindi
itokailanman matatagpuan sa Ingles o sa alinmang wika, sapagkat bawat wika aykatas ng iba at bukod-tanging
pagkakultura.Hinggil sa Pilipino naman, dito iniingatan ang malaking bahagi ng nakaraan,lalo na mula noong mabuo ang
lipunan at estadong Pilipino, hindi lamang sa mgadokumentong personal, opisyal o panliteratura kundi maging sa
bokabularyo mismong wika.Nakalagak din sa Pilipino ang malaking parte ng kaalaman ng lipunan, lalo naiyong
makabuluhan sa nakararami. Ang pinakapruweba nito'y ang paggamit ng bayansa wikang Pilipino sa lahat ng larangan ng
buhay na walang kinalaman sa aspetongdulot ng sistema ng edukasyon sa wikang Ingles.Kalimitan, ang kaalamang itong
dala ng Pilipino tungkol sa kabuhayan atpamumuhay ng lahat ay kaila sa mga "edukado" sa Ingles, na dahil dito
aynahihirapang iangkop ang kanilang nalalaman sa pangangailangan ng bayan. Sa gayon,sila'y napapalayo hindi lamang
sa sariling pagkakultura-at-wika kundi sa mgaproblema mismo ng lipunan.Sa ugali at damdamin, ang pagkakalayo sa
bayan dahil sa Ingles, sa kabutihangpalad, ay di gaanong malubha.Ito ang dahilan kung bakit iginigiit ng ilang guro sa
kawalan nila ng pag-asa saprogreso ng Ingles-Amerikano na nais nilang pairalin, na matutuhan ng estudyanteang mga
katumbas na kilos, gawi at "mid-Western accent" ng wikang Amerikano,kasabay ng pagpupunyaging makalikha ng isang
"Ingles-Pilipino" bilang wikang naiibaraw sa ibang "Ingles" sa mundo.Ganito rin sa pag-iisip at kaisipan. Ang
pinakamahalagang katibayan nito ayang pangyayaring lahat ng "karaniwan" at pang-araw-araw na komunikasyon
(ibigsabihi'y iyong pasalita at hindi tungkol sa mga bagay na bunga ng edukasyon atburokrasyang mana natin sa mga
Amerikano) ay isinasagawa, higit sa lahat, saPilipino Bukod sa realidad na ito ng pag-iisip at pakikipag-usap ng
karamihan sa atinglipunan sa Pilipino, ang wikang pambansa ang siyang nagiging tagapagpahiwatig,kasalukuyang
tagasaklaw at magiging tagapamukadkad ng kaisipang Pilipino bilangkabuuang kultural, bilang bansa.Ang pamumulaklak
ng literatura sa Tagalog ay isa lamang bahagi , bagamatpinakaimportanteng bahagi nito.Ang pagpapahalaga, pagpapalalim
at pagpapalawak ng mga konseptong taalsa ating wikang pambansa (at sa mga wikang katutubo sa ating lipunan
bilangtagapagpalawak at tagapagpayaman) ay magiging batayan hindi lamang ngpagpapahayag ng sariling pilosopiya at
pananaw sa daigdig at kalikasan, kundi ngalinmang tunay na orihinal na ambag sa paglilinang ng kaisipang unibersal.Ang
pagpapahayag sa pamamagitan ng Pilipino sa pagkakultura-at-wikangPilipino ay nasasalalay sa kagamitan nito bilang
imbakan-kuhanan ng hinahangad nakabuuang-kultural. Nabanggit na ang nakaimpok at pinaglilikhaang karanasan, pag-
uugali, damdamin at kaisipan sa wikang Pilipino.Ang kasalukuyang antas ng "pamayanang pambansa" ay mas mataas
nabaitang lamang ng ating lipunang nagkaroon ng isang mapaghubog at hinuhubog naestado. Ang kanyang tunguhin ay
ang ganap na pagkabuong kultural, ang magingbansa.Sa gusto man o hindi ng ibang kabansaan, ang naipong puhunang
kultural nglipunang Pilipino ay lalago sa pamamagitan lamang ng pamamalagi nito, ng kilos atgawa ng kanyang mga
bahagi, ng kanyang pakikisalamuha at pakikilahok sa daigdig ngmga kabuuang kultural. Palawak at palalim ding uunlad
ito ayon sa tindi at layo ngkanyang pagkakatanaw sa sariling kasaysayan at sa nakalipas ng buong sangkatauhan.Ang
mahalaga'y umaangkin ng iba at kailanma'y huwag magpaangkin sa iba.Ito ang katangian ng isang nabubuhay na lipunan,
lalo na kung ang lipunang ito'ynaghahangad na mabuo bilang bansa. Ang lumikha sa sariling wika aynagpapayaman sa
sariling kultura; ang lumikha sa ibang wika ay naglalayo rito at nag-aambag lamang sa ibang kultura. Sa konkretong sabi,
si Hernandez aymakatang Pilipino at nakaugat sa binubuong kulturang Pilipino, samantalang si Villaat ang kanyang mga
katoto ay bahaging diyalektal o "pampook na kulay" ngliteraturang Amerikano.Sa ganito, ang kaibhan ng mga Pilipinong
nagsusulat sa ibang wika kay Conrad,ang Polakong nagsulat sa Ingles, ay ang pangyayaring tahasan itAong namalagi
saInglatera at naging Ingles at, bukod dito, hindi niya kinasangkapan ang kanyangkaranasang "Polako" sa pag-aambag sa
kulturang Ingles, samantalang ang mga Pilipino ay nananatili sa Pilipinas at kumakasangkapan sa kanilang "kaalaman"
bilang"mamamayan ng Pilipinas.Ang ningning ng sariling wika at lalim ng sariling kultura ay nakikita sa salaminng ibang
wika at kultura. Mas marami ang pinaghahanguan, mas tumitingkad angsariling kabuuang kultural. Ang ibig sabihin dito'y
huwag magsalin, halimbawa, ngmga likhang Aleman, Pranses, o Ruso mula sa pagkakasalin ng mga ito sa Ingles.
Angmagiging resulta nito'y ang pag-aangkin lamang ng mga pananaw ng pagkawika-at-kulturang "Ingles." Sa ganito'y
mawawala sa kapilipinuhan ang kadalisayan ng iba'tibang anyong kultural na nagmumula sa pagkasari-sari ng mga
kabuuang kultural samundong ibabaw. Dapat ituring ang lahat ng kultura (at hindi iisa o dadalawa lamang)ng buong
daigdig na tibagan ng mga kultural na sangkap na magagamit sa sarilingpagkakultura. Ang pagpapahalagang ito sa iba't
ibang kultura sa pamamagitan ngmapanlikhang pag-aangkin ng mga sangkap na makabubuti sa sarili ay siyangkatangian
ng isang kulturang may kasarinlan. Ang lahat ay nagpapahiwatig ngmakataong pagka-kaugnay-ugnay ng mga kultura, sa
kabila ng kakanyahan ng bawatisa.Ang nabubuong kaisahang kultural sa Pilipino ay lalong lalago dahil samapanlikhang
pagkakaugnay nito sa kanyang iba't ibang elementong etniko: (1) angbuong pangkasaysayang karanasan sa Pilipino, ang
pangkalahatang pamana ngmagkakamag-anak na grupong etnikong Pilipino sa lipunang kanilang nabuo; (2)
angkakanyahang etniko ng bawat isa, na nagpapayaman sa kabuuang kultural; at (3) angkaranasang partikular ng bawat
ethnos sa kasaysayan ng Pilipinas.Mapalalago ang unang elemento sa inter-aksyon ng isa't isa sa loob ng lipunang
angnagiging tagapamagitan at tagasaklaw na wika ay Pilipino. Ang pakikiugali atpakikisalamuha ng isa't isa sa wikang
Pilipino ay nagpapalawak sa pambansangkulturang ipinahihiwatig ng wikang ito. Payayabungin naman ng ikalawa at
ikatlongelemento ang hinahangad na kabuuang kultural sa pamamagitan ng mga salin saPilipino mula sa mga wikang
katutubo sa Pilipinas, kasama na ang mga diyalekto ngTagalog na napapalayo na sa Pilipinong dati-rati'y batay dito.
Lalong mapapadali angkanilang sariling wika o katutubong diyalekto.Ang pagbuong ito'y hindi magaganap kung ang
ninariasang kabuuang kulturalay hindi maipapasaloob sa mga bahagi ng lipunang Pilipino. Ang interiorisasyon
opagpapasaloob na ito'y maisasagawa lamang sa pamamagitan ng Pilipino, ang tangingdaluyan ng pagpapasakulturang-
Pilipino ng mga tao sa ating lipunan. Nanga-ngahulugan ito na hindi matututuhan ng mga Pilipino ang sariling kultura sa
pamamagitan ng Ingles. Ang paggamit ng Ingles ay nagbibigay-daan pa nga sa panganibna ang mga Pilipino'y mapasa-
ibang-kultura. Kung talagang gusto ang kaisahangkultural, dapat na ang buong edukasyon ng Pilipino ay isagawa sa
tagasaklaw na wikang kanyang kultura, ang Pilipino.Maaaring ipagpatuloy ang Ingles bilang wikang tagapag-ugnay ng
Pilipinas salabas, subalit hindi ito maaaring maging tagapamagitan at tagasaklaw na wika ngbuong pamayanang
pambansa. Wikang Pilipino ang nakatakda para dito. Kaya't angpinakasentral na problema sa kasalukuyan ay kung paano
talagang mapapalitan ngPilipino ang Ingles bilang wika hindi lamang ng instruksyon kundi ng burokrasya at
ngkomunikasyong sosyal sa larangang ekonomiko-sosyal. Gayunman, ang tinutungo ngkasalukuyang kalagayan ay ang
mapalitan nga ang Ingles. Isang pagsulong na hakbangsa direksyong ito ang desisyon ng pamahalaan na debelopin ang
Pilipino bilang wika ngmga Pilipino, kasama ang Ingles, sa lahat ng antas ng edukasyon.Maraming problema kung
pananatilihin ang Ingles sa loob ng binubuongpambansang kultura. Isa na ang panganib na masaklaw ng Ingles ang
kulturang ito at,sa gayon, ay maipasok ito sa kabihasnang Amerikano bilang isang sub-kultura bagolubos na matunaw. Sa
ganito'y maaaring hindi mabuo ang pambansang kultura.Ngunit,sa kabutihang palad, hindi naman yata mangyayari ito.
Napakalakas na ang hangarin nglipunang Pilipino tungo sa kaisahang kultural. Isa pang problema ay tungkol sa
mgabilinguwal. Alam nating taglay ng mga ito ang mga kulturang kasindami ng wikang alamnila. Nakalilikha sila sa lahat
ng wikang alam nila. Subalit sa iisang kultura lamang silatunay na nakikibahagi at nagiging tapat.May papel ang mga
bilinguwal sa pagpapayaman ng kulturang Pilipino, bagamatito'y pinaunlad, higit sa lahat, ng mga taong ang tangi o
prinsipal na salita ay Pilipino.Pinauunlad nila ito sa pamamagitan ng kanilang partisipasyon sa buhay ng lipunan. Angmga
bilinguwal ang siyang nagpapasok ng mga elementong kultural mula sa ibangpagkakultura. Subalit ito'y nasasalalay sa
kanilang likas na katapatan sa sariling wika osa kanilang pagbabalik dito pagkatapos ng ilang panahong pagkaakit sa
Ingles o saalinmang wika. Malaki ang maitutulong nila sa pagpapalawak at pagpapalalim ngkulturang Pilipino mula sa
labas.a.Higit pang importante ang papel ng mga bilinguwal sa mgakatutubong diyalekto, sapagkat sila ang magpapayaman
sa bagong kabuuangkultural mula sa ubod mismo ng kapilipinuhan. Sa ganito, ang tinatawag na"integrasyon" ng mga
"minoryang etniko" ay isang mapanlikhang pag-aambag sa binubuong pambansang kultura, sa pamamagitan ng pagsasalin
ngmga likha ng kanilang diwa at sining. Panghuli, mga bilingguwal din ang
magpapasok ng mga elementong kultural mula sa kasaysayan ng sarilinglipunan at ng buong daigdig.Anuman ang
pagkakaiba o pagkakatulad ng Pilipinas sa ibang kabuuang pulitikal,siya'y resulta ng isang natatanging pangkasay-sayang
pagsulong. May maituturingsiyang "sariling kultura," subalit ito'y nabubuo pa lamang sa loob ng isang lipunanglumitaw
mula sa mga magkakamag-anak na grupong etniko bunga ng kanilangkaranasan sa loob ng Imperyong Kastila. Ang
Pilipino bilang tagapamagitan attagasaklaw na wika ang pinakamahalagang elemento sa pagkabuong ito ng
kulturangPilipino.

You might also like