You are on page 1of 8

KABANATA 1

FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA, WIKA NG BAYAN, AT WIKA NG


PANANALIKSIK NA NAKAUGAT SA PANGANGAILANGAN NG
SAMBAYANAN

LAYUNIN

Matapos mong mapag-aralan ang kabanatang ito, inaasahang maisasagawa mo


ang sumusunod:
a. Maipaliwanag ang ugnayan ng mga gamit ng wikang Filipino bilang wikang
Pambansa, wika ng bayan, at wika ng pananaliksik na nakaugat sa pangangailangan ng
sambayanan;

b. Makapagbasa at makapagbuod ng impormasyon, estadistika, datos atbp. mula sa mga


babasahing nakasulat sa Filipino sa iba’t ibang larangan;at

c. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan


at mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Filipino, bilang wika ng
pananaliksik nakaayon sa pangangailangan ng komunidad at bansa.

Panimula

Ang wikang Pambansa ay ang wikang pagkakakilanlan ng mamamayan ng isang


bansa. Ang Pilipinas ay multilinggwal na bansa at nararapat na may wikang magsisilbing
bigkis na magbubuklod sa isang lahi. Ang Filipino bilang wikang pambansa ay maraming
pinagdaanan upang maabot ang katawagang ito.

Ang wikang Filipino sa ngayon ay hindi purong Tagalog, ito ay kinasasangkutan


na ng iba’t ibang wika at salita dahil sa patuloy na pag-usbong ng globalisasyon at
pagbabagong nagaganap sa bawat paglipas ng panahon.

Kaya naman sa kabanatang ito, ikaw ay inaasahang magkakaroon ng malalim na


kabatiran tungkol sa ugnayan ng mga gamit ng wikang Filipino bilang wikang Pambansa,
wika ng bayan, at wika ng pananaliksik na nakaugat sa pangangailangan ng sambayanan;
at lubos itong makatutulong sa iyo upang malinang ang iyong kaisipan at mas maging
maalam sa ating wikang pambansa.

1
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA IOLL
KABANATA 1

Modyul 1

Mga Paksa:
1.1 Ang Relasyon ng Wika, Kultura at Identidad
1.2 Ang Lipunan at Kultura

PANIMULANG PAGTATAYA

Panuto: Isulat ang T kung wasto ang pangungusap at M naman kung mali.

_____1. Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay tumutukoy sa masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit sa
komunikasyon ng mga tao sa lipunang may iisang kultura.
_____2. Ang wika ay nakakaapekto sa kultura, sapagkat matutukoy o makikilala natin
ang isang tao sa kung ano ang wikang kanyang ginagamit.
_____3. Ang “Po”,”Opo”, at “Oho” ay mga salita na hiram lamang ng mga Pilipino sa
mga Kastila.
_____4. Ang pagkakaroon ng isang pambansang wika ay magbibigkis sa mga
mamamayang may iisang kultura, iisang wika at katayuan sa buhay.
_____5. Ang materyal na kultura ay binubuo ng mga bagay na nakikita at nahahawakang
pisikal. Nabibilang dito ang mga kasangkapan, kasuotan, kagamitan, bahay, kaugalian at
pagkain.
_____6. Ang panitikan ay maituturing na di-materyal na kultura.
_____7. Maaaring paghiwalayin ang wika at kultura.
_____8. Ang kultura ay ang mga bagay na tumutukoy sa sa pangkalahatang gawain o
aktibidad ng mga tao sa isang lugar. (Ignacio, 2011).
_____9. Maaaring magkaroon ng isang bansa kahit walang wika.
_____10. Ang kultura ay isang kabuoang kompleks na may malawak na saklaw sapagkat
kabilang dito ang kaalaman, paniniwala, sining, balyu, at kaugalian ng tao bilang
miyembro ng isang lipunan.

2
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA IOLL
DALOY NG KAALAMAN

1.1 Ang Relasyon ng Wika, Kultura at Identidad


Ang isa sa pinakamahalaga sa tao at lipunan ay ang wika. Samantala ang wika ay
nabuo para sa tao at lipunan. Ayon sa isang linggwista na si Henry Gleason, “Ang wika
ay tumutukoy sa masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos
sa paraang arbitraryo na ginagamit sa komunikasyon ng mga tao sa lipunang may iisang
kultura.” Sa lipunan, wika ang tumutulong upang labis na magkaunawaan ang mga tao sa
isa’t isa, ito rin ay mahalaga sa lipunan sapagkat gaya nga ng sabi, “No man is an
island.” Samakatuwid, walang sinuman ang maaaring mabuhay na para sa sarili niya
lamang. Nabuo ang wika para sa lipunan at ang lipunan ay nabuo dahil sa wika, kaya
nakakaapekto ang wika sa lipunan na ginagalawan ng tao.
Ang wika ay nakakaapekto sa kultura, sapagkat matutukoy o makikilala natin ang
isang tao sa kung ano ang wikang kanyang ginagamit, gayundin malalaman natin kung
ano ang kultura o etnikong kanyang pinagmulan. Hindi maitatangging, hindi
mapaghihiwalay ang wika at kultura, dahil sumasalamin sa kultura ng isang tao ang
kanyang ginagamit na wika, may mga salita din kasing pag-aari lamang ng isang bansa.
Halimbawa na lang nito ay sa Pilipinas, dito lang sa atin ang may salitang “Po”,”Opo” at
“Oho” na naglalarawan sa kaugalian ng mga Pilipino bilang magalang. Sa ibang
probinsiya naman gumagamit sila ng “Manong” at “Manang” kapag mas nakakatanda sa
kanila ang isang tao. Sa ibang lugar partikular sa mga taga-Maynila, ay hindi na ito
ginagamit o paminsan-minsan na lang ginagamit dahil para sa karamihan hindi ito
magandang pakinggan.
May kapangyarihan ang wika at may wika ang kapangyarihan ayon kay De
Quiros (1996). Ang wika ay hindi lamang isang paraan ng komunikasyon; ito ay isa ring
paraan upang makapaghari. Hindi lamang ito susi sa impormasyon; susi rin ito sa
kapangyarihan. Ang wika ay makapangyarihan sapagkat ito ay kaluluwa ng bayan. Wika
ang tagapamansag ng kultura. Ito ang tagapamahayag ng mithiin, pangarap, at adhikain
ng mamamayan. Ang pagkakaroon ng isang pambansang wika ay magbibigkis sa mga
mamamayang may iba-ibang kultura, iba-ibang wika at katayuan sa buhay.
ANG RELASYON NG WIKA AT KULTURA
Ano ba ang Wika? Ano ba ang Kultura? Bakit angkop na angkop ang wika sa kultura?
Bakit
walang wikang superyor sa ibang wika? Bakit magkabuhol ang wika at
kultura? At gaano bang
kahalaga sa isang bansa ang wika at kultura? Paano ito mapapahalagahan?
ANO ANG KULTURA?
Bawat pangkat ng mga taong naninirahan sa isang bansa, bayan, pook o pamayanan ay
may
sariling kultura. Ang kultura, sa payak na kahulugan, ay ang sining, literatura,
paniniwala, at kaugalian
ng isang pangkat ng mga taong nananahanan sa isang pamayanan. (Santiago, 1979)
Ang kultura ay ang pangkabuoang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa mundo at
sa

3
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA IOLL
kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa paniniwala, tradisyon, uri ng
pamumuhat, at iba
pang mga bagay na nag-ugnay sa kanila at nagpatibay sa bigkis ng
pagkakaisa na siyang
nagpapalaganap ng kanilang pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian at adhikain.
(Rubrico, 2009)
May dalawang uri ng kultura. Ang materyal na kultura at di-materyal na kultura. Binubuo
ng
materyal na kultura ang mga bagay na nakikita at nahahawakang pisikal. Nabibilang dito
ang mga
kasangkapan, kasuotan, kagamitan, bahay at pagkain. Samantala, ang mga
kaugalian, tradisyon,
panitikan, musika, sayaw, paniniwala at relihiyon, pamahalaan at hanap-buhay ay
sumasaklaw sa di-
materyal na kultura. (Delmirin, 2012)
ANG RELASYON NG WIKA AT KULTURA
Ano ba ang Wika? Ano ba ang Kultura? Bakit angkop na angkop ang wika sa kultura?
Bakit
walang wikang superyor sa ibang wika? Bakit magkabuhol ang wika at
kultura? At gaano bang
kahalaga sa isang bansa ang wika at kultura? Paano ito mapapahalagahan?
ANO ANG KULTURA?
Bawat pangkat ng mga taong naninirahan sa isang bansa, bayan, pook o pamayanan ay
may
sariling kultura. Ang kultura, sa payak na kahulugan, ay ang sining, literatura,
paniniwala, at kaugalian
ng isang pangkat ng mga taong nananahanan sa isang pamayanan. (Santiago, 1979)
Ang kultura ay ang pangkabuoang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa mundo at
sa
kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa paniniwala, tradisyon, uri ng
pamumuhat, at iba
pang mga bagay na nag-ugnay sa kanila at nagpatibay sa bigkis ng
pagkakaisa na siyang
nagpapalaganap ng kanilang pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian at adhikain.
(Rubrico, 2009)
May dalawang uri ng kultura. Ang materyal na kultura at di-materyal na kultura. Binubuo
ng
materyal na kultura ang mga bagay na nakikita at nahahawakang pisikal. Nabibilang dito
ang mga
kasangkapan, kasuotan, kagamitan, bahay at pagkain. Samantala, ang mga
kaugalian, tradisyon,
panitikan, musika, sayaw, paniniwala at relihiyon, pamahalaan at hanap-buhay ay
sumasaklaw sa di-
materyal na kultura. (Delmirin, 2012)
ANG RELASYON NG WIKA AT KULTURA
Ano ba ang Wika? Ano ba ang Kultura? Bakit angkop na angkop ang wika sa kultura?
Bakit
walang wikang superyor sa ibang wika? Bakit magkabuhol ang wika at
kultura? At gaano bang
kahalaga sa isang bansa ang wika at kultura? Paano ito mapapahalagahan?
ANO ANG KULTURA?
Bawat pangkat ng mga taong naninirahan sa isang bansa, bayan, pook o pamayanan ay
may
sariling kultura. Ang kultura, sa payak na kahulugan, ay ang sining, literatura,
paniniwala, at kaugalian
4
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA IOLL
ng isang pangkat ng mga taong nananahanan sa isang pamayanan. (Santiago, 1979)
Ang kultura ay ang pangkabuoang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa mundo at
sa
kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa paniniwala, tradisyon, uri ng
pamumuhat, at iba
pang mga bagay na nag-ugnay sa kanila at nagpatibay sa bigkis ng
pagkakaisa na siyang
nagpapalaganap ng kanilang pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian at adhikain.
(Rubrico, 2009)
May dalawang uri ng kultura. Ang materyal na kultura at di-materyal na kultura. Binubuo
ng
materyal na kultura ang mga bagay na nakikita at nahahawakang pisikal. Nabibilang dito
ang mga
kasangkapan, kasuotan, kagamitan, bahay at pagkain. Samantala, ang mga
kaugalian, tradisyon,
panitikan, musika, sayaw, paniniwala at relihiyon, pamahalaan at hanap-buhay ay
sumasaklaw sa di-
materyal na kultura. (Delmirin, 20Bawat pangkat ng mga taong naninirahan sa isang
bansa, bayan, pook o pamayanan ay maysariling kultura. Ang kultura, sa payak na
kahulugan, ay ang sining, literatura, paniniwala, at kaugalian ng isang pangkat ng mga
taong nananahanan sa isang pamayanan. Ayon kay Santiago, 1979, ang kultura ay ang
pangkabuoang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa mundo at sakanilang kapaligiran.
Ang pananaw na ito ay hango sa paniniwala, tradisyon, uri ng pamumuhay, at iba pang
mga bagay na nag-ugnay sa kanila at nagpatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang
nagpapalaganap ng kanilang pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian at adhikain.
(Rubrico, 2009)
Ano Ang Kultura?
Bawat pangkat ng mga taong naninirahan sa isang bansa, bayan, pook o
pamayanan ay may sariling kultura. Ang kultura, sa payak na kahulugan, ay ang sining,
literatura, paniniwala, at kaugalian ng isang pangkat ng mga taong nananahanan sa isang
pamayanan. (Santiago, 1979)
Ang kultura ay ang pangkabuuang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa
mundo at sa kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa paniniwala, tradisyon,
uri ng pamumuhat, at ibapang mga bagay na nag-ugnay sa kanila at nagpatibay sa bigkis
ng pagkakaisa na siyangnagpapalaganap ng kanilang pangkalahatang diwa, pananaw,
kaugalian at adhikain. (Rubrico, 2009)
May dalawang uri ng kultura. Ang materyal na kultura at di-materyal na kultura.
Binubuo ng materyal na kultura ang mga bagay na nakikita at nahahawakang pisikal.
Nabibilang dito ang mga kasangkapan, kasuotan, kagamitan, bahay at pagkain.
Samantala, ang mga kaugalian, tradisyon,panitikan, musika, sayaw, paniniwala at
relihiyon, pamahalaan at hanap-buhay ay sumasaklaw sa di-materyal na kultura.
(Delmirin, 2012)
Ang Bawat Wika ay Angkop sa Bawat Kultura
Ang bawat wika ay angkop sa kulturang kinabubuhulan nito. Magagamit din ang
isang wikang hindi katutubo sa isang pamayanan ngunit ito’y hindi kasimbisa ng wikang
likas sa nasabing pook. Sa katotohanan, ang ganitong pangyayari ay malimit maganap sa
mga bansang nasasakop ng ibang bansa. Natural lamang na pairalin ng mananakop ang
kanyang sariling wika sa kanyang nasasakupan. Isang halimbawa ay ang bansang
Pilipinas na ilang daantaong sinakop ng mga Kastila. Sa panahong iyon ay pinilit ng mga
5
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA IOLL
Kastilang pairalin ang kanilang wika upang siyang gamitin ng mga “Indios” na may
ibang kultura. Nakapasok din, kung sabagay, sa ating bansa ang ilang kulturang mga
Kastila, kaalinsabay ng pagpapairal ng kanilang wika ay relihiyon. Subalit hindi sapat
ang gayon upang maipahayag ng mga Pilipino sa wikang Kastila ang kanilang kaisipan,
maliban sa ilan-ilang nakapag-aral sa Europa. (Santiago, 1979)
Walang Wikang Superyor sa Ibang Wika
Magkakapantay-pantay ang lahat ng wika at kultura. Ito ang iginiit ni Franz Boas
ng nagsimula ang ikahuling bahagi ng ika-19 siglo. Binigyang diin ni Boas na kaya ng
lahat wikang ipahayag ang anumang gustong ipahayag ng katutubong nagsasalita nito
ngunit sa iba-ibang kaparaanan at estilo ayon sa kulturang iniiralan ng nasabing wika.
Pinakamabisa sa mga Amerikano ang wikang Ingles para sa kanilang kultura;
gayundin ang wikang Nihongo sa mga Hapon, ang Mandarin sa mga Intsik, ang Filipino
sa mga Pilipino atbp. Hindi maipipilit ng mga Amerikano na mas mabisa ang kanilang
wika kaysa sa mga Pilipino. Mas mabisa ang wikang Ingles kung Amerikano ang
gumagamit at ginagamitan, gayundin sa wikang Filipino, higit na mabisa kung ang kausap
ay kapwa Pilipino.
Ang Wika at Kultura ay Magkabuhol
Matalik na magkaugnay ang wika at kultura kaya nga naririnig natin na
magkabuhol ang wika at kultura. Hindi maaaring paghiwalayin ang wika at kultura. Ang
pagkawala o pagkamatay ng isang wika ay nangangahulugan din ng pagkamatay o
pagkawala ng isang kultura. Ang wika ang siyang pagkakakilanlan ng isang kultura.
(Santos et al., 2009)
Sa kultura ng mga Eskimo, may labinlimang (15) katawagan sila sa iba’t ibang
kalagayan ng nyebe (snow). Snowflake, Frost, Fine Snow, Drifting Particles, Clinging
Particles, Fallen Snow, Soft Deep Fallen Snow, Crust on Fallen Snow, Fresh Fallen
Snow, Fallen Snow floating on Water, Snow Bank, Snow Block, Snow Cornice, Blizzard,
at Severe Blizzard. (Woodbury, 1991). Hindi maaaring isang katawagan lamang ang
gamitin ng mga Eskimo sa iba’t ibang kalagayan ng nyebe (snow) sapagkat ang snow ay
parte na ng kanilang kultura at ang labinlimang (15) katawagan na iyon ay
napagkasunduan ng pangkat nila. Sa kabilang dako, hindi rin naman angkop sa ating mga
Pilipino na gamitin ang labinlimang katawagan sapagkat wala namang nyebe dito sa
bansang Pilipinas. Sa madaling sabi, hindi ito parte ng ating kultura.
Bagama’t isang salita lamang ang ginagamit ng mga Pilipino sa nyebe- (wala
talagang katawagan tayong mga Pilipino sa snow sapagkat ang nyebe ay galing sa wikang
Kastila na Nieve) ngunit hindi nangangahulugan na mahinang uri ng wika ang Filipino
kung ihahalintulad sa wika ng mga Eskimo. Pansinin din natin na kung mayroon silang
iba’t ibang katawagan sa nyebe wala naman silang mga katawagan tungkol sa pagsasaka.
Sabihin na nating sa mga uri ng bigas sa Pilipinas katulad ng Sinandomeng, Bordagol,
Banay, Masipag atbp. O hindi kaya sa iba’t ibang luto ng bigas na sa wikang Ingles ay
tinatawag nilang rice. Upang mas maging malinaw tingnan ang dayagram sa ibaba.

SINANGAG

PALAY BIGAS KANIN BAHAW


6
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA IOLL
TUTONG

Makikita sa dayagram na mula sa pagiging palay, nagiging bigas ito kung


naalisan na ng balat. Kung naisaing na ang bigas, kanin na ang tawag dito. Kung malamig
na ang kanin, bahaw na ang tawag. Ang nakadikit sa pinaglutuan ng bigas na naging
kanin, tutong ang naging tawag natin. Ngunit sa mga Amerikano, isa lamang ang tawag
nila sa mga ito – rice na dinagdagan lamang ng pang-uri. Old o Cold rice para sa kaning
lamig o bahaw, fried rice para sa sinangag at burnt rice para sa tutong.
Ang Kahalagahan ng Wika at Kultura

Mahalaga ang wika sa isang bayan, dahil ito ay ang anumang binibigkas o isinulat
ng tao upang maipahayag ang kanyang saloobin. Ang wika ang siyang nagbibigay
pagkakataon para sa mga tao sa iba’t ibang lugar upang makapag-usap, upang
magkaintindihan at upang makabuo ng pagkakaisa. Ang kultura naman ay ang mga bagay
na tumutukoy sa sa pangkalahatang gawain o aktibidad ng mga tao sa isang lugar.
(Ignacio, 2011).
Kung walang wika, walang bansa sapagkat hindi tayo makakapag-usap o wala
tayong komunikasyon sa kadahilanang walang nag-uugnay sa bawat tao sa isang bansa,
walang pagkakaisa at higit sa lahat walang mabubuong kultura. Ang wika ay ang
tagapagbigkis ng isang lipunan. (Buensuceso et al. 1991)
1.2 Ang Lipunan at Kultura

Ang kultura ay salamin ng lipunan at mabilis itong sumasabay sa pagbabago dahil


sa globalisasyon. Kung babalikan ang ating mga nakagawiang kultura mababatid na ito
ay punong-puno ng yaman. Nakapaloob sa yaman ng kulturang Pilipino ay ang mga
tradisyon o paniniwala na nagpasalin-salin sa ibat ibang henerasyon magmula sa ating
mga ninuno hanggang sa kasalukuyang lahi sa ating modernong panahon. Nakakatuwang
sariwain ang mga kulturang dati’y mayayaman at makabuluhan ngunit sa kasalukuyan ay
tila mabilis na nagbihis ang panahon. Nagsulputan ang mga gawaing may makabagong
dulog at napalitan ang dating nakasanayan. Nakapaloob sa kulturang ito ang musika,
panoorin, kasuotan, pagkain, inuminin at gadgets.
Pagdating sa musika kung dati’y nahihilig ang mga Pilipino sa mga awiting-bayan
gaya ng kundiman nabago na rin ito sa kasalukuyan sapagkat kinagigiliwan na ng mga
Pilipino ang mga makabagong awitin tulad ng Jazz, K-pop, Rap, Regae at marami pang
iba, isama pa rin ang mga musikang Koreano, Amerikano, Tsino, Afrikano at
makabagong musikang Pilipino.
Hindi rin mapapasubalian ang pagbabago sa panlasa ng mga Pilipino. Marami sa
atin ang nahihilig sa pagkain ng dayuhan gaya ng hotdog, pizza, milk tea, hamburger,
French fries, chocolate milk tea, at iba pa. Marahil, epekto ng mga nagsulputang “foreign
restaurants” sa ating bansa. Dahil dito, naisantabi na ang mga pagkaing Pinoy.
May malaking pagbabago at epekto sa wika ang pagbabago ng kultura. Sa
kasalukuyan, napakaraming bagong wika/salita na tila kabuteng nagsulputan sa bagong
henerasyon. Ayon nga sa mga pag-aaral, ang wika ay daynamiko/nagbabago. Sa pagdaan

7
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA IOLL
ng mga panahon kung ano ang uso sumusunod din sa paggamit ng wika. Nariyan ang
jejemon, bekimon at iba pang balbal na salita na naiimbento sa kasalukuyan.
Sa isang pag-aaral ni Tylor (1990), na ama ng antropolohiya winika niya na; “ang
kultura ay isang kabuoang kompleks na may malawak na saklaw sapagkat kabilang dito
ang kaalaman, paniniwala, sining, balyu, at kaugalian ng tao bilang miyembro ng isang
lipunan. Hindi lamang sining at musika ang kultura ayon sa paniniwala ng iba, sa halip
ito ay naglalaman ng mga valyus at alituntunin sa lugar at tinitirhan, ng ating mga ideya
na mabubuti o masasama, ng ating wika lalo na, ang relihiyon at iba pa. sa madaling
salita, ang kultura ay kabuoang natutuhan ng tao bilang miyembro ng isang lipunan. Ito
ay tumutukoy sa wika, paniniwala, tradisyon o kaugalian, sining, kasuotan, pagkain at
relihiyon.”
Ayon kay Bakhtin, itinampok niya ang karnabal bilang isang pagtatanghal kung
saan nakapaloob ang iba’t ibang uri ng kultura. Ito ay isang daigdig na pinagbabali-
baligtad subalit punong-puno ng sigla, nuhay, kabastusan na kung saan lahat ay
nagkakahalu-halo, at paulit-ulit na pinupukol ng putik, pinarurumi, at binabato, at lahat
ng batas ay nilalabag. Aniya, ang karnabal ay hindi lamang tumutukoy sa isang ritwal, sa
isang pestibal na ginaganap noon sa Europa bagkus saklaw nito ang perya, popular na
piyesta, prusisyon ng mga kasayahan pampubliko na nagtatanghal ng mga awitan,
sayawan, balatkayo, maskara, mga panoorin na nagtatanghal ng sirko na binubuo ng mga
acrobat, at mga taong may kapansanan. Kasama na rin dito ang pagmumura,
pagpapatawa, panloloko, biruan, at lahat ng mga marurumi at mababang-uri ng
pagpapatawa ng mga karaniwang tao.

***

8
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA IOLL

You might also like