You are on page 1of 1

Ang wikang Filipino ang nagbibigay buhay, at diwa sa bansa.

Ito ang daluyan ng ating


komunikasyon. Ito ang instrumento ng ating pakikipagtalastasan at ang nagdudulot ng mabuting
pakikipag-ugnayan. Ito ang nagsasanhi ng pagkakabuklod-buklod at pagkakaisa ng mga tao sa bansa.
Kaya naman mahalaga ang ginagampanan nitong papel sa pagkamit ng kapayapaan ng sambayanang
Filipino.

Isa rin sa magandang dulot ng wikang Filipino sa ating bansa ay ang pagbibigay ng kasangkapan
upang magkaunawaan ang lahat ng mga Pilipino. Mas mainam ang pakikipagpalitan ng ideya para sa
makabagong pamamaraan kung ang dalawang panig o higit pa ay nagkakainitindihan at
nagkakaunawaan. Mas mappaadali rin ang bawat trabaho o gawain dahil sa ugnayan at transaksiyon ng
bawat tao. Kung wala ito, makakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Ang ekonomiya ay hindi lalago o
uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan. Dahil sa magandang
pagkakaintindihan ay makakamit natin ang kaunlaran at pag-usbong ng pamumuhay.

Ipinahihiwatig nito na dapat nating bigyang halaga ang ating sariling wika. Nararapat lamang na
mas gamitin ang wikang Filipino sa lahat ng transaksyon na gagawin dito sa ating bansa upang mas
mapadali at magkaroon ng pagkakaintindihan ang lahat. Unawaain natin kung gaano kahalaga ang wika,
at ang pangkalahatang dulot at ambag nito sa mga tao. At kung naunawaan natin ito ng mabuti ay
maiisip natin na dapat umaksyon at makibahagi ang bawat isa upang lalong umunlad ang wikang
Filipino.

Samakatuwid, dapat nating gawing midyum ang wikang Filipino sa lahat ng aspeto ng lipunan.
kinakailangan rin na linangin pa ang paggamit ng wikang Filipino upang mas maitaas ang kalidad ng
pagsasalita nito. kung mahusay nating magagamit ang wikang Filipino sa ating buhay at iba-iba pang mga
aspeto nito ay masasabi ngang magbubunga ito ng kaunlaran, at ito ay maisasakatuparan lamamng kung
ito'y lubos at puspusang pinapairal sa iba't-ibang larangan at disiplina ng Pilipinas.

You might also like