You are on page 1of 1

Ang wika ay tumutukoy sa isang uri ng komunikasyong pantao.

Ito ay maaaring gawin sa paraan


ng pagsasalita o hindi kaya ay sa pagsulat. Ito ay mayroong sinusunod na masistemang
balangkas upang magkaroon ng maayos na pakikipagtalastasan sa ibang tao. Mahalagang
pahalagahan at paunlarin ang wika sapagkat ito ay nagbibigay ng daan para sa pagkakaisa ng
bawat mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad sa iba't ibang aspeto sa isang bansa. Ito ay
nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa. Kaya't sa
pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao. Higit sa lahat, nagsisilbi
ito bilang ating pagkakakilanlan. Sa pagamit ng wikang Filipino sa pagaaral ng agham at
teknolohiya mas naiitindihan ng nakararaming Pilipino. Sa mas malawak na kaalaman na dulot
ng mas naiintindihang mga konsepto dahil naisalin sa ating wika ay mas makakasabay ang ating
bansa sa pag-unlad ng agham at teknolohiya.

You might also like