You are on page 1of 1

Pangalan: Asniah A.

Sultan FIL124-Gg
“KAHALAGAHAN NG WIKA SA BUHAY NG TAO”
Ano nga ba ang WIKA?
Ang wika ang nagiging tulay natin upang magkaroon ng pagkakaintindihan at komunikasyon sa
bawat isa. Ito rin ang nagiging daan upang ipagtibay ang samahan ng iba’t ibang etnisidad. Ang
paggamit ng Filipino bilang pambansang wika ang nagubuklod sa mga karatig Isla upang maging isang
nasyon.
Ano ang kahalagahan nito sa Tao?
Mahalaga ito dahil sa tulong ng wika tayo ay nagkakaroon ng paraan upang makipag usap sa isa’t isa
maaring sa uri ng pananalita o pagsusulat kahit ano pa man napakalaking bagay ng pagkakaroon ng
wika upang maging maayos ang komunikasyon sa buhay ng tao. At kahit na may iba’t-ibang wika ang
bawat bansa sa buong mundo nag uugnay pa rin at nagsisilbing tulay ang wika upang magkaisa ang
mga tao.
Ang wika rin ay isang Instrumento na ginagamit ng bawat isa upang ilabasa ang kanilang
saloobin at damdamin, wika rin ang isang dahilan upang magkaroon ng kaunlaran ang ating bansa OO
kayang mabuhay ng isang tao ng walang wikang ginagamit ngunit ating pakatandaan na walang
bansang umunlad ng walang wikang ginagamit.

You might also like