You are on page 1of 1

“ Wika ang Salamin at Kaluluwa ng isang Bansa”

Wika, isang sistema ng komunikasyon na ginagamit ng bawat isa upang ipahayag ang ating mga
ideya, saloobin at mga impormasyong nais nating ibahagi sa pamamagitan ng pagsulat o pakikipagusap.
Iba't iba ang uri ng wika ng bawat isa. Ito ay nakadepende sa lugar o bansang ating sinilangan at
nakagisnan. Ang wika ay may napakalaking ambag sa pakikipagugnayan ng tao sa lipunan. Sumasalamin
din ito sa kasaysayan,kultura at tradisyon ng bawat lugar.

Hindi lingid sa bawat isa na ang bansang Pilipinas ay dumaan sa ilang saling pananakop, at dito
umusbong ang napakaraming bayani, kabilang ang ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal. Si Rizal
na napakatalino at maalam sa napakaraming lenguwaye mapa-ingles, wikang kastila, wikang pranses at
iba pa. Sa kabila ng pagiging multilingual mariin paring kinakampanya ni Rizal ang kahalagahan ng
paggamit ng sarili nating wika ang “Wikang Filipino”. Sa katunayan hanggang sa kasalukuyan ay walang
kamatayan ang binitawan niyang kataga na “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at
malansang isda.” kasabay ng pagsasabing “Ang wika ang salamin at kaluluwa ng isang bansa”.

“Ang wika ang salamin at kaluluwa ng isang bansa”. Matutukoy ang pagkakaisa ng isang bansa
kung naninindigan ang bawat isa na gumamit ng iisang wika. Sa pamamagitan nito mas magkakaroon ng
pagkakaunawaan, pagkakaintindihan at mas maayos na pakikipagkapwa na magbibigay daan sa pag-
unlad. Pinaunawa niya rin sa mga Pilipino na sa kabila ng colonial mentality na talamak din maging sa
kasalukuyan ay marapat na ipakita natin ang pangagalaga natin sa ating wika laban sa impluwensya ng
mga dayuhang wika,sa pamamagitan ng palagiang paggamit at pagtangkilik nito kaysa ibang wika
sapagkat ang ating wika ay isang kasangkapan ng ating pagkakakilanlan.

Ayon nga sa ating aralin ang pagpapahalaga sa wika ay nagpapatibay sa kulturang pinagmulan ng
isang tao. Sa pamamagitan ng pag iingat natin sa ating wika ito ay maipapasa natin ng henerasyon sa
henerasyon gamit ang mga kwento, kaugalian, at kaalaman na patuloy na makapagbubuklod sa atin.

Bilang panghuli, naway patuloy nating isabuhay ang malalim na kahulugan ng pahayag ni Gat
Jose Rizal na nagbibigay-diin sa mahalagang papel ng wika sa pag-unlad at pagpapayaman ng kultura ng
ating bansa, na ang wika ay nagiging instrumento ng pagpapakilala at pagsasalaysay ng kultura at mga
napakagandang kwento ng kasyasayan ng ating bansang Pilipinas sa buong mundo. Tangkilikin ito at
patuloy na gamitin!

You might also like