You are on page 1of 2

Pangalan: Aisha Nicole L.

Dones Seksyon: Disney

Adhikain ng Komisyon ng Wikang Filipino o KWF

Bawat bansa ay may wikang ginagamit upang makipag-usap sa kapwa-mamamayan.

Ngunit hindi lang ito ginagamit, kundi may dala rin itong kasaysayan, lahi, kultura at tradisyon ng

isang bansa. Ang wika at kultura ay magkabuhol. Napakaimportante ang wika sa isang bansa,

kaya naman ang ating pambansang wika, ang Wikang Filipino, ay dapat itaguyod.

Ayon sa isang artikulo ng The Manila Times, si Gat. Jose Rizal ay lubhang nagsikap na

maitaguyod and nasyonalismong Pilipino. Sinabi niya, gamit ang bibig ni Simon, ang ganito, “Ang

Kastila ay hindi kailan man magiging wikang pangkalahatan ng bansa; ang baya’y hindi kailan

man magsasalita nito. Bawa’t bayan ay may sariling wika gaya ng pagkakaroon niya ng sariling

pag-iisip. Pinagpipilitan ninyong mabuti na hubdan ang sarili ng angking katauhan bilang isang

bayan; nalilimutan ninyo na habang pinangangalagaan ng isang bayan ang kanyang wika ay

taglay niya ang isang tanda ng kanyang kalayaan, gaya rin ng pagtataglay ng kalayaan ng isang

tao habang pinangangalagaan niya ang kanyang sariling laya ng pag-iisip. Ang wika ay siyang

nagpapahayag ng mga kaisipan at mithiin ng isang bayan.”

Suportahan natin ang adhikain ng Komisyon ng Wikang Filipino o KWF na itaguyod ang

Wikang Filipino. Hindi dapat nating hayaan na ang ating wika ay unti-unting nakakalimutan ng

ating kapwa-Pilipino. Karamihan sa mga kabataan ngayon ay hindi na nagbibigay ng pansin sa

ating wikang Filipino. Mas nais nilang pag-aralan ang wika ng mga dayuhan. Huwag nating

hayaan na maimpluwensiyahan tayo ng mga ibang bansa sa pamamagitan ng kanilang mga wika.

Bigyan nating kahalagahan ang ating wika, ang siyang nagbibigay ng pagkakakilanlan sa ating

bansa, ang siyang bahagi ng pamana ng ating mga ninuno. Ang wikang Filipino ay ipinaglaban

ng ating mga ninuno, at ngayon nasa ating kamay ang buhay ng ating wika. Patuloy natin itaguyod

ang ating wika para patuloy itong mabubuhay sa mga susunod na henerasyon.
Ang wika ay nagsisilbing kasangkapan sa pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino saan

mang panig sa mundo. Ito ang susi sa kaunlaran ng ating bansa. Itaguyod natin ang Wikang

Filipino nang walang pag-alinlangan at puno ng sigasig.

You might also like