You are on page 1of 3

CHAPTER 1

THE PROBLEM AND ITS SETTING

Introduction

“Ang kabataan ay ang pag-asa ng ating bayan.” Ito ay isa sa mga napaka-

tinandaan ng mga tao na katagang binitiwan ng ating pambansang bayani na si Doktor

Jose Rizal noong siya'y nabubuhay pa. “Ang wika ay siyang nagpapahayag ng mga

kaisipan at maithiin ng isang bayan" Salitang tumatak din saating mga Pilipino na galing

kay Manuel L. Quezon na siyang ama ng wika. Ang wikang Filipino ang ating

pambansang wika. Ito ang sumisimbolo sa ating pagkapilipino. Ang wikang Filipino na

ating ginagamit hanggang sa kasalukuyan ay siyang maraming naitutulog sa atin tulad ng

pakikipagkomunikasyon at pakikipagkalakan. Ngunit sa paglipas ng panahon ito ay unti-

unting nagbabago dulot na rin ng modernisasyon at mga dayuhang impluwensya. Sa loob

ng maraming taon unti-unting nawawala ang sariling wika sa ating puso dulot ng

pagiging moderno ng mga tao. Tayong mga Pilipino ay nag-isip tungkol sa mga sanhi ng

pagbabago ng wika. Ang problema ay hindi isa sa pag-iisip ng mga posibleng dahilan.

Isang mahalagang yaman ng isang bansa ang sarili nilang wika. mahalaga rin

ang papel na ginagampanan ng wika sa lipunan partikular na sa pagpapahayag ng

saloobin ng marami na ginagamit sa iba’t ibang adbokasiya at pangangailangan.

Ginagamit sa malayang pagpapahayag ang wika. Ang malayang pamamamahayag ang

bumubuhay sa kakayahan ng tao na magsalita kahit na ordinaryo man ang estado mo sa


2

lipunan. Ito ay nagsisilbing salamin ng kanilanilang kultura, kasaysayan, at

pagpapahalaga ng isang bansa. Maliban dito, napatunayan na rin ang halaga ng wika

upang mas mapaunlad pa ang pamumuhay ng mga mamamayan. At dahil sa ating wika,

maayos ang palitan ng mga ideya na mahalaga naman upang mapanatili ang pagpapa-

unlad ng ating bayan. Nagagamit ang wika sa pagsisiwalat ng katiwalian, pagwawasto ng

mga kamalian, at pagbuo ng isang aksiyon para sa nagsasangang suliranin. Ang wika ay

isang mahalagang paksa ng pagaaral sa mundo.

Ang halaga ng wika sa ekonomiya, edukasyon, at pamamahayag, ay tinuturing

nating kayamanan. Mahalaga rin ang wika sa pagpapalaganap ng sining. Ang mga

akdang pampanitikan, mga biswal na sining tulad ng mga dula, pelikula, musika, at iba

pang pagtatanghal, ay hindi makatatayo kung walang wika. Malaki rin ang papel ng wika

sa pagtatala ng mahahalagang ganap sa kasaysayan na dapat nating balikan bilang

pundasyon ng ating kasalukuyan. Mahalagang bahagi ng buhay ang wika dahil dito

nabubuo ang mas mabisang unawaan ng mga tao. At upang magkaroon nang maayos na

buhay, kinakailangan ng pagkakaisa at komunikasyon na nagiging posible dahil sa

wikang ginagamit. Nakapaglalahad ng ideya at opinyon, nakapagpapalitan ng saloobin at

damdamin, at nagkakaroon ng kaayusan sa pagpapatupad ng mga bagay dahil sa wika.


3

You might also like