You are on page 1of 1

Rafadea Ysa Andrea P.

Umali
10- Antimony

ANG ALAMAT NG TOKOLOSHE

Ang alamat ng tokoloshe ay isang mito o istorya mula sa South Africa.


Itong istoryang ito ay patungkol sa isang tila dwende na Espirito na may
masamang loob at tila malikot na ugali. Ang ito ay tinawag na Tokoloshe sapagkat
ito ay nkakasagabal o problema sa buhay ng mga taong nabibiktima nito.
Sa istoryang ito aking mapapansin na ang mga nakikita kong kababalaghan
na mga akda mula sa Africa ay patungkol sa mga kaparusahan ng isang tao o mga
tao sa isang makapangyarihang nilalang na nagiging dahilan ng kanilangf k
amatayan o pagkahirap. Katulad na lamang sa nangyari sa pamilya ng isang bata sa
storya ng Tokoloshe. Ang isang N”anga ay tila pinarusahan ang isang bata dahil sa
ginawa ng kanyang mga magulang. At ang kaparusahang ito ay ang pangungulit at
pananakot ng tokoloshe sa kanya, ang pananakot na ito ay maaring magdulot
sakanya ng pagkamatay. Kaya kanyang pinagispan kung snino ang maaring may
kagagawan nito, at ang N”anga nga ang may gawa nito. Humiling ang bat ana
tanggalin na ang parusa sakanya sapagkat wala siyang kinalaman sa pagkalipat ng
kanilang pamilya na dating tinitirhan ng N’anga. Sinunod ng N”anga ang hiling ng
bata ngunit sa hindi inaasahan ay ang parusa ay nalipat sa kanyang mga magulang
na ngayon ay pinagbabayaran ang kanilang mga kasalanan sa N”anga.
Ang istoryang ito ay may halong kababalaghan at aral na lahat tayo ay may
mapupulot. Dahil dito sa istoryang nabasa ko ay aking napagtanto na ang
panitikang Africa at Persia ay mayroong madaming panig. Ang mga panitikang ito
ay nag bibigay sa lahat ng aral at magandang moral na magagamit natin sa ating
buhay. Sadyang kakaiba at unique nga ang kultura nila sapagkat binibigyan nila ng
pansin ang mga bagay at pati na rin ang mga espirito. Sapagkat sa kanilang
paniniwala ang mga bagay ay nandyan para sa magagandang rason, ito ay
manlalaban at bibigyan ka ng kaparusahan sa kadahilangang hindi mo narespeto at
bigyang pugay ang mga dapat igalang bigyang respeto.

You might also like