You are on page 1of 2

Pagsasaayos ng Tamang Waste Management

MAUBAN QUEZON, BRGY. BAGONG BAYAN

I. PROPONENT NG PROYEKTO
● SK. Kagawad Xyrus L. Agbayani

II. PAMAGAT NG PROYEKTO: Balik Plastik Mo, School Supplies Mo

III. PONDONG KAILANGAN: ₱75,000.00

IV. RASYONAL

Ang pagsasagawa ng Tamang Waste Management ng Brgy. Bagong Bayan, Mauban


Quezon ay isang programang nais ipatupad ng Sangguniang Kabataan. Patuloy ang pagdami
ng basura at ang hamon sa kaayusan ng komunidad dulot ng mga plastik. Ang
pagsasakatuparan ng nais na programa ang siyang magiging daan sa pagpapanatili ng
kaayusan at kalinisan ng kapaligiran.
Ang pagsasagawa ng proyektong ito ay mahalaga, hindi lamang para sa kapaligiran
kundi para din tulong sa edukasyon ng mga mag-aaral na nais makilahok. Nais ng
programang ito na magsulong ng kaayusan ng kapaligiran ng ating barangay lalo na sa
kaalaman at kamalayan ng komunidad na ating kinabibilangan. Kasama na dito ang
edukasyon ng mga mag-aaral dahil sa bawat tulong na kanilang maibigay ay dagdag tulong
pang edukasyon ang maibabalik sa kanila.

V. DESKRIPSYON AT LAYUNIN NG PROYEKTO

Deskripsyon
Ang proyektong ito ay magsisilbing solusyon sa suliraning pagdami ng basura upang
magkaroon ng malinis na kapaligiran para sa kaligtasan ng komunidad sa Brgy. Bagong
Bayan, Mauban Quezon. Magsisimula ang pagsasakatuparan ng programang ito sa
pamamagitan ng mga sponsor at pag-solicit ng mga donasyon na maaaring magmula sa
munisipyo o boluntaryong bigay ng mga kilalang personalidad. Ang mga nakalap na pondo
ang siyang magsisilbing pambili ng mga school supplies na gagamitin bilang kapalit ng mga
plastik na nakalap ng bawat kalahok.

Layunin
Layunin ng Proyektong ito na maisaayos ang kalagayan ng kapaligiran sa Brgy. Bagong
Bayan, Mauban Quezon upang masigurado ang kaligtasan at kalusugan ng pamayanan.
Layunin ng proyektong ito na magsulong ng pagkakaisa upang makamit ang nais na
kalagayan ng kapaligiran.

VI. KASANGKOT SA PROYEKTO


Kasangkot sa proyektong ito ang mga sumusunod:
● Sangguniang Kabataan
● Mga opisyales ng Barangay
● Mga Barangay Tanod
● Mga Boluntaryo
● Mga Mamamayan

VII. KAPAKINABANGANG DULOT

Ang proyektong ito ay makakabenepisyo sa buong mamamayan ng Brgy. Bagong


Bayan, Mauban Quezon. Ang kapakinabangang dulot ng proyektong ito ay ang maipakilala at
mabigyan ng kaalaman hinggil sa kahalagahan sa pag-aalaga ng kapaligiran. Nais nitong
masolusyonan ang araw-araw na pagdami ng basura na siyang bumabara sa ating mga kanal
na nagdudulot ng masangsang na amoy na hindi nakakabuti sa kalusugan ng pamayanan.

VIII. TALATAKDAAN NG MGA GAWAIN AT ESTRATEHIYA

Upang maisakatuparan ang proyektong ito, itinatakda ang sumusunod na mga gawain o
hakbangin.

Petsa Mga Gawain Pangalan ng Tagapamuno Lugar/ Lokasyon

Nobyembre 5, 2023 Pagpupulong kung saan SK Kagawad Xyrus L. Agbayani Brgy. Bagong Bayan
tatalakayin ang mga Barangay Hall
aktibidad na gaganapin

Nobyembre 9-13, 2023 Pagsolicit ng donasyon Munisipyo at kilalang mga Brgy. Rizaliana,
personalidad na maaaring Mauban Quezon
magbigay ng taos-pusong
tulong.

Nobyembre 14-15, 2023 Pagbili ng mga School Sangguniang Kabataan MidTown,


supplies bilang gantimpala Brgy. Rizaliana,
Mauban Quezon,

Nobyembre 20, 2023 Pagsasagawa at Mangongontrata at Brgy. Bagong Bayan


pagsasaayos ng Sangguniang Kabataan Barangay Hall
programang ‘Balik Plastik
Mo, School Supplies Mo’

IX. GASTUSIN NG PROYEKTO

Sa proyektong ito, tinatayang gugugol ang Sangguniang Kabataan ng kabuuang halaga


na Php. 8,200.00 na inilaan sa sumusunod na pagkakagastusan.

Bilang ng Aytem Pagsasalarawan ng Aytem Presyo ng Bawat Aytem Presyong Pangkalahatan


(Php) (Php)

500 piraso Lapis 10.00 5,000.00

500 piraso Ballpen 15.00 7,500.00

500 piraso Pantasa 18.00 9,000.00

500 piraso Pambura 5.00 2,500.00

500 piraso Pad Paper 31.00 15,500.00

500 piraso Plastic Envelope 45.00 22,500.00

500 set Krayola 20.00 10,000.00

KABUUANG GASTUSIN 72,000.00

You might also like