You are on page 1of 3

Barangay Cresencia Village

Republika ng Pilipinas
Lalawigan ng Benguet
Siyudad ng Baguio

Panukalang Proyekto

I. PAMAGAT NG PROYEKTO: Kwentuhan sa Barangay

II. PROPONENT NG PROYEKTO: Sherelyn M. Orilla

III. PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN:


Isa ang Cresencia Village sa 129 na Barangay ng Lungsod ng Baguio. Batay sa 2020
census, ito ay may 1,671 na populasyon kung saan may 336 na batang edad 4-9 at 387
naman na batang edad 10-18.
Isa sa mga suliraning nararanasan ng barangay sa kasalukuyan ay ang kapansin
pansin na mga kabataang may edad 10-18 na gumagala sa Barangay tuwing sabado at
linggo o sa mga araw na walang klase. Ang ilan sa kanila ay tumatambay sa mga
abondonadong bahay o gusali o di kaya naman ay sa basketball court ng BPI compound
sa DA-CAR. Mapapansin din na naninigarilyo ang mga kabataan sa mga naturang lugar.
Sa sitwasyong ito, kailangan ng mga kabataan ang isang gawaing kapakipakinabang
nang sa ganun ay magkaroon ng dibersiyon ang kanilang atensiyon kung saan sa halip
na tumambay o magpalipas ng oras nang walang nagagawa, ilalaan nila ang kanilang
oras sa pagtulong sa barangay.

IV. DESKREPSIYON NG PROYEKTO:


Ang panukalang “Kuwentuhan sa Barangay” ay isang programa na naisip ng
proponent na soluyson sa problema ng Barangay. Aanyayahan ng mga opisyal ng
Sangguniang Kabataan ang mga kabataan edad 10-18 na magdaos ng “Kuwentuhan sa
Barangay” kung saan, ang mga kabataan 10-18 ang magsisilbing tagapag kuwento sa
mga batang may edad 4-9 tuwing sabado, linggo, at sa mga araw na walang klase. Ang
kuwentuhan sa Barangay ay idaraos sa bulwagan ng Barangay tuwing 10:00-11:00 ng
umaga ng Sabado.
Ang panukalang programa ay may tatlong bahagi:
BAHAGI PETSA INAASAHANG GAWAIN
I. Pagpaplano ✓ Ika-17 ng Setyembre ✓ Pagpapasa ng
2022 panukalang proyekto sa
opisina ng Sangguniang
Kabataan ng Barangay
Cresencia Village, Baguio
City
✓ Ika-24 ng Setyembre ✓ Pagkakaroon ng
2022 pagpupulong kasama ng
mga opisyal ng SK-
Cresencia Village
✓ Ika-1 ng Oktubre ✓ Pagkakaroon ng
2022 pagpupulong kasama
ang mga kabataang edad
10-18 sa Bulwagan ng
Barangay (Barangay
Hall)
✓ Ika-8 ng Oktubre ✓ Pagpaplano ng mga
2022 kabataan sa gagawing
kuwentuhan sa Barangay
II. Implementasyon ✓ Tuwing sabada ✓ Pagkakaroon ng
magsisimula sa ika-22 kuwentuhang pangbata
ng Oktubre, 2022 sa mga bata edad 4-9 sa
hanggang ika-21 ng Bulwagan ng Barangay
Disyembre, 2022 Cresencia, Baguio City
III. Ibalwasyon ✓ Ika-7 ng Enero 2023 ✓ Ibalwasyon ng mga
kabataan at opisyal ng
Sangguniang Kabataan
ng Cresencia Village sa
“Kuwentuhan sa
Barangay”

V. LAYUNIN NG PROYEKTO:
Layunin ng Kuwentuhan sa Barangay na:
1. Mabuksan ang kaisipan ng mga kabataan sa magandang dulot ng
pakikilahok at pagboluntaryo sa kanilang Barangay;
2. Mailayo ang mga kabataan sa anumang kapahamakan;
3. Makamtan ang layuning kabutihang panlahat.
VI. BADYET AT MGA KAKAILANGANING MATERYALES
Quantity Item Description Amount Total Amount
30 pcs Cartolina Php 10.00 Php 300.00
30 box by 16 colors Crayons Php 24.00 Php 720.00
1 box by 12 pcs Pencil Php 48.00 Php 48.00
10 pcs sharpener Php 5.00 Php 50.00
10 pcs scissors Php 20.00 Php 200.00
10 pcs glue Php 12.00 Php 120.00
1 set stamps Php 60.00 Php 60.00
1 Stamp pad Php 30.00 Php 30.00
30 packs cookies Php54.00 Php 1,620.00
30 packs juice Php80.00 Php 2,400.00
TOTAL Php 5,548.00

VII. BENEPISYO NG PROYEKTO AT MGA MAKIKINABANG NITO


Ang “Kuwentuhan sa Barangay” ay magiging kapaki-pakinabang sa lahat ng
mamamayang ng Cresencia Village, Baguio City. Ang panganib ng masamang
barkadahan ay maiiwasan bagkus ang magandang barkadahan ang maituturo sa
mga kabataan.
Ang pagbibigay ng responsibilidad sa kabataan sa barangay katulad ng
pagkukuwento sa mga bata tuwing libreng oras ay isa lamang sa paraan upang
masigurong makapag bahagi ang mga kabataan sa katatagan at katiwasayan ng isang
lipunan.
Makikinabang ang mga bata edad 4-10 dahil maliban sa karanasan nilang
‘kuwentuhan sa barangay’ maituturo din sa kanila ang partisipasyon ng kabataan sa
barangay.
Makikinabang din ang mga magulang ng mga kabataan dahil masisiguro nilang
ang kanilang anak edad 10-18 ay aktibong nakikilahok sa programa ng barangay sa
halip na tumatambay sa barangay.
Para sa mga opisyal ng Barangay, mailalaan na nila ang kanilang oras sa ibang
gawaing pambarangay sa halip na nagsisita ng mga kabataang tumatambay o
gumagala sa barangay.
Sa kabuuan, ang “kuwentuhan sa Barangay” ay isang paraan upang makamtan
ang layunin ng lipuna: ang kabutihang panlahat.

You might also like