You are on page 1of 2

Panukalang Proyekto

Pamagat:
PERA SA BASURA

Proponent ng Proyekto: Charisse Yvonne O. Balane


9A P. Grande St. Brgy. Pedro Cruz, San Juan City
balaneyvonne@gmail.com
09350880736
Kategorya ng Proyekto: Clean up drive
Petsa: 11/20/2022 – 11/30/2022 (Isang Buwan)

Rasyonal ng Proyekto

Ang ating barangay ay may mga paraan para matugunan ang problema sa basura para
mapanatili ang kalinisan at kaayusan, kaya naman bilang suporta ang pagrenta ng
isang “Recycling Plastic Machine” sa loob ng sampung araw na matatagpuan sa ating
barangay hall, mapapagana ito sa pamamagitan ng paghulog ng mga plastic na bote at
ang kapalit ay pera base sa kung gaano karami ang maihuhulog mo sa machine. Ang
mga nabubulok naman na mga basura katulad ng mga balat ng prutas at gulay ay may
hiwalay na lalagyan.

Deskripsyon Ng Proyekto

Ang layunin ng proyekto na ito ay matugunan ang problema ng ating mahal na


barangay sa basura. Makakatulong ang proyektong ito sa pamamagitan ng pagkolekta
at pag proseso ng mga basura, lalo na mga plastic bottles, na maaari pa na
pakinabangan para maiwasan ang mga hindi magandang maidudulot nito sa ating
kalikasan katulad ng pagbaha at sa kalusugan ng tao. Sa pamamagitan ng
pagkakaroon muna ng isang araw na seminar, maipapaliwanag nang maayos sa tao
ang nasabing proyekto.
Layunin:
 Matutunan ng tao ang tamang pagtatapon ng mga basura.
 Pagsusumikap para maparami ang mga basura na kanilang ibibigay sa barangay
para sa kapalit na pera, magreresulta ito ng kabawasan sa kalat sa ating lugar.
 Magkaroon ng malinis, maganda at ligtas na barangay.

Plano ng dapat gawin:


Petsa Aktibidad Tao
November 20, 2022 Pag renta ng gagamitin na Ang mga namumuno
machine sa barangay
November 21, 2022 Seminar/ Mga mamamayan ng
Simula ng nasabing barangay
proyekto
Dec 30, 2022 Pagtatapos ng Proyekto/ Mga namumuno sa
Paglikom ng mga barangay
nakolektang basura

Badyet

Materyales/Gastusin Halaga
Renta ng Recycling Machine(1) ₱30,000
Exchange rate ₱10,000
Kabuuang Halaga: ₱40,000

Pakinabang

Ang pakinabang ng ganitong pag re-recycle ay mabawasan ang ating mga basura, na
mag re-resulta sa maganda at ligtas na lugar na ating ginagalawan. Maaari rin magamit
ang mga nakolektang basura katulad na lamang ng mga bote sa pagbuo ng mga
materyales na maaari pa na magamit at ang mga balat naman ng ating mga prutas o
gulay ay maaaring magamit bilang isang fertilizer na mainam para sa pagtatanim. Sa
kabilang banda, hindi ka lang nakakatulong para mabawasan ang kalat sa paligid,
maaari ka rin magkaroon ng maliit na halaga ng pera na pwedeng ipang dagdag sa
gastusin, lalo na ngayon na mataas na ang mga bilihin. Kaya nga sinabi na “May pera
sa bsura” dahil ito ay totoo na makakatulong sa atin sa maayos na paraan. Lagi natin
panatilihin ang kaayusan at kalinisan sa ating mga lugar para maiwasan natin ang mga
pagbaha at sakit na pwedeng maidulo nito.

You might also like