I.
Pamagat ng Proyekto
PANUKALANG PROYEKTO: BASURAHAN NA PARA SA LAHAT PATUNGO SA
LIGTAS AT MAALIWALAS NA BUKAS SA BARANGGAY PACLASAN, ROXAS
ORIENTAL MINDORO
II. Proponent ng Proyekto
Kim Chen Yukie Alcoran, O. Princess Dianna Salazar, D.
Morente Bongabong, Oriental Mindoro San Mariano, Roxas, Oriental
09676812885 Mindoro
09053558349
Jirieh Glori, B. Kate Clou Dimatulac, R.
Balugo, Mansalay, Oriental Mindoro San Aquilino, Roxas, Oriental
09923767530 Mindoro
09776986227
Emmanuel Flores, B. Noel Lucas, B.
Bagumbayan, Roxas, Oriental Mindoro Paclasan, Roxas, Oriental Mindoro
09762811921 09532222493
III. Rasyunal ng Proyekto
Ang bansang Pilipinas ay isa sa mga bansa na nakakaranas ng iba’t ibang sakuna dahil sa
hindi maayos na pagtapon ng basura sa tamang lagayan. Ang mga basurang ito ay maaring
maging sanhi ng pagkapahamak ng kalusugan ng tao at mga hayop sa mundo. Kung kaya
naman higit na mas kinakailangan ng mga komunidad na magkaroon ng mga basurahan
upang magkaroon ng maayos at maaliwalas na komunidad. Kaakibat nito ang pagtapon nila
sa tamang lagayan kung ang basura ba nila ay nabubulok, di-nabubulok at kung nareresiklo.
Mahalagang bagay rin ang paghihiwalay ng mga basura upang mas mapabilis ang pagtapon
at mas maiwasan ang iba’t ibang uri ng sakit.
Ang magandang komunididad ay kaakibat ang malinis na kapaligiran. Mahalagang
bigyang pansin ang pagkakaroon ng “proper solid waste management” na kung saan ay ang
tamang pagtapon ng basura ng mga residete ng barangay ng Paclasan, Roxas Oriental
Mindoro. Isa sa mga suliranin na kinakaharap ng ating bansa ay ang pagdami ng basura at
pagkalat nito sa kapaligiran na nagbubunga ng iba’t ibang mga problema sa komunidad
katulad na lamang ng pagdami ng lamok dahil sa mga basurang naka-imbak lamang at
nagdudulot ng sakit na dengue at iba pa. Ang basura ay nagiging sanhi ng pagbaha sa
kanilang lugar dahil sa pagpigil ng mga basura sa tamang pagdaloy ng tubig sa mga kanal at
estero na nakakapagsagabal sa daloy ng tubig tuwing umuulan.
Ang aming iminu-mungkahing solusyon ay ang paglalagay ng mga basurahan sa bawat
sitio ng barangay ng Paclasan na kung saan ay may mga tarpaulin na magbibigay ideya sa
mga residente para sa mga basurang nabubulok, di-nabubulok at kung nareresiklo ang mga
ito. Ang “proper waste management” din ay higit na makakatulong sa kanilang komunidad
upang mabawasan ang pagdulot ng sakit, pagbabaha sa kanilang lugar at pagkakaroon ng
malinis na tubig para sa mga naninirahan sa Paclasan. Sa paraang ito ay mas mapro-
proktehan ang bawat isa sa ano mang sakuna sapagkat mahalagang bagay rin ang
pagtapon ng basura sa tamang lagayan.
IV. Katgegorya
Ang proyektong ito ay pang komunidad at ang mga residente ng mga taga barangay
Paclasan ang makikinabang. Magsasagawa ng basurahan upang maiwasan ang
paglaganap ng sakit at magkaroon ng maaliwalas na komunidad.
V. Petsa
Mga itinakdang mga petsa sa pagsa-sagawa ng aming panukalang proyekto:
PETSA GAWAIN KASAPI
Setyembre 18-19, 2024 Sa ika-1 araw: pag hinging Mayor ng bayan at ang mag
permiso sa Munisipyo pagbigay papatupad ng proyekto.
ng “solitcitatiom letter” at pag
hingi ng pahintulot.
Setyembre 20, 2024 Sa ika-2 araw: mangongolekta Mga mag papatupad ng
ng pinansyal na tulong galing sa proyekto.
na solisit
Setyembre 21-23, 2024 Sa ika-3 araw: ipapamigay ang Mga mag papatupasd ng
mga materyales sa bawat sitio proyekto, mga mangagawa na
ng paclasan at maari na rin gawa sa proyekto at opisyales
itong gawin ng bawat sitio.
Setyembre 24-27, 2024 Sa huling araw: uumpisahan Mga mag papatupad ng
ang palalagay ng mga proyekto,mga mang gagawa at
materyales at pagsasagawa ng opisyales sa bawat sitio.
proyekto
VI. Mga Layunin
Ang layunin ng proyektong ito ay ang magkaroon ng malinis at maaliwalas na
kapaligiran para sa komunidad dahil ang pag hihiwalay ng mga basura ay maaring
malimitihan ang mga "bacteria" at "germs" na maaring kumalat at makapag-dulot ng iba't
ibang klase ng sakit. Sa pagkolekta rin ng mga basura ay mababawsan ang mga polusyon na
dulot ng basura at magkakaroon ng maaliwalas na kapaligiran na siyang magdudulot. Ang
aming proyekto ay hindi lang para sa kumonidad, ito rin ay para makatulong sa mga
nakararami. Ang sitwasyong ating kinakaharap ay masyadong nakakaapekto na sa ating
pamayanan, ito ang dahilan kung kaya't ganito ang aming nirepresenta na panukalang
proyekto Ang proyektong aming nirerepresenta ay hindi lamang tungkol sa kalinisan ng
ating kapaligiran.
Ito ay nagsisimbolo ng pagkakaisa at pagkatuto ng bawat-isa sa pagpupulot at
paghihiwalay ng kani-kanilang basura bago ilagay sa tamang lalagyan, iwasan natin ang
pagsunog ng mga kalat, kaya nga may 3rs, Reduce: Iwasan ang paggamit ng mga hindi
nabubulok at huwag itong sunugin, Reuse: Yung mga hindi nabubulok katulad ng plastik na
bote, plastik na mga balat , mga bubog, mga bakal, mga lata at iba pang uri ng plastik ay
maaaring magamit muli, kaya ilagay sa tamang basurahan, dahil ang sasakyang
mangongolekta ng basura ay dinadala ito sa isang pabrika kung saan gumagawa ng mga
palamuti sa bahay na gawa sa mga basurang hindi nabubulok.
Ang pagkakaroon ng simpleng kaalaman patungkol sa tamang pagtapon ng basura
sa tamang lalagyan, pag-iwas sa pagsunog at hindi pagtapon sa kung saan-saan ay isang
malaking tulong sa ating pamayanan. Ito ay isang simple ngunit malaking bagay sa
komunidad at para rin malayo tayo sa mga sakit. Sa basura nagsisimula ang pagkakaroon
ng problema sa kalusugan kung kaya't sana ay masunod ng mga nakararami ang paalala.
VII. Deskripsyon ng Proyekto
Ang aming proyekto ay naglalayon na maisagawa at maisakatuparan ang pag-aalis ng
mga pakalat-kalat na basura sa ating komunidad. Ang sitwasyong ito ay maaaring
makaapekto sa kalusugan ng mga mamamayan, hayop at iba pang mga nabubuhay na
organismo. Ang proyektong ito ay nagnanais na maging malinis ang paligid upang ang ating
makikita ay kasiya-siya at hindi mag pipigil sa paghinga dahil sa mga nagliliparang plastik
at papel, mga lampin/diaper ng mga bata na nagsikalat dahil walang basurahan at
tinatangay na ng mga asong gala, mga nabubulok na balat ng mga gulay, at mga nabubulok
na balat prutas.
Ang aming proyekto ay tungkol sa paglalagay ng tatlong lalagyanan basurahan sa
bungad ng kada Sitio ng Barangay sa ating komunidad, kung saan ay may nakadikit sa
bawat basurahan na (laminated) tatlong Rs; Reduce, Reuse, Recycle. Ang basurahan ay
nangangailangan ng itim na trash bag kung saan doon ilalagay ng direkta ang mga basura,
at hindi sa mismong lalagyan, ang basurahan din ay nangangailangan ng galvanized steel na
lalagyan, upang ito ay hindi tumumba at kumalat lalo. Kami rin ay maglalagay ng tarpulin sa
gilid ng lalagyan ng basurahan, ito ay magsisilbing paalala sa mga hindi magtatapon sa
tamang lalagyan.
Ang isa pa naming nais ipatupad ay ang paglalagay ng CCTV sa bungad ng Sitio sa tapat
ng basurahan, ito ay upang masubaybayan ng maigi ang mga magtatapon sa basurahan, at
kapag nakita naman na hindi nagtapon sa tamang basurahan, ang may kasalanan ay
magbabayad ng nagkakahalagang limang daan, at ang limang daan na iyon ay maaaring
ilagay sa banko at maaaring gawing donasyon kapag may nangyare sa ating komunidad. Sa
aming ninanais na maipatupad, isa sa pinakahuli ay ang pagkakaroon ng dalawang
sasakyan(4 wheelers truck) na magsisilbing tagakuha ng basura sa bawat Sitio ng Barangay
tuwing Sabado ng umaga hanggang hapon at itatapon sa lugar ng tapunan ng mga basura.
Ang aming proyekto ay hindi lang para magkaroon ng kalinisan ang kapaligiran, ito ay
para sa ating kalusugan, para rin matutunan ng bawat isa ang kasipagan at pagkakaisa,
imbes na kumuha ng diyanitor para maglinis at maghiwalay ng mga basura sa paligid sa
bawat Sitio, bakit hindi gawin ng bawat-isa. Kami ay magiging strikto pagdating sa kalat
‘pag ito'y napatupad at naaprubahan ng mga nasa itaas. Marami rami na rin ang gumawa ng
ganitong proyekto pero noong naaprubahan ay hindi naisakatuparan, kaya laganap pa rin
ang basurang nagsisikalat sa paligid, naaapektuhan din ang drainage na nagiging sanhi ng
pagbaha tuwing may malakas na pag-ulan sa komunidad.
VIII. Implementasyon at Iskedyul (Action Plan)
Ang aming panukalang proyekto ay mangyayare lamang sa distrito ng buong Roxas.
Kung inyong mamarapatin, kami ay nagnanais na masimulan na ito sa araw ng Linggo,
alas sais ng umaga hanggang alas-kwatro ng hapon, ika-20 ng Septiyembre, ito ay ang
araw ng aming pangongolekta ng mga na solicit sa mga nakatataas. Sa araw naman ng
Linggo hanggang Lunes, ito ay ika-21 hanggang ika-23 ng Septiyembre ay ang araw ng
aming pamimili ng materyales, pagkatapos noon ay amin rin itong ipapamahagi sa mga
manggagawa na naka asayn sa kada Sitio ng Barangay sa buong Roxas upang ihanda ang
mga gagamitin bago magsimula sa pag implento ng panukalang proyekto.
Araw ng Martes ika-24 ng Septiyembre ng umaga ay maaari nang simulan ng mga
manggagawa ang paggawa ng MRF at pagkabit ng mga CCTV sa kada Sitio. Para sa ating
manggagawa, malaki ang ating pasasalamat sa kanila dahil hindi lang sila bahagi ng
pagpapatupad ng proyekto, kundi sila ang manggagawa at ang gagawa ng ating
proyekto. Bigyan rin sana natin sila ng suporta, kahit pagbati lamang kung sila ay ating
makita o makasalubong, pampagana lamang upang sila’y maging determinado.
Sa araw naman ng Miyerkules hanggang Biyernes, ika-25 hanggang ika-27 ng
Septiyembre, sa mga araw na iyon ay aming sinisigurado na ang pag iimplento ng
panukalang proyekto ay matapos. Kaya kami ay nagnanais rin na sana ang mga
mamamayan ay magtulungan, at magsuporta sa panukalang proyekto sa bawat Sitio ng
mga Barangay sa distrito ng buong Roxas.
IX. Liham Tulong Pinansyal
Mapagpalang araw po! ______ ng baranggay Paclasan, nais po naming humingi ng
sulisitaryo para sa aming proyekto na mga basurahan para sa “proper waste
management” ito ay makakatulong upang matutunan ng mga taga baranggay Paclasan
Ang tamang pag hihiwalay ng nabubulok sa di-nabubulok at pag recycle ng mga
kalat, upang maiwasan ang pag tapon sa kung saan lang na maaring makasira sa ating
kalikasan.
Kami ay humihingi na pinansyal na suporta upang mapondohan ang aming proyekto
isasagawa. Kami rin humihingi ng pahintulot sa nakakataas ng institusyon para
maisagawa ang natukoy na proyekto.
Lubos kaming nagpapasalamat sa tulong na inyong mabibigay.
MGA NAGSASAGAWA NG
PANUKALANG PROYEKTO:
ALCORAN,KIM CHEN YUKIE O.
DIMATULAC, KATE CLOU R.
FLORES, EMMANUELLE B.
GLORI, JIREIH B.
LUCAS, NOEL JR B.
SALAZAR, PRINCESS DIANA D
X. Badyet
Aktibidad Inaasahang Awtput Petsa
Paghingi ng permiso sa Magpapapirma ng solicitation letter at Setyembre
Munisipyo hihingi ng pahintulot sa Munisipyo. 18-19
Pagbili ng mga Mangongolekta ng pinansyal na tulong galing Setyembre
materyales sa mga nasolisit. 20
Pamamahagi ng mga Ipamimigay ang mga napamiling materyales Setyembre
materyales sa bawat sitio ng Paclasan at maarin na nila 21-23
itong gawin.
Pagsa-saayos ng mga Uumpisahan ang paglalagay ng mga Setyembre
binigay na materyales materyales at pagsasagawa ng proyekto. 24-27
Aytem Bilang Halaga Kabuuang halaga
Basurahan 27 100 2700
Garbage bag 9 30 270
Trash can holder 9 1500 13,500
Laminated sign 27 30 810
Tarpulin 9 100 900
Cctv 9 1000 9000
Kabuuang halaga: 2760 Php: 19,000
Mga Materyales na kinakailangan:
XI. Mga benepisyaryo
Ang pagkakaroon ng mga basurahan, garbage bag trash can holder, mga laminated
signs, at tarpaulin awareness campaign ay magdudulot ng maraming benepisyo sa ating
komunidad. Sa mga residente, ito ay magbibigay ng mas organisadong paraan ng
pagtatapon ng basura, na makakatulong upang mapanatiling malinis at kaaya-aya ang
kanilang mga paligid. Ang pagkakaroon ng mga malinaw na palatandaan ay magpapataas
ng kamalayan tungkol sa tamang pag-dispose ng basura at makatutulong sa disiplina ng
bawat isa.
Para naman sa mga opisyal, ang proyektong ito ay magsisilbing malaking tulong
upang maipatupad nang maayos ang mga patakaran ukol sa kalinisan. Mababawasan ang
mga problema sa basura at polusyon, na nagpapagaan ng trabaho sa pagpapanatili ng
kaayusan ng buong komunidad. Magiging mas episyente rin ang pagkolekta ng basura dahil
sa organisadong sistema.
Sa kabuuan, ang buong pamayanan ay makikinabang dahil sa malinis na kapaligiran,
maayos na sistema ng pamamahala ng basura, at mataas na kamalayan sa mga isyu ng
kapaligiran. Ang proyektong ito ay hindi lamang magdadala ng kalinisan, kundi pati na rin
ng kasanayan at pagkakaisa para sa isang mas maayos at mas ligtas na komunidad.
PANUKALANG PROYEKTO: BASURAHAN NA PARA SA LAHAT PATUNGO SA
LIGTAS AT MAALIWALAS NA BUKAS SA BARANGGAY PACLASAN, ROXAS
ORIENTAL MINDORO