You are on page 1of 2

Department of Education

Region IV-A CALABARZON


CITY SCHOOLS DIVISION OF DASMARIÑAS
PALIPARAN III SENIOR HIGH SCHOOL

Basurahan Para sa Malinis at Ligtas na Subdibisyon

Mula kina:

St. Joseph RichField Subdivision, Barangay Tagapo,

Santa Rosa City, Laguna

09455278036

Nobyembre 22, 2020

Panahong itatagal: Disyembre 1, 2020- Disyembre 8, 2020 (Isang

Linggo) Rasyonal

Nais ng proyektong ito na maisagawa, marahil hindi lingid sa ating kaalaman na ang aming
subdibisyon ay dumadaan sa hakbang na kailangan ng maayos at wastong malinis na kapaligiran.
Bilang suporta sa ganitong pagsubok na kinakaharap ng aming subdibisyon, ang paglalagay ng
mga basurahan sa bawat block ng subdibisyon at sa clubhouse kung saan maraming homeowners
ang pumupunta tuwing hapon ay makakatulong upang maiwasan ang pagtatapon ng basura kung
saan-saan.
Layunin ng panukalang proyekto na ito na mabigyang kaalaman ang mga homeowners sa
pamamagitan ng isang seminar tungkol sa tamang paghihiwalay ng mga basura at pag recycle sa
mga ito. Dahil dito, mas maiintindihan ng bawat homeowners na kung may sapat silang
kaalaman ay maiiwasan ang mga sakit na maaaring makaapekto sa kalusugan ng kanilang mga
pamilya.

Deskripsyon ng Proyekto

Ang deskripsyon ng proyektong ito ay makabili at maisagawa ang tatlong basurahan na


mayroong laybel na “nabubulok” “hindi-nabubulok” at “nareresiklo”. Nang sa gayon ay
makatulong sa bawat residente at upang maging mas malinis ang aming subdibisyon.
Magkakaroon din ng seminar tungkol sa tamang pagtatapon at paghihiwalay ng mga basura. Sa
pamamagitan ng seminar na ito maikikintal sa isipan ng mga homeowners ang kahalagahan ng
tamang pagsasaayos ng mga basura, dahil dito rin nakasalalay ang kanilang kalusugan ng
kanilang mga pamilya.

Layunin
● Matututunan din ng bawat homeowners ang pagsisikap, pagsisikap upang maparami ang
basura na kanilang kinokolekta at dahil dito ay mas magiging malinis na ang
subdibisyon.
● Paghiwa-hiwalayin ang mga basura upang maisaayos ang kasalukuyang sistema sa
pagtatapon ng basura at mapigilan ang polusyon sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga
kagamitan sa pagbabasura
● Ninanais din ng panukalang ito na maituro sa bawat residente ang kahalagahan ng pagre-
recycle ng mga basura.
● Layunin ng proyektong ito na magkaroon ng kaaya-ayang kapaligiran at makaiwas sa
kung anuman ang sakit na pwedeng nating makuha pagdating sa usaping basura.

Plano ng dapat gawin


Department of Education
Region IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF DASMARIÑAS
PALIPARAN III SENIOR HIGH SCHOOL

Petsa at Aktibidad Mga Mga Lugar


Bilang ng taong Pangangailang
Araw kasangk an
ot
Disyembre 1, Pagbili ng Bibilhin ng Ace
2020 basurahan bawat lider ng Hardwa
Homeowners re
Association
Disyembre 8, Paglalagay Ipapamahagi Sa kanto
2020 ng mga ng bawat lider ng bawat
basurahan sa ng block, Sa
naaayon na homeowners clubhouse
lugar association

Badyet

Mga gastusin Halag


a
Basurahan (63) ₱800
Kabuuang Halaga: ₱50,4
00

Pakinabang
Kinakailangang maintindihan ng bawat homeowners na lahat sila ay lumilikha ng basura.
Kung sino ang nakikinabang ng basura ang siyang may responsibilidad, sa madaling salita dapat
nang maglagay ng basurahan sa bawat block ng subdibisyon at sa clubhouse upang maisaayos ng
tama ang bawat basura ng mga homeowners.

Ang pagsasaayos at paghihiwalay ng mga basura sa subdibisyon ay magiging


kapakipakinabang sa mga homeowners. Kinakailangan na mabigyan ng tamang seminar ang
bawat homeowners na mamumulat sila sa katotohanan na dapat ay marunong silang magtapon
ng basura sa naaayon na paglagyan nito. Magiging maaliwalas ang kapaligiran ng subdibisyon sa
oras na maipatupad ang proposal.

Inihanda nila:

Inaprubahan ni:

MA MICA ELLA S. CASBADILLO

Guro sa Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan

You might also like