You are on page 1of 2

PANUKALA PARA SA WASTONG PAGTAPON AT PAGHIHIWALAY NG MGA

BASURA O PROPER WASTE DISPOSAL


Mula kay Nicole V. Resare
345 Purok 2, Barangay Panal
Tabaco, Albay
Ika-3 ng Mayo, 2023
Haba ng Panahong Gugulin: Tatlong Linggo

I. Pagpapahayag ng Suliranin
Ang Barangay Panal ay isa sa bayan ng Tabaco, Albay. Isa sa mga nangungunang suliranin ng barangay ay ang
hindi maayos na pagtapon ng mga basura at kawalang disiplina ng mga mamamayan. Marahil kahit na ay mga basurahan
sa barangay, ay nakukulungan ang mga mamamayan ng disiplina na iatapon ang mga basura sa angkop na lagayan. Sa
kadahilanang ito, nangangailanagan ang barangay ng seminar patungkol sa wastong pagtapon at paghihiwalay ng mga
basura o proper waste disposal. Maipapakita at mailalahad dito ang mga dahilan kung bakit ba nating kailangan
paghiwalayin an gating mga basura. Kasama na rito ang wastong pamamaraan ng pag-segregate n gating mga basura.

II. Layunin
Ang layunin nito ay upang malaman ng mamamayan ang importansiya ng maayos na pagtapon at upang
malingkod itong disiplina para sa kanilang mga sarili sa maaring epekto ng hindi maayos na pagtapon ng basura sa
tamang lagayan. Ito din ay makatutulong sa pagpapaganda ng kalikasan, maiwasan ang sakit tulad ng dengue, at
mapanatiling malinis ang ating kapaligiran.

III. Plano na Dapat Gawin


1. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglalabas ng badyet (Tatlong Linggo)
2. Pagpulong ng konseho at opisyal ng Barangay para sa gaganapin na seminar. (Isang Araw)
3. Paghahanap ng kinakailangang tao na maaring tumulong at maging tagapagsalita. (Apat na Araw)
4. Pagaayos ng lugar kung saan igaganap ang nasabing seminar sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga sound
system at iba pang mga kakailangan gamitin. (Dalawang Araw)
5. Pagtakda kung saan at kailan gaganapin ang seminar.
6. Pagbibigay-alam sa mamamayan ng Barangay upang maipaalam sakanila ang layunin ng proyekto.

IV. Badyet
Mga Gastusin Kabuuan Halaga
I. Pagpapagawa ng Tarpaulin, nakasaad
dito ang 3R’s at ang mga basura na 5 PHP 500
kinakakailangan ilagay sa tamang
lalagyan.
II. Pagkain para sa mga opisyal,
tagapagsalita at mga volunteer na 15 PHP 1500
tutulong sa seminar na magaganap.
III. Badyet para sa mga Plastic Drum
na ilalagay sa iba’t ibang sulok sa 6 PHP 4000
Barangay.
Kabuuang Halaga PHP 6000

V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang


Ang kaalaman ng mga mamayaman sa wastong pagtapon at paghihiwalay ng mga basura ay magiging
kapakipakinabang sa lahat ng naninirahan sa Barangay Panal. Ang proyektong ito ay makatutulong sa
pagpapanatiling malinis ang lugar at pagiging maaliwalas ng ating kapaligiran. Makikinabang ang lahat dahil ang
malinis na kapaligiran ay nagdudulot ng malusog na pangangatawan. Sa paraang ito ay mailalayo tayo sa
panganib tulad ng pagkakaroon ng iba’t ibang sakit tulang ng dengue, cholera, sakit sa balat. Naiiwasan din ang
pagdami ng mga hayop o insekto na nagdadala ng mga sakit na nabanggit. Isa rin ito sa magiging daan upang
maidisiplina ang mga tao sa Barangay patungkol sa tamang pagtatapon ng basura sa wastong lalagyan.

You might also like