You are on page 1of 11

GROUP 1

GREEN REVOLUTION:
S E G R E G A T E F O R S U S T A I N A B I L I T Y
GROUP 1

SAVE ENVIRONTMENT

PROBLEM
ENCOUNTERED
Ang maling pagtatapon ng basura sa kumunidad sa
kasalukuyang panahon ay nagdudulot ng seryosong epekto sa
kalusugan ng tao at kalikasan. Una, ito ay nagdadala ng banta sa
kalusugan ng mga tao dahil sa pagdami ng mga disease-carrying
organisms tulad ng mga lamok at daga na nagmumula sa
maruming lugar. Ito rin ay nagreresulta sa pagkasira ng ating
natural na ecosystem. Ang mga hindi wastong itinatapon na
kemikal at basura, tulad ng plastik, ay nagmumula sa mga
landfill at nagiging sanhi ng polusyon sa hangin, lupa, at tubig.
Sa kabuuan, ang maling pagtatapon ng basura ay nagdadala ng
malawakang epekto sa kalusugan ng tao, kalikasan, at
kapaligiran, na maaring magdulot ng mas matinding problema
sa hinaharap kung hindi ito aaksyunan.
SAVE ENVIRONTMENT
GROUP 1

GOALS/OBJECTIVES
Pabibigay ng libreng segregation trash can para sa 5-
7 na bahay upang doon ilagay nag kanilang basura at
doon din kukuhanin ng truck ng basura na dadaan.

Pag lalagay ng isang malaking basuran na kung saan ay


doon nila ilalagay nag kanilang mga nabubulok na
basura at kada 3 araw ay kukuhanin iyon ng truck ng
basura at dadalhin sa aming ginawang compose pit, na
kung saan ay gagawin iyong pataba at ibibigay sa bawat
bahy at hihikayatin silang magtanim ng mga halaman
gamit ang patabang aming ginawa.

Pagtatala ng schedule para sa pagkuha ng mga


plastics at nabubulok na basura kada linggo.

Ang mga layunin ng tamang pagtatapon ng basura at komposting ay naglalayong mapanatili ang kalusugan ng tao at
kalikasan, mapanatili ang kalidad ng hangin at tubig, at mapanatili ang kaayusan at kagandahan ng kapaligiran. Sa
pamamagitan ng tamang pagtatapon ng basura, maaaring maiwasan ang polusyon at pagkasira ng kalikasan dahil sa mga
hindi naaayos na basura. Ang komposting naman ay naglalayong gawing produktibo ang mga organic na basura tulad ng
pagkain at halaman, sa pamamagitan ng pag-transform nito sa masustansiyang abono na makakatulong sa pagsasaka at pag-
aalaga ng mga halaman.
GROUP 1

SAVE ENVIRONTMENT

TARGET AUDIENCE
INDIBIDWAL AT PRIBADONG SAMBAHAYAN

Isa sa mga pangunahing target audience ay ang mga


indibidwal o pamilya. Ang wastong pamamahala ng
basura ay nag-tutugma sa pang araw-araw buhay ng
mga tao. Ang edukasyon tungkol sa tamang paraan ng
pagtatapon ng basura ay mahalaga upang mapanatili
ang malinis na kapaligiran.

MGA NEGOSYANTE O MAY TINDAHAN

Ang mga negosyante ay may malaking impluwensya sa


waste disposal dahil sa kanilang mga produksyon. Sila ay
kinakailangang sumunod sa mga regularyon ukol sa di
pagtatapon ng basura at recycling.
GROUP 1

TIME FRAME
2-3 MONTHS

Maaaring 2-3 months ay mapagtagumpayan namin


itong proyektong, kung ang aming pamahalaan ay
sumasangayon dito. at ang compost pit namin na
proyekto at pwede ng gawing pataba makalipas
ang 2 buwan na pagiimbak nito.
GROUP 1

SAVE ENVIRONTMENT

PROGRAM THAT WILL BE


CONDUCTED
SEMINAR
Isa sa programa na aming gagawin ay ang seminar tungkol sa proper
warte disposal. Dito namin ipapaliwanag kung saan at paano umiikot
ang aming proyekto na tungkol sa waste disposal. Sa seminar na ito
ay maipapakita namin ang magiging daloy ng proyekto, tulad ng
schedule ng pag kokolekta ng basura kada sitio. Dito din namin
ipapakita ang mga magiging location ng compost pit, kung saan ay
isang compost pit kada 5-7 na bahay na mag kakalapit at may
malaking space na pwedeng pagtayuan ng compost pit.

POSTERS, INFOGRAPICS, SLOGAN


Isa pa sa aming programa ay ang paggawa ng mga posters,
infographic, at slogan. Ididikit namin ito sa mga poste na kung saan
ay madaling makita ng mga tao na dumaclaan. Maaari rin kaming
mamigay sa bawat bahay, gagawin namin ito upang mas
maimpluwensyahan pa ang sambahayan na makilahok sa aming
ilulunsad na proyekto.
GROOUP 1

SAVE ENVIRONTMENT

DUTIES OF
STAKEHOLDERS
BARANGAY
Isa ang barangay sa pinakamahalagang makakatulong sa aming
proyekto. Sila rin ang mag-aapruba ng amgng proyekto na
ilulunsad. Mkakatulung din sila upang mas mahikayat pa namin ang
sambahayan na umanib at sundin ang aming proyekto.

BASURERO
Isa rin ang mga basurero na may mahalagang gagampanan sa
aming proyekto na ilulunsad. Dahil sila ang magkukulekta ng mga
basura ng sambahayan na kung saan doon nila itatapon ang mga
plastik na basura.
GROUP 1

SAVE ENVIRONTMENT

RESOURCES AND ASSESTS TO FUND THE


ADVOCACY

Upang magawa namin ang aming nais na proyekto, ipapakita namin sa barangay ang ang aming
magiging proyekto at hihingi ng konting donasyon at bilang parte ng voluntaryo ang aming grupo ay
magaambagan kami sa mga maaaring gastusin at magpapaskil ng mga infograpics na kung saan ay
nakalagay doon ang aming proyekto at ang kanilang maaring maitulong. Hihikayatin din namin ang
ibang mga kasapin ng aming barangay na magbigay ng kaunting tulong at makiisa sa aming
proyektong gagawin upang ng sa ganon ay magawa namin ng maayos ang aming proyekto.
GROUP 1

SAVE ENVIRONTMENT

EXPECTED OUTCOMES
MALINIS AT MAAYOS NA KAPALIGIRAN
Ang proyekto naming ito ay maaring magresulta sa mas malinis na kapaligiran.
Ito ay magbibigay ng mas magandang tanawin at kalidad ng buhay para sa mga
residente.

PAGIWAS SA SAKIT
Ang tama at malinis na waste disposal ay makakatulong sa pag-iwas sa mga sakit
dulot ng maruming kapaligiran. ito ay magbibigay ng mas magandang kalusugan
para sa mga mamamayan.

EDUKASYON
Ang proyektong ito ay magbibigay-daan para sa kamalayan at edukasyon ng mga
tao tungkol sa paraan ng waste disposal. Ito ay nagdudulot ng pangmatagalang
kaalaman ukol sa pangangalaga ng kalikasan.

PAGKAKAISA AT PAMUMUNO
Ang proyektong ito ay maaring magsilbing halimbawa ng mahusay na pagkakaisa
at pamumuno sa isang komunidad. ito ay maaaring magdulot ng positibong
pagbabago sa buhay ng mga residente.
GROUP 1

SAVE ENVIRONTMENT

MEMBERS

Arriane Kim Marren Mae Denizh Gaile Angelica Kenji


Capili Tulalian Magnaye Suarez Elejorde
GROUP 1

THANK YOU
F O R L I S T E N I N G

You might also like