You are on page 1of 34

PAGPAPAGAWA NG

SEGREGATION BINS SA BAWAT


PUROK NG BARANGAY
VILLALIMPIA
PROPONENT NG PROYEKTO

 ArtVincent Jabines
 Jacob Maximus Usaraga
 Joniah Lynn Galendo
 Mary Jazmine Pamaylaon
 Ma. Ann Corell Vallecer
INTRODUKSIYON
 Ang barangay Villalimpia ay isa sa mga
barangay na may malaking populasyon.
Sa paglipas ng panahon, dumadami rin
ang mga taong naninirahan dito kung
kaya’t ang bilang ng ating mga basura
ay tumataas na rin. Ang proyektong ito
ay magbibigay ng malaking tulong sa
pag tutukoy ng iba’t ibang mga basura
upang malagay ito sa tamang lagayan.
 Makakatulong din ito sa pagtuturo sa
mga mamamayan kung ano ang
nararapat gawin sa kanilang mga basura.
May ibang mga basura na maaari pang
gamitin muli, pwede rin itong
pagkakitaan kaya sa pamamagitan nito,
hindi lang natin nabibigyan ng malinis na
kapaligiran ang komunidan kundi
nabibigyan rin natin nang trabaho ang
ating kapwa tao.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
 Ang suliraning gustong sugpuin ng mga
mag-aaral ay ang maling pagtatapon
ngbasura ng mga mamamayan sa
komuunidad. Maraming mas malalang
problema ang magiging resulta kung ang
suliranin na ito ay hindi mapagtuonan ng
pansin.
 Isa na rito ang baha, sapagkat ang
karamihan sa mga bahay ng barangay
Vilaalimpia ay matatagpuan malapit sa
baybayin at io’y isang malaking peligro para
sa kanilang buhay dahil kung ang mga
basura ay kung saan-saan lang itinatapon at
kung mayroong malakas na ulan na darating
ay hindi nito mapipigilan na magkaroon ng
bahala dahil sa dami ng basura.
Makakakuha din ng sakit galing sa mga
basura ang mga taong naninirahan dito. Ang
pagpapagawa ng mga segregation bins ay
nakakatulong sa paglalagay ng basura sa
tamang lagayan.
 Ang layunin ng proyektong ito ay
magbigay ng malinis na lugar at turuan
nang tamang disiplina ang mga
mamamayan sa tamang pagtatapon ng
lugar upang mapanatiling maganda at
sariwa ang hangin na nilalahanghap
natin dahil kapag hindi natin tinatapon ng
maayos an gating mga basura maaaring
magkaroon ng polusyon hindi lang sa
kapaligiran kundi pati sa ating hangin
kung saan nakakasama sa atin. Layunin
din ng proyekto na ito na magkaisa ang
lahat ng mamamayan sa komunidad sa
pagtulong sa paglinis ng paligid.
REBYU NG KAUGNAY NA
PAG-AARAL
 Ano ang Waste Segregation?
 Ito ay ang paghihiwalay ng bawat uri ng
bagay. katulad na lang sa mga basura
hinihiwalay ang nabubulok, hindi
nabubulok at pwede pang magamit muli.
 Ang Programang Waste Segregation:
 Ang Programa ng solid waste at ang
tamang pangangasiwa nito ay sa
pinakamabigat na suliranin ng ating
pamahalaan. Mabilis at paglago ng mga
industria, kasama ang hindi mapigilang
pagdami ng populasyon: ito ang mga
dahilan kung kaya’t hinaharap natin
ngayon ang krisis ng basura sa ating
bansa.
 Bilang tugon, ipinasa ipinasa ng Batasang
pambansa ang ecological Solid Waste
management Act 2000 – isang batas na
nagsasaad ng pangkahalatang
programa para sa pambansang
pangangasiwa ng basura.
 Tinutukoy sa batas ang mga
pamamaraan ng pag-kontrol, paglipat
,pagproseso at pagtapon ng solid waste
alinsunod sa mga prinsipyo ng
pampublikong kalusugan, ekonomiks,
engineering, pagtitipid, kagandahan ng
paligid at iba pang pangkalikasang
konsiderasyon.
 Kailangang mapagaralan at planuhin ng
bawat pamayanan ang programang
naaangkop sa likas na sitwasyon at
pangangailangan. Maaring maging
basehan ng pagpili ng tamang solusyon
sa basura ang ekonomiya, topograpiya,
kultura at mga local na yaman.
Mga alituntunin sa Tamang Pangangasiwa
ng Basura:
 May anim na alituntunin na maaring
maging gabay sa pagpaplano at
pagbubuo ng isang pangmalawakang
programa sa tamang pangangasiwa ng
basura sa isang pamayanan o barangay.
Mas madaling Iwasan ang pagdami ng basura
kaysa ang lunasan ito .
 Kung maagapan natin ang pagdami
ng basura , hindi natin kailangan maghanap
ng maraming lunas para dito. Kadalasang
inuumpisahan ang proseso sa pangangasiwa
sa basura kapag andiyan na ang problema
at krisis.
 Sa madaling salita, kailangang maituro
sa publiko ang mga paraan upang
mabawasan ang mga bagay na nagdudulot
ng mga basura. Sa pamamagitan ng
prinsipyo ng “ reduce” (pagbabawas ), reuse
( paggamit muli ) at recycle ( paggawa ng
bagong bagay galing sa itinapon ).
Mababawasan ang mga basurang
kokolektahin.
Kailangang magbuo ng isang
kompehensibong sistema na naangkop sa
pamayanan upang makamit ang
tagumpay sa pangangasiwa ng basura.
 Sa dami ng teknolohiya at pamamaraan
ukol sa pagaayos ng basura kailangang
suriing mabuti ang naaangkop na
solusyon sa local na komunidad.
Ang bawat tao ay may pananagutan sa
tamang pangangasiwa ng sariling basura.
 Sa PAMAHALAANG LOCAL
nakasalalay ang pamamahala ng sariling
basura . Ang mga NGO’s at ibang
pribadong grupo naman ay
makakatulong kung sila ay gagawa ng
proyektong susuporta sa mga adhikain ng
waste management.
Kalat Mo, Pananagutan Mo.
 Karamihan sa atin ay hindi alam na
malaki ang ginagastos sa pangangasiwa
ng mga basurang kanilang itinapon. Dahil
ang paraan ng pamumuhay ng isang tao
ay sa dami ng basurang kanyang
naidudulot,nararapat lamang na siya ay
sumasagot para sa pangangasiwa nito.
Mataas na multa at mahigpit na
pagpapatupad ang kailangan sa mga
industriya at mamamayang lalabag,
upang ayusin nila ang pagtatapon ng
kanilang basura.
Ang Solid Waste management ay dapat saklaw
ng pag-iingat sa mga yamang kalikasan,
kalusugan at sustainable development.
 Ang maling pangangasiwa ng basura
ay hindi lamang makakaapekto sa kalikasan,
kundi sa kalusugan at pamumuhay ng mga
darating pang henerasyon. Ito ay isang
komprehensibong proseso na kaugnay ang
engineering,siyensiya,proteksyong
pangkalikasan,scientific management,
sociology, at ekonomiya. Ang pagrerecycle
ay hindi lamang nakakabawas ng dami at
gastos sa pangongolekta at pagtatapon ng
basura, kundi makakatulong din sa pagtitipid
ng mga limitadong pinagkukunan ng raw
materials.
Dapat isa-alang – alang ang sitwasyon
pisikal at pangkabuhayan ng bawat lugar
upang matukoy ang kanilang programa ng
waste management.
 Ang basura sa isang baryo ay
malaki ang pagkakaiba sa basura ng
isang siyudad. Gayundin ang basurang
galing sa mga lugar na malapit sa dagat
at mga galing sa kabundukan.
EPEKTO NG BASURA
 ● Ang usok na nagmumula sa pagsunog ng
basura ay nakakalason sa kapaligiran at
nakakasama sa kalusugan. Ito ay
nagbubunga ng mga pollutants tulad ng
abo,carbon monoxide ( CO ), carbon dioxide
( CO2 ), dioxins at marami pang iba na
nagdudulot ng sakit. hal. ASTHMA CANCER
 ● Ang basura ay pinamumugaran ng langaw,
lamok, at iba pang pesteng nagdadala ng
organismong nagdudulot ng sakit gaya ng:
TYPOID, CHOLERA, DENGUE, at MALARIA
PAGBUBUKOD NG BASURA
Mga uri ng Basura
● Nabubulok na Basura
Tira-Tirang pagkain , mga bulok na tanim ,dumi
ng hayop at patay na hayop , Dumi ng tao,
pantakip sa sugat,pinagpunasang papel
● Hindi nabubulok na Basura
Metal,krystal,bubog,plastic,composite,tetra
pack, styro ,goma,papel, cardboard, tela,
buhok, balat, buto, seramic,rattan, kahoy,
kawayan
● Nakakalason o mapanganib na basura
Pintura, thinner,baterya, spray can, lumang
gulong at sirang gamit na de - koryente
LAYUNIN

 Makagawa ng plano ng waste


segregation ng mga basura sa Villalimpia,
Loay, Bohol
 Makapagbigay ng wasto at
komprehensibong lunas sa problema ng
waste pollution sa Villalimpia, Loay, Bohol.
 Makabigay sa mga basurero ng mas
madaling pamumuhay.
 Makalinis sa paligid at ng kalikasan.
KAHALAGAHAN NG PAG-
AARAL
 Sa pamamagitan ng proyektong ito,
mabibigyan na ng lunas ang problema ng
waste pollution sa Villalimpia, Loay, Bohol.
Matagal na ang suliranin na ito sa barangay
kaya kailangan talaga nila ng wasto at
komprehensibong solusyon sa problemang
ito. Ang mga basura (nabubulok, di-
nabubulok, mapanganib at recyclables) ay
basta-basta lamang tinatapon sa wastong
lalagyan at hindi pinaghihiwalay-hiwalay.
 Mahalaga rin ang proyektong ito sa mga
basurero. Sa pamamagitan ng proyektong
ito, mas mapadali ang buhay nila sa
pagkolekta ng mga basura. Nahiwalay na at
nasuri na ang mga ito sa naaayon na
klasipikasyon. Mahalaga rin ang proyektong
ito sa ating kalikasan. Sa pamamagitan ng
proyektong ito, matapon na ang mga basura
sa wastong lalagyan. Hindi na magkakalat-
kalat ang mga basura kahit saan at
mapupunta pa lamang ito sa mga
kagubatan o karagatan kung saan
makakasama ito sa mga halaman at hayop
sa lugar na iyon. Ang proyektong ito ay
malaking tulong talaga sa daigdig.
METODO
 Mga alituntunin sa Tamang
Pangangasiwa ng Basura
May anim na alituntunin na maaring
maging gabay sa pagpaplano at
pagbubuo ng isang pangmalawakang
programa sa tamang pangangasiwa ng
basura sa isang pamayanan o barangay:
Mas madaling Iwasan ang pagdami ng basura
kaysa ang lunasan ito .
 Kung maagapan natin ang pagdami
ng basura , hindi natin kailangan maghanap
ng maraming lunas para dito. Kadalasang
inuumpisahan ang proseso sa pangangasiwa
sa basura kapag andiyan na ang problema
at krisis.
 Sa madaling salita, kailangang maituro
sa publiko ang mga paraan upang
mabawasan ang mga bagay na nagdudulot
ng mga basura. Sa pamamagitan ng
prinsipyo ng “ reduce” (pagbabawas ), reuse
( paggamit muli ) at recycle ( paggawa ng
bagong bagay galing sa itinapon ).
Mababawasan ang mga basurang
kokolektahin.
Kailangang magbuo ng isang
kompehensibong sistema na naangkop sa
pamayanan upang makamit ang
tagumpay sa pangangasiwa ng basura.
 Sa dami ng teknolohiya at pamamaraan
ukol sa pagaayos ng basura kailangang
suriing mabuti ang naaangkop na
solusyon sa local na komunidad.
Ang bawat tao ay may pananagutan sa
tamang pangangasiwa ng sariling basura.
 Sa PAMAHALAANG LOCAL
nakasalalay ang pamamahala ng sariling
basura . Ang mga NGO’s at ibang
pribadong grupo naman ay
makakatulong kung sila ay gagawa ng
proyektong susuporta sa mga adhikain ng
waste management.
Kalat Mo, Pananagutan Mo.
 Karamihan sa atin ay hindi alam na
malaki ang ginagastos sa pangangasiwa
ng mga basurang kanilang itinapon. Dahil
ang paraan ng pamumuhay ng isang tao
ay sa dami ng basurang kanyang
naidudulot,nararapat lamang na siya ay
sumasagot para sa pangangasiwa nito.
Mataas na multa at mahigpit na
pagpapatupad ang kailangan sa mga
industriya at mamamayang lalabag,
upang ayusin nila ang pagtatapon ng
kanilang basura.
Ang Solid Waste management ay dapat saklaw
ng pag-iingat sa mga yamang kalikasan,
kalusugan at sustainable development.
 Ang maling pangangasiwa ng basura
ay hindi lamang makakaapekto sa kalikasan,
kundi sa kalusugan at pamumuhay ng mga
darating pang henerasyon. Ito ay isang
komprehensibong proseso na kaugnay ang
engineering,siyensiya,proteksyong
pangkalikasan,scientific management,
sociology, at ekonomiya. Ang pagrerecycle
ay hindi lamang nakakabawas ng dami at
gastos sa pangongolekta at pagtatapon ng
basura, kundi makakatulong din sa pagtitipid
ng mga limitadong pinagkukunan ng raw
materials.
Dapat –isa-alang – alang ang sitwasyon
pisikal at pangkabuhayan ng bawat lugar
upang matukoy ang kanilang programa ng
waste management.
 Ang basura sa isang baryo ay
malaki ang pagkakaiba sa basura ng
isang siyudad. Gayundin ang basurang
galing sa mga lugar na malapit sa dagat
at mga galing sa kabundukan.
TEORIKAL NA BALANGKAS
 1. Maghahanda ang mga mananaliksik ng mga baldeng may
takip o kayay mga gallon ng mineral water, o iba pang
malalaking container na maaring hindi na gamitin.
 2. Bawal gumamit ng trashbag na hindi transparent (black trash
bag) para makita ang loob ng basurahan at malaman kung
saan ikakategorya ang trash bag.
3. may oras at araw ang pangongolekta ng basura. Ang hindi
sumunod ay maaaring pagmultahin.
4. Ang mga pagkain o nabubulok na basura, mga basurang
hindi nabubulok, at mga basurabg pwede pang irecycle, mga
basurang may kemikal at dapat ihiwa-hiwalay. Kung hindi rin
susunod ay pagmumultahin.
 5. Hindi maaring magkalat sa kahit na anong pampublikong
lugar. Pagmumultahin at maaaring ikulong kapag kapag
maraming beses sumuway.
6. Ang mga lugar sa centro ay dapat may mga basurahan
para sa nabubulok, hindi nabubulok, at pwedeng irecycle.
 7. May mga tamang tapunan ng basura. Hindi maaaring
maglabas ng basura at maglagay kung saan saan lang kung
hindi pa araw ng koleksyon.
SAKLAW AT DELIMITASYON
 Ang pananaliksik na ito ay nakatuon
lamang sa mga piniling purok sa Loay,
Bohol, ang mga purok na pinili ay ang
San Francisco, San Jose, Sto Nino, Del
carmen, Sta. Cruz, San Roque, at St. Jude.
Pinili ang mga lugar na ito dahil sa
madaming tao at laganap ang hindi pag
hiwa-hiwalay ng mga basura.
 Sa hinaharap, inaasahan na
mapapalawak pa ang sakop ng pag-
aaral. Nakatuon din lang ang mga
pagsusuri ng mga datos sa pagtiyak sa
kung ilang ang bins na ginamit, ang
disenyo ng mga bins, at ang sukat nito.
Marami pang ibang aspekto ang
puwede pa sanang pansinin at suriin sa
segregation bins tulad ng wikang ginamit,
laki ng font, at iba pa. Ngunit sa ngayon,
ang tatlong aspektong nabanggit
lamang muna ang pagtutuunan ng
saliksik.
MARAMING SALAMAT SA
PAKIKINIG!! 

You might also like