You are on page 1of 2

ELLA MAE T.

BARQUERO 12- GILBRETH

LAKBAY-SANAYSAY

Ang paglalakbay ay isa sa mga pinakamagandang Gawain lalong-lalo na kapag


kasama mo ang iyong pamiklya o mga kaibigan. Kahit Malaki ang nagiging
gastos, kahit kalian ay hindi nababayaran ng pera ang kasiyahan na ating
nararamdaman kapag sa tuwing tayo ay nakakapag saya kasama ang mga mahal
natin sa buhay. Isa sa mga pinakamagandang lugar na aking nalakbay ay ang Mt.
Kitanglad na matatagpuan sa Malaybalay City, Bukidnon., Philippines. Siyam na
baiting palang ako noon ngunit nakaya kong akyatin ang Mt. Kitanglad kasama
ang aking mga kaibigan at pangalawang pamilya.

Ang litrato sa itaas ay ang Mt. Kitanglad na matatagpuan sa Bukidnnon. Maraming


pwedeng daanan upang makaabot sa Mt.Kitanglad. Pwedeng dumaan sa Impasug-
ong o kahit sa Lantapan, Bukidnon. Ngunit, dumaan kami ng aking mga kaibigan
sa Impasug-ong upang malibre kami sa tourist guide na kailangan upang
makarating sa tuktok ng bundok. Simula 12 a.m. ay naglakbay na kami papunta sa
base ng bundok at halos dalawang oras din ang aming nilakbay bago makaabot sa
base ng bundok. Matapos niyan, nagpatuloy na kami sa pag akyat sa bundok at
nagpapahinga kung kinakailangan.
Ang kasal;ukuyang litrato ay nakunan habang umaakyat kami sa bundok. Ito ay
matapos naming magpahinga at magpapatuloy na ulit sa paglalakad ngunit
huminto muna upang makakuha ng litrato upang maibahagi ang kagandahan ng
lugar.

Mairap, nakakapagod, nakakauhaw, at nakakagutom ang pag akyat sa Mt.


Kitanglad. Idagdag pa ang sobrang lamig sapagkat ito ay nasa pinakamataas na
bahagi na ng bundok. Ngunit, lahat ng yon ay para wala lang kapag naakyat mo na
ang pinaka tuktok ng bundok. Nasaksihan namin ang pagsikat ng araw (sunrise) at
ang sea of clouds na makikita sa kasalukuyang litrato. Lahat nang paghihirap ay
nabayaran ng kasiyahan sa kagandahan ng tanawin sa taas. Kaya sa lahat ng hindi
pa nakakapunta sa Mt. Kitanglad, inaanyayahan ko kayo na bisitahin at saksihan
ang natitirang kagandahan na nilikha ng panginoon.

You might also like