You are on page 1of 2

Hampas ng alon

Ni Terizza Rovene M. Balmaceda

Ang hampas ng alon sa aking buhay ay tila mga pagsubok sa buhay na aking nalampasan .
minsay malalaki, minsan sunod sunod.

Sunod sunod na pagsubok sa buhay ang aking pinagdaanan mula ng ako’y magkaisip
hanggang sa aking paglaki. Akala ko ay tapos na ngunit, heto nanaman ang mga hampas ng
alon, heto sila’t sunod sunod, pilit akong binabayo. Tila ayaw huminto hangga’t hindi ako
sumusuko.

Nung akoy nasa elementarya ang pagsagot sa mga problema sa matematika at agham ang
tuluyang nagpapaiyak sa akin. Mababaw na problema lang pala iyon kumpara sa mga
pagsubok sa buhay ko ngayon. Sa aking paglaki, at sa pagtuntong sa mas malawak na mundo,
mas marami pa palang alon ang nakaabang, naglalakihang mga pagsubok sa buhay.

Inakala kong ang pagkakaroon ng kasintahan ang maging sagot upang minsan pa’y may
bangka akong mahawakan, maging kapitan upang di tuluyang madala sa alon ng pagsubok sa
buhay. Tila mali ako, sa umpisa lang niya ako tinuruang lumangoy at ipinakita ang mas
magandang mundo, na puno ng pagibig at kaligayahan. Hindi pa ako lubusang natutong
lumangoy, binitiwan na niya ako. Naging abala na siya sa pag-abot sa ibang kamay. Kamay
ng kanyang mga pangarap. Sa mga pangaraap nya na tila ako’y di nabibilang. Ang masakit
dito, sa kanyang paglayo mayroon siyang iniwan. May isang buhay na nabubuo sa loob ko.
Sa pagkakataong ito gusto ko ng bumitaw sa kakapirasong kahoy na aking kinakapitan. Gusto
ko ng bumitaw at ng malunod na ng tuluyan. Ngunit may muling kumapit sa aking kamay,
kamay ng aking mga magulang, nagpayo , at gumabay. Sila ang tumulong upang makarating
muli ako sa pampang, malayo sa mga hampas ng alon sa karagatan. Tinulungan nila akong
bumangon at maging malakas.

Akala koy tapos na, ngunit mali ako muli akong hinampas ng malalaking alon ng pagsubok.
Malaking pagsubok ang kinaharap ko sa pagkakaroon ng anak. Hindi ito madali. Mas
mainam pang magsagot ng problema sa matematika dahil dito kahit anong problema may
solusyon. Ayoko na suko na ako, at di ko inaasahang may babalik sa buhay ko, bumalik siya
upang isakay kami sa barko ng kanyang pagibig, ang dahilan ng kanyang paglayo ay para rin
sa amin. Hindi naglaon kamiy napabuti. Ikinasal ng simple at ngayo’y nakalagay na sa
tahimik.

Tahimik na rin ang karagatan, paminsan minsa’y may maliliit na hampas parin ng alon na
dumarating sa aking buhay, pero di na gaya ng dati mas matatag na ako at kahit mas malaki
pang pagsubok ang aking maranasan mananatili akong lalangoy at hinding hindi ako
padadaig sa hampas ng alon.

You might also like