You are on page 1of 7

 

KONSEPTONG PAPEL

SA FILIPINO:
SUICIDE o PAGPAPAKAMATAY
 

  Inihanda ni: Jessa Mae R. Dugay


Inihanda para kay: Sir Warlito Pascua
I. Paksa

     Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa “Suicide” o


pagpapakamatay.

II. Rasyunal/Layunin

         Mahalaga ang paksang ito sapagkat isa ito sa mga


pangunahing isyu at suliranin hindi lang ng ating bansa kung
hindi sa buong mundo. Isang isyu na sinasabing hindi
masyadong napapagtuunan ng pansin ng nakararami.

       Layunin ng pananaliksik na ito na masagot ang mga


sumusunod na katanungan:

a. Ano ang Suicide o pagpapakamatay?


b. Ano ang mga dahilan ng pagkatalamak ng Suicide o
pagpapakamatay?
c. Bakit marami sa ating mga mamamayan ang
gumagawa nito?
d. Ano ano ang mga solusyon para mapagilin ang Suicide
o pagpapakamatay?

III.      Pamamaraan

Isinagawa ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng


pangangalap ng impormasyon at mga datos sa internet.
IV. Panimula
 

      Ang suicide o pagpapakamatay ay isa sa pinakamabigat


na kasalanan na ating pwedeng magawa sapagkat ito ay
labag sa utos ng Diyos.
Ang pagpapakamatay o pagpatay sa sarili, para sa isang
Kristiyano na tulad ko ay isang napakakasalanan na bagay o
usapin sa kadahilanang ito ay isang pag-aaksaya sa buhay na
ibinigay sa atin ng Diyos na syang kanyang sinadya upang
gamitin sa Kanyang paraan. Ito ay isang kasalanan, Dahil ito
ay isang pagkuha ng buhay ng isang tao o sa mas payak na
salita, Ito ay pagpatay. Malinaw na ipinapahayag ng Bibliya
ang kabanalan ng buhay ng tao (Exodo 20:13). “Ang Diyos ay
ang may-akda ng buhay, sa gayon, ang pagbibigay at
pagkuha ng buhay ay dapat na manatili sa kanyang mga
kamay.”
       Sa kasalalukuyan, tila ang “pagpapakamatay” ay isang
ordinaryong salita na lamang sa sinuman lalong lalo na sa
mga kabataan. Isang bagay na hindi mahalaga, isang bagay
na kulang sa pansin sa kabila ng mga malalaki at laganap na
mga kaso nito. Bagay na ginagawang permanenteng
solusyon sa isang pansamantalang problema at isang paraan
ng pagtakas sa iniisip nilang isang malupit na mundo.
Ang pagpapakamatay ay isang bagay na hindi kaaya-aya
ngunit bakit maraming mga tao na nilalayong gumawa nito?
Bakit may mga taong gusto ng kamatayan sa kabila ng mga
tao naglalayong magkaroon ng buhay. Ano ang maaaring
sanhi ng hindi makatwiran at masamang gawain na ito?
Paano ito nagsimula? Maaari pa ba itong matigil?
V. Pagtalakay

Ang pagpapakamatay, pagtatangkang magpakamatay o


saloobing pag-gawa ng pagpapakamatay ay isa sa lumalaking
problema o suliranin sa ating bansa maging sa ibang bansa
lalo na sa mga kabataan simula pa nong taong 2000. 
     Ayon sa Laong Gresya, Ang pagpapakamatay ay hindi
itinuturing na mali; sila ay naniniwala na may isang
magandang dahilan sa kabila ng mga taong gumagawa nito.
Ilan sa mga halimbawa ni Plato: kapag ito ay legal na
inayos ayon sa Estado; para sa may sakit at wala nang lunas
na sakit; at kapag ang isa ay napilitang gawin ito dahil sa
mapait na karanasan sa kanyang buhay.
Ayon naman sa mga Laong Romano, ang mga
mamamayan ay hindi ipinagbabawal na magpakamatay.
Gayunpaman, ang pagpapakamatay ay ipinagbabawal para
sa mga alipin at mga sundalo: ang una ay para sa
pagsasaalang-alang sa katayuang pang-ekonomiya, at ang
pangalawa ay para sa makabayang dahilan. Hindi nila
isinasaalang-alang ang buhay bilang isang kaloob ng diyos,
karamihan sa nga Romano ay suportado sa ideya ng
pagpapakamatay para sa mga partikular na sitwasyon, tulad
ng mga indibidwal na naniniwalang mas mabuti ang
kamatayan kesa sa kahihiyan, o yaong ninais na ang
karapatang gulang.
Ang Pagpapakamatay ay nagsimulang magbago ng dahan-
dahan sa panahon ng Renaissance.
Ayon kay Thomas Moore, isang manunulat, isinaad niya na
ang isang tao na mayroong isang walang lunas na sakit o
wala nang paggaling na sakit ay maaaring ilaya ang kanyang
sarili mula sa mapait na buhay, dahil sa pamamagitan ng
kamatayan ay naglalagay siya ng isang pangwakas na
solusyon hindi sa kasiyahan ngunit sa labis na paghihirap.
Nang dumating ang ika-19 na siglo, sinasabing ang isang
indibidwal ay may sira ng bait sa aktwal na sandali ng
pagpapakamatay. Sa siglong ito, ang parusa sa
pagpapakamatay ay inabanduna na. Dito ay sinabi ang ilan
sa mga karaniwang dahilan para sa ng mga bata at kabataan.
Kasangkot dito ang personal na salungatan o pagkawala
kalimitan ng magulang o opposite partner. Hindi
pagkakasundo ng pamilya, pisikal o sekswal na pang-aabuso
na nagsasanhi ng mga depresyon na nagdudulot ng kawalan
ng tamang pagiisip ng isang tao.
                     

VI. Lagom
Ang pagpapakamatay ay may ibat ibang depinisyon mula
sa ibat ibang tao. Mayroong ibat ibang pananaw at pagtingin
ang mga tao sa isyung ito. Mayroong nakikita ito bilang
mabuti at meron din namang nakikita ito bilang masama o
kasalanan. Bagamat sa kabila ng ibat ibang depinisyon na
natalakay ay iisa ang pinatutunguhan nito, ito ay kapwa
kawalan. Kawalan na maari pang masolusyunan. Kawalan na
dapat natitigil at napaguukulan ng pansin. Saan mang dako
natin ito tingnan ay isa itong nakakalungkot na bagay.
Kagaya ng nakasaad sa laong bahagi, ito ay nakikitang isang
permanenteng solusyon sa temporaryang problema
VII. Kongklusyon

Ang pagpapakamatay ay naging napakalaking isyu sa


paghaba ng panahon at ito ay dahil sa napakalaking
pagkawala ng isang indibidwal sa isang pamilya, karelasyon
at kahit mahal sa buhay na nagreresulta sa isang
napakalaking depresyon na kalaunan ay humahantong ang
isang tao sa ideya ng pagkuha ng kanyang sariling buhay.
Hindi natin maaaring maiwasan ang pagkawala ng isang tao
dahil ang ating buhay o katapusan ay nasa kamay ng Diyos
ngunit pwede nating gawin ang pagpigil sa mga taong
nagpapakamatay  sa pamamagitan ng pagtalo sa matinding
depresyon.
Hindi lamang sa ating mga sarili ngunit sa iba.Tandaan na
ang pagpapakamatay ay hindi kailanman solusyon. Walang
problema ang di maaaring malutas sa oras at pag-aalaga.
Tandaan, hindi mahalaga kung gaano kasama ang maging
karanasan ng isang tao, ang mahalaga ay hindi mawawalan
ng isang tao na magagawang makinig sa iyo at makakatulong
sa iyo. Ang kawalan ay masakit kaya’t huwag mong
pabayaan ang iyong sarili na maging isa pang kawalan.

VIII. Rekomendasyon

1. Ang Suicide o pagpapakamatay ay dapat gawing isa sa


pangunahing isyu ng isang bansa lalo na sa mga bansa na
may pinakamataas na rate ng mga kaso ng pagpapakamatay.
2. Ang mga paaralan at tahanan ay dapat na gabayan ang
kanilang mga mag-aaral/anak sa mga problemang
emosyonal. Ang bata ay dapat  ilayo mula sa matinding
depresyon.
3. Bawasan ang pampublikong access sa mga mapanganib na
mga materyales tulad ng mga baril at alak.

IX. Talaan ng mga sangunian

Suicide and Suicidal


http://www.healthofchildren.com/S/Suicide-and-Suicidal
Suicidal Behavior
Behavior Site: Suicidal-Behavior.html#ixzz3FJCTOeTkI
Suicide Definition/Types
http://wikipedia.com/suicide
Suicide Info’s (2014)
http://www.healthofchildren.com/S/Suicide-and-Suicidal-
Behavior.html

You might also like