You are on page 1of 2

MARY JOYCE M.

LAURESTA TALUMPATI
12 - WORDSWORTH

Huwag mong hayaang ikaw ang pumatay sa sarili mo.

Depresyon. Ito'y hindi laging dahil sa matinding kalungkutan lang. Ito'y parang
pakiramdam na tila'y namamanhid na ang pagkatao mo tuwing madaling araw, at
makikipagtawanan sa mga kaibigan buong araw. Tila hindi na makakilos, hindi makatayo sa
pagkakahiga sa kama kahit na maayos ka naman kanina. Nalulunod na sa pag-iisip ng mga bagay
na hindi pa nangyayari, puro negatibo. Hindi makakain kasi hindi naman nagugutom o
nawawalan ng gana, kumakain din ng pagkarami-rami para nang maibsan ang panghihina at
pakiramdam mo na tila'y nilalamon ka ng kawalan.

Depression isn't a constant feeling of sadness. Depression can be hidden in happiness.

Depression has no face. Walang makapagsasabi kung sino, saan, at kailan mo


malalaman kung depressed nga ba ang isang tao. Maaaring ikaw, ako, o 10 sa ating klase ay
nakararanas ng sakit na ito. Hindi natin alam. Ang depresyon ay hindi laging pag-iyak sa kwarto
ng mag-isa. Lumalabas ito sa likod mga ngiti at tawa ng isang taong nakararanas nito. Wala itong
pinipiling anyo, kulay, kasarian, edad, at pati na rin kung anong katayuan mo sa buhay.

Naluluha ka nalang bigla ng dahil sa pagkalula mo sa mga pangyayaring lumalamon sa


isip mo. Feeling mo, wala ka ng saysay sa mundo. Yung pakiramdam na tila'y wala ka ng
nagawang tama? Imbes na magpatuloy ka sa iyong nais gawin, hinihila ka ng depresyon mo
pababa. Hindi ba't nakakalungkot isipin na ganito pala kahirap ang dinaranas ng mga taong
nakararanas nito? Kaya ang iba't ibang organisasyon ay ginagawa ang lahat para lamang
matulungan ang mga taong ito na hilahin sa liwanag ng buhay mula sa kadilimang bumabalot ng
walang katapusang kalungkutan at pagbaba sa sarili.

Ang depresyon ay hindi lamang basta-bastang mental illness. Kung iniisip mo ngayon na
kaekekan lamang ito ngayon sa kabataan, pag-isipan mong mabuti. Hindi ito biro, alam nating
tumataas ang kaso ng pagpapakamatay ng dahil sa depresyon. Paminsan-minsan, nakadarama
ng kalungkutan ang mga kabataan. Pero ang nararanasang depresyon ay pabalik-balik at
nagtatagal nang ilang linggo o ilang buwan. Para kang nasa malalim at madilim na hukay, at
hindi ka makaahon, para kang masisiraan ng ulo, at hindi mo kilala ang sarili mo.

Sa totoo lang, naka-aalarma ang pagdami ng mga kabataang may depresyon, at ito
ang pangunahing dahilan ng pagkakasakit at kapansanan sa mga lalaki’t babae na edad 10
hanggang 19. Maaaring lumitaw sa panahon natin, tayong mga millenial, ang mga sintomas ng
depresyon, gaya ng pagbabago sa pagtulog, gana sa pagkain, at timbang. Kasama rin dito ang
pagtangkang pagpapakamatay. Kapag ang mga mental-health professional ay nagsuspetsa na
MARY JOYCE M. LAURESTA TALUMPATI
12 - WORDSWORTH
may depresyon ang isa, karaniwan nang tinitingnan nila ang kombinasyon ng mga sintomas na
tumatagal nang ilang linggo at nakaaapekto na sa kaniyang araw-araw na rutin.

Stress. Isa rin sa mga sanhi ng depresyon. Kapag tuloy-tuloy o sobra na ang stress,
makasasama ito sa katawan at isip na kung minsan ay nagiging sanhi ng depresyon sa isang
kabataang dumaranas ng mga pagbabago sa katawan. Gayunman, hindi pa rin matukoy ang
eksaktong sanhi ng depresyon at maaaring hindi lang iisa ang dahilan, gaya ng nabanggit na.
Ang ilang sanhi ng stress na maaaring mauwi sa depresyon ay ang paghihiwalay o
pagdidiborsiyo ng mga magulang, pagkamatay ng mahal sa buhay, pisikal o seksuwal na pang-
aabuso, malubhang aksidente, pagkakasakit, o problema sa pagkatuto—lalo na kapag nadama
ng isa na nilalayuan siya dahil dito. Nakaka-stress din kapag sobrang taas ang inaasahan ng
magulang sa anak, gaya ng maging honor student. Posibleng dahilan din ang pambu-bully,
pagkabahala sa kinabukasan, malayo ang loob sa mga magulang, at pabago-bagong pakikitungo
dito.

Don't contribute to the stigma.

Depression is different on everyone.

You might also like