You are on page 1of 35

10

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Isyung Pangkapaligiran:
Kalagayan, Suliranin at Tugon
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Isyung Pangkapaligiran: Kalagayan, Suliranin, at
Pagtugon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Angel Rose L. Suansing


Editor: Jed I. Bete
Tagasuri: Jed I. Bete
Tagaguhit: Ariel Tecson, Alemer Veloso, Alexander Gokotano, Eden Cordova, and
Genesis Catadman
Tagapamahala: SDS Reynaldo M. Guillena, CESO V
ASDS Basillio P. Mana-ay Jr., CESE
ASDS Emma Camporedondo, CESE
CID Chief Alma C. Cifra, EdD
LRMS EPS Aris Juanillo, PhD
AP EPS Amelia S. Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Region Xi Davao City Division


Elpidio Quirino Avenue, Davao City, Philippines
Telephone: (082) 224 0100 / 228 3970
Email Address: info@deped-davaocity.ph / lrmds.davaocity@deped.gov.ph
10

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Isyung Pangkapaligiran:
Kalagayan, Suliranin at Tugon
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa araling Isyung Pangkapaligiran: Kalagayan, Suliranin,
at Tugon.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Kumusta ka, mag-aaral? Ihanda mo na ang iyong sarili sa panibagong aralin


tungkol sa isyung pangkapalagiran.

Ang isyung pangkapaligiran ay isyung patuloy na nangyayari sa kasalukuyan.


Marami sa mga isyung pangkapaligiran ang nararanasan at naoobserbahan mo
araw-araw. Ikaw ay bahagi ng isyung ito kaya naman nararapat na maunawaan mo
ang kalagayan, suliranin at kung sa paanong paraan matutugunan ang mga hamon
at isyung pangkapaligiran.

Bakit mahalagang pag-aralan ang mga hamong pangkapaligiran? Naitanong


mo rin ba ito sa yong sarili? Ito ay mahalagang pag-aralan sapagkat ang mga hamong
ito ay mayroong malaking epekto sa iyo bilang isang indibiduwal. Mas mahihikayat
kang pangalagaan ang kapaligiran kapag natutunan mo na ang tunay na hamong
hinaharap ng ating bansa. Inaasahan mula sa iyo bilang mag-aaral na makagawa
ng hakbang upang makatulong sa pagtugon sa mga hamong ito.

Handa ka na ba? Bago ka magsimula ay basahing muli ang mga nakapaloob


sa bahagi ng modyul bilang iyong gabay.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutunan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo


sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin,
tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaaring iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutunang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Pagwawasto gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin ang lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipan na hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, na makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kasanayang pagkatuto. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sa nakaraang aralin, iyong natutunan ang tungkol sa kahalagahan ng pag-


aaral ng kontemporaryung isyu, lipunan, at kultura. Isa sa mga kontemporaryung
isyung iyong natutunan ay ang tungkol sa mga isyung pangkapaligiran. Kaya
naman, sa modyul na ito ay mas maintindihan ang konsepto sa isyung
pangkapaligiran at kung paano matutugan ang mga suliraning kinakaharap nito.
Ang araling ito ay nakabatay sa Most Essential Learning Competency para sa Baitang
10 na: Natatalakay ang mga kalagayan, suliranin, at pagtugon sa mga isyung
pangkapaligiran.

Mula sa nabanggit na kasanayan ay pag-aaralan mo ang sumusunod na paksa:


• Konsepto ng Suliraning Pangkapaligiran
• Kalagayan, Suliranin, at Tugon sa mga Isyung Pangkapaligiran

Pagkatapos mong pag-aralan ang mga nabanggit na aralin, ikaw ay inaasahang:


1. naipaliliwanag ang mga konsepto ng isyung pangkapaligiran;
2. nailalarawan ang kasalukuyang kalagayan at suliranin ng
kalapaligiran; at
3. nakapagbibigay ng suhestiyon bilang tugon sa mga isyung
pangkapaligiran.

1
Subukin

Handa ka na bang magsimula? Sa bahaging ito ay susubukin ang lawak ng iyong


kaalaman tungkol sa mga suliraning pangkapaligiran na nangyayari sa ating bansa.
Isulat ang titik ng sagot na iyong napili sa sagutang papel.

1. Ang hazard at disaster ay mga konseptong may kaugnayan sa mga isyung


pangkapaligiran. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag sa kaibahan ng mga
konseptong ito?
A. Ang hazard ay banta na maaaring dulot ng tao at kalikasan; samantalang
ang disaster ang panganib na may dalang pinsala sa mga tao at kapaligiran.
B. Ang hazard ay resulta ng isang disaster; samantalang ang disaster ay banta
ng kalikasan sa tao.
C. Ang disaster ay resulta ng hazard; samantalang ang hazard ay epekto ng
disaster.
D. Ang disaster ay mga pangyayaring resulta ng mga ginagawa ng tao sa
kalikasan; samantalang ang hazard ay banta ng kalikasan sa tao.
2. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng human-induced hazard?
A. Banta ng lindol
B. Banta ng sunog
C. Banta ng baha
D. Banta ng Cliamte Change
3. Ayon sa ulat ng Senate Economic Planning Office (SEPO), mas tumaas ang
nalilikhang basura ng Pilipinas noong 2012. Nakalilikha ang bansa ng 37, 427.46
tonelada kada araw noong 2012 samantalang sa taong 2016 ito ay naging 40,
087.45 tonelada kada araw. Bakit ito nangyayari?
A. Dahil sa kawalan ng ngipin ng mga batas ukol dito.
B. Dahil sa kawalan ng tamang taponan ng basura.
C. Dahil sa walang disiplina ang mga mamamayan.
D. Dahil sa paglaki ng populsyon.
4. Alin sa sumusunod ang HINDI maituturing ng solid waste?
A. Residential waste
B. Commercial waste
C. Industrial waste
D. Hazardous waste
5. Bakit isang malaking suliranin ang solid waste sa Pilipinas?
A. Dahil sa kakulangan ng mapagtataponan ng mga basura
B. Dahil sa hindi pagtapon ng basura sa tamang tapunan
C. Dahil sa kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura
D. Dahil sa hindi mabisang pangongolekta ng basura
6. Alin sa sumusunod ang HINDI epekto ng walang tigil na pagputol ng puno sa
kagubatan?
A. Pagkawala ng biodiversity
B. Landslide
C. Baha
D. Lindol

2
7. Anong batas ang nagbabawal sa ilegal na pagputol ng puno?
A. RA 9175
B. PD 705
C. RA 7942
D. RA 10121
8. Alin sa sumusunod na barangay sa Davao City ang HINDI nadadaanan ng
Tamugan Fault line?
A. Tagakpan
B. Tamugan
C. New Carmen
D. Mulig
9. Anong bagyo ang nagbigay daan sa pagbuo ng Republic Act 10121 o Philippine
Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010?
A. Ambo
B. Ondoy
C. Ondoy
D. Yolanda
10. Ano ang pinaka konkretong aksyon na magagawa mo upang matutugunan ang
mga hamong pangkapaligiran?
A. Pagbibigay ng donasyon.
B. Pagsunod sa batas ukol sa kapaligiran.
C. Pagtatapon ng basura sa tamang lalagayan.
D. Pagsali sa mga non-government organizations.
11. Ang deforestation ay tumutukoy sa matagalan at permanenteng pagkasira ng
kagubatan Ang suusunod ay mga dulot nito MALIBAN sa:
A. Ilegal na pagmimina
B. Ilegal na pagputol ng puno
C. Pagtapon ng basura
D. Pagsusunog ng punong kahoy sa kagubatan
12. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa kasalukuyang kalagayan ng kagubatan
sa Pilipinas?
A. Mula 17 milyong ektarya noong 1934 ay 6.8 milyong ektarya na lamang ng
kagubatan ng bansa ang naiwan.
B. Humigit-kumulang 47,000 ektarya ng kagubatan ng bansa ang nawawala
kada taon.
C. Simula ika-20 na siglo, 10 milyong ektarya ng kagubatan ang nawawala.
D. Kasing laki ng isang soccer field ang nawawalang kagubatan kada segundo.
13. Anong sangay ng DENR ang nangangalaga at nagproportekta sa kagubatan?
A. Forest Management Bureau
B. Bureau of Forestry
C. Forestry Management
D. Bureau of Forestry Management
14. Alin sa sumusunod na batas ang nagbabantay sa kaingin o slash and burn?
A. PD 705
B. RA 9003
C. RA 9175
D. RA 10121
15. Alin sa sumusunod ang maaaring maging epekto ng lindol?
A. Storm Surge C. Basura
B. Bagyo D. Tsunami

3
Aralin Konsepto, Kalagayan,
Suliranin, at Tugon sa mga
1 Suliraning Pangkapaligiran
Magaling mag-aaral dahil natapos mo nang maayos ang Subukin Natin. Kaya
naman, sa bahaging ito ay mas maiintindihan moa ng tungkol sa mga mahahalagang
konsepto ng isyung pangkapaligiran; at ang kalagayan, suliranin, at tugon sa mga
isyung ito.

Balikan

Sa nakaraang aralin natutunan mo na ang lipunan ay tumutukoy sa mga


taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang
batas, tradisyon, at pagpapahalaga. Ito ay mayroong dalawang mukha: ang
istrukturang panlipunan at elemento ng kultura.

Ang lipunan at kultura ay mahalagang bahagi sa pag-unawa sa mga hamong


pangkapaligiran sapagkat ang mga tao na nakatira sa lipunan ang siyang mas
naaapektuhan ng mga hamong ito. Ang lipunan din ang nagsisilbing dahilan ng
patuloy na hinaharap ang iba’t ibang isyung pangkapaligiran. Bukod pa rito,
nararapat na isaisip mong mayroong mga kulturang nakaaapekto sa kapaligiran
tulad na lamang ng kaingin. Mayroon ding mga batas na ipinasa upang
maprotektahan ang ating kapaligiran. Ang mga norms, batas, paniniwala, at iba pang
elemento ng kultura at lipunan ay mahalaga sa pag-aaral ng mga hamong
pangkapaligiran.

Sa araling ito mas mapapalalim mo pa ang iyong kaalaman tungkol sa iyong


gampanin o roles bilang bahagi ng lipunan upang matugunan ang mga isyu at
hamong pangkapaligiran. Bago ka magsimula, sagutin mo muna ang mahalagang
katanungang: Anong kulturang patuloy na ginagawa mo sa iyong pamamahay
ang sa tingin mo ay nakakasira sa kalikasan? Bakit?

____________________________________
____________________________________
____________________________________ Mga Tala para sa Guro
____________________________________ Sa bahaging ito, hayaan ang mga mag-aaral na
____________________________________ magsulat ng kanilang mga nakagawian na sa
____________________________________ tingin nila ay nakakasira sa kapaligiran upang
____________________________________ mas maunawaan nila ang koneksiyon ng mga
elemento ng kultura at lipunan, at hamong
____________________________________ pangkapaligiran. Wala itong kaakibat na puntos
____________________________________ subalit nararapat na i-proseso ng guro ang sagot
ng mga mag-aaral.

4
Tuklasin

ANG MGA KONSEPTO

Sa bahaging ito ng modyul ay matutunan mo ang mga mahahalagang


konsepto tungkol sa isyung pangkapaligiran. Ang mga konseptong ito ay iyong
magagamit upang mas maintindihan ang kalagayan at suliranin ng ating
kapaligiran.
Gawain 1: Larawan-Suri. Pansinin ang dalawang larawan. Anong sitwasyon ang
ipinapakita ng mga larawang ito?

________________________ _______________________

Magaling! Iyong natuklasan na ang dalawang larawan ay nagpapakita ng


dalawang uri ng suliraning pangkapaligiran na nakakapinsala sa tao, ari-arian, at
kapaligiran.

Sa mga nakaraang buwan, naranasan ng ating bansa ang iba’t ibang


uri ng mga suliraning pangkapaligiran na siyang nagdulot ng pinsala. Iyong
maaalala na mula Oktubre hanggang Disyembre ng taong 2019 ay nagkaroon
ng magkakasunod-sunod na lindol sa katimugang bahagi ng Mindanao na
nagdulot ng pinsala sa ari-arian at buhay ng tao. Bukod sa lindol,
nakakaranas din ang Pilipinas ng malubhang polusyon sa hangin. Ayon sa
pag-aaral ng Environmental Management Bureau ng Department of
Environment and Natural Resources (DENR), ang hangin sa Pilipinas ay
marumi lalo na sa mga urbanized areas. Mula sa mga detalyeng ito, mas lalo
mong maiintindihan na bukod sa mga pagkasirang dulot ng mga tao ay
mayroon ding dulot ng kapaligiran.

5
Ang dalawang mahahalagang koseptong nararapat mong tandaan mula sa
mga imaheng ipinakita at sitwasyong inilarawan ay ang hazard at disaster.
Ang hazard ay mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o gawa ng tao.
Kapag ang isang pangyayari ay gawa ng tao, ito ay tinatawag na anthropogenic o
human-induced hazard, halimbawa nito ay ang sunog at mga suliranin sa solid
waste na kinakaharap ng bansa. Samantalang ang natural hazard naman ay dulot
ng kalikasan tulad ng lindol, tsunami, storm surge, at iba pang pangyayari na hindi
kontrolado ng tao.
Ang disaster ay mga pinsalang dulot ng isang hazard. Ang natural hazard ay
maaring maging disaster kapag ito lubhang nakaapekto at nakakasira ng buhay ng
tao, ari-arian, at maging nang kalikasan.
Ano naman ang kaibahan ng hazard at disaster? Ang disaster ay resulta
ng hazard. Ang hazard ay isang sitwasyong nagsisilbing banta sa seguridad ng tao.
Maaaring mauwi sa disaster ang isang hazard. Halimbawa nito ay ang mga lugar na
mayroon maraming fault lines ay maituturing na hazard sapagkat ito ay nagbabanta
ng malaking pinsala kapag magkakaroon ng lindol. Kapag kumilos ang mga fault
lines ay maaaring mauwi sa disaster. Basahin mo ang sitwasyon sa ibaba upang mas
maintidihan ang kaibahan ng disaster at hazard:
.
Noong Oktubre 2019 naranasan ng Mindanao ang
magkakasunod-sunod ng paglindol na nagdulot ng disaster sa mga
hazardous na lugar tulad ng Cotabato at Davao del Sur.
Dalawampu’t apat na katao ang pumanaw, 417 ang nasaktan, at
dalawa ang nawawala pa. Bukod sa mga pumanaw, maraming mga
gusali at ari-arian ang nasira, at libu-libong tao ang nagkaroon ng
emotional trauma. Ang kalagayang ito na resulta ng lindol ay
maituturing na disaster.

Ngayong naiintidihan mo na ang konsepto ng hazard at disaster ay mas


madali mo nang mapapalalim ang aralin tungkol sa mga suliraning pangkapaligiran.
Mas lalo mong mauunawaan na mayroong mga suliraning anthropogenic at natural.
Ngunit, anthropogenic man ito o natural, nararapat na paghandaan ang bawat
suliraning ito upang hindi mauwi sa disaster.
Handa ka na bang suriin ang kalagayan at Suliraning Pangkapaligiran?
Basahin mo na ang kasunod na bahagi ng modyul na ito.

6
Suriin

ANG KALAGAYAN AT SULIRANING PANGKAPALIGIRAN

Ngayong alam mo na ang mga mahahalagang konsepto, ay pag-aaralan mo


na naman kung anu-ano nga ba ang mga hamong pangkapaligiran na dinaranas
ng ating bansa.

Mga Suliraning Pangkapaligiran


Suliranin sa Solid Waste Pagkasira ng Likas na Yaman
Climate Change Kalamidad

Sa talahanayan iyong mapapansin na mayroong apat na suliraning


pangkapaligiran na nakaapekto sa mga tao. Ang mga suliraning ito ay isang isyung
panlipunan sapagkat ang mga ito ay nagdudulot ng pinsala sa tao at sa kapaligiran.

Sa bahaging ito ay malalaman mo ang kasalukuyang kalagayan ng bansa at


daigdig patungkol sa apat na suliranin at ipapaliwanag din dito ang mga ginagawa
ng mga mamamayan at pamahalaan upang matugunan ang mga isyung ito.

SULIRANIN SA SOLID WASTE


Ano ba ang kahulugan ng Solid Waste? Ayon sa Republic Act 9003 o Ecological
Solid Waste Management Act of 2000, ang solid waste ay mga basurang nagmumula
sa mga tahanan, komersyal, industriyal, konstruksyon, agrikultural na hindi
nakakalason. Iisa-isahin sa modyul na ito ang kahulugan ng bawat uri ng solid
waste:

➢ Ang residential wastes ay mga basura sa


tahanan tulad ng mga wrappers mula sa
biniling pagkain at mga bulok na pagkain.
➢ Ang commercial wastes ay ga basurang mula sa
mga establisyementong nangangalakal tulad ng
malls at establisyementong panglibangan.
➢ Ang industrial wastes naman ay mula sa mga
pabrika.
➢ Ang institutional wastes ay mga basurang nagmumula sa mga paaralan,
kulungan, at iba pang institusyon ng pamahalaan.
Nararapat mong tandaan na hindi kasali sa solid waste ang mga basurang
hazardous tulad ng mga kemikal na maaaring direktang makalason at mga
equipment, instruments, utensils mula sa mga ospital na maaaring may dalang
impeksyon.

7
Ano na nga ba ang kalagayan ng Solid Waste sa ating bansa? Ayon sa ulat
ng Senate Economic Planning Office (SEPO) na nailathala sa taong 2017, mas
tumaas ang nalilikhang basura ng Pilipinas. Pansinin ang line graph sa ibaba:

Kalagayan ng Solid Waste sa Bansa


Bilang ng Basurang Nalilikha

90,000.00
(Tonelada)

80,000.00
70,000.00
60,000.00
50,000.00
40,000.00
30,000.00
20,000.00
10,000.00
0.00
2025(Projectio
2012 2016
n)
Basurang Nalilikha
37,427.46 40,087.45 77,776
(Tonelada)

Makikita sa graph na noong 2012 nakalilikha ang bansa ng 37, 427.46


tonelada kada araw noong 2012 samantalang sa taong 2016 ito ay naging 40, 087.45
tonelada kada araw. Inaasahang mas tataas pa ito sa taong 2025 ng 165% o 77,776
tonelada kada araw. Ito ay nangangahulugan na habang tumataas ang bilang ng
mga tao at nagbabago ng pamumuhay ng mga ito ay mas lalong lumalala ang
problema ng basura sa bansa.

Ayon naman sa National Solid Waste Management Status Report [2008-2018],


mas maraming basura ang nagmumula sa mga tahanan o residential wastes na
umabot ng 56.7%. Kasunod nito ang commercial wastes na mayroong 27.1%. Ang
pinakamaliit na bahagdan ay nagmumula sa industrial wastes.

Bahagdan ng mga Pinanggagalingan ng


Municipal Solid Waste
Industrial, 4.1%
Institutional,
12.1%
Residential
Commercial, Residential, Commercial
27.1% 56.7% Institutional
Industrial

Figure 1.1 Porsyento ng mga Pinanggagalingan ng Solid Waste (Source: National Solid Waste
Management Status Report of 2008-2018)

8
Mula sa mga basurang nabanggit, makikita naman sa figure 1.2 na 52.31%
sa mga ito ang nabubulok o biodegradables at 27.78% ang recyclables o maaari pang
gamitin.

Uri ng Municipal Solid Waste


Recyclables,
27.78%
Biodegradable
Biodegradable,
Special, 1.93% Residual
52.31%
Residual,
17.98% Special
Recyclables

Figure 1.2 Bahagdan ng mga uri ng Solid Waste (Source: National Solid Waste Management
Status Report of 2080-2018)

Bakit ba problema ang solid waste o basura sa bansa? Sa iyong bahay


tinatapon mo ba sa maayos na lalagyan ang iyong mga basura? Ayon sa ulat ng
Senate Economic Planning Office (2017), nagkakaroon ng problema sa basura ang
bansa dahil sa sumusunod na dahilan:

✓ hindi pagtapon ng basura sa tamang tapunan;


✓ hindi mabisang pangongolekta ng basura;
✓ kakulangan ng mapagtataponan ng mga basura; at
✓ kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura.
Kapag ang mga problemang ito ay hindi matugunan, maaring mauwi sa health
hazard at pagkasira ng kapaligiran tulad ng polusyon, at baha.

Bukod sa mga nabanggit na mga suliranin, isa pang suliranin ay ang


pagsusunog ng mga basura na nagdudulot ng polusyon sa hangin kahit na
ipinagbabawal na ito ng batas. Isa ring lumalaking suliranin ayon sa pag-aaral ng
Global Information Society noong 2004 ay ang hindi tamang pagtapon ng mga
electronic wastes tulad ng mga sirang kompyuter, cellphone, at iba pang appliances
at gadgets.

Paano ba matutugunan ang suliranin sa solid waste? Ang problemang ito


ay patuloy na tinutugunan sa pamamagitan ng RA 9003 o Ecological Solid Waste
Management Act of 2000. Nakapaloob sa batas na ito ang mga pamamaraan sa solid
waste management, ang parusa sa mga lalabag dito. Ngunit isang malaking
katanungan kung naging epektibo ba ang batas sa paglutas ng suliranin sa solid
waste? Sa kasalukuyan ay hindi pa sapagkat mas lalong tumataas ang problema ng
solid waste.

9
Ang pamahalaan ay patuloy na gumagawa ng hakbang gamit ang batas na ito
at iba’t ibang ahensya. Sila ay nagpatupad ng mga alintuntunin at programa tulad
na lamang ng mga solid waste management programs na ginagawa sa iyong paaralan
na “Proper Segregration”. Bukod sa mga paaralan, ang mga Local Government Units
din ay patuloy ang paglutas sa problemang ito. Sa katunayan, isa sa mga
munisipalidad na nagpakita ng galing sa kanilang Solid Waste Management
Practices ay ang Sto. Tomas, Davao del Norte na mayroong mga polisiyang: No
Segregation; No Collection Policy, No Orientation and Implementation of Ecological Solid
Waste Management, No Issuance of Permits; at Municipal-Wide Composting and
Livelihood Projects.

Ang mga Non-Government Organizations din ay tumutulong upang


matugunan ang isyu sa solid waste. Ang Mother Earth Foundation, Clean and Green
Foundation, Bahay Kalikasann, at Greenpeace ay ilan sa mga NGOs na patuloy na
tumutulong sa pagtatayo ng basurahan sa mga barangay, pagpapamulat ng mga
mamamayan sa mga suliraning pangkapaligiran, at pangagalaga sa kalikasan.

Gawain 2: Ilista Mo. Ngayong naintindihan mo na ang mga uri ng solid wastes na
makikita sa ating lipunan, maglista ka na naman ng iba’t ibang basura na nabibilang
sa recyclable, biodegradable, at non-biodegradable.

Recyclable Biodegradable Non- Residual


biodegradable
1.____________ 1.____________ 1.____________
1.____________
2.____________ 2.____________ 2.____________
2.____________
3.____________ 3.____________ 3.____________
3.____________
4.____________ 4.____________ 4.____________
4.____________
5.____________ 5.____________ 5.____________
5.____________

10
PAGKASIRA NG LIKAS NA YAMAN
Ano ang mga likas na yaman? Ito ay nauuri sa yamang tubig, yamang lupa,
yamang mineral, at yamang gubat na binubuo ng flora at fauna.

Paano nasisira ang mga ito? Sa


kasalukuyan ay patuloy pa rin ang pagkasira
ng likas na yaman. Ang yamang gubat ay isa
sa mga lubhang naaapektuhan ng pagbabago
sa ating bansa. Ayon sa Department of
Environment and Natural Resources, ang
deforestation ang isa sa mga lumalalang
problema na kinakaharap ng bansa sa
kasalukuyan. Ang deforestation ay
tumutukoy sa matagalan o permanenteng
pagkasira ng kagubatan dulot ng iba’t ibang
gawain ng tao at kalamidad.

Ayon sa estimate ng Sa loob ng 25 na taon, Sa taong 2018, nawawala


World Bank, 10 1.3 million square km. kada segundo ang parte ng
million square km ng ang nawalang kagubatan ng Africa na
kagubatan ang kagubatan sa daigdig, kasinglaki ng isang soccer
nawala simula ika-20 ito ay kasing laki ng field (Guardian Report
na siglo. South Africa. 2018)

Sa Pilipinas, ayon sa Forest Management Bureau ng DENR, humigit


kumulang 47,000 ektarya ng kagubatan ang nawawala kada taon.

Sa taong 2010,
Noong 1934
Sa taong 2003 , naging 6.8 milyong
17 milyong ektarya
ito ay naging 7.2 ektarya na lamang
ang kagubatan sa
milyong ektarya. ang kabugatan sa
Pilipinas
bansa

Bakit ba patuloy ang deforestation o pagkawala ng kagubatan? Ang patuloy


na pagkawala ay maaaring sanhi ng kalamidad ngunit mas malaking porsyento ng
kagubatan ang nawawala dahil sa mga gawain ng mga tao. Ilan sa mga dahilan ng
deforestation ay ang illegal logging, kaingin, fuel wood harvesting, at illegal mining.

1. Illegal Logging o ang walang tigil na pagputol ng mga puno sa kagubatan ay


maaaring mauwi sa pagbaha, soil erosion, at pagkasira ng tahanan ng mga
ibon at iba pang hayop sa kagubatan. Ang illegal logging ay tinutugunan ng
pamahalaan sa pamamagita ng Republic Act 9175 o Chinsaw Act of 2002.
Nakapaloob sa batas na ito ang pagbabawal sa illegal na pagputol ng puno, at
pagbebenta ng mga ito. Ang Department of Environment and Natural
Resources naman kasama ang Forest Management Bureau ang pangunahing
ahensya na nangangalaga sa proteksyon sa kagubatan.

11
Kahit mayroon nang batas at programa ang pamahalaan ay patuloy pa
rin ang illegal logging dahil sa kawalan ng ngipin ng batas. Kaya naman,
nararapat na magpatuloy ang pagmamatiyag sa mga gubat ng Pilipinas.

2. Kaingin at Fuel Wood Harvesting. Ang Kaingin ay tinatawag na slash and


burn o pagsusunog ng kagubatan. Ito ay naging isang nakagawian na ng mga
magsasaka dahil ang abo ng kahoy ay magsisilbing fertilizer o pampataba sa
lupa. Ang Fuel Wood Harvesting naman ay paggamit ng puno bilang
panggatong. Dahil sa mataas na demand ng mga uling panggatong mula sa
punong kahoy, patuloy na nauubos ang kahoy sa kagubatan.

Upang matugunan ang problemanang ito, ipinasa ang Forestry Reform


Code of the Philippines of 1975 (PD 705) na nagbabawal ng kaingin sa bansa.
Ngunit patuloy parin ang ganitong gawain dahil nagsisilbi na itong kultura ng
mga magsasaka. Ayon sa DENR, patuloy pa rin ang pagbibigay ng awareness
sa mga magsasaka tungkol sa panganib na dala ng kaingin.

3. Illegal Mining. Ang kagubatan ang pinakapektado sa pagmimina sapagkat


dito matatagpuan ang mga deposito ng limestone, nickel, copper, at gold. Sa
pagmimina, pinuputol ang mga puno na:
• nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng tao dahil sa mga kemikal
na ginagamit.
• Landslide at soil erosion
• Pagbaha

Sa kasalukuyan, ayon sa datos ng DENR, ang mga bundok ng Sierra


Madre, Palawan, Mindoro, at Surigao ang pinaka-apektado sa pagmimina.
Kung iyong maaalala, noong September 2018 nagkaroon ng landslide sa
minahan sa Itogon, Benguet na ikinamatay ng maraming tao. Bukod sa
bagyong dinaranas sa nasabing lugar, isa rin sa dahilan ay ang pagmimina
kaya nagkaroon ng landslide. Upang matigil ang ilegal na pagmimina ay
naisabatas ang Republic Act 7942 o Mining Act of 1995. Ito ay naglalayong
matugunan ang problema sa pagmimina sa bansa.

Gawain 3: Dahilan at Epeko. Bukod sa mga natalakay mo sa bahaging ito ng aralin,


marami pang mga dahilan ng pagkasira ng likas na yaman. Kaya naman, sa gawaing
ito, mag-isip at sumulat ng mga iba pang dahilan ng pagkasira ng likas na yaman at
mga epekto nito. Sumulat lamang ng isang dahilan at isang epekto sa bawat aspeto
ng pagkasira ng likas na yaman. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Dahilan Epekto
Pagkasira ng Yamang
Dagat
Pagkaubos ng Yamang
Mineral
Pagkasira ng Yamang
Lupa

Maaari kang sumangguni sa internet, pananaliksik, pakikipagpanayam, at


mga iba pang aklat at sanggunian.

12
CLIMATE CHANGE

Ano nga ba ang Climate Change? Ito ay ang pagbabago ng klima sa


buong mundo na naramdaman sa kalagitnaan ng ika-20 na siglo at nagpapatuloy
pa rin sa kasalukuyan. Ito ay inuugnay sa paggamit ng fossil fuels na naghahatid
ng carbon dioxide at iba pang greenhouses gasses sa atmosphere.

Ayon sa 2016 edisyon ng Global


Climate Risk Index, ang Pilipinas ay
pang-apat sa sampung bansang
pinakanaapektuhan ng climate
change. Ilan sa mga epekto ng climate
change ay mga kalamidad tulad ng:

➢ Malubhang tagtuyo (El Nino)


➢ Matinding Pagbagyo
➢ Walang tigil na ulan (La Nina)
➢ Pagbaha
➢ Wildfire, heatwaves

Bakit ito nagyayari? Ang climate change ay isang natural na pangyayari


ngunit ito ay napapabilis at lumalala dahil sa mga ginagawa ng tao tulad ng patuloy
ng pagputol ng mga puno, polusyon at iba pa. Isa rin sa mga dahilan nito ay global
warming o patuloy na pag-init ng daigdig dahil sa mataas na antas ng carbon dioxide
concentration sa atmosphere na nanggagaling sa mga usok mula pabrika,
pagsusunog ng kagubatan, at iba pang gawain na nakakasira sa kalikasan.

Paano nakaaapekto ang Climate Change? Ayon sa Climate Change Risk


Profile ng Pilipinas, mayroong anim (6) na malalang epekto ang penomenang ito:

1. Epekto sa Agrikultura
Pagkawala o mababang ani, soil erosion, pagdami ng insekto sa mga
lupang sakahan na nakakasira sa mga halaman, at pagtaas ng presyo ng
mga pagkain.

2. Epekto sa Tubig
Kakulangan sa tubig, mababang kalidad ng tubig o marumi, mataas
na banta ng pagbaha at landslide.

3. Epekto sa Enerhiya
Pagbaba ng pinagkukunang enerhiya para sa elektrisidad na nauuwi
sa power shortage, at mataas na demand ng enerhiya.

4. Epekto sa Karagatan
Nalilimatahan ang produksyon ng mga isda, pagkasira ng corals at
biodiversity.

5. Epekto sa Imprastraktura at Serbisyo


Pagkasira ng mga daanan, tulay, at patubigan.

13
6. Epekto sa Kalusugan
Pagkawala ng panghanapbuhay, pagkakaroon ng mga sakit, at
pagkamatay.
Paano ito tinutugunan ng pamahalaan? Isa sa mga paraan ng
pamahalaan ay ang Climate Change Act of 2009 o Republic Act 9729. Binuo ng
batas na ito ang Climate Change Commission, isang ahensiyang nagsasagawa ng
koordinasyon, pagsusubaybay, at pagtataya ng mga programa ng pamahalaan
tungkol sa climate change.

KALAMIDAD

Ang kalamindad ay pangyayaring pumipinsala sa mga tao at komunidad na


tinatamaan nito. Ito ay bunga ng kalikasan at pagbabago ng panahon o climate
change. Ang kalamidad ay nakakasira hindi lamang sa mga tao kundi pati na rin sa
ating kapaligiran.

Iisa-isahin sa bahaging ito ang ilan sa mga kalamidad na dinaranas ng bansa


at kung paano ito naging isang isyung pangkapaligiran: Bagyo, baha, storm-surge,
lindol, tsunami, at pagputok ng bulkan. Ang mga ito ay maituturing na natural
hazards.

Bagyo

Ang Pilipinas ay
palaging binibisita ng
bagyo sapagkat ito ay
malapit sa Karagatang
Pasipiko. Sa Karagatang
Pasipiko nagmumula ang
mga bagyong pumapasok
sa bansa. Ayon sa
Philippine Atmospheric,
Geophysical and
Astonomical Services
Administration (PAGASA),
ang bagyo ay isang
malawakang weather
system na mula 150
kilometro ang radius o
humigit-kumulang 300
kilometro ang lawak na
nagdadala ng malakas na
hangin at mabigat na buhos ng ulan. Ito ay namamataan dahil sa pag-ikot ng mga
ulap. Ilan sa mga bagyong nagdulot ng malaking pinsala ay ang Bagyong Ondoy
(2009) at Bagyong Yolanda (2013).

14
Ano ang epekto ng bagyo? Ang bagyong Ondoy ay nagdulot ng pagkasira ng
imprastraktura at agrikultura na umabot ng P11 billion. Maraming mga ari-arian,
lupang sakahan ang nawasak ng bagyong ito kung kaya’t tinawag itong ikaapat sa
listahan ng Worst Natural Disasters in the Philippines. Hindi lamang ari-arian ang
nawasak, marami rin ang namatay na umabot ng 464 ka tao. Dahil sa bagyong
Ondoy ay nabuo ang Republic Act 10121 o ang Philippine Disaster Risk Reduction
and Management Act of 2010. Ang batas ay naglalayong mapaghandaan ang mga
darating pang bagyo sa pamamagitan ng pagbuo ng Disaster Risk Reduction
Management sa mga buong bansa at sa mga Lokal na pamahalaan o Local
Government Units (LGU).

Sa kasalukuyan ay naging mas handa na ang Pilipinas sa mga kalamidad


tulad ng bagyo dahil sa RA 10121. Sa katunayan, noong Mayo 2020 ay sinalanta na
naman ang bansa ng Bagyong Ambo subalit hindi malaki ang dulot nitong pinsala
dahil sa kahandaan ng mga LGUs.

Baha

Isang epekto ng bagyo ay ang baha. Ang baha ay tumataas o umaapaw na


lebel ng tubig na dulot ng malakas at walang tigil na ulan. Ngunit sa kasalukuyan,
ang sandaling pag-ulan ay maaari nang magdulot ng baha dahil sa mga nakatambak
na basura sa mga kanal.

Anu-ano ang mga epekto ng baha?

➢ Pagkasira ng ari-arian
➢ Nakakadulot ng sakit tulad
ng leptospirosis o sakit na
dala ng daga
➢ Pagkasira ng elektrisidad
➢ Pagkasira ng mga daanan
➢ Pagkasira ng mga lupaing
agrikultural o lupang
sinasaka.

Storm Surge

Ang storm surge ay ang pagtaas ng tubig sa dalampasign dala ng malakas


na hangin. Naging pamilyar ang storm surge dahil sa Bagyong Yolanda noong 2013
nang sinalanta nito ang Leyte. Ano ang epekto ng Storm Surge? Noong 2013, anim
na libong katao ang namatay dahil hindi napaghandaan ang ganitong uri ng
kalamidad. Isang milyong katao naman ang nawalan ng tahanan at pagkakakitaan
lalo na sa Samar at Leyte. Ang storm surge ay hindi lamang kumitil ng buhay, sinira
rin nito ang kapaligiran tulad ng pagkawasak at pagkatumba ng mga punong kahoy
dahil sa malakas na hangin.

15
Lindol/Earthquake

Hindi na bago ang lindol sa bansa sapagkat makikita sa Pilipinas ang


maraming fault lines kung kaya’t palagi itong nakararanas ng lindol. Ang lindol ay
biglaang pagyanig ng mga tectonic plates sa ilalim ng lupa. Maaari rin itong mangyari
dahil sa siesmic volcanic activities o pagbabanta ng pagputok ng isang bulkan.

Ano ang epekto ng lindol? Noong Oktubre 2019, niyanig ang Mindanao ng
magkakasunod-sunod na malakas na lindol na umabot ng 6.7 magnitude. Ito ay
nagdulot na malaking pinsala mga bahagi ng Davao Region at Cotabato. Ang mga
gusali ay nawasak, mayroon ding mga namatay dahil sa pagyanig na ito. Maari ring
magdulot ng landslide ang lindol lalo na sa mga lugar na nagkakaroon ng
pagmimina. Mas mauunawaan mong kahit ang lindol ay isang natural hazard,
maaari ring tao ang may kagagawan kung bakit ito mauuwi sa disaster. Kapag ang
isang gusali ay hindi maayos na nagawa at hindi earthquake-ready ay makakadulot
ito ng pinsala sa mga tao kapag mayroong lindol. Kamakailan lamang sa Davao, ilan
sa mga gusali ang ipinasara ng pamahalaan dahil sa mga cracks na natamo nito
noong lumindol.

Samantalang umabot ng 60 baranggay sa Davao City ang nadadaanan ng


Central Davao Fault Line na mayroong limang segment: ang Tamugan Fault na
maaaring magdulot ng 6.7 magnitude quake, ang Lacson Fault na maaaring
yumanig na aabot sa 6.8 magnitude, ang Dacudao fault na maaaring mauwi sa 6.5
magnitude, ang Pangyan-Biao na yayanig sa lupa hanggang 6.8 magnitude, at ang
New Carmen fault na magdudulot ng 6.3 magnitude quake.

16
Sa anong barangay ka ba nabibilang? Upang mas mapaghandaan mo ang
banta ng lindol, basahing mabuti ang mga barangay na nagsisilbing daanan ng mga
nabanggit ng fault lines.

Tamugan Fault Lacson Fault Dacudao fault Pangyan-Biao Carmen Fault


Fault
➢ Tamugan ➢ Lacson ➢ Lamanan ➢ Lumiad ➢ New
➢ Gumalang ➢ Malagos ➢ Lacson ➢ Paquibato Valencia
➢ Malagos ➢ Calinan ➢ Dacudao ➢ Pañalum ➢ New
➢ Baguio ➢ Wangan ➢ Calinan ➢ Malabog Carmen
➢ Cawayan ➢ Subasta ➢ Talomo ➢ Sumimao ➢ Matina
➢ Subasta ➢ Balengaeng, ➢ River ➢ Dominga Biao
➢ Tagakpan ➢ Los Amigos ➢ Riverside ➢ Dacudao ➢ Langub.
➢ Manambulan ➢ Angalan ➢ Los Amigos ➢ Pangyan
➢ Mulig ➢ Tugbok ➢ Ula ➢ Talandang
➢ Camansi ➢ Mintal ➢ Tugbok ➢ Biao
➢ Alambre ➢ Bago Oshiro ➢ Mintal Joaquin
➢ Tagluno ➢ Banka ➢ Sto. Niño ➢ Biao
➢ Lizada Heights ➢ Catalunan Escuela
➢ Sirawan ➢ Baliok Grande ➢ Biao
➢ Binugao ➢ Lubogan ➢ Catalunan Guianga
Pequeño ➢ Matina
➢ Talomo Biao.

Source: Sunstar, Davao

Pansinin ang larawan sa ibaba. Ipinapakit sa larawan ang mga fault lines sa
Mindanao. Ang mga lugar na nadadaanan ng fault lines na ito ay maituturing na
hazard prone areas.

Source: PhiVolcs

17
Pagputok ng Bulkan

Ang Pilipinas ay nabibilang sa Pacific Ring of Fire o paikot na hanay ng mga


aktibong bulkan sa Pasipiko kung kaya’t mayroong maraming bulkan sa bansa. Ang
bulkan ay uri ng bundok na mayroong crater o bunganga na dinadaanan ng lava at
abo na nagmumula sa ilalim ng lupa.

Ano ang epekto ng pagputok ng bulkan? Ang pinakamapinsala ay ang


malakas na pagputok ng Bulkang Pinatubo noong 1991. Ang Pinatubo ay isang
aktibong bulkan na matatagpuan sa Zambales, Tarlac, at Pampangga. Labis ang
pinsalang dulot ng pagputok sapagkat nagbuga ito ng sulfur dioxide o isang
nakalalasong kemikal. Marami ring ash fall o abo na umabot pa sa iba’t ibang bahagi
ng bansa. Mas lumala pa ang sitwasyon nang umagos ang lahar o volcanic mudflow.
Tinatayang 800 ka tao ang namatay at 100,000 katao naman ang nawalan ng
tirahan at kabuhayan. Nasira rin ang mga likas na yaman dahil sa pagputok na ito.

Tsunami

Ang tsunami ay magkakasunod-sunod na naglalakihang alon na maaaring


umabot ng 100 talampakan ang taas. Ang lakas ng alon ay aabot ng 600 miles per
hour papuntang dalampasigan. Ang taas ng alon naman ay maaaring aabot sa 100
hanggang 200 kilometro. Nangyayari ito dahil sa lindol, pagputok ng bulkan,
landslide, o meteor impact. Mayroong dalawang uri ng tsunami, ang local at
internasyonal. Kapag nangyari ang tsunami sa Philippine Sea o Pacific Ocean ay
naglalabas ng local tsunami warning. Ito naman ay internasyonal kapag lumindol sa
karatig na bansa na maaaring magdulot ng tsunami sa Pilipinas. Halimbawa, kapag
mayroong lindol sa Japan ay maaaring magpalabas ng PhiVolcs at NDRRMC ng
international tsunami warning (CBDRRM Manual).

Ano ang epekto ng tsunami? Ang pinakamalubhang tsunami sa bansa ay


nangyari noong 1976 na nakaapekto sa mga probinsya ng North Cotabato, Sulu,
Zamboanga de Norte, Zamboanga del Sur, Lanao del Norte, Lanao del Sur, at Sultan
Kudarat. Umabot sa 4, 791 ka tao ang namatay, 2,000 ka tao ang nawawala, 9,928
ka tao ang nasaktan, at 12,000 pamilya ang nawalan ng kabayahan. Umabot sa
limang metro ang taas ng alon sa panahong iyon. Sa sitwasyong ito, makikitang
malaking pinsala ang dulot ng tsunami kung kaya’t maituturing itong isang disaster.

Ang suliranin sa solid waste, suliranin sa likas na yaman, climate change, at


mga kalamidad ay ilan lamang sa mga suliraning pangkapaligiran na dinaranas
hindi lamang sa Pilipinas pati na rin ng iba pang bansa mundo. Ginagawa ng
pamahalaan at iba pang organisasyon ang kanilang makakaya upang matugunan
ang mga hamong ito. Kaya naman, bilang isang mag-aaral at miyembro ng batang
populasyon, inaasahan mula sa iyo ang maging isang responsableng tagapangalaga
ng kapaligiran, inaasahan kang maging handa, at maging isang mabuting
mamamayan sapagkat magsisimula sa iyong sarili at sa iyong henerasyon ang
pagbabago.

18
Pagyamanin

Gawain 4: Data Retrieval Chart. Punan ang data retrieval chart ayon sa
sumusunod na panuto:
➢ Para sa unang column, ilarawan
sa isang pangungusap ang
suliranin. (2 puntos)
➢ Para sa ikalawang column,
isulat kung anong uri ng
hazard ang bawat suliranin. (1
punto)
➢ Para sa ikatlong column, Mga Tala para sa Guro
sumulat ng dalawang dahilan
kung bakit ito nangyayari. (2 Maaring basahing muli ng mag-aaral
puntos) ang ang bahagi ng modyul na suriin
➢ Para sa ikaapat na column, upang maayos na masagutan ang
sumulat ng dalawang epekto ng bahaging ito.
mga suliraning nabanggit. (2
puntos)
➢ Para sa ikalimang column, isulat ang tugon ng government/non-government
organization. (2 puntos)

Mga Suliranin Uri ng Hazard Dahilan Epekto Tugon


1. Suliranin sa
Solid Waste

2. Defrestation

3. Climate
Change

19
Isaisip

Nararapat mong tandaan ang sumusunod na mahahalagang konsepto:

Suliranin at Hamong Pangkapaligiran:


➢ Ang suliranin sa solid waste, climate change, pagkasira ng likas na
yaman, at kalamidad ay ilan sa mga suliraning kinakaharap ng lipunan
sa kasalukuyan.
➢ Ang mga suliraning ito ay nagdudulot ng hazard at disaster. Ang
hazard ay mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o gawa ng tao.
Samantalang ang disaster ay mga pangyayaring nagdudulot ng
panganib at pinsala sa mga tao.
Kalagayan ng mga Hamong Pangkapaligiran:
➢ Ayon naman sa National Solid Waste Management Status Report [2008-
2018], mas maraming basura ang nagmumula sa mga residential
wastes na umabot ng 56.7%.
➢ Ang Climate Change pagbabago ng klima sa bugong mundo na
naramdam sa kalagitnaan ng ika-20 na siglo at nagpapatuloy pa rin sa
kasalukuyan. Ito ay inuugnay sa paggamit ng fossil fuels na
naghahatid ng carbon dioxide at iba pang greenhouses gasses sa
atmosphere.
➢ Ang deforestration ay ang permanente ang malawakang pagkawasak ng
mga kagubatan.
➢ Umabot ng 60 baranggay sa Davao City ang nadadaanan ng Central
Davao Fault Line na mayroong limang segment: ang Tamugan Faultline
na maaaring magdulot ng 6.7 magnitude quake, ang Lacson Faultline
na maaaring yumanig na aabot sa 6.8 magnitude, ang Dacudao fault
na maaaring mauwi sa 6.5 magnitude, ang Pangyan-Biao na yayanig
sa lupa hanggang 6.8 magnitude, at ang New Carmen fault na
magdudulot ng 6.3 magnitude quake.
Mga Tugon sa mga Hamong Pangkapaligiran:
➢ Ayon sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of
2000, ang solid waste ay mga basurang nagmumula sa mga tahanan,
komersyal, industriyal, konstruksyon, agrikultural na hindi
nakakalason.
➢ Nakapaloob sa batas na RA 9175 o Chinsaw Act of 2002 ang
pagbabawal sa illegal na pagputol ng puno, at pagbebenta ng mga ito.
➢ Dahil sa bagyong Ondoy ay nabuo ang Republic Act 10121 o ang
Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010. Ang
batas ay naglalayong mapaghandaan ang mga darating pang bagyo sa
pamamagitan ng pagbuo ng Disaster Risk Reduction Management sa
mga buong bansa at sa mga Lokal na pamahalaan o Local Government
Units (LGU).
➢ Binuo rin ang Climate Change Act of 2009 o Republic Act No. 9729
upang matugunan ang malubhang epekto ng climate change
➢ Bilang miyembro ng komunidad inaasahan mula sa iyo ang maging
isang responsableng tagapangalaga ng kapaligiran, inaasahan kang
maging handa at maging iang mabuting mamamayan sapagkat
magsisimula sa iyong sarili at sa iyong henerasyon ang pagbabago.

20
Isagawa

Gawain 5: Malikhaing Tugon


Pumili ka lamang ng isa (1) sa sumusunod na gawain. Maaari kang gumamit
ng anumang uri ng papel upang maipakita ang iyong pagkamalikhain.
a. Gumawa 2-3 stanzas na tula tungkol sa mga suliraning pangkapaligran at
kung paano ito matutugunan.
b. Gumawa ka ng sariling slogan
tungkol sa panghihikayat sa mga
kabataan.
c. Gumuhit ka ng larawan na
nagpapakita kung paano mo
matutugonan ng isa sa mga
suliraning sinuri sa modyul na Mga Tala para sa Guro
ito. Maari lamang gawin ang option D kung ang
d. Gumawa ka ng sariling campaign mag-aaral ay mayroong internet access sa
video, jingle, o awitin tungkol sa kanilang bahay. Maari itong ipadala gamit
pangangalaga sa iyung ang email address o messenger. Kung ang
pangkapaligiran. napili ay isa sa mga gawain sa A, B, at C,
ilagay ito sa long bondpaper.

Rubriks para sa Malikhaing Tugon:

Krayterya 5 4 3 2
Content Ang nilalaman ng may Ang nilalaman Ang nilalaman Ang nilalaman
kaugnayan sa paksa. ay may ay hindi ay hindi
Ito rin ay kaugnayan sa masyadong maiuugnay sa
makabuluhan at paksa at maiuugnay sa paksa at hindi
nagpapakita ng makabuluhan. paksa ngunit masyadong
malalim na pagkatuto ito ay makabuluhan.
ng mag-aaral ukol sa makabuluhan.
paksa.
Pagkamalik Ang gawain ay Ilan sa mga Maraming Hindi orihinal
hain malikhain at orihinal. detalye sa detalye ang ang gawa kahit
Ito rin ay gawain ay hindi origihanal ito ay
nanghihikayat sa mga orihinal ngunit ngunit hindi malikhain.
taga-basa o ito ay malikhain ang Hindi rin ito
tagapanuod. malikhaing paglalahad.Hin masyadong
nailahad. Ito rin di ito nanghihikayat.
ay masyadong
nanghihikayat. nanghihikayat.

21
Tayahin

Pagpipili. Sa bahaging ito ng modyul ay malalaman mo kung nakuha mo bang


maintindihan ang mga layunin at kasanayang nararapat mong sanayin. Isulat ang
iyong sagot sa hiwalay na papel.
1. Alin sa mga sumusunod na datos ang TAMA tungkol sa kalagayan ng
suliranin sa solid waste ng bansa?
A. Nagmumula sa komersyal ang 56.7% ng municipal solid waste sa
bansa.
B. Mayroong 40,087.45 toneladang basura ang nakukuha sa bansa noong
taong 2012.
C. Umabot ng 52.31% ng mga basurang nakukuha sa bansa ay
biodegradable.
D. Umabot ng 37,427.46 na tonelada na basura ang nakukuha araw-araw
ayon sa 2016 na datos.
2. Tinutugunan ng Pilipinas ang problema sa solid waste sa pamamagitan ng
_____________.
A. Pagpapatupad ng mga programang nasyonal hanggang lokal na
sumusulong sa solid waste management at pagbibigay ngipin sa RA
9003.
B. pagpasa ng batas na RA 9003 o Ecological Solid Waste Management
Act of 2000.
C. pagbibigay parangal sa mga LGUs na maayos na nagimplementa ng
batas.
D. pagpaparusa sa mga lumalabag sa RA 9003.
3. Ang deforestation ay tumutukoy sa matagalan at permanenteng pagkasira ng
kagubatan. Alin sa sumusunod ang gawain na HINDI dulot nito?
A. Ilegal na pagmimina
B. Ilegal na pagputol ng puno
C. Pagtapon ng basura
D. Pagsusunog ng punong kahoy
4. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa kasalukuyang kalagayan ng
kagubatan sa Pilipinas?
A. Mula 17 milyong ektarya noong 1934 ay 6.8 milyong ektarya na lamang
ng kagubatan ng bansa ang naiwan.
B. Humigit-kumulang 47,000 ektarya ng kagubatan ng bansa ang
nawawala kada taon.
C. Simula ika-20 na siglo, 10 milyong ektarya ng kagubatan ang
nawawala.
D. Kasing laki ng isang soccer field ang nawawalang kagubatan kada
segundo.
5. Anong sangay ng DENR ang nangangalaga at nagproportekta sa kagubatan?
A. Forest Management Bureau c. Forestry Management
B. Bureau of Forestry d. Bureau of Forestry Management
6. Alin sa sumusunod na batas ang nagbabantay sa kaingin o slash and burn?
A. PD 705 c. RA 9175
B. RA 9003 d. RA 10121

22
7. Alin sa sumusunod na hazard ang epekto ng lindol?
A. basura c. storm surge
B. climate change d. tsunami
8. Paano nakaaapekto ang climate change sa agrikultura?
A. Nagdudulot ito ng mababang ani at dumadami ang peste o insekto sa
mga pananim.
B. Bumababa ang kalidad ng tubig at nagkakaroon ng banta ng pagbaha.
C. Nasisira ang mga daanan at iba pang imprastraktura.
D. Nawawalan ng tirahan ang flora at fauna.
9. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwang sa kaibahan ng hazard at disaster?
• Ang hazard ay banta na maaaring dulot ng tao at kalikasan;
samantalang ang disaster ang panganib na may dalang pinsala sa mga
tao at kapaligiran.
• Ang hazard ay resulta ng isang disaster; samantalang ang disaster ay
banta ng kalikasan sa tao.
• Ang disaster ay resulta ng hazard; samantalang ang hazard ay epekto
ng disaster.
• Ang disaster ay mga pangyayaring resulta ng mga ginagawa ng tao sa
kalikasan; samantalang ang hazard ay banta ng kalikasan sa tao.
10. Ayon sa ulat ng Senate Economic Planning Office (SEPO), mas tumaas ang
nalilikhang basura ng Pilipinas, noong 2012 nakalilikha ang bansa ng 37,
427.46 tonelada kada araw noong 2012 samantalang sa taong 2016 ito ay
naging 40, 087.45 tonelada kada araw. Bakit ito nangyayari?
A. Dahil sa kawalan ng ngipin ng mga batas ukol dito.
B. Dahil sa kawalan ng tamang taponan ng basura.
C. Dahil sa walang disiplina ang mga mamamayan.
D. Dahil sa paglaki ng populasyon,
11. Bakit isang malaking suliranin ang solid waste sa Pilipinas?
A. Dahil sa hindi mabisang pangongolekta ng basura
B. Dahil sa hindi pagtapon ng basura sa tamang tapunan
C. Dahil sa kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura
D. Dahil sa kakulangan ng mapagtatapunan ng mga basura
12. Anong barangay sa Davao City ang nadadaanan ng Dacudao at Lacson Fault
lines?
A. Sto. Nino c. Binugao
B. Mintal d. Tagluno
13. Anong bagyo ang nagbigay daan sa pagbuo ng Republic Act 10121 o
Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010?
A. Yolanda c. Ondoy
B. Ambo d. Sendong
14. Ano ang pinaka konkretong aksyon na magagawa mo upang matutugunan
ang mga hamong pangkapaligiran?
A. Pagbibigay ng donasyon.
B. Pagsunod sa batas ukol sa kapaligiran.
C. Pagtatapon ng basura sa tamang lalagayan.
D. Pagsali sa mga non-government organizations.
15. Ayon sa DENR marami sa mga kabundukan sa Pilipinas ang naaapektuhan
ng pagmimina. Alin sa mga sumusunod ang HINDI pinagminahan?
A. Sierra Madre c. Mindoro
B. Palawan d. Catarman

23
Karagdagang Gawain

Gawain 6: Balita-Suri
Basahing mabuti ang balita at sagutin ang sumusunod na katanungan.
Limitahan lamang ang sagot sa dalawa (2) hanggang tatlong (3) pangungusap. Isulat ang
iyong sa sagot sa mga kahon. Maaari kang gumamit ng karagdagang papel kung
kinakailangan

Ilang barangay sa Davao del Sur, walang malinis na


tubig matapos ang lindol
Clarabelle Cornelio, ABS-CBN News
Posted at Nov 07 2019 09:09 PM | Updated as of Nov 07 2019 09:49 PM

MATANAO, Davao del Sur – Walong barangay sa bayan ng Matanao ang may problema
sa tubig dahil nasira ang kanilang water system bunsod ng lindol.
Mga 200 residente ng Barangay Kiba-o ang pinakaproblemado, dahil hindi puwedeng
magamit pang-inom ang kanilang tubig.
“Iinomin pa rin nila kahit delikado na magkasakit sila," ayon kay Bernadette Baldevie ng
Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Umaasa na lang sa rasyon ng tubig mula sa lokal na pamahalaan at pribadong sektor
ang mga residente ng barangay.
Bagama’t lumilinaw na ang tubig, panligo at panlaba pa lamang at hindi pa maaaring
inumin.
“Malaki talaga epekto sa amin kasi matapos ang malakas na lindol, nasira ang tubig
namin spring ito mula sa Barangay Balabag, 18 kilometers ang layo mula sa barangay,"
sabi ni Bimbo Bacamante, administration officer ng Barangay Disaster Risk Reduction
Management Council (BDRRC).
Nakatakdang isumite naman ang sample ng tubig sa Davao City upang malaman kung
positibo ito sa E. coli bacteria.
Bukod sa rasyon mula sa LGU, nananawagan pa rin ang mga residente ng tulong mula
sa pribadong sektor dahil hindi sapat ang tubig na nakukuha nila.
Isang bahay sa lugar ang gumuho dahil sa lindol. Wala naman naiulat na nasugatan sa
nangyari.

Hindi lamang tuwing lindol,


Paano naaapektuhan nagkakaproblema ang tao sa
Batay sa artikulo, paano
ng lindol ang buhay ng tubig sapagkat patuloy pa rin
naaapektuhan ng isang
mga tao? ang kakulangan sa tubig sa
kalamidad ang kaliksan? kahit saang sulok ng Pilipinas.
Bilang mag-aaral, ano ang
magagawa mo upang maibsan
ang problema sa tubig?

24
Ang sumusunod na rubrik ang gagamitin sa pagbibigay ng iskor sa sagot ng mag-
aaral. Gagamitin itong rubrik sa pagtsek ng bawat aytem.

5 4 3 2
Ang nilalaman ng may Ang nilalaman ay may Ang nilalaman ay Ang nilalaman ay hindi
kaugnayan sa paksa. kaugnayan sa paksa at hindi masyadong maiuugnay sa paksa at
Nilalaman

Ito rin ay makabuluhan makabuluhan. Subalit maiuugnay sa paksa hindi masyadong


at nagpapakita ng kakikitaan ito ng isang ngunit ito ay makabuluhan.
malalim na pagkatuto maling pahayag, makabuluhan. Kakikitaan ang sagot ng
ng mag-aaral ukol sa Kakikitaan ang sagot tatlo o higit pang maling
paksa. Lahat ng isinulat ng dalawang maling pahayag,
ay tama. pahayag,

25
26
Gawain 2: Ilista Mo (Mga Posibleng Sagot)
Subukin Gawain 1: Larawan-Suri Tayahin
1. a LINDOL 1. c
2. d POLUSYON SA 2. a
3. d HANGIN 3. c
4. d 4. b
5. a/b/c/d 5. a
6. d 6. a
7. a 7. d
8. c 8. a
9. b 9. a
10. c 10. d
11. c 11. a/b/c/d
12. b 12. b
13. a 13. c
14. a 14. c
15. d 15. d
Susi sa Pagwawasto
27
Pagyamanin (Mga posibleng sagot para sa Dahilan, Epekto, at Tugon)
Mga Suliranin Uri ng Dahilan Epekto Tugon
Hazard
1. Suliranin Anthropogenic • Hindi • Baha
sa Solid hazard tamang • Sakit
Waste pagtapon ng
Ang mga basura RA 9003
basurang • Kakulangan
nagmumula ng
sa tahanan matataponan
o komersyal
ay lalong
tumataas
ang
poryento
kada taon.
2. Defrestation Anthropogenic • Illegal • Baha Chinsaw
Ang patuloy ng hazard logging • Biodiversity Act
pagpaputol ng • Kaingin loss of 2002
mga puno sa
kagubatan
3. Climate Natural • Fossil Fuels • Global RA 9729
Change hazard/ • Greenhouse warming
Ang Anthropogenic gasses. • El Nino
pagbabago
ng klima sa
buong
mundo.
Gawain 3: Dahilan at Epekto (Posibleng Sagot)
Dahilan Epekto
Pagkasira ng Yamang Paggamit ng dinamita sa Pagkasira ng coral reefs.
Dagat pangingisda.
Pagkaubos ng Yamang Ilegal na pagmimina Pagmahal ng mga
Mineral produktong mineral.
Pagkasira ng Yamang Paggamit ng pesticides, Nagreresulta sa polusyon
Lupa insecticide at nakaaapekto sa
kalusugan ng tao.
Sanggunian

Antiporda, Benny. 2018. "National Solid Waste Management Report". Emb.Gov.Ph.


https://bit.ly/31efjwq

"Climate Risk Profile: Philippines". 2017. Climatelinks. https://bit.ly/2AVTxTu

Cornelio, Clarebelle. 2019. "Ilang Barangay Sa Davao Del Sur, Walang Malinis Na
Tubig Matapos Ang Lindol". ABS-CBN News. https://bit.ly/3eyA8GK

Department of Environment and Natural Resources, 2018 “National Solid Waste


Management Report” DENR.

Community- Based Disaster Risk Management. 2012. Quezon City:


Assistance and Cooperation for Community Resilience and Development
(ACCORD), CARE Nederland, and CNDR.

"Global Climate Risk Index 2016". 2016. Germanwatch.Org. https://bit.ly/3dvyPqo

Harvey, Fiona. 2018. "World Losing Area Of Forest The Size Of The UK Each Year,
Report Finds". The Guardian. https://bit.ly/2A00emV

Llemit, Ralph. 2019. "Six Active Faults In Davao". Sunstar. https://bit.ly/3i7CU82

Mga Kontemporaryong Isyu. 2017. Department of Education. 38-98

"Philippine Solid Waste Management At A Glance". 2017. Senate Economic


Planning Office. https://bit.ly/31efx6K

"Republic Act No. 9003 | GOVPH". 2001. Official Gazette Of The Republic Of The
Philippines. https://bit.ly/2VdoqJW

PHIVOLCS. 2019. "Philippine Fault Zone Maps". Phivolcs.Dost.Gov.Ph.


https://bit.ly/3euoFYJ

28
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division

Elpidio Quirino Avenue,


Davao City, Philippines

Telephone: (082) 224 0100 / 228 3970

Email Address: info@deped-davaocity.ph

You might also like