You are on page 1of 2

Nasa Kalikasan ang ating kaligtasan

Sa pagdating ng umaga dahan-dahan na idinilat ang mata at maghahanda para sa isang araw na naman
na naghihintay. Sa paglabas ng bahay ay narining ang huni ng mga ibon, nadaanan ang mga nakahanay
na mga bulaklak at sumilong sa isang malaking puno habang nagaabang ng masasakyan. At dito muli
dumapi sa aking utak ang ating Kalikasan. Kaya’t Magandang umaga sa inyong lahat ako ngayon ay nasa
inyong harapan para ibahagi ang aking talumpati na may pamagat na “Nasa kalikasan ang ating
kaligtasan kaya ating pangalagaan.” Sa araw na ito ay tatalakayin ko ang isyu na habang dumadaan ang
panahon ay lalong lumalala ang pagkasira ng ating kalikasan. Mula sa tubig na ating iniinom hanggang sa
papel na ating ginagamit ay nakadepende tayo sa kalikasan bukod pa dun ay sa kalikasan din tayo
kumukuha ng iba-ibang mineral at sangkap upang gamitin sa paggawa ng produkto na ikinakalakal ng
ating bayan tulad ng tela, alahas at bakal. Ngunit hindi pa rin natin magawang pangalagaan ang ating
kalikasan. Ilalahad ko sa inyo ang mga suliranin na matagal ng nararanasan ng ating Inang kalikasan.
Pinakauna sa listahan…. Alam kong alam nyo na tong lahat…. Ang pagtapon ng basura kahit saan. Ayon
sa datos ng DENR halos 2,000 na trak na basura na may 20 tonelada ang kapasiad ang nahahakot sa
bansa sa isang araw. Sa pahayag ni Eligio Ildefonso director ng DENR Solid waste management "Sa
42,000 barangays sa buong bansa, 70 percent ay wala pang material recovery facility. Kaya ang
nangyayari, sa mga ilog at daluyan ng tubig itinatapon ang basura," May kaniya-kaniya ngang ordinansa
ang mga lungsod pagdating sa solid waste management pero hindi pa ito sapat para tuluyang
masolusyonan ang problema sa basura. At sa taong 2015 ang pilipinas ay kabilang sa pangunahing
tagatapon ng basura sa dagat at isa pa pasok tayo sa Top 5 at particular na nasa ika-tatlong bilang. Sabi
pa nga ng isang meymbro ng greenpeace na ang mga basurang iyon ay babalik sa atin sa pamamagitan
ng pagkain, yung mga pagkaing-dagat ay kinakain at inaabsorba ang mga basura at sa huli ito ang
kinakain natin. Maraming tao ang sumusuway sa mga batas na ginagawa ng gobyerno, katulad ng
pagpuputol ng mga batang punongkahoy, pagkakaingin, ilegal na pagtotroso, at hindi pagpapalit ng mga
kahoy na pinutol. Pumunta tayo sa illegal na pagtotroso, Bakit natin nasasabi na ito ay isang dahilan ng
pagkasira ng kalikasan? Sa kadahilanan na ang mga puno ay isang parte na syang pumipigil para
maiwasan ang pagguho ng bundok at para maiwasan ang baha. Ang Illegal Logging ay isang bagay na
dapat na mahinto pero dahil may mga taong ang iniisip laman na kumita at hindi makuntento kung ano
ang mayroon sila ay hindi na nagkaraoon ng konsensya na maisip na mas maraming tao ang nadadamay
sa matinding pagbaha. Sa taong 2017 Natagpuan sa loob ng warehouse ng Herbs and Nature
Corporation sa Novaliches ang mahigit 7,000 pirasong mga pinutol na troso ng narra, lauan, kamagong,
yakal, at iba pang puno at tinatayang mahigit P50 milyon ang kabuuang halaga ng mga ilegal na troso.
Aanhin naman ang pera na yun kung ang kapalit naman ay pagwasak ng kalikasan at kapakanan ng mga
tao.
Bagama't may kaniya-kaniyang ordinansa ang mga lungsod pagdating sa waste management, para sa
grupong Greenpeace ay higit pa rito ang kailangan para tuluyang masolusyonan ang lumalalang
problema sa basura.

"Major cause nito is lack of political will to implement the ordinances," ani Vince Cinches ng
Greenpeace.

Dagdag ng grupo, hindi lang simpleng dengue, malaria, at leptospirosis ang puwedeng makuhang
sakit dahil sa maruming estero at dagat.

"Iyong mga basura na 'yan they come back to us in the form of the food we eat. The fish eat and
absorb the trash and we eat it," babala ni Cinches.

You might also like