You are on page 1of 29

Republika ng Pilipinas

NOTRE DAME OF SALAMAN COLLEGE, INC.


Poblacion 1, Lebak, Sultan Kudarat
Mag-aaral ng STEM at Guro ng Notre Dame of Salaman College: Relasyong Nakabatay sa Estratihiya ng
Pagtuturo at Pag-uugali ng Guro

Ang pananaliksik ay ipiniprinsinta kay


G. Abdul Racman Manardas

Bilang Pagtupad sa isa sa mga Pangangailangan


Ng Asignaturang
Filipino
(Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik)

Ipiniprisinta nila:
Arjay C. Albeza
Reijohn Virgel Benagua
Kenneth Bertuldes
Kyrck Dacusay
Gwyneth Irish Dalida
Terrence Klyn Diamante
Jay-arr Disomimba
Shanne Marie Dizen
Omaira Esmail
Fyve Chrizel Gabo
Baby Cindy Gawid
Baby Honey Ibay
April Elaine Junio
Al-Norish Karim
John Marshal Lapat
Ejay Potes
Abegaile Tayocnog
Joannah Zaragoza

Petsa

Marso 2019

PASASALAMAT

Ang mga mananaliksik ng paksang “Mag-aaral ng STEM at Guro ng Notre Dame of Salaman

College: Relasyong Nakabatay sa Estratihiya ng Pagtuturo at Pag-uugali ng Guro” ay taos pusong

ipinapaabot ang aming pasasalamat sa mga taong tumulong, nagkaroon nang kontribusyon at nagbigay

suporta sa reyalisasyon ng pamanahong papel na ito.

Ang tagumpay ng pananaliksik na ito ay utang naming sa mga sumusunod:

 Sa aming mga magulang, na buong unawa kaming tinutulungan at sinusuportahan sa aming

mga pangangailangan.
 Kay G. Abdul Racman Manardas, ang aming matiyagang guro na sumusuporta at nagtitiyagang

magturo sa amin upang lubusan naming maintindihan an gaming asignatura.

 Sa aming mga kalahok na nagbigay sa amin ng impormasyon na aming kinakailangan sa

pananaliksik na ito.

 Sa aming kapwa mag-aaral na nagbahagi ng kanilang ideya at kaalaman tungkol sa aming

pananaliksik.

 At higit sa lahat sa Poong Maykapal, sa pagdinig ng aming mga dalangin, sa pagpapala at

pagbibigay sa amin ng kalakasan.


TALAAN NG NILALAMAN

Pasasalamat . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . i

Paghahandog . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . ii

Kabanata 1

Panimula . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Paglalahad ng Suliranin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Kahalagahan ng Pananaliksik . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Depinisyon/Kahulugan ng mga Termino . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Kabanata 2

Lokal na Literatura . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Kabanata 3

Disenyo ng Pananaliksik . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Paraan ng Pananaliksik . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Mga Pokus ng Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Mga Instrumento ng Pananaliksik . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .


Tritment ng mga Datos . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Kabanata 4

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Kabanata 5

Lagom . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Konklusyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Rekomendasyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Larawan ng Grupo . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Kurikulum Bitey . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL

PANIMULA

Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang mga guro ang tinuturing na pangalawang magulang ng

mga mag-aaral. Ang mga guro rin ang gumagabay sa mga ito sa isang mabuting daan hindi lamang sa

pag-aaral pati na rin sa pang-araw-araw na buhay nito. Responsibilidad din ng mga ito ang pagtuturo at

ang paghubog sa pagkatao ng mga estudyante. Malaki ang papel na ginagampanan ng mga ito bilang

pangalawang magulang. Nagtuturo din ng magandang asal sa kanilang minamahal na estudyante.

Katulad din ng isang mabuting magulang, kaagapay din sila sa pagkamit ng mga pangarap ng mga

kabataang pumapasok sa eskwelahan.

Ayon kay Papham(1980) ,malaki ang tungkuling ginagampanan ng guro sa pagpapaunlad ng

mga kakayahan taglay ng mga mag-aaral. Ang kanilang impluwensya sa lipunan at sa paghubog ng mga

kakayahan ng mag-aaral ay hindi matutuwaran kailanman. Bilang pangalawang magulang, sila ay

nagsisilbing uhay sa pagpapalago at pagpapayabong ng anumang kakayahan mayroon ang mga mag-

aaral. Dahil sa napakalaking panagutan na ito, nararapat lamang na taglay ng isang guro ang mga

katangiang tunay na papatnubay sa kanyang mga tinuturuan upang magabayan ang mga ito nang

lalong malinang ang kakayahan at abilidad upang maging epektibo hindi lamang sa silid-aralan kundi

higit sa lahat.

Si Richards(1992) ay nagsabing ang epektibong guro ay malikhain. Ang kanyang klase ay

masigla, kawili-wili at laging may bagong gawain. Hindi lamang ang pagpunla at pagkintal ng
impormasyon o prinsipyo ang hangarin, kundi higit sa lahat, ang ninanais ay matulungan ang mag-aaral

na mapabuti ang buhay

Dagdag pa ni Hendricks(1998), mula sa batas ng edukasyon na nagsasaad na epektibo ang isang

guro sa kanyang gawain, kaasalan at saloobin sa kanyang tinuturuan.

Ngunit habang lumilipas ang panahon, nagbabago ang teknolohiya at ang mga siklo ng ating

komunidad. Ngunit mapapansin natin na mas lalong bumababa ang antas ng edukasyon sa ating

bansa. Sa kabila ng maraming programa at tekniks na isinusulong ng kagawaran ng edukasyon,

nawawalan pa rin ito ng saysay sapagkat marami pa ring ibang kadahilanan kung bakit nawawalan ng

interes at gana sa pag-aaral ang mga estudyante at isa na rito ang pag-uugali, pakitungo, at teknik ng

mga guro sa pagtuturo.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay may pangunahing layunin na alamin ang epekto ng pag-uugali at

teknik ng mga guro sa pag-aaral ng mga estudyante.

Sinasagot ng pananaliksik na ito ang mga sumusunod na katanungan:

1. Paano nakakaapekto ang profile(background) ng isang guro sa estudyante?

2. Ano ang mga epektibo at di-epektibong pamamaraan ng pagtuturo ng guro?

3. Napapadali ba ng teknolohiya ang paraan ng pagtuturo ng guro?

4. Ano ang mga magaganda at di kaaya-aya na pag-uugali ng mga guro?


5. Ano ang karaniwang dahilan ng hindi pagkakaunawan ng guro at ng mga estudyante?

6. Ano-ano ang karaniwang epekto ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng guro at estudyante?

7. Paano maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng guro at estudyante?

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral – makatutulong ang pananaliksik na ito upang lalong mapalawak ang kanilang mga

kaalaman kung paano maging isang mahusay na mag-aaral. Nagsisilbing gabay ito upang malinang ang

kanilang kaisipan at kakayanan sa kanilang pag-aaral. Inaasahan na ang pag-aaral na ito ay

makakatulong ng malaki para sa epektibong pamamaraan ng pag-aaral at masanay sa wastong

pamamaraan.

Sa mga guro – magkakaroon sila ng kaalaman sa mga dapat gawin sa kanilang estudyante nang sa

gayon ay magabayan at matulungan nila ang mga mag-aaral sa tamang pamamaraan ng kanilang

pagtuturol. Magiging isang malaking karangalan at tagumpay sa isang guro na naging matagumpay ang

kanilang estudyante sa hinaharap.

Sa mga administrasyon – makakatulong ang pananaliksik na ito upang magkaroon sila ng kaalaman

kung ano ang maaari nilang gawin upang maibahagi ng maayos ng mga guro ang kanilang kaalaman sa

kanilang mga estudyante. Kabilang na dito ang mga pamantayan at panuntunan na kailangan sundin

mula sa Kagawaran ng Edukasyon.


SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa kahalagahan ng mga guro sa Notre Dame of Salaman

College sa kanilang mag-aaral sa STEM at ang kanilang papel sa mga ito. Saklaw ng pag-aaral na ito ang

mga mag-aaral na kabilang sa STEM at ang mga gurong may mga karanasan na sa pagtuturo sa mga

indibidwal na may espesyal na pangangailangan.

Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa mga gurong nagtuturo sa STEM upang matukoy ang kanilang

papel sa lipunan. At sa mga mag-aal na nasa ikalawa at ikatlong henerasyon na kumuha ng

akademikong track na ito upang mabigyan sila ng sapat na pagpapahalaga.

DEPINISYON/KAHULUGAN NG MGA TERMINO

Upang mas mapaigi pa ang kaalaman sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na salita ay

binigyang kahulugan:

 Strand – unang hakbang sa kolehiyo na napapalooban ng mga sumusunod sa

akademikong track: STEM, ABM, HUMSS, at GAS

 STEM – ang STEM ay isang strand na pang-akademikong track na inihahanda ang isang

estudyante sa senior high na nais kumuha ng mga kursong: inhinyero, doktor, arkitekto

atpb

 Kagawaran ng Edukasyon – ang Kagawaran ng Edukasyon(DepEd) ay ang

departamentong tagapagpatupad ng pamahalaan ng pilipinas na responsable sa

pamamahala at pagpapanatiling mataas ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Ito ang


pangunahing tagaisip ng mga polisiyang pang edukasyon at responsable sa sistemang

pang elementarya at pang-sekondarya.

 Edukasyon – ang edukasyon o pagtuturo ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral sa

isang kasanayan, at ang pagbahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at karunungan.

 Teknolohiya – ang teknolohiya o aghimuan ay isang pagsulong at proseso upang

tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao.

KABANATA 2
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

LOKAL NA LITERATURA

Ayon kay Transona Jr.(2002), malaki ang ginagampanan ng edukasyon sa pag-unlad ng isang

bansa. At dahil sa paaralan nakabatay ang mga inaasahan at mithiin ng mga mamamayan patuloy na

nagbabago ang sistema nito dahil naiimpluwensyahan ng patuloy na pagbabago ng panahon. Sa

anumang antas ng pag-aaral, sa bahagi ng pagtuturo ay hindi maitatanggi ang katotohanang ang isang

guro ay isa sa pinakamahalagang sangkop sa isang paaralan. Sa palad ng mga guro nakasalalay ang mga

malikhaing gawaing makatutulong at magsisilbing gabay ng mga mag-aaral. Ang antas ng kahusayan ng

alinmang paaralan ay nakasalalay sa pagganap ng mga guro sa pagtuturo. Binihyang diin din ni

Brian(1996) na ang susi sa lahat ng suliranin sa mabisang pagtuturo ay ang guro.


May iba’t ibang papel na ginagampanan ang guro. Sa kanilang pagtuturo sila’t umaakto bilang

tagapayo, patnubay, tagapangasiwa, kapatid, kaibigan, magulang at iba pa. Sa isang banda, dahil sa ang

pagtuturo ay isang komplikadong gawain, mahalaga ang kahandaan ng guro sa prosesong ito. Bagamat,

hindi lamang ang guro ang tanging baryabol sa ekwasyong pagtuturo-pagkatuto, ang kahandaan ng

guro sa pagtuturo ay isang malaking salik na nakapag-aambag sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Sinasabi nga na ang mabisang pagtuturo ay hindi namamanang kapangyarihan, ito ang bunga

ng matinding pag-aaral at masiglang pagtupad sa tungkulin (Hunter, 1989). Ang pagtuturo ay

kinakailangang tugunan ang proseso ng pagkatuto sa halip na pangibabawan ito. Teaching should be

subordinate to learning ayon kay Gattegno (1976), ibig sabihin, kinakailangan ang anumang hakbang na

gagawin ng guro sa pagtuturo ay tumugon sa kung papaano ba natural na gumagana o nagpoproseso

ang utak o isipan upang matuto.

Ipinaliwanag ni Gumey(2007) sa kanyang pag-aaral na kung ang guro ay hindi handa maaaring

hindi niya magampanan ang responsibilidad ng isang guro. Kung ang guro ay may kahandaan sa

kanyang pagtuturo at handa siyang ibahagi ito sa kanyang mga mag-aaral, mas makikita ang ganap na

epektibong relasyon ng pagtuturo at pagkatuto.

Ayon kay Clemente-Reyes(2003), isa sa mga iang epektibong guro ay dapat maging eksperto sa

lahat ng saklaw ng pagtuturo gaya ng paksang-aralin, pamamahalang pag silid aralan, pagtuturo at

dayagnostiks na pagtuturo.

Sa kabubuuan, ang pagtuturo ay isang sangay ng karunungang nauukol sa paglikha ng maririkit

na bagay at magaganadang kaganapan. Ito’y isang maayos na paraan ng pagsasagawa ng pagkikintal ng

kaalaman. Itinuturing na mahalagang sangkap ng komunikasyon. Ang pagtuturo ay ang malilikhaing


pakikipag-ugnayan ng guro sa kanyang mga tinuturuan na may iba’t ibang katangian at paniniwala. Ang

proseso ng komunikasyon, hindi lamang natatanggap ng mag-aaral ang mensahe mula sa guro kundi,

ito’y kanyang naiuugnay sa sariling pamumuhay sa sistematikong pamamaraan ng guro. Ngunit hindi

lahaht ng pagkakataon ay masasabing nagbubunga ang guro sa kanyang pagtuturo. Kung kaya’t

nararapat lamang na palawakin ng guro ang kanyang kakayahan at kasanayan sa pagtuturo. Kailangang

magkaroon ng mga makabagong istratehiya’t pamamaraan ang guro upang mas maging produktibo at

mabisa ang pag-aaral ng panitikan.

(http://www.academia.edu/4437797/Introduksyon_Fernandez_Lim)

KABANATA 3

METODOLOHIYA AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito ay ipiniprisinta ang paraan ng pananaliksik, mga pokus ng pag-aaral, mga

instrumentong pananaliksik at tritment ng mga datos.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptibo. Tatangkaing

ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang relasyong nakabatay sa estratihiya ng pagtuturo at pag-uugali

ng guro.
PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan nang pagsasarbey at pakikipanayam. Ang

mga mananaliksik ay maghahanda ng sarbey kwestyuner na naglalayong makahanap ng mga datos

upang malaman kung ano ang mga paraan ng pagtuturo at pakikitungo ng isang guro.

Magsasagawa din nang pangangalap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik sa iba’t

ibang hanguan, sa aklatan tulad ng mga aklat, dyaryo, magasin at pamanahunang papel. Kukuha din

ang mga mananaliksik nang ilang impormasyon sa internet.

MGA POKUS NG PAG-AARAL

Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga estudyante sa Notre Dame of Salaman

College. Sa taong 2018-2019 sa Notre Dame of Salaman Poblacion 1 sa Bayang ng Lebak. Sa

kasalukuyan ay may 15 na kalahok na kung saan ang mga mananaliksik ay namahagi ng dalawampung

sarbey kwestyuner sa mga estudyante ng STEM.

MGA INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang talatanungan ay ginamit upang maipakita ang mga datos na kinakailangan sa pag-aaral.

Ang mga katanungan ay pinasagot sa mga estudyante ng STEM.

TRITMENT NG MGA DATOS

Ang pagtally at pagkukuha ng porsiyento ang kinakailangang gawin ng mga mananaliksik upang

mabuod ang mga datos ng pag-aaral patungkol sa “Mga Estudyante at Guro ng Notre Dame of Salaman

College: Relasyong Nakabatay sa Estratihiya ng Pagtuturo at Pag-uugali ng Guro”


NOTRE DAME OF SALAMAN COLLEGE INC.
Founded in 1965 by the Oblates
Owned by the Archdiocese of Cotabato
Managed by the Diocesan Clergy of Cotabato (DCC)

“Service for the Love of God through Mary”


(B.E.S.T)

“Mag-aaral ng STEM at Guro ng Notre Dame of Salaman College: Relasyong Nakabatay sa Estratihiya
ng Pagtuturo at Pag-uugali ng Guro”

Pangalan:_____________________________ Edad:________________________
Kasarian:__________________ Seksiyon:________________

1. Ano ang mga epektibong pamamaraan ng pagtuturo ng isang guro?


Kapag nakitaan mo ng pagbabago ang isang mag-aaral
Kapag halos lahat ng estudyante ay nakapasa sa kanyang pagsusulit
Nakadepende ito sa paraang alam o higit na nakahahatak ng interest ng bata

Iba pang sagot __________________________


2. Ano naman ang di-epektibong pamamaraan ng pagtuturo ng guro?

Ito ay laging late sa klase

Nagbibigay ng mga gawaing malayo sa kanyang paksang tinuturo

Hinahayaan ang mga bata na matuto sa paraang sila mismo ang gumagawa

Iba pang sagot__________________________

3. Napapadali ba ng teknolohiya ang paraan ng pagtuturo ng guro?


Oo Hindi

Iba pang sagot __________________________


4. Ano ang magagandang pag-uugali na ipinapakita ng mga guro?

Laging handang tumulong sa pamamagitan ng edukasyon


Nagtuturo ng maayos

Dinidisiplina ang mag-aaral sa tamang paraan

Iba pang sagot___________________________

5. Ano naman ang di kaaya-ayang pag-uugali na ipinapakita ng guro?

Hindi nagtuturo ng maayos

Nagagalit ng walang rason

Dinadala ang problema galing sa bahay mula sa eskwelahan

Iba pang sagot____________________________

6. Ano-ano ang karaniwang epekto ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng guro at estudyante?


Tumitigas ang ulo ng mga estudyante
Nawawalan ng interes sa pag-aaral

Iba pang sagot __________________________


7. Paano maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng guro at estudyante?
Dapat alamin ng bawat isa kung kung ano at sino ang may problema
Nararapat na pag-usapan ng maayos sa loob ng klase
Maiiwasan ito sa pamamagitan ng komunikasyon at “consistent information”

Iba pang sagot___________________________


KABANATA 4
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga datos na nakalap mula sa mga mag-aaral ng STEM ng NDSC

patungkol sa realasyong nakabatay sa estratihiya ng pagtuturo at pag-uugali ng guro

Talahanayan 1

Distribusyon ng mga kalahok ayon sa edad at kasarian

EDAD KASARIAN

BABAE PORSYENTO LALAKE PORSYENTO

15 1 8% 0 0%

17 8 62% 4 57%

18 4 30% 1 14%

19 0 0% 2 29%

KABUUAN 13 100% 7 100%

Sa talahanayang ito, ipinapakita ang bilang ng mga estudyanteng lumahok sa nasabing sarbey na
patungkol sa “Mag-aaral ng STEM at Guro ng Notre Dame of Salaman College: Relasyong Nakabatay sa
Estratihiya ng Pagtuturo at Pag-uugali ng Guro”. Ang mga kalahok na nasa edad na labing-anim (16)
mayroong isang (1) kalahok sa kasarian ng babae na may kabuuang porsyentong walo (8%) at sa
kasarian ng mga lalake naman ay wala. Sa edad na labimpito (17) mayroong walong (8) babae na nasa
porsyentong animnapu’t dalawa (62%) at sa hanay ng mga lalake naman ay mayroong apat (4) na
kalahok sa porsyentong limampu’t pito (57%). Ang mga kalahok naman na nasa edad na labingwalo
(18), sa hanay ng mga babae, mayroon itong apat (4) na kalahok na nasa porsyentong tatlumpu (30%)
at nasa hanay ng mga lalake naman ay mayroong isang kalahok na may porsyentong labing-apat (14%)
sa kabuuang isang daan na porsyento, at sa panghuli ang mga kalahok na nasa edad na na labinsiyam
(19), walang kalahok sa hanay ng mga babae at sa lalake naman, ay mayroong dalawang (2) kalahok na
nasa porsyentong dalawampu’t siyam (29%). Sa kabuuang pag tatally ang hanay ng mga babae ay may
kabuuang labingtatlo (13) at pito (7) naman sa hanay ng mga lalake na may kabuuang porsyentong
isang daan (100%)

Talahanayan 1.1

Ang mga epektibong pamamaraan ng pagtuturo ng isang guro

MGA PARAAN KALAHOK PORSYENTO

1. Kapag nakitaan mo ng 5 24%


pagbabago ang isang
mag-aaral

2. Kapag halos lahat ng 1 5%


estudyante ay nakapasa
sa kaniyang pagsusulit

3. Naka depende ito sa 15 71%


paraang alam o higit na
nakahahatak ng interes
ng bata

KABUUAN: 21 100%

Sa unang katanungan, ang pumili ng unang sagot ay mayroon limang(5) kalahok na nasa porsyentong

dalawanpu’t apat(24%), habang sa ikalawang kasagotan naman ay may isang(1) kalahok na sumagot na

nasa porsyentong lima(5%) at sa pangatlong kasagotan, sa panghuli ay mayroong labinglimang(15)

sumagot na may porsyentong pitumpu’t isa(71%) sa kabuuang isang daang porsyento(100%)


Talahanayan 1.2

Ang mga di-epektibong pamamaraan ng pagtuturo ng guro

MGA PARAAN KALAHOK PORSYENTO

1. Laging late sa klase 4 20%

2. Nagbibigay ng mga 7 35%


gawaing malayo sa
kaniyang paksang
tinuturo

3. Hinahayaan ang mga 9 45%


bata na matuto sa
paraang sila mismo ang
gumagawa

KABUUAN: 20 100%

Sa ikalawang katanungan, ang pumili ng unang sagot ay mayroon apat(4) kalahok na nasa porsyentong
dalawanpu(20%) na pinili ang unang sagot, habang sa ikalawang kasagotan naman ay may pitong(7)
kalahok na sumagot na nasa porsyentong tatlumpu’t lima(35%) at sa pangatlong kasagotan, sa
panghuli ay mayroong siyam(9) na sumagot na may porsyentong apatnapu’t lima(45%) sa kabuuang
isang daang porsyento(100%).

Talahanayan 1.3
Kung napapadali ba ng teknolohiya ang paraan ng pagtuturo ng guro
MGA PARAAN KALAHOK PORSYENTO

OO 19 95%

HINDI 1 5%
KABUUAN: 20 100%

Sa ikatlong katanungan mayroon labingsiyam(19) kalahok na nasa porsyentong siyamnapu’t lima(95%)


na nagsabi ng “oo”, habang sa ikalawang kasagotan naman na “hindi” ay may isang(1) kalahok na
sumagot na nasa porsyentong lima(5%) sa panghuli at sa kabuuang porsyentong isang daan(100%)
Sa ikatlong katanungan mayroon labingsiyam(19) kalahok na nasa porsyentong siyamnapu’t lima(95%)
na nagsabi ng “oo”, habang sa ikalawang kasagotan naman na “hindi” ay may isang(1) kalahok na
sumagot na nasa porsyentong lima(5%) sa panghuli at sa kabuuang porsyentong isang daan(100%)

Talahanayan 1.4

Ang magagandang paguugali na ipinapakita ng mga guro

MGA PAG-UUGALI KALAHOK PORSYENTO

1. Laging handing 5 24%


tumulong sa
pamamagitan ng
edukasyon

2. Nagtuturo ng maayos 5 24%

3. Dinidisiplina ang mga 11 52%


mag-aaral sa tamang
paraan

KABUUAN: 21 100%

Sa ika-apat katanungan, ang pumili ng unang sagot ay mayroon limang(5) kalahok na nasa porsyentong
dalawanpu’t apat(24%) na pinili ang unang sagot, habang sa ikalawang kasagotan naman ay may
limang(5) kalahok na sumagot na nasa porsyentong dalawampu’t apat(24%) at sa pangatlong
kasagotan, sa panghuli ay mayroong labing-isang(11) sumagot na may porsyentong limampu’t
dalawa(52%) sa kabuuang isang daang porsyento(100%).

Talahanayan 1.5
Ang mga di kaaya-ayang pag-uugali na ipinapakita ng guro
MGA PAG-UUGALI KALAHOK PORSYENTO

1. Hindi nagtuturo ng 10 45%


maayos

2. Nagagalit ng walang 5 23%


rason

3. Dinadala ang problema 7 32%


galing sa bahay mula
eskwelahan

KABUUAN: 22 100%

Sa ika-limang katanungan,ang pumili ng unang sagot ay mayroon sampung(10) kalahok na nasa


porsyentong apatnapu’t lima (45%) na pinili ang unang sagot, habang sa ikalawang kasagotan naman
ay may limang(5) kalahok na sumagot na nasa porsyentong dalawampu’t tatlo(23%) at sa pangatlong
kasagotan, sa panghuli ay mayroong pitong(7) sumagot na may porsyentong tatlumpu’t dalawa(32%)
sa kabuuang isang daang porsyento(100%).

Talahanayan 1.6
Epekto ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng guro at estudyante
MGA EPEKTO KALAHOK PORSYENTO

1. Tumitigas ang ulo ng 11 55%


estudyante

2. Nawawalan ng interes 9 45%


sa pag-aaral

KABUUAN: 20 100%

Sa ika-anim katanungan mayroon labing-isang(11) kalahok na nasa porsyentong limampu’t lima(55%)


na pinili ang unang sagot, habang sa ikalawang kasagotan naman ay may siyam(9) na kalahok na
sumagot na nasa porsyentong apatnapu’t lima(45%) sa panghuli at sa kabuuang isang daang
porsyento(100%).
Talahanayan 1.7
Solusyon upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng guro at estudyante
MGA EPEKTO KALAHOK PORSYENTO

1. Dapat alamin ng bawat 7 35%


isa kung sino ang may
problema

2. Nararapat na pag- 11 55%


usapan ng maayos sa
loob ng klase

3. Maiiwasan ito sa 2 10%


pamamagitan ng
komunikasayon at
consistent information

KABUUAN: 20 100%

Sa huling katanungan,ang pumili ng unang sagot ay mayroon pitong(7) kalahok na nasa porsyentong
tatlumpu’t lima(35%) na pinili ang unang sagot, habang sa ikalawang kasagotan naman ay may labing-
isang(11) kalahok na sumagot na nasa porsyentong limampu’t lima(55%) at sa pangatlong kasagotan,
sa panghuli ay mayroong dalawang(2) sumagot na may porsyentong sampu(10%) sa kabuuang isang
daang porsyento(100%).
KABANATA 5
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng lagom ng pag-aaral, konklusyon, at rekomendasyon para

sa solusyon sa problemang naitala sa pag-aaral na ito ay maibibigay.

LAGOM

Ang paglalathala ng pag-aaral tungkol sa “Mag-aaral ng STEM at Guro ng Notre Dame of Salaman
College: Relasyong Nakabatay sa Estratihiya ng Pagtuturo at Pag-uugali ng Guro” ay naganap na. May
bilang na dalawampung (20)kalahok ang sumagot sa mga katanungan na aming pinamigay. Ang resulta
ay ang mga sumusunod:

1. Karamihan sa mga kalahok ang sumagot na sumasang-ayon sila na nakadepende sa paraang

alam o higit na nakakahatak ng interes ng bata at ito ay sinang ayunan ng labinlimang (15)

katao.

2. Karamihan sa mga kalahok ang sumagot na sumasang-ayon sila na ang di-epektibong

pamamaraan ng pagtutro ng mga guro ay ang pagbibigay ng mga gawaing malayo sa kanilang

tinuturo, at ito ay sinang ayunan ng siyam (9) na katao.

3. Karamihan sa mga kalahok ang sumang-ayon na napapadali ng teknolohiya ang paraan ng

pagtuturo ng mga guro.

4. Karamihan sa mga kalahok ang sumagot na sumang-ayon na ang magandang pag-uugali na

ipinapakita ng mga guro ay ang pagdidisiplina sa mga mag-aaral sa tamang paraan.

5. Karamihan sa mga kalahok ang sumagot na ang di kaaya-ayang pag-uugali na ipinapakita ng

mga guro ay ang pagdadala ng mga problema galling sa bahay mula sa eskwelahan.
6. Karamihan sa mga kalahok ang sumagot na ang karaniwang epekto ng hindi pagkakaunawaan

sa pagitan ng mga guro at mag-aaral ay ang pagiging matigas ng ulo ng mga estudyante.

7. Karamihan sa mga kalahok ang sumagot na nararapat na pag-usapan ng maayos sa loob ng

klase ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga guro at estudyante.

KONKLUSYON

Ayon sa lagom ng pag-aaral, ang mga sumusunod ay nakita:

1. Mas malinaw na karamihan sa mga kalahok ang sumasang-ayon na ang epektibong

pamamaraan ng pagtuturo ng isang guro ay nakadepende sa paraan alam o nakakahatak ng

interest ng bata. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang abilidad lalo na sa pagtuturo sa mga

estudyante at kung paano nila masosolusyonan ang mga problemang ikinakaharap sa loob at

labas ng klase. Ang pamamaraang itinataglay ng mga guro ay magsisisilbing susi ng mga guro

subalit, nakadepende parin sa pag-uugali ng isang estudyante ang kalabasan nito.

2. Ipinapakita sa lagom na mas malinaw na karamihan sa mga kalahok ang sumasang-ayon na

naiiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga guro at mag-aaral sa paraang

nararapat na pag-usapan ng maayos sa loob ng klase ang mga problemang nagaganap sa

pagitan ng dalawang panig sa mga problemang nangyayari ay hindi lamang ang mga guro ang

naapektuhan ng mga mag-aaral dahil sa pagpababa ng kanilang dignidad dahil sila ay nababash

at pinag-uusapan.
REKOMENDASYON/

Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos, nabuo ng mananaliksik ang mga

rekomendasyong ito:

1. Tayo’y nasa panahon nang makabagong teknolohiya at isa ito sa makakatulong upang mas

maging maayos ang relasyon ng guro at ng estudyante dahil sa paraan ng paggamit nito ay mas

nauunawaan ng mga mag-aaral ang bawat leksyon at walang maririnig na anumang reklamo

galling sa bawat isa saubalit kailangan rin ng karagdagang impormasyon galling mismo sa

gurong nagtuturo sa kadahilanang nagiging malinaw ang aralin

2. Bilang pangalawang magulang maituturing ang mga guro, dapat rin ay ituring nilang anak ang

bawat estudyante at disiplinahin sila sa tamang paraan. Katulad ng pagbigay ng payo sa

estudyanteng nagkamali a pribado at tamang lugar upang hindi ito ikasira ng kanilang imahe at

ng hindi mapahiya.

3. Nararapat na pag-usapan ng maayos sa loob ng klase ang hindi pagkakaunawaan ng guro at

estudyante, sa ganitong paraan, maiiwasan at ang pagkakasalungat sa bawat isa. Dahil dito,

mas lalo pang pang magiging matatag ang relasyon ng guro at estudyante.

4. Upang masolusyonan at para maiwasan ang di pagkakaunawaan sa pagitan ng guro at

estudyante na nagiging epekto sa lalong pagtigas ng ulo ng mga estudyante, nararapat na

bigyan ng konsiderasiyon at kung maari ay pakinggan ang panig ng bawat isa. Ito ay mabisang

solusyon na kinakailagan upang hindi na lalong tataas pa ang bilang ng mga estduyanteng

timitigas ang ulo kundi bababa pa ito dahil sa mga solusyong gagamitin. Ang relasyon sa pagitan

ng guro at estudyante ay nararapat upang magkaroon ng magandang ugnayan sa loob ng silid.


5. Isa sa mga epektibong solusyon sa pamamaraan ng mga guro ay ang paraang nakakahatak nang

interes ng mga bata, sapagkat ang isang bata ay kusang nakikinig at natututo sa mga ginagawa

ng guro kapag ito ay may malawak na pag-iisip na nakakahatak ng atensyon ng mga ito. Isa sa

mga halimbawa na ito ay ang pagkakaroon ng maikling ehersisyo o zumba bago magsimula ang

klase upang magising ang mga natutulog na diwa ng mga estudyante. Isa rin sa mga paraan ay

ang mg leksyon ng guro ay maaaring i-ugnay sa mga napapanahong pangyayari o mga

nagaganap sa paligid na kung saan ang mga estudyante ay makaugnay sa mga leksyong ito lalo

na kapag ito ay nakakahikayat.

6. Nararapat na wag hayaan ng mga guro guro ang estudyante na hindi maintindihan ang kanyang

leksyon. Maaaring magbigay pa ang guro ng mga halimbawa tungkol sa kanyang leksyon at

subukang ipasagot sa kanyang mga mag-aaral ang mga katanungan. At nararapat na ituro ito ng

maayos at huwag munang magpatuloy sa isang leksyon kapag nahihirapan pa ang mga

estudyante sa pag intindi sa kanyang leksyon.


LARAWAN NG GRUPO
KURIKULUM BITEY Name: Jay-ar P. Disomimba
Address: Pob.2, Lebak, Sultan Kudarat
Name: Arjay C. Albeza Contact No.: 09558239339
Address: Pob.1, Lebak, Sultan Kudarat Birthdate: April 9, 2001
Contact No.: 09098031819 Age: 17
Birthdate: Jauary 17, 2002 Gender: Male
Age: 17
Gender: Male Name: Terrence Klyn Diamante
Address: Pansud, Lebak, Sultan Kudarat
Name: Abegail S. Tayocnog Contact No.: 09264660625
Address: Pasandalan, Lebak, Sultan Kudarat Birthdate: May 18, 2001
Contact No.: 09667837514 Age: 16
Birthdate: February 12, 2001 Gender: Female
Age: 18
Gender: Female Name: Kenneth Bertuldes
Address: Poblacion, Kalamansig, Sultan Kudarat
Name: Fyve Chrizel B. Gabo Contact No.:09952218044
Address: Pob. 2, Lebak, Sultan Kudarat Birthdate: October 11, 2001
Contact No.: 09457899338 Age: 17
Birthdate: October 21, 2001 Gender: Male
Age: 17
Gender: Female Name: Joannah Marie M. Zaragoza
Address: Poblacion, Kalamansig, Sultan Kudarat
Contact No.: 091000705595
Birthdate: June 29, 2001
Age: 17
Gender: Female

You might also like