You are on page 1of 17

Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil

02 Pagbasa at Pagsulat
alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres
mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu

Halaga ng Pagbabasa

1. Nakapagdudulot ng kasiyahan at nakalulunas ng pagkabagot.


2. Pangunahing kasangkapan sa pagtuklas ng kaalaman sa iba’t
ibang larang ng buhay
3. Nalalakbay ang mga lugar na hindi nararating, nakikilala ang mga
taong yumao na.
4. Naiimpluwensiyahan nito ang saloobin at palagay hinggil sa iba’t
ibang bagay at tao.
5. Nakatutulong sa paglutas ng mga suliranin at sa pagtaas ng
kalidad ng buhay.

Katangian ng Pagbasa

1. Posible ang pagbasa para sa lahat.


2. Isa itong proseso ng pag-iisip.
3. Nangangailangan ng interaksyon sa awtor, teksto at sarili.
4. Nangangailangan ng sensitivity sa kayariang balangkas ng tekstong
binabasa.
5. Maraming hadlang sa pag-unawa (pisikal, sikolohikal, pisyolohikal, at
semantik). Salik din ang pagkakaroon ng magkakaibang kultura, at
persepsyon.
6. Nakapagpapabilis sa pagbasa ang mabilis na pang-unawa.

Apat na Hakbang sa Proseso ng Pagbasa (William Gray)

1. Persepsyon – pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo at maging sa


pagbigkas nang wasto sa mga simbolong nababasa
2. Komprehensyon – pag-unawa o pagpoproseso ito ng mga impormasyon
o kaisipang ipinahahayag ng simbolong nakalimbag na binasa. Ito ay
nagaganap sa isipan

Kaya may dalawang sub proseso rito: 1) proseso ng pagdedekowd at 2)


proseso ng pag-unawa/pag-intindi (Lapp at Flood (1983) )

3. Reaksyon – hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan,


kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong binasa
4. Asimilasyon/Integrasyon – isinasama at iniuugnay ang kaalamang
nabasa sa mga dati nang kaalaman at/o karanasan

Kahulugan ng Pagbasa

Reading maketh a full man.(Sir Francis Bacon)

Ang pagbasa ay nagpapaunlad sa personalidad ng tao.

Reading is a psycholinguistic guessing game. (Kenneth S. Goodman)

1
Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat
alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres
mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu

-Tayo ay bumubuo ng panibagong kaisipan mula sa binasa. Kapag


nagbabasa ay naririnig natin ang binabasa sa ating isipan kaya lalo natin
itong naiintindihan. Dito naisasagawa ang panghuhula, paghahaka-haka,
paghihinuha, at paggawa ng prediksyon.

The man who reads is the man who leads. (Lord Chesterfield)

Lagi nang nakalalamang ang mga taong kapag nagsasalita ay may


batayan ang kanyang sinasabi sapagkat ang mga ito ay nailimbag na at
tinanggap nang nakararami.

Mga Teorya sa Pagbasa

1. Teoryang Bottom-up
Bunga ito ng teorya ng mga behaviorist na higit na nagbibigay
pokus sa kaligiran sa paglinang ng komprehensyon sa pagbasa.
Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula
sa pagkilala sa mga titik, salita, at pangungusap bago malaman ang
kahulugan ng teksto. Ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga salita at ang
teksto ang pinakamahalagang salik sa pagbasa. Naniniwala ang teoryang
ito na ang utak ng bata ay isnag blangkong papel o tabula rasa.

Ang mambabasa ay isang pasibo (passive) na kalahok lamang sa


proseso ng pagbasa dahil ang tanging tungkulin niya ay ulitin ang lahat
ng mga detalyeng nakasaad sa tekstong kanyang binasa. Ang proseso ng
pag-unawa ay nagsisimula sa teksto (tinatawag na bottom) patungo sa
mambabasa (up).
Tinatawag itong outside-in o data-driven ni Smith (1983) sapagkat
ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi nagmula o nanggaling sa
tagabasa kundi sa teksto.

2. Teoryang Top-down
Malaki ang impluwensya ng Sikolohiyang Gestalt sa teoryang ito
na nagsasabing ang pagbabasa ay isang holistikong proseso (holistic
process). Ang mambabasa ay isang aktibo (active) na kalahok sa proseso
ng pagbasa na may taglay na dating kaalaman (prior knowledge) na
nakaimbak sa kanyang isipan at may sariling kakayahan sa wika
(language proficiency). Ang prosesong ito ay nagsisimula sa kaisipan ng
tagabasa (top) patungo sa teksto (down) sapagkat ang dating kaalaman
niya ang nagpapasimula sa kanyang pagkilala sa teksto at kung wala ito,
ang anumang babasahin ay hindi mabibigyang-kahulugan.
Tinatawag ding inside-out o conceptually driven dahil ang pag-
unawa ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto na ang dating
alam ng mambabasa ay iniuugnay sa mga binanggit na ideya sa teksto
ng manunulat.

3. Teoryang Interaktibo

2
Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat
alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres
mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu

Ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan. Dito nagaganap


ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor kaya ang
interaksyon ay bi-directional (pataas at pababa).
Mahalaga ang larangan ng metakognisyon na nahihinggil sa
kamalayan at kabatiran sa taglay na kaalaman at sa angking kasanayan
ng mambabasa, gayundin ang paghahatid sa mga kasanayang ito. Narito
ang karagdagang impormasyon tungkol dito:
“Metacognition is “cognition about cognition”, “thinking
about thinking”, “knowing about knowing”, “becoming aware of
one’s awareness”, and “higher order thinking skills. The term comes
from the root word meta, meaning beyond.
More precisely, it refers to the processes used to plan,
monitor, and assess one’s understanding and performance.
Metacognition includes a critical awareness of a) one’s thinking and
learning, and b) oneself as a thinker and learner.

Kung ganoon, ang isang mambabasa ay kailangang maging


metacognitive sa teoryang ito.

4. Teoryang Iskema
Sa teoryang ito, pinaniniwalaang ang teksto ay walang kahulugang
taglay sa sarili. Ito (teksto) ay nagbibigay lamang ng direksyon sa
nagbabasa kung paanong gagamitin at magpapakahulugan mula sa
kanilang dating kaalaman. Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa
pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa. Bawat bagong
impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang
iskema. Samakatwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa ang
teksto, may taglay na siyang ideya sa nilalaman nito mula sa pag-
iiskema sa paksa.
Ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng komprehensyon.
Hindi teksto ang iniikutan ng proseso ng pagbasa, kundi ang tekstong
nabubuo sa isipan ng mambabasa.

Antas ng Pag-Unawa/ Antas o Lebel ng Pag-iisip

1. Batay sa Katotohanan/Faktwal
- may kinalaman sa memori o simpleng paggunita ng mga
impormasyong tuwirang inilahad sa teksto
- mababang antas ng pag-unawa dahil nakapokus lamang sa
impormasyong nakapaloob sa binasang teksto
- karaniwang sumasagot sa mga tanong na “Ano, Kailan, Saan,
Ilan, Sino”
- hahantong ang kasanayan sa pagtukoy sa mga detalye

2. Batay sa Pagpapakahulugan/ Interpretativ


- kailangan ang kasanayan sa paghihinuha at ang pag-uugnay
ng mga impormasyon sa teksto sa pagsagot.
- ang mga impormasyon ay di tuwirang nakalahad sa teksto

3
Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat
alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres
mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu

- kailangan ang kasanayan sa pagbasa na reading between the


lines

3. Batay sa Paglalapat/ Aplikativ


- kailangan ang pag-uugnay ng mga impormasyong galling sa
teksto, at ng mga personal na iskema ng bumabasa
- sa ganitong pag-uugnay, kailangan ang kasanayan sa
pagbasa na reading beyond the lines
- hahantong ang kasanayan sa paghula sa maaaring maganap

4. Batay sa Pakikisangkot/ Transaktiv


- kaalamang hango sa teksto ang kailangan, ganundin ang
personal na iskema at sariling pagpapahalaga
- ipinalalagay ng tagabasa na isa siya sa mga tauhan at
ipinapasok ang sarili sa kwento
- maituturing itong reading with the character
- hahantong ang kasanayan sa pagbuo ng sariling
pagpapahalaga

Mga Uri ng Pagbasa


1. Skimming - napakabilis ito na hindi naisasakripisyo ang pagkilala
at pag-alam sa layunin. Nagagamit sa pagkuha sa pangkalahatang
ideya/ impresyon ng buong teksto. Ginagamit din sa pagpili ng
aklat o magasin, sa pagtingin sa mga kabanata ng aklat bago ito
basahin nang tuluyan, paghahanap ng tamang artikulo sa
pananaliksik, atbp.
2. Scanning - mabilisang pagbasa ngunit higit itong nakafokus sa
isang tiyak na impormasyon tulad ng paghahanap ng numero ng
telepono sa direktoryo, paghahanap ng katuturan ng salita sa
disyunaryo, paghahanap ng tiyak na sagot ng mga tanong sa isang
teksto.
3. Pagbasang Exploratory - naglalayong kumuha ng malinaw na
larawan ng kabuuang presentasyon ng mga ideya; karaniwang
ginagawa sa pagbasa ng mga artikulo sa magasin, ng mga akdang
pampanitikan o ng fiction
4. Study Reading - pinag-aaralang mabuti ng mambabasa ang
binabasang materyal upang lubusang maunawaan ang mga
pangunahing ideya at pagkakaugnayan ng mga ito; karaniwang
ginagamit ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng aralin.
5. Mapanuring Pagbasa - hinihingi ang kakayahan ng mambabasa na
makilala ang pagkakaiba ng katotohanan sa opinion, mabatid ang
mga propagandang ginamit sa material na humihikayat sa
mambabasa, makilala ang mga pagkiling (bias) ng manunulat

6. Previewing – ang unlaping pre- ay nangangahulugang bago gawin.


Ang preview sa pagbasa ay parang isang preview sa pelikula.
Sinusuri rito ng bahagya ang pamagat, tauhan, panimula, wakas,

4
Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat
alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres
mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu

pati mga larawan, talahanayan, graf at tsart. Karaniwan ding


binabasa agad ang libro.
7. Casual – ang layunin lamang ay magpalipas-oras, dahil ito ay
pagbasang pansamantala o di palagian lamang
8. Informative – layuning makapagbigay ng wastong kabatiran, o
kaalaman
9. Muling-Basa – kinakailangan kung nagkaroon ng iba pang bagay
na dapat kumpirmahin. Makabubuti ang ganitong istilo upang
matiyak ang mga impormasyong may kaunting kalabuan pa sa
mambabasa. Ginagamit ito sa mga akdang pampanitikan,
partikular sa tula, na tunay na binabalot ng matatalinghagang
pahayag.
10. Pagtatala – kailangan sa mahahaba at kumplikadong artikulo.
Kailangan ang paggamit ng note pad.

URI NG TEKSTONG PANG-AKADEMIK


1. Pang-Agham-Panlipunan – mahalagang malinang sa mambabasa ang
kanyang mapanuring pag-iisip upang matiyak niya kung ang mga
ipinakilalang mga pangyayari ng sumulat ay mga katotohanan o
propaganda lamang
2. Pang-Agham – humihingi ng mga kasanayang tinataglay ng mga
siyentipiko, ang mambabasa ay kinakailangang magtaglay ng mahusay
na palaisip at marunong maghinuha at gumawa ng mga hula o
prediksyon
3. Panghumanidades – ang mambabasa ay dapat magkaroon ng
kakayahang sumuri sa mensaheng ipinaaabot ng may-akda sa
pamamagitan ng teksto. Marunong magpahalaga sa mensahe ng teksto
at maramdaman din ang damdaming kanyang nadarama, maunawaan
at mapahalagahan ang mga adhikain at pangarap ng awtor.
4. Pampropesyunal – dapat na marunong ang mambabasa na kumuha ng
pangunahing ideyang nais iparating ng sumulat tungkol sa larangang
tinutukoy sa teksto. Dapat ding marunong kang kumilala ng mga
detalyeng ibinigay ng sumulat na makapagbibigay-linaw sa mensahe ng
teksto at maiaaplay ang mga ito sa iyong pang-araw-araw na buhay.

IBA’T IBANG ORGANISASYON NG TEKSTO

1. Depinisyon – kapag nais bigyang-kahulugan ang isang di-pamilyar


na termino o mga salitang bago sa pandinig. Ito ay nagtataglay ng
tatlong bahagi:
a. termino o salitang binibigyang-kahulugan
b. uri, class o specie kung saan kabilang o nauuri ang terminong
binibigyang kahulugan
c. mga natatanging katangian nito (distinguishing characteristics)
o kung paano ito naiiba sa mga katulad na uri

5
Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat
alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres
mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu

Sa pagbibigay ng kahulugan, may tatlong paraan na maaaring gamitin


ang isang manunulat:
1. Sinonim o paggamit ng mga salitang katulad ang kahulugan o
kaisipan.

Halimbawa:
Pangungusap: Filipino ang ating pambansang wika.
Depinisyon: wika – lenggwahe (pangngalan)
Pangungusap: Tayong lahat ay mga Pilipino,” ang wika ni Propesor Rovira.
Depinisyon: wika – sabi (pandiwa)

2. Intensib na pagbibigay ng kahulugan o ginagamit ang tatlong bahagi


ng depinisyon.
Halimbawa:
Ayon kay Webster, ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng
mga tao sa pamamagitan ng mga pasalita o pasulat na simbulo. Ito ay tumutukoy
rin sa kabuuan ng mga salita at paraan ng pagsasalita na pekulyar sa isang etnik,
cultural o nasyunal na pangkat. Halimbawa nito ay ang Nihonggo ng Hapon, ang
Chavacano ng mga Kastilang creole na naninirahan sa Mindanao at ang Ivatan ng
mga katutubo sa Basco at mga pulo ng Batanes.
3. Ekstensib. Dito pinalalawak ang intensib na depinisyon sa
pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang metodo tulad ng pag-uuri,
analohiya, paghahambing, pagkokontrast, paglalarawan,
pagpapaliwanag, pagbibigay-halimbawa, pagbanggit ng hanguan o
awtoridad at dimensyong denotasyon (kahulugan ay galing sa
diksyunaryo) at dimensyong konotasyon (matalinghagang kahulugan
o kaya’y galing sa personal na karanasan).
Halimbawa:
Maraming nagsasabi na ang wika ay mga tunog na lumalabas sa bibig ng tao.
Ito raw ay kasangkapan sa pakikipagtalastasan. Tunay, ngunit hindi kasangkapang
mekanikal lamang. Higit dito ang kalikasan ng wika.
Higit sa panlipunang tungkulin ng wika, ito ang sumasalamin sa kaluluwa ng
isang indibidwal at ng buong bansa. Salamin ito ng mga katangiang mental,
emosyunal at ispiritwal ng sinumang indibidwalidad. Masasalamin din sa wika ang
mga katangiang kultural ng isang bayan, bawat pangkat at bawat bansa.
Mahalaga ang wika sa sinumang tao at sa alinmang lipunan. Wika ang
nagdadamit sa ating mga pansarili at pangkalahatang kamalayan. Ito ang
nagbibigay-katawan sa kaluluwa. Wika nga ni Samuel Johnson, Language is the
dress of thought. Pinangalawahan pa ito ni Thomas Carlyle na nagsabing, Language
is the garment of thought, however it should rather be, language is the flesh garment,
the body of thought.
Ang wika ay simbolo rin ng kalayaan. Ang bayang walang sariling wika ay
walang kalayaang pampulitika o kaya ay kalayaang pangkaisipan. Samakatwid, ang
wika ay kasangkapan sa paglaya, kung paanong ito ay maaari ring gamitin bilang
instrumento ng pang-aalipin o dominasyon.

4. Pag-iisa-isa o Enumerasyon – Itinatala ang mga mahahalagang


impormasyon tungkol sa paksang tinatalakay. Ginagamit ang mga
6
Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat
alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres
mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu

signal na bilang panimula, una, ikalawa, susunod, pagkatapos,


bilang pagwawakas, gayundin, sa katunayan, halimbawa…
a. Simpleng Pag-iisa-isa – pagtalakay sa pangunahing paksa at
pagbanggit ng mga kaugnay at mahahalagang salita.

Halimbawa:
Ang pagsasalita ay kailangang idebelop upang higit na maging epektib
tayong tagapagsalita. Ang mahusay na pagsasalita ay nakakakuha ng sapat
na atensyon ng mga tagapakinig. Upang maging mahusay tayong
tagapagsalita, kailangan nating sanayin ang sarili at angkinin ang mga
sumusunod na mungkahi sa pangangailangan sa mabisang pagsasalita:
a. Magkaroon ng sapat na kaalamn sa paksa,
b. Magkaroon ng sapat na kasanayan sa pagsasalita, at
c. Magkaroon ng tiwala sa sarili.
Ang sumusunod ay mga kasangkapan ng isang nagsasalita:
d. Tinig
e. Bigkas
f. Tindig
g. Kumpas
h. Kilos

b. Komplikadong Pag-iisa-isa – pagtalakay sa pamamaraang


patalata ng pangunahing paksa at mga kaugnay na kaisipang
naglilinaw sa paksa. Tinatalakay nang sunud-sunod o nang
magkakahiwa-hiwalay at magkakaugnay na talata ang mga
bagay na inisa-isa.
Halimbawa:
Ang Kompyuter Networking
Ang computer network ay interkoneksyon ng mga kompyuter na ginagamit ng
mga tao sa iisang lugar. Kalimitang ginagamit ang ganitong sistema ng mga
kumpanya upang mapadali ang ugnayan o komunikasyon sa pamamagitan ng
pagpapadala ng impormasyon anumang oras at saan mang panig ng mundo.
Maraming iba’t ibang organisasyon ang gumagamit ng mga kompyuter na
matatagpuan sa iba’t ibang lugar maging sa ibang bansa. Ang sumusunod ay ang
mga layunin ng networking ng mga kompyuter.
Resource Sharing
Ang pinakauna sa lahat ng layunin ng networking ay ang pagkakaroon ng
access o pagkakataon na mabasa o makitya ng bawat indibidwal ang iba’t ibang
impormasyong abeylabol sa network. Nangangahuluigan lamang na sinuman ang
may kailangan ng impormasyon, malayo man o malapit, ay kinakailangang
mabigyan ng pagkakataon na makuha o makita ang impormasyong kanhyang
kailangan. Ang impormasyon na makikita sa kompyuter ay likha sa iba’t ibang
panig ng mundo.
High Reliability
Ang ikalawang layunin ng networking ay ang pagkakaroon ng high reliability o
ng pagkakaroon ng tumpak o wastong impormasyon. Ang isang impormasyon ay
maaaring makuha o makita sa iba’t ibang kompyuter na may interkoneksyon
(multiple CPUs) sakaling magkaroon ng suliraning hindi inaasahan. Kapag nawala
7
Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat
alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres
mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu

ang impormasyon bunga ng pagkasira ng hardware, ang back-up na impormasyon


ay maaaring makuha sa ibang kompyuter na nakanetwork dito.

5. Pagsusunud-sunod o Order – sunud-sunod ang paglalahad ng mga


kaisipan o ideya na siyang nagpapalinaw sa bumabasa. Ginagamit
ang mga signal na sa (petsa), noong, di nagtagal, ngayon, bago,
nang, mula (petsa), hanggang (petsa)…
a. Sikwensyal-Kronolohikal. Ang sikwens ayon sa diksyunaryo
ay mga serye o sunud-sunod na mga bagay na konektado sa
isa’t isa at ang kronolohiya naman ay ang pagkakasunud-
sunod ng mga bagay.

Sikwensyal ang isang teksto kung ito ay kinapapalooban ng


serye ng pangyayaring magkakaugnay sa isa’t isa na
humahantong sa isang pangyayari na siyang pinakapaksa ng
teksto. Batayan ng order ng ganitong mga teksto ay ang
panahon o ang pagkakasunud-sunod na pagkakaganap ng mga
pangyayari. Gamitin ang ganitong organisasyon sa mga akdang
naratib tulad ng kwento, talambuhay, balita, at historikal na
teksto.
Halimbawa:
Pinatay si Ninoy Aquino sa panahon ng pamamahala ni Marcos. Umuwi ang
kanyang byuda, Cory Aquino. Ang pagpatay na ito ay nagpagising sa natutulog na
bansa. Ang tila wala ng pagkatinag na diktadurya ay unti-unting humina. Tumawag
ng isang snap election ang diktador. Napilitan ang byudang kumandidato laban sa
diktador. Siya na isa lamang housewife ang humamon kay Marcos. Gustong dayain
ng diktador ang byuda. Muling nagising ang mga tao. Dumagsa sa EDSA at doon,
sa loob ng apat na araw, naganap ang hindi inaasahan. Nagtagumpay ang mga tao.
Nahirang na pinuno ng bansa si Corazon Aquino.

Kronolohikal naman ang teksto kung ang paksa nito ay mga


tao o kung ano pa mang bagay na inilalahad sa isang paraan
batay sa isang tiyak na baryabol tulad ng edad, distansya,
tindig, halaga, lokasyon, posisyon, bilang at dami.
Halimbawa:
Ang pag-iisang dibdib nina Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonso
Realonda ay biniyayaan ng labing-isang anak –siyam na babae at dalawang
lalaki. Sila ay sina: Saturnina, ang panganay sa magkakapatid na
pinalayawang Neneng; Paciano, ang kuya ni Jose na kanyang tinawag na Uto
at naging ikalawang ama; Narcisa, ang ikalawang babae sa magkakapatid na
nakilala sa tawag na Sisa; Olimpia, ikatlo sa mga babae na may palayaw na
Ypia; Lucia; Maria o Biang; Jose na pinalayawang Pepe at naging
pambansang bayani ng Pilipinas; Concepcion o Concha na namatay sa
gulang na tatlo; Josefa na kanilang tinawag na Panggoy; Trinidad o Trining;
at Soledad, ang bunso sa labing-isa at binansagang Choleng.

8
Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat
alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres
mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu

b. Prosidyural – isang uri ng teksto tungkol sa serye ng mga


gawain upang matamo ang inaasahang hangganan o resulta.
Halimbawa, kung pagluluto ang gagawin, may tamang
prosesong dapat na sundin upang maging masarap ang
pagkaing ihahanda. Kung pagkumpuni naman ng sirang
makina, may mga tamang prosidyur din na dapat gawin upang
maisaayos ang sira nito.

6. Paghahambing at Pagkokontrast – nagbibigay-diin sa


pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o higit pang tao, bagay,
kaisipan o ideya at maging ng pangyayari. Ang mga sumusunod na
signal ay karaniwang ginagamit: gayunpaman, ngunit, gayundin, sa
kabilang dako, hindi lamang…

May dalawang paraan ang hulwarang ito:


a. Halinhinan (alternating) ang pagtalakay sa katangian
b. Isahan (block) magkasunod na pagtataya sa katangian ng
dalawang paksang pinaghahambing at kinokontrast.

Ganito ang karaniwang balangkas ng dalawang paraan ng


pagtalakay ng tekstong hambingan at kontrast:

Halinhinan Isahan
I. Pagkakatulad ng A at B I. Mga Katangian ng A
A. Pagkakatulad 1 A. Katangian 1
B. Pagkakatulad 2 B. Katangian 2
C. Pagkakatulad 3 C. Katangian 3
II. Pagkakaiba ng A at B II. Mga Katangian ng B
A. Pagkakaiba 1 A. Katangian 1
B. Pagkakaiba 2 B. Katangian 2
C. Pagkakaiba 3 C. Katangian 3

Halimbawa:
Ang Pangulo at ang Kongreso
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng Pangulo at Kongreso sa sistemang
pulitikal ng ating bansa. Tungkulin nilang pangalagaan ang seguridad gayundin
ang kapakanan ng mamamayan. Upang maisagawa ng Pangulo at ng Kongreso ang
kanilang tungkulin, nakasaad sa Konstitusyon ang kani-kanilang kapangyarihan.
Ang Kongreso ay may kapangyarihan sa paniningil ng buwis, pagbabadyet ng
pondo, pagdeklara ng digmaan ng bansa, bilang board of canvasser sa tuwing may
eleksyon sa pagpili ng Pangulo at Pangalawang Pangulo, magsagawa ng
impeachment at pag-ayenda sa kasalukuyang batas. Ilan lamang ito sa
kapangyarihan ng Kongreso na isinasaad sa Konstitusyon. Ang iba pang
kapangyarihan nito ay mauuring implayd at inherent.
Samantala, ang Pangulo naman ay may kapangyarihan sa pamamahala at
pagpapatupad ng batas. Tinatawag din itong kapangyarihang ehekutibo. Kabilang

9
Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat
alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres
mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu

din sa kanyang kapangyarihan ang paghihirang (appointment) ng mga opisyal ng


kanyang pamahalaan. Ang paghirang ay maaaring permanente at pansamantala.
May kapangyarihan din ang Pangulo na alisin ang mga taong kanya ring hinirang.
Nangyayari ito kung hindi epektib sa kanyang tungkulin bilang opisyal ang sino
mang hinirang ng Pangulo sa pamahalaan. May kapangyarihan din ang Pangulo na
kontrolin ang lahat ng ahensya ng gobyerno, local man o nasyunal.
May kapangyarihan din ang Pangulo sa sandatahan ng Pilipinas. Sa katunayan,
siya ang tumatayong Commander-in Chief nito. Ilan lamang ito sa kapangyarihan
ng Pangulo na nakasaad sa Konstitusyon.
Ang Pangulo at ang mga mambabatas na bumubuo sa Kongreso ay kapwa
ibinoboto ng mga mamamayan. Sila ay pinipili batay sa kanilang mga kakayahang
pamunuan ang ating bansa. Higit sa lahat, sila ay kapwa nagsisilbi para sa
kapakanan ng buong bansa.

7. Problema at Solusyon – Pagtalakay sa isa o ilang suliranin at


paglalapat ng kalutasan ang pokus ng hulwarang ito. Karaniwang
inuunang talakayin ang problema bago ang solusyon bagamat
minsan ay ang kabalikan nito. Ang problema ay maaaring
panlipunan o pang-agham na nangangailangan ng solusyon.
Halimbawa:
Sa isang pag-aaral na isinagawa hinggil sa kultura ng pananaliksik ng mga local
na pamantasan sa Metro Manila, natuklasan ng isang mananaliksik ang ilang mga
suliraning nakaapekto sa epektib na implementasyon ng mga programang
pampananaliksik ng mga pamantasan sa nasabing lugar. Ilan sa mga suliraning ito
ay ang kakulangan ng mga institusyunal na programang pampananaliksik sa mga
pamantasan. Kapansin-pansin din ang pangangailangang mapagbuti ang mga
resorses na human at materyal. Malinaw rin ang indikasyon ng kakulangan ng mga
awtput sa pananaliksik, diseminasyon ng mga awtput ng pananaliksik at paggamit
ng mga ito sa mga institusyunal na debelopment.
Sa nasabing pag-aaral, pangunahin sa mga mungkahing solusyon ng
mananaliksik ang institusyunalisasyon ng isang istrakturang pampananaliksik na
binubuo ng mga kwalipayd na taong may mataas na teknikal na kaalaman at
kasanayan sa pananaliksik. Ang istrakturang ito ay binubuo ng Pangalawang
Pangulo para sa Pananaliksik, isang Sangguniang Pampananaliksik at mga Direktor
sa Pananaliksik na siyang mamumuno sa sentro ng pananaliksik sa bawat kolehyo
ng pamantasan. Samantala, pangunahin sa mungkahing paraan ng pagpapabuti ng
material na resorses ay ang paglalaan ng sapat na badyet para sa mga gawaing
pampananaliksik at pagbili ng mga kagamitan o pasilidad na kailangan para sa
nabanggit na gawain. Samantala, upang makaakit naman ng mga kwalipayd at
mahuhusay na pananaliksik, makabubuti kung an gang mga pamantasan ay
magbibigay ng mga insensitib para sa mga mananaliksik. Ang mga istratehiyang ito
ay inaasahang makapagpapataas din ng antas ng mga awtput pampananaliksik ng
mga pamantasan, kapwa sa dami at kwaliti, gayundin ng diseminasyon at paggamit
ng mga nasabing awtput.

8. Sanhi at Bunga – ipinakikilala kung paano naganap ang mga


pangyayari o konsepto (epekto/bunga) dulot ng ibang pangyayari o
konsepto (sanhi). Ang mga ginagamit na signal sa hulwarang ito ay
dahil sa, kaya, bilang bunga/resulta…

10
Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat
alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres
mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu

Halimbawa:
Nakalulungkot at nakababahala ang lumalalang kawalan ng interes ng
maraming kabataan sa pagbabasa ng mga akdang pampanitikan, lalo na ngating
mga sariling obra, at ang waring patuloy na pagbaba ng pangmadlang literasi.
Kung ang mga kabataang mag-aaral man ay nagbabasa ng mga akda sapagkat
pinababasa sila ng mga guro sa paaralan. Mistula tuloy nagiging sapilitan ang
pagbabasa ng literatura. At madalas, hindi nagagawang suriin nang malaliman
at mapahalagahan man lang ang mga akdang pinababasa sa paaralan.
Ayon sa maraming eksperto, may malaking kaugnayan dito ang paraan ng
pagtuturo-pag-aaral ng literatura sa mga paaralan. Tanggapin man natin o
hindi, ang kawalan ng interes ng mga kabataan sa pagbabasa at ang mababaw
na pagsusuri ng mga akda ay maaaring maisisi sa mga guro ng larangang ito.
Pansinin natin ang mga karaniwang kalakaran sa maraming klasrum ng
asignaturang ito. Madalas, ang mga akda ay ipinauulat sa mga mag-aaral nang
hindi man lamang nagdaragdag ng input ang guro. Para sa amin, ito ay
palatandaan ng katamaran at/o kakulangan ng kaalaman sa mga paksang
nakapaloob sa pag-aaral na ito. Bunga nito, nagiging kabagut-bagot ang mga
klase sa literatura. Wala kasing kreeytibiti at barayti sa istratehiya ng pagtuturo-
pag-aaral sa klase. Kaya tuloy nagiging parusa sa maraming mag-aaral ang
pagbabasa ng mga akdang literari. Madalas din, hindi nagagabayan ng guro ang
mga mag-aaral upang malinang ang kanilang kakayahang magsuri,
magpahalaga at magsintesays. Kung may pagsusuri mang nagaganap sa
pagtalakay ay madalas na sa literal lebel lamang. Hindi tuloy nalilinang ang
higher order thinking skills ng mga mag-aaral. Maging sa pagtataya ng natutunan
ay para pang ginagawang kabisote ang mga mag-aaral bunga ng paulit-ulit na
pagtatanong ng Ano, Sino, Saan, Kailan na ang sagot ay naroroon din naman sa
mga teksto mismo.

MGA KASANAYAN SA AKADEMIKONG PAGBASA

1. Pagkilala sa Paksa at Pangunahing Ideya


Ang paksa ay siyang pinag-uusapan o tinatalakay sa talata o sa
mas mahabang solusyon. Karaniwan itong ipinahahayag sa isa o
dalawang salita. Pagkatapos matunghayan ang pamagat o mabilisang
mabasa ang talata o seleksyon, maaaring itanong, sino o ano ang
tinutukoy sa talata o seleksyon?
Samantala, ang pangunahing ideya ay tumutukoy sa
pangkalahatang kaisipan ng talata o seleksyon. Kung walang
pangunahing ideya, walang kaayusan ang mga pangungusap ng talata.
Ito ang nagbibigay ng kaisahan at pagkakaugnay – ugnay ng mga
pangungusap na bumubuo sa talata. Mahalagang mabatid ng
mambabasa, ang pangunahing ideya ang tumutulong sa kanya upang
matandaan o maunawaan ang kanyang binasa. Maaari niyang itanong,
ano ang gustong ipaabot sa akin ng sumulat tungkol sa paksa?
Halimbawa:

Ang Ligawan
Espesyal ang babae sa Pilipinas. Hanggat hindi siya nag-aasawa ay
nakatira siya sa bahay ng kanyang mga magulang. At kung hindi siya

11
Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat
alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres
mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu

makapag-asawa, malamang na hindi na siya humiwalay sa mga ito. Sapagkat


ang estado ng dalaga ay protektadong uri, hindi rin siya maaaring mauna sa
pagpapahayag ng kanyang pag-ibig. Kailangang maghintay siya hanggang
lumapit ang lalake at mamintuho. Ang babaeng hindi marunong maghintay
nang tahimik at nagpapahalatang gusto niya ang isang lalake ay ipinapalagay
na magaspang – isang atribida. Malamang na takbuhan siya ng mga lalake.
Kapag napupusuan ng isang lalake ang isang babae ay mangyayari ang
ligawan. Una ay humihingi ng pahintulot na makadalaw sa bahay ng babae
ang lalake. Kapag pumayag ito, ibig sabihin ay may pag-asa ang lalake. Sa
pagpanhik ng lalake, malamang na salubungin siya ng mag-anak. Usisain
muna ang kanyang angkan at pinagmulan, kung ano ang trabaho niya at
sino ang mga kaibigan niya. Kung dati nang kakilala ang manliligaw ay
malamang na sandali lamang ang usapang ito. Pagkatapos ay tatawagin na
ang dalaga at hahayaan nang mag-usap ang dalawa.
Ang oras ng pag-akyat ng ligaw ay sa hapon o sa gabi, pagkatapos ng
siyesta at bago maghapunan; o kaya ay sa gabi, matapos ang hapunan.
Kapag dumating nang wala sa oras ang isang manliligaw ay sasabihing
ugaling Tsino ito o Tsino na nga. Ang ibig ipahiwatig ay tila hindi
nakakaintindi ng ugaling Pilipino ang taong ito. Ang mga oras na ito ay
itinakda sa ligawan dahil sa ilang kadahilanan. Una ay tapos na ang gawaing
may kinalaman sa pagluluto at pagsisinop ng bahay. Ikalawa, kung gusto ng
dinadalaw na umalis na ang bisita, medaling sabihin na pasensiya at
kailangang maghanda na ng hapunan o kaya ay dapat nang matulog. At isa
pa, sa mgba oras na ito ay nakaayos na ang babae at malayong datnan ng
mamimintuho na mukhang mangkukulam.
Sa probinsiya ay may kaugalian ng paninilbihan. Ang isang lalaking
manliligaw ay nagtatrabaho sa bahay ng babae habang tinitingnan ng mga
magulang kung mahusay na tao nga siya. Naroong mag-igib siya ng tubig,
magputol ng kahoy, magtanim, mag-ayos ng bakuran. Pagkatapos ay uuwi
siya at magbibihis at dadalaw sa babae. Ang ligawan ay simple lamang.
Maghaharap ang lalaki at babae sa isang silya sa balkon o sa sala. Siyempre,
palagi silang natatanaw ng mga nakatatanda. Kung hindi man ay may bantay
na nakababatang kapatid ng babae.
Kung lumabas ang nagliligawan, mayroon din silang bantay – isang
kapatid na babae o nakatatanda. Mangyari ay hidi dapat na mapulaan ang
reputasyon ng babae. Kung hindi man magkatuluyan ang dalawa ay hindi
masasabi ng lalaki na nagalaw niya ang babae.
Itong huli ang pinakadominante sa panahon ng ligawan. Bawat kapritso
ng babae ay sinusunod ng lalake. Panay rin ang regalo at dalaw ng
nanliligaw. Madalas ay pinahihirapan muna ng babae ang lalake bago siya
pumayag na pakasal rito. Bale ba’y bumabawi na lamang siya. Pagkatapos ng
kasal ay ang lalake kasi ang nasusunod sa tahanan.

2. Pagtukoy sa mga Sumusuportang Detalye


Ang mga detalye ay sumusuporta, nagpapaliwanag, o
naglalarawan dahil nagbibigay ito ng mga impormasyon at kahulugan sa
pangunahing ideya.
Tatlong uri ng detalye:
a. Katotohanan (facts) na maaaring istadistika, pangalan ng
tao o lugar, petsa ng mga pangyayari, ebidensyang pang-
agham o pangkasaysayan, bilang, halaga ng pera, patotoo
ng mga eksperto at awtoridad, mga sipi at depinisyon.
b. Sanhi o dahilan na maaaring ibatay sa resulta o epekto
c. Mga halimbawa na nagpapaliwanag o naglalarawan sa
pangunahing ideya.
12
Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat
alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres
mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu

Halimbawa:

Ang paninigarilyo ay nakaaapekto sa maraming organ ng katawan.


Dinadagdagan nito ang panganib sa sakit ng puso, kanser sa bibig, laringhe,
esophagus, tyan, lapay, bato, prostate at bladder. Iniuugnay rin ito sa
pagkabaog, sakit ng mga ugat at pananakit ng likod. Pero ang higit na
sinisira ng paninigarilyo ay ang mga baga at pinatutunayn ito ng mga
isinagawang istatistiks mula sa Departamento ng Kalusugan.
Kanser sa baga ang pinakamarami sa lahat ng kanser sa kalalakihan.
Hindi ito nakapagtataka dahil mahigit sa 60% ng kalalakihang Pilipino ay
naninigarilyo at ang mga naninigarilyo ay may mahigit sa 30 posibilidad na
magkaroon ng kanser sa baga kaysa sa mga hindi naninigarilyo. Bukod sa
kanser, prone rin ang mga naninigarilyo sa dalawa pang sakit, ang chronic
bronchitis at emphysema.

3. Pagtukoy sa Layunin ng Teksto

May iba’t ibang layunin ang mga manunulat. May mga sumusulat
upang magturo o magpaliwanag kaya’t ang kanilang layunin ay
magbigay ng impormasyon. Sila ay gumagamit ng mga detalye, mga
halimbawa at mga katotohanang nagbibigay-linaw sa mensaheng nais
nilang iparating sa mga mambabasa. Ang iba naman ay sumusulat
upang manghikayat kaya’t naiimpluwensyahan nila ang pananaw ng
mga mambabasa tungkol sa paksa o ideyang ipinakikilala. May
sumusulat naman upang lumibang kaya sinisikap nilang patawanin o
kaya’y gisingin ang damdamin at imahinasyon ng mga mambabasa
tulad ng mga akdang pampanitikan.

4. Pagtiyak sa Damdamin, Tono at Pananaw ng Teksto


Ang damdamin ng teksto ay tumutukoy sa kung ano ang naging
saloobin ng mambabasa sa binasang teksto. Samakatwid, maaari itong
saya/tuwa, lungkot, takot, galit, pagkabahala at iba pa.
Ang tono ay tumutukoy sa saloobin o damdamin ng manunulat
tungkol sa isang paksa na ipinahahayag niya sa pamamagitan ng mga
salita at detalyeng kanyang ginamit. May mga manunulat na nasisinag
mula sa kanilang mga akda ang kanilang personalidad. Halimbawa ng
tono ng isang manunulat ay maaaring mayabang o arogante, komik o
mapagpatawa, masaya, galit, optimistic o pesimistik, walang
galang,seryoso, puno ng kabiguan at iba pa.
Makatutulong sa pagkilala ng tono ng sumulat kapag tinanong ng
mambabasa ang sarili kung ano ang damdamin o reaksyon niya tungkol
sa kanyang nabasa.
Ang pananaw naman ay tumutukoy sa punto de vistang ginamit ng
awtor sa teksto. Makikita ito sa panghalip na ginamit ng awtor sa teksto.
Unang panauhan; ako, ko, akin, kita, tayo, natin, atin, kami,
namin, amin
Ikalawang panauhan; ikaw, ka, mo, iyo,kayo, ninyo, inyo
Ikatlong panauhan; siya, niya, kanya, sila, nila, kanila

Halimbawa:

13
Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat
alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres
mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu

i. Sobra-sobra na ang pagkasadlak ng ating bansa sa pulitika. Sobra-


sobra na ang pagkabusabos ng ating kalagayan. At tila wala naman
tayong naaaninag man lamang na pagbabago, ni resolba mula sa ating
liderato kundi itaas ang buwis, na tangi raw paraan upang tayo ay
makaahon. Lubhang nakatatawa, kundi mapait at masakit.
ii. Isa sa mga dahilan ng paglaganap ng kawalan ng hanapbuhay ng
milyun-milyong Pilipino ay ang pagliit, bale, ng lupang sakahan o
maaaring sakahin. Sa pagdami ng mga tao sa baryo, lumiit na nang
lumiit sa kahahati ang mga sinasaka, hanggang sa hindi na maghuhusto
ang inaani sa isang pamilya. Hindi sa hindi umuunlad ang Pilipinas.
Umuunlad, pero mabagal, at nauunahan ng mabilis na pagdami ng
populasyon. Bandang huli, mamalayan ng mga taga-baryo na hindi na
makabubuhay ang pagsasaka lamang sa liit ng lupang sinasaka.
Ano na ngayon ang gagawin ng taga-bukid? Natural, luluwas sa
Kamaynilaan at iiwan ang lugar na nilakhan – nang hindi nalalamang
lalong hirap ang susuungin sa gilid ng mga syudad. Wala silang naiisip
kundi maghanap ng kapalaran sa mga lungsod, kahit mapunta sa lugar
ng mga iskuwater at dumanas ng lalong hirap.
Ang matatagpuan nila ay kabiguan din. Hindi na nila malaman kung
ano ang gagawin. Hindi na sila makababalik sa bukid na kanilang
nilakhan; wala na ring kabuhay-buhay roon. Ngayon, paano na sila?

5. Pagkilala ng Pagkakaiba ng Opinyon sa Katotohanan


Ang katotohanan ay isang pahayag na maaaring patunayang
totoo sa pamamagitan ng pagmamasid o mula sa mga nakasulat na tala
tulad ng mga ensayklopedya o mga aklat. Karaniwan itong ipinakikilala
sa pamamagitan ng mga petsa, bilang estadistika o sukat.
Ang opinyon ay mga pahayag na hindi maaaring patunayan kung
totoo o hindi. Ipinakikilala nito ang sariling pananaw, opinyon, saloobin
o paniniwala ng sumulat tungkol sa isang paksa. Ang opinyon ng isang
tao ay maaaring kaiba sa opinyon ng iba kaya mahirap mapatunayan
kung totoo o hindi.
Halimbawa:

Suriin natin ang ilan sa mga politically charged na salitang Ingles:


Western World. Ano ba ang ibig sabihin ng western world? Anong
katangian ang dapat taglayin ng rehiyon sa daigdig o ng anumang grupo o
political na entity upang matawag na west? Kung ang terminong ito ay
geographical, dapat sana’y lahat ng bansang nasa Western hemisphere ay
kwalipayd na mapabilang sa western world, kasama ang Nigeria, Ghana,
Morocco, Algeria. Kung tutuusin, ang Australia na nasa South-East Asia ay
hindi dapat tawaging western. Ngunit bakit ang mga bansa sa Europa at
North America lamang ang tinatawag na western? Hegemony at racism ang
dahilan nito. May intensyong supremacist ang pagdidikta ng kasapian ng
western world at ang pag-aasayn nila ng terminong ito sa kanilang sarili.
First World. Kapag sinabing first world, agad na pumapasok sa ating
isipan ang mga bansang mauunlad na nabibilang din sa western world.
Tanging eksepsyon dito ang Japan dahil sa kanyang istatus bilang pangalawa
sa pinakamaunlad na ekonomiya sa mundo. Ngunit bakit first ang ikinapit
nilang pang-uri sa kanilang “daigdig”. Kung “paunahan” din lang, hindi
hamak na mas may karapatan ang Africa kung saan ang mga unang tao ay
nanirahan, o kaya ay ang China na tahanan ng isa sa pinakamatandang
sibilisasyong alam ng tao.
Developing Nations. Ito ang tawag sa mga bansang hindi nabibilang sa
western world o first world. Pero kung tutuusin, lahat ng bansa sa daigdig ay
14
Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat
alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres
mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu

developing. Ang tao ay humihinto lamang ng pag-unlad kapag siya ay


namatay na. Kung gayon, lahat ng lipunan saang panig man ng mundo ay
umuunlad. Samakatwid, ang terminong ito na inasayn sa mga bansang tulad
ng Pilipinas ay malinaw na manipestasyon ng manipulasyon ng wika upang
mailubog natin ang ating sarili sa perpetwal na imperyoridad.
Coloured Race. Ito naman ang tawag sa mga lahing itim at kayumanggi.
Ngunit kung pakaiisipin, anong balat ng tao ang hindi coloured! Walang balat
na colorless! Isa na naman itong kargadong salita, na parang nagsasabing
ang lahing puti ay superyor sa lahat ng lahi.
Sa listahang ito ay marami pa tayong maaaring maidagdag – mga salitang
kargado ng kahulugang supremacy o superiority para sa isang kultura, at
nag-uukilkil naman ng prejudice at inferiority sa iba.

6. Pagsusuri kung Valid o Hindi ang Ideya o Pananaw

Bilang isang indibidwal na may malaking gampanin sa lipunan,


kailangan lagi nating kinikilatis ang anumang ideya o pananaw kung
valid o hindi. Samakatwid, hindi lahat ng ideya o pananaw ng ating
mambabasa ay dapat tanggapin agad. May ilang batayan upang masuri
ang validity ng mga ideya o pananaw. Narito ang ilang katanungang
dapat na masagot upang masuri kung valid o hindi ang isang partikular
na ideya o pananaw:
a. Sino ang nagsabi ng ideya o pananaw?
b. Masasabi bang siya ay awtoridad sa kanyang paksang
tinatalakay?
c. Ano ang kanyang naging batayan sa pagsasabi ng ideya o
pananaw?
d. Gaano katotoo ang ginamit niyang batayan? Mapananaligan ba
iyon?
Halimbawa:
Sa aklat na Da Vinci Code, inilarawan si Hesus bilang isang tao at hindi
bilang isang Diyos. Ayon din sa aklat, nagkarelasyon daw si Hesus kay
Magdalena na kanya ring naging isang paboritong disipulo at siyang
tintutukoy na the living holy grail.
Marami ang nagtataka kung saan nakuha ni Dan Brown, ang may-akda,
ng kanyang mga ideya na tahasang tumataliwas sa mga pahayag sa Bibliya.
Ano ang kanyang naging batayan? Ano ang kanyang naging inspirasyon?
Ayon sa ilang eksperto, ang aklat ay malamang na ibinatay sa mga aklat
noong kalagitnaan ng ika-20 siglo tungkol sa Gnosticism. Nahahawig din daw
ito sa serye ng maiikling pelikula noong huling bahagi ng dekada 70.
Maraming kritiko ang aklat na ito. Sa katunayan, bago ipalabas ang
pelikulang bersyon nito, tinangka ng marami na ipatigil ang pagpapalabas
nito. Ayon sa MTRCB, ang pelikula ay offensive to the established beliefs of
the Roman Catholic Church.

7. Paghuhula sa Kalalabasan ng mga Pangyayari


Ang pagbabasa ay isang gawaing nagsasangkot ng madalas na
paghuhula na sa bandang huli ay maaaring tanggapin o tanggihan. Ang
paghuhulang ito ay parang isang larong sikolohikal na gumagamit ng
kaalaman sa mundo, sa konteksto at sa gramatika. Sa pamamagitan ng

15
Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat
alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres
mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu

paghuhula, nasusubaybayan ng mambabasa ang pagsulong ng mga


ideya o detalye at nauunawaan niya ang lohika ng pagkakaayos ng mga
impormasyon sa teksto. Nananatiling nakaalerto ang kanyang isip
habang nagbabasa.

8. Pagtukoy ng Sanhi at Bunga


Ang relasyong sanhi at bunga ay karaniwang ipinakikilala ng mga
salitang: sapagkat, dahil sa, kasi, bilang bunga/resulta, bunga nito,
kaya, kung gayon at dahil dito. Ang mga salitang ito ay maaaring
magsaad ng sanhi o bunga kaya’t mahalagang alamin ang kasagutan ng
mga tanong na bakit na nagsasaad ng sanhi at ano ang resulta na
nagpapakilala naman sa bunga.

9. Pagbuo ng Lagom at Kongklusyon


Ang lagom o buod ay tumutukoy sa pinakapayak at
pinakamaikling anyo ng diskurso na batay sa isang binasang teksto.
Tinataglay nito ang pinakadiwa at mahahalagang kaisipan ng teksto.
Kongklusyon naman ay tumutukoy sa mga implikasyong
mahahango sa isang binasang teksto

10. Pagbibigay-interpretasyon sa Tsart, Talahanayan, Grap at


Dayagram
Ang grapiks ay mga biswal na representasyon ng mga ideya.
Nilalagom at pinaiikli ng mga ito ang masalimuot na mga ideya o mga
datos upang higit na madali at malinaw na maunawaan ng mga
mambabasa. Pinupunan o dinaragdagan ng mga ito ang mga nakasulat
na paliwanag tungkol sa teksto.

Uri ng Grapiks:
1. Pie Chart – uri ng tsart na nagpapakilala ng kaugnayan ng
isang bahagi sa isang kabuuan. Upang maunawaan ang
ganitong uri ng tsart, alamin muna kung ano ang ipinakikilala
ng buong pie sa pamamagitan ng pagbasa sa pamagat ng tsart.
Pagkatapos, suriin kung ano naman ang ipinakikilala ng bawat
bahagi ng pie sa pamamagitan ng pagbasa sa mga leybel na
nasa loob na nasa loob o labas ng pie.
2. Organizational Chart – uri ng tsart na nagpapakilala ng
ranggo/posisyon o hirarkiya. Ipinapakita rito ang posisyon ng
mga empleyado mula sa pinakamataas patungo sa
pinakamababa. Maaaring magpakita rin ng ranggo ng mga
ideya o konsepto sang-ayon sa kanilang kaayusan o
kahalagahan. Maaaring mula sa ibaba paitaas, mula sa itaas
pababa, pinakamahalaga patungo sa pinaka-di mahalaga o ang
kabalikan nito.
3. Flow Chart – uri ng tsart na nagpapakilala ng pagkakasunud-
sunod ng mga hakbang sa pagsasagawa ng isang proseso. Ang
bawat hakbang ay nakasulat sa loob ng kahon na pinag-
uugnay ng mga linya na nagpapakilala naman ng direksyon ng
daloy o pagkakasunud-sunod ng mga hakbang.
16
Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Iba’t Ibang Disiplina Fil 02 Pagbasa at Pagsulat
alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres sierra alma sndres
mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu cas dll mmsu

4. Table o Talahanayan – uri ng grapiks na nagtatala ng mga


bilang, istadistika at mga iba pang datos na ipinakikilala sa
mga hanay o kolum.
5. Bar Graph – ipinakikilala ng mga bar (na maaaring isulat nang
pahalang o paitaas) ang pagkakaiba-iba ng mga halaga, bilang
o kalidad na pinaghahambing. (May vertical axis at horizontal
axis na nagpapakilala ng mga bagay o baryabol na
pinaghahambing.)
6. Line Graph – ginagamit ang mga linya sa pagkokonekta ng mga
tuldok na inilagay sa grap na naglalarawan naman ng
direksyon ng pagtaas o pagbaba ng halaga o bilang ng mga
datos sa pagdaan ng panahon. Maaaring magkaroon ng higit sa
isang linya na nagpapakilala ng paghahambing sa mga datos.
(May vertical axis at horizontal axis na nagpapakilala ng mga
bagay o baryabol na pinaghahambing.)

Tatlong hakbang na magagamit sa pagpapakahulugan ng mga grapiks


(Kanar 2000):
1. Tiyakin ang layunin ng grapiks sa pamamagitan ng pagsusuri sa
pamagat o kapsyon nito. Karaniwang ipinaliliwanag ng kapsyon ang
layunin ng grapiks.
2. Alamin ang patern o pagkakaugnayang ipinakikilala ng grapiks.
Nagpapakilala ng kaugnayan ng bahagi sa kabuuan, ng mga hakbang
ng isang proseso, ng kaugnayan ng sanhi sa bunga o epekto at iba
pa.
3. Tuklasin ang kaugnayan ng grapiks sa teksto. Habang binabasa ang
grapiks, sumangguni sa kasamang paliwanag tungkol dito. Sa
pamamagitan nito, natutukoy ang kahalagahan ng grapiks sa
kabuuan ng mga impormasyong ipinakikilala sa teksto.

17

You might also like