You are on page 1of 17

Virgen Milagrosa University Foundation

Martin P. Posadas Avenue, San Carlos City, Pangasinan, 2420, Philippines


College of business administration and accountancy

MGA SALIG NA NAKAAPEKTO SA PAGPASA NG MGA NAKAPAGTAPOS NG


ACCOUNTANCY SA BOARD EXAM

Isang Pamanahong Papel Na Iniharap kay


Bb. Diana Vinoya
Bilang Bahagi ng pagtupad ng mga pangangailangan sa Asignaturang
Filipino sa Iba’t-ibang Disiplina

Inihandog nina‫׃‬
Diana De Guzman
Jessica Pamintuan
Janine Samson
Hazel Gutierrez
Jerome Padlan
Jhazzen Gilbert Dela Cruz
Kim Delos Santos
Vincent Armendi
Rea Mae Fernandez

Marso 17, 2020


Virgen Milagrosa University Foundation
Martin P. Posadas Avenue, San Carlos City, Pangasinan, 2420, Philippines
College of business administration and accountancy

Endorsement Letter

March 17, 2020

Bb. Diana Vinoya


Propesor
Virgen Milagrosa University Foundation

Madam/Sir,
Ang mga nakatalagang mananaliksik ay kasalukuyang gumagawa ng
pamanahong papel hinggil "Mga Salig na nakaapekto sa pagpasa ng mga
nakapagtapos ng Accountancy sa Board Exam" upang maisakatuparan ang mga
kinakailangan sa asignaturang Filipino sa Iba’t-ibang Disiplina.

Kaugnay nito, Hinihiling po ang inyong permiso na bigyang pagkakataon ang


mga mananaliksik na makapagsurbey sa mga nakapagtapos ng Accountancy. Upang
maisakatuparan ang aming isinagawang pag-aaral.
Lubos na inaasahan ng mananaliksik ang inyong positibong kooperasyon at
kagya’t na pagsang-ayon sa kahilingan na ito.
Maraming Salamat.

Lubos na gumagalang,

Mga Mananaliksik

Approval Sheet
Virgen Milagrosa University Foundation
Martin P. Posadas Avenue, San Carlos City, Pangasinan, 2420, Philippines
College of business administration and accountancy

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang "Mga Salig na nakaapekto sa


pagpasa ng mga nakapagtapos ng Accountancy sa Board Exam". Bilang bahagi
ng katuparan sa asignaturang Filipino sa iba’t ibang Disiplina na inihanda ng
mga mananaliksik sa ikalawang baitang sa kolehiyo ng kursong Bachelor of
Science in Accountancy/ Management Accounting.

Pangalan/ Petsa Pangalan/ Petsa


(PANEL MEMBER) (PANEL MEMBER)

Bb. Diana Vinoya


(Guro sa Filipino)

DEDIKASYON
Virgen Milagrosa University Foundation
Martin P. Posadas Avenue, San Carlos City, Pangasinan, 2420, Philippines
College of business administration and accountancy

Ang pananaliksik na ito ay buong pagmamahal naming inihandog unang una sa


mahal na Panginoon na Siya ang nagbigay ng lakas at walang sawang paggabay sa
mga taong nasa paligid lalong lalo na ang mga taong kabilang sa pananaliksik na ito.

Buong puso rin ang aming paghahandog ng lahat ng ito sa aming mga magulang
na walang sawang sumuporta sa amin pang-pinansyal na pangangailangan. Sa
malawakang pag-unawa sa amin tuwing kami’y minsan nahuhuli sa pag-uwi.
Masasabing kayo ang dahilan sa aming mga pagsisikap.

Sa ang aming mga guro na nagsilbing pangalawang magulang sa paaralan, na


nagbahagi ng kanilang kaalaman at serbisyong ginampanan bilang isang butihing guro
na naging instrumento upang maisakatuparan at maisagawa namin ng maayos ang
pananaliksik.

ABSTRAKT
Virgen Milagrosa University Foundation
Martin P. Posadas Avenue, San Carlos City, Pangasinan, 2420, Philippines
College of business administration and accountancy

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang
mga dahilan kung bakit nahihirapan ang mga nakapagtapos ng kursong Accountancy
na ipasa ang Board Exam. Sa kabila ng pagpapatupad ng pagbabago sa kurikulum
nagkaroon ng pagbaba ng mga nakapasa o rate sa Accountancy nang nakaraang taon.
Isang dahilan na rin ang paggamit ng manwal na calculator kung saan nakasanayan na
ng mga estudyante ang paggamit ng syentipikong calculator kaya’t naging mahirap ito
para sakanila na marebays at mag umpisa ng mga bagong aralin na ipinatupad.
Kalimitan sa mga estudyante ngayon ay nakakaranas ng iba’t ibang problema sa
tahanan man o sa paaralan. Marahil isa na rin sa dahilan nito ay ang pagkawala ng
pokus o atensyon ng mga mag aaral dahil sa teknolohiya kung saan nababaling ang
kanilang oras sa paggamit nito. Mahalaga na maunawaan natin ang responsibilidad
natin bilang estudyante. Ang pagkakaroon ng epektibong pag-aaral ay nakasalalay sa
ating paghahanda.

DAHON NG PAGPAPATIBAY
Virgen Milagrosa University Foundation
Martin P. Posadas Avenue, San Carlos City, Pangasinan, 2420, Philippines
College of business administration and accountancy

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino sa iba’t


ibang Disiplina, ang pamanahong-papel na ito na pinamagatang "Mga Salig na
nakaapekto sa pagpasa ng mga nakapagtapos ng Accountancy sa Board Exam"
ay buong puso na inihanda nina:

Diana De Guzman
Jessica Pamintuan
Janine Samson
Hazel Gutierrez
Jerome Padlan
Jhazzen Gilbert Dela Cruz
Kim Delos Santos
Vincent Armendi
Rea Mae Fernandez

Tinanggap bilang isang bahagi ng mga gawaing kailangan sa pagkumpleto ng


mga kailangan para sa Asignaturang Filipino sa iba’t ibang Disiplina.

Bb. Diana Vinoya


Propesor sa Asignaturang Filipino sa iba’t ibang Disiplina

PASASALAMAT
Virgen Milagrosa University Foundation
Martin P. Posadas Avenue, San Carlos City, Pangasinan, 2420, Philippines
College of business administration and accountancy

Nais naming ipaabot ang pasasalamat namin sa lahat ng naging parte at


tumulong sa amin para mabuo ang pananaliksik na ito. Nang dahil sa kanila, mas
napalawak ang aming kaalaman at naging posible na magkaroon ng magandang
resulta ang pag-aaral na ito.

Kay Bb. Diana Vinoya ang aming mahal na guro sa asignaturang Filipino sa ibat
ibang disiplina, kami po ay lubusang nagpapasalamat dahil sa kanyang walang sawang
pagsuporta at pag-unawa sa amin sa paggawang aming pamanahong papel sa
pamamagitan ng pagtama at paggabay habang kami ay gumagawang aming
pananaliksik.

Sa aming mahal na paaralan Virgen Milagrosa University Foundation (VMUF) na


kung saan nagbahagi ng kaalaman ang aming mga guro at hinayaan kaming matuto sa
paggawa ng pamanahong papel sa Filipino.

Sa mga respondent na masigasig na nakilahok sa pagsagot ng tapat sa aming


pakikipanayam, maraming salamat po sa inyo.

Sa aming magulang na tumulong at umintindi sa amin dahil sa pagiging abala


naming sa paggawa nito at sa kanilang tulong pinansyal, kami din po ay
nagpapasalamat sa inyo.

Higit sa lahat, kami po ay nagpapasalamat sa Poong Maykapal, sa pagbibigay sa


aming grupo ng determinasyon upang maisagawa at maisakatuparan ang pag-aaral at
pagbibigay ng kaalaman na aming ginamit sa aming pananaliksik. Sa pagdinig sa
aming mga dalangin lalong-lalo na sa mga panahong kami ay pinanghihinaan ng loob
na matapos ito sa takdang panahon.

Muli, maraming salamat po sainyong lahat.

Mga Mananaliksik

TALAAN NG NILALAMAN
Virgen Milagrosa University Foundation
Martin P. Posadas Avenue, San Carlos City, Pangasinan, 2420, Philippines
College of business administration and accountancy

Pahina ng Pamagat....................................................................................................I
Dedikasyon...............................................................................................................II
Abstrakt...................................................................................................................III
Dahon ng Pagpapatibay ..........................................................................................IV
Pasasalamat...............................................................................................................V

KABANATA I- Ang Suliranin at Kaligiran ng Pag-aaral


Panimula/ Introduksyon............................................................................................1-2
Mga Suliranin................................................................................................................3
Kahalagahan ng Pag –aaral........................................................................................4-5
Saklaw at Limitasyon...................................................................................................6
Depinisyon/ Kahulgan ng mga Termino.......................................................................7
Virgen Milagrosa University Foundation
Martin P. Posadas Avenue, San Carlos City, Pangasinan, 2420, Philippines
College of business administration and accountancy

INTRODUKSYON

Ang Bachelor of Science in Accountancy ay isa sa mga pinakilala at di


maikakaila na isa sa mga mahirap na kurso. Apat o limang taon ang kailangan upang
makapagtapos dito. Layunin nitong mapag aralan at maging bihasa sa larangan ng
pamamahala sa financial resources ng isang tao, grupo ng mga tao, kumpanya,
organisasyon at maging sa gobyerno. Bagamat basic mathematical operation lang ang
ginagamit sa kursong ito,marami pa rin ang nahihirapan ng husto dahil ginagamitan ito
ng lohikal at masuring pag iisip. Kailangan din ng mga estudyanteng pagdaanan ang
mga lectures at lab. practices at sa huling taon naman ay kailangan din nilang mag OJT
sa mga pribadong kumpanya o sa mga ahensya ng gobyerno upang magkaroon ng
paunang karanasan sa mga magiging trabaho nila sa oras na makapagtapos sila. Ang
edukasyon ay isang mahalagang yugto ng buhay ng isang tao kung saan ang bawat
mag-aaral ay natututong sumulat at bumasa. Ito ang nagsisilbing gabay ng bawat
mag-aaral sa mga daang kanilang tatahakin.

Taun-taon ay libu-libo ang sumusubok na kumuha ng lisensya, ngunit tatlumpu


hanggang apatnapung porsyento lamang ang pumapasa. Kumbaga, walang kalahati
ang pumapasa sa buong Pilipinas. Sa bawat unibersidad na nag aalok ng kursong
Accountancy kinakailangan ng mga estudyante na mapanatili ang kanilang grado upang
maaipatuloy ang programang ito. May malaking impact ang pagbabago ng kurikulum sa
pagpasa ng mga mag aaral mula sa mga bagong standards at paggamit ng manwal na
calculator kaya’t hindi maikukubling mas lalong humirap ang pagpasa sa kursong ito.
Hindi biro ang ginagawang pagpapanukala nito ng bawat unibersidad. Masusi at
maingat na tinitiyak na ang bawat isang estudyante ay nararapat lamang sa kursong ito.
Sumatotal, ang tatalakayin sa pagaaral na ito ay kung bakit nga ba mababa pa din ang
porsyento ng mga pumapasa sa accounting licensure examination kahit gumawa na
ang kinauukulan ng mga hakbang upang mapataas ito. At kung ano ba talaga ang
tunay na problema at solusyon ng mga BSA graduates upang makapasa rito.
Virgen Milagrosa University Foundation
Martin P. Posadas Avenue, San Carlos City, Pangasinan, 2420, Philippines
College of business administration and accountancy

Sa umpisa ay mahirap, ngunit alalahanin natin na ang isang bagay ay kailanman


hindi nadadaan sa mabilisang panahon. Ang lahat ay may kaakibat na paghihirap at
determinasyon. Ang bawat isa ay may natatanging kakayahan na kanyang
kinakailangang hanguin at bigyang pansin sa umpisa pa lamang. Kaakibat nito’y
malalimang pagdedesisyon at ang layunin ng pagkamait ng tunay na hangarin sa
buhay.

Batayang Teoretikal

MGA TEORYA O PILOSOPIYANG NAKAPALOOB SA PAKSA

OUTPUT/ KINALABASAN
INPUT/ PAGHAHANDA PROCESS/ PROSESO -Inaasahan ng mga
mananaliksik na malaman
-Ang paghahanda na ginamit -Ang mga mananaliksik ay
kung anu mga salig na
ng mga mananaliksik ay ang namamahagi ng Survey o
nakaapekto sa pagpasa ng
pangangalap ng ibat ibang kwestyuner upang makakalap
mga nakapagtapos ng
datos ng impormasyon sa ibat ng impormasyon hinggil sa
accountancy na gumagamit ng
ibang uri ng mapagkukunan. paksang tinatalakay.
internet o libro sa pagkuha ng
batis ng impormasyon .

INDEPENDENT VARIABLE DEPENDENT VARIABLE

*Gender Batis ng Impormasyon

*Ages *Aklat

*Civil Status *Internet

*Educational Attainment
Virgen Milagrosa University Foundation
Martin P. Posadas Avenue, San Carlos City, Pangasinan, 2420, Philippines
College of business administration and accountancy

Paglalahad ng mga Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay may layuning matukoy ang mga Salig na Nakaapekto sa
Pagpasa ng mga Nakapagtapos ng Accountancy sa Board Exam. Upang maging tiyak,
ang pag-aaral na ito ay naglalayon na masagot ang mga sumusunod na mga
katanungan.

1. Anu-ano ang karaniwang dahilan ng di pagpasa ng mga nakapagtapos ng


Accountancy sa Board Exam?

2. Nakaapekto ba ang pagkakaroon ng bagong kurikulum sa mga nag board


exam?

3. Anu-ano ang mga paraan na ginawa ng mga di nakapasa sa board exam upang
malampasan ang mga epektong dulot nito?
Virgen Milagrosa University Foundation
Martin P. Posadas Avenue, San Carlos City, Pangasinan, 2420, Philippines
College of business administration and accountancy

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag aaral na ito na isinagawa ng mga mananaliksik hinggil sa nasabing


paksa ay lubhang mahalaga para sa mga estudyante sapagkat ito ay nagpapakita ng
Mga Salig na nakakaapekto sa pagpasa ng mga nakapagtapos sa kursong
Accountancy sa Board Exam. Dapat ay magkaroon ng malalim na pang-unawa sa
usaping ito upang maging mabuti ang hinaharap ng bawat isa.

Ang edukasyon ay ang tanging makakapagbigay sa atin ng karunungan sa araw-


araw na pamumuhay. Ito ay may kaugnayan sa pangyayari sa eskwelahan at sa mga
estudyante. Nais nito na magbigay ng dagdag na kaalaman para mas maunawaan at
maging interesado ang mga mag-aaral na nasa ikaapat na baitang ng kolehiyo sa pag-
aaral ng accounting.

Mahalagang mapag-aralan natin ang mga bagay bagay na makakatulong para


sa ating kinabukasan. Ang kahalagahan din nito ay maipa-intindi sa bawat mag-aaral na
hindi biro ang pag-aaral, ito ay mahalagang bagay na maaari nating ipagmalaki sa sarili
at sa iba.

•Kahalagahan sa Estudyante

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga estudyante upang maunawaan


nila ang mga dahilan ng di pagpasa ng mga nakapagtapos sa Accountancy sa Board
Exam at makabuo sila ng epektibong kaalaman upang ang mga suliranin ay
malampasan.

•Kahalagahan sa mga Guro

Magiging batayan ng mga guro ang pag aaral na ito, kung paano nila uunawain
ang mga estudyante at matulngan sila sa kanilang pangangailangan hindi lamang sa
sosyal na aspeto kundi pati sa akademiko.

•Kahalagahan sa mga Magulang

Ang pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa mga magulang upang intindihin


ang mga sitwasyong dinaranas ng kanilang mga anak.
Virgen Milagrosa University Foundation
Martin P. Posadas Avenue, San Carlos City, Pangasinan, 2420, Philippines
College of business administration and accountancy

•Kahalagahan sa mga Mananaliksik

Sa pag-aaral na ito, maipapakita at malalaman ang mga suliranin at


pangangailangan ng mga mag aaral na nagbigay daan sa pagtugon nito. Makatutulong
ang pag aaral na ito sapagkat maaari na nila gamitin itong batayan o reperens at
maghatid ng iba’t ibang ideya.

•Kahalagahan sa Departamento ng Edukasyon

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ang departamento ng edukasyon ay


mabibigyan ng sapat na kaalaman at kabatiran upang madagdagan ang kahandaan at
kasanayan ng mga guro na nagtuturo ng asignaturang accounting.
Virgen Milagrosa University Foundation
Martin P. Posadas Avenue, San Carlos City, Pangasinan, 2420, Philippines
College of business administration and accountancy

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pokus ng pagaral na ito ay ang mga Salig na Nakaapekto sa Pagpasa ng


mga Nakapagtapos ng Accountancy sa Board Exam. Kung kaya’t ang mga ginamit na
impormasyon ay nagmula o nagbase lamang sa resulta ng mga respondente at sa mga
kaugnay na literatura. Ang mga respondente ay mula sa Virgen Milagrosa University
Foundation na kursong BS Accountancy. Ang mga mananaliksik ay nagbigay ng mga
sarbey-kwestyoner sa mga estudyante sa lahat ng lebel ng mga kolehiyong mag-aaral
ng kursong nabanggit, mapababae man o mapalalaki.
Virgen Milagrosa University Foundation
Martin P. Posadas Avenue, San Carlos City, Pangasinan, 2420, Philippines
College of business administration and accountancy

Depinisyon/ Kahulgan ng mga Termino

•Salig- ay ano mang bagay, pangyayari o sitwasyon na  maaaring magkaroon ng


impluwensya sa maaaring kahinatnan ng ano mang paksa.

•Lohikal- o tinatawag ding pagsusuring kritikal ay ang malinaw at makatuwirang pag-


iisip na kinasasangkutan ng pagpuna.

•Suliranin- salitang katumbas ng salitang problema.

•Paksa- Salita o tema na binibigyang diin at pinag uusapan.

•Kurso- propesyon na kinuha sa kolehiyo

•CPA- Certified Public Accountant tawag sa mga nakapasa sa eksaminasyon at


makakuha ng lisensya sa larangan ng accounting.

•Mananalksik- taong kumakalap ng impormasyon at kaalaman tungkol sa paksa

•Pananaliksik- ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na


humahantong sa kaalaman.

You might also like