You are on page 1of 1

Aralin 15: ATING LIKAS NA YAMAN, ALAGAAN

Mga gawaing nakasisira ng kapaligiran

1. Pagtatapon ng Basura
Epekto: Ang mga lupa ay di na mapagtataniman, bumabara ng daluyan ng tubig, pagkalason ng
isda at hayop sa katubigan at nakapagdudulot ng pagdumi ng hangin ang pagsusunog ng mga
basurang ito.
2. Pagputol ng mga Puno
Epekto: pagkakalbo ng kabundukan, pagguho ng lupa, pagbaha at kawalan ng tirahan ng mga
hayop.
3. Pagkakaingin
Epekto: Hindi natutubuan ng mga halaman
4. Pangangaso
Epekto: Pagkawala ng mga hayop sa kabundukan at kagubatan
5. Paggamit ng lason at dinamita sa pangingisda
Epekto: Namamatay ang mga isda, nasisira ang mga korales at namamatay ang ibang yamang
tubig
6. Pagpapabaya
Epekto: Pagtangay ng lupa

Mga pananagutan natin sa ating mga likas na yaman

1. Panatilihing malinis ang paligid


2. Patabain ang lupa
3. Huwag hayaang gumuho ang lupa
4. Magtanim at alagaan ang mga puno at halaman

Mga mungkahi para sa Pangangalaga ng likas na yamang tubig

1. Panatilihing malinis ang daluyan ng tubig, dagat, ilog at iba pang katubigan
2. Iwasan ang sobrang paghuli ng isda
3. Gamitin nang wasto ang tubig

Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang pahina 247-252 sa inyong aklat.

You might also like