You are on page 1of 9

Learning Area Araling Panlipunan

Learning Delivery Modality Modular

Paaralan San Isidro Elem. Baitang Ikatlong Grado


LESSON Guro Bernadeth S. Banayo Asignatura Araling Panlipunan
EXEMPLAR Petsa Markahan Unang Markahan
Oras Bilang ng 2
Araw

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang pag-unawa sa rehiyon bilang konseptong
Pangnilalaman heographikal upang mapahalagahan ang sariling rehiyon gamit
ang mapa at iba pang kasanayang pangheographiya.
B. Pamantayan sa Pagganap Nakalalahok sa pangangalaga ng mga lalawigan bunga ng
pakikibahagi sa nasabing rehiyon.
C. Pinakamahalagang Naipaliliwanag ang wastong pangangasiwa ng mga likas na
Kasanayan sa Pagkatuto yaman ng sariling lalawigan at rehiyon.
(MELC) Nasusuri ang matalino at di-matalinong mga paraan ng
pangangasiwa ng mga likas na yaman
D. Pagpapaganang
Kasanayan
II. NILALAMAN Pangangasiwa ng Likas na Yaman
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay MELC AP Gr.3 PIVOT BOW p. 161
ng Guro TG p. 76-83
b. Mga Pahina sa MELC AP Gr.3 Q1
Kagamitang Pang mag- Module 8 p. 1-17
aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang http//:lrmds.deped.gov.ph/k-to-12
Kagamitan mula sa
Patrol ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga Larawan na nagpapakita ng pangangalaga sa mga likas na yaman
Kagamitang Panturo para ,yamang tubig,yamang lupa,yamang gubat ,yamang
sa mga Gawain sa mineral ,ktayola o anumang pangkulay , pen,lapis.
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula Marahil ay alam mo na kung gaano kayaman sa likas na
yaman ang bansang Pilipinas. Ang bawat lugar dito ay
biniyayaan ng maraming likas na yaman na nakukuha sa
iba-ibang anyong-lupa at anyong-tubig. Alamin kung ano-
ano ang likas na yaman na matatagpuan sa iba’t ibang
lalawigan ng isang rehiyon sa ating bansa.

Mayaman man ang ating kalupaan sa mga likas na


yaman na nakatutulong sa ating pamumuhay
subalitmarami sa atin ang nakakalimot na kung paano
ito pangnangasiwaan kaya maaring ito ay masira at
maubos

Kaya naman sa modyul ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. maipaliwanag ang wastong pangangasiwa ng likas na


yaman

Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Isulat sa linya ang YL


kung ang binabanggit at yamang lupa at YT naman kung yamang
tubig.
________ 1. Hanapbuhay ng tatay ni Kardo ang pangunguha ng
tahon at talaba na ipinagbibil naman ng kanyang nanay sa
palengke.
________ 2. Malalaki at matatamis na manggaang inani ni Lola
mula sa kaniyang taniman.
________ 3. Marami ang huling hipon at alimango ni Mang Mari
mula sa kanyang palaisdaan.
_______ 4. May mga perlas na nakuha ang mga maninisid mula
sa ilalim ng dagat.
________ 5. Masarap at masustansiya ang karne mula sa mga
bakang inaalagaan ni Mang Tino.

B. Pagpapaunlad Pansinin ang larawan

 Ano ang inihahatid na mensahe ng bawat


larawan?
 Ano ang epekto ng mga gawain ng tao sa
kapaligiran?
 Paano natutulungan ang ganitong mga gawain ang
kabuhayan ng mga tao dito?

Narito ang mga paalala upang mapangalagaan natin


ang ating likas na yaman.
Pangangalaga sa Likas na Yamang Lupa:
1. Ugaliing magtanim ng mga puno at halaman at
puno sa mga bakanteng lote.
2. Iwasan ang pagputol ng mga puno sa halip
magtanim na lang sa mga bakanteng lote.
3. Huwag manghuli at mag-alaga ng mga hayop na
nasa gubatdapat namumuhay.
4. Iwasan ang sobrang paghuhukay sa lupa para
manguha ng mga mineral.
5. Sumunod sa mga batas kaugnay ng pangangalaga
sa mga likas na yaman.
6. Maglinis ng paligid at gawin lagi ang 3Rs o
Reduce, Reuse, Recycle
Ang Reduce, Reuse at Recycle ay isang
mabisang paraan para mabawasan ang basura sa
ating kapaligiran, mahalga na ito ay matutunan ng
marami sapagkat di na biro ang basura sa ating
kapaligiran meron na itong masamang epekto sa
ating lahat, nasisira na ang ating kalikasan, dahil
pati sa mga dagat at ilog ay nagkalat na ang basura,
bumabara narin sa mga kanal na sanhi ng pagbaha,
nagdudulot narin ito ng pagkakasakit sa mga tao at
hayop dahil sa pulosyon na ating nalalanghap,
maganda rin ang reduce, reuse at recycle dahil
nakakatulong ito upang tao ay makatipid.

Reduce
Ito ay tumutukoy sa pagbabawas ng basura na
nakakasira sa ating kalikasan, ang pamahalaan ay
naglunsad ng mga programa na naglalayon na
mabawasan ang basura na ating naproproduce, sa
maraming lalawigan ay ipinagbabawal na ang
paggamit ng mga plastik. Sa halip na plastik ang
mga balutan ay ginawa na nilang papel at mga
dahon ng saging gumagamit din sila ng mga bayong
sa kanilang pamamalingki ng sa gayon ay
mabawasan ang plastik na basura.

Reuse
Ito ay tumutukoy sa muling paggamit ng mga
bagay. nakatulong kanang makabawas ng basura ay
nakatipid kapa, tulad ng mga lata ng gatas imbis na
itapon mo na ay pwede mo itong gawing taniman
ng mga halaman, gayon din ang mga plastik bottle.

Recycle
Ito ay tumutukoy sa mga lumang gamit o
basura na ginagawang bagong bagay na talaga
namang kapakipakinabang. tayong mga Pilipino ay
talagang likas na malikhain nagagawan natin ng
paraan ang mga lumang bagay upang ito ay muling
magamit, ang ilan sa malikhaing Pilipino ay
kinikilala na dahil sa mga obra nila na nagmula sa
mga lumang kagamitan at basura.
7. Huwag magkaingin o magsunog ng mga puno sa
gubat.

8. Magtipid at huwag aksayahin ang mga yaman


lupa.
Pangangalaga sa Likas na Yamang Tubig
1. Magtipid ng tubig! Isara ang gripo kung hindi na
ginagamit.
2. Huwag gumamit ng dinamita, lason, kuryente sa
pangingisda.

DINAMITA LASON
PANGUNGURYENTE

3. Gumamit ng lambat na katamtamang laki ang


butas upang hindi mahuli ang maliliit pang isda.
4. Huwag itapon ang mga basura sa mga daluyan ng
tubig upang maiwasan at pagdumi ng mga
katubigan.
5. Huwag magtapon ng mga plastic, langis, dumi ng
hayop at tao sa mga katubigan.
6. Huwag sirain ang mga korales, bakawan at mga
halamang dagat.

Korales bakawan

halamang dagat

7. Huwag hulihin at kainin ang mga hayop sa dagat


na nanganganib nang maubos.
8. Isumbomg sa kinauukulan ang mga pabrikang
nagtatapon ng nakalalasong kemikal sa katubigan.

(LM p.119-122)

Pangangasiwa ng Yamang Mineral


Wastong Pangagasiwa Di-Wastong Pangangasiwa
1.Maagap na pagtatanim sa 1.Hindi pagsasaalang-alang
mga nakakalbo o tiwangwang sa masidhing kamapanya
na gubat. hinggil sa global
2. Pagpigil sa gawaing deforestation.
pagkakaingin. 2. Pagkakaingin
3.Pagputol ng punong may 3.Walang tigil na pagputol ng
sapat na gulang lamang. mga punongkahoy sa
4.Pagtatanim ng punlang kagubatan.
puno bilang kahalili ng 4.Pagmimina nang kulang
pinutol na puno. ang kaalamang
5.paghuli ng mga ibon at panteknolohiya.
buhay –ilang sa panahon ng
open-season.

Pangangasiwa ng Yamang Tubig

Wastong Pangagasiwa Di-Wastong Pangangasiwa


1. Pag-iwas sa paggamit ng 1.Paggamit ng dinamita.
mga kasangkapang Kuryente, lason o cyanide at
nakapipinsala sa pagsasagawa ng sistemang
pangingisda. muro-ami (Paggamit ng
2. Pag-iwas sa paggamit ng pinong lambat sa
bangkang de motor sa pangingisda.
pangingisda. 2. Pagtatapon ng dumi o
3. Pagsassa-ayos sa lugar ng basura sa mga nayong-tubig.
bakawan sa 3. Kumbersyon ng mga
pangingusada. bakawan sa Aquaculture
4. 4.Paggamit ng lamabat na (fishpond).
may malalaki o 4. Pagtatapon sa dumi ng mga
katamtamang mga butas. pabrika sa mga katubigan na
5. Hindi pagattapon ng dumi nagdulot ng polusyon.
at basura sa ilog, 5. Pagpapabaya sa pagdami
dagat,lawa o sapa. ng water liliy na nakahadlang
sa pagdaloy ng tubig.
6 .Pagtatatyo ng bahay-
eskwater sa baybay-ilog.

Pangangasiwa ng Yamang Kagubatan

Wastong Pangagasiwa Di-Wastong Pangangasiwa


1. Pagkontrol sa 1. Paghuhukay upang
polusyong idudulot ng magmina ng walng
pagmimina. sapat na kaalaman.
2. Pag-aaral sa 2. Pagsasagawa ng
makabago at pagmimina kahit
siyentipikong walang sapat na
pamamaraan ng kaalaman.
pagmimina sa bansa. 3. Pagtatapon ng
3. Pag-ingat sa pagkasira pinagminahan sa ilog
ng lupang minahan. na nagiging sanhi ng
polusyon sa tubig.

Pangangasiwa ng Yamang Lupa

Wastong Pangagasiwa Di-Wastong Pangangasiwa


1. Pagpapalit ng 1. Ginagawang
2. pananim upang subdibisyon, mall
makatulong sa pabrika, sementeryo at
pagpapanatili ng golf course ang mga
pagiging mataba ng lupain sa halip na
lupa. pagtatanim.
3. Muling Pagtatanim ng 2. Labis na paggamit ng
mga puno upang mga kemikal at
mapigilan ng pagguho pataba.
ng lupa. 3. Pagpapalit ng
4. Paggamit ng mga pananim sa mas
nabulok na pagkakakitaang
dahon,basura at dumi pananim para
ng hayop sa compost maipagbili sa iabng
pit bilang pataba ng bansa tulad ng
lupa. asparagus, prutas at
5. Pagtatanim sa pagitan iba pa sa halip na
ng mga pananim palay , mais at tubo.
upang ang lupang
ibabaw ay
mapanatiling mataba.
C. Pakikipagpalihan
Gawain A.
Pag-aralan ang mga larawan. Lagyan ng ang
kahon sa gawing itaas nito kung sa palagay mo ay
wastong pangangasiwa at kung hindi wasto

1. 2.

3. 4.

5.

Gawain B
Iguhit ang masayang mukha sa patlang kung
wastong pangangasiwa sa likas na yaman ang
ipinahihiwatig ng pangungusap at malungkot na
mukha kung hindi wasto. Gawin ito sa sagutang
papel.
__________1. Ang basura ay itinatapon sa kanal, sapa
ilog at dagat.
_________ 2. Gumagamit ng maliit na butas ng lambat
sa panghuhuli ng isda.
__________ 3. Nagtatanim na muli bilang pamalit sa
mga pinutol na puno.
_________ 4. Nagwawalis ng bakuran at kapaligiran
upang mapanatiling malinis.
__________ 5. Pagsusunog ng mga bundok upang
gawing kaingin.
D. Paglalapat Gawain A
Ano ang ipinakikita sa larawan. Paano ito nakatutulong sa
panngangasiwa ng likas na yaman at pag unlad ng
kabuhayan

____________________________________
____________________________________
____________________________________
B.Tingnan ang larawan. Hanapin sa hanay B ang
katumbas na pahayag ng mga larawan sa hanay A.
Pagtambalin sa pamamagitan ng linya.

Hanay A Hanay B

1. A. Magtipid ng tubig.

2. B. Panatilihing malinis ang


mga tabig ilog o dagat.

3. C. Gumamit ng
katamtamang butas ng
net sa pangingisda.

4. D. Huwag magsunog ng
kagubatan.

5. E. Magtanim ng puno ng
puno at halaman sa
paligid.
Gawain B
Iguhit ang masayang mukha sa patlang kung matalino ang
pangangasiwa sa likas na yaman at malungkot na mukha
kung di-matalino.
______1. Ang basura ay itinatapon sa kanal, sapa,ilog at
dagat.
______2. Gumagamit ng maliit na butas ng lambat sa
panghuhuli ng isda.
______3. Nagtatanim na mulibilang pamalit sa mga
pinutol na puno.
______4. Nagwawalis ng bakuran at kapaligiran upang
mapanatiling malinis.
______5. Pagsusunog ng bundok upang gawing kaingin.

V. PAGNINILAY Ang mga mag-aaral sa kanilang kwaderno , journal o portfolio ay


magsusulat kung ano ang kanilang natutunan sa pamamagitan ng
pagkumpleto sa sumusunod na parirala.
Natutunan ko ang__________________________________
_________________________________________________
Nabatid ko na______________________________________
__________________________________________________
Inihanda ni:
BERNADETH S.BANAYO
Guro
Iwinasto ni:
CHRISTINE DIANNE A.SAN
JUAN
School Head

You might also like