You are on page 1of 33

Aralin 7

Ang Pangangalagaan at
Pangangasiwa ng Likas
na Yaman ng Bansa
Layunin:
Naipaliliwanag ang iba’t ibang pakinabang pang
ekonomiko ng mga likas na yaman ng bansa
Mahalagang
Tanong

Paano
mapangangalagaan ang
mga likas na yamang
taglay ng bansa?
Daloy ng Aralin
Mga Isyung Pangkapaligiran
Ang Likas
na Yaman Polusyon sa Hangin
ng Polusyon sa Tubig
Pilipinas Polusyon sa Lupa
Pagkaubos at Pagkasira ng likas na yaman

Pangangalaga at Mga Programa ng


Pangangasiwa sa Pamahalaan
Likas na Yaman ng Mga Gawain ng
Pilipinas Mamamayan
Ang Pilipinas ay nabiyayaan ng saganang likas na yaman mula
Luzon, Visayas at Mindanao.
Ang angkop na pangangalaga rito at matalinong paggamit ng mga
tao sa mga likas na yaman ay higit ma makakatulong upang
makatugon sa ating mga pangangailangan sa buhay at sa mga
susunod na henerasyon.
Mga Isyung Pangkapaligiran

Polusyon sa Polusyon sa
Hangin Tubig
POLUSYON
Pagkaubos at
Polusyon sa Pagkasira ng
Lupa Likas na
Yaman
Polusyon sa
Hangin

• Ayon sa WHO pangatlo ang Pilipinas sa mga


bansang may mababang kalidad ng hangin sa
rehiyon ng Asya-Pasipiko.
• Sanhi nito ang mataas na bilang ng mga sasakyan
nagbubuga ng maitim na usok, maruming usok
na ibinubuga ng mga pabrika at pagsunog ng
mga bagay na lumilikha ng maruming usok sa
papawirin.
Polusyon sa
Tubig

Ayon sa ulat ng Philippine Environment Monitor


(PEM) at Environmental Management Bureau
noong 2018, ang mga rehiyon ng NCR,
CALABARZON, MIMAROPA, GITNANG
LUZON at GITNANG VISAYAS ang may
mababang kalidad ng tubig sa bansa.
Polusyon sa
Tubig

Ayon sa Greenpeace Philippines noong 2010,


pangunahing sanhi ng polusyon sa tubig sa
Pilipinas:
• Wastewater mula sa mga tahanan
• Wastewater mula sa mga lupaing agricultural
• Wastewater mula sa mga pabrika
• Wastewater na nagdaan sa mga tambak na
basura
Polusyon sa
Lupa

• Marami sa mga sanhi ng polusyon sa tubig ay


sanhi rin ng pagkakaroon ng polusyon sa lupa.
• Pagtatapon ng basura lalo na sa mga pook urban.
• Ayon sa Solid Waste Management ng MMDA, wala pa
sa kalahati ng basura sa buong Metro Manila ang
napupunta sa wastong tapunan, ibig sabihin malaking
bahagi ng basura sa rehiyon ang nakakalat o
nakatambak sa hindi tamang lugar.
Polusyon sa
Lupa

•Bukod sa basura isa pang sanhi ang


labis na paggamit ng pestisidyo at
artipisyal na abono o pataba, ang mga
kemikal na ginamit sa paggawa nito ay
nagiging sanhi ng pagiging
kontaminado ng mga lupa.
Pagkaubos at
Pagkasira ng
Likas na
Yaman

• Dahil din sa polusyon patuloy ang pagkaubos at


pagkasira ng mga likas na yaman sa bansa ito
ang pinakamabigat ng suliraning
pangkapaligiran ng bansa.
• Ayon sa DENR, patuloy ang pagdami ng mga
mga hayop at halaman na nanganganib dahil sa
maling mga gawain ng tao.
Ang Pangangalaga at Pangangasiwa sa
Pinagkukunang Yaman ng Pilipinas
Department of Environment and Natural Resources o DENR,
layunin ng ahensyang ito na :
1. Siguruhin ang pagkakaroon at pananatili ng likas na yaman ng
bansa sa pamamagitan ng matalinong paggamit at pagpalit sa
mga ito.
2. Pataasin ang produksiyon mula sa pinagkukunang-yaman.
3. Paigtingin ang kontribusyon ng likas na yaman sa pagtamo ng
pang-ekonomiya at panlipunang kaunlaran.
4. Siguruhin ang pantay na oportunidad para sa lahat na
mapakinabangan ang likas na yaman.
5. Pangalagaan ang kalupaan at katubigan.
Iba pang kawanihan at kaugnay na ahensiya ng DENR:
• Environment Management Bureau
• Mines and Geosciences Bureau
• Forest Management Bureau
• Laguna Lake Development Authority

Ilan pang ahensya ng pamahalaan na nakikipagtulungan upang


pamangalagaan ng wasto ang mga likas na yaman upang
paigtingin ang paglinang at pag-aalaga ng pinagkukunang yaman
ng bansa kahit sa mga lokal na pamahalaan:
• National Economic and Development Authority (NEDA)
• Department of Agriculture (DA)
• Department of National Defense (DND)
Ilan sa mga programa ng pamahalaan:

1. Mas pinaigting na National Greening Program


2. Pagpapaigting ng kampanya para sa malinis na hangin, tubig
at lupa
3. Pagbabantay sa mga kagubatan
4. Programa para sa BiodiversityConservation
5. Programa para sa pangangalaga ng Marine at Coastal
Ecosystem
6. Patataya ng mga geo-hazard, lagay ng tubig, at responsableng
pagmimina.
7. Paglilinis ng Look ng Maynila
Ang papel ng bawat Pilipino sa Pangangalaga at
Pangangasiwa ng Pinagkukunang-Yaman
1. Pagiging masinop o pagtitipid sa paggamit ng
mga likas na yaman.
2. Ang gawaing 5R: RECYCLE, REDUCE, REUSE,
REFUSE at REPAIR
3. Pagtatanim ng mga puno
4. Pagpapanatili ng kalinisan
5. Paglahok sa mga programa at Gawain para sa
pangangalaga ng kapaligiran
Magtayo ng water treatment plant upang
linisin ang maruruming tubig mula sa mga
pagawaan, pook-alagaan ng mga hayop,
tahanan at taniman.
Nararapat din na makilahok sa mga proyekto o programa ng
pamahalaan para sa kapaligiran at kalikasan tulad ng
programang 5Rs (: RECYCLE, REDUCE, REUSE, REFUSE at
REPAIR).Sundin ang mga batas ukol sa pangangalaga ng
kalikasan tulad nga paghiwa-hiwalay
Tandaan Mo
Gawin ang mga mungkahing paraan ng
wastong pangangasiwa ng mga likas na yaman
ng bansa
Ang nga maling gawain gaya ng pagpuputol
ng mga puno at paghuli sa mga hayop o wildlife
ay maaaring magdulot ng hindi magandang
epekto sa ating pamumuhay.
Mahalagang isabuhay ang mga tamang gawi
upang mapangalagaan ang ating kalikasan.
I .Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung ang
mungkahing paraan ng pangangasiwa ng likas na
yaman ng bansa ay wasto at ekis (X) kung hindi
wasto:

1.Iiwasan ang pagtatapon ng


basura sa mga yamang
tubig.
2.Magtanim ng mga puno at
3.Ipagwawalang- bahala ang mga
batas pangkalikasan.
4.Gawin ang programang 5Rs (:
RECYCLE, REDUCE, REUSE,
REFUSE at REPAIR).
5.Hayaang nakabukas ang gripo
kahit umaapaw na ang tubig sa
balde.
Maaaring bunga ng wastong pangangasiwa
ng likas na yaman ng bansa

Maaring bunga ng hindi wastong


pangangasiwa ng likas nayaman ng bansa
Gumawa ng pangako sa sarili. Kopyahin sa
notbuk at buuin ang mga pananalita sa
ibaba:
Pangako Ko
Ako si

, ay
matapat na nangangako na aking
ipagmamalaki at pahahalagahan ang .
II Ano ang iyong gagawin sa sumusunod na
mga sitwasyon? Isulat sa sagutang papel:

1.Napansin mo ang iyong kaklase


na sa kaunting pagkakamali sa
pinasulat ng guro ay agad niya
nang tinatapon ang kaniyang
papel. Paano mo ipaliwanag sa
kaniya ang kahalagahan ng papel?
2.Nalaman mo na ang tatay ng kaklase
mong si Sophia ay mahilig mag-alaga
ng mga natatanging hayop. Minsanay
nakahuli siya ng pawikan. Iniuwi
niya ito at inilagay sa isang
palanggana. Ano ang sasabihin mo
kay Sophia? Bakit hindi tama ang
pag-aalaga ng pawikan?
3. Nalaman mo na ang iyong ama ay
gumagamit ng dinamita sa kaniyang
pangingisda. Natutunan mo sa
paaralan na ipinagbawal ito ng
pamahalaan at maaari siyang
makulong kung siya ay mahuhuli.
Paano mo ito sasabihin sa iyong
ama?
4.Marami kang kaibigang nakatira
sa may estero. Doon nila
itinatapon ang kanilang mga
basura kaya’t madalas ang
pagbaha rito. Ano ang sasaabihin
mo sa iyong mga kaibigan? Paano
mo ito iparating sa inyong punong
barangay?
5.Habang ikaw ay nasa daan
pauwi sa inyong
tahanan,nakita mong sinisira
ng isang bata ang mga
halaman ng iyong kapitbahay.
Ano ang sasabihin mo sa bata?

You might also like