You are on page 1of 176

Kamalayang

Panlipunan: 1
Ako at ang Aking Pamilya at Paaralan
PATNUBAY NG GURO

Karen B. Remudo
Awtor

Rodrigo G. Langit Jr.


Awtor/Koordineytor

Published and Distributed by:

Main Visayas Mindanao


Abiva Bldg., 851 G. Araneta Ave. 2/F Cebu Holdings Center Abiva Bldg., 127 MacArthur Highway
1113 Quezon City Cebu Business Park, 6000 Cebu City Matina, 8000 Davao City
Tels: (632) 712-0245 to 49 • 740-6603 • 381-5794 Tels: (032) 231-5145 • 231-5197 Tels: (082) 297-2275 • 297-2263
Fax: (632) 712-0486 Fax: (032) 231-5118 Fax: (082) 297-1291
E-mail: info@abiva.com.ph   E-mail: abivacbu@abiva.com.ph E-mail: abivadvo@abiva.com.ph

www.abiva.com.ph
Karapatang-ari © 2019
ng ABIVA PUBLISHING HOUSE, INC.
Abiva Bldg., 851 G. Araneta Ave., Quezon City

Reserbado ang Lahat ng Karapatan

Ang aklat na ito, o anumang bahagi nito, ay hindi maaaring


ilimbag ninuman sa ano mang anyo at paraan, para ipamahagi
o ipagbili, nang walang nakasulat na pahintulot mula sa
tagapaglathala.

Inilimbag sa Pilipinas

ISBN 978-621-405-307-0

ISBN 978-621-
TALAAN NG MGA NILALAMAN
Paunang Salita, v
Tsart ng Lawak at Saklaw, vii

Yunit 1 Ako, Batang Pilipino, 1


Kabuuang Pagtanaw sa Yunit, 1
Mga Inaasahang Resulta, 1
Pamamaraan sa Pagsisimula ng Yunit, 1
Aralin 1 Ako ay Natatangi, 3
Aralin 2 Ang Paglaki Ko, 7
Aralin 3 Mga Pisikal na Katangian Ko Bilang Pilipino, 9
Aralin 4 Ang mga Kakayahan Ko, 12
Aralin 5 Mga Kailangan Ko, 17
Aralin 6 Mga Bagay na Gusto Ko, 21
Aralin 7 Ang mga Pangarap Ko, 24
Pamamaraan sa Pagtatapos ng Yunit, 29
Pagsusulit sa Yunit 1, 30
Susi sa Pagwawasto sa Pagsusulit sa Yunit, 33

Yunit 2 Ang Pamilya Ko, 35


Kabuuang Pagtanaw sa Yunit, 35
Mga Inaasahang Resulta, 35
Pamamaraan sa Pagsisimula ng Yunit, 36
Aralin 1 Kilalanin ang Pamilya, 37
Aralin 2 Pagtugon ng mga Kasapi sa Kailangan ng Pamilya, 40
Aralin 3 Mga Kuwento ng Pamilya, 43
Aralin 4 Mga Tuntunin ng Pamilya Ko, 47
Aralin 5 Pagsunod sa mga Tuntunin ng Pamilya, 50
Aralin 6 Mga Gawain at Tradisyon ng Pamilya, 53
Aralin 7 Ang Ugnayan ng Pamilya Ko sa Ibang Pamilya, 58
Pamamaraan sa Pagtatapos ng Yunit, 61
Pagsusulit sa Yunit, 63
Susi sa Pagwawasto sa Pagsusulit sa Yunit, 66

Yunit 3 Ang Paaralan Ko, 67


Kabuuang Pagtanaw sa Yunit, 67
Mga Inaasahang Resulta, 67
Pamamaraan sa Pagsisimula ng Yunit, 68
Aralin 1 Pagkilala sa Aking Paaralan, 69
Aralin 2 Ang Paligid ng Paaralan, 72
Aralin 3 Mga Lingkod sa Paaralan Ko, 75
Aralin 4 Mga Pagbabago sa Paaralan, 79
Aralin 5 Ang mga Tuntunin ng Paaralan, 83
Aralin 6 Pagpapahalaga sa Paaralan, 86
Aralin 7 Mga Epekto sa Akin ng Pag-aaral, 90
Pamamaraan sa Pagtatapos ng Yunit, 94
Pagsusulit sa Yunit, 96
Susi sa Pagwawasto sa Pagsusulit sa Yunit , 99

Yunit 4 Ang Kapaligiran Ko, 100


Kabuuang Pagtanaw sa Yunit, 100
Mga Inaasahang Resulta, 100
Pamamaraan sa Pagsisimula ng Yunit, 101
Aralin 1 Distansiya at Lokasyon, 102
Aralin 2 Ang Tahanan Ko, 106
Aralin 3 Mga Gawain sa Tahanan, 108
Aralin 4 Mga Bahagi ng Paaralan, 111
Aralin 5 Mga Bahagi at Gamit sa Silid-Aralan Ko, 114
Aralin 6 Ang Komunidad Ko, 118
Aralin 7 Ang Pag-aalaga Ko sa Kapaligiran, 121
Pamamaraan sa Pagtatapos ng Yunit, 125
Pagsusulit sa Yunit, 126
Susi sa Pagwawasto sa Pagsusulit sa Yunit, 128

Rubric para sa mga Gawaing Pangklase, 131


Unang Bahagi, 131
Pangalawang Bahagi, 133
Mga Posibleng Pamantayan, 134

iv
Paunang Salita
Ang Gabay sa Pagtuturo ng Kamalayang Panlipunan K–6 ay naglalayong
makatulong sa mga guro na mapayabong ang mga kakayahan at kasanayan ng mga mag-
aaral upang maging mapanuri, malawak ang kaalaman, produktibo, makatao,
makakalikasan, makatao, makabansa, at may karanasang naaangkop sa realidad ng
kaniyang kapaligiran.
Ang gabay ay naglalaman din ng Scope and Sequence Chart na nagpapakita sa
mga guro kung paano magagamit nang maayos at mahusay ang mga inilahad na material
sa aklat sa pamamagitan ng sumusunod:

Gabay sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Bawat Aralin sa Yunit


Matatagpuan sa bahaging ito ang…
• Kabuuang Pagtanaw sa Yunit – na naglalaman ng talataang nagpapaliwanag sa
mga paksang tinatalakay sa buong yunit, mga kaalamang matututuhan ng mag-
aaral, at ang kahalagahan ng pagtataglay ng kaalamang ito sa pag-aaral ng
kasaysayan.
• Mga Inaasahang Resulta – nagpapakita ng mga inaasahang kaalaman ng mga
pamantayang pangnilalaman ng bawat aralin say unit at ng pamantayan sa
pagganap batay sa itinakdang kurikulum ng DepEd sa K to 12 sa Araling
Panlipunan.
• Mga Pangkalahatang Layunin – nagsasaad ng mga matututuhan ng mga mag-
aaral sa bawat yunit.
• Pamamaraan sa Pagsisimula ng Yunit – naglalaman ng presentasyon ng
pangunahing kasanayang dapat matamo ng mag-aaral sa yunit kasama na ang
pagsasagawa ng gampanin at pagtataya sa gampaning ito gamit ang inilaang
rubric.
• Gabay sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Bawat Aralin na naglalaman ng mga
panukalang hakbang sa paglulunsad ng mga gawaing pangklase na kaugnay ng
mga paksa sa bawat aralin. Nakapaloob sa Gabay ng Pagtuturo at Pagkatuto sa
Bawat Aralin ang sumusunod:
a. Malaking Ideya – binubuo ng pangkalahatang kaisipang nakapaloob sa
yunit at sa bawat aralin;
b. Mahalagang Tanong – binubuo ng pangunahing tanong na kumakatawan
sa konseptong biniigyang-pansin sa yunit at sa bawat aralin;
c. Teknolohiya at mga Sanggunian – naglalaman ng mga links ng mga
website o video na gagamitin sa aralin;
d. Mga Kagamitan – mga kasangkapang kakailanganin para maituro ang
aralin;
e. Pamamaraan – detalyadong nagsasaad ng mga dapat gawin upang
maituro nang buong husay ang bawat aralin at mapukaw ang interes ng
mga mag-aaral gamit ang mga pagsasanay at mga epektibong
pamamaraan;
f. Susi sa Pagwawasto – naglalaman ng mga kasagutan sa mga gawain ng
aralin;
g. Pamamaraan sa Pagtatapos ng Yunit na ukol sa pagtatayang magagamit
ng guro upang matukoy ang kasanayan at kaalamang nakuha ng mga
mag-aaral sa pagtalakay sa mga aralin ng yunit; at
h. Mga Wastong Sagot sa Pagsusulit – naglalaman ng mga sagot para sa
bawat pagsasanay o gawain sa batayan at sanayang aklat sa pangwakas na
pagtataya sa buong yunit.

Inaasahan na makatutulong ang gabay sa pagpapayaman ng mga


talakayan sa klase. Hinihimok din ang mga guro na iangkop ang nilalaman nito
sa sitwasyong nagaganap sa loob ng kanilang silid-aralan. Maaaring magdagdag
rin ang guro ng kanyang sariling mga pagsasanay, gawain, at kagamitan na
makatutulong upang maging higit na kawili-wili at epektibo ang kaniyang
isasagawang pagtuturo.

Ang May-akda

vi
Tsart ng Saklaw at Daloy
Pamantayang Pagkatuto: Naipamamalas ang kamalayan, pag-unawa sa sarili bilang Pilipino at kasapi ng pamilya at paaralan, at
pagpapahalaga sa kapaligirang pisikal gamit ang konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago, interaksyon, distansya, at
direksyon tungo sa pagkakakilanlan bilang indibidwal at kasapi ng komunidad.

YUNIT 1 AKO AY NATATANGI

Kaugnay na Batayan: Pagkilala sa Sarili

Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkilala sa sarili bilang Pilipino gamit ang konsepto ng
pagpapatuloy at pagbabago

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay buong pagmamalaking nakapagsasalaysay ng kuwento tungkol sa sariling katangian at pagkakakilanlan bilang
Pilipino sa malikhaing pamamaraan
Bilang at Mahalagang Mga Layunin Mga Pamantayan
Pamagat ng Tanong ng Aralin sa Pagkatuto Pamamaraan Pagpapahalaga Pagtataya
Aralin (Learning
at mga Paksa Competencies)
Aralin 1 • Pasalita at
Ako ay Natatangi pasulat
• Ang Aking • Bakit mahalaga • Naisusulat ang • Nasasabi ang • Pagpapaawit • Paggalang at • Pagsagot sa
Sarili na kilala ko ang sariling batayang • Paghula sa mga pagkilala sa mga
• Iba Pang aking sarili? pangalan, impormasyon palayaw sarili pagsasanay
Tungkol sa tirahan, tungkol sa • Performance
Akin pangalan ng sarili: Tasks
• Mga Katangian paaralan, at lahi pangalan,
Ko Bilang • Nailalahad sa magulang,
Pilipino kamag-aaral ang kaarawan,
mga batayang edad, tirahan,
impirmasyon paaralan, iba
ukol sa sariling pang
pagkakakilanlan pagkakilanlan
• Naipaliliwanag at mga
ang sagot o katangian
ideya ng bilang
binasang Pilipino
pangungusap • Nailalarawan
• Naipaliliwanag ang pisikal na
ang kahalagahan katangian sa
sa sarili pamamagitan
ng iba’t ibang
malikhaing
pamamaraan

Aralin 2
Ang Paglaki Ko
• Mga Nagbago • Bakit dapat • Natutukoy ang • Natutukoy ang • Paggaya sa mga • Pagtuko sa • Pasalita at
sa Akin kong mahahalagang mga nakikita sa mga pasulat
• Mahahalagang pahalagahan ang pangyayari sa mahahalagang larawan pagbabagong • Pagsagot sa
Pangyayari sa bawat yugto ng buhay mula sa pangyayari sa nangyari sa mga
Paglaki Ko aking paglaki? pagsilang buhay simula sarili pagsasanay

viii
hanggang sa isilang • Pagtitiwala sa • Performance
kasalukuyan hanggang sa sarili Tasks
• Nailalahad ang kasulukuyang
mga pagbabago edad gamit ang
sa sariling mga larawan
katawan sa iba’t • Nailalarawan
ibang yugto ng ang mga
paglaki personal na
• Napagsusunod- gamit tulad ng
sunod ang mga laruan, damit,
pangyayari at iba pa mula
uykol sa yugto noong sanggol
ng paglaki hanggang sa
• Nakagagawa ng kasalukuyang
sariling timeline edad
ng buhay ukol • Nakikilala ang
sa yugto ng timeline at ang
paglaki gamit nito sa
• Napangangatuw pag-aaral ng
iranan ang mahahalagang
kahalagahan ng pangyayari sa
yugto ng buhay
paglaki sa hanggang sa
buhay ng bata kaniyang
• Nahihinuha ang kasalukuyang
mga yugto ng edad
paglaki batay sa • Naipapakita sa
mga larawan pamamagitan
ng timeline at
iba pang
pamamaraan
ang mga
pagbabago sa
buhay at mga
personal na
gamit mula
noong sanggol
hanggang sa
kasalukuyang
edad

ix
• Nakapaghihinu
ha ng konsepto
ng
pagpapatuloy
at pagbabago
sa
pamamagitan
ng pagsasaayos
ng mga
larawan ayon
sa
pagkakasunod-
sunod
• Naihahambing
ang sariling
kuwento o
karanasan sa
buhay sa
kuwento at
karanasan ng
mga kamag-
aral
Aralin 3
Mga Pisikal na
Katangian Ko
Bilang Pilipino
• Ang Katawan • Paano ko • Natutukoy • Nasasabi ang • Pakikinig at • Pagtukoy at • Pasalita at
Ko ilalarawan ang ang pisikal na batayang pagsabay sa pagkilala sa pasulat
• Ang mga Mata aking mga katangian na impormasyon awitin pisikal na • Pagsagot sa
at ang Ilong pisikal na taglay ng tungkol sa • Pagtukoy sa katangian mga pagsasana
Ko katangian batang sarili: sarili gamit • Pagkilala sa • Performance
• Ang Buhok at bilang isang Pilipino pangalan, ang salamin pagiging Tasks
ang Labi Ko batang • Nailalarawan magulang, • Pagsayaw Pilipino
Pilipino? sa malikhaing kaarawan, bilang
pamamaraan edad, tirahan, pagkilala sa
ang sariling paaralan, iba sarili
pisikal na pang
katangian pagkakilanlan
bilang at mga
Pilipino katangian

x
• Naiuugnay bilang Pilipino
ang pisikal na • Nailalarawan
katangian ng ang pisikal na
batang katangian sa
Pilipino sa pamamagitan
sariling ng iba’t ibang
katangian malikhaing
pamamaraan
Aralin 4
Ang mga
Kakayahan Ko
• Mga Kaya Kong • Paano • Natutukoy ang • Nasasabi ang • Pagpapanood • Pagtukoy at • Pasalita at
Gawin Noon at nakaaapekto mga sariling batayang ng video pagkilala sa pasulat
Ngayon ang paglaki bahagi ng impormasyon • Pagtukoy sa mga sariling • Pagsagot sa
• Mga Gawain ng ko sa aking katawan at tungkol sa pagkakaiba kakayahan mga
Aking mga mga gawain? mga kayang sarili: ng noon at pagsasanay
Kamay Noon at gawin nito pangalan, ngayon • Performance
Ngayon noon at magulang, • Paglalaro ng Tasks
• Mga Gawain ng ngayon kaarawan, tradisyonal na
Aking mga Paa • Naihahambing edad, tirahan, laro gamit ng
Noon at Ngayon ang sariling paaralan, iba mga kamay
• Mga Gawain ng kakayahan sa pang • Pag-awit at
Aking Bibig iba’t ibang pagkakilanlan pagsayaw
Noon at Ngayon panahon at mga
• Mga Gawain ng • Nailalahad sa katangian
Aking mga malikhaing bilang Pilipino
Mata Noon at paraan ang • Nakapaghihinu
Ngayon mga ha ng konsepto
pagbabago sa ng
kayang gawin pagpapatuloy
noon at at pagbabago
ngayon sa
• Nakabubuo ng pamamagitan
hinuha ukol sa ng pagsasaayos
kayang gawin ng mga
ng bawat bata larawan ayon
sa
pagkakasunod-
sunod

xi
• Naihahambing
ang sariling
kuwento o
karanasan sa
buhay sa
kuwento at
karanasan ng
mga kamag-
aral
• Nailalarawan
ang pisikal na
katangian sa
pamamagitan
ng iba’t ibang
malikhaing
pamamaraan
Aralin 5
Mga Kailangan Ko
• Mga • Paano • Natutukoy ang • Nailalarawan • Panonood ng • Pagtukoy sa • Pasalita at
Pangunahing natutugunan pangangailangang ang pansariling video at mga pasulat
Kailangan Ko ang aking pansarili at ng pangangailangan pagpapaawit pangangailangan • Pagsagot sa
• Iba Pang mga iba pang mga : pagkain, sa mga mag- at kung paano mga
Kailangan Ko pangangailang bata kasuotan, at iba aaral makukuha ang pagsasanay
an? • Naipaliliwanag pa at mithiin sa mga ito • Performance
ang Pilipinas Tasks
kahalagahan sa
bata ng mga
pangangailangan
• Naiisa-isa ang
mga kailangan
ng isang bata
• Naiguguhit ang
pansariling
pangangailangan
Aralin 6
Mga Bagay na

xii
Gusto Ko
• Mga Paborito • Bakit • Natutukoy • Natatalakay • Panonood ng • Pagtukoy sa • Pasalita at
Kong Pagkain mahalaga sa ang mga ang mga video mga bagay na pasulat
• Mga Paborito akin ang mga gustong pansariling • Pagtukoy ng gusto o • Pagsagot sa
Kong Bagay bagay na pagkain, kagustuhuan mga larawan paborito mga pagsasana
• Mga Paborito gusto ko? laruan, kulay, tulad ng: • Performance
Kong Lugar damit, lugar, paboritong Tasks
at iba pa kapatid,
• Naipagtatang pagkain, kulay,
gol ang damit, laruan
dahilan ng atbp at lugar sa
pagkagusto sa Pilipinas na
mga bagay gusto makita sa
• Nakapagpapa malikhaing
kita ng pamamaraan
halimbawa ng
mga bagay na
gusto
• Naisasaad ang
kahalagahan
ng mga bagay
na gusto
Aralin 7
Ang mga
Pangarap Ko
• Ang Pagsisikap • Bakit • Naisasaad ang • Nailalarawan • Paghinuha sa • Pasalita at
Ko mahalaga ang pangarap sa ang pansariling nais maabot pasulat
• Ang Pagbawi mga pangarap sarili, pangangailangan: na pangarap • Pagsagot sa
Ko ko? pamilya, at pagkain, mga
bansa kasuotan, at iba pagsasanay
• Nakabubuo pa at mithiin • Performance
ng mga para sa Tasks
hakbang ng Pilipinas
pagtupad sa • Nailalarawan
pagnarap ang mga
• Naibabahagi pangarap o
sa kapuwa ninanais para
mag-aaral ang sa sarili
mga pangarap • Natutukoy ang

xiii
sa buhay mga pangarap
• Nabibigyang- o ninanais
katuwiran ang • Naipapakita
kahalagahan ang pangarap
ng sariling sa malikhaing
pangarap pamamaraan
• Naipaliliwanag
ang
kahalagahan ng
pagkakaroon
ng mga
pangarap o
ninanais para
sa sarili
• Naipagmamala
ki ang sariling
pangarap o
ninanais sa
pamamagitan
ng mga
malikhaing
pamamaraan

YUNIT 2. ANG PAMILYA KO

Kaugnay na Batayan: Pagkilala sa mga kasapi ng Pamilya

Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa sariling pamilya at mga
kasapi nito at bahaging ginagampanan ng bawat isa

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay buong pagmamalaking nakapagsasaad ng kuwento ng sariling pamilya at bahaging
ginagampanan ng bawat kasapi nito sa malikhaing pamamaraan
Bilang at Mahalagang Mga Layunin Mga Pamantayan Pamamaraan Pagpapahalaga Pagtataya
Pamagat ng Tanong ng Aralin sa Pagkatuto
Aralin (Learning
at mga Paksa Competencies)

xiv
Aralin 1
Kilalanin ang
Pamilya
• Mga Uri ng • Bakit kailangan • Natukoy ang • Nauunawaan • Pagpapanood • Pagmamahal sa • Pasalita at
Pamilya kong kahulugan ng ang konsepto ng video at mga kasapi ng pasulat
• Ang Lahi na pahalagahan pamilya at ang ng pamilya pagpapaawit sariling pamilya • Pagsagot sa
Pinagmulan ng ang aking iba’t ibang uri batay sa mga pagsasana
Pamilya pamilya? nito bumubuo nito • Performance
• Nakikilala ang (ie. two-parent Tasks
family tree at family, single-
ang gamit nito parent)
sap ag-aaral ng • Nakikilala ang
pinagmulang “family tree” at
lahi ng ang gamit nito
pamilya sa pag-aaral ng
• Nakgagawa ng pinagmulang
sariling family lahi ng pamilya
tree at • Nailalarawan
maibabahagi ang pinagmulan
ito sa klase ng pamilya sa
• Nasusuri ang malikhaing
larawan pamamaraan
kaugnay ng
mga kaalaman
ukol sa
pamilya
• Nailalahad ang
pinagmulang
lahi ng
pamilya
• Napangangatu
wiranan ang
pagbibigay ng
pagpapahalaga
sa pamilya
Aralin 2
Pagtugon ng mga
Kasapi sa mga
Kailangan ng

xv
Pamilya
• Mga • Paano • Nailalarawan
• Naipakikita sa • Paggupit ng • Lubos na • Pasalita at
Tungkulin ng natutugunan ang bawat
malikhaing mga cutout pagkilala sa pasulat
Bawat Kasapi ang mga kasapi ng
paraan ang • Pagpapatukoy tungkulin at • Pagsagot sa
ng Pamilya kailangan ng sariling
paglalarawan ng mga pangangailangan mga
• Pagtugon sa bawat kasapi ng sa mga kasapi pamilya sa ng mga kasapi pagsasanay
tungkulin ng
mga Kailangan pamilya ko? ng pamilya pamamagitan pamilya ng pamilya • Performance
ng Pamilya • Nailalahad ng likhang Tasks
ang sining
kahalagahan • Nailalarawan
sa sarili ng ang iba’t ibang
bawat kasapi papel na
ng pamilya ginagampanan
• Naiguguhit ng bawat kasapi
ang pagtugon ng pamilya sa
ng bawat iba’t ibang
kasapi sa pamamaraan
pangangailan • Nasasabi ang
gan ng iba kahalagahan ng
pang kasapi bawat kasapi ng
ng pamilya pamilya
• Naipaliliwanag • Nakabubuo ng
ang paraan ng kuwento
pagtugon ng tungkol sa
mga pang-araw-
kailangan ng araw na gawain
bawat kasapi ng buong
ng pamilya pamilya
• Nasusuri ang • Nailalarawan
larawan ang mga
kaugnay ng gawain ng mag-
mga anak sa
kaalaman pagtugon ng
ukol sa mga
pagtugon ng pangangailanga
pamilya sa n ng bawat
pangangailan kasapi
gan ng kasapi • Nailalarawan
nito ang batayang

xvi
• Nakagagawa pagpapahalaga
ng kalendaryo sa sariling
na pamilya at
nagpapakita nabibigyang
ng mga katuwiran ang
gawain ng pagtupad sa
pamilya mga ito
• Naikukuwent
o ang gawain
ng pamilya sa
pagtugon sa
pangangailan
gan ng mga
kasapi nito
Aralin 3
Mga Kuwento ng
Pamilya
• Mga • Paano ko • Nailalahad ang • Nailalarawan • Pagpapanood • Pag-alala sa • Pasalita at
Kailangan ng pinahahalagaha kahulugan ng ang mga ng video mga pasulat
Pamilya Ko n ang mga pagdiriwang o mahahalagang • Paggawa ng mahahalagang • Pagsagot sa
• Pagtugon ng importanteng okasyon pangyayari sa timeline araw kasama mga
Pamilya Ko araw sa aking • Natutukoy ang buhay ng ang pamilya pagsasanay
sa mga pamilya? mga pamilya sa • Performance
Kailangan pagdiriwang pamamagitan Tasks
Namin sa pamilya at ng
sa iba pang timeline/family
pamilya tree
• Nakagagawa • Naipahahayag
ng timeline ng sa malikhaing
pagdiriwang pamamaraan
ng sariling ang sariling
pamilya kuwento ng
• Naipaliliwana pamilya
g ang paraan • Naihahambing
ng ang kuwento ng
pagpapahalaga sariling
sa mga pamilya at
pagdiriwang kuwento ng
sa sariling pamilya ng mga

xvii
pamilya kamag-aral
• Nailalahad ang • Naipagmamala
paraan ng ki ang kuwento
pagpapahalaga ng sariling
sa mga pamilya
importanteng • Nailalarawan
okasyon ng ang batayang
pamilya pagpapahalaga
• Nasusuri ang sa sariling
larawan pamilya at
kaugnay ng nabibigyang
pangyayaring katuwiran ang
ipinagdiriwang pagtupad sa
ng pamilya mga ito
• Naibabahagi
sa kamag-aral
ang kuwento
ng
pagdiriwang
sa sarili
pamilya
Aralin 4
Mga Tuntunin ng
Pamilya Ko
• Mga Tuntunin • Paano • Naiisa-isa ang • Naiisa-isa ang • Pagpapanood • Pagiging • Pasalita at
ng Pamilya nakatutulong mga tuntunin mga alituntunin ng video masunurin sa pasulat
• Mga Batayan sa aking ng pamilya ng pamilya tuntunin ng • Pagsagot sa
ng mga pamilya ang • Natutukoy • Natatalakay pamilya mga
Tuntunin ng pagsunod ko ang mga ang mga pagsasanay
Pamilya sa mga tuntunin na batayan ng mga • Performance
tuntunin? sinusunod sa alituntunin ng Tasks
sariling pamilya
pamilya • Naihahambing
• Nailalahad sa ang alituntunin
malikhaing ng sariling
paraan ang pamilya sa
mga alituntunin ng
sinusunod na pamilya ng mga
tuntunin ng kamag-aral
sariling • Nailalarawan

xviii
pamilya ang batayang
• Nakikilala pagpapahaalga
ang mga sa sariling
batayan ng pamilya at
mga tuntunin nabibigyang
ng pamilya katuwiran ang
• Naipaliliwana pagtupad sa
g ang tulong mga ito
na
naibabahagi
sa pagsunod
sa tuntunin ng
sariling
pamilya
• Nasusuri ang
alarawan
kaugnay ng
mga tuntunin
ng pamilya
• Nakasusulat
ng mga
sinusunod na
tuntunin ng
sariling
pamilya
Aralin 5
Pagsunod sa mga
Tuntunin ng
Pamilya • Paano ko • Nakikilala • Nakagagawa ng • Pagpapanood • Pagiging • Pasalita at
• Mga Katuwiran sinusunod ang ang mga wastong ng video masunurin sa pasulat
sa Pagsunod sa mga tuntunin gawain na pagkilos sa • Paglalaro tuntunin ng • Pagsagot sa
mga Tuntunin ng aking nagpapakita pagtugon sa pamilya mga pagsasana
• Pagpapahalaga pamilya? ng pagsunod mga alituntunin • Performance
sa Pagsunod sa sa mga ng pamilya Tasks
mga Tuntunin tuntunin ng • Nahihinuha na
• Mga Gawain ng pamilya ang mga
Pagsunod sa • Nakapaglalah alituntunin ng
mga Tuntunin ad ng pamilya ay
katuwiran sa tumutugon sa

xix
pagsunod sa iba-ibang
mga tuntunin sitwasyon ng
ng sariling pang-araw-
pamilya araw na gawain
• Nahihinuha ng pamilya
ang • Nailalarawan
kahalagahan ang batayang
ng pagsunod pagpapahalaga
sa tuntunin ng sa sariling
sariling pamilya at
pamilya nabibigyang
• Natutukoy katuwiran ang
ang mga pagtupad sa
paraan ng mga ito
pagpapahalag • Naihahambing
a sa tuntunin ang mga
ng sariling pagpapahalaga
pamilya ng sariling
• Naipaliliwana pamilya sa
g ang paraan ibang pamilya
ng pagsunod • Naihahambing
sa tuntunin ng ang alituntunin
sariling ng sariling
pamilya pamilya sa
• Naipapaalam alituntunin ng
sa malikhaing pamilya ng mga
paraan ang kamag-aral
tuntunin ng
sariling
pamilya na
kayang
isagawa
• Nasusuri ang
larawan
kaugnay ng
pagsunod sa
tuntunin ng
pamilya
• Naikukuwent

xx
o sa kamag-
aral ang
sinusunod na
sariling
tuntunin ng
pamilya
Aralin 6
Mga Gawain at
Tradisyon ng
Pamilya • Paano ko • Natutukoy ang • Nailalarawan • Pagpapanood • Pagiging • Pasalita at
• Mga Gawain maipapakita mga gawain at ang mga ng video masunurin sa pasulat
ng Pamilya Ko ang tradisyon ng mahahalagang tradisyon ng • Pagsagot sa
• Mga pagmamahal pamilya pangyayari sa pamilya mga
Pagbabago sa ko sa aking • Nailalahad ang buhay ng • Respeto pagsasanay
mga Gawain mga magulang kahalagahan ng pamilya sa • Performance
ng Pamilya at sa mga gawain at pamamagitan Tasks
• Mga Tradisyon nakatatanda sa tradisyon ng ng
ng Pamilya Ko akin? pamilya timeline/family
• Mga • Nailalarawan tree
Pagbabago sa ang mga • Nailalarawan
mga Tradisyon pagbabago sa ang mga
ng Pamilya gawain at pagbabago sa
tradisyon nakagawiang
• Naibabahagi sa gawain at ang
kamag-aral ang pinapatuloy na
mga gawain at tradisyon ng
tradisyon ng pamilya
sariling pamilya • Naipahahayag
• Nailalahad sa sa malikhaing
kamag-aral ang pamamaraan
mga gawain at ang sariling
tradisyon ng kuwento ng
sariling pamilya pamilya
• Nailalahad ang • Naihahambing
paraan ng ang kuwento ng
pagpapatuloy sariling
ng mga pamilya at
tradisyon ng kuwento ng
sariling pamilya pamilya ng mga

xxi
• Nasusuri ang kamag-aral
larawan • Naipagmamalaki
kaugnay ng ang kuwento ng
pagbabago sa sariling
gawain ng pamilya
pamilya • Nailalarawan
• Nakapagtatanon ang batayang
g sa pagpapahalaga
nakatatanda sa sariling
ukol sa pamilya at
tradisyon ng nabibigyang
pamilya na katuwiran ang
nagbago at pagtupad sa
nanatili mga ito
• Naihahambing
ang nagbagong
tradisyon ng
sariling pamilya
• Naibabahagi sa
kamag-aral ang
tradisyon ng
sariling pamilya
Aralin 7
Ang Ugnayan ng
Pamilya Ko sa
Ibang Pamilya
• Ang mga • Bakit • Natutukoy ang • Nailalarawan • Pagpapanood • Pakikipag- • Pasalita at
Ginagawa mahalagang mabubuting ang batayang ng video kapuwa sa ibang pasulat
Namin Nang may mga paraan ng pagpapahalaga • Pagpapalaro pamilya • Pagsagot sa
Sama-sama gawaing sama- pakikipag- sa sariling mga
• Mga Sama- samang ugnayan ng pamilya pagsasanay
sama Naming ginagawa ang pamilya sa • Naihahambing • Performance
Gawain sa aking pamilya? ibang pamilya ang mga Tasks
Tirahan • Nakikilala ang pagpapahalaga
• Mga Sama- paraan ng ng sariling
Samang mabuting pamilya sa
Gawain sa pakikipag- ibang pamilya
Labas ng ugnayan ng • Natutukoy ang
Tirahan pamilya sa mga halimbawa
komunidad ng ugnayan ng

xxii
• Naisasaad ang sariling
mga dahilan ng pamilya sa
pagbuo ng ibang pamilya
ugnayan ng • Nakabubuo ng
pamilya konklusyon
• Nailalahad ang tungkol sa
paraan ng mabuting
pakikipag- pakikipag-
ugnayan ng ugnayan ng
sariling pamilya sariling
sa ibang pamilya sa iba
pamilya pang pamilya
• Nasusuri ang sa lipunang
larawan Pilipino
kaugnay ng
paraan ng
pakikipag-
ugnayan ng
pamilya
• Nakapagtatanon
g sa magulang
ukol sa paraan
ng pakikipag-
ugnayan ng
sariling pamilya
sa iba pang
pamilya
• Naibabahagi sa
kamag-aral ang
paraan ng
pakikipag-
ugnayan ng
pamilya sa iba
pang pamilya

YUNIT 3. ANG AKING PAARALAN

Kaugnay na Batayan: Pagkilala at Pagpapahalaga sa Aking Paaralan (PAA)

xxiii
Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkilala ng mga batayang
impormasyon ng pisikal na kapaligiran ng sariling paaralan at ng mga taong bumubuo dito na
nakatutulong sa paghubog ng kakayahan ng bawat batang mag-aaral.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay buong pagmamalaking nakapagpapahayag ng pagkilala at pagpapahalaga sa


sariling paaralan.
Bilang at Mahalagang Mga Layunin Mga Pamantayan Pamamaraan Pagpapahalaga Pagtataya
Pamagat ng Tanong ng Aralin sa Pagkatuto
Aralin (Learning
at mga Paksa Competencies)
Aralin 1
Pagkilala sa Aking
Paaralan
• Pagkilala sa • Bakit dapat na • Natutukoy ng • Nasasabi ang • Pag-awit at • Pagkilala sa iba’t • Pasalita at
Aking Paaralan pahalagahan mga mag- mga batayang pagsayaw ibang aspekto ng pasulat
• Kuwento ng ang paaralan? aaral ang mga impormasyon • Pag-iisip ng sariling paaralan • Pagsagot sa
Pagkakatatag ng batayang tungkol sa sariling mga
Paaralan impormasyon sariling konsepto na pagsasanay
• Mga Sagisag ng tungkol sa paaralan: pangalan ng • Performance
Paaralan sariling pangalan nito paaralan Tasks
paaralan (at bakit
• Nasasabi ang ipinangalan ang
mahahalagang paaralan sa
pangyayari sa taong ito),
sariling lokasyon, mga
paaralan bahagi nito,
• Naipakikita sa taon ng
malikhaing pagkakatatag at
paraan ang ilang taon na
sariling ito, at mga
kaalaman pangalan ng
ukol sa mga gusali o silid (at
batayang bakit
impormasyon ipinangalan sa
ng sariling mga taong ito)
paaralan • Nasasabi ang
mahahalagang

xxiv
• Nasusuri ang
larawan pangyayari sa
kaugnay ng pagkakatatag
pagkakakilanlan ng sariling
ng paaralan paaralan
• Naipaliliwanag
ang
kahalagahan
ng paaralan sa
mga mag-
aaral
Aralin 2
Ang Paligid ng
Paaralan
• Mga Uri ng • Paano dapat • Nailalarawan • Nailalarawan • Paglalaro • Pagnanais na • Pasalita at
Kapaligiran ng alagaan ang ang pisikal na ang pisikal na • Pagtukoy maging maayos pasulat
Paaralan paligid ng kapaligiran ng kapaligiran ng gamit ng mga at malinis lagi • Pagsagot sa
• Iba Pang mga paaralan? sariling sariling larawan ang kanilang mga
Pagkakaiba paaralan paaralan silid-aralan pagsasanay
• Nasasabi ang • Nasasabi ang • Pagbibigay ng • Performance
epekto ng epekto ng halaga sa Tasks
pisikal na pisikal na paaralan
kapaligiran ng kapaligiran sa
paaralan sa sariling pag-
pag-aaral aaral (e.g.
• Naiisa-isa ang mahirap mag-
mga paraan aaral kapag
ng pag-aalaga maingay, etc)
sa paaralan
• Nakaguguhit
ng mga bagay

xxv
na nakikita sa
paligid ng
paaralan
• Naiuugnay
ang paligid na
angkop sa
paaralan
• Nasusuri ang
larawan na
kaugnay sa
kapaligiran ng
paaralan
• Naibabahagi
sa klase ang
angkop na
gawain ng
pag-aalaga sa
paaralan
Aralin 3
Mga Lingkod sa
Paaralan Ko
• Mga • Bakit kailangan • Nakikilala • Nailalarawan • Pagpapaawit • Pagpapahalaga • Pasalita at
Pangunahing na makilala ko ang mga ang mga • Pagpapasaya sa mga lingkod pasulat
Lingkod sa ang mga taong tungkuling w ng paaralan • Pagsagot sa
Paaralan Ko lingkod sa bumubuo sa ginagampanan • Pagpapanood mga
• Mga Lingkod aking paaralan? paaralan ng mga taong ng video pagsasanay
na Nag-aalaga • Nailalarawan bumubuo sa • Pagpapatukoy • Performance
ng Kalusugan sa malikhaing paaralan (e.g. ng larawan Tasks
• Mga Lingkod paraan ang punong guro, • Pagpapalaro
na Tumutulong mga guro, mag-
sa Iba Ko Pang tungkuling aaral, doctor at
Kailangan ginagampana nars, dyanitor,
n ng mga etc)
taong
bumubuo sa
sariling
paaralan
• Naiuugnay
ang mga

xxvi
larawan sa
mga angkop
na tao sa
paaralan
• Naiguguhit
ang larawan
ng mga taong
naglilingkod
sa paaralan
• Nasusuri ang
larawan ukol
sa mga taong
naglilingkod
sa paaralan
Aralin 4
Mga Pagbabago sa
Paaralan
• Mga • Bakit dapat na • Natutukoy • Nailalarawan • Paggawa ng • Pagpapahalaga • Pasalita at
Pagbabago sa matukoy ang ang mga ang mga timeline sa mga pasulat
Pisikal na mga pagbabago pagbabago sa pagbabago sa • Pagpapalaro pagbabago ng • Pagsagot sa
Anyo ng sa paaralan? paaralan paaralan tulad sariling paaralan mga
Paaralan • Nailalarawan ng pangalan, pagsasanay
• Mga sa malikhaing lokasyon, • Performance
Pagbabago sa paraan ang bilang ng mag- Tasks
Dami ng mga mga aaral atbp gamit
Tao sa napansing ang timeline at
Paaralan pagbabago sa iba pang
• Iba Pang mga sariling pamamaraan
Pagbabago sa paaralan • Naipapakita
Paaralan • Naipaliliwana ang pagbabago
• Ang Timeline g ang ng sariling
ng mga kahalagahan paaralan sa
Pagbabago sa ng kaalaman pamamagitan
Paaralan ukol sa mga ng malikhaing
pagbabago sa pamamaraan at
sariling iba pang
paaralan likhang sining
• Nakagagawa
ng timeline ng
pagbabago sa

xxvii
sariling
paaralan
• Nasusuri ang
larawan ukol
sa pagbabago
sa paaralan
• Nakapagtatan
ong sa guro sa
pagbabagong
naganap sa
paaralan
Aralin 5
Ang Mga
Tuntunin ng
Paaralan • Bakit kailangan • Natutukoy ang • Natutukoy ang • Pagpapanood • Pagsunod sa • Pasalita at
• Ang Mga sundin ang mga mga tuntunin mga alituntunin ng video mga tuntunin ng pasulat
Tuntunin tuntunin ng ng paaralan ng paaralan • Pagpapalaro paaralan • Pagsagot sa
• Pagsunod sa paaralan? • Nasasabi sa • Nabibigyang mga
mga Tuntunin klase ang katuwiran ang pagsasanay
• Epekto ng kahalagahan ng pagtupad ng • Performance
Pagsunod at mga tuntunin paaralan Tasks
Hindi ng paaralan • Nasasabi ang
Pagsunod sa • Nailalahad sa epekto sa sarili
mga Tuntunin klase ang mga at sa mga
epekto ng kaklase ng
pagsunod at pagsunod at
hindi pagsunod hindi pagsunod
sa mga tuntunin sa mga
ng paaralan alituntunan ng
• Nakikilala ang paaralan
mga gawi na • Nahihinuha ang
nagpapakita ng kahalagahan ng
pagsunod sa alituntunan sa
tuntunin ng paaralan at sa
paaralan buhay ng mga
• Naipaliliwanag mag-aaral
ang
kahalagahan ng
pagsunod sa

xxviii
tuntunin ng
paaralan
• Nasusuri ang
larawan
kaugnay ng
tuntunin sa
paaralan
• Nasasabi sa
klase ang mga
sumusunod na
tuntunin sa
sariling
paaralan
Aralin 6
Pagpapahalaga sa
Paaralan
• Dahilan ng • Paano ko • Natutukoy ang • Naipaliliwanag • Pagpapaawit • Pagpapahalaga • Pasalita at
Pagpapahalaga mapahahalagahan mga gawi na ang at at pasulat
sa Paaralan ang aking nagpapakita ng kahalagahan ng pagpapanood pagpapasalamat • Pagsagot sa
• Ang paaralan? pagpapahalaga sa paaralan sa ng video sa paaralan mga
Kahalagahan paaralan sariling buhay • Pagsasagawa pagsasanay
ng Paaralan sa • Naipaliliwanag at sa ng tableau • Performance
Komunidad ang pamayanan o Tasks
• Mga Paraan ng kahalagahan ng komunidad
Pagpapahalaga paaralan sa • Naiisa-isa ang
sa Paaralan buhay at sa mga gawain at
komundad pagkilos na
• Naiisa-isa ang nagpapamalas
mga gawi at ng
kilos na pagpapahalaga
nagpapakita ng sa sariling
pagpapahalaga paaralan (eg.
sa paaralan Brigada
• Nailalahad ang Eskwela)
paraan ng
pagpapahalaga
sa paaralan
• Nasusuri ang

xxix
larawan ng
kaugnay ng
pagbibigay ng
pagpapahalaga
sa paaralan
• Naisusulat ang
mga
kahalagahan ng
paaralan sa
buhay ng mag-
aaral
Aralin 7
Mga Epekto sa
Akin ng Pag-aaral
• Ang • Bakit kailangan • Naiisa-isa ang • Natatalakay • Pagbabasa ng • Pagpapahalaga • Pasalita at
Kahalagahan ko na mag-aral? mga ang tula sa pagkakataong pasulat
ng Pag-aaral kahalagahan ng kahalagahan ng • Pagkukuwento makapag-aral • Pagsagot sa
• Mabubuting pag-aaral sa pag-aaral sa klase mga
Epekto ng Pag- buhay ng bawat pagsasanay
aaral bata • Performance
• Natutukoy ang Tasks
mabuting
epekto sa bawat
bata ng pag-
aaral
• Napangangatu-
wiranan ang
pangangailangan
ng bawat bata
na makapag-
aral
• Nasusuri ang
larawan na
kaugnay ng
kahalagahan ng
pag-aaral sa
buhay ng bawat
bata
• Nakapakikinig ng

xxx
kuwento ng
magulang ukol
sa epekto sa
buhay ng
nakapag-aral at
hindi nakapag-
aral
• Nasasabi ang
epekto ng
nakapag-aral at
hindi nakapag-
aral sa tao

YUNIT 4. AKO AT ANG AKING KAPALIGIRAN

Kaugnay na Batayan: Pagkilala at pagpapahalaga sa tahanan, paaralan, at kapaligiran (KAP)

Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa konsepto ng distansya sa paglalarawan ng
sariling kapaligirang ginagalawan tulad ng tahanan at paaralan at ng kahalagahan ng pagpapanatili at pangangalaga dito.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakagagamit ng konsepto ng distansiya sa paglalarawan ng pisikal na kapaligirang
ginagalawan at nakapagpakita ng payak na Gawain sa pagpapanatili at pangangalaga ng kapaligirang ginagalawan
Bilang at Mahalagang Mga Layunin Mga Pamantayan Pamamaraan Pagpapahalaga Pagtataya
Pamagat ng Tanong ng Aralin sa Pagkatuto
Aralin (Learning
at mga Paksa Competencies)
Aralin 1
Distansiya at
Lokasyon
• Kahulugan ng • Bakit • Natutukoy ang • Nakikilala ang • Pagpapalaro • Pagkabisado sa • Pasalita at
Distansiya mahalagang kahulugan ng konsepto ng lokasyon at pasulat
• Kahulugan ng malaman ko distansiya at distansya at ang distansiya • Pagsagot sa
Lokasyon ang layo at lokasyon gamit nito sa mga
• Mga Katawagan lokasyon ng • Nailalahad ang pagsukat ng pagsasanay
sa Pagtukoy ng mga bagay sa mga salitang lokasyon • Performance
Lokasyon akin? ginagamit sa • Nagagamit ang Tasks
pagtukoy ng iba’t ibang

xxxi
distansiya at katawagan sa
lokasyon ng pagsukat ng
mga bagay lokasyon at
• Nakasusunod sa distansiya sa
panuto ng mga pagtukoy ng
gawain mga gamit at
• Nasusuri ang lugar sa bahay
mga larawan (kanan, kaliwa,
ukol sa itaas, ibaba,
lokasyon ng harapan, at
mga bagay likuran)
• Nakaguguhit ng
mapa ng
lokasyon ng
mga bagay sa
tahanan
• Naiuugnay ang
larawan sa layo
at lokasyon ng
mga bagay
• Nakasasagot sa
tanong ng guro
ukol sa
lokasyon ng
mga bagay sa
tahanan
• Napangangatu-
wiranan ang
kahalagahan ng
kaalaman ukol
sa layo at
lokasyon ng
mga bagay
Aralin 2
Ang Tahanan Ko
• Mga Bahagi ng • Bakit dapat na • Nakikilala ang • Nakagagawa • Pagpapalaro • Pagiging • Pasalita at
Bumubuo sa alam ko ang mga bahagi ng ng payak na • Pagtukoy maalam sa pasulat
Tahanan mga bahagi ng tahanan mapa ng loob gamit ang sariling tahanan • Pagsagot sa
• Mga Silid ng aking tahanan? • Naipaliliwanag at labas ng mga mga

xxxii
Tahanan ang gamit ng tahanan halimbawang pagsasanay
mga bahagi ng • Naipapakita laruan • Performance
tahanan ang iba’t ibang Tasks
• Naiguguhit ang pamamaraan
mga bahagi ng ng
tahanan pangangalaga
• Nakagagawa ng ng
payak na mapa kapaligirang
ng loob at labas ginagalawan,
ng tahanan sa tahanan
• Nakasusulat ng
hakbang ng
paggawa ng
payak na mapa
ng tahanan
• Naiuugnay ang
larawan sa mga
bahagi at lugar
sa tahanan
• Naipahahayag
ang
kahalagahan ng
mga bahagi ng
tahanan
Aralin 3
Mga Gawain sa
Tahanan
• Mga Gawain • Bakit ko • Natutukoy • Nakapagbigay • Pagpapaawit • Pagkakaisa • Pasalita at
Ko sa Tahanan kailangang ang mga halimbawa ng at • Pagtutulungan pasulat
• Mga Epekto ng malaman ang gawain sa mga gawi at pagpapasaya • Pagsagot sa
mga Gawain mga angkop na tahanan ugali na w gamit ng mga
Ko sa Tahanan gawain sa aking • Naipapahayag makatulong at video pagsasanay
tahanan? ang mga nakasasama sa • Pagkukuwent • Performance
epekto ng sariling o gamit ng Tasks
sariling kapaligiran: video
gawain sa tahanan at
tahanan paaralan
• Nasusuri ang • Naipakikita
larawan ang iba’t ibang
pamamaraan

xxxiii
kaugnay ng
mga gawain ng
sa tahanan pangangalaga
• Naipakikita sa ng
kamag-aral kapaligirang
ang mabuting ginagalawan,
gawain na sa tahanan
ginagawa sa
sariling
tahanan
• Naipangangat
uwiranan ang
kahalagahan
ng kaalaman
ukol sa mga
gawain sa
tahanan
Aralin 4
Mga Bahagi ng
Paaralan
• Mga Bahagi ng • Bakit • Natutukoy • Naiisa-isa ang • Pagsagot • Pagkabisado sa • Pasalita at
Paaralan Ko mahalagang ang mga mga bagay at gamit ang mga bahagi ng pasulat
• Ang Mapa ng alam ko ang bahagi na estruktura na mga paaralan • Pagsagot sa
Paaralan Ko mga bahagi ng mayroon ang makikita sa illustration mga
aking paaralan? sariling nadadaanan board pagsasanay
paaralan mula sa • Performance
• Naisusulat tahanan Tasks
ang tawag sa patungo sa
mga bahagi paaralan
ng sariling • Naiuugnay
paaralan ang konsepto
• Naisusulat ng lugar,
ang mga lokasyon, at
katawagan sa distansiya sa
layo at pang-araw-
lokasyon ng araw na buhay
mga bahagi sa
ng paaralan pamamagitan
• Nakaguguhit ng iba’t ibang
ng mapa ng uri ng

xxxiv
sariling transportasyon
paaralan na mula sa
nagpapakita tahanan
ng layo ng patungo sa
mga bahagi paaralan
nito • Nailalarawan
• Naipakikita sa ang
malikhaing pagbabago sa
paaralan ang mga estruktura
wastong at bagay mula
pangangalaga sa tahanan
sa mga bahagi patungo sa
ng paaralan paaralan at
• Nasusuri ang natutukoy ang
larawan mga
kaugnay ng mahalagang
mga bahagi estruktura sa
ng paaralan mga lugar na
• Napangangatu ito
wiranan ang • Nakagagawa
kahalagahan ng payak na
ng mapa mula sa
pagkakaalam tahanan
sa mga bahagi patungo sa
ng sariling paaralan
paaralan • Naipakikita
ang iba’t ibang
pamamaraan
ng
pangangalaga
ng
kapaligirang
ginagalawan,
sa tahanan
Aralin 5
Mga Bahagi at
Gamit sa Silid-
Aralan Ko • Bakit kailangan • Naipaliliwanag • Natutukoy • Pagsagot sa • Pagkakaroon ng • Pasalita at
• Lokasyon ng kong matukoy ang ang bahagi at pamamagitan pagpapahalaga pasulat

xxxv
mga Bagay sa ang mga bahagi kahalagahan gamit sa loob ng game show sa silid-aralan at • Pagsagot sa
Silid-Aralan at gamit sa ng pagtukoy ng silid- format mga nilalaman mga
• Ang Layo sa aking silid- sa mga bahagi aralan/paaralan • Paglilista nito pagsasanay
Isa’t Isa ng aralan? at gamit sa at lokasyon • Performance
mga Bagay sa silid-aralan ng mga ito Tasks
Silid-Aralan • Nakikilala • Nakagagawa
Ko ang mga ng payak na
• Ang Layo o bahagi at mapa ng
Lapit Ko sa gamit sa silid- silid-
mga Bagay sa aralan aralan/paaralan
Silid-Aralan • Natutukoy • Naipaliliwan
ang mga ag ang
pananda sa konsepto ng
halimbawang distansiya sa
mapa ng silid- pamamagitan
aralan ng nabuong
• Nailalahad mapa ng
ang sariling silid-aralan at
layo at paaralan
lokasyon sa • Naipakikita
mga bahagi at ang iba’t
gamit sa silid- ibang
aralan pamamaraan
• Nasusuri ang ng
larawan pangangalaga
kaugnay ng ng
layo at kapaligirang
lokasyon ng ginagalawan,
mga bahagi at sa paaralan
gamit sa silid-
aralan
• Nakaguguhit
ng mapa na
nagpapakita
ng layo at
lokasyon ng
sarili sa mga
bahagi at
gamit sa silid-
aralan

xxxvi
• Nagagamit
ang mapa sa
pagtukoy ng
lokasyon ng
mga bahagi at
gamit sa silid-
aralan
Aralin 6
Ang Komunidad
Ko • Bakit • Natutukoy • Natutukoy • Pagpapaguhit • Pagkilala ng • Pasalita at
• Mga Bagay at kailangang ang mga ang bahagi at • Paghula gamit lubos sa sariling pasulat
Estruktura sa pahalagahan ko bagay at gamit sa loob ang mga komunidad • Pagsagot sa
Komunidad Ko ang mga bagay estruktura sa ng silid- tunog mga
• Mga Uri ng at estruktura sa komunidad aralan/paaralan pagsasanay
Sasakyan sa aking • Nasasabi ang at lokasyon • Performance
Komunidad Ko komunidad? katawagan sa ng mga ito Tasks
• Ang Mapa ng mga bagay at • Nakagagawa
Komunidad Ko estruktura sa ng payak na
sariling mapa ng
komunidad silid-
• Nailalahad aralan/paaralan
ang mga • Naipaliliwan
sasakyan na ag ang
makikita sa konsepto ng
sariling distanisya sa
komunidad pamamagitan
• Natutukoy ng nabuong
ang angkop mapa ng
na sasakyang silid-aralan at
gagamitin paaralan
patungo sa • Naipakikita
mga lugar sa ang iba’t
komunidad ibang
• Nakagagawa pamamaraan
ng mapa ng ng
komunidad na pangangalaga
nagpapakita ng
ng sariling kapaligirang
daanan mula ginagalawan,

xxxvii
tahanan sa paaralan
patungo sa
paaralan
• Nasusuri ang
larawan na
kaugnay ng
mga
estruktura at
sasakyan sa
komunidad
• Napangangatu-
wiran ang
dahilan ng
sariling
pagpapahalag
a sa mga
bagay at
estruktura sa
sariling
komunidad
Aralin 7
Ang Pag-aalaga
Ko sa Kapaligiran
• Ang • Bakit dapat • Natutukoy • Nakapagbiga • Panunumpa • Pagpapahalaga • Pasalita at
Kahalagahan ng kong ang y-halimbawa ng katapatan sa kapaligiran pasulat
Kapaligiran Ko pangalagaan kahalagahan ng mga gawi sa • Pagsagot sa
• Mga Positibong ang aking ng kapaligiran at ugali na pangangalaga mga
Gawi sa kapaligiran? • Nailalahad sa makatutulong sa kapaligiran pagsasanay
Kapaligiran malikhaing at • Performance
• Mga pamamaraan nakasasama Tasks
Negatibong ang mabuti at sa sariling
Gawi sa di-mabuting kapaligiran:
Kapaligiran gawi sa tahanan at
kapaligiran paaralan
• Nasusuri ang • Nakikilala
larawan ang konsepto
kaugnay ng ng distansiya
mga gawi ng at ang gamit
pagpapahalaga nito sa
sa kapaligiran pagsukat ng

xxxviii
• Naipapaliwanag lokasyon
ang dahilan • Naipakikita
ng pag-aalaga ang
sa kapaligiran pagpapahalaga
• Nakapagpapa sa
kita sa klase kapaligirang
ng mga ginagalawan
positibong sa iba’t ibang
gawi sa pag- pamamaraan
aalaga ng at likhang
kapaligiran sining
Yunit 1
Ako, Batang Pilipino
KABUUANG PAGTANAW SA YUNIT
Ang mga paksa sa yunit 1 ay patungkol sa mga unang hakbang ng batang Pilipino
sa kaniyang pagkakakilanlan, sa kaniyang mga katangian, emosyon, kakayahan, gusto at
hindi gusto, at mga pangarap. Inaasahang ang mga gawain sa bawat aralin ay
makatutulong upang malinang ang mga kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa iba’t
ibang domain ng pagkatuto.
Sa kabuuan, ang yunit 1 ay nagbibigay ng ibayong pansin sa mga katangiang
makatutulong sa mga mag-aaral na pahalagahan ang sarili nilang pagkakakilanlan.

MGA INAASAHANG RESULTA


Pamantayang Pangnilalaman
Nagkakaroon ang mag-aaral ng pag-unawa sa kahalagahan ng pagkilala sa sarili
bilang Pilipino gamit ang konsepto ng pagpatuloy at pagbabago, interaksyon distansya at
direksyon at ang pagpapahalaga sa kapaligirang pisikal at paaralan.

Pamantayan sa Pagganap
Nakikilala at naipakikilala ng mag-aaral ang kaniyang sarili at naipamamalas ang
kaniyang kakayahang ipahayag ang sariling damdamin, gumawa ng desisyon, at
magtagumpay sa kaniyang mga gawain

Mga Pangkalahatang Layunin


Sa katapusan ng yunit, ang bawat bata ay inaasahang:
• nakikilala ang sarili (pangalan, gitnang pangalan, at apelyido; kasarian;
kaarawan at edad; tirahan; paaralan; at lahi)
• naibabahagi ang mga kakayahang nagbago sa paglipas ng mga taon;
• naibibigay ang mga pisikal na katangiang pang-Pilipino;
• natutukoy ang kaniyang mga pangangailangan na pangangailangan din ng bawat
bata;
• naibabahagi ang mga gusto at hindi gusto; at
• nagpapakita ng tiwala at kumpiyansa na maaabot ang mga pinapangarap sa
darating na panahon.

PAMAMARAAN SA PAGSISIMULA NG YUNIT (Laang Panahon: 1 araw)


1. Gumuhit ng anim na malalaking bilog sa blackboard at lagyan ang mga ito ng
bilang isa hanggang anim (1–6).
2. Pangkatin ang klase sa anim na grupo at ipamahagi sa bawat grupo ang mga
pahabang piraso ng papel na may nakasulat na salita ukol sa katangian ng bata,
gaya ng malusog, palakaibigan, matapat, matangkad, kayumanggi, at iba pa.
3. Basahin at ipaliwanag ito sa bawat pangkat ang panuto: Idikit sa loob ng bilog
na nakalaan sa inyong pangkat ang mga salitang epektibong naglalarawan sa
inyo. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral upang matapos ang
gawain.

1
4. Matapos nito, basahin ang mga salita na nakadikit sa blackboard at atasang
magtaas ng kamay at tumayo ang mga mag-aaral sa bawat grupo na may
kaparehang katangian. Maaari silang magsabi ng “Ako po iyon.”
5. Basahin ang teksto ng introduksiyon sa pahina 1 at ipaliwanag ito. Ipatukoy sa
mga mag-aaral ang patutunguhan ng mga bata na nasa larawan.
6. Hatiin ang klase sa mga pangkat at bigyan ang bawat pangkat ng sipi ng
Performance Task Blueprint.
Performance Task Blueprint
Pangkat Blg. ______ Petsa ng Pagtatanghal _______
Pamantayan sa Pagganap:
Nakikilala at naipakikilala ng mag-aaral ang kaniyang sarili at naipamamalas ang
kaniyang kakayahang ipahayag ang sariling damdamin, gumawa ng desisyon, at
magtagumpay sa kaniyang mga gawain
Layunin: Makapagpahayag ng pagkatao sa pamamagitan ng isang laro.
Panuto sa Gawain
1. Bumuo ng pangkat na may 5 kasapi. Pumili ng pangalan ng inyong grupo at
maghanda ng listahan ng pinakapaborito ng inyong mga miyembro ayon sa
sumusunod:
a. paboritong pagkain
b. paboritong inumin
c. paboritong palabas sa telebisyon
d. paboritong laruan
e. paboritong artista
2. Maglaan ng isang paborito na pipiliin ng isang kasapi. Isusulat ng kasapi ang
paborito niyang bagay o tao sa nakalaang letra para sa kaniya (ayon sa
mapagkakasunduan ng magkakapangkat), ngunit hindi maaaring ilagay ang
pangalan.
3. Matapos nito, ibigay ang mga papel ng mga kasapi ng isang pangkat sa
kabilang grupo. Mula sa isang lalagyan, bubunutin ng guro ang pangalan ng
dalawang grupo na maghuhulaan kung sino sa kasapi ng kalabang pangkat
ang may kinahihiligang bagay, tao, o pagkain.
4. Ang pangkat na may pinakamaraming nahulaan ang siyang magwawagi.
7. Ipaliwanag sa klase na ang bawat pangkat ay inaasahang maisasagawa ang
Performance Task sa pagtatapos ng pagtalakay sa mga aralin ng yunit 1.
8. Bilang paglalahat, ipaliwanag na ang mga pamantayan ang magiging batayan
ng pagmamarka sa gawaing isasakatuparan ng bawat pangkat. Maaaring
magpakita ng halimbawa nito upang magkaroon ang mga mag-aaral ng
malinaw na ideya ukol sa kanilang gagawin.
9. Bilang takdang-aralin, atasan ang mga mag-aaral na tanungin ang kanilang mga
magulang kung ano ang kahulugan ng kanilang pangalan o saan ito nagmula at
ang araw ng kanilang kapanganakan at edad.

2
Aralin 1
Ako ay Natatangi
Mga Pahina sa Aklat: 2–11
Mungkahing Bilang ng Araw: 3

MGA LAYUNIN NG ARALIN AT KATUMBAS NA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO


BATAY SA K TO 12 KURIKULUM
Mga Layunin Pamantayan sa Pagkakatuto Batay sa K
to 12 Kurikulum
• Naisusulat ang sariling pangalan, • AP1NAT-Ia-1
tirahan, pangalan ng paaralan, at • AP1NAT-Ib-3
lahi
• Nailalahad sa kamag-aaral ang mga
batayang impormasyon ukol sa
sariling pagkakakilanlan
• Naipaliliwanag ang sagot o ideya
ng binasang pangungusap
• Naipaliliwanag ang kahalagahan ng
pagkilala sa sarili

MALAKING IDEYA
Ang bawat bata ay may sariling pagkakilanlan.

MAHALAGANG TANONG
Bakit mahalaga na kilala ko ang aking sarili?

TEKNOLOHIYA AT MGA SANGGUNIAN


• “Maligayang Bati (Awit Bulilit)” ng Children’s Music Box,
https://www.youtube.com/watch?v=gGht3dObh_g
• “Tayo’y mga Pinoy” nina Ely Buendia, Rico Blanco, Raimund Marasigan, at
Barbie Almalbis https://www.youtube.com/watch?v=fETd4EqWbIc

MGA KAGAMITAN
• puting kartulina na nakadisenyo bilang identification card
• larawan ng mga sumusunod: watawat ng Pilipinas, Hapon, Tsina, Estados
Unidos, at Espanya
• limang hati ng illustration board (1/8), limang pirasong chalk, at limang
blackboard eraser
• flash cards na may nakasulat na mga salitang tahanan, paaralan, at lahi.
• audio/video player
• kartulina para sa mga paksa

3
PAMAMARAAN
Unang Araw (Ang Aking Sarili)
Panimulang Gawain
1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Tuklasin sa pahina 2 ng aklat bilang pre-
assessment activity. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ipakita kung ano ang
larawang kinulayan nila at ipaliwanag kung bakit nila ito kinulayan.
2. Ipaskil/Isulat ang liriks ng awiting “Maligayang Bati.” Awitin ito at pasabayin
ang mga mag-aaral sa iyong pagkanta.
3. Itanong sa mga mag-aaral: Bakit ipinagdiriwang ang kaarawan ng isang tao?
4. Matapos makuha ang kanilang kasagutan, ipaskil sa blackboard ang pamagat
ng paksa: Ang Aking Sarili.

Panlinang na Gawain
1. Magpaskil ng iyong sariling identification card sa blackboard. Ang nasabing ID
ay maglalaman ng mga sumusunod:
• buong pangalan
• sariling larawan
2. Ituro nang paisa-isa ang mga impormasyong nakalagay sa kartulinang ID.
Itanong sa mga mag-aaral kung alam nila ang katawagan sa iyong mga itinuro.
3. Matapos maibigay ng mga mag-aaral ang mga katawagan, ipabuklat ang aklat
sa pahina 3. Ipabasa ang unang pangungusap ukol sa pangalan. Tumawag ng
mga boluntaryo (dalawang lalaki, dalawang babae) upang bigkasin ang mga
nasa dialogue box. Ito rin ang gagamitin nila sa pagpapakilala nila sa kanilang
mga sarili.
4. Bilugan sa kartulinang ID ang iyong unang pangalan, gitnang pangalan, at
huling pangalan. Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga pangungusap ukol dito
habang itinuturo ang nababanggit na bahagi ng pangalan. Ipaliwanag sa mga
mag-aaral ang kanilang binasa.
5. Ipabasa sa mga mag-aaral ang pangungusap ukol sa kasarian. Bilang
pagpapatibay ng kaalaman, patayuin ang mga lalaki, at matapos nila, ang mga
babae.
6. Bilugan ang kaarawan at edad sa kartulinang ID. Ipabasa sa mga mag-aaral ang
mga kaakibat na pangungusap ukol sa kaarawan at edad. Ipaliwanag sa mga
mag-aaral ang kanilang binasa.
7. Hikayatin ang mga mag-aaral na kumuha ng kapareha at magtanungan ukol sa
kanilang araw ng kapanganakan at edad.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Sagutin sa pahina 5 ng aklat. Talakayin ang
sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang paglalahat, hatiin ang mga mag-aaral sa anim na pangkat. Bawat kasapi
ay magsusulat sa isang maliit na papel ng kaniyang palayaw (na kung maari ay
malayo sa kaniyang tunay na pangalan; kung ito man ang kaniyang tunay na
pangalan, ipasulat na lamang ang kanilang mga inisyal). Matapos nito,
magpapalabunutan ang lider ng bawat grupo kung sino ang unang dalawang
pangkat na magsasagawa ng paghuhula kung sino sa katunggali nilang pangkat
ang may palayaw na nabanggit.

4
3. Kailangan lamang ng tatlong tamang kasagutan ng nanghuhulang pangkat
upang magwagi. Gayundin, mayroon lamang nakalaan na tatlong pagkakataon
upang magkamali ang nanghuhulang pangkat bago ibigay sa kanilang
hinuhulaan ang panalo.
4. Para sa takdang-aralin, pagdalhin ang mga mag-aaral ng mga larawan ng
kanilang mga tahanan.

Ikalawang Araw (Iba Pang Tungkol sa Akin)


Panimulang Gawain
1. Ipalabas sa mga mag-aaral ang kanilang takdang-aralin na larawan ng kanilang
tahanan. Tumawag ng ilang boluntaryo upang ipakita ang larawan ng kanilang
mga tahanan. Bago ang kanilang paglalarawan, ipabanggit ang kanilang buong
address.
2. Matapos nito, ipaskil ang pamagat ng paksa sa blackboard. Ipabuklat ang aklat
sa pahina 5.

Panlinang na Gawain
1. Basahin ang teksto ng “Ang Aking Tirahan” sa pahina 5. Tumawag muli ng
tatlong boluntaryo upang ipakita ang kani-kanilang sariling mga tirahan.
2. Ipabasa ang teksto sa pahina 6, “Ang Aking Paaralan.” Sabay-sabay na
ipabigkas nang malakas ang pangalan ng inyong paaralan.
3. Ipabasa ang teksto ukol sa “Ang Aking Lahi.” Matapos magbigay ng paliwanag
ukol sa lahi, ihanda ang mga bandila ng iba’t ibang bansa.
4. Sabihin sa mga mag-aaral na sa pagtaas ng watawat, itaas nila ang kanilang
mga kamay kung nabibilang sila, o may lahi sila, mula sa bansang ito. Sa bawat
pagtaas ng watawat, banggitin ang pangalan ng bansang sinasagisag nito.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 7 ng aklat. Gabayan ang mga mag-aaral sa
pagsagot at pagsulat sa mga patlang.
2. Bilang paglalahat, pangkatin ang mga mag-aaral sa lima. Ipamigay sa bawat
grupo ang mga flash cards ng tahanan, paaralan, at lahi.
3. Magbigay sa mga bata ng mga salita na may kaugnayan sa paksa. Sa loob ng
10 segundo, kailangang maitaas ng bata ang flash card ng tamang sagot.
Maglaan ng 12 salita na gagamitin para sa gawaing ito. Ang pangkat na may
pinakamaraming puntos ang siyang magwawagi.

Ikatlong Araw (Mga Katangian Ko Bilang Pilipino)


Panimulang Gawain
1. I-play ang video ng “Tayo’y Mga Pinoy” nina Ely Buendia, Rico Blanco,
Raimund Marasigan, at Barbie Almalbis. Ipaawit ito sa mga mag-aaral.
2. Matapos ang pagpapaawit, itanong sa mga mag-aaral kung anong mga
paglalarawan ng mga Pilipino ang kanilang nabasa o narinig. Isulat sa
blackboard ang kanilang mga kasagutan.

Panlinang na Gawain
1. Ipabuklat ang aklat sa pahina 7. Ipabasa sa mga mag-aaral ang unang
pangungusap. Matapos nito, ipabasa sa kanila ang mga halimbawa ng mga
katangian ng mga batang Pilipino na nakasaad sa aklat.

5
2. Tumawag ng mga boluntaryo na gagaya sa mga nakasaad na halimbawa
(masayahin, palakaibigan, magalang).
3. Balikan ang katanungan sa Alamin sa pahina 2. Itanong ito sa mga mag-aaral at
isulat ang kanilang mga kasagutan sa blackboard.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 8 ng aklat. Talakayin ang sagot ng ilang mag-
aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Ipasagot ang Subukin sa pahina 9 at Suriin sa pahina 10.
3. Para sa Sanayin sa pahina 11 ng aklat, basahin ang panuto at ipaliwanag ito.
Ilahad sa mga mag-aaral ang rubric sa pagmamarka ng kanilang gawain at
ipaliwanag ito. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot at pagdidikit ng
kanilang mga larawan.
4. Para sa takdang-aralin, pagdalhin ang mga mag-aaral ng limang larawan na
nagpapakita ng kanilang paglaki, mula sa pagiging mga sanggol hanggang sa
kasalukuyan.

SUSI SA PAGWAWASTO
Tuklasin
Lahat ng larawan ay may kulay maliban sa larawan ng mga batang
namamalimos.

Sagutin
Sasabihin ng mag-aaral ang kaniyang buong pangalan, kasarian, kaarawan, at
edad.

Sagutin
Babasahin ng mag-aaral ang kaniyang tirahan, pangalan ng paaralan, at lahi.

Sagutin
May tsek ang lahat ng mga larawan.

Subukin
Kinulayan ng asul ang ulap na may nakasulat na pangalan, lahi, paaralan,
kaarawan, at edad.

Suriin
1. a
2. b
3. b
4. a
5. a

6
Aralin 2
Ang Paglaki Ko
Mga Pahina sa Aklat: 12–20
Mungkahing Bilang ng Araw: 2

MGA LAYUNIN NG ARALIN AT KATUMBAS NA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO


BATAY SA K TO 12 KURIKULUM
Mga Layunin Pamantayan sa Pagkakatuto Batay sa K
to 12 Kurikulum
• Natutukoy ang mahahalagang • AP1NAT-Ic-6
pangyayari sa buhay mula sa • AP1NAT-Id-7
pagkasilang hanggang sa • AP1NAT-Id-8
kasalukuyan • AP1NAT-Ie-9
• Nailalahad ang mga pagbabago sa • AP1NAT-If-10
sariling katawan sa iba’t ibang yugto • AP1NAT-Ih-11
ng paglaki
• Napagsusunod-sunod ang mga
pangyayari ukol sa yugto ng paglaki
• Nakagagawa ng sariling timeline ng
buhay ukol sa yugto ng paglaki
• Napangangatuwiranan ang
kahalagahan ng yugto ng paglaki sa
buhay ng bata
• Nahihinuha ang mga yugto ng
paglaki batay sa mga larawan

MALAKING IDEYA
Mahalaga sa bata ang bawat yugto ng kaniyang paglaki.

MAHALAGANG KATANUNGAN
Bakit dapat kong pahalagahan ang bawat yugto ng aking paglaki?

MGA KAGAMITAN
• larawan ng guro noong siya ay isang taon at pitong taong gulang o larawan ng
guro sa pagitan ng mga taong ito
• larawan ng baby walker, crib, timbangan ng sanggol, pacifier, pang-matandang
timbangan, mga lapis at mga pangkulay, at aklat

PAMAMARAAN
Unang Araw (Mga Nagbago sa Akin)
Panimulang Gawain
1. Ipakita ang mga larawan ng baby walker, crib, at iba pa. Tumawag ng mga
boluntaryo na magpapakita kung paano ginagamit ang mga bagay na nasa
larawan. Isang boluntaryo lamang ang gagawa para sa bawat larawan.
2. Matapos ang demonstrasyon, itanong sa mga mag-aaral kung alin sa mga
nailarawang bagay ang kanilang ginamit noong sila ay mga sanggol at maliliit

7
na bata pa lamang. Pagkatapos makapagbigay ng kasagutan, itanong muli sa
kanila kung ano naman sa mga ito ang kanilang ginagamit sa kasalukuyan.
3. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Tuklasin sa pahina 12 ng aklat bilang pre-
assessment activity.

Panlinang na Gawain
1. Ipabuklat ang aklat sa pahina 13. Ipabasa ang unang pangungusap sa mga mag-
aaral. Pagkatapos nito ay tumawag ng mga boluntaryo upang basahin ang mga
pangungusap na may kasamang paglalarawan sa pagbabago ng bata.
2. Sa bawat paglalarawan, itanong sa mga mag-aaral kung naranasan nila ang
nasabing pagbabago.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 14 ng aklat. Talakayin ang sagot ng ilang mag-
aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Para sa Sanayin sa pahina 20, maglaan ng tig-dalawang minuto sa bawat mag-
aaral upang ibahagi ang kanilang mga dinalang larawan.
3. Ibigay ang Subukin sa pahina 17 bilang takdang-aralin.

Ikalawang Araw (Mahahalagang Pangyayari sa Paglaki Ko)


Panimulang Gawain
1. Ipakuha sa mga mag-aaral ang kanilang mga takdang-aralin sa Subukin.
2. Ipaskil sa blackboard ang pamagat ng paksa at ipabuklat ang aklat sa pahina 15.

Panlinang na Gawain
1. Ipatukoy sa mga mag-aaral ang mga larawan sa pahina 15. Itanong kung narasan
na rin nila ang mga mahahalagang pangyayari na ipinakita ng mga larawan.
2. Itanong sa mga mag-aaral: Sa mga larawang inyong nakikita, sino o ano sa
tingin ninyo ang pinakakailangan ng bata sa mga mahahalagang pangyayari sa
kaniyang buhay?
3. Ipabuklat ang aklat sa pahina 16. Magbigay ng paliwanag ukol sa kahalagahan
at paggawa ng timeline.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 17 ng aklat. Talakayin ang sagot ng ilang mag-
aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Subukin sa pahina 17 at 18, at Suriin sa pahina
19 at 20.

SUSI SA PAGWAWASTO
Tuklasin
batang kalong ng ina (1), batang humahabol sa bola (2), batang papasok sa
paaralan (3)

Sagutin
May kulay ang lahat ng larawan ng bahagi ng katawan.

8
Sagutin
Maaaring mag-iba-iba ang timeline na ginawa ng mga mag-aaral.

Subukin
c – larawan sa kaliwa, itaas
d – larawan sa kanan, itaas
e – larawan sa gitna
a – larawan sa kaliwa, ibaba
b – larawan sa kanan, ibaba

Suriin
1. b
2. a
3. b
4. b
5. b

Aralin 3
Mga Pisikal na Katangian Ko Bilang Pilipino
Mga Pahina sa Aklat: 21–28
Mungkahing Bilang ng Araw: 3

MGA LAYUNIN NG ARALIN AT KATUMBAS NA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO


BATAY SA K-12 KURIKULUM
Mga Layunin Pamantayan sa Pagkakatuto Batay sa K
to 12 Kurikulum
• Natutukoy ang pisikal na katangian • AP1NAT-Ia-1
na taglay ng batang Pilipino • AP1NAT-Ia-2
• Nailalarawan sa malikhaing
pamamaraan ang sariling pisikal na
katangian bilang Pilipino
• Naiuugnay ang pisikal na katangian
ng batang Pilipino sa sariling
katangian

MALAKING IDEYA
May tiyak na katangiang pisikal ang bawat batang Pilipino.

MAHALAGANG TANONG
Paano ko ilalarawan ang aking mga pisikal na katangian bilang isang batang
Pilipino?

TEKNOLOHIYA AT MGA SANGGUNIAN


• “Mga Kababayan Ko” ni Francis Magalona
https://www.youtube.com/watch?v=N0fCyXF1Xbc

9
MGA KAGAMITAN
• audio-video player
• malaking salamin na maaaring ilagay sa harap ng klase

Unang Araw (Ang Katawan Ko)


Panimulang Gawain
1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Tuklasin sa pahina 21 ng aklat bilang pre-
assessment activity. Umikot sa klase upang gabayan ang mga nangangailangan
ng tulong sa pagbakat.
2. Patugtugin ang awiting “Mga Kababayan Ko” at iparinig ito sa mga mag-aaral.
3. Itanong sa mga mag-aaral: Paano mo ilalarawan ang iyong pisikal na itsura?

Panlinang na Gawain
1. Ipabuklat ang aklat sa pahina 22. Ipabasa sa mga mag-aaral ang paunang
pangungusap.
2. Ipabasa sa mga mag-aaral na lalaki ang diyalogo ni Marky. Ipabasa naman sa
mga mag-aaral na babae ang diyalogo ni Amira.
3. Itanong sa mga mag-aaral, “Sa inyong opinyon, bakit kahit magkaiba ng
kasuotan ay parehong Pilipino sina Marky at Amira? Tumawag ng
boluntaryong sasagot.”
4. Matapos nito, itanong sa mga mag-aaral kung sino sa kanila ang nakaaalam
kung mayroon silang ibang lahing kinabibilangan bukod sa pagiging Pilipino.
Hikayatin silang ibahagi ito sa kanilang kamag-aaral.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 23 ng aklat. Talakayin ang sagot ng ilang mag-
aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang paglalahat, ipaawit muli sa mga mag-aaral ang “Mga Kababayan Ko.”

Ikalawang Araw (Ang mga Mata at ang Ilong Ko)


Panimulang Gawain
1. Ilagay sa harap ng klase ang malaking salamin. Pagkatapos, papilahin ang mga
mag-aaral na lalaki sa harap nito. Isa-isa silang lalapit sa salamin. Sa kanilang
pagtayo sa harap nito, itanong sa kanila:
a. “Ang mata mo ba ay pabilog o singkit?”
b. “Ang ilong mo ba ay matangos, pabilog, o pango?”
2. Isulat ang kanilang mga kasagutan sa inilaang espasyo sa blackboard.
Pagkatapos ng mga lalaki, ang mga babaeng mag-aaral naman ang pipila.

Panlinang na Gawain
1. Paupuin ang mga mag-aaral at ipabuklat sa kanila ang aklat sa pahina 23.
Basahin ang mga pangungusap, at sa bawat paglalarawan sa mata at ilong ay
tingnan ang isinulat na tala ng mga mag-aaral sa blackboard.
2. Sa bawat tanong sa ibaba, ipataas ang mga kamay ng mga mag-aaral na
mayroong katangiang binabanggit:
a. Sino ang mga mayroong bilugan ang mga mata? Sino naman ang may mga
singkit na mata?

10
b. Sino ang may matangos na ilong? Sino ang may pabilog? Sino ang may
mga pangong ilong?

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 24 ng aklat. Talakayin ang sagot ng ilang mag-
aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Magpalaro ng “Sumayaw Ka Kung Ikaw.”
Panuto: Ilagay ang mga silya sa gilid ng pader ng silid-aralan. Patayuin ang mga
mag-aaral sa gitna at pasayawin sila. Magbanggit ng mga pisikal na katangian
ng isang Pilipino. Sabihin sa mga mag-aaral na may babanggitin kang isang
katangian at kung sino ang nagtataglay nito ay hihinto sa pagsayaw. Halimbawa:
“Titigil ang mga singkit ang mata.” Titigil sa pagsasayaw ang mga may singkit
na mata. Ang mahuling sumasayaw pa rin kahit nabanggit na ang katangiang
mayroon siya ay aalisin sa laro. Narito pa ang ibang katangian:
bilugan ang ilong
matangos ang ilong
bilugan ang mata
pango ang ilong

Ikatlong Araw (Ang Buhok at ang Labi Ko)


Panimulang Gawain
1. Muling ipalaro ang “Sumayaw Ka Kung Ikaw.” Sa pagkakataong ito, ang mga
katangiang babanggitin ay ang mga sumusunod:
a. mahaba ang buhok
b. kulot ang buhok
c. manipis ang labi
d. manipis ang buhok
e. makapal ang labi
f. makapal ang buhok
g. maikli ang buhok
h. malago ang buhok
2. Matapos ang laro, paupuin ang mga mag-aaral at ipabuklat ang aklat sa pahina
24.

Panlinang na Gawain
1. Manguna sa pagbasa ng mga teksto sa pahina 24. Ipaulit sa mga mag-aaral ang
bawat pangungusap na natapos mong basahin. Sa bawat pagtapos ng
pangungusap na binasa nila, ipataas ang mga kamay ng mga mag-aaral na may
kaparehong katangian sa binabanggit.
2. Bigyang-diin ang dalawang huling pangungusap sa paksa: “Manipis o makapal
man ang labi ko, Pilipino ako. Kulot man o tuwid, itim o iba ang kulay ng
buhok, Pilipino ako.”

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 25 ng aklat. Umikot sa klase upang gabayan ang
nangangailangan ng tulong sa pagguhit.
2. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Subukin sa pahina 26 at Suriin sa mga pahina
27 at 28 ng aklat. Ipaliwanag nang maayos ang mga panuto sa bawat gawain
bago ipasagot ang mga ito.

11
3. Para sa Suriin sa pahina 28, gabayan ang mga mag-aaral sa pagkukulay ng mga
larawan ayon sa kanilang pisikal na katangian. Bigyan ang bawat mag-aaral ng
1 hanggang 2 minuto upang ibahagi ang kanilang gawa.

SUSI SA PAGWAWASTO
Tuklasin
May bakat ang una at ikatlong larawan.

Sagutin
1. Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.
2. Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.
3. Ipinagmamalaki

Sagutin
Ang anumang binilugang bahagi ng katawan ay wasto batay sa pisikal na
katangian ng mag-aaral.

Sagutin
Ang anumang guhit ng mukha ay wasto.

Subukin
Kayumanggi – 1, 2, 3, 4, 5
Katamtaman ang taas – 1, 3, 4, 5
Bilugan ang mata – 2, 3
Kulay itim ang buhok – 1, 2, 3, 4, 5

Suriin
1. b
2. a
3. a
4. b
5. a

Aralin 4
Ang mga Kakayahan Ko
Mga Pahina sa Aklat: 29–38
Mungkahing Bilang ng Araw: 5

MGA LAYUNIN NG ARALIN AT KATUMBAS NA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO


BATAY SA K TO 12 KURIKULUM
Pamantayan sa Pagkakatuto Batay sa K
Mga Layunin
to 12 Kurikulum
• Natutukoy ang mga sariling bahagi • AP1NAT-Ia-1
ng katawan at mga kayang gawin • AP1NAT-If-10
nito noon at ngayon • AP1NAT-Ih-11
• Naihahambing ang sariling

12
kakayahan sa iba’t ibang panahon • AP1NAT-Ia-2
• Nailalahad sa malikhaing paraan
ang mga pagbabago sa kayang
gawin noon at ngayon
• Nakabubuo ng hinuha ukol sa
kayang gawin ng bawat bata

MALAKING IDEYA
Ang bawat bata ay may kayang gawin ngayon na iba sa kaya nilang gawin noon.

MAHALAGANG TANONG
Paano nakakaapekto ang paglaki ko sa aking mga gawain?

TEKNOLOHIYA AT MGA SANGGUNIAN


• “Kuwentong Pambata: Nasaan ang Tsinelas Ko?” ni Rene Villanueva,
https://www.youtube.com/watch?v=qFXhxtGPwRY
• “Tatlong Bibe” mula kay robie317,
https://www.youtube.com/watch?v=D7fTtLFQ2NE
• “Noche Buena” mula kay robie317,
https://www.youtube.com/watch?v=lNFx4cnUgxA
• “Kislap Kislap Munting Bituin” mula kay robie317,
https://www.youtube.com/watch?v=AewAjtfx-jQ

MGA KAGAMITAN
• audio/video player
• mga piraso ng bond paper
• tig-tatlong lalagyan ng mga poster paint ng mga sumusunod: pink para sa mga
babae at asul para sa mga lalaki
• dalawang tray na kakasya ang paglapat ng mga kamay ng mga mag-aaral
• mga sipit (depende sa dami ng mag-aaral, isang sipit bawat isa)
• tali na magsisilbing parang sampayan

PAMAMARAAN
Unang Araw (Mga Kaya Kong Gawin Noon at Ngayon)
Panimulang Gawain
1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Tuklasin sa pahina 29 ng aklat bilang pre-
assessment activity. Gabayan ang mga mag-aaral para masagot nila ito nang
wasto batay sa mga kaya na nilang gawin.
2. Isulat sa blackboard ang pamagat ng paksa. Ipanood sa klase ang video ng
“Nasaan ang Tsinelas Ko?” at pagkatapos ay ipasagot sa mga mag-aaral ang
tanong, “Ano ang mga binanggit na kayang gawin ng bata sa kuwento?”

Panlinang na Gawain
1. Ipabuklat sa mga mag-aaral ang aklat sa pahina 30. Basahin ito kasama ng
klase. Ipabasa muli sa kanila ang mga unang pangungusap na nasa paksa.

13
Pabigyang-pansin sa mga mag-aaral ang mga larawang ipinakita kasama ng
teksto.
2. Matapos nito, ipasagot sa kanila ang mga tanong:
• Ano ang kayang gawin ng bata noon?
• Ano ang kayang gawin ng bata ngayon?
• Ano ang kaya mo nang gawin sa mga inihalimbawang gawain ng mga
bata ngayon?

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Sagutin sa pahina 31 ng aklat. Talakayin ang
sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang paglalahat, hatiin sa tatlong pangkat ang mga mag-aaral. Iatas sa kanila
ang paggaya sa mga “Noon at Ngayon” ayon sa mga larawan sa pahina 30:
a. sanggol na nakahiga at gumagapang – batang tumatakbo
b. sanggol na dumedede sa bote – batang kumakain nang mag-isa sa mesa
c. batang pinaliliguan ni Nanay – batang naliligo nang mag-isa
3. Matapos nito, atasan ang mga mag-aaral na ipakita sa klase kung paano nila
ginagawa ang sumusunod:
a. Uminom ng tubig ng mag-isa
b. Magsuot ng sapatos ng mag-isa
c. Magdala ng sariling bag

Ikalawang Araw (Mga Gawain ng Aking mga Kamay Noon at Ngayon)


Panimulang Gawain
1. Magpalaro ng Appear, Disappear, One-Half, One-Fourth sa mga mag-aaral.
Atasan ang mga mag-aaral na humanap ng kapareha at makipag-apir sa mga ito
sa saliw ng laro. Ang appear ay magagawa sa normal na pagdikit ng mga
palad, ang disappear naman ay sa likod ng mga palad, ang one-half ay sa
buong gilid ng mga kamay, at ang one-fourth ay sa nakatiklop na gilid ng mga
kamay.
2. Bigyan ng tatlong minuto ang bawat magkapareha upang magsanay sa kanilang
gawain. Matapos nito, tumawag ng unang dalawang pares na maglalaban.
Bigyan lamang ng iisang pagkakataon ang bawat pares na magawa nang
maayos ang sequence. Tatanggalin na kaagad ang pares na magkakamali.
Gawin ang elimination process sa lahat ng pares, hanggang may matira na
isang magwawagi.

Panlinang na Gawain
1. Matapos paupuin ang mga mag-aaral, itanong sa kanila, “Ano ang inyong
napansin sa mga kamay ninyo habang kayo ay naglalaro?”
2. Sa inyong palagay, kaya ba ninyong gawin ang larong ito kung kayo ay
sanggol ngayon? Nagawa ba ninyo ito noong sanggol kayo?
3. Isulat ang pamagat ng paksa sa blackboard at ipabasa ito sa mga mag-aaral.
Ipabuklat sa mga pahina 31 at 32 ang aklat at basahin ang mga pangungusap.
Basahin muli ang teksto nang kasabay ang mga mag-aaral. Matapos nito,
ipatukoy sa kanila ang mga larawang nasa aklat, at itanong kung naranasan din
nila ang mga pagbabagong ito sa kanilang paglaki.

14
Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Sagutin sa pahina 32 ng aklat. Talakayin ang
sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang paglalahat, ipamahagi sa mga mag-aaral ang mga piraso ng bond paper.
Ihanda ang mga poster paint at ang mga tray. Ipasulat sa mga mag-aaral ang
kanilang pangalan sa bond paper. Ipasulat sa ibaba nito ang “Ang Aking mga
Kamay Ngayon” bilang pamagat ng gawain.
3. Ibuhos sa isang tray ang kulay pink na poster paint, at sa isa naman ang kulay
asul. Ilagay ang mga tray sa harapan ng silid at papilahin sa harap ng mga tray
ang mga mag-aaral ayon sa kanilang kasarian, habang dala ang kanilang mga
bond paper (pink para sa mga babae, asul para sa mga lalaki). Gabayan ang
mga mag-aaral sa paglapat ng kanilang mga kamay sa tray at sa paglapat nito
sa kanilang mga bond paper.
4. Matapos matulungan ang lahat ng mag-aaral sa paglapat, tulungan at gabayan
sila sa paghugas ng kanilang mga kamay.
5. Isabit sa inihandang tali, gamit ang mga sipit, ang mga ginawa ng mga mag-
aaral. Ipauwi sa kanila ang mga ginawa nila kapag tuyo na ang mga ito. Atasan
silang papirmahan sa kanilang magulang o tagapagbantay ang kanilang ginawa.

Ikatlong Araw (Mga Gawain ng Aking mga Paa Noon at Ngayon)


Panimulang Gawain
1. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Papilahin sa magkabilang dulo ng silid-
aralan ang dalawang pangkat. Pagkatapos, palakarin sila nang magkasalubong,
at paikutin sa buong silid-aralan. Habang lumalakad sila, sabihing
magpapatugtog ka ng awitin. Kapag narinig nila ito, sila ay hihinto sa paglakad
at sasayaw sa puwesto. Gawin ito nang makatatlong ulit.
2. Isagawa ang aktibidad sa pamamagitan ng pagpapatugtog ng “Tatlong Bibe.”
Matiyagang obserbahan ang mga makasusunod sa panuto. Matapos ang
makalawa o makatlong sequence, maaari nang paupuin ang mga mag-aaral.

Panlinang na Gawain
1. Isulat ang pamagat ng paksa sa blackboard. Ipabuklat sa mga mag-aaral ang
mga pahina 32 at 33 ng aklat. Basahin ang teksto ng paksa. Basahin muli ang
mga teksto ng paksa, ngunit sa pagkakataong ito, pasabayin na ang mga mag-
aaral.
2. Pabigyang-pansin ang mga larawan kaugnay ng binasang teksto at itanong,
“Ano ang kayang gawin ng mga paa ng isang bata noon? Ano ang kayang
gawin ng mga paa ng isang bata ngayon?”

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 33 ng aklat. Talakayin ang sagot ng ilang mag-
aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang paglalahat, patugtugin muli ang “Tatlong Bibe” at hikayatin ang mga
mag-aaral na sumayaw sa saliw ng musika nito.

Ikaapat na Araw (Mga Gawain ng Aking Bibig Noon at Ngayon)


Panimulang Gawain
1. I-play ang video ng “Noche Buena” nang dalawang beses. Sa ikalawang pag-
play nito ay anyayahan ang mga mag-aaral na umawit kasabay nito.

15
2. Matapos ang pag-awit, itanong sa mga mag-aaral kung ano sa mga pagkaing
binanggit sa awit ang kanilang paboritong kainin.
3. Matapos masagot ang katanungan, isulat sa blackboard ang pamagat ng paksa.

Panlinang na Gawain
1. Ipabuklat sa pahina 34 ang aklat at basahin ang mga talata ng paksa at
ipaliwanag ito sa klase.
2. Hikayatin ang mga mag-aaral na bigyang-pansin ang mga larawan kaugnay ng
binasang teksto at hayaan silang sagutin ang tanong: “Ano ang kayang gawin
ng bibig ng isang bata noon? Ano ang kayang gawin ng bibig ng isang bata
ngayon?”

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 34 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasagutan sa Susi sa Pagwawasto.
Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Hikayatin ang mga mag-aaral na bigkasin ang salitang “Opo” kung kaya nilang
gawin at “Hindi po” kung hindi naman nila kayang gawin ang sumusunod:
a. Pakikipag-usap sa kapuwa bata
b. Pag-awit
c. Pagsasabi ng “Salamat po”
3. Itanong sa mga mag-aaral kung mayroon sa kanila ang may kakayahang umawit.
Kung mayroong magboluntaryo, tumawag ng dalawa upang umawit ng kanilang
gustong awitin.

Ikalimang Araw (Mga Gawain ng Aking mga Mata Noon at Ngayon)


Panimulang Gawain
1. I-play ang video ng “Kislap, Kislap Munting Bituin.” Sa ikalawang pag-play
nito ay pasabayin ang mga mag-aaral sa pag-awit.
2. Matapos ang pag-awit, itanong sa kanila: “Paano natin nalalaman na mayroong
bituin sa langit?”
3. Isulat sa blackboard ang pamagat ng paksa.

Panlinang na Gawain
1. Ipabuklat sa pahina 35 ang aklat at basahin ang talata ng paksa. Sabayan ang
mga mag-aaral sa ikalawang pagbasa.
2. Pabigyang-pansin ang mga larawan kaugnay ng binasang teksto at itanong,
“Ano ang kayang gawin ng mata ng isang bata noon? Ano ang kayang gawin
ng mata ng isang bata ngayon?”

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Sagutin sa pahina 35 ng aklat. Talakayin ang
sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Subukin sa pahina 36 at Suriin sa mga pahina
37 at 38 ng aklat. Ipaliwanag nang maayos ang mga panuto sa bawat gawain
bago ipasagot ang mga ito.
3. Para sa Sanayin sa pahina 38, gabayan ang mga mag-aaral sa pagbabahagi ng
kanilang naranasang pagbabago sa napiling bahagi ng kanilang katawan.

16
SUSI SA PAGWAWASTO
Tuklasin
Ang lahat ng nilagyan ng tsek ay kayang gawin nang mag-isa ng mag-aaral.

Sagutin
Ang lahat ng kinulayang biluhaba ay kayang gawin nang mag-isa ng mag-aaral.

Sagutin
Ang lahat ng kahon na sinulatan ng Kaya Ko ay nang gawin ng mag-aaral.

Sagutin
paglalakad, pagtalon

Sagutin
Binakat larawan ng labi at ang salitang magsalita.

Sagutin
tumitingin, nanonood, nagbabasa

Subukin
batang kalong ng Ina – 1
batang hawak sa kamay ng Tatay – 2
batang naglalaro – 3
batang gumuguhit – 4
batang nagbabasa – 5

Suriin
1. a
2. b
3. b
4. b
5. b

Aralin 5
Mga Kailangan Ko
Mga Pahina sa Aklat: 39–49
Mungkahing Bilang ng Araw: 2

MGA LAYUNIN NG ARALIN AT KATUMBAS NA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO


BATAY SA K TO 12 KURIKULUM
Mga Layunin Pamantayan sa Pagkakatuto Batay sa K
to 12 Kurikulum
• Natutukoy ang pangangailangang • AP1NAT-Ib-4
pansarili at ng iba pang mga bata

17
• Naipaliliwanag ang kahalagahan sa
bata ng mga pangangailangan
• Naiisa-isa ang mga kailangan ng
isang bata
• Naiguguhit ang pansariling
pangangailangan

MALAKING IDEYA
Ang bawat bata ay may mga pangangailangan na dapat matugunan.

MAHALAGANG TANONG
Paano natutugunan ang aking mga pangangailangan?

TEKNOLOHIYA AT MGA SANGGUNIAN


• “Bawat Bata,” Walang Iwanan Official Soundtrack
https://www.youtube.com/watch?v=RL31hI0ykv0
• video ng “Pagkain ng Gulay” ni Eden Obenza Canillo,
https://www.youtube.com/watch?v=4LRUfUOkFmo

MGA KAGAMITAN
• larawan ng mga sumusunod: mga batang naglalaro, umaawit, nagsasayaw,
nagbabasa, at nag-aaral sa loob ng silid-aralan; mga malusog na batang babae at
lalaki
• audio-video player

PAMAMARAAN
Unang Araw (Mga Pangunahing Kailangan Ko)
Panimulang Gawain
1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Tuklasin sa pahina 39 ng aklat bilang pre-
assessment activity.
2. I-play ang video ng “Bawat Bata” at pasabayin ang mga mag-aaral sa pag-awit.
3. Isulat sa blackboard ang pamagat ng paksa at magbigay ng maikling
introduksiyon ukol dito.

Panlinang na Gawain
1. Basahin ang panimulang talata ng paksa sa pahina 40 ng aklat at ipaliwanag ito.
2. Pangkatin ang klase sa tatlo. Ipabasa sa unang pangkat ang teksto ng “Pagkain
at Tubig” sa pahina 40 ng aklat, sa ikalawang pangkat ang teksto ng
“Kasuotan” sa pahina 40 at 41, at sa ikatlong pangkat ang teksto ng “Tirahan”
sa pahina 41. Pagkatapos ng pagbabasa ng bawat pangkat, magbigay ng
maikling paliwanag ukol sa mga teksto.
3. Ipatukoy sa mga mag-aaral ang mga larawan. Itanong sa kanila kung sa
paanong paraan naihanay ito sa kanilang mga pangangailangan.

18
Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Sagutin sa pahina 42 ng aklat. Talakayin ang
sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin. Gabayang ang ilang mag-
aaral na nahihirapang sagutin ang maze.
2. Bilang paglalahat, ipaisa-isa sa mga mag-aaral ang mga kailangan nila para
mabuhay.
3. Ipasagot sa mga mag-aaral ang worksheet. Hikayatin ang mga mag-aaral na
ibahagi sa klase ang resulta ng kanilang ginawa.

Worksheet ng Pagkain at Tubig


Pangalan: _____________________________________

Kailangan ko ang masustansiyang Kailangan ko ang malinis na tubig


pagkain upang... upang...
_______________________
_______________________ ______________________
_______________________ ______________________
______________________
(Larawan ko na kumakain ng (Larawan ko na umiinom ng
masustansiyang pagkain) masustansiyang inumin)

4. Bilang takdang-aralin ay ipagawa sa mga mag-aaral ang Sanayin sa pahina 49


ng aklat.

Ikalawang Araw (Iba Pang Kailangan Ko)


Panimulang Gawain
1. Pumili ng mga mag-aaral na magbabahagi sa klase ng kanilang ginawang
takdang-aralin sa Sanayin sa pahina 49 ng aklat. Gamitin ang rubric na nasa
huling mga pahina ng Gabay sa Pagtuturo ng Guro upang markahan ang resulta
ng ginawa ng mga mag-aaral.
2. Ipanood ang video ng ”Pagkain ng Gulay” at itanong kung paano makatutulong
ang pagkain ng gulay upang magkaron ng magandang kalusugan ang bawat
bata. Pagkatapos ay isulat ang pamagat ng paksa at magbigay ng maikling
introduksiyon ukol dito.

Panlinang na Gawain
1. Basahin ang panimulang talata ng paksa na nasa pahina 42 ng aklat at
ipaliwanag ito.
2. Pangkatin ang klase sa apat at ipabasa sa unang pangkat ang teksto ng
“Mabuting Kalusugan” sa pahina 43 ng aklat, sa ikalawang pangkat ang teksto
ng “Edukasyon” sa pahina 43, sa ikatlong pangkat ang teksto ng “Libangan” sa
pahina 44, at sa ikaapat na pangkat ang teksto ng “Pagmamahal” na nasa
pahina 44. Sabayan ang bawat pangkat sa kanilang pagbabasa at pagkatapos ay
ipapaliwanag ang tekstong binasa nila.

19
Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 45 ng aklat. Talakayin ang sagot ng ilang mag-
aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Subukin sa mga pahina 46 at 47 at Suriin sa
mga pahina 47 at 48.
3. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Alamin sa pahina 39 at pasagutan ito sa kanila.
Bigyang-pansin ang bahagi ng sagot ng mga mag-aaral na dapat palawigin at
iwasto.

SUSI SA PAGWAWASTO
Tuklasin
May tsek ang larawan ng prutas, damit, pitsel na may tubig, at baso.

Sagutin

Sagutin
May kulay ang sumusunod na mga larawan:
unang larawan, kanan, itaas
una at ikalawang larawan sa ibaba

Subukin
May kulay ang hugis
1. bituin
2. puso
3. bituin
4. bituin
5. puso

Suriin
1. a 4. b
2. b 5. b
3. a

20
Aralin 6
Mga Bagay na Gusto Ko
Mga Pahina sa Aklat: 50–58
Mungkahing Bilang ng mga Araw: 3

MGA LAYUNIN NG ARALIN AT KATUMBAS NA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO


BATAY SA K TO 12 KURIKULUM
Mga Layunin Pamantayan sa Pagkakatuto Batay sa K to
12 Kurikulum
• Natutukoy ang mga gustong • AP1NAT-Ic-5
pagkain, laruan, kulay, damit, lugar,
at iba pa
• Naipagtatanggol ang dahilan ng
pagkagusto sa mga bagay
• Nakapagpapakita ng halimbawa ng
mga bagay na gusto
• Naisasaad ang kahalagahan ng mga
bagay na gusto

MALAKING IDEYA
Ang mga bagay na gusto ng bata ay mahalaga sa paglaki nila.

MAHALAGANG TANONG
Bakit mahalaga sa akin ang mga bagay na gusto ko?

TEKNOLOHIYA AT MGA SANGGUNIAN


• ”Halina't Makinig Tayo ng Kuwento - Haluhalo Espesyal,” Jay Menes,
https://www.youtube.com/watch?v=WoyrSSmXWfU
• ”Clothing Chant for Kids - My Clothes With Sentences - ELF Kids Videos”
https://www.youtube.com/watch?v=taoCF1cKZSY
• ”Piliin mo ang Pilipinas,” https://www.youtube.com/watch?v=gqoAwa19ELA

MGA KAGAMITAN
• larawan ng mga sumusunod: iba’t ibang pagkain, laruang robot, laruang kotse,
laruang bola, manyika, stuffed toy, luto-lutuan, at iba’t ibang uri ng damit
• mga pangkulay (crayons)
• larawan ng iba’t ibang uri ng damit
• audio-video player
• kartulina ng graphic organizer
• mga bond paper

21
PAMAMARAAN
Unang Araw (Mga Paborito Kong Pagkain)
Panimulang Gawain
1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Tuklasin sa pahina 50 bilang pre-assessment
activity. Umikot sa klase para gabayan ang mga mag-aaral na nangangailangan
ng tulong sa pagsulat.
2. Ipabuklat sa mga mag-aaral ang kanilang aklat sa pahina 50 at ipabasa ang
pamagat ng paksa. Pagkatapos, ipanood/iparinig ang maikling kuwento na
“Haluhalo Espesyal.”
3. Pagkatapos, ipasagot ang tanong, “Anong mga paboritong pagkain ng bata ang
binanggit sa kuwento?”

Panlinang na Gawain
1. Ipatukoy sa mga mag-aaral ang mga larawan sa pahina 51 ng aklat. Basahin ang
teksto ng paksa at ipaliwanag ito sa mga mag-aaral.
2. Itanong sa ilang mga mag-aaral ang kanilang paboritong pagkain. Pagkatapos
ay isulat ang pangalan ng mga mag-aaral katabi nito. Ilagay sa itaas ng mga
pangalan ang pahayag na “Paboritong Pagkain ni ______.”

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Sagutin sa pahina 52 ng aklat. Talakayin ang
sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang paglalahat, ipaisa-isa sa mga bata ang mga gustong pagkain na tinalakay
sa paksa.
3. Isa-isang ipakita sa klase ang larawan ng mga pagkain. Atasan ang mga mag-
aaral na sagutin ang tanong sa pamamagitan ng pagsasabi ng ”Gusto ko po!”
kung gusto nila ang pagkain na ipinakita sa larawan o ”Hindi ko po gusto!”
kung hindi nila gusto ang nasa larawan.

Ikalawang Araw (Mga Paborito Kong Bagay)


Panimulang Gawain
1. Ipaskil ang graphic organizer ng mga paborito sa blackboard. Tumawag ng
mga boluntaryong mag-aaral upang punan ito.

Pagkain
_______

panoorin sa Ito ang Laruan


telebisyon mga
__________ paborito _______
___ _______
ko

Kasuotan
________
_______

22
2. Ipabuklat sa mga mag-aaral ang pahina 52 ng aklat at ipabasa sa kanila ang
pamagat ng paksang tatalakayin. Magbigay ng maikling introduksiyon ukol sa paksa.

Panlinang na Gawain
1. Basahin kasabay ng mga mag-aaral ang “Mga Laruan.” Matapos nito, ipaskil ang
larawan ng mga laruan. Ilagay ang larawan ng mga laruang panlalaki sa kaliwa
at ang sa mga babae sa kanan. Itanong sa mga mag-aaral kung kanila rin bang
nagugustuhan ang mga ito.
2. Sa pagkakataong may sumagot ng nagugustuhan nila ang hindi nakahanay sa
kanilang kasarian, itanong sa kanila kung bakit nila ito nagustuhan at hikayatin
ang ibang mag-aaral na respetuhin ang napili ng kanilang mga kamag-aaral.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Sagutin sa pahina 54 ng aklat. Talakayin ang
sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang paglalahat, mamahagi ng mga bond paper sa mga mag-aaral. Papiliin
sila kung ano sa mga pangkulay ang kanilang paborito at gustong gamitin.
Matapos makapili, atasan silang iguhit ang kanilang paboritong laruan. Bigyan
sila ng 5 hanggang 7 minuto upang isagawa ito. Pagkatapos, maglaan ng
dalawang minuto upang maibahagi nila sa klase kung bakit nila ito gusto.
3. Bilang takdang-aralin, magpadala sa mga mag-aaral ng larawan ng kanilang
paboritong lugar sa Pilipinas.

Ikatlong Araw (Mga Paborito Kong Lugar)


Panimulang Gawain
1. Ipapanood sa mga mag-aaral ang video ng “Piliin Mo Ang Pilipinas.”
Pagkatapos, ipatukoy ang mga lugar na ipinakita sa video na kanilang
nagustuhan. Atasan silang magbahagi kung bakit nila nagustuhan dito. Mainam
na bigyang-pangalan ang mga lugar na nasa video.
2. Isulat sa blackboard ang pamagat ng paksa at magbigay ng introduksiyon ukol
dito.

Panlinang na Gawain
1. Ipabuklat ang aklat sa pahina 54. Pagkatapos ay hikayatin ang mga mag-aaral
na bigyan ng deskripsyon ang mga larawang kaugnay ng paksa.
2. Itanong sa mga mag-aaral kung aling pook sa larawan ang napuntahan na nila
at ipabahagi ang kanilang karanasan ukol dito. Itanong rin kung aling pook sa
larawan ang gusto nilang mapuntahan at bakit.
3. Magbahagi rin ng sariling paboritong lugar na napuntahan sa Pilipinas o ang
iyong nais puntahan. Mainam na mayroong larawang kasama ang iyong
pagbabahagi.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Sagutin sa pahina 55 ng aklat. Talakayin ang
sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin. Bigyang-tulong ang mga
mag-aaral na nahihirapan sa pagdidikit ng kani-kanilang larawan.
2. Ipagawa ang Subukin at Suriin sa mga pahina 56 at 57.
3. Para sa Sanayin sa pahina 58, bigyang-gabay ang mga mag-aaral upang
maisagawa at matapos ang mini-album. Gamitin ang rubric na nasa huling mga

23
pahina ng Gabay sa Pagtuturo ng Guro upang markahan ang resulta ng ginawa
ng mga mag-aaral.
4. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Alamin sa pahina 50 at pasagutan ito sa kanila.
Bigyang-pansin ang bahagi ng sagot ng mga mag-aaral na dapat palawigin at
iwasto.

SUSI SA PAGWAWASTO
Tuklasin
Ituring na wasto ang isinulat ng bawat mag-aaral sa thought balloon.

Sagutin
Ituring na wasto ang bawat larawan ng pagkain na binilugan ng mag-aaral.

Sagutin
Ituring na wasto ang bawat bagay na ikinahon ng mag-aaral.

Sagutin
Ituring na wasto ang larawan ng lugar na idinikit ng mag-aaral sa postcard.

Subukin
Ituring na wasto ang sagot ng mag-aaral.

Suriin
1. a 4. b
2. b 5. a
3. b

Aralin 7
Ang mga Pangarap Ko
Mga Pahina sa Aklat: 59–68
Mungkahing Bilang ng mga Araw: 4

MGA LAYUNIN NG ARALIN AT KATUMBAS NA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO


BATAY SA K TO 12 KURIKULUM
Mga Layunin Pamantayan sa Pagkakatuto batay sa K to
12 Kurikulum
• Naisasaad ang pangarap sa sarili, • AP1NAT-Ib-4
pamilya, at bansa • AP1NAT-Ih-12
• Nakabubuo ng mga hakbang ng • AP1NAT-Ih-12.1
pagtupad sa pangarap • AP1NAT-Ih-12.2
• Naibabahagi sa kapuwa mag-aaral • AP1NAT-Ii-13
ang mga pangarap sa buhay • AP1NAT-Ij-14
• Nabibigyang-katuwiran ang
kahalagahan ng sariling pangarap

24
MALAKING IDEYA
Ang bawat pangarap ng bata ay bahagi ng pagkatao at yugto ng kaniyang paglaki.

MAHALAGANG TANONG
Bakit mahalaga ang mga pangarap ko?

TEKNOLOHIYA AT MGA SANGGUNIAN


• audio-video ng “Mangarap Ka” ng After Image,
https://www.youtube.com/watch?v=8ycQqyHB8sg

MGA KAGAMITAN
• sipi ng ”Pagtupad sa Pangarap” Worksheet
• heart worksheet
• larawan ng mga sumusunod: mga pamilyang nagugutom, mga taong nag-je-
jaywalking, mga batang palaboy, at mga taong nawalan ng tahanan dahil sa baha
• audio-video player

PAMAMARAAN
Unang Araw (Mga Pangarap Ko Para sa Aking Sarili)
Panimulang Gawain
Ipasagot sa mga mag-aaral ang Tuklasin sa pahina 59 bilang pre-assessment
activity. Magkaroon ng maikling talakayan ukol dito. Ipatukoy sa mga mag-aaral ang
mga larawan sa pahina. Itanong sa kanila kung kilala nila ang tatlo sa limang mga
larawan dito. Matapos maibigay ng mga mag-aaral ang mga pangalan ng mga ito, itanong
sa kanila kung bakit nila nais maging katulad ng mga nasa larawan.

Panlinang na Gawain
1. Basahin ang panimulang talata ng paksa sa pahina 60 at matapos basahin ito
kasabay ng mga mag-aaral ay ipaliwanag ito. Pabigyang-pansin ang mga
larawang kaugnay ng teksto.
2. Itanong sa mga mag-aaral kung kanila rin bang pinapangarap maabot ang mga
nasa larawan. Atasan silang magbahagi ng kanilang mga paraan o istratehiya
upang maabot ang mga pangarap na ito.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Sagutin sa pahina 61. Talakayin ang sagot ng
ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang paglalahat, ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod na worksheet.
Pagtupad sa Pangarap Worksheet
Pangalan:________________
_____________________________________
Paano ko matutupad ang 1.__________________________________
pangarap ko? 2.___________________________________

3. Bigyan ng tig-isang minuto ang bawat mag-aaral upang basahin ang kanilang
sagot sa worksheet.

25
4. Bilang takdang-aralin, atasan ang mga mag-aaral na magdala ng larawan ng
kanilang pamilya. Mainam na magdala rin ng larawan ng iyong sariling
pamilya.

Ikalawang Araw (Mga Pangarap Ko Para sa Aking Pamilya)


Panimulang Gawain
1. Ipalabas sa mga mag-aaral ang larawan ng kanilang pamilya. Itanong sa kanila
kung mahal ba nila ang mga nasa larawan at kung ano ang mga pangarap nila
para sa kanilang pamilya. Bigyan ng tig-isang minuto ang mga mag-aaral upang
magbahagi ng kanilang sagot o saloobin.
2. Pagkatapos, pabuksan sa mga mag-aaral ang pahina 61 ng aklat at ipabasa ang
pamagat ng paksang tatalakayin. Magbigay ng maikling introduksiyon ukol
dito.

Panlinang na Gawain
1. Basahin ang teksto sa pahina 61. Basahin ito nang isa pang beses, ngunit
pasabayin na ang mga mag-aaral sa pangalawang bagbasa. Magbigay ng
maikling pagpapaliwanag ukol sa mga teksto.
2. Pabigyang-pansin sa mga mag-aaral ang mga larawang kaugnay ng teksto at
ipatukoy sa kanila kung ang mga ito ay bahagi rin ng kanilang pangarap para sa
kanilang pamilya.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Sagutin sa pahina 62 ng aklat. Talakayin ang
sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang paglalahat, ipamahagi sa mga mag-aaral ang heart worksheet at atasan
silang sagutan at kulayan ito.

Ako po si
____________________________
(Pangalan at Apelyido)

Ang pangarap ko sa aking


pamilya ay
______________________________
______________________________
______________________________

3. Ipabahagi sa mga mag-aaral ang kanilang isinulat sa worksheet. Bigyan sila ng


tig-isang minuto para dito.
4. Ipauwi sa mga mag-aaral ang worksheet at ipabigay ito sa kanilang magulang.
Atasan silang papirmahan sa kanilang mga magulang ang mga puso.

26
Ikatlong Araw (Mga Pangarap Ko Para sa Aking Bansa)
Panimulang Gawain
1. Ipaskil sa blackboard ang mga larawan ng mga pamilyang nagugutom, mga
taong nag-je-jaywalking, mga batang palaboy, at mga taong nawalan ng tahanan
dahil sa baha.
2. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang kanilang nararamdaman patungkol sa
mga larawang nakapaskil. Matapos makakuha ng ilang pahayag, isulat sa
blackboard ang pamagat ng paksa.

Panlinang na Gawain
1. Basahin nang mag-isa ang teksto sa pahina 63. Pagkatapos, basahin itong muli
ngunit sa ikalawang pagbasa, pasabayin ang mga mag-aaral.
2. Ipatukoy ang mga larawan sa mga mag-aaral. Itanong sa kanila kung
napapansin ba nilang naisasagawa o naisasakatuparan ang mga nasa larawan sa
ating bansa. Magkaroon ng maikling talakayan ukol dito.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Sagutin sa pahina 64 ng aklat. Umikot sa klase at
gabayan ang mga mag-aaral na nahihirapang magkulay. Talakayin ang sagot ng
ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang paglalahat, itanong sa mga mag-aaral kung ano ang kanilang magagawa
upang mabago ang mga nasa larawang ipinaskil sa blackboard. Papiliin lamang
sila ng iisang larawan na kanilang bibigyan ng solusyon.
3. Ibigay na takdang-aralin sa mga mag-aaral ang pagsasagawa ng Sanayin sa
pahina 68.

Ikaapat na Araw (Ang Kahalagahan ng mga Pangarap Ko)


Panimulang Gawain
1. Atasan ang mga mag-aaral na ibahagi sa klase ang kanilang ginawang takdang-
aralin sa Sanayin.
2. Isulat sa blackboard ang tanong: Ano ang gusto mong gawain/trabaho paglaki
mo? Ipabasa sa mga mag-aaral ang tanong at ipasagot ito.
3. Matapos nito, ipaskil sa pisara ang pamagat ng paksa at magbigay ng maikling
introduksiyon ukol dito.

Panlinang na Gawain
1. Basahin ang teksto ng paksa sa mga pahina 64 at 65. Ipaliwanag ito sa mga mag-
aaral. Basahin muli ang teksto na kasabay sila.
2. Pabigyang-pansin ang mga larawang kaugnay ng teksto at ipatukoy sa mga
mag-aaral ang kahalagahan ng pangarap sa buhay ng bata na ipinapakita sa
larawan. Itanong sa kanila kung mayroon silang mga paraan o istratehiya upang
maabot ang mga pangarap na ito.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Sagutin sa pahina 65 ng aklat. Talakayin ang
sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Subukin sa mga pahina 66 at 67 at ang Suriin sa
mga pahina 67 at 68. Ipaliwanag nang maayos ang mga panuto sa bawat
gawain bago ipasagot ang mga ito.

27
3. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Alamin sa pahina 59 at pasagutan ito sa kanila.
Bigyang-pansin ang bahagi ng sagot ng mga mag-aaral na dapat palawigin at
iwasto.

SUSI SA PAGWAWASTO
Tuklasin
Ituring na wasto ang kinulayang hugis-puso ng anumang larawan.

Sagutin
May kahon ang ikalawa at ikatlong larawan.

Sagutin
May tsek ang larawan ng “pangarap ko kay Nanay” at “pangarap ko sa mga
kapatid ko.”

Sagutin
May kulay ang smileys ng larawan ng mga batang naglalaro at mga taong
nagpapagamot.

Sagutin
Ituring na wasto ang anumang mga salita na isusulat ng mga mag-aaral.

Subukin
1. pamilya 4. pamilya o sarili
2. bansa 5. sarili o bansa
3. sarili

Suriin
1. b 4. b
2. a 5. a
3. a

28
PAMAMARAAN SA PAGTATAPOS NG YUNIT

MGA LAYUNIN
• Makapaglahad ng paglalahat ukol sa kabuuan ng yunit
• Makapagsagawa ng pagtatanghal kaugnay ng yunit

MALAKING IDEYA SA PAGSUSULIT


Ang gawaing nasimulan ay dapat na tapusin upang malinang ang pansariling
kasanayan

MAHALAGANG TANONG
Paano dapat paghandaan ng bawat mag-aaral ang anumang gawaing kanilang
isasagawa?

NAKALAANG PANAHON: Dalawang araw

MGA KAGAMITAN
papel, lapis at pambura, at papel ng mga katanungan

PAMAMARAAN
Unang Araw
Panimulang Gawain
1. Hatiin ang klase sa apat na pangkat at ilahad ang panuto ng laro na isasagawa ng
mga mag-aaral.
Panuto
• Sabihin ang sitwasyon at hayaan na pag-uusapan ng bawat pangkat kung
paano nila ito maipakikita sa klase.
• Mga sitwasyon:
• Nagkalat ang mga kagamitan sa paglilinis ng silid-aralan.
• Ipinahahanda ng inyong guro ang inyong mga gagamitin sa oras ng recess.
• May bisitang dumating sa inyong klase at nasa labas sila ng inyong silid-
aralan.
• Inuhudyat ng inyong guro na tapos na ang klase at oras na ng uwian ng
mga mag-aaral.
• Ipakikita ng bawat pangkat ang kanilang inihandang gawain kapag narinig
na nilang sinabi ng guro ang salitang ”Magsimula.”
2. Ang pangkat na makapagpakita ng maayos na gawain ang ituturing na
nagwagi.

Panlinang na Gawain
Isulat sa blackboard ang “Mahalagang Ideya ng Yunit.” Sabayan ang mga mag-aaral
sa pagbasa nito at pagkatapos ay ipaliwanag ito sa kanila.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipamahagi sa mga mag-aral ang unang bahagi ng pagsusulit. Sabayan ang mga
mag-aaral sa pagbasa ng panuto at pagkatapos ay ipaliwanag ito. Pasimulan sa
mga mag-aaral ang pagsagot sa pagsusulit habang ginagabayan sila. Pagkatapos,
kolektahin ang pagsusulit at sagutang papel ng mga mag-aaral.

29
2. Ipamahagi ang kasunod na bahagi ng pagsusulit at isagawa ang kaugnay nitong
mga hakbang hanggang sa matapos.
3. Ipamahagi ang smileys sa mga mag-aaral na nakatapos sa buong pagsusulit.

IKALAWANG ARAW
Panimulang Gawain
Ipaskil sa blackboard ang Performance Task Blueprint. Ipahanda rin sa mga mag-
aaral ang mga kagamitang kailangan nila sa pagsasagawa nito.

Panlinang na Gawain
1. Sabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng nilalaman ng Performance Task
Blueprint at ipaliwanag ito. Itanong sa mga mag-aaral kung alin sa mga bahagi
ng Performance Task Blue Print ang hindi malinaw sa kanila. Ipaliwanag ito.
2. Sabihin sa bawat pangkat ang inaasahang gawain na dapat nilang ipakita sa
klase. Gabayan ang bawat pangkat sa kanilang paghahanda.

Paglalahat at Pagtataya
1. Anyayahan ang pangkat na isagawa ang Performance Task. Gamitin ang rubric
na nasa huling mga pahina ng Gabay sa Pagtuturo ng Guro upang markahan ang
resulta ng ginawa ng mga mag-aaral.
2. Bigyan ng simbolo ng star o smileys ang miyembro ng bawat pangkat na
nagsagawa ng kanilang gawain.

PAGSUSULIT SA YUNIT 1
I. Bilugan ( ) ang letra ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa dahilan kung bakit natatangi ang bawat bata?
a. kakayahan
b. pagkakakilanlan
c. pangarap
2. Ano ang tawag sa kayang gawin ng bata?
a. kakayahan
b. pagkakakilanlan
c. pangarap
3. Ano ang tawag sa bagay o hangarin na gustong makuha sa darating na panahon?
a. kakayahan
b. pagkakakilanlan
c. pangarap
4. Ano ang parehong nagagawa ng bata noon at ngayon sa tulong ng kaniyang
kamay?
a. maghawak ng bagay
b. maglaba ng damit
c. magsulat sa papel
5. Ano ang parehong nagagawa ng bata noon at ngayon sa tulong ng kaniyang paa?
a. gumalaw
b. lumukso
c. tumalon
6. Ano ang parehong nagagawa ng bata noon at ngayon sa tulong ng kaniyang
mata?
a. kumurap b. manood c. tumingin

30
7. Ano ang parehong nagagawa ng bata noon at ngayon sa tulong ng kaniyang
bibig?
a. kumain
b. magsalita
c. uminom
8. Ano ang paboritong kasuotan ng batang lalaki?
a. blusa
b. palda
c. pantalon
9. Ano ang pangunahing kailangan ng bata upang matuto?
a. edukasyon
b. gamot
c. libangan
10. Ano ang unang pangyayari sa buhay ng bata?
a. binyag
b. kapanganakan
c. pagsasalita

II. Kulayan ang (J) kung sang-ayon at (L) kung ikaw ay di-sang-ayon sa pahayag.

J L 1. Ang mga batang Pilipino ay kayumanggi ang balat at pango


ang ilong.

J L 2. Ang batang lumalaki ay maraming bagay na kayang gawin.

J L 3. Ang pangunahing kailangan ng bata ay sitsirya, magarang


laruan, at damit.

J L 4. Ang bata ang pumipili ng pangalan niya.

J L 5. Kapag ipinanganak ang bata ay lumalakad na ito.

J L 6. Gusto ng mga batang Pilipino ang masaya at ligtas na paligid.

J L 7. Ang batang may sariling pamilya ay nagkakaroon ng


pangarap.

J L 8. Kailangan ng maysakit na bata ang gamot at sapat na pahinga.

J L 9. Ang pag-aaral ay mahalaga sa bata.

J L 10. Naisusulat ng sanggol ang kaniyang pangalan.

III. Kulayan ang larawan na angkop sa pangungusap.


<Larawan ng pamilyang nag-aaway> Pangarap ng bata na ang kaniyang pamilya
<Larawan ng pamilyang ay nagmamahalan.
nagmamahalan>
<Larawan ng bata na may hawak na Kaya nang bata na humawak ng bagay.
notbuk>
<Larawan ng batang nasa swimming
pool at lumalangoy>
<Larawan ng timeline> Masusundan sa timeline ang paglaki ng bata.

31
<Larawan ng mapa ng classroom>
<Larawan ng batang singkit ang mata Singkit ang mata at matangos ang ilong ng
at matangos ang ilong> bata.
<Larawan ng batang bilugan ang mata
at matangos ang ilong>
<Larawan ng batang nasa harap ng Kumakain ng prutas at karne ang bata.
mesa na may gulay, prutas, karne>
<Larawan ng batang kumakain ng
sitsirya>
<Larawan ng masustansiyang Gusto ng bata ang mga laruan.
pagkain>
<Larawan ng mga laruan>
<Larawan ng batang nakikipag-usap sa Nakikipag-usap ang bata sa kaniyang
isa pang bata> kapuwa bata.
<Larawan ng sanggol na nasa crib at
anyong kinakausap ng nanay.>
<Larawan ng mga batang nagtataas ng Masaya ang bata sa kaniyang kaarawan.
kamay para tawagin ng guro sa class
recitation>
<Larawan ng batang hinihipan ang
cake habang nasa anyong
kinakantahan siya ng mga sa paligid>
<Larawan ng batang naka- Ginawa ng bata ang kaniyang unang
running shoes at tumatakbo> paghakbang.
<Larawan ng beybi na nagpipilit
humakbang>
<Larawan ng bata na gulanit ang Ang bata ay may malinis na kasuotan at
suot na na damit at giray ang maayos na tahanan.
tahanan>
<Larawan ng batang maayos ang
suot at tahanan>

IV-A. Pag-aralan ang larawan at bilugan ang tamang sagot.

<Larawan ng batang lalaki na karga ng kaniyang nanay may call out ang nanay na
“Ang pangalan ng anak ko ay Angeli Buenavista Gaerlan.”>

1. Ano ang unang pangalan ng bata?


a. Angeli
b. Buenavista
c. Gaerlan
2. Ano ang gitnang pangalan ng bata?
a. Angeli
b. Buenavista
c. Gaerlan
3. Ano ang huling pangalan ng bata?
a. Angeli
b. Buenavista
c. Gaerlan

32
4. Ano ang kasarian ng bata?
a. lalaki
b. babae
c. di-tiyak
5. Ano ang kasarian ng taong may karga sa bata?
a. lalaki
b. babae
c. di-tiyak

IV-B. (6 – 10) Idugtong sa kahon ng timeline ang mga gamit ng bata sa kaniyang paglaki.

<Larawan <Larawan <Larawan ng <Larawan <Larawan ng


ng kiddie ng kuna (baby ng tsupon> notebook and
cradle)> ballpen>
bike> walker>

Timeline ng paglaki ng bata

SUSI SA PAGWAWASTO SA PAGSUSULIT NG YUNIT


I.
1. b 5. a 9. a
2. a 6. c 10. b
3. c 7. c
4. a 8. c

II.
1. L 5. L 9. J
2. J 6. J 10. J
3. L 7. L
4. L 8. J
III.
1. <Larawan ng pamilyang nagmamahalan>
2. <Larawan ng bata na may hawak na notbuk>
3. <Larawan ng timeline>
4. <Larawan ng batang singkit ang mata at matangos ang ilong>
5. <Larawan ng batang nasa harap ng mesa na may gulay, prutas, karne>
6. <Larawan ng mga laruan>
7. <Larawan ng batang nakikipag-usap sa isa pang bata>

33
8. <Larawan ng batang hinihipan ang cake habang nasa anyong kinakantahan siya
ng mga sa paligid>
9. <Larawan ng beybi na nagpipilit humakbang>
10. <Larawan ng batang maayos ang suot at tahanan>

IV-A.
1. a
2. b
3. c
4. a
5. b

IV-B.

<Larawan <Larawan <Larawan ng <Larawan <Larawan ng


ng kiddie ng kuna (baby ng tsupon> notebook and
cradle)> ballpen>
bike> walker>

Timeline ng paglaki ng bata

34
Yunit 2
Ang Pamilya Ko
KABUUANG PAGTANAW SA YUNIT
Ang mga paksa ng mga aralin sa yunit 2 ay tungkol sa pamilya. Higit na
binibigyang-pansin sa yunit na ito ang mga uri, pinagmulan, kasapi, pangangailangan,
okasyon at pagdiriwang, alituntunin, tradisyon, at ugnayan ng pamilya sa ibang pamilya.
Ang mga paksa sa bawat aralin ay magbibigay sa mga mag-aaral ng pangkalahatang
pananaw tungkol sa kahalagahan ng mga ito.
Sa kabuuan ng yunit 2 ay inaasahang malinang sa mga mag-aaral ang mahahalagang
kasanayan sa iba’t ibang domain upang higit pang mapahalagahan ang pamilyang
kanilang kinabibilangan, at ang mga paniniwala at tradisyon nito. Gayundin, ang pag-
aaral sa nilalaman ng yunit ay isang hakbang upang magkaroon ng malinaw na pagtingin
ang mga mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng pinagmulan ng lahi, at mga alituntunin at
tradisyong mayroon ang pamilya na magagamit nila sa kanilang buhay.

MGA INAASAHANG RESULTA


Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay nakapagpapamalas ng pag-unawa at pagpapahalaga sa sariling
pamilya at mga kasapi nito at bahaging ginagampanan ng bawat isa.

Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay buong pagmamalaking nakapagsasaad ng kuwento ng sariling
pamilya at bahaging ginagampanan ng bawat kasapi nito sa malikhaing pamamaraan.

Mga Pangkalahatang Layunin


Sa katapusan ng yunit, ang bawat bata ay inaasahang
• nauunawaan ang konsepto ng pamilya batay sa bumubuo nito (hal. two-parent
family, extended family);
• nakikilala ang family tree at ang gamit nito sa pag-aaral ng pinagmulang lahi ng
pamilya;
• nailalarawan ang pinagmulan ng lahi ng pamilya sa malikhaing pamamaraan;
• nailalarawan ang batayang pagpapahalaga sa sariling pamilya at nabibigyang
katuwiran ang pagtupad sa mga ito;
• nailalarawan ang bawat kasapi ng sariling pamilya sa pamamagitan ng likhang
sining;
• nailalarawan ang iba’t ibang papel na ginagampanan ng bawat kasapi ng
pamilya sa iba’t ibang pamamaraan;
• natutukoy ang kahalagahan ng bawat kasapi ng pamilya;
• nakabubuo ng kuwento tungkol sa pang-araw-araw na gawain ng buong
pamilya;
• nailalarawan ang batayang pagpapahalaga sa sariling pamilya at nabibigyang-
katuwiran ang pagtupad sa mga ito;
• nailalarawan ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng pamilya sa
pamamagitan ng timeline o family tree;
• naipahahayag sa malikhaing pamamaraan ang sariling kuwento ng pamilya;

35
• naihahambing ang kuwento ng sariling pamilya at kuwento ng pamilya ng mga
kamag-aral;
• naipagmamalaki ang kuwento ng sariling pamilya;
• naiisa-isa ang mga alituntunin ng pamilya;
• natatalakay ang mga batayan ng mga alituntunin ng pamilya;
• naihahambing ang alituntunin ng sariling pamilya sa alituntunin ng pamilya ng
mga kamag-aral;
• naihahambing ang mga pagpapahalaga ng sariling pamilya sa ibang pamilya;
• nakagagawa ng wastong pagkilos sa pagtugon sa mga alituntunin ng pamilya;
• nahihinuha na ang mga alituntunin ng pamilya ay tumutugon sa iba’t-ibang
sitwasyon ng pang-araw-araw na gawain ng pamilya;
• nailalarawan ang mga pagbabago sa nakagawiang gawain at mga pinapatuloy na
tradisyon ng pamilya;
• natutukoy ang mga halimbawa ng ugnayan ng sariling pamilya sa ibang
pamilya; at
• nakabubuo ng konklusyon tungkol sa mabuting pakikipag-ugnayan ng sariling
pamilya sa iba pang pamilya sa lipunang Pilipino.

PAMAMARAAN SA PAGSISIMULA NG YUNIT (Laang Panahon: 1 araw)


1. Sabihin sa mga mag-aaral na bumuo ng mga pangkat na may tig-tatatlong
miyembro.
2. Ipamahagi sa mga pangkat ang mga larawan. Atasan sila na lagyan ng
pangalan/katawagan ang taong makikita nila sa larawan. Ipasulat ang kanilang
mga sagot sa kanilang notebook.
3. Basahin ang teksto ng introduksiyon sa pahina 69 at ipaliwanag ito. Ipatukoy sa
mga mag-aaral kung sino-sino at ano-ano ang ginagawa ng mga tao sa larawan.
4. Hatiin ang klase sa mga pangkat at bigyan sila ng sipi ng Performance Task
Blueprint.
Performance Task Blueprint
Pangkat Blg. ______ Petsa ng Pagtatanghal _______
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay buong pagmamalaking nakapagsasaad sa malikhaing
pamamaraan ng kuwento ng sariling pamilya at bahaging ginagampanan ng bawat
kasapi nito.
Layunin:
Mapag-uusapan ang mga gawain ng bawat kasapi ng pamilya at maibabahagi ito
sa klase
Panuto sa Gawain:
1. Ang inyong pangkat ay mag-uusap ukol sa mga gawain ng kasapi ng inyong
pamilya upang matugunan ang mga pangangailangan nito.
2. Iguguhit ninyo sa malinis na papel ang inyong napag-usapang gawain.
3. Ipakikita ninyo sa klase ang inyong iginuhit at ipaliliwanag ito.
5. Ipaliwanag sa klase na ang bawat pangkat ay inaasahang maisasagawa ang
Performance Task sa pagtatapos ng pagtalakay sa mga aralin ng yunit 2.
6. Bilang paglalahat, ipaliwanag na ang mga pamantayan ang magiging batayan ng
pagmamarka sa gawaing isasakatuparan ng bawat pangkat. Maaaring magpakita
ng halimbawa nito upang magkaroon ang mga mag-aaral ng malinaw na ideya
ukol sa kanilang gagawin.

36
Aralin 1
Kilalanin ang Pamilya
Mga Pahina sa Aklat: 70–80
Mungkahing Bilang ng mga Araw: 2

MGA LAYUNIN NG ARALIN AT KATUMBAS NA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO BATAY SA


K TO 12 KURIKULUM
Mga Layunin Pamantayan sa Pagkakatuto Batay sa K
to 12 Kurikulum
• Natukoy ang kahulugan ng pamilya • AP1PAM-IIa-1
at ang iba’t ibang uri nito • AP1PAM-IIc-7
• Nakikilala ang family tree at ang • AP1PAM-IIc-8
gamit nito sa pag-aaral ng
pinagmulang lahi ng pamilya
• Nakagagawa ng sariling family tree
at maibabahagi ito sa klase
• Nasusuri ang larawan kaugnay ng
mga kaalaman ukol sa pamilya
• Nailalahad ang pinagmulang lahi
ng pamilya
• Napangangatuwiranan ang
pagbibigay ng pagpapahalaga sa
pamilya

MALAKING IDEYA
Ang pamilya ang humuhubog at gumagabay sa paglaki ng isang bata upang
makapamuhay nang may kaayusan.

MAHALAGANG TANONG
Bakit kailangan kong pahalagahan ang aking pamilya?

TEKNOLOHIYA AT MGA SANGGUNIAN


• “Daliri Pamilya Song” mula sa Awiting Pambata
TV, https://www.youtube.com/watch?v=X8IAoMckED0

MGA KAGAMITAN
• audio-video player
• mga bondpaper na may nakasulat na “Ama, Ina, Anak, Anak,” “Ina, Anak,
Anak” at iba pang halo-halong halimbawa ng mga uri ng pamilya
• family tree ng guro (hanggang sa mga lolo at lola) na nakalagay sa manila paper
• bond paper

37
PAMAMARAAN
Unang Araw (Mga Uri ng Pamilya)
Panimulang Gawain
1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Tuklasin sa mga pahina 70 at 71 bilang pre-
assessment activity.
2. Ipanood ang video ng ”Daliri Pamilya Song” at pasabayin ang mga mag-aaral sa
pag-awit nito. Pagkatapos, itanong sa kanila kung sino-sinong mga kasapi ng
pamilya ang binanggit sa awit.
3. Basahin ang panimulang teksto ng paksa sa pahina 71 ng aklat at ipaliwanag ito.
4. Ipabuklat sa mga mag-aral ang pahina 72 ng aklat. Sabayan sila sa pagbasa ng
pamagat ng paksa at pagkatapos ay ipaliwanag ang binasang teksto.

Panlinang na Gawain
1. Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Pabuksan sa mga mag-aaral ang mga pahina
72 at 73 ng aklat. Sabayan ang unang pangkat sa pagbasa ng teksto ng nuclear
family, ang ikalawang pangkat sa teksto ng two-parent family, ang ikatlong
pangkat sa teksto ng single-parent family, at ikaapat na pangkat sa teksto ng
extended family. Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang mga binasang teksto.
2. Pabigyang-pansin sa bawat pangkat ang larawan na kaugnay sa tekstong
kanilang binasa at ipatukoy ang mga miyembro sa bawat uri ng pamilya.
3. Sa bawat paghahalimbawa ng iba’t ibang uri ng pamilya ay tumawag ng mga
boluntaryo mula sa nagbasang pangkat na gaganap bilang mga miyembro ng
bawat uri.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Sagutin sa pahina 73 ng aklat at iwasto ang sagot
ng mga mag-aaral. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-
pansin.
2. Bilang bahagi ng paglalahat, pabalikin ang mga mag-aaral sa kani-kanilang mga
pangkat. Mag-uunahan ang mga pangkat sa panghuhula kung anong klase ng
pamilya ang tinutukoy sa bond paper na ipakikita.
Halimbawa:
AMA, ANAK, ANAK, ANAK,
ANAK

Ang tamang kasagutan ay single-parent family.


3. Maghahanda ng 10 halimbawa. Ang pangkat na may pinakamaraming tamang
sagot ang siyang magwawagi.
4. Bilang takdang-aralin, pagdalhin ang mga mag-aaral ng larawan ng mga
sumusunod:
a. tatay at nanay
b. mga kapatid (kung mayroon)
c. mga magulang ng tatay at mga magulang ng nanay

38
Ikalawang Araw (Ang Lahi na Pinagmulan ng Pamilya)
Panimulang Gawain
1. Ipakita sa mga mag-aaral ang ginawang sariling family tree. Ilarawan ang mga
kasapi ng iyong pamilya.
2. Pagkatapos, ipabuklat sa mga mag-aaral ang aklat sa mga pahina 74 at 75.
Basahin ang mga teksto dito.
3. Sa bawat pagtukoy ng mga mag-aaral sa mga halimbawang larawan, ituro sa
iyong sariling family tree ang katulad o katapat nito.

Panlinang na Gawain
1. Ipabuklat sa mga mag-aaral ang Sanayin sa pahina 80 ng aklat. Ipagawa sa
kanila ang kanilang family tree gamit ang mga larawan na ipinadala sa kanila.
Gabayan ang mga mag-aaral na nahihirapan sa pagdidikit at pagguhit ng
kanilang mga family tree. Maglaan ng 10 minuto upang matapos ng mga mag-
aaral ang family tree.
2. Maglaan muli ng tig-isang minuto para ipakita at ipaliwanag ng bawat mag-aaral
ang family tree.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 77 ng aklat. Talakayin ang sagot ng ilang mag-
aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Subukin sa mga pahina 78 at 79 at ang Suriin sa
mga pahina 79 at 80. Ipaliwanag nang maayos ang mga panuto sa bawat gawain
bago ipasagot ito.
3. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Alamin sa pahina 70 at pasagutan ito sa kanila.
Bigyang-pansin ang bahagi ng sagot ng mga mag-aaral na dapat palawigin at
iwasto.
4. Atasan ang mga mag-aaral na magdala ng kanilang family picture para sa
susunod na gawain.

SUSI SA PAGWAWASTO
Tuklasin
larawan ng nanay, tatay, at 2 anak – b
larawan ng tatay at 3 anak – d
larawan ng nanay, tatay, at isang anak - c
larawan ng nanay, tatay, mga anak, lolo, lola, tiyahin, at tiyuhin - a

Sagutin
1. extended
2. single-parent
3. two-parent

Sagutin
larawan nina Kuya Xander, Anna, at Ate Trina – a
larawan ni Nanay Emma at Tatay Karding – c
larawan nila Lola Marina at Lolo Aldo – b

Subukin
1. b 2. a

39
3. a 5. b
4. b

Suriin
1. b 4. a
2. b 5. a
3. b

Aralin 2
Pagtugon ng mga Kasapi sa mga Kailangan ng Pamilya
Mga Pahina sa Aklat: 81-89
Mungkahing Bilang ng mga Araw: 2

MGA LAYUNIN NG ARALIN AT KATUMBAS NA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO BATAY SA


K TO 12 KURIKULUM
Mga Layunin Pamantayan sa Pagkakatuto Batay sa K
to 12 Kurikulum
• Naipakikita sa malikhaing paraan • AP1PAM-IIa-2
ang paglalarawan sa mga kasapi ng • AP1PAM-IIa-3
pamilya • AP1PAM-IIa-4
• Nailalahad ang kahalagahan sa • AP1PAM-IIb-5
sarili ng bawat kasapi ng pamilya • AP1PAM-IIb-6
• Naiguguhit ang pagtugon ng bawat • AP1PAM-IIg-20
kasapi sa pangangailangan ng iba
pang kasapi ng pamilya
• Naipaliliwanag ang paraan ng
pagtugon ng mga kailangan ng
bawat kasapi ng pamilya
• Nasusuri ang larawan kaugnay ng
mga kaalaman ukol sa pagtugon ng
pamilya sa pangangailangan ng
kasapi nito
• Nakagagawa ng kalendaryo na
nagpapakita ng mga gawain ng
pamilya
• Naikukuwento ang gawain ng
pamilya sa pagtugon sa
pangangailangan ng mga kasapi
nito

MALAKING IDEYA
Natutugunan ng pamilya ang bawat pangangailangan ng isang bata sa pamamagitan
ng paghahanapbuhay ng mga mas nakatatandang kasapi nito (tatay o nanay) at pag-aalaga
ng ibang kasapi sa bata (kapatid, lolo, lola).

40
MAHALAGANG TANONG
Paano natutugunan ang mga kailangan ng bawat kasapi ng pamilya ko?

MGA KAGAMITAN
• anim na malaking cutouts ng mga kasapi ng pamilya na nakadikit sa patpat
(nanay at tatay, lolo at lola, tiyo at tiya, kuya at ate, bunso, mga pinsan)
• larawan ng mga sumusunod:
a. pagkain, inuming tubig, at damit
b. bill ng kuryente at tubig
c. kalan na may nakasalang na ulam at kanin
d. makalat na bahay
e. mga hugasing plato
f. mga laruang nasa estante ng tindahan
g. mga magulang na tumanda na at malungkot
• tig-isang bond paper para sa bawat mag-aaral
• mga lapis, gunting, at pangkulay

PAMAMARAAN
Unang Araw (Mga Tungkulin ng Bawat Kasapi ng Pamilya)
Panimulang Gawain
1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Tuklasin sa pahina 81 ng aklat bilang pre-
assessment activity.
2. Ilabas ang mga malalaking cutouts ng mga kasapi ng pamilya. Itanong sa mga
mag-aaral kung nakikilala nila ang mga ito. Matapos makapagbigay ng sagot
ang mga mag-aaral, ipabuklat ang aklat sa pahina 82.

Panlinang na Gawain
1. Hatiin ang mga mag-aaral sa anim na pangkat. Ipabasa sa bawat pangkat ang
mga sumusunod na talata:
a. unang pangkat – tungkulin ng ama at ina
b. ikalawang pangkat – tungkulin ng tiyo at tiya
c. ikatlong pangkat – tungkulin ng nakatatandang kasapi
d. ikaapat na pangkat – tungkulin ng mga anak
e. ikaimang pangkat – tungkulin ng mga bunso
f. ikaanim na pangkat – tungkulin ng mga pinsan
2. Sa bawat pagtatapos ng mga pangkat sa pagbabasa, itanong sa mga mag-aaral
kung nagagampanan ng mga kasapi ng kanilang pamilya ang mga nakasaad na
tungkulin. Itanong din kung nagagampanan nila ang kanilang tungkulin sa
pamilya.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Sagutin sa pahina 84. Talakayin ang sagot ng
ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang bahagi ng paglalahat, ihanda muli ang mga cutouts ng mga kasapi ng
pamilya. Ipamahagi ito sa mga pangkat ayon sa kanilang binasang mga
tungkulin.

41
3. Maghanda ng listahan ng mga tungkulin ng mga pamilya. Sabihin sa mga mag-
aaral na sa iyong pagbanggit ng mga tungkulin, ang nakaatas lamang dito na
mga kasapi ng pamilya ang maaaring magtaas ng kanilang mga cutout. Ang
maunang makapagtaas ng cutout na nababagay sa babanggiting tungkulin ay
bibigyan ng puntos. Ang makapagtaas ng maling cutout ay babawasan ng puntos
(magiging negative ang kanilang puntos kung mababawasan sila habang wala pa
silang puntos). Ang pangkat na may pinakamaraming puntos ang magwawagi.

Ikalawang Araw (Pagtugon sa mga Kailangan ng Pamilya)


Panimulang Gawain
1. Ipaskil sa blackboard ang mga inihandang larawan ng mga pangangailangan ng
pamilya. Gumuhit ng patlang sa tabi ng bawat larawan.
2. Tumawag ng mga boluntaryo upang isulat sa patlang ang kasapi ng pamilya na
may tungkuling ipagkaloob o tulungan ang mga nasa larawan. (Maaaring dalawa
ang kasagutan, depende sa larawan).
3. Pagkatapos mapunan ang lahat ng patlang, ipabuklat ang aklat sa pahina 84.

Panlinang na Gawain
1. Basahin kasabay ng klase ang teksto ng paksa sa mga pahina 84 hanggang 86 ng
aklat at ipaliwanag ito. Pabigyang-pansin sa mga mag-aaral ang larawan at
itanong ang ginagawa ng mga kasapi ng pamilya upang makamit ang mga bagay
na kanilang kailangan.
2. Balikan ang mga larawang nakapaskil sa blackboard. Itanong sa mga mag-aaral
kung tumutugma ang kanilang mga isinulat sa patlang sa mga nakasaad sa aklat.
3. Pagkatapos, tumawag ng ilang boluntaryo upang magbahagi ng pagtugon ng
kanilang pamilya sa iba’t ibang pangangailangan nito.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Sagutin sa pahina 86 ng aklat. Talakayin ang
sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Ipagawa ang Subukin sa pahina 87 at Suriin sa pahina 88. Talakayin ang mga
sagot na dapat bigyang-pansin.
3. Para sa Sanayin sa pahina 89 ng aklat, bigyang-gabay ang mga mag-aaral sa
paggawa nila ng mga kalendaryo. Ilahad sa mga mag-aaral ang rubric sa
pagmamarka ng kanilang gawain at ipaliwanag ito.
4. Balikan ang Alamin sa pahina 81 ng aklat at pasagutin ito. Gabayan ang mga
mag-aaral sa kanilang mga kasagutan.

SUSI SA PAGWAWASTO
Sagutin
1. may hugis buwan ang anak
2. may hugis buwan ang magulang
3. may hugis buwan ang kamag-anak

Sagutin
nanay – nagluluto, namimili ng pagkain
tatay – nagtatrabaho, naglilinis ng bahay
anak – nagpapakita ng pagmamahal sa mga magulang at ibang kapatid

42
Subukin
1. ate - (nakatatandang kapatid na babae)
2. kuya - (nakatatandang kapatid na lalaki)
3. libangan - (gawain upang magpalipas ng oras at aliwin ang sarili)
4. magulang (ina at ama ng mga anak)
5. pagmamahal (pag-aaruga, pag-aalaga, at pagmamalasakit sa kasapi ng
pamilya)

Suriin
1. a 4. b
2. b 5. a
3. a

Aralin 3
Mga Kuwento ng Pamilya
Mga pahina sa aklat: 90–98
Mungkahing bilang ng mga araw: 3

MGA LAYUNIN NG ARALIN AT KATUMBAS NA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO BATAY SA


K TO 12 KURIKULUM
Mga Layunin Pamantayan sa Pagkakatuto Batay sa K
to 12 Kurikulum
• Nailalahad ang kahulugan ng • AP1PAM-IIc-9
pagdiriwang o okasyon • AP1PAM-IId-11
• Natutukoy ang mga pagdiriwang sa • AP1PAM-IId-12
pamilya at sa iba pang pamilya • A1PAM-IIe-13
• Nakagagawa ng timeline ng • AP1PAM-IIg-20
pagdiriwang ng sariling pamilya
• Naipapaliwanag ang paraan ng
pagpapahalaga sa mga pagdiriwang sa
sariling pamilya
• Nailalahad ang paraan ng
pagpapahalaga sa mga importanteng
okasyon ng pamilya
• Nasusuri ang larawan kaugnay ng
pangyayaring ipinagdiriwang ng
pamilya
• Naibabahagi sa kamag-aral ang
kuwento ng pagdiriwang sa sariling
pamilya

MALAKING IDEYA
Pinahahalagahan ng pamilya ang mahahalagang araw sa pamamagitan ng
pagdiriwang at paggunita sa mga ito.

43
MAHALAGANG TANONG
Paano ko pinahahalagahan ang mga importanteng araw sa aking pamilya?

TEKNOLOHIYA AT MGA SANGGUNIAN


• “Aliwan Fiesta 2017: Dinagyang Festival of Iloilo City (CHAMPION Street
Dance Competition)” ng RT Sibayan Productions (RS Rapido),
https://www.youtube.com/watch?v=-dGwR_-1by4

MGA KAGAMITAN
• larawan ng sumusunod na mga okasyon sa iyong buhay, o maaaring ng ibang
tao:
a. kaarawan
b. binyag/bautismo o dedication
c. kasal
d. pagtatapos sa elementarya
e. pagtatapos sa hayskul
f. pagtatapos sa kolehiyo
• audio-video player

PAMAMARAAN
Unang Araw (Mga Pagdiriwang ng Pamilya)
Panimulang Gawain
1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Tuklasin sa pahina 90 bilang pre-assessment
activity. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Ipakita sa mga mag-aaral ang mga sariling larawan ng kaarawan,
binyag/bautismo, at kasal o dinaluhang kasal. Itanong muna sa kanila kung
kanila bang alam ang mga okasyong ito.
3. Isulat sa blackboard ang pamagat ng paksa.

Panlinang na Gawain
1. Ipabuklat ang mga pahina 91 at 92 ng aklat. Isulat ng pa-kolum sa blackboard
ang mga salitang Kaarawan, Binyag/Bautismo, at Kasal.
2. Atasan ang lahat na basahin ang paunang talata, kabilang ang depinisyon ng
pagdiriwang. Matapos makapagbigay ng maikling paliwanag ukol dito, atasan
ang mga lalaking mag-aaral na basahin ang talata ukol sa Kaarawan, ang mga
babaeng mag-aaral naman sa Binyag o Bautismo, at lahat sa Kasal.
3. Itanong sa mga mag-aral kung alin sa mga tinalakay na okasyon ang dinaluhan
na nila at kung mayroon silang naging bahagi sa mga kasal na kanilang
napuntahan.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Sagutin sa pahina 92 ng aklat. Talakayin ang
sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang bahagi ng paglalahat, atasang magsagawa ng tableau ang mga mag-aaral.
Ang tableau ay isang eksenang kailangang mabuo nang hindi gumagalaw.
Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Bigyan sila ng 20 segundo upang makabuo
ng isang eksena ng mga sumusunod na okasyon:
a. kasal

44
b. kaarawan
c. binyag/bautismo
3. Ang pangkat na may pinakamalikhaing tableau ang siyang magkakamit ng
puntos, at ang may pinakamaraming puntos ang siyang magwawagi.
4. Magpadala sa mga mag-aaral ng mga sumusunod:
a. mga lalaki – larawan ng kanilang Pasko kasama ang pamilya
b. mga babae – larawan ng kanilang Bagong Taon kasama ang pamilya
c. short bond paper

Ikalawang Araw (Mga Pagdiriwang na Kasama ang Iba Pang Pamilya)


Panimulang Gawain
1. Isulat sa blackboard ang pamagat ng paksa at ilahad na ito ang paksang
tatalakayin sa klase.
2. Ipanood sa klase ang video ng “Aliwan Fiesta 2017: Dinagyang Festival of
Iloilo City (CHAMPION Street Dance Competition).” Pagkatapos, itanong sa
mga mag-aaral kung ano ang kanilang masasabi sa kanilang napanood.

Panlinang na Gawain
1. Ipabuklat sa mga mag-aaral ang pahina 93 sa aklat. Ipabasa sa lahat ang paunang
pangungusap sa paksa. Ipabasa sa mga lalaki ang talata ukol sa Pasko, sa mga
babae ang talata ukol sa Bagong Taon, at sa lahat ang talata ukol sa mga pista.
Isama sa talakayan ang pagdiriwang ng Eid al-Fitr (pagtatapos ng Ramadan o
isang buwang pag-aayuno) ng mga pamilyang Muslim. Ipaliwanag ang
kahalagahan nito. Makakabuting magpakita ng larawan ng isang pamilyang
Muslim na nagdiriwang nito.
2. Itanong sa mga mag-aaral kung alin sa Pasko, Eid al-Fitr, o Bagong Taon ang
kanilang inaabangan, at kung alin sa mga ito ang nadarama nila ang lubos na
kasiyahan. Pagkatapos, alamin din kung ano ang kanilang mga paboritong
pagkain sa mga panahong ito.
3. Balikan ang pinanood na video ukol sa pagtatanghal sa Aliwan Festival. Itanong
sa mga mag-aaral kung ano sa kanilang palagay ang dahilan ng kasiyahan ng
mga pagdiriwang ng mga pista sa Pilipinas. Itanong din kung alin na sa mga
pagdiriwang na ito ang napuntahan na nila. Bigyan ng pagkakataon ang mga
may karanasan na upang magbahagi.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Sagutin sa pahina 94. Talakayin ang sagot ng
ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang bahagi ng paglalahat, ipalabas ang mga ipinadalang larawan at ang
kanilang bond paper. Atasan ang mga mag-aaral na idikit ang larawan sa gitna
ng kanilang bond paper at isulat sa baba nito kung bakit mahalaga para sa
kanilang pamilya ang pagdiriwang na kanilang idinikit. Maglaan ng 10 minuto
upang maisagawa ito.
3. Pagkatapos, maglaan ng isang minuto sa bawat mag-aaral upang basahin ang
kaniyang isinulat at maipakita sa ibang kamag-aaral ang kaniyang larawan.
4. Para sa takdang-aralin, atasan ang lahat na dalhin ang mga sumusunod na
larawan:
a. larawan ng selebrasyon ng kanilang unang kaarawan
b. larawan ng kanilang pagtatapos noong kindergarten

45
c. larawan ng pinakahuling selebrasyon ng kaarawan nila

Ikatlong Araw (Paggawa ng Timeline ng Mahahalagang Araw sa Pamilya)


Panimulang Gawain
1. Ipakita sa mga mag-aaral ang mga larawan ng mga pagtatapos sa elementarya,
hayskul, at kolehiyo. Itanong sa kanila ang maaaring dahilan kung bakit
mahalaga sa buhay ng isang tao ang mga naganap sa mga larawan.
2. Pagkatapos, isulat sa blackboard ang pamagat ng paksa.

Panlinang na Gawain
1. Ipabuklat sa mga mag-aaral ang mga pahina 94 at 95 ng kanilang aklat. Gabayan
sila sa sabay-sabay na pagbasa nito. Pagkatapos ng pagpapaliwanag, pabigyang-
pansin sa mga mag-aaral ang kaugnay na larawan ng timeline at sabihin sa
kanila na tutulong sila sa paggawa nito.
2. Gumuhit ng timeline sa blackboard. Idikit sa mga kahon ang tatlong larawan ng
pagtatapos. Isulat din sa timeline ang kaugnay na petsa ng mga larawan.
Magbigay ng maikling paliwanag ukol dito.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 95 ng aklat. Talakayin ang sagot ng ilang mag-
aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Ipagawa ang Subukin sa pahina 96 at ang Suriin sa mga pahina 97 at 98.
Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
3. Para sa Sanayin sa pahina 98, ipalabas ang mga ipinadalang larawan sa mga
mag-aaral at gabayan sila sa pagdidikit ng mga larawan para sa timeline. Ilahad
sa mga mag-aaral ang rubric sa pagmamarka ng kanilang gawain at ipaliwanag
ito.
4. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Alamin sa pahina 90 at pasagutan ito sa kanila.
Bigyang-pansin ang bahagi ng sagot ng mga mag-aaral na dapat palawigin at
iwasto.

SUSI SA PAGWAWASTO
Tuklasin
May kulay ang smiley ng 1, 2, at 4.

Sagutin
May ang una at ikatlong kahon.

Sagutin
May bilog ang larawan ng tatay at anak na nag-aayos ng Christmas tree at
larawan ng batang umiihip ng torotot.

Sagutin
Ituring na wasto ang anumang pangyayaring isusulat ng mag-aaral.

Subukin
1. unang larawan 4. Bagong Taon
2. unang larawan 5. pagdiriwang
3. unang larawan

46
Suriin
1. a 4. b
2. b 5. a
3. a

Aralin 4
Mga Tuntunin ng Pamilya Ko
Mga Pahina sa Aklat: 99-106
Mungkahing Bilang ng Araw: 2

MGA LAYUNIN NG ARALIN AT KATUMBAS NA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO BATAY SA


K TO 12 KURIKULUM
Mga Layunin Pamantayan sa Pagkakatuto Batay sa K
to 12 Kurikulum
• Naiisa-isa ang mga tuntunin ng • AP1PAM-IIe-14
pamilya • AP1PAM-II0-15
• Natutukoy ang mga tuntunin na • AP1PAM-IIf-18
sinusunod sa sariling pamilya • AP1PAM-IIg-20
• Nailalahad sa malikhaing paraan
ang mga sinusunod na tuntunin ng
sariling pamilya
• Nakikilala ang mga batayan ng
mga tuntunin ng pamilya
• Naipaliliwanag ang tulong na
naibabahagi sa pagsunod sa
tuntunin ng sariling pamilya
• Nasusuri ang larawan kaugnay ng
mga tuntunin ng pamilya
• Nakasusulat ng mga sinusunod na
tuntunin ng sariling pamilya

MALAKING IDEYA
Ang mga tuntunin sa tahanan ay nagsisilbing gabay upang magkaroon ng maayos na
pakikitungo sa isa’t isa ang mga kasapi ng pamilya.

MAHALAGANG TANONG
Paano nakatutulong sa aking pamilya ang pagsunod ko sa mga tuntunin?

TEKNOLOHIYA AT MGA SANGGUNIAN


• “Si Lea, Ang Batang Langgam” ni Pocholo
Gonzales, https://www.youtube.com/watch?v=B9t3RW2qN4U
• “Pagmamahal Sa Bawat Miyembro ng Pamilya” ni Mary Grace
Almonte, https://www.youtube.com/watch?v=TK0RAP0zWWg

47
MGA KAGAMITAN
• larawan ng mga gawaing bahay, tulad ng sumusunod:
a. pagpupunas ng mesa
b. pagtatabi ng mga laruan
c. pag-aayos ng higaan
d. pagtatapon ng basura sa basurahan

PAMAMARAAN
Unang Araw (Mga Tuntunin ng Pamilya)
Panimulang Gawain
1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Tuklasin sa pahina 99 bilang pre-assessment
activity. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. I-play ang video ng “Si Lea, Ang Batang Langgam.” Pagkatapos ng
pagpapalabas, itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod:
a. Sino ang mga karakter sa kuwento?
b. Ano ang mga aksiyon na dapat gawin sa pamilya ni Lea?
3. Isulat sa blackboard ang pamagat ng paksa at basahin ito. Ilahad na ito ang
paksang tatalakayin sa klase.

Panlinang na Gawain
1. Pabuksan sa mga mag-aaral ang mga pahina 100 at 101 ng aklat. Basahin ang
panimulang talata at ipaliwanag ang konsepto ng “tuntunin.” Gabayan ang mga
mag-aaral sa pagbasa ng teksto ng paksa at ipaliwanag ito sa kanila.
2. Balikan ang video ng ”Si Lea, Ang Batang Langgam.” Itanong sa mga mag-
aaral kung nasunod ni Lea ang mga tuntunin ng kaniyang pamilya.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 101 ng aklat at iwasto ang sagot ng mga mag-
aaral. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang bahagi ng paglalahat, atasan ang mga mag-aaral na maglista sa papel ng
tatlong tuntunin (na wala pa sa aklat) na nais nilang ipatupad sa kani-kanilang
pamilya. Pagkatapos ng limang minuto ng pag-iisip at pagsusulat, ipabahagi sa
kanila ang kanilang naisip na mga tuntunin at kung bakit ito ang nais nilang
maipatupad.

Ikalawang Araw (Mga Batayan ng mga Tuntunin ng Pamilya)


Panimulang Gawain
1. Ipapanood sa mga mag-aaral ang ”Pagmamahal sa Bawat Miyembro ng
Pamilya.” Ihinto ang video sa bawat pagpapakita ng mga katanungang kabilang
dito. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga ito.
2. Pagkatapos, isulat sa blackboard ang pamagat ng paksa at basahin ito.

Panlinang na Gawain
1. Basahin ang paunang pangungusap ng paksa. Matapos nito, ipabasa sa mga
lalaking mag-aaral ang unang talata, sa mga babaeng mag-aaral ang ikalawang
talata, at sa ikatlong talata at huling pangungusap ay sabayan sila.
2. Balikan ang kuwento ng video. Itanong sa mga mag-aaral kung nararanasan din
nila ito sa kanilang pamilya.

48
Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Sagutin sa pahina 103 ng aklat at iwasto ang
kanilang mga sagot. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-
pansin.
2. Ipasagot ang Subukin sa pahina 104 at ang Suriin sa mga pahina 105 at
106.Iwasto ang kanilang mga sagot. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na
dapat bigyang-pansin.
3. Para sa Sanayin sa pahina 106, papiliin ng kapareha ang mga mag-aaral at
basahin ang panuto at ipaliwanag ito sa kanila. Gabayan sila sa pagsusulat ng
mga sagot. Ilahad sa mga mag-aaral ang rubric sa pagmamarka ng kanilang
gawain at ipaliwanag ito.
4. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Alamin sa pahina 99 at pasagutan ito sa kanila.
Bigyang-pansin ang bahagi ng sagot ng mga mag-aaral na dapat palawigin at
iwasto.

SUSI SA PAGWAWASTO
Tuklasin
Ituring na wasto ang sagot ng mga mag-aaral.

Sagutin
May ang una at ikalawang larawan.

Sagutin
Nakadugtong ng guhit ang sumusunod:
1. pagpapahalaga sa kapakanan ng magulang - larawan ng nanay at batang
umiiyak
2. pakiiisa sa gawain - larawan ng mga batang nag-aayos ng mesa at silya
3. pagmamahal at paggalang - larawan ng anak na nag-aabot ng tsinelas sa
tatay

Subukin
1. c 3. b 5. b
2. a 4. d

Suriin
1. b 3. b 5. a
2. a 4. a

49
Aralin 5
Pagsunod sa mga Tuntunin ng Pamilya
Mga pahina sa aklat: 107–116
Mungkahing bilang ng mga araw: 3

MGA LAYUNIN NG ARALIN AT KATUMBAS NA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO BATAY SA


K TO 12 KURIKULUM
Mga Layunin Pamantayan sa Pagkakatuto Batay sa K
to 12 Kurikulum
• Nakikilala ang mga gawain na • AP1PAM-IIf-17
nagpapakita ng pagsunod sa mga • AP1PAM-IIe-16
tuntunin ng pamilya • AP1PAM-IIg-20
• Nakapaglalahad ng katuwiran sa • AP1PAM-IIg-21
pagsunod sa mga tuntunin ng • AP1PAM–Iif-18
sariling pamilya
• Nahihinuha ang kahalagahan ng
pagsunod sa tuntunin ng sariling
pamilya
• Natutukoy ang mga paraan ng
pagpapahalaga sa tuntunin ng
sariling pamilya
• Naipaliliwanag ang paraan ng
pagsunod sa tuntunin ng sariling
pamilya
• Naipapaalam sa malikhaing paraan
ang tuntunin ng sariling pamilya na
kayang isagawa
• Nasusuri ang larawan kaugnay
pagsunod sa tuntunin ng pamilya
• Naikukuwento sa kamag-aral ang
sinusunod na sariling tuntunin ng
pamilya

MALAKING IDEYA
Sinusunod natin ang alituntunin na may pagkukusa at may pagpapahalaga sa mga
gawaing nakatakda sa bawat kasapi ng pamilya.

MAHALAGANG TANONG
Paano ko sinusunod ang mga tuntunin ng aking pamilya?

TEKNOLOHIYA AT MGA SANGGUNIAN


• “Kasama Ko Si Tatay Sa Palengke | Kuwentong Batibot | Batibot TV” sa
Batibot TV, https://www.youtube.com/watch?v=LS_SqIPjJ4k

50
MGA KAGAMITAN
• audio-video player
• larawan ng mga magulang (ng guro at ng mga mag-aaral)
• hugis puso na pulang kartulina
• bond paper

PAMAMARAAN
Unang Araw (Mga Katuwiran sa Pagsunod sa mga Tuntunin)
Panimulang Gawain
1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Tuklasin sa pahina 107 ng aklat bilang pre-
assessment activity. Iwasto ang kanilang mga sagot. Talakayin ang sagot ng
ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Idikit sa blackboard ang hugis puso na pulang kartulina. Isulat sa baba nito ang
pangalan ng iyong mga magulang. Pagkatapos, sabihin sa mga mag-aaral: “Sila
ang aking ama at ina. Mahal ko sila at pinasasalamatan ko sila sa pag-aalaga at
pagmamahal nila sa akin.”
3. Isulat sa blackboard ang pamagat ng paksa at basahin ito.

Panlinang na Gawain
1. Basahin ang pamagat ng teksto at ipaliwanag ito sa mag-aaral. Pabigyang-pansin
ito sa kanila at ang kaugnay nitong diyalogo at ipaliwanag ito.
2. Ipabasa sa mga babae ang unang katuwiran ng tuntunin. Tumawag ng isang
babaeng mag-aaral upang basahin ang diyalogo ng batang babae sa larawan.
3. Ipabasa sa mga lalaki ang ikalawang katuwiran. Tumawag ng isang lalaking
mag-aaral upang basahin ang diyalogo ng batang lalaki sa larawan.
4. Ipabasa sa lahat ang huling katuwiran. Basahin ang diyalogo ng ama.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 109 at iwasto ang sagot ng mga mag-aaral.
Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang bahagi ng paglalahat, ipakuha sa mga mag-aaral ang larawan na
ipinatakda sa kanila. Atasan silang idikit ito sa bond paper at isulat sa ibaba
kung paano nila ipinapakita ang pagmamahal at pasasalamat nila sa kanilang
mga magulang. Maglaan ng 5 minuto upang maisagawa nila ito. Pagkatapos,
maglaan ng isang minuto upang maibahagi ng bawat mag-aaral ang kaniyang
ginawa.
3. Ibigay na takdang aralin sa mga mag-aaral ang Subukin sa mga pahina 113 at
114 ng aklat. Iwasto ang kanilang mga sagot. Ipaalala sa kanila ang
kinakailangang lagda ng magulang sa dulo ng gawain.

Ikalawang Araw (Pagpapahalaga sa Pagsunod sa mga Tuntunin)


Panimulang Gawain
1. Ipalabas sa mga mag-aaral ang kanilang takda. Magkaroon ng maikling
talakayan ukol sa kanilang mga kinulayan. I-tsek din kung ang kanilang takda ay
nilagdaan ng kanilang mga magulang.
2. Isulat sa blackboard ang salitang ”MAHALAGA.” Itanong sa mga mag-aaral
kung alam nila ang kahulugan ng salitang ito. Pagkatapos, itanong sa kanila
kung ano-anong mga bagay ang kanilang itinuturing na mahalaga o binibigyan
ng pagpapahalaga.

51
3. Isulat sa blackboard ang pamagat ng paksa at basahin ito.

Panlinang na Gawain
Ipabuklat sa mga mag-aaral ang pahina 110 ng kanilang aklat. Gabayan sila sa
sabay-sabay na pagbasa ng teksto ng paksa. Pabigyang-pansin sa mga mag-aral ang
larawan at itanong ang paraan ng pagpapahalaga sa tuntunin na ipinapakita ng bata sa
larawan.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Sagutin sa pahina 111 ng aklat. Iwasto ang
kanilang sagot. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang bahagi ng paglalahat, isagawa ang “Opo-Hindi Po.” Ang gawaing ito ay
kahalintulad ng “Hip-hip-hooray.” Papalakpak ang mag-aaral sa tuwing
sasabihin ang “Opo” at itataas naman ang mga kamay tuwing sasabihin ang
“Hindi po!” Tumawag ng mga boluntaryo para sa larong ito.

Ikatlong Araw (Mga Gawain ng Pagsunod sa mga Tuntunin)


Panimulang Gawain
1. Ipanood sa klase ang video ng “Kasama Ko Si Tatay Sa Palengke” at
pagkatapos ay ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong:
• Ano ang tuntunin ng pamilya na binigyang-pansin sa video?
• Paano sinunod ng bata sa kuwento ang tuntunin na ito?
• Ano ang naging bunga ng pagsunod ng bata sa tuntunin?
2. Isulat sa blackboard ang pamagat ng paksa at basahin ito.

Panlinang na Gawain
1. Ipabuklat sa mga mag-aaral ang mga pahina 111 at 112 ng aklat. Gaya nang
nakagawian, ipabasa sa mga lalaking mag-aaral ang unang tuntunin, sa mga
babae ang ikalawa, at sabay-sabay ang lahat sa huling tuntunin. Pabigyang-
pansin sa mga mag-aaral ang paraan ng gawain ng pagsunod sa tuntunin na
ipinapakita sa larawan.
2. Itanong sa mga mag-aaral kung alin sa mga gawain ng pagsunod sa tuntunin ang
kanilang naisagawa na.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 113 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Suriin sa mga pahina 115 at 116 at iwasto ang
kanilang mga sagot.
3. Para sa Sanayin sa pahina 116, hayaang pumili ng kapangkat ang mga mag-aaral
at basahin ang panuto at ipaliwanag ito sa kanila. Ilahad sa mga mag-aaral ang
rubric sa pagmamarka ng kanilang gawain at ipaliwanag ito.
4. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Alamin sa pahina 107 at pasagutan ito sa kanila.
Bigyang-pansin ang bahagi ng sagot ng mga mag-aaral na dapat palawigin at
iwasto.

52
SUSI SA PAGWAWASTO
Tuklasin
Nakadugtong ng guhit ang:
1. pag-aalaga sa kapamilya – larawan ng batang umaakay sa lolo
2. pagtitipid ng tubig – larawan ng batang nagsasara ng gripo
3. pagtulong sa gawain sa bahay – larawan ng mga batang naglilinis
4. pagmamahal sa pamilya – larawan ng anak na humahalik sa ina

Sagutin
ikalawa at ikatlong larawan

Sagutin
una at ikatlong larawan

Sagutin
May ang ikalawa at ikatlong larawan.

Subukin
Ituring na wasto ang larawang kinulayan ng mag-aaral kung ito ay may pirma ng
magulang.

Suriin
1. a
2. b
3. b
4. b
5. b

Aralin 6
Mga Gawain at Tradisyon ng Pamilya
Mga pahina sa aklat: 117–128
Mungkahing bilang ng mga araw: 4

MGA LAYUNIN NG ARALIN AT KATUMBAS NA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO BATAY SA


K TO 12 KURIKULUM
Mga Layunin Pamantayan sa Pagkakatuto Batay sa K
to 12 Kurikulum
• Natutukoy ang mga gawain at • AP1PAM-IIc-9
tradisyon ng pamilya • AP1PAM-IId-10
• Nailalahad ang kahalagahan ng • AP1PAM-IId-11
gawain at tradisyon ng pamilya • AP1PAM-IId-12
• Nailalarawan ang mga pagbabago sa • AP1PAM-IIe-13
gawain at tradisyon ng sariling • AP1PAM-IIg-20
pamilya
• Naibabahagi sa kamag-aral ang mga
gawain at tradisyon ng sariling

53
pamilya
• Nailalahad ang paraan ng
pagpapatuloy ng mga tradisyon ng
sariling pamilya
• Nasusuri ang larawan kaugnay ng
pagbabago sa gawain ng pamilya
• Nakapagtatanong sa nakatatanda
ukol sa tradisyon ng pamilya na
nagbago at nanatili
• Naihahambing ang nagbagong
tradisyon ng sariling pamilya sa
ibang pamilya
• Naibabahagi sa kamag-aral ang
tradisyon ng sariling pamilya

MALAKING IDEYA
Ipinagpapatuloy ng pamilya ang kanilang tradisyon sa pamamagitan ng
pagpapahalaga, pagsasagawa, at pagtuturo nito sa bawat kasapi ng pamilya.

MAHALAGANG TANONG
Paano ko ipagpapatuloy ang mga tradisyon ng aking pamilya?

TEKNOLOHIYA AT MGA SANGGUNIAN


• “MGA KULTURA AT KAUGALIANG PILIPINO - SOSCIO1_M15 G1” ni
donhelle ave, https://www.youtube.com/watch?v=wDvrWyh8jJk

MGA KAGAMITAN
• magkatabing larawan ng mga gawain ng pamilya noon at ngayon:
a. pamilyang nagpi-picnic at pamilyang nasa restawran
b. pamilyang nagsisimba at pamilyang nanonood ng misa sa telebisyon
c. pamilyang nanonood ng pelikula sa sinehan at pamilyang nanonood sa
bahay
• indibidwal na larawan ng mga sumusunod:
a. pamilyang may pagdiriwang ng kaarawan ng tatay sa bahay
b. pamilyang nasa sementeryo sa Araw ng mga Patay
c. family reunion

PAMAMARAAN
Unang Araw (Mga Gawain ng Pamilya Ko)
Panimulang Gawain
1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Tuklasin sa pahina 117 ng aklat bilang pre-
assessment activity. Bigyan sila ng 5 minuto upang mapag-usapan ng
magkakapareha ang kanilang mga isinulat. Pagkatapos, atasan ang bawat
magkapareha na ibahagi ang kanilang mga isinulat sa klase.
2. Isulat sa blackboard ang pamagat ng paksa.

54
Panlinang na Gawain
1. Ipabuklat ang aklat sa pahina 118 at basahin ang panimulang teksto ng paksa at
ipaliwanag ito. Ipabasa sa mga babaeng mag-aaral ang gawain ng nanay, sa mga
lalaki ang gawain ng tatay, at ang lahat sa mga gawain ng anak at panghuling
pangungusap.
2. Itanong sa mga mag-aaral kung alin sa mga gawaing ito ang isinasagawa ng
kanilang pamilya at kung nagagampanan nila ang nakasaad na gawain ng mga
anak.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 119 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral.
2. Bilang bahagi ng paglalahat, pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlong grupo.
Bigyan sila ng 2 minuto upang makapaghanda ng tableau na naglalarawan ng
gawain ng mga kasapi ng pamilya. Pagkatapos ng inilaang minuto, sumigaw ng
“Hinto!” at mag-ikot upang makita kung anong pangkat ang may
pinakamagandang tableau na siyang tatanghaling nagwagi.

Ikalawang Araw (Mga Pagbabago sa mga Gawain ng Pamilya)


Panimulang Gawain
1. Ipakita ang mga inihandang magkakatabing larawan sa mga mag-aaral.
Tumawag ng ilang boluntaryo at itanong kung alin sa mga gawain sa kaliwa o
kanan ng mga larawan ang isinasagawa pa rin ng kanilang pamilya.
2. Isulat sa blackboard ang pamagat ng paksa at basahin ito.

Panlinang na Gawain
1. Ipabuklat ang aklat sa pahina 120 at basahin ang panimulang teksto ng paksa at
ipaliwanag ito. Gaya ng mga nakaraan, ipabasa sa mga lalaking mag-aaral ang
unang gawain, sa mga babae ang ikalawa, at sabay-sabay ang lahat sa huling
gawain at sa huling pangungusap.
2. Itanong sa mga mag-aaral kung alin sa mga pagbabago sa gawain ng pamilya
ang nagaganap din sa kanila, at kung ano sa kanilang opinyon ang dahilan kung
bakit nagkaroon ng mga ganitong pagbabago.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 121 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang bahagi ng paglalahat, itanong sa mga mag-aaral kung ano ang mas
nagugustuhan nila na ginagawa ng pamilya sa mga inihandang larawan.
Magbigay ng tig-isang minuto para sa bawat mag-aaral na maibahagi ang
kaniyang opinyon.

Ikatlong Araw (Mga Tradisyon ng Pamilya Ko)


Panimulang Gawain
1. Ipaskil sa blackboard ang mga sumusunod na salita. Atasan ang mga mag-aaral
na pagdugtungin ng linya ang mga magkatambal na tradisyon at petsa:
November 1 family reunion
December 25 Araw ng mga Patay

55
2. Pagkatapos maibigay ng mga mag-aaral ang tamang pagkakatambal, itanong sa
kanila kung bakit kadalasang nagaganap ang family reunion tuwing Disyembre.
Pagkasagot nila, ipaliwanag ang kahulugan ng salitang tradisyon.
3. Matapos makuha ang kanilang mga kasagutan, isulat sa blackboard ang pamagat
ng paksa at sabihin na ito ang paksang tatalakayin sa klase.

Panlinang na Gawain
1. Ipabuklat ang aklat sa pahina 122. Gaya nang nakagawian, ipabasa sa mga
lalaking mag-aaral ang unang tradisyon, sa mga babae ang ikalawa, at sabay ang
lahat sa ikatlo. Pabigyang-pansin sa mga mag-aaral ang mga larawan at itanong
ang mga tradisyon ng pamilya na ipinapakita dito.
2. Ipaskil/Isulat ang tseklist sa blackboard. Alamin mula sa mga mag-aaral ang
mga natalakay na tradisyon ng pamilya, at isulat sa tseklist ang sagot ng mga
mag-aaral.

Mga Tradisyon ng Pamilya Kailan Ginagawa

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 123 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang bahagi ng paglalahat, itanong sa mga mag-aaral kung ano ang
pinakamainam na dahilan kung bakit mahalaga na magkakasama ang pamilya sa
pagdiriwang ng mga tradisyon.
3. Para sa takdang-aralin, ipagawa ang Sagutin sa pahina 128.

Ikaapat na Araw (Mga Pagbabago sa mga Tradisyon ng Pamilya)


Panimulang Gawain
1. Ipakuha sa mga mag-aaral ang kanilang takdang-aralin sa Sanayin. Bigyan ng
tig-dalawang minuto ang bawat mag-aaral upang magbahagi ng kaniyang
isinulat.
2. Ipapanood sa mga mag-aaral ang ”MGA KULTURA AT KAUGALIANG
PILIPINO - SOSCIO1_M15 G1.” Isulat sa blackboard ang pamagat ng paksa at
basahin ito.

Panlinang na Gawain
1. Ipabuklat ang aklat sa pahina 124 at pabigyang-pansin sa mga mag-aaral ang
mga larawan at itanong ang mga tradisyon ng pamilya na ipinapakita dito.
Ipabasa sa mga mag-aaral na lalaki ang unang pagbabago, sa mga babae ang
ikalawa, at sabay na ang lahat sa ikatlo.
2. Balikan ang pinanood na video ukol sa “Mga Kultura at Kaugaliang Pilipino.”
Itanong ang mga sumusunod:
a. Batay sa inyong napanood, ano ang mga pagbabagong nangyari na sa ating
mga pamilya?
b. Batay sa inyong nabasa, ano ang mga naisasagawa na ninyong pagbabago
sa mga tradisyon ng pamilya?

56
Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 125 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin. Kung
walang pagbabagong naisulat ay hayaan lamang ang sagot ng mag-aaral.
2. Ipagawa ang Subukin sa pahina 126 at Suriin sa mga pahina 127 at 128 at iwasto
rin ang mga ito.
3. Itanong sa mga mag-aaral ang Alamin sa pahina 117. Bigyan ng tig-isang
minuto ang bawat mag-aaral upang makapagbahagi ng kanilang kasagutan.

SUSI SA PAGWAWASTO
Tuklasin
Ituring na wasto ang isinulat ng mag-aaral sa loob ng hugis-puso.

Sagutin

Sagutin
May  ang pares ng una at ikalawang larawan.

Sagutin
Ituring na wasto ang mga sagot ng mag-aaral na may kaugnayan sa larawan.

Sagutin
Ituring na wasto ang isinulat ng mag-aaral na pagbabago sa tradisyon ng
kanilang pamilya.

Subukin
1. b 4. c
2. e 5. d
3. a

57
Suriin
1. b 4. a
2. a 5. b
3. a

Aralin 7
Ang Ugnayan ng Pamilya Ko sa Ibang Pamilya
Mga pahina sa aklat: 129–138
Mungkahing bilang ng mga araw: 3

MGA LAYUNIN NG ARALIN AT KATUMBAS NA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO BATAY SA


K TO 12 KURIKULUM
Mga Layunin Pamantayan sa Pagkakatuto Batay sa K
to 12 Kurikulum
• Natutukoy ang mabubuting paraan • AP1PAM-IIg-20
ng pakikipag-ugnayan ng pamilya • AP1PAM-IIg-21
sa ibang pamilya • AP1PAM-IIg-22
• Nakikilala ang paraan ng mabuting • AP1PAM-IIg-23
pakikipag-ugnayan ng pamilya sa
komunidad
• Naisasaad ang mga dahilan ng
pagbuo ng ugnayan ng pamilya
• Nailalahad ang paraan ng
pakikipag-ugnayan ng sariling
pamilya sa ibang pamilya
• Nasusuri ang larawan kaugnay ng
paraan ng pakikipag-ugnayan ng
pamilya
• Nakapagtatanong sa magulang ukol
sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng
sariling pamilya sa iba pang
pamilya
• Naibabahagi sa kamag-aral ang
paraan ng pakikipag-ugnayan ng
pamilya sa iba pang pamilya

MALAKING IDEYA
Ang ugnayan ng pamilya ay nabubuo sa pagtulong sa panahon ng kagipitan at
pagdalo sa mga okasyon ng ibang pamilya

MAHALAGANG TANONG
Paano nabubuo ang ugnayan ng pamilya ko sa ibang pamilya?

58
TEKNOLOHIYA AT MGA SANGGUNIAN
• “kapitbahay xmas party.wmv” ni wattik081600
https://www.youtube.com/watch?v=4sWGIDHGSFE

MGA KAGAMITAN
• audio-video player

PAMAMARAAN
Unang Araw (Mga Paraan ng Ugnayan ng mga Pamilya)
Panimulang Gawain
1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Tuklasin sa pahina 129 ng aklat bilang pre-
assessment activity at iwasto ito.
2. Ipanood sa mga mag-aaral ang video ng ”Kapitbahay X-Mas Party.” Matapos
ang pagpapalabas, itanong ang mga sumusunod:
a. Ano ang kaganapan sa video? Sino ang mga magkakasama?
b. Ano ang emosyon ng mga taong nasa pagdiriwang?
c. Bakit mahalaga na magkaroon ng mga ganitong pagdiriwang?
3. Pagkatapos makapagbigay ng mga kasagutan ang mga mag-aaral, isulat sa
blackboard ang pamagat ng paksa.

Panlinang na Gawain
1. Ipabuklat sa mga mag-aaral ang aklat sa mga pahina 130 at 131. Basahin ang
panimulang teksto ng paksa. Gaya nang nakagawian, ipabasa sa mga lalaking
mag-aaral ang unang paraan, sa mga babae ang ikalawa, at sa lahat ang ikatlo.
2. Pabigyang-pansin sa mga mag-aaral ang gawaing ipinapakita sa mga larawan.
Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng teksto at magbigay ng mga
paliwanag ukol dito.
3. Balikan ang pinanood na video. Ipatukoy sa kanila kung ang napanood nila ay
tumutugma sa mga paraan ng ugnayan sa pamilya.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 131 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang bahagi ng paglalahat, itanong sa mga mag-aaral kung sino-sino sa kanila
ang may mga kaugnayan ang mga pamilya. Tumawag ng ilang boluntaryo upang
magbahagi ng kanilang ugnayan sa isa’t isa.

Ikalawang Araw (Ang Ugnayan ng mga Pamilya sa Komunidad)


Panimulang Gawain
1. Hatiin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat. Papilahin ang lahat at sabihin na
ang inyong gagawin ay ang ”Ipasa Ang Mensahe” o Pass the Message.
Panuto: Ang pinuno ng bawat pangkat ay lalapit upang makuha ang
mensahe. Ibubulong ito sa mga pinuno. Sa hudyat na ”Go,” tatakbo ang mga
pinuno sa kanilang pangkat at ibubulong ang mensahe sa kasunod nila sa pila, at
ito’y pagpapasa-pasahan hanggang makarating ang mensahe sa mag-aaral na
nasa dulo ng kanilang mga linya. Sila ang tatakbo sa harap upang sabihin ang
orihinal na mensahe. Gagawin ito sa loob ng limang ulit, at ang pangkat na may
pinakamaraming puntos ang magwawagi.

59
2. Isulat sa blackboard ang pamagat ng paksa at ilahad na ito ang paksang
tatalakayin sa klase.

Panlinang na Gawain
1. Ipabuklat sa mga mag-aaral ang aklat sa pahina 132 at basahin ang panimulang
teksto ng paksa. Gaya nang nakagawian, ipabasa sa mga lalaking mag-aaral ang
unang ugnayan, sa mga babae ang ikalawa, at sabay-sabay ang lahat sa huli.
Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng teksto at ipaliwanag ito.
2. Pabigyang-pansin sa mga mag-aaral ang gawaing ipinapakita sa mga larawan.
Itanong sa mga mag-aaral kung naisasagawa ba ng kanilang pamilya ang mga
halimbawa ng ugnayan sa komunidad.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Sagutin sa pahina 133 ng aklat at iwasto ang
kanilang ginawa. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-
pansin.
2. Bilang bahagi ng paglalahat, balikan ang laro sa panimula ng paksa. Itanong ang
mga sumusunod:
a. Ano ang kahalintulad na halimbawa ng ugnayan sa komunidad sa ating
gawain kanina?
b. Ano ang kahalagahan ng pagpasa ng tamang mensahe o impormasyon sa
lahat ng iyong makakausap?
c. Paano mo naipakita ang pakikiisa mo sa gawain?
3. Para sa takdang-aralin, ipagawa ang Sagutin sa pahina 138.

Ikatlong Araw (Mga Dahilan sa Pagbuo ng Mabuting Ugnayan ng mga Pamilya)


Panimulang Gawain
1. Ipakuha sa mga mag-aaral ang kanilang ginawang takdang-aralin. Bigyan ang
bawat mag-aaral ng tig-isang minuto upang ibahagi ang kanilang mga takda.
2. Isulat sa blackboard ang pamagat ng paksa at ilahad sa mga mag-aaral na ito ang
paksang tatalakayin sa klase.

Panlinang na Gawain
1. Ipabuklat ang aklat sa pahina 134 at basahin ang panimulang teksto ng paksa.
Ipabasa sa mga lalaking mag-aaral ang unang dahilan, sa mga babae ang
ikalawa, at sabay-sabay ang lahat sa ikatlo. Pabigyang-pansin sa mga mag-aaral
ang gawaing ipinapakita sa mga larawan. Gabayan sila sa pagbasa ng teksto at
ipaliwanag ito.
2. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang kahalagahan ng pagbibigay ng tulong sa
ibang pamilya sa komunidad at kung paano ito nakatutulong sa mabuting
unawaan sa ibang pamilya.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 135 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Ipagawa ang Subukin sa mga pahina 135 at 136 at Suriin sa mga pahina 137 at
138. Iwasto rin ang mga ito.
3. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Alamin sa pahina 129. Bigyang-pansin ang sagot
ng mga mag-aaral na dapat palawigin at iwasto.

60
SUSI SA PAGWAWASTO
Tuklasin
May  ang kanang larawan sa itaas at kaliwang larawan sa ibaba.

Sagutin
May guhit ng bituin ang lahat ng mga larawan.

Sagutin
Magkakadugtong ng guhit ang:
1. Pagsali sa samahan - ikatlong larawan
2. Pagtulong sa gawain sa paligid at unang larawan
3. Pagbibigay ng impormasyon at ikalawang larawan

Sagutin
Maaaring mag-iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.

Subukin
1. a 4. a
2. b 5. b
3. b

Suriin 3. b
1. b 4. b
2. b 5. a

61
PAMAMARAAN SA PAGTATAPOS NG YUNIT

MGA LAYUNIN
• Makapag-ulat ukol sa kabuuan ng yunit sa pamamagitan ng guhit
• Makapagbigay ng mga kasagutan sa pantapos na pagsusulit

MALAKING IDEYA SA ARALIN


Ang pagtapos sa gawain ay isinasagawa nang may kasigasigan at kasipagan.

MAHALAGANG TANONG
Paano dapat paghandaan ng bawat mag-aaral ang anumang gawaing kanilang
isasagawa?

NAKALAANG PANAHON: Dalawang araw


MGA KAGAMITAN
• mga kartulina na may imahen ng smileys
• sipi ng Performance Task Blueprint, projector, kompyuter, o laptop

PAMAMARAAN
Unang Araw
Panimulang Gawain
Ibigay ang panuto sa larong The Boat Is Sinking na isasagawa ng mga mag-aaral.
Panuto:
Sa iyong hudyat, atasan ang mga mag-aaral na bumuo ng uri ng pamilya ayon sa
hinahanap, halimbawa, ”Single-parent family, Tatay!” o di kaya’y ”Extended
family!” Ang mauunang pangkat na makapagbubuo ng hinihinging pamilya ang
siyang mabibigyan ng puntos, at ang pangkat na may pinakamaraming puntos ang
siyang magwawagi.

Panlinang na Gawain
Isulat sa blackboard ang Mahalagang Ideya ng Yunit. Sabayan ang mga mag-aaral
sa pagbasa nito at pagkatapos ay ipaliwanag ito sa kanila.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipamahagi sa mga mag-aral ang unang bahagi ng pagsusulit. Sabayan ang mga
mag-aaral sa pagbasa ng panuto at pagkatapos ay ipaliwanag ito. Pasimulan sa
mga mag-aaral ang pagsagot sa pagsusulit habang ginagabayan sila sa
pagsasagawa nito. Pagkatapos ay kolektahin ang pagsusulit at sagutang papel ng
mga mag-aaral.
2. Ipamahagi ang kasunod na bahagi ng pagsusulit at isagawa ang kaugnay nitong
mga hakbang hanggang sa matapos masagutan ng mga mag-aaral. Ipamahagi
ang smileys sa mga nakatapos na ng pagsagot.

62
IKALAWANG ARAW (Paggawa at Pagtatanghal para sa Yunit 2)
Panimulang Gawain
Ipaskil sa blackboard ang Performance Task Blueprint at ipaalala sa mga mag-aaral
kung kailan nila ito unang nakita. Ipahanda rin sa kanila ang mga kagamitang kailangan
nila sa pagsasagawa nito.

Panlinang na Gawain
1. Sabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng nilalaman ng Performance Task
Blueprint at ipaliwanag ito. Itanong sa mga mag-aaral kung alin sa mga bahagi
nito ang hindi malinaw sa kanila at magbigay ng paliwanag.
2. Gabayan ang bawat pangkat sa kanilang paggawa ng nakaatas na gawain sa
blueprint. Maglaan ng sapat na oras para sa paghahanda ng mga mag-aaral.

Paglalahat at Pagtataya
1. Atasan ang lahat na ipakita sa klase ang kanilang mga iginuhit bilang
pagtatanghal ng performance task. Gamitin ang rubric na nasa huling mga
pahina ng Gabay sa Pagtuturo ng Guro upang markahan ang resulta ng ginawa
ng mga mag-aaral.
2. Bigyan ng smileys ang miyembro ng bawat pangkat na nagsagawa ng kanilang
gawain.

PAGSUSULIT SA YUNIT 2
I. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Uri ng pamilya na binubuo ng nanay, tatay, at mga anak.
a. extended family b. nuclear family c. single-parent family
2. Uri ito ng pamilya na binubuo ng mag-anak at iba pang kamag-anak.
a. extended family b. nuclear family c. single-parent family
3. Ito ang pinakamaliit na pangkat sa isang lugar. Ano ang tawag dito?
a. pamilya b. paaralan c. barangay
4. Ang nuclear family ay tinatawag din na ______.
a. two-parent family
b. extended family
c. single-parent family
5. Sino ang nakatatandang kasapi ng pamilya?
a. ate b.bunso c.tatay
6. Alin sa sumusunod ang hindi gawain ng nakatatandang kasapi ng pamilya?
a. magtrabaho
b. maglinis ng bahay
c. mag-alaga sa mga nakababatang kasapi ng pamilya
7. Sino ang pinakabatang kasapi ng pamilya?
a. nanay b. tatay c. bunso
8. Ano ang gampanin ng nakababatang kasapi ng pamilya?
a. maglinis ng bahay
b. sumuway sa mga utos ng magulang
c. maglaro kasama ang mga pinsan
9. Ano ang tawag sa mahahahalagang pangyayari na ipinagdiriwang ng pamilya?
a. pag-alala b. okasyon c. kasiyahan
10. Alin sa sumusunod ang hindi okasyong ipinagdiriwang ng pamilya?
a. anibersaryo ng kasal ng mga magulang

63
b. pasko at bagong taon
c. kaarawan ng kalaro
II. Lagyan ng ✓ kung sang-ayon ka sa pahayag sa bawat bilang at ✘ naman kung hindi.
Isulat sa patlang ang iyong sagot.
_______1. Ang aking nakatatandang kapatid ay inaasahan ng aking ina na mag-alaga
sa akin.
_______2. Dapat na tulungan ng mga anak ang mga magulang upang mapanatili ang
kalinisan ng tahanan.
_______3. Ang aking lolo at lola ang pinagmulan ng lahi ng aking ina at ama.
_______4. Pinagdiriwang namin ang mga okasyon sa pamilya kung kailan lamang
namin ito naaalala.
_______5. Hindi ko dapat na tularan ang magagandang gawain ng aking mga
kapatid.
_______6. Ipinagdiriwang namin ang Pasko dahil ito ang araw ng kapanganakan ni
Hesus.
_______7. Hindi mahalaga ang mga okasyon sa pamilya.
_______8. Ang dapat ko lamang sundin ay ang aking ina at ama. Hindi ako
makikinig sa aking mga tiyo at tiya.
_______9. Nagbibigay payo ang aking lola kung paano ako mas magiging mabuting
bata.
______10. Ang okasyon ay mahalaga upang mapagtibay at makilala namin ang isa’t
isa.

III. Kulayan ng pula ang kung nagpapahayag ito ng pagsunod sa mga alituntunin.
Kulayan ng asul kung hindi.
1. Sinusunod ko ang bawat utos ng aking ina bilang pagpapakita ng
paggalang sa kanya.
2. Pagkatapos kong gamitin ang aking mga laruan ay iniiwan ko lamang ito.
3. Pinakikita ko ang pagmamahal ko sa aking pamilya sa tuwing sumusunod
ako sa mga alituntunin.
4. Nakikipaglaro ako sa aking mga kalaro nang buong araw.
5. Nagpapaalam ako sa aking mga magulang sa tuwing ako ay lalabas ng
bahay upang maglaro.
6. Hindi ako naglilinis ng bahay.
7. Hinahayaan ko ang mga gawaing bahay sa aking mga nakatatandang
kapatid.
8. Ginagalang ko ang lahat ng kasapi ng aking pamilya.
9. Kasama sa mga alituntunin ng aming pamilya ay ang paggalang sa mga
bisita.
10. Nagmamano at humahalik ako sa pisngi ng aking mga magulang at iba
pang kasapi ng pamilya para ipakita ang aking paggalang sa kanila.

IV. Ano ang nararapat mong gawin sa sumusunod na sitwasyon? Bilugan ( ) ang
letra ng tamang sagot.
1. Dumating sa inyong tahanan ang iyong lolo at lola na unang beses mo pa lamang
na nakita.
a. Magtatago sa kuwarto.
b. Hindi sila papansinin ng ilang araw.

64
c. Magmamano sa kanila at ipakikilala ang sarili.
2. Masyadong maraming gawain ang iyong ate sa inyong tahanan at nakita mong
marumi pa rin ang inyong bakuran.
a. Tutulungan mo ang iyong ate at magwawalis ka sa bakuran.
b. Tatakasan mo ang iyong ate para makapaglaro sa labas.
c. Hindi papansinin ang ate; sa halip ay manonood ka na lamang ng paborito
mong palabas.
3. Gusto mong sorpresahin ang iyong ina sa kaniyang kaarawan ngunit wala kang
pambili ng regalo para sa kaniya.
a. Maglilinis ka na lamang ng iyong kuwarto at ililigpit ang mga laruan.
b. Tutulong ka sa mga gawaing bahay.
c. Lahat ng nabanggit.
4. Nakita mong nasira ang isang bahagi ng inyong tahanan. Ano ang iyong gagawin?
a. Aayusin mo ito nang mag-isa.
b. Sasabihin mo sa iyong ama ang iyong nakita.
c. Hindi mo ito papansinin.
5. Abala ang lahat dahil sa darating na kaarawan ng iyong ate at marami ang
inaasahang bisita.
a. Makikipaglaro ka sa mga bata sa labas.
b. Tutulong ka sa pag-aayos ng inyong tahanan.
c. Uunahan mo ang mga bisita sa pagkain ng handa.
6. Niyaya ka ng iyong kaibigan na maglaro sa labas ngunit alam mong magagalit ang
iyong ina.
a. Tatanggi ka at sasabihin na sa susunod na lamang.
b. Pipilitin mo ang iyong ina na payagan kang makapaglaro sa labas.
c. Tatakas ka sa inyong bahay habang hindi ka napapansin ng iyong ina.
7. Dumating ang iyong magulang habang naglalaro kayo ng iyong kapatid. Ano ang
iyong gagawin?
a. Pauuwiin sila at sasabihing bumalik na lang.
b. Pagbuksan sila ng pinto at magmano sa kanila.
c. Paghihintayin sila sa labas ng bahay.
8. May kumatok sa inyong pinto at ikaw ang naatasang magbukas nito. Hindi mo
kilala ang taong kumatok. Ano ang dapat mong gawin?
a. Tanungin ang pangalan at ipagbigay alam sa nakatatandang kasapi ng
pamilya.
b. Pagbuksan kaagad ito ng pinto at paupuin.
c. Huwag papasukin; sa halip ay paalisin ito.
9. Nabalitaan ng iyong pamilya ang sunog sa kabilang barangay. Ano ang mainam na
gawin upang makatulong?
a. Magbigay ng pera sa mga nasunugan.
b. Ihanda ang mga damit na hindi na ginagamit at mga pagkain para ipamigay.
c. Patirahin sila sa inyong tahanan.
10. Habang pauwi ka galing sa paaralan ay nakakita ka ng isang matanda na
nangangailangan ng tulong sa kaniyang mga bitbitin. Ano ang iyong gagawin?
a. Tutulungan ang matanda sa kaniyang mga bitbit.
b. Bibilisan mo ang lakad upang hindi mo siya matulungan.
c. Lalagpasan mo lamang siya at magwawalang-bahala.

65
SUSI SA PAGWAWASTO NG PAGSUSULIT SA YUNIT
I.
1. b 6. b
2. a 7. c
3. a 8. a
4. a 9. b
5. c 10. c

II.
1. ü 6. ü
2. ü 7. û
3. ü 8. û
4. û 9. ü
5. û 10. ü

III.
1. kulayan ng pula ang puso
2. kulayan ng asul ang puso
3. kulayan ng pula ang puso
4. kulayan ng asul ang puso
5. kulayan ng pula ang puso
6. kulayan ng asul ang puso
7. kulayan ng asul ang puso
8. kulayan ng pula ang puso
9. kulayan ng pula ang puso
10. kulayan ng pula ang puso

IV.
1. c 6. a
2. a 7. b
3. c 8. a
4. b 9. a/b
5. b 10. a

66
Yunit 3
Ang Paaralan Ko
KABUUANG PAGTANAW SA YUNIT
Ang yunit 3 ay nauukol sa kasaysayan, pagkakakilanlan, katangian, kasapi, at
kahalagahan ng paaralan. Binibigyang-diin sa yunit na ito ang pagpapahalagang dapat
iukol ng mga mag-aaral sa paaralan dahil sa kabutihang dulot nito sa kanilang buhay.
Ang mga paksa sa bawat aralin ng yunit ay magbibigay sa mga mag-aaral ng
pangkalahatang pananaw ukol sa kahalagahan ng paaralan at mga taong iniuugnay dito.
Sa kabuuan ng yunit, inaasahan na malilinang sa mga mag-aaral ang iba’t ibang
mga kasanayan na kinakailangan upang maging bihasa sila sa pagpapayabong ng mga
panimulang kasanayan na angkop sa kanilang edad. Ang mga kasanayang ito ay binubuo
ng pagsasalita, paglalarawan, pagpapaliwanag, at pagbibigay-katuwiran. Inaasahan na sa
kabuuan ng yunit ay mapatatatag sa mga mag-aaral ang kakayahang magsulat, magbasa,
makilahok sa mga gawaing pangklase, at makipag-ugnayan sa kapuwa mag-aaral.

MGA INAASAHANG RESULTA


Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkilala ng pisikal na
kapaligiran ng sariling paaralan at ng mga taong bumubuo dito na nakatutulong sa
paghubog ng kakayahan ng bawat batang mag-aaral.

Pamantayan sa Pagganap
Buong pagmamalaking nakapagpapahayag ng pagkilala at pagpapahalaga sa sariling
paaralan.

Mga Pangkalahatang Layunin


Sa katapusan ng yunit, ang bawat bata ay inaasahang:
• nasasabi ang mga batayang impormasyon tungkol sa sariling paaralan: pangalan,
lokasyon, mga bahagi nito, taon ng pagkakatatag at ilang taon na ito, at mga
pangalan ng gusali o silid;
• nailalarawan ang pisikal na kapaligiran ng sariling paaralan;
• nasasabi ang epekto ng pisikal na kapaligiran sa sariling pag-aaral;
• nailalarawan ang mga tungkuling ginagampanan ng mga taong bumubuo sa
paaralan (punong guro, guro, mag-aaral, doktor at nars, dyanitor, atbp.);
• nasasabi ang mahahalagang pangyayari sa pagkakatatag ng sariling paaralan;
• nailalarawan ang mga pagbabago sa paaralan tulad ng pangalan, lokasyon,
bilang ng mga mag-aaral, at iba pa gamit ang timeline at iba pang pamamaraan;
• naipakikita ang pagbabago ng sariling paaralan sa pamamagitan ng malikhaing
pamamaraan;
• natutukoy ang mga tuntunin ng paaralan;
• nabibigyang-katuwiran ang pagtupad sa mga alituntunin ng paaralan;
• nasasabi ang epekto sa sarili at sa mga kamag-aaral ng pagsunod at hindi
pagsunod sa mga tuntunin ng paaralan;
• nahihinuha ang kahalagahan ng tuntunin sa paaralan at sa buhay ng mga mag-
aaral;

67
• naipaliliwanag ang kahalagahan ng paaralan sa sariling buhay at sa pamayanan o
komunidad;
• naiisa-isa ang mga gawain at pagkilos na nagpapamalas ng pagpapahalaga sa
sariling paaralan; at
• natatalakay ang kahalagahan ng pag-aaral sa pamamagitan ng mga sumusunod:
1. nakapagsasaliksik ng mga kuwento tungkol sa mga batang nakapag-aral at
hindi nakapag-aral; at
2. nasasabi ang maaaring maging epekto ng nakapag-aral at hindi nakapag-aral
sa tao.

PAMAMARAAN SA PAGSISIMULA NG YUNIT (Laang Panahon: 1 araw)


1. Bilang pagganyak, magpakita ng iba’t ibang larawan na may kaugnayan sa
paaralan. Isa-isang tutukuyin ng mag-aaral kung ito ay makikita sa paaralan o
hindi sa pamamagitan ng pag-ngiti kung oo, o pagsimangot naman kung hindi.
2. Ipabuklat ang aklat ng mag-aaral sa pahinang pangyunit 139. Basahin ang
pamagat at ang teksto sa ilalim ng larawan. Ipaliwanag ang isinasaad ng
binasang teksto. Pagkatapos, ipasabi sa ilang mag-aaral ang nakikita sa larawan.
3. Hatiin ang klase sa mga pangkat at bigyan ang bawat kasapi ng sipi ng
Performance Task Blueprint.
Performance Task Blueprint
Pangkat bilang ______ Petsa ng Pagtatanghal _______
Pamantayan sa pagganap:
Buong pagmamalaking nakapagpapahayag ng pagkilala at pagpapahalaga sa sariling
paaralan
Layunin:
Maipahayag sa kamag-aral ang pagkilala at pagpapahalaga sa sariling paaralan sa
pamamagitan ng malikhaing paraan
Panuto sa Gawain:
1. Pag-usapan ng inyong pangkat ang mga kabutihang naidulot ng sariling
paaralan sa inyong buhay.
2. Bumuo ng akrostik ukol sa inyong napag-usapan gamit ang salitang ARAL.
3. Ipakita sa klase ang ginawang akrostik at ipaliwanag ang mga salitang ginamit
dito.
4. Ipaliwanag sa klase na ang bawat pangkat ay inaasahang maisasagawa ang
Performance Task sa pagtatapos ng pagtalakay ng yunit 3.

68
Aralin 1
Pagkilala sa Aking Paaralan
Mga Pahina sa Aklat: 140–149
Mungkahing Bilang ng mga Araw: 6

MGA LAYUNIN NG ARALIN AT KATUMBAS NA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO


BATAY SA K TO 12 KURIKULUM
Mga Layunin Pamantayan sa Pagkakatuto Batay sa
K to 12 Kurikulum
• Natutukoy ng mga mag-aaral ang • AP1PAA-IIIa-1
mga batayang impormasyon tungkol • AP1PAA-IIIc-6
sa sariling paaralan
• Nasasabi ang mahahalagang
pangyayari sa sariling paaralan
• Naipakikita sa malikhaing paraan ang
sariling kaalaman ukol sa mga
batayang impormasyon ng sariling
paaralan
• Nasusuri ang larawan kaugnay ng
pagkakakilanlan ng paaralan
• Naipaliliwanag ang kahalagahan ng
paaralan sa mga mag-aaaral

MALAKING IDEYA
Pinapahalagahan ang paaralan kapag kinikilala ang mga katangian nito.

MAHALAGANG TANONG
Bakit dapat na pahalagahan ang paaralan?

MGA KAGAMITAN
• sipi ng awiting “Dito ay Masaya”
• larawan ng school seal, school flag, at gusali ng paaralan na may nakalagay na
taon (mainam na ito ang dating paaralan ng guro noong elementarya)

PAMAMARAAN
Unang Araw (Pagkilala sa Aking Paaralan)
Panimulang Gawain
1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Tuklasin sa pahina 140 bilang pre-assessment
activity.
2. Ipaskil sa pisara ang awiting “Dito ay Masaya.” Pagkatapos ay uumpisahan ng
guro ang pag-awit na susundan ng mga mag-aaral.

Dito ay Masaya, Doon ay Masaya


(sa tono ng “Ako Ay Masaya, Ikaw Ay Masaya”)
Dito ay masaya, doon ay masaya,
kahit saan ay masaya (2x)

69
La, la, la, ansaya-saya, oh, ansaya-saya
Ansaya-saya sa school namin
(Ulitin at palitan ang salitang may salungguhit ng sa school namin)

Panlinang na Gawain
1. Pagkatapos ng awitin, itanong sa mga mag-aaral kung alam nila ang pangalan ng
inyong paaralan. Ipasagot ito sa lahat nang sabay-sabay: “Ako ay nag-aaral sa
____________________.”
2. Ipabuklat ang aklat sa pahina 141 at gabayan ang mga mag-aaral sa pagbabasa ng
unang pangungusap. Gaya ng nakagawian, ipabasa ang unang pagpapangalan ng
paaralan sa mga lalaking mag-aaral, at ang ikalawa at ikatlo sa mga babae.
3. Ipaturo sa mga mag-aaral ang larawan na nagpapakita ng paaralan na ipinangalan
sa ngalan ng tao, ideya, o bagay. Itanong kung may nalalaman pa silang ibang
halimbawa ng mga paaralan na may mga kahalintulad na pangalan.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 142 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang paglalahat, awitin muli ang “Dito ay Masaya.”
3. Para sa takdang-aralin, atasan ang mga mag-aaral na alamin ang kuwento ng
pagkakatatag ng paaralan na siyang magiging basehan ng paksa.

Ikalawang Araw (Kuwento ng Pagkakatatag ng Paaralan)


Panimulang Gawain
1. Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan ng iyong dating paaralan noong
elementarya. Magbigay sa kanila ng maikling kuwento ng iyong paaralan: taon,
lugar ng pagkakakatatag, at iba pa.
2. Ipaskil sa pisara ang pamagat ng paksa.

Panlinang na Gawain
1. Ipabuklat ang aklat sa pahina 143. Basahin ang panimula sa paksa, at gaya ng
mga naunang gawain, hatiin ang klase sa pagbasa. Ipabasa sa mga lalaking mag-
aaral ang una at ikatlong aspekto ng pagkakatatag, at sa mga babae naman ang
ikalawa at ikaapat. Pagkatapos, ipatukoy sa mga mag-aaral ang larawang nasa
aklat at tanungin kung ano-ano ang mga ito.
2. Ipakuha ang takdang-aralin ng mga mag-aaral at tanungin sila kung kailan
naitatag ang paaralan at kung ilan taon na ito.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 144 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang paglalahat, pakuhanin ng tig-isang piraso ng papel ang mga mag-aaral.
Atasan sila na mag-isip ng maaari nilang ipangalan sa kanilang itatatag na
paaralan, kung ano ang dahilan ng pagkakatatag nito, at kung anong petsa ang
kanilang naisip na foundation day. Bigyan ng pagkakataon ang lahat ng mag-
aaral na makapagbahagi ng kanilang mga isinulat.
3. Ibigay ang takdang-aralin. Tanungin ang inyong mga magulang o ang mga
nakatatanda sa inyong paaralan:
a. Ano-ano ang mga sagisag sa inyong paaralan?

70
b. Saan matatagpuan ang mga sagisag na ito?

Ikatlong Araw (Mga Sagisag ng Paaralan)


Panimulang Gawain
1. Ipabahagi sa mga mag-aaral ang kanilang sagot sa takdang-aralin. Magbigay ng
tig-isang minuto para sa pagbabahagi ng bawat isa.
2. Pagkatapos nito, ipakita ang mga larawan ng sagisag ng inyong paaralan.
Ipatukoy sa mga mag-aaral ang larawan. Pagkatapos nito ay isulat sa pisara ang
pamagat ng paksa at ilahad na ito ang tatalakayin sa klase.

Panlinang na Gawain
1. Basahin ang paunang teksto ng paksa sa pahina 145 ng aklat at pagkatapos ay
ipaliwanag ito.
2. Ipabasa sa mga mag-aaral na lalaki ang una at ikatlong talata, at sa mga babae
naman ang ikalawang talata. Magbigay ng maikling paliwanag sa bawat sagisag
ng paaralan na kanilang mababasa. Mainam na magkaroon ng kopya ng school
hymn, school seal, o school flag para mas maipakita ang mga halimbawa.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 146 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay (Subukin, Suriin, at Sanayin)sa
mga pahina 147 hanggang 149. Ipaliwanag nang maayos ang mga panuto sa
bawat gawain bago ipasagot ang mga ito sa mga mag-aaral. Iwasto ang kanilang
mga kasagutan pagkatapos.

SUSI SA PAGWAWASTO
Tuklasin
Maaaring may bilog ang lahat ng larawan.

Sagutin
1. pangalan ng paaralang pinapasukan
2. Ang sagot ay depende sa pangalan ng paaralan

Sagutin
Ang may smiley ay ang ikalawa at ikatlong larawan.

Sagutin
Iba-iba ang kasagutan batay sa larawang ididikit ng mag-aaral.

Subukin
1. paaralan 4. school flag
2. pangalan 5. school hymn
3. silid-aralan

Suriin
1. a 4. a
2. a 5. a
3. b

71
Aralin 2
Ang Paligid ng Paaralan
Mga Pahina sa Aklat: 150–160
Mungkahing Bilang ng Araw: 4

MGA LAYUNIN NG ARALIN AT KATUMBAS NA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO


BATAY SA K TO 12 KURIKULUM
Mga Layunin Pamantayan sa Pagkakatuto Batay
sa K to 12 Kurikulum
• Nailalarawan ang pisikal na kapaligiran • AP1PAA-IIIa-2
ng sariling paaralan • AP1PAA-IIIb-3
• Nasasabi ang epekto ng pisikal na
kapaligiran ng paaralan sa pag-aaral
• Naiisa-isa ang mga paraan ng pag-
aalaga sa paaralan
• Nakaguguhit ng mga bagay na nakikita
sa paligid ng paaralan
• Naiuugnay ang paligid na angkop sa
paaralan
• Nasusuri ang larawan na kaugnay sa
kapaligiran ng paaralan
• Naibabahagi sa klase ang angkop na
gawain ng pag-aalaga sa paaralan

MALAKING IDEYA
Ang disiplinang pansarili ang daan upang mapangalagaan ang paligid ng paaaralan.

MAHALAGANG TANONG
Paano dapat alagaan ang paligid ng paaralan?

MGA KAGAMITAN
• larawan ng marumi at maingay na paligid ng paaralan
• larawan ng malinis at tahimik na paligid ng paaralan
• mga bond paper, pangguhit, at pangkulay
• tambol

Unang Araw (Mga Uri ng Kapaligiran ng Paaralan)


Panimulang Gawain
1. Ipaskil ang mga salitang lungsod at probinsiya sa pisara. Maglaan ng
magkahiwalay na kolum para sa bawat isa. Matapos ito, tumawag ng mga
boluntaryo upang magsabi nang mga katangian ng lungsod at ng probinsiya, na
isusulat ng guro sa pisara. Gabayan ang mga mag-aaral sa kanilang pagsusulat ng
mga mungkahing katangian na hinihingi.

72
2. Pagkatapos nito, ipasagot sa mga mag-aaral ang Tuklasin sa pahina 150 ng aklat
bilang pre-assessment activity. Iwasto ang kanilang mga sagot.

Panlinang na Gawain
1. Balikan ang mga isinulat ng mga mag-aaral tungkol sa lungsod at probinsiya.
Ipabasa sa mga mag-aaral ang kanilang mga itinala at itanong kung ito ba ay
umaangkop sa pagkakahanay sa lungsod o probinsiya.
2. Basahin ang paunang teksto ng paksa sa mga pahina 151 at 152 at ipaliwanag ito.
Ipabasa sa mga mag-aaral na lalaki ang mga teksto kaugnay ng lungsod, at sa
mga babae naman ang teksto kaugnay ng probinsiya. Ipatukoy sa kanila ang
larawan na angkop sa tekstong kanilang binasa.
3. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang kanilang magiging pasiya kung sila ay
papipiliin sa dalawang lugar na pag-aaralan. Bigyan ng tig-isang minuto ang
bawat mag-aaral upang makapagpaliwanag ng kanilang sagot.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 153 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang bahagi ng paglalahat, ipakuha sa mga mag-aaral ang kanilang mga bond
paper, pangguhit, at pangkulay. Atasan silang iguhit at kulayan ang kapaligiran
ng kanilang paaralan. Magbigay ng 10 minuto upang maisagawa nila ang gawain,
at pagkatapos ay ipadikit sa pisara ang kanilang mga ginawa.

Ikalawang Araw (Mga Epekto ng Kapaligiran sa Pag-aaral)


Panimulang Gawain
1. Atasan ang klase na pumila nang maayos sa labas ng silid. Marahang itumba ang
mga upuan at mga mesa. Matapos maigulo nang kaunti ang mga upuan at mesa,
papasukin muli ang mga mag-aaral at patayuin sila sa harap ng klase. Itanong sa
kanila kung nais nilang mag-aral sa silid na kasinggulo ng kanilang nakikita.
Matapos makuha ang kanilang kasagutan, ipaayos sa kanila ang kanilang mga
upuan at mesa at saka sila paupuin.
2. Tumawag ng isang lalaki at babaeng mag-aaral. Paupuin sila nang magkaharap sa
isa’t isa. Atasan silang magbasa ng kanilang mga aklat. Habang sila’y nagbabasa,
kunin ang tambol at patugtugin ito sa kanilang harapan. Maaari ring hikayatin
ang ibang mag-aaral na magkuwentuhan at gumawa ng ingay habang nagbabasa
ang dalawa. Pagkatapos ng tatlumpung segundo, atasang bumalik ang dalawang
boluntaryo sa kani-kaniyang mga upuan.
3. Isulat sa pisara ang pamagat ng paksa at magbigay ng maikling introduksiyon
ukol dito.

Panlinang na Gawain
1. Basahin ang teksto ng paksa sa pahina 153 ng aklat at ipaliwanag ito. Ipabasa sa
mga lalaking mag-aaral ang unang talata, sa mga babae ang ikalawa, at sabay ang
lahat sa huli. Itanong sa mga mag-aaral kung bakit mahalagang maayos, tahimik,
at maaliwalas ang paligid ng paaralan.
2. Pabigyang-pansin ang mga larawan sa mga pahina 153 at 154 at ipatukoy sa
kanila ang larawan na angkop sa tekstong kanilang binasa.
3. Balikan ang mga gawain kanina. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang
kanilang magagawa upang mas maging maayos, malinis, at tahimik ang kanilang
silid-aralan at kapaligiran.

73
Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 155 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang bahagi ng paglalahat, magpalaro ng Pass the Message sa mga mag-aaral.
Panuto: Hatiin ang klase sa limang pangkat. Siguraduhing pantay ang bilang ng
mga kasapi ng bawat pangkat. Papilahin ang mga mag-aaral ayon sa kanilang
mga pangkat. Papiliin sila ng kanilang magiging pinuno na siyang unang lalapit
sa guro upang makuha ang paunang pangungusap na ipapasa. Ibubulong ito sa
sumunod sa kanila sa linya. Kapag nakarating na sa dulo ang ibinulong na
pangungusap, itataas ng mag-aaral ang kaniyang kamay upang sabihin ito.
Kailangang mabanggit nang buo at walang kulang na salita ang buong
pangungusap.

Ikatlong Araw (Pag-aalaga sa Kapaligiran ng Paaralan)


Panimulang Gawain
1. Ipaskil sa pisara ang mga halimbawang larawan ng marumi, makalat, at
magulong paligid ng paaralan. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang kanilang
mga paraan upang maisaayos ang mga nasa larawan. Isusulat ng guro ang mga ito
sa ibaba ng mga larawan.
2. Pagkatapos, isulat sa pisara ang pamagat ng paksa at sabihin na ito ang
tatalakayin sa klase.

Panlinang na Gawain
1. Basahin ang panimulang teksto ng paksa sa pahina 155. Ipabasa sa mga lalaking
mag-aaral ang una at ikatlong paraan, sa mga babae naman ang ikalawa at ikaapat
na paraan, at sa huling pangungusap ay sabayan sila sa pagbasa. Pabigyang-
pansin sa mga mag-aaral ang mga larawan na nagpapakita ng pangangalaga ng
paaralan.
2. Tingnan muli ang mga isinulat ng mga mag-aaral sa pisara. Itanong sa kanila
kung nagtutugma ang kanilang mga isinulat sa mga naibigay sa aklat. Hikayatin
silang magbigay ng iba pang paraan para makatulong sa kapaligiran ng paaralan.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 157 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Ipasagot ang Subukin sa mga pahina 157 at 158, Suriin sa mga pahina 159 at 160,
at Sanayin sa pahina 160. Iwasto muli ang mga sagot ng mga mag-aaral.
3. Bigyan ng tig-isang minuto (o isang pangungusap na sagot) ang mga mag-aaral
upang sagutin ang tanong sa Alamin.

SUSI SA PAGWAWASTO
Tuklasin
May kulay ang dalawang larawan sa kaliwa.

Sagutin
Maaaring mag-iba ang sagot batay sa paligid ng paaralan.

74
Sagutin
Maaaring mag-iba ang sagot batay sa paligid ng paaralan.

Sagutin
May ü ang dalawang larawan sa itaas.

Subukin
1. may kulay 4. may kulay
2. walang kulay 5. may kulay
3. walang kulay

Suriin
1. a 4. a
2. b 5. a
3. a

Sanayin
May bituin ang mga sumusunod:
1. Hindi Dapat Gawin 4. Dapat Gawin
2. Dapat Gawin 5. Hindi Dapat Gawin
3. Dapat Gawin

Aralin 3
Mga Lingkod sa Paaralan Ko
Mga Pahina sa Aklat: 161 – 170
Mungkahing Bilang ng Araw: 3

MGA LAYUNIN NG ARALIN AT KATUMBAS NA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO


BATAY SA K TO 12 KURIKULUM
Mga Layunin Pamantayan sa Pagkakatuto Batay sa
K to 12 Kurikulum
• Nakikilala ang mga taong bumubuo sa • AP1PAA-IIIb-4
paaralan
• Nailalarawan sa malikhaing paraan
ang mga tungkuling ginagampanan ng
mga taong bumubuo sa sariling
paaralan
• Naiuugnay ang mga larawan sa mga
angkop na tao sa paaralan
• Naiguguhit ang larawan ng mga taong
nglilingkod sa paaralan
• Nasusuri ang larawan ukol sa mga
taong naglilingkod sa paaralan

75
MALAKING IDEYA
Ang pagkilala sa mga lingkod ng paaralan ay paggalang at pagpapasalamat sa kanilang
ginagawang paglilingkod.

MAHALAGANG TANONG
Bakit kailangan na makilala ko ang mga lingkod sa aking paaralan?

TEKNOLOHIYA AT MGA SANGGUNIAN


• video ng “Magandang Umaga Po” ng
iwbreources, https://www.youtube.com/watch?v=uV1hBtQTtwc
• video ng “Ako, Ikaw, Tayo Isang Komunidad” ng
iwbresources, https://www.youtube.com/watch?v=fN8nfu8sIJ4&index=3

MGA KAGAMITAN
• sipi ng awit na “Magandang Umaga Po” at ”Ako, Ikaw, Tayo Isang
Komunidad”
• audio/video player
• tatlong piraso ng mga sumusunod: ¼ illustration board, chalk, at eraser
• larawan ng mga sumusunod: estetoskopyo (stethoscope), nurse’s cap, mouth
mirror o dental mirror

PAMAMARAAN
Unang Araw (Mga Pangunahing Lingkod sa Paaralan Ko)
Panimulang Gawain
1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Tuklasin sa pahina 161 ng aklat bilang pre-
assessment activity. Iwasto ang sagot ng mga mag-aaral.
2. Ipanood sa mga mag-aaral ang video ng “Magandang Umaga Po” at ”Ako, Ikaw,
Tayo Isang Komunidad.” Maaaring ipaskil sa pisara ang mga titik ng awit at
awitin ito bilang alternatibong gawain.

Magandang Umaga Po
(sa himig ng “Paruparong Bukid”)
Magandang umaga po,
Mahal naming guro
Kami’y bumabati,
Mmagandang umaga po
Kami’y nakahandang,
Magbasa’t magsulat
Buong pusong bumabati,
Magandang umaga po.

Magandang umaga po
Uy! Mahal naming guro, Uy!
Kami’y bumabati,
Magandang umaga po.
Kami’y nakahandang
Magbasa’t magsulat
Buong pusong bumabati,
Magandang umaga po.

76
3. Itanong sa mga mag-aaral: “Sino ang taong tinutukoy sa awit?”
4. Isulat sa pisara ang pamagat ng paksa at sabihin na posibleng ang taong
tinukoy sa awit ay tao sa paaralan.

Panlinang na Gawain
Basahin ang mga teksto ng paksa na nasa pahina 162 ng aklat at ipaliwanag ito
sa mga mag-aaral. Ipabasang muli sa buong klase ang binasang teksto. Pabigyang-pansin
sa mga mag-aaral ang mga taong pinakikilala sa larawan. Pagkatapos ng pagbabasa,
itanong sa mga mag-aaral: “Bakit pangunahing lingkod sa paaralan ang punong-guro at
guro?”

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 163 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang paglalahat, magpalaro ng Sino Ako? sa mga mag-aaral. Panuto: Pangkatin
ang mga mag-aaral sa tatlong grupo. Ipamahagi sa bawat pangkat ang isang
illustration board, chalk, at eraser. Isusulat nila sa mga board kung ang tutukuyin
ng guro ay guro o punong-guro.
a. pinuno ng paaralan
b. tagapagbigay ng pagsusulit
c. namumuno sa pangkalahatang gawain sa paaralan
d. pangalawang magulang
e. pinakapinuno sa loob ng silid-aralan

Ikalawang Araw (Mga Lingkod na Nag-aalaga ng Kalusugan)


Panimulang Gawain
1. Ipaskil sa pisara ang mga larawan ng estetoskopyo, nurse’s cap, at mouth mirror.
Itanong sa mga mag-aaral kung alam nila kung sino ang mga gumagamit ng mga
nasabing kagamitan. Isulat sa ilalim ng mga larawan ang sagot ng mga mag-aaral.
2. Isulat sa pisara ang pamagat ng paksa at sabihing ito ang tatalakayin sa klase.

Panlinang na Gawain
1. Basahin ang paunang teksto ng paksa sa pahina 163 ng aklat at ipaliwanag ito sa
mga mag-aaral. Ipabasa sa mga mag-aaral na lalaki ang talata sa pahina 164 ukol
sa doktor ng paaralan, at sa mga babae naman ang talata ukol sa nars. Sabay ang
mga mag-aaral sa pagbasa ng talata ukol sa dentista, at sa huling pangungusap ay
sabayan ang mga mag-aaral. Pabigyang-pansin sa mga mag-aaral ang mga
larawang kaugnay ng binasang teksto.
2. Itanong sa mga mag-aaral kung naranasan na nila ang magpunta sa mga nasabing
lingkod ng paaralan at kung bakit mahalaga sila sa bawat paaralan.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 165 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang paglalahat, ipalaro muli ang Sino Ako? Sa pagkakataong ito, ang mga
sumusunod ang magiging katanungan:
a. katulong ng doktor
b. “O, buksan mo ang bibig mo.”
c. tagasukat ng timbang at taas

77
d. tagapabigay ng gamot at bakuna
e. nagpapaalalang magsipilyo tayo palagi

Ikatlong Araw (Mga Lingkod na Tumutulong sa Iba Ko Pang Kailangan)


Panimulang Gawain
1. Ipanood sa mga mag-aaral ang video ng “Ako, Ikaw, Tayo Isang Komunidad.”
Maaaring ipaskil ang titik ng awit at awitin ito bilang alternatibong gawain at
pagkatapos, itanong: Sino ang mga taong tinutukoy sa awit?

Ako, Ikaw, Tayo Isang Komunidad


(sa himig ng Roll Over the Ocean)
Ako, ako, ako’y isang komunidad (3x)
Ako’y isang komunidad.
La, la, la,
Sumayaw-sayaw at umindak-indak.
Sumayaw-sayaw katulad ng dagat
Sumayaw-sayaw at umindak-indak.
Sumayaw-sayaw katulad ng dagat
(Ulitin lahat at palitan ang may guhit na salita ng ikaw, tayo.)
2. Isulat sa pisara ang pamagat ng paksa.

Panlinang na Gawain
1. Basahin ang paunang pangungusap ng paksa sa pahina 165 ng aklat at ipaliwanag
ito sa mga mag-aaral. Ipabasa sa mga lalaking mag-aaral ang teksto ukol sa
librarian at sa guwardiya. Ipabasa sa mga babaeng mag-aaral ang teksto ukol sa
tindero o tinder at sa dyanitor, at sa huli ay sabayan sila sa pagbasa ng huling
pangungusap.
2. Pabigyang-pansin sa mga mag-aaral ang mga larawan kaugnay ng binasang
teksto. Itanong kung kanila nang nakita ang pagtatrabaho ng mga inihalimbawang
lingkod ng paaralan, at kung kanila nang nakausap o nakahalubilo ang mga ito.
3. Magpalaro muli ng Sino Ako? Ang mga magiging katanungan ay ang mga
sumusunod:
a. “Isuot ninyo ang inyong mga ID bago pumasok ng paaralan.”
b. “Ito na ang iyong tubig at pagkain.”
c. “Tumayo muna kayo diyan at magwawalis ako.”
d. “Walang mag-iingay habang nagbabasa.”
e. “Nasuklian na ba kita?”
f. “Pakibuksan ang mga bag para ma-tsek ko lang.”

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 167 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Ipasagot ang Subukin sa pahina 167 at 168, at ang Suriin sa 169 at 170. Iwasto
muli ang mga ito.
3. Para sa Sanayin sa pahina 170 ng aklat, basahin ang panuto at ipaliwanag ito sa
kanila. Ilahad sa mga mag-aaral ang rubric sa pagmamarka ng kanilang gawain at
ipaliwanag ito. Maglaan ng limang minuto upang makapagsulat ang mga mag-
aaral at isang minuto sa pagbabahagi ng bawat isa.

78
4. Para sa takdang-aralin, pagdalhin ang mga mag-aaral ng dalawang larawan: isa
noong 2 hanggang 3 taong gulang sila, at isa naman na nakunan nitong huling 3
buwan.

SUSI SA PAGWAWASTO
Tuklasin
May bilog ang mga salitang: dyanitor, doktor, guro
Unang larawan – guro
Ikalawang larawan – doktor
Ikatlong larawan – dyanitor

Sagutin
May kulay ang lahat ng larawan.

Sagutin
May kahon ang una at ikalawang larawan sa itaas.

Sagutin
May ü ang una at ikatlong larawan

Subukin
Ang guhit mula sa mga tungkulin ay nakadugtong sa:
1. larawan ng doktor
2. larawan ng guro
3. larawan ng guwardiya
4. larawan ng punong-guro
5. larawan ng dyanitor

Suriin
1. a 4. a
2. b 5. b
3. b

Aralin 4
Mga Pagbabago sa Paaralan
Mga Pahina sa Aklat: 171–181
Mungkahing Bilang ng Araw: 4

MGA LAYUNIN NG ARALIN AT KATUMBAS NA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO


BATAY SA K TO 12 KURIKULUM
Mga Layunin Pamantayan sa Pagkakatuto Batay sa K
to 12 Kurikulum
• Natutukoy ang mga pagbabago sa • AP1PAA-IIId-7
paaralan • AP1PAA-IIId-8
• Nailalarawan sa malikhaing paraan

79
ang mga napansing pagbabago sa
sariling paaralan
• Naipaliliwanag ang kahalagahan ng
kaalaman ukol sa mga pagbabago
sa sariling paaralan
• Nakagagawa ng timeline ng
pagbabago sa sariling paaralan
• Nasusuri ang larawan ukol sa
pagbabago sa paaralan
• Nakapagtatanong sa guro ukol sa
pagbabagong naganap sa paaralan

MALAKING IDEYA
Ang pagtukoy sa anumang pagbabago sa paaralan ay pagkilala sa pananatili nito.

MAHALAGANG TANONG
Bakit dapat na matukoy ang mga pagbabago sa paaralan?

MGA KAGAMITAN
• pictograph ng populasyon ng Pilipinas (1997, 2007, 2017)

PAMAMARAAN
Unang Araw (Mga Pagbabago sa Pisikal na Anyo ng Paaralan)
Panimulang Gawain
1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Tuklasin sa pahina 171 ng aklat bilang pre-
assessment activity. Iwasto ito kung kinakailangan.
2. Ipakuha sa mga mag-aaral ang mga ipinadalang larawan sa kanila. Atasan silang
paghambingin ang mga larawan sa pamamagitan ng mga sumusunod na
katanungan:
a. Ano ang iyong napansin na mga ipinagbago ng iyong hitsura?
b. Ano kaya ang dahilan at nagbabago ang hitsura ng tao?
c. Sa iyong kasuotan, masasabi mo bang may pagbabago? Ano ang mga ito?

Panlinang na Gawain
1. Ipabuklat ang aklat sa mga pahina 172 at 173. Basahin ang paunang teksto nito.
Tumawag ng mga boluntaryong mag-aaral na babasa sa bawat diyalogo ng mga
mag-aaral sa aklat. Pagkatapos, pabigyang-pansin sa mga mag-aaral ang mga
larawang kaugnay ng binasang teksto.
2. Papiliin ng kapareha ang mga mag-aaral at pagkatapos ay pabigyang-pansin sa
kanila ang mga pagbabagong nagaganap sa kanilang paaralan. Ipalista sa kanilang
notebook kung ano ang hugis, bilang ng silid-aralan, at ang mga materyales sa
paggawa ng kanilang paaralan. Upang maisagawa ito, papilahin ang mga mag-
aaral sa labas ng silid-aralan at samahan sila sa kanilang pag-iikot. Gabayan ang
mga mag-aaral sa kanilang mga obserbasyon.

80
Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 173 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang bahagi ng paglalahat, ipalahad sa mga mag-aaral ang kanilang mga tala
ukol sa mga pagbabagong naganap sa kanilang paaralan. Magbigay ng dalawang
minuto para sa pag-uulat ng bawat magkapareha.

Ikalawang Araw (Mga Pagbabago sa Dami ng mga Tao sa Paaralan)


Panimulang Gawain
1. Ipakita sa mga mag-aaral ang inihandang pictograph ng populasyon ng Pilipinas
noong 1997, 2007, at 2017. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang kanilang
napapansin sa bilang ng populasyon sa mga taong ito.
2. Isulat sa pisara ang pamagat ng paksa at ipabuklat ang aklat sa pahina 174.

Panlinang na Gawain
1. Basahin ang paunang pangungusap ng paksa at ipaliwanag ito sa klase. Ipabasa
ang mga pangungusap na nagpapakita ng pagdami ng mga tao sa paaralan.
Pabigyang-pansin ang larawang kaugnay ng binasang teksto at ipatukoy sa kanila
kung ano-ano pa ang napansin nilang pagbabago sa dami ng tao sa kanilang
paaralan.
2. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang kanilang opinyon sa lumalaki na bilang ng
tao sa kanilang paaralan.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 175 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang bahagi ng paglalahat, itanong muli sa mga mag-aaral ang mga pagbabago
sa dami ng tao sa paaralan na naging bahagi ng talakayan sa aralin.
3. Magpadala ng malalaking panyo sa mga mag-aaral para sa gawain sa susunod na
paksa.

Ikatlong Araw (Iba Pang mga Pagbabago sa Paaralan)


Panimulang Gawain
Magpalaro ng Sundan Mo ang Boses Ko. Pangkatin ang mga mag-aaral sa
limang grupo. Piringan ang mga mata ng mga mag-aaral.
Panuto: Maghahawak-hawak ng mga kamay ang mga magkakapangkat. Ipaalaala
na ipinagbabawal ang pagbitaw nila sa isa’t isa. Magbigay ng pupuntahang direksiyon ng
bawat grupo. Halimbawa: “Humakbang ng apat na beses pahilaga,” “limang beses
paatras,” “dalawang beses pasilangan,” “walong beses pakanluran,” atbp. Matapos ang
limang direksiyon, ianunsiyo kung kaninong pangkat ang nakasunod nang tama sa mga
ibinigay na direksiyon. Ang pangkat na ito ang bibigyan ng puntos. Matapos ang limang
round, ang pangkat na may pinakamaraming puntos ang siyang magwawagi.

Panlinang na Gawain
1. Ipabuklat ang aklat sa mga pahina 175 at 176 ng aklat at basahin ang paunang
teksto ng paksa. Pabigyang-pansin sa mga mag-aaral ang mga larawang kaugnay
ng tekstong binasa.
2. Humikayat ng magkaparehang mag-aaral na basahin ang kasunod na talata at
ipaturo sa kanila ang kaugnay na larawan ng binasa.

81
Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 177 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang bahagi ng paglalahat, ipatukoy sa mga mag-aaral ang iba pang mga
pagbabago sa kanilang paaralan na kanilang napapansin.
3. Bilang takdang-aralin, pagdalhin ang mga mga-aaral ng Oslo paper, lapis, ruler, at
pangkulay.

Ikaapat na Araw (Ang Timeline ng mga Pagbabago sa Paaralan)


Panimulang Gawain
1. Magpaskil sa pisara ng tala ng mga taon na may sumusunod na datos:
a. 19__ o 20__ (taon ng pagkakatatag ng paaralan)
b. (taon ng pagdami ng gusali ng paaralan)
c. (pangunahing pagkukumpuni sa paaralan)
d. (taon ng pagdami ng bilang ng mga mag-aaral sa paaralan)
2. Isulat sa klase ang pamagat ng paksa at magbigay ng paunang paliwanag ukol
dito.

Panlinang na Gawain
Ipabuklat ang aklat sa mga pahina 177 at 178 ng aklat at ipaliwanag ang
konsepto ng timeline sa mga mag-aaral. Gamitin ang iyong ipinaskil na halimbawa upang
mas maayos itong maipaliwanag.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 178 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Ipasagot ang Subukin sa mga pahina 178 at 179 at Suriin sa mga pahina 180 at
181. Iwasto ito muli gamit ang Susi sa Pagwawasto at talakayin ang sagot ng
ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
3. Para sa Sanayin sa pahina 181 ng aklat, ipalabas ang ipinadala sa kanilang mga
kagamitan. Bigyang-gabay ang mga mag-aaral sa paggawa ng timeline. Ilahad
sa mga mag-aaral ang rubric sa pagmamarka ng kanilang gawain at ipaliwanag
ito.

SUSI SA PAGWAWASTO
Tuklasin
Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.

Sagutin
Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.

Sagutin
Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.

Sagutin
Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.

82
Sagutin
Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral

Subukin
1. J 4. L
2. J 5. J
3. J

Suriin
1. a 4. b
2. a 5. b
3. b

Aralin 5
Ang mga Tuntunin ng Paaralan
Mga Pahina sa Aklat: 182–192
Mungkahing Bilang ng Araw: 3

MGA LAYUNIN NG ARALIN AT KATUMBAS NA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO


BATAY SA K TO 12 KURIKULUM
Mga Layunin Pamantayan sa Pagkakatuto Batay sa K
to 12 Kurikulum
• Natutukoy ang mga tuntunin ng • AP1PAA-IIIe-9
paaralan • AP1PAA-IIIe-10
• Nasasabi sa klase ang kahalagahan • AP1PAA-IIIf-11
ng mga tuntunin ng paaralan • AP1PAA-IIIg-12
• Nailalahad sa klase ang mga epekto
ng pagsunod at hindi pagsunod sa
mga tuntunin ng paaralan
• Nakikilala ang mga gawi na
nagpapakita ng pagsunod sa
tuntunin ng paaralan
• Naipaliliwanag ang kahalagahan ng
pagsunod sa tuntunin ng paaralan
• Nasusuri ang larawan kaugnay ng
tuntunin sa paaralan
• Nasasabi sa klase ang mga
sinusunod na tuntunin sa sariling
paaralan

MALAKING IDEYA
Ang pagsunod sa tuntunin ay pagpapakita ng disiplinang pansarili.

MAHALAGANG TANONG
Bakit kailangang sundin ang mga tuntunin ng paaralan?

83
TEKNOLOHIYA AT MGA SANGGUNIAN
• infomercial na “Ugaling Wagi: Wastong Asal sa
Paaralan,” https://www.youtube.com/watch?v=bvr48YaIerU
• infomercial na “School Rules and Regulations” ni Hema
Latha, https://www.youtube.com/watch?v=l9FdDu2q2a4

MGA KAGAMITAN
• audio-video player
• isang medium-sized na hula hoop
• stopwatch o relo
• bond paper na may nakaguhit na smileys (J at L)

PAMAMARAAN
Unang Araw (Ang mga Tuntunin)
Panimulang Gawain
1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Tuklasin sa pahina 182 ng aklat bilang pre-
assessment activity. Iwasto ang gawain ng mga mag-aaral.
2. Magpalaro ng Don’t Touch the Ring.
Panuto: Pabuuin ang mga mag-aaral ng pangkat na mayroong sampung kasapi.
Papiliin sila ng pinuno. Magpalabunutan ng numero kung sino ang mauunang
gagawa sa kanila.
• Ang unang pangkat na mapipili ay kailangang dumaan sa hula hoop na hawak
nang patayo ng guro. Maaari silang gumamit ng kahit anong paraan upang
makadaan dito, ngunit hindi maaaring tumama ang kahit anong bahagi ng
kanilang katawan o uniporme sa mga gilid nito. Kapag tumama ang bahagi ng
katawan o uniporme, awtomatikong patitigilin na ang pangkat na kasalukuyang
lumalahok. Ang susunod na pangkat na ang siyang makikilahok.
• Ang pangkat na nakapagpadaan ng kanilang mga kasapi nang walang tumatama
at may pinakamabilis na oras ang siyang magwawagi.

Panlinang na Gawain
1. Ipabuklat ang aklat sa pahina 183. Basahin ang panimulang pangungusap ng paksa.
Magbigay ng maikling paliwanag ukol sa tuntunin, at matapos nito ay ipabasa sa
mga mag-aaral ang mga inihalimbawang tuntunin.
2. Balikan ang isinagawang laro. Itanong sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng
pagsunod sa tuntunin o rules ng laro, at ano ang benepisyo ng pagsunod sa
ikauunlad ng kanilang pangkat.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 184 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang paglalahat, itanong sa mga mag-aaral kung nasusunod nila ang mga
tuntuning nakasaad. Maaaring tumawag ng mga boluntaryo upang magbahagi ng
kanilang karanasan sa pagsunod sa mga tungkuling ito.
3. Bilang takdang-aralin, sabihin sa mga mag-aaral na tanungin nila ang kanilang mga
magulang ukol sa sumusunod:

84
• Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga tuntunin ng paaralan?
• Ano pa ang ibang tuntunin ng paaralan?

Ikalawang Araw
Panimulang Gawain
1. Magkaroon ng maikling balik-tanaw ukol sa paksang tuntunin. Maaaring itanong
muli sa mga mag-aaral ang mga halimbawang tuntunin na kanilang sinusunod.
2. Isulat sa pisara ang pamagat ng paksa.

Panlinang na Gawain
1. Basahin ang paunang teksto ng paksa sa pahina 185 ng aklat. Ipabasa sa mga
lalaking mag-aaral ang unang dalawang halimbawa ng pagsunod sa tuntunin, at sa
mga babae naman ang dalawang sumunod na halimbawa. Pabigyang-pansin sa mga
mag-aaral ang mga larawang kaugnay ng binasang teksto.
2. Ipalabas sa mga mag-aaral ang kanilang mga takda. Magbigay ng tig-isa’t
kalahating minuto sa bawat mag-aaral upang magbahagi ng kaniyang mga sagot.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 186 ng aklat. Talakayin ang sagot ng ilang mag-
aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang bahagi ng paglalahat, ipakuha sa mga mag-aaral ang mga bond paper na
may nakaguhit na emoticons (J at L). Pangkatin sila sa limang grupo at paupuin
ng pabilog.
Panuto: Magbigay ng ilang mga halimbawang sitwasyon na
nagpapakita ng benepisyo ng pagsunod sa tuntunin, o nagpapakita ng
kapahamakan dahil sa hindi pagsunod sa alituntunin sa bahay, sa labas nito, at sa
paaralan. Atasan ang mga mag-aaral na itaas ang J kung benepisyo ito. Ipataas
ang L kung ito ay kapahamakan. Kailangan ding pare-pareho ang itinaas ng mga
kasapi ng bawat pangkat. Kung magkakaiba ang mga ito, walang matatanggap na
puntos ang pangkat kahit na mas nakararami sa kanila ang nakapagbigay ng
tamang kasagutan. Ang pangkat na may pinakamaraming puntos ang
magwawagi.

Ikatlong Araw (Epekto ng Pagsunod at Hindi Pagsunod sa mga Tuntunin)


Panimulang Gawain
1. Ipanood ang “Ugaling Wagi: Wastong Asal sa Paaralan” at ipasagot sa mga mag-
aaral ang tanong: Anong mga ugali sa paaralan ang binigyang-pansin sa video?
2. Isulat sa pisara ang pamagat ng paksa.

Panlinang na Gawain
1. Basahin ang paunang teksto ng paksa sa pahina 187 ng aklat. Pabigyang-pansin
sa mga mag-aaral ang mga larawang kaugnay ng binasang teksto at ipatukoy sa
kanila ang aksiyon na nagpapakita ng pagsunod sa mga tuntunin ng paaralan.
Ipabasa sa
mga babaeng mag-aaral ang mga mabubuting epekto, at sa mga lalaki naman ang
masasamang epekto.
2. Iguhit sa pisara ang J at L na mga smiley. Tumawag ng mga boluntaryo na
magsasabi ng mga resulta ng mabubuting epekto ng pagsunod sa tuntunin, at mga

85
resulta ng masasamang epekto ng di-pagsunod. Isulat sa J ang mabubuting
epekto, at sa L naman ang masasama.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 189 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Subukin sa pahina 190, Suriin sa mga pahina 191
at 192, at Sanayin sa pahina 192. Ipaliwanag ang mga panuto bago ipagawa ang
mga ito. Iwasto ang kanilang mga kasagutan. Para sa Sanayin, bigyan ang bawat
mag-aaral ng tig-dalawang minuto upang makapagbahagi ng kaniyang kasagutan.

SUSI SA PAGWAWASTO
Tuklasin

Sagutin
1. Ibalik ang aklat sa lalagyan.
2. Pumila nang maayos.
3. Itapon ang kalat sa basurahan.

Sagutin
unang larawan – Upang hindi makasakit ng kamag-aral
ikalawang larawan – Upang pahalagahan ang paaralan
ikatlong paaralan– Upang matuto sa aralin

Sagutin
Ang una at ikatlong larawan ang may kulay.

Subukin
Ang may tsek ay ang una, ikatlo, at ikalimang larawan.

86
Suriin
1. b 4. a
2. a 5. a/b
3. b

Aralin 6
Pagpapahalaga sa Paaralan
Mga Pahina sa Aklat: 193–201
Mungkahing Bilang ng Araw: 3

MGA LAYUNIN NG ARALIN AT KATUMBAS NA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO


BATAY SA K TO 12 KURIKULUM
Mga Layunin Pamantayan sa Pagkakatuto Batay sa
K to 12 Kurikulum
• Natutukoy ang mga gawi na • AP1PAA-IIIc-5
nagpapakita ng pagpapahalaga sa • AP1PAA-IIIh-13
paaralan
• Naipaliliwanag ang kahalagahan ng
paaralan sa buhay at sa komunidad
• Naiisa-isa ang mga gawi at kilos na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa
paaralan
• Nailalahad ang paraan ng
pagpapahalaga sa paaralan
• Nasusuri ang larawan na kaugnay ng
pagbibigay ng pagpapahalaga sa
paaralan
• Naisusulat ang mga kahalagahan ng
paaralan sa buhay ng mag-aaral

MALAKING IDEYA
Ang pag-aaral nang mabuti ay pagpapahalaga sa paaralan.

MAHALAGANG TANONG
Paano ko mapahahalagahan ang aking paaralan?

TEKNOLOHIYA AT MGA SANGGUNIAN


• video ng “I Went To School One Morning” ng Kids Songs
English, https://www.youtube.com/watch?v=GTTs22wypoA
• video ng “School Song for Children” ng
TurnOnYourEnglish, https://www.youtube.com/watch?v=zYqX6gNv7io&list=R
DGTTs22wypoA&index=6
• video ng “Clean Up Song for Children” ng ELF Kids Videos,
https://www.youtube.com/watch?v=-xEoRcRmFqs

87
MGA KAGAMITAN
• audio/video player

Unang Araw (Dahilan ng Pagpapahalaga sa Paaralan)


Panimulang Gawain
1. Ipasagot ang Tuklasin sa pahina 193 ng aklat bilang pre-assessment activity.
Iwasto ang sagot ng mga mag-aaral.
2. Ipapanood sa mga mag-aaral ang “I Went to School One Morning.” Sabihing
pag-aralan nila ang awit. Ipapanood sa kanila ang video nang isa pang ulit. Sa
ikalawang pag-ulit ay pasabayan sa kanila ang pag-awit. Matapos ang
pagpapaawit, itanong sa mga mag-aaral kung saan patungo ang bata na nasa
video.
3. Isulat sa pisara ang pamagat ng aralin at ipabasa ito sa mga mag-aaral.

Panlinang na Gawain
Basahin ang paunang teksto ng paksa na nasa pahina 194 at ipaliwanag ito sa mga
mag-aaral. Ipabasa sa kanila ang mga dahilan ng pagpapahalaga sa paaralan. Matapos
nito, pabigyang-pansin ang larawan na kaugnay sa paksa at ipatukoy sa mga mag-aaral
ang aksiyon na isinasagawa sa larawan.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 195 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang bahagi ng paglalahat, magbigay ng tatlumpung segundo sa bawat mag-
aaral upang makapagbahagi ng kaniyang dahilan kung bakit dapat pahalagahan
ang paaralan.
3. Bilang takdang-aralin, atasan ang mga mag-aaral na itanong sa kanilang mga
magulang kung ano-anong gawain ng komunidad ang ginagawa sa paaralan.

Ikalawang Araw (Ang Kahalagahan ng Paaralan sa Komunidad)


Panimulang Gawain
1. Maglaan ng tig-isang minuto para sa bawat mag-aaral upang maibahagi ang
kaniyang takdang-aralin. Isulat sa pisara ang bawat sagot.
2. Ipabuklat ang aklat sa pahina 196.

Panlinang na Gawain
1. Basahin ang paunang teksto ng paksa at pabigyang-pansin ang mga larawan.
Ipabasa sa mga mag-aaral kung bakit mahalaga ang paaralan sa kumunidad.
2. Itanong sa mga mag-aaral kung mayroon pa silang gawaing maidaragdag na
nagpapapakita ng kahalagahan ng paaralan sa komunidad. Itala ang kanilang mga
kasagutan sa pisara.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 197 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang bahagi ng paglalahat, magsagawa ng tableau. Hatiin ang mga mag-aaral
sa apat na pangkat at ipasadula ang sumusunod na mga eksena:
a. paaralan bilang evacuation center

88
b. paaralan tuwing PTA meeting
c. paaralan tuwing may pagpupulong ng barangay
d. paaralan bilang lugar ng halalan
3. Ang pangkat na may pinakamaayos at pinakamagandang tableau ang
magwawagi.

Ikatlong Araw (Mga Paraan ng Pagpapahalaga sa Paaralan)


Panimulang Gawain
1. Ipapanood sa mga mag-aaral ang ”School Song for Children.” Atasan ang mga
mag-aaral na pakinggang mabuti ang awit. Pagkatapos, ipapanood muli ang
video. Sa pagkakataong ito ay hikayatin sila na sumabay sa awitin.
2. Isulat sa pisara ang pamagat ng paksa.

Panlinang na Gawain
Basahin ang paunang teksto ng paksa na nasa pahina 197 ng aklat. Ipabasa sa mga
mag-aaral ang mga paraan sa mga pahina 197 at 198 at pabigyang-pansin ang mga
larawan. Matapos nito, itanong sa kanila kung alin sa mga gawain ang kanilang ginagawa
upang pahalagahan ang paaralan.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 198 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Ipagawa ang Subukin sa pahina 199 at Suriin sa mga pahina 200 at 201. Iwasto
muli ang mga ito.
3. Para sa Sanayin sa pahina 201 ng aklat, basahin ang panuto at ipaliwanag ito sa
mga mag-aaral. Ilahad sa kanila ang rubric sa pagmamarka ng kanilang gawain at
ipaliwanag ito. Magbigay ng tig-dalawang minuto para sa bawat mag-aaral upang
makapagbahagi sa klase.

SUSI SA PAGWAWASTO
Tuklasin
Larawan ng mga naglilinis, at ng mga nagpupulong, sa silid-aralan

Sagutin
Magkadugtong ng guhit ang:
1. Tinuturuan ako sa paaralan na maging masinop - ikatlong larawan
2. Tinuturuan ako sa paaralan na maging magalang – unang larawan
3. Tinuturuan ako sa paaralan na magsulat at magbilang – ikalawang larawan

Sagutin
ikalawa at ikatlong larawan

Sagutin
una at ikatlong larawan

Subukin
Nakadugtong ng guhit ang:
1. Pagwawalis sa silid-aralan – ikatlong larawan
2. Pagsuot ng wastong uniporme – unang larawan

89
3. Pagaayos ng mga gamit sa paaralan – ikalawang larawan
4. Paglilinis ng kapaligiran ng paaralan – ikalimang larawan
5. Pagpasok sa tamang oras – ikaapat na larawan

Suriin
1. b 4. a
2. a 5. a
3. a/b

Aralin 7
Mga Epekto sa Akin ng Pag-aaral
Mga Pahina sa Aklat: 202–210
Mungkahing Bilang ng Araw: 3

MGA LAYUNIN NG ARALIN AT KATUMBAS NA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO


BATAY SA K TO 12 KURIKULUM
Mga Layunin Pamantayan sa Pagkakatuto Batay sa
K to 12 Kurikulum
• Naiisa-isa ang mga kahalagahan ng • AP1PAA-IIIi-j-14
pag-aaral sa buhay ng bawat bata
• Natutukoy ang mabuting epekto sa
bawat bata ng pag-aaral
• Napangangatuwiranan ang
pangangailangan ng bawat bata na
makapag-aral
• Nasusuri ang larawan na kaugnay sa
kahalagahan ng pag-aaral sa buhay
ng bawat bata
• Nakapakikinig ng kuwento ng
magulang ukol sa epekto sa buhay
ng nakapag-aral at hindi nakapag-
aral
• Nasasabi ang epekto ng nakapag-
aral at hindi nakapag-aral sa tao

MALAKING IDEYA
Ang pag-aaral ay susi sa matagumpay na buhay.

MAHALAGANG TANONG
Bakit kailangan ko na mag-aral?

TEKNOLOHIYA AT MGA SANGGUNIAN


• sipi ng cartoon mula sa akda, ”Education and Wrongdoing” mula
sa http://www.dipolognon.com/dipolognonHeadline06072007.htm

90
MGA KAGAMITAN
• papel na may tatlong tanong ukol sa Math, tatlo ukol sa English, at tatlo ukol sa
Science
• isang kartulina na may dalawang katanungan ukol sa kakayahan at pangarap
(nasa ibaba)
• limang ¼ illustration board, chalk, at pambura para sa limang pangkat

PAMAMARAAN
Unang Araw (Ang Kahalagahan ng Pag-aaral)
Panimulang Gawain
1. Ipasagot ang Tuklasin sa pahina 202 bilang pre-assessment activity. Iwasto ang
gawa ng mga mag-aaral.
2. Ipaskil sa pisara ang kartulina na mayroong mga sumusunod na katanungan:
a. Ano ang iyong mga kakayahan o talento?
b. Ano ang gusto mong trabaho kapag malaki ka na?
c. Sino o ano ang makatutulong sa iyo upang maabot ang mga pangarap
mo?
3. Maglaan ng limang minuto upang masagutan ng mga mag-aaral ang mga tanong.
4. Isulat sa pisara ang pamagat ng paksa.

Panlinang na Gawain
1. Ipabuklat ang aklat sa pahina 203. Basahin ang paunang teksto ng paksa at
ipaliwanag ito. Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga kahalagahan ng pag-aaral.
2. Balikan ang mga katanungan ng sinagutan ng mga mag-aaral. Maglaan ng
dalawang minuto para sa bawat mag-aaral upang makapagbahagi ng kaniyang
sagot.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 204 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang bahagi ng paglalahat, hatiin ang mga mag-aaral sa limang pangkat.
Ipamahagi ang limang illustration board, chalk, at pambura sa bawat pangkat.
Pagkatapos, ihanda ang mga katanungan ukol sa Math, English, at Science.
Bigyan ng 10–15 segundo ang bawat pangkat na maisulat ang kanilang mga
sagot, at matapos nito ay itataas nila ang kanilang mga board. Ang unang pangkat
na makapagtaas nang may tamang sagot ang mabibigyan ng puntos. Ang pangkat
na may pinakamaraming puntos ang siyang magwawagi.

Ikalawang Araw (Mabubuting Epekto ng Pag-aaral)


Panimulang Gawain
1. Balikan ang mga tamang sagot sa Tuklasin at itanong sa mga mag-aaral kung alin
sa mga aytem na ito ang kanilang ginagawa. Tumawag ng ilang boluntaryo upang
magbahagi ng kanilang mga kasagutan.
2. Ipaskil sa pisara ang sipi ng tulang “Tayo ay Mag-aral.” Ipabasa sa mga mag-
aaral ang tula.

91
Mag-aral Tayo
Mga bata, mag-aral tayo,
nang maging marunong sa kinabukasan
Kabataan, tayo ang pag-asa ng bayan
na sa hinaharap ay maaasahan
Ang dunong ay yamang hindi lilipas,
hindi nananakaw, hindi mawawala

Panlinang na Gawain
Ipabuklat ang aklat sa pahina 204 at basahin ang paunang teksto ng paksa. Ipabasa
sa mga mag-aaral ang mga mabubuting epekto ng pag-aaral. Pagkatapos, pabigyang-
pansin ang larawan na kaugnay ng binasang teksto at itanong kung alin sa mga nabanggit
ang kanilang ginagawa.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 205 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang bahagi ng paglalahat, ipalarawan sa klase ang cartoon. Itanong sa kanila
kung ano ang ibinibigay ng nakatatanda sa bata, at kung bakit tila gusto itong
tanggapin ng bata.

3. Bilang takdang-aralin, atasan ang mga mag-aaral na magtanong sa kanilang mga


magulang ukol sa naging buhay ng mga batang nakapag-aral at hindi nakapag-
aral.

Ikatlong Araw (Masasamang Epekto ng Hindi Nakapag-aral)


Panimulang Gawain
1. Itanong sa mga mag-aaral kung sila ay sang-ayon o hindi sang-ayon sa
sumusunod na pahayag:
• Hindi ako matututong magbasa kapag hindi ako nakapag-aral.
• Hindi ako matututong magbilang kapag hindi ako nakapag-aral.
• Hindi ako magkakaroon ng ibang taong kakilala kapag hindi ako nakapag-
aral.
2. Pagkatapos makuha ang kanilang mga kasagutan, isulat sa pisara ang pamagat ng
paksa at ipabuklat ang aklat sa pahina 206.

Panlinang na Gawain
1. Basahin ang paunang teksto ng paksa. Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga
masasamang epekto ng hindi nakapag-aral.

92
2. Ipatukoy sa mga mag-aaral ang mga larawan na kaugnay ng binasang
pangungusap. Itanong kung mayroon silang mga kakilala na nakararanas ng
ganitong mga masasamang epekto, at kung mayroon silang ginagawang mga
paraan upang tumulong.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 207 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral. Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Ipagawa ang Subukin sa pahina 208 at Suriin sa pahina 209 at 210.
3. Para sa Sanayin sa pahina 210 ng aklat, maglaan ng tig-dalawang minuto para sa
bawat mag-aaral na makapagkuwento ng kaniyang mga nalaman mula sa
kaniyang mga magulang. Ilahad sa mga mag-aaral ang rubric sa pagmamarka ng
kanilang gawain at ipaliwanag ito.

SUSI SA PAGWAWASTO
Tuklasin
May kulay ang bituin ng una at ikalawang larawan.

Sagutin
May guhit ng araw sa una at ikatlong larawan.

Sagutin
May bilog ang parehong larawan sa itaas.

Sagutin
May ekis ang ikalawang larawan sa itaas.

Subukin
1. L
2. J
3. L
4. J
5. L

Suriin
1. a
2. b
3. a/b
4. b
5. a

93
PAMAMARAAN SA PAGTATAPOS NG YUNIT

MGA LAYUNIN
• Makapaglahad ng paglalahat ukol sa kabuuan ng yunit
• Makapagsagawa ng pagtatanghal kaugnay ng yunit

MALAKING IDEYA
Ang gawaing nasimulan ay dapat na tapusin upang malinang ang pansariling
kasanayan.

MAHALAGANG TANONG
Paano dapat paghandaan ng bawat mag-aaral ang anumang gawaing kaniyang
isasagawa?

MGA KAGAMITAN
• sipi ng Performance Task Blueprint
• projector
• kompyuter o laptop

PAMAMARAAN (Laang Panahon: Dalawang araw)


Unang Araw (Pagtataya sa Kaalamang Nakuha ng mga Mag-aaral sa mga Aralin ng
Yunit 3)
Panimulang Gawain
Isulat sa pisara ang Mahalagang Ideya ng Yunit at pagkatapos ay basahin ito.

Panlinang na Gawain
1. Ipaskil sa pisara ang talahanayan ng mga paksa. Basahin ang panuto at ipaliwanag
ito sa mag-aaral.
2. Hikayatin ang mga mag-aaral na maging matapat sa sariling pagtataya ng kanilang
pagkatuto.
Panuto: Kulayan ang smileys na angkop sa iyong natutunan sa paksa. Babasahin ng
guro ang mga paksa. Kulayan ang smileys na angkop sa dami ng iyong natutunan.

Mga Aralin Antas ng Pagkatuto sa Aralin


Maraming Katamtamang Kaunting
Natutunan Natutunan Natutunan

Pagkilala sa Aking
Paaralan
Ang Paligid ng Paaralan

Mga Lingkod sa Paaralan


Ko
Mga Pagbabago sa
Paaralan
Ang mga Tuntunin ng
Paaralan

95
Pagpapahalaga sa
Paaralan
Mga Epekto sa Akin ng
Pag-aaral

3. Atasan ang mga mag-aaral na ibahagi sa klase ang resulta ng kanilang ginawa.

Paglalahat at Pagtataya
1. Bilang paglalahat, sabihin sa klase na ang bawat mag-aaral ay may paaralang
pinapasukan at may tuntunin itong dapat sundin. May mga lingkod din sa paaralan
na nagbibigay ng serbisyo sa mga mag-aaral. Matutukoy ng mga mag-aaral ang
mga pagbabago sa paaralan kapag inalam nila ang kasaysayan nito. Gayundin, ang
mga batang nakapag-aral ay nagpapahalaga sa paaralan.
2. Basahin ang pamagat ng unang aralin at kunin ang pagtatayang pansarili ng mga
mag-aaral sa kanilang natutunan sa aralin. Pagkatapos, gawin ito sa iba pang
kasunod na mga aralin.
3. Ipapasa ang kanilang kinulayang talahanayan.

Ikalawang Araw
Panimulang Gawain
Ipaskil sa pisara ang Performance Task Blueprint at ipaalala kung kailan nila ito
unang nakita. Ipahanda rin sa mga mag-aaral ang mga kagamitang kailangan nila dito.

Panlinang na Gawain
1. Sabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng nilalaman ng Performance Task
Blueprint at ipaliwanag ito.
2. Sabihin sa bawat pangkat ang inaasahang gawain na dapat nilang ipakita sa
klase. Gabayan ang bawat pangkat sa kanilang paghahanda. Maglaan ng sapat
na oras para sa paghahanda ng mga mag-aaral.

Paglalahat at Pagtataya
1. Atasan ang mga pangkat na isagawa ang kanilang inihandang presentasyon ng
Performance Task. Gamitin ang rubric na nasa huling mga pahina ng Gabay sa
Pagtuturo ng Guro upang markahan ang resulta ng ginawa ng mga mag-aaral.
2. Bilang paglalahat, sabihin sa klase na mahalaga ang pagsasakatuparan ng isang
gawain upang matukoy at mapaunlad ang kakayahan at kasanayan ng bawat
mag-aaral.
3. Bigyan ng emoticons ang miyembro ng bawat pangkat na nagsagawa ng
kanilang gawain. Purihin din ang klase sa kanilang kooperasyon.

PAGSUSULIT SA YUNIT 3
I. Kulayan ang ng tamang sagot.
1. Ang posibleng pinagmulan ng pangalan ng paaralan

pangalan ng bayani punong-guro

96
2. Ang inaalala tuwing Foundation Day

kapanganakan ng guro pagkatatag ng paaralan

3. Ang sagisag ng paaralan na inaawit

school flag school hymn

4. Ang nakatala sa address ng paaralan

kinaroroonan ng paaralan pangalan ng mag-aaral

5. Ang nakasulat sa school marker

pangalan ng paaralan pangalan ng may-ari ng paaralan

6. Ang epekto sa mag-aaral ng paaralang may kapaligirang mainit

nahihirapang matuto nadadaliang matuto

7. Ang epekto sa mag-aaral ng paaralang may kapaligirang malinis

nagkakasakit ang mag-aaral malusog ang mag-aaral

8. Ang epekto sa mag-aaral ng sirang kagamitan sa paaralan

nakapag-aaral nang maayos nahihirapan sa pag-aaral

9. Ang epekto sa paaralan kung itinatapon ang basura sa tamang tapunan

maruming kapaligiran malinis na kapaligiran

10. Ang epekto sa mga mag-aaral kung maingay sa paaralan

walang natututunan maraming natututunan

II. Idugtong ng guhit ang hugis ng tauhan sa paaralan sa na kanilang angkop na


gawain sa paaralan.
1. doctor nagtuturo ng mga aralin

2. guro tinitiyak na maayos ang


pagpapatupad ng mga programa sa
paaralan
3. mag-aaral gumagamot sa mga nagkakasakit
sa loob ng paaralan

4. nars nagtatala ng taas at timbang ng

97
bawat mag-aaral sa simula ng
pasukan
5. punong-guro pumapasok sa paaralan at
tinuturuan
III. Idugtong ng guhit ang tao sa paaralan sa kanilang gamit sa gawain sa paaralan.
1. canteen staff (larawan ng aklat)
2. dentista (larawan ng sasakyang school service)
3. drayber (larawan ng pinggan, baso, at spoon and fork)
4. dyanitor (larawan ng dentist chair/stool)
5. librarian (larawan ng mop at walis)

IV. Isulat sa patlang ng bilang ang TAMA kung angkop ang pagbabagong isinasaad sa
pangungusap at larawan, at isulat ang MALI kung hindi angkop ang salita at larawan.
1.________ Dumami ang bilang ng (larawan ng tatlong mag-aaral sa
mga mag-aaral sa loob ng classroom)
paaralan.
2.________ May bagong gusali sa (larawan ng lumang gusali)
paaralan.
3._________ May bagong kasangkapan (larawan ng mga bagong
sa paaralan. kasangkapan sa paaralan)
4. ________ May bagong flag pole sa (larawan ng bagong bakal na flag
paaralan. pole sa paaralan)
5. ________ Dumami ang bilang ng (larawan ng maraming magulang sa
guro sa paaralan. school gate)

V. Isulat sa patlang ng bilang ang TAMA kung sinusunod ng mag-aaral ang alituntunin sa
paaralan at MALI kung hindi sinusunod ang alituntunin.
1._______ Pumila nang maayos. (larawan ng batang nakapila ng
maayos papasok sa classroom)
2. _______ Panatilihing malinis ang (larawan ng batang nagtatapon ng
paligid. basura sa basurahan)
3. _______ Ingatan ang kasangkapan. (larawan ng batang ginagawang
kabayo-kabayuhan ang mop)
4._______ Isara ang gripo. (larawan ng batang iniwang
nakabukas ang gripo)
5.________ Ibalik ang aklat sa lalagyan. (larawan ng batang ibinabalik sa shelf
ang kaniyang binasang aklat)

VI. Pag-aralan ang larawan at bilugan ang salitang kukumpleto sa pangungusap.


1. (larawan ng batang nagsusulat)
Natututo akong (magbasa, magsulat) sa paaralan.

2. (larawan ng mga batang kaibigan)


Sa paaralan ay nagkakaroon ako ng (kaibigan, kaaway).

3. (larawan ng batang nakikipag-usap sa kapuwa mag-aaral)


Sa paaralan ay natututo akong (makipag-usap sa iba, makipaglaro sa iba).

98
4. (larawan ng batang tumatanggap ng award)
Sa paaralan ay nagkakaroon ako ng pagkakataon na (mabigo sa gawain, magtagumpay
sa gawain).

5. (larawan ng bata na nakikipag-usap sa klase )


Sa paaralan ay natututo ako ng (bagong kaalaman, bagong pangarap).

6. (larawan ng mga taong biktima ng baha na nasa loob ng school gym)


Ang mga biktima ng kalamidad ay sa paaralan pansamantalang (naglalaro,
naninirahan).

7. (larawan ng mga taong bumuboto sa halalan)


Tuwing halalan, ang mga botante ay sa paaralan (nagsusulat, bumoboto).

8. (larawan ng guro at magulang na nagpupulong)


Ang mga magulang at guro ay sa paaralan (nagpupulong, nagluluto).

9. (larawan ng bata, magulang at guro na naglilinis sa paaralan)


Ang guro, mag-aaral, at magulang sa paaralan ay sama-samang (nag-uusap, naglilinis).

10. (larawan ng batang nagsusuot ng school ID)


Ang mga mag-aaral ay sa paaralan nagsusuot ng kanilang (identification card,
sapatos).

SUSI SA PAGWAWASTO SA PAGSUSULIT NG YUNIT

I. May kulay ang kahapon sa tabi ng mga sumusunod:

1. pangalan ng bayani 6. nahihirapan matuto


2. pagkatatag na paaralan 7. malusog ang mag-aaral
3. school hymn 8. nahihirapan sa pag-aaral
4. kinaroonan ng paaralan 9. malinis na kapaligiran
5. pangalan ng paaralan 10. walang natutunan

II.
1. doktor – gumagamot sa mga nagkakasakit sa loob ng paaralan
2. guro – nagtuturo ng mga aralin
3. mag-aaral – pumapasok sa paaralan at tinuturuan
4. nars – tagapagtala ng taas at timbang ng bawat mag-aaral
5. punong-guro – tinitiyak na maayos ang pagpapatupad ng mga programa sa paaralan

III.
1. canteen staff – pinggan, baso, kutsara, at tinidor
2. dentista – dentist chair o stool
3. drayber – school service
4. dyanitor – mop at walis
5. librarian – aklat

99
IV.
1. Tama 4. Mali
2. Tama 5. Tama
3. Mali

V.
1. Tama 4. Mali
2. Tama 5. Tama
3. Mali

VI.
1. magsulat
2. kaibigan
3. makipag-usap sa iba
4. magtagumpay sa gawain
5. bagong kaalaman
6. naninirahan
7. bumoboto
8. nagpupulong
9. naglilinis
10. identification card

99
Yunit 4
Ang Kapaligiran Ko
KABUUANG PAGTANAW SA YUNIT
Ang mga paksa ng yunit 4 ay nauukol sa kapaligiran ng mga bata. Ang kanilang
mga gawi na makatutulong sa pangangalaga ng kapaligiran ay makapagbibigay sa kanila
nang maayos na pamumuhay. Gayundin, payayabungin nito ang kanilang pagkatao.
Sa dakong huli, ang pag-aaral sa nilalaman ng yunit ay isang hakbang upang
magkaroon nang malinaw na pagtingin ang mga mag-aaral ukol sa kahalagahan ng
kaniyang mga kapaligiran, mga mabubuting gawi at pangangalaga dito, na nakatutulong
upang maging buo ang pagkatao nila bilang mag-aaral na makatao, makakalikasan, at
mapagmahal sa kanilang mga kapaligiran.

MGA INAASAHANG RESULTA


Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa konsepto ng distansiya sa
paglalarawan ng sariling kapaligirang ginagalawan tulad ng tahanan at paaralan, at ang
kahalagahan ng pagpapanatili at pangangalaga nito.

Pamantayan sa Pagganap
Nagagamit ng mga mag-aaral ang konsepto ng distansiya sa paglalarawan ng pisikal
na kapaligirang ginagalawan.

Mga Pangkalahatang Layunin


Sa katapusan ng yunit, ang bawat bata ay inaasahang:
• nakikilala ang konsepto ng distansiya at ang gamit nito sa pagsukat ng lokasyon;
• nagagamit ang iba’t ibang katawagan sa pagsukat ng lokasyon at distansiya sa
pagtukoy ng mga gamit at lugar sa bahay (kanan, kaliwa, itaas, ibaba, harapan,
likuran);
• nailalarawan ang kabuuan, mga bahagi, at nakagagawa ng payak na mapa ng
sariling tahanan at ang mga lokasyon nito;
• nakapagbibigay ng halimbawa ng mga gawi at ugali na nakatutulong at
nakasasama sa sariling kapaligiran, tahanan, at paaralan;
• naiisa-isa ang mga bagay at estruktura na makikita sa nadadaanan mula sa
tahanan patungo sa paaralan;
• naiuugnay ang konsepto ng lugar, lokasyon, at distansiya sa pang-araw-araw na
buhay sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng transportasyon mula sa tahanan
patungo sa paaralan;
• nailalarawan ang pagbabago sa mga estruktura at bagay mula sa tahanan
patungo sa paaralan, at natutukoy ang mga mahalagang estruktura sa mga lugar
na ito;
• nakagagawa nang payak na mapa mula sa tahanan patungo sa paaralan;
• natutukoy ang bahagi at gamit sa loob ng silid-aralan at paaralan at ang lokasyon
ng mga ito;
• nakagagawa nang payak na mapa ng silid-aralan at paaralan;

100
• Naipakikita ang iba’t ibang pamamaraan ng pangangalaga sa tahanan, sa
paaralan, at sa komunidad; at
• naipakikita ang pagpapahalaga sa kapaligirang ginagalawan sa iba’t ibang
pamamaraan at likhang sining.

PAMAMARAAN SA PAGSISIMULA NG YUNIT (Laang panahon: 1 araw)


1. Pangkatin ang klase sa anim na grupo. Ihanda ang mga pangungusap ukol sa
mga nakalista sa ibaba na pahuhulaan sa mga mag-aaral. Kailangang maibigay
nila ang tamang kasagutan sa pinapahulaan:
• Dito nakatira ang pamilya. (bahay)
• Dito ako natututo nang bagong kaalaman. (paaralan)
• Apat hanggang limang tao ang kasya sa sasakyang ito. (traysikel)
• Halos 50 tao ang maaaring sumakay sa sasakyang ito. (bus)
• Ito ang nagbibigay ilaw sa mga kalye at kalsada tuwing gabi. (poste ng
ilaw)
• Ito ang ginagamit na daanan sa ibabaw ng tubig. (tulay)
• Dito ginagamot ang mga may karamdaman at dito din sila inooperahan
kung sakali. (ospital)
Ang pangkat na may pinakamaraming puntos ang siyang magwawagi.
2. Ipabuklat ang aklat sa pahina 211 at ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto ng
introduksiyon. Pabigyang-pansin ang larawan at itanong kung saan maaaring
patungo ang mga bata dito.
3. Hatiin ang klase sa iba’t ibang pangkat at bigyan sila ng sipi ng Performance
Task Blueprint. Ipabasa sa bawat pangkat ang sipi na kanilang natanggap at
ipaliwanag sa klase na ang bawat pangkat ay inaasahang isasagawa ang
Performance Task sa pagtatapos ng pagtalakay sa mga aralin ng yunit 4.

Performance Task Blueprint


Pangkat blg: ______ Petsa ng Pagtatanghal _______
Pamantayan sa pagganap:
Nagagamit ang konsepto ng distansiya sa paglalarawan ng pisikal na kapaligirang
ginagalawan.

Layunin:
Makagawa ng mapa na nagpapakita ng konsepto ng distansiya ukol sa pisikal na
kapaligiran ng sariling paaralan
Panuto sa Gawain:
1. Ang inyong pangkat ay guguhit ng mapa ng paaralan na nagpapakita ng
distansiya ng mga silid-aralan sa iba pang mga silid sa paaralan.
2. Ipakikita ng inyong pangkat ang naiguhit ninyong mapa.
3. Ipaliliwanag ninyo sa klase ang distansiya ng mga bagay na nasa inyong iginuhit
na mapa.

101
Aralin 1
Distansiya at Lokasyon
Mga Pahina sa Aklat: 212–221
Mungkahing Bilang ng Araw: 3

MGA LAYUNIN NG ARALIN AT KATUMBAS NA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO


BATAY SA K TO 12 KURIKULUM
Mga Layunin Pamantayan Sa Pagkakatuto batay sa K
to 12 Kurikulum
• Natutukoy ang kahulugan ng • AP1KAP-Iva-1
distansiya at lokasyon • AP1KAP-Iva-2
• Nailalahad ang mga salitang
ginagamit sa pagtukoy ng distansiya
at lokasyon ng mga bagay
• Nakasusunod sa panuto ng mga
gawain
• Nasusuri ang mga larawan ukol sa
lokasyon ng mga bagay
• Nakaguguhit ng mapa ng lokasyon
ng mga bagay sa tahanan
• Naiuugnay ang larawan sa layo at
lokasyon ng mga bagay
• Nakasasagot sa tanong ng guro ukol
sa lokasyon ng mga bagay sa
tahanan
• Napangangatuwiranan ang
kahalagahan ng kaalaman ukol sa
layo at lokasyon ng mga bagay

MALAKING IDEYA
Madaling matukoy at maituro ang kinaroroonan ng isang bagay kung alam ang layo
at lokasyon nito.

MAHALAGANG TANONG
Bakit mahalagang malaman ko ang layo at lokasyon ng mga bagay sa akin?

MGA KAGAMITAN
• laruang eggshell na may lamang tubig
• notebook
• ¼ illustration board na may drowing ng bahay (perspective view)
• cutout ng isang bata, may masking tape sa likod ng cutout
• bag
• ribbon

102
PAMAMARAAN
Unang Araw (Kahulugan ng Distansiya)
Panimulang Gawain
1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Tuklasin sa pahina 212 ng aklat bilang pre-
assessment activity. Iwasto ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasagutan
sa Susi sa Pagwawasto.
2. Tumawag ng dalawang boluntaryo upang maglaro ng Layo-Lapit-Salo.
Panuto: Ilalabas ng guro ang laruang eggshell na may lamang tubig. Iaabot ito
sa isa sa dalawang mag-aaral at aatasan siyang ihagis ang eggshell papunta sa
kaniyang kapareha nang hindi ito mabubuksan o mababasag. Ihahagis lamang
ng magkapareha ang eggshell kapag nagsalita na ang guro ng “Lapit!,” na
nangangahulugang magkalapit sila habang inihahagis ito. “Layo!,” “Layo pa!,”
“Lapit ulit!,” at “Layo ulit!” ang ilan sa mga maaaring isigaw ng guro.
Pagkatapos nito, paupuin na ang dalawang mag-aaral.

Panlinang na Gawain
1. Ipabuklat ang aklat sa pahina 213 at basahin ang paunang talata ng paksa.
Pagkatapos, ipaliwanag sa klase ang kahulugan ng distansiya. Maaaring balikan
ang laro kanina upang magsilbing halimbawa.
2. Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga halimbawa ng distansiya. Pabigyang-pansin
sa mga mag-aaral ang bawat larawan. Muling tumawag ng mga boluntaryo
upang gayahin ang mga nasa larawan.
3. Hatiin ang klase sa apat na pangkat na maglalaro ng sumusunod:
Panuto: Ilagay ang bag sa isang panig ng silid-aralan at tanungin ang bawat
pangkat kung ito ay malapit sa isa pang tao, kagamitan, o bahagi ng silid-aralan.
Ang pangkat na may pinakamaraming wastong sagot ang pagkakalooban ng
guro ng ribbon.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 214 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasagutan sa Susi sa Pagwawasto.
Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang bahagi ng paglalahat, ipalahad sa mga mag-aaral ang kahulugan ng
distansiya.
3. Magpaguhit sa notebook ng mga mag-aaral ng isang bagay sa loob ng silid-
aralan na malayo at malapit sa kanila. Iwasto ang kanilang gawa.
4. Bilang takdang-aralin, magpadala ng mga panyo na magsisilbing piring nila para
sa gawain sa susunod na paksa.

Ikalawang Araw (Kahulugan ng Lokasyon)


Panimulang Gawain
1. Atasan ang mga mag-aaral na alalahanin kung saan nakaupo ang bawat isa sa
kanilang mga kaklase. Matapos ang dalawang minuto, ipakuha ang mga panyo
na ipinadala sa takdang-aralin at atasan ang mga mag-aaral na piringan ang
kanilang mga mata. Pagkatapos nito, magwika ng mga sumusunod na
halimbawang salita:
“Ako ay narito sa likod, sa kaliwa ni (pangalan ng mag-aaral). Sino naman ang
narito sa aking kanan?” (magbibigay ng sagot ang mga mag-aaral.)

103
“Ngayong narito ako sa likod, sino naman ang nariyan sa harap, ikatlo mula sa
kaliwa?” (magbibigay muli ng sagot)
2. Ipabukas sa mga mag-aaral ang pahina 215 ng kanilang aklat at ipabasa ang
pamagat ng paksa. Isulat sa blackboard ang salitang lokasyon at ipabasa ang
kahulugan nito sa mga mag-aaral.

Panlinang na Gawain
1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga halimbawa ng mga salitang ginagamit sa
lokasyon. Pabigyang-pansin ang mga salitang ginagamit sa pagtukoy ng
lokasyon na ipinapakita sa bawat larawan.
2. Hatiin ang klase sa apat na pangkat at ibigay ang panuto sa kanilang paglalaro.
3. Panuto: Ituturo ng guro ang isang bagay na matatagpuan sa silid-aralan at
tatanungin niya ang bawat pangkat kung ang narito o naroon ang angkop na
salita para matukoy ang lokasyon nito. Ang pangkat na may pinakamaraming
wastong sagot ang pagkakalooban ng guro ng ribbon.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 216 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral sa pamamagitan ng Susi sa Pagwawasto. Talakayin ang sagot ng ilang
mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang bahagi ng paglalahat, ipatukoy sa mga mag-aaral ang kahulugan ng
salitang lokasyon.
3. Ipasulat sa notebook ng mga mag-aaral ang hinihingi sa talahanayan.

Tatlong bagay na narito Tatlong bagay na naroon


sa silid-aralan sa tahanan
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. Maglaan nang dalawang minuto para sa bawat mag-aaral upang ibahagi sa klase
ang resulta ng kanilang ginawa.
5. Ibigay ang Sanayin sa pahina 221 ng aklat bilang takdang-aralin.

Ikatlong Araw (Mga Katawagan sa Pagtukoy ng Lokasyon)


Panimulang Gawain
1. Ilabas ang illustration board na may guhit ng bahay sa perspektibong anggulo, at
ang cutout ng bata na may masking tape sa likod. Isabit ang illustration board sa
blackboard.
2. Atasan ang ilang boluntaryong mag-aaral na ilagay ang cutout sa lugar na
babanggitin ng guro. Halimbawa:
“Ang bata ay nasa kanan ng bahay.”
“Lumipat siya sa likuran ng bahay.”
“Pumunta naman siya sa kaliwa ng bahay.”
“Umakyat siya sa itaas ng bubong.”
3. Isulat sa blackboard ang pamagat ng paksa at ipabuklat ang aklat sa pahina 216.

Panlinang na Gawain
1. Basahin ang paunang teksto ng paksa at magbigay ng paliwanag. Tumawag ng
mga boluntaryong isasagawa ang sumusunod:

104
• nasa kaliwa ng upuan • nasa itaas ng upuan
• nasa kanan ng upuan • nasa ibaba ng upuan
• nasa harapan ng pintuan ng • nasa ibabaw ng lamesa
silid-aralan • nasa ilalim ng upuan
• nasa likuran ng guro
2. Ipakuha ang takdang-aralin na larawan ng bahay. Maglaan nang dalawa
hanggang tatlong minuto upang makapagbahagi ang mga mag-aaral sa kanilang
mga katabi.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 218 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasagutan sa Susi sa Pagwawasto.
Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Subukin sa pahina 219 at Suriin sa pahina 220 at
221. Ipaliwanag nang maayos ang mga panuto sa bawat gawain bago ipasagot
ang mga ito. Iwasto ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasagutan sa Susi
sa Pagwawasto.
3. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Alamin sa pahina 212 at pasagutan ito sa kanila.
Bigyang pansin ang bahagi ng sagot ng mga mag-aaral na dapat palawigin at
iwasto.

SUSI SA PAGWAWASTO
Tuklasin
1. harapan 3. ibaba
2. likuran

Sagutin
May bakat ang
1. larawan ng baso at plato sa kaliwa
2. larawan ng mga prutas sa kanan

Sagutin
1. narito – ikatlong larawan
2. nariyan – unang larawan
3. naroon – ikalawang larawan

Sagutin
1. May guhit ng bilog sa kaliwa at bituin sa kanan.
2. May kulay pula ang bola at may kulay asul ang baso.
3. May bilog ang mga kotse at may kahon ang mga bata.

Subukin
1. J 3. L 5. L
2. J 4. L

Suriin
1. b 4. b
2. a 5. b
3. a

105
Aralin 2
Ang Tahanan Ko
Mga Pahina sa Aklat: 222–232
Mungkahing Bilang ng Araw: 2

MGA LAYUNIN NG ARALIN AT KATUMBAS NA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO


BATAY SA K TO 12 KURIKULUM
Mga Layunin Pamantayan Sa Pagkakatuto batay sa K
to 12 Kurikulum
• Nakikilala ang mga bahagi ng • AP1KAP-Ivb-4
tahanan • AP1KAP-IVi-13.13.1
• Naipaliliwanag ang gamit ng mga
bahagi ng tahanan
• Naiguguhit ang mga bahagi ng
tahanan
• Nakagagawa nang payak na mapa
ng loob at labas ng tahanan
• Nakasusulat ng hakbang ng
paggawa nang payak na mapa ng
tahanan
• Naiuugnay ang larawan sa mga
bahagi at lugar sa tahanan
• Naipahahayag ang kahalagahan ng
mga bahagi ng tahanan

MALAKING IDEYA
Ang kaalaman sa mga bahagi ng tahanan ay makatutulong upang magamit nang
wasto ang mga bahagi ng tahanan.

MAHALAGANG TANONG
Bakit dapat na alam ko ang mga bahagi ng aking tahanan?

MGA KAGAMITAN
• larawan ng mga iba’t ibang interior design ng mga tahanan na nakaayos bilang
slideshow
• audio/video player
• doll house

PAMAMARAAN
Unang Araw (Mga Bahagi na Bumubuo sa Tahanan)
Panimulang Gawain
1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Tuklasin sa pahina 222 ng aklat bilang pre-
assessment activity. Iwasto ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasagutan
sa Susi sa Pagwawasto.

106
2. Ipakita sa klase ang larawan ng iba’t ibang loob (interior design) ng mga bahay sa
Pilipinas. Hikayatin ang mga mag-aaral na magbigay ng maikling deskripsyon
ukol sa bawat uri ng tahanan na nasa larawan. Itanong sa mga mag-aaral kung
alin sa mga uri ng tahanan sa larawan ang may pagkakahawig sa kanilang sariling
tahanan.
3. Isulat ang pamagat ng paksa at ipabasa ito sa buong klase. Ipabuklat ang aklat sa
pahina 223.

Panlinang na Gawain
1. Basahin ang panimulang teksto ng paksa sa pahina 223 ng aklat at pabigyang-
pansin sa kanila ang mga bahagi ng tahanan na nasa larawan.
2. Tumawag ng mga mag-aaral upang basahin ang mga depinisyon sa pahina 223
hanggang 225 ng aklat na naglalarawan sa bawat bahagi ng tahanan. Pagkatapos,
palapitin sa harap ang nagbasa upang maituro niya sa doll house kung saan ang
nabanggit na bahagi ng tahanan.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 225 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasagutan sa Susi sa Pagwawasto.
Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang bahagi ng paglalahat, pangkatin ang mga mag-aaral sa anim na grupo,
upang maisagawa ang larong Ako Ang Bahay.
Panuto: Magbibigay ang guro ng depinisyon ng bahagi ng tahanan. Sa loob nang
limang segundo, kailangang makagawa ng tableau ng pangkat na sumisimbolo sa
hinihinging bahagi ng bahay. Ang pangkat na may pinakamaraming puntos ang
siyang magwawagi.
3. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Sanayin sa mga pahina 231 at 232 bilang
takdang-aralin.

Ikalawang Araw (Mga Silid ng Tahanan)


Panimulang Gawain
Ipalahad sa mga mag-aaral ang resulta ng kanilang ginawa sa Sanayin na nasa
pahina 231 at 232. Maglaan nang tatlong minuto para sa bawat mag-aaral upang
makapagbahagi ng kanilang gawa. Pagkatapos, isulat sa blackboard ang pamagat ng
paksa at ipabasa ito sa buong klase.

Panlinang na Gawain
1. Ipabuklat ang aklat sa pahina 226 at basahin ang panimulang teksto ng paksa.
2. Tumawag ng mga magbabasa ng bawat teksto sa pahina 226 at 227 na
naglalarawan sa bawat silid sa tahanan. Pabigyang-pansin sa kanila ang mga
bahagi ng tahanan na nasa larawan.
3. Ipakita muli ang dollhouse sa mga mag-aaral. Sa bawat pagbasa ng mga
boluntaryo sa silid ng tahanan, papuntahin sila sa harapan upang ituro ito sa
dollhouse.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 228 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasagutan sa Susi sa Pagwawasto.
Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.

107
2. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Subukin sa pahina 228 at 229 at Suriin sa pahina
229 at 230 ng aklat. Ipaliwanag ng maayos ang mga panuto sa bawat gawain
bago ipasagot ang mga ito. Iwasto ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
kasagutan sa Susi sa Pagwawasto.
3. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Alamin sa pahina 222 at pasagutan ito sa kanila.
Bigyang pansin ang bahagi ng sagot ng mga mag-aaral na dapat palawigin at
iwasto.

SUSI SA PAGWAWASTO
Tuklasin
Wasto ang lahat ng larawan na may tsek

Sagutin
Ituring na wasto ang iginuhit ng mga mag-aaral

Sagutin
1. b
2. c
3. a

Subukin
May bilog ang larawan ng:
1. sala 4. paliguan
2. bubong 5. silid-tulugan
3. kusina

Suriin
1. b 4. b
2. b 5. b
3. a

Aralin 3
Mga Gawain sa Tahanan
Mga Pahina sa Aklat: 233–240
Mungkahing Bilang ng Araw: 2

MGA LAYUNIN NG ARALIN AT KATUMBAS NA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO


BATAY SA K TO 12 KURIKULUM
Mga Layunin Pamantayan Sa Pagkakatuto batay sa K
to 12 Kurikulum
• Natutukoy ang mga gawain sa • AP1KAP-IVh-12
tahanan • AP1KAP-IVi-13.13.1
• Naipapahayag ang mga epekto ng
sariling gawain sa tahanan
• Nasusuri ang larawan kaugnay ng
mga gawain sa tahanan

108
• Naipakikita sa kamag-aral ang
mabuting gawain na ginagawa sa
sariling tahanan
• Naipangangatuwiranan ang
kahalagahan ng kaalaman ukol sa
mga gawain sa tahanan

MALAKING IDEYA
Ang pagtulong sa mga gawain sa bahay ay mas magiging epektibo kung alam ang
inaasahang gagawin.

MAHALAGANG TANONG
Bakit ko kailangang malaman ang mga angkop na gawain sa aking tahanan?

TEKNOLOHIYA AT MGA SANGGUNIAN


• video ng awitin, ”Maging Masipag” ni Ela Mae Encarnacion
Atao, https://www.youtube.com/watch?v=RdKfaZdqVlg
• video ng kuwentong ”Lala Burara” ng Story Teller
MNL, https://www.youtube.com/watch?v=BUYioGP2Dos&t=146s

MGA KAGAMITAN
• audio-video player

PAMAMARAAN
Unang Araw (Mga Gawain Ko sa Tahanan)
Panimulang Gawain
1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Tuklasin sa pahina 233 ng aklat bilang pre-
assessment activity. Iwasto ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasagutan
sa Susi sa Pagwawasto.
2. Ipanood sa mga mag-aaral video ng awitin, “Maging Masipag.” Pasabayin ang
mga mag-aral sa pag-awit at lakipan ito ng mga aksiyon ng paglilinis sa tahanan.
Halimbawa ay pagwawalis, paglalampaso, at pagpupunas. Ipaawit sa mga mag-
aaral muli ang awitin kasabay ang itinurong aksiyon.
3. Isulat sa blackboard ang pamagat ng paksa at ipabasa ito sa buong klase.
Ipabuklat ang aklat sa pahina 234.

Panlinang na Gawain
Basahin ang paunang teksto ng paksa. Tumawag ng mga boluntaryong mag-aaral
upang basahin ang mga halimbawa ng mga gawain sa tahanan. Pagkatapos ay atasan
silang ipaliwanag ang kanilang sariling pagkaunawa sa binasang teksto.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 236 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasagutan sa Susi sa Pagwawasto.
Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.

109
2. Bilang bahagi ng paglalahat, ipaawit muli ang “Maging Masipag,” kabilang ang
mga aksiyon.

Ikalawang Araw (Mga Epekto ng mga Gawain Ko sa Tahanan)


Panimulang Gawain
Isulat sa blackboard ang pamagat ng paksa at iugnay ito sa panonooring video.
Ipanood sa klase ang video ng kuwentong ”Lala Burara,” at pagkatapos ay ipatukoy sa
mga mag-aaral ang di-mabubuting gawi na binanggit sa kuwento.

Panlinang na Gawain
1. Ipabuklat ang aklat sa pahina 236 at basahin ang paunang pangungusap. Ipabasa
sa mga mag-aaral ang mga epekto ng kanilang gawain sa tahanan, at pagkatapos
ay atasan silang ipaliwanag ang kanilang sariling pagkaunawa sa binasang
teksto.
2. Pabigyang-pansin sa mga mag-aaral ang mga larawan na kaugnay sa binasang
teksto at itanong kung alin sa mga gawaing ipinapakita sa larawan ang
naisagawa na nila.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 237 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasagutan sa Susi sa Pagwawasto.
Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Ipagawa ang Subukin sa pahina 238 at ang Suriin sa pahina 239 at 240. Iwasto
rin ang mga ito gamit muli ang Susi sa Pagwawasto.
3. Para sa Sanayin sa pahina 240, hayaang pumili ng kapareha ang mga mag-aaral
at basahin ang panuto at ipaliwanag ito sa kanila. Ilahad sa mga mag-aaral ang
rubric sa pagmamarka ng kanilang gawain at ipaliwanag ito.
4. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Alamin sa pahina 233 at pasagutan ito sa kanila.
Bigyang pansin ang bahagi ng sagot ng mga mag-aaral na dapat palawigin at
iwasto.

SUSI SA PAGWAWASTO
Tuklasin
May guhit ng puso ang lahat ng larawan maliban sa batang nagkakalat ng papel

Sagutin
Nakadugtong ng guhit ang salitang
1. pagpupunas at larawan ng bintana
2. pagwawalis at larawan ng sahig na marumi
3. pag-aayos at larawan ng mesa at upuan

Sagutin
May smiley ang una at ikatlong larawan

Subukin
1. Tama 4. Mali
2. Mali 5. Tama
3. Tama

110
Suriin
1. a 3. a 5. b
2. b 4. b

Aralin 4
Mga Bahagi ng Paaralan
Mga Pahina sa Aklat: 241–251
Mungkahing Bilang ng Araw: 2

MGA LAYUNIN NG ARALIN AT KATUMBAS NA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO


BATAY SA K TO 12 KURIKULUM
Mga Layunin Pamantayan Sa Pagkakatuto Batay sa K
to 12 Kurikulum
• Natutukoy ang mga bahagi na • AP1KAP-Ivc-5
mayroon ang sariling paaralan • AP1KAP-Ivc-6
• Naisusulat ang tawag sa mga • AP1KAP-Ivd-7
bahagi ng sariling paaralan • AP1KAP-Ivd-8
• Naisusulat ang mga katawagan sa • AP1KAP-IVi-13.3
layo at lokasyon ng mga bahagi ng
paaralan
• Nakaguguhit ng mapa ng sariling
paaralan na nagpapakita ng layo ng
mga bahagi nito
• Naipakikita sa malikhaing paaralan
ang wastong pangangalaga sa mga
bahagi ng paaralan
• Nasusuri ang larawan kaugnay ng
mga bahagi ng paaralan
• Napangangatuwiranan ang
kahalagahan ng pagkakaalam sa
mga bahagi ng sariling paaralan

MALAKING IDEYA
Ang mga bahagi ng paaralan ay dapat tukoy ng mga mag-aaral upang alam niya
kung paano makararating dito.

MAHALAGANG TANONG
Bakit mahalagang alam ko ang mga bahagi ng aking paaralan?

MGA KAGAMITAN
• 4 na set ng meta card na may nakasulat na mga bahagi ng paaralan sa bawat
piraso (gate, flag pole area, palaruan, silid-aralan, palikuran, computer room,
klinika, kantina, opisina ng punong-guro, halamanan, silid-aklatan)
• mapa sa pahina 247 na palalakihin sa manila paper

111
• mga halimbawa ng pananda na nakadikit sa kalahating folder
1
• apat na illustration board, chalk, at pambura
8

PAMAMARAAN
Unang Araw (Mga Bahagi ng Paaralan Ko)
Panimulang Gawain
1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Tuklasin sa pahina 241 ng aklat bilang pre-
assessment activity. Iwasto ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasagutan
sa Susi sa Pagwawasto.
2. Ipagbigay-alam sa mga mag-aaral na kayo ay magsasagawa ng mini-tour sa
paaralan upang malaman ang iba’t ibang bahagi nito. Ipadala sa mga mag-aaral
ang kanilang mga aklat at papilahin sila ng maayos.

Panlinang na Gawain
1. Pagdating ng pila sa gate ng paaralan, ipabasa ang paunang pangungusap ng
paksa sa pahina 234. Pagkatapos, tumawag ng isang boluntaryo na magbabasa
ng depinisyon ng gate sa aklat. Ulitin ang ganitong pamamaraan sa lahat ng
bahagi ng paaralan na inyong pupuntahan (mainam na mapuntahan ang lahat ng
nakalarawan sa aklat sa pahina 234-236 upang magkaroon ng pamilyarisasyon
ang mga mag-aaral sa kinaroroonan ng mga bahagi ng paaralan).
2. Sa pag-iikot ng klase, siguraduhin ang kaayusan at katahimikan upang hindi
makagambala ng mga gawain sa paaralan.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 245 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasagutan sa Susi sa Pagwawasto.
Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Hatiin ang klase sa apat na pangkat at ipamahagi sa bawat pangkat ang meta
card. Sabihin na gagamitin ang mga card na ito sa isasagawang laro batay sa
ilalahad na panuto ng guro.
Panuto: Babasahin ng guro ang paglalarawan sa bahagi ng paaralan at ibibigay
ng guro ang hudyat na “Go” upang itaas ng bawat pangkat ang meta card na
angkop para dito. Ang pangkat na may pinakamaraming wastong sagot ang
ituturing na nagwagi.
3. Bilang takdang-aralin, pagdalhin ang mga mag-aaral ng kartulina, mga
pangguhit, at pangkulay.

Ikalawang Araw (Ang Mapa ng Paaralan Ko)


Panimulang Gawain
Hatiin sa apat na pangkat ang mga mag-aaral at paupuin sila ng pabilog. Ipamahagi
1
sa kanila ang mga illustration board, chalk, at pambura. Ihanda ang mga gagamiting
8
pananda.
Panuto: Magpapakita ang guro ng mga pananda. Isusulat ng bawat pangkat ang
kanilang mga sagot sa illustration board, at magpapaunahan sa pagtaas. Ang unang
pangkat na makapagtaas nang may tamang sagot ang magkakapuntos, at ang pangkat na
may pinakamaraming puntos ang magwawagi.

112
Panlinang na Gawain
1. Ipabuklat ang aklat sa pahina 245 at basahin ang panimulang teksto. Ipabasa
nang paisa-isa ang mga pananda, at pagkatapos ay ipaskil ang manila paper na
pinalaking bersyon ng mapa ng paaralan.
2. Tumawag ng mga boluntaryong mag-aaral upang sagutin kung anong kahulugan
sa mapa ang ituturo ng guro sa malaking mapa.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 248 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasagutan sa Susi sa Pagwawasto.
Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Subukin sa pahina 249 at Suriin sa pahina 250.
Iwasto ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasagutan sa Susi sa
Pagwawasto.
3. Para sa Sanayin sa pahina 251, hayaang bumuo ng pangkat ang mga mag-aaral
at basahin ang panuto at ipaliwanag ito sa kanila. Ilahad sa mga mag-aaral ang
rubric sa pagmamarka ng kanilang gawain at ipaliwanag ito.
4. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Alamin sa pahina 241 at pasagutan ito sa kanila.
Bigyang pansin ang bahagi ng sagot ng mga mag-aaral na dapat palawigin at
iwasto.

SUSI SA PAGWAWASTO
Tuklasin
Ituring na wasto ang larawan na nilagyan ng tsek, kung mayroon ito sa inyong
paaralan

Sagutin
May tsek ang mga larawan maliban sa pinaka-ibaba

Sagutin
1. silid-aralan
2. kanan
3. malayo

Subukin
1. halamanan
2. palikuran/silid-aralan
3. opisina ng punong-guro/silid-aklatan/palikuran
4. palaruan/halamanan/kantina/klinika
5. flagpole area

Suriin
1. a
2. b
3. b
4. b
5. a

113
Aralin 5
Mga Bahagi at Gamit sa Silid-Aralan Ko
Mga Pahina sa Aklat: 252–261
Mungkahing Bilang ng Araw: 3

MGA LAYUNIN NG ARALIN AT KATUMBAS NA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO


BATAY SA K TO 12 KURIKULUM
Mga Layunin Pamantayan Sa Pagkakatuto Batay sa K
to 12 Kurikulum
• Naipaliliwanag ang kahalagahan ng • AP1KAP-IVe-9
pagtukoy sa mga bahagi at gamit sa • AP1KAP-IVf-10
silid-aralan • AP1KAP-IVg-11
• Nakikilala ang mga bahagi at gamit • AP1KAP-IVi-13.13.2
sa silid-aralan
• Natutukoy ang mga pananda sa
halimbawang mapa ng silid-aralan
• Nailalahad ang sariling layo at
lokasyon sa mga bahagi at gamit sa
silid-aralan
• Nasusuri ang larawan kaugnay ng
layo at lokasyon ng mga bahagi at
gamit sa silid-aralan
• Nakaguguhit ng mapa na
nagpapakita ng layo at lokasyon ng
sarili sa mga bahagi at gamit sa
silid-aralan
• Nagagamit ang mapa sa pagtukoy
ng lokasyon ng mga bahagi at
gamit sa silid-aralan

MALAKING IDEYA
Ang pagtukoy sa mga bahagi at gamit sa silid-aralan ay makatutulong upang
malaman ang lokasyon at paggagamitan ng mga ito.

MAHALAGANG TANONG
Bakit kailangan kong matukoy ang mga bahagi at gamit sa aking silid-aralan?

MGA KAGAMITAN
• apat na piraso ng malinis na papel
• apat na lapis o anumang panulat
• skeletal frame ng silid-aralan
• treasure map na gawa ng guro
• 4 na illustration board, chalk, at pambura

114
PAMAMARAAN
Unang Araw (Lokasyon ng mga Bagay sa Silid-Aralan)
Panimulang Gawain
1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Tuklasin sa pahina 252 bilang pre-assessment
activity. Iwasto ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasagutan sa Susi sa
Pagwawasto.
2. Isulat sa blackboard ang pamagat ng paksa at ipabuklat ang aklat sa pahina 253 at
basahin ang unang pangungusap ng paksa.

Panlinang na Gawain
1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang bawat pananda na nasa pahina 253, at sa bawat
pagbasa ay tumawag ng mga boluntaryo upang ituro ang aktuwal na kagamitan sa
loob ng silid-aralan. Ipagpatuloy ang pagbabasa sa pahina 254.
2. Hatiin ang klase sa apat na pangkat at sabihin na magkakaroon ng “Tagisan ng
Kaalaman” ang klase ukol dito.
Panuto:
Isa-isang ilahad ang limang tanong kaugnay ng binasang paksa.
Pagkatapos basahin ang tanong, isusulat ng bawat pangkat ang kanilang sagot sa
illustration board at itataas ito upang matukoy ang pangkat na tapos na sa pagsulat.
Ilalahad ng guro ang sagot sa unang tanong at ang pangkat na makakukuha ng
tamang sagot ay magkakaroon ng puntos. Uulitin ang pagtatanong ng guro at
pagsulat ng sagot ng mag-aaral hanggang matapos ang limang tanong.
Ang pangkat na may pinakamataas na puntos ang ituturing na nagwagi.
Mga Tanong:
(Maaaring baguhin ng guro ayon sa kaniyang pagtataya sa kahandaan ng mga
mag-aaral.)
1. Ano ang tawag sa itaas na bahagi ng silid-aralan?
dingding kisame sahig

2. Anong tawag sa paligid na bahagi ng silid-aralan?


dingding kisame sahig

3. Ano ang tawag ibabang bahagi ng silid-aralan?


dingding kisame sahig

4. Ilan ang dingding ng silid-aralan?


4 5

5. Anong bagay ang ginagamit upang madaling matukoy ang mga bahagi ng silid-
aralan?
daanan mapa paaralan

Ilahad ang puntos ng bawat pangkat at ang nagwaging pangkat.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 255 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasagutan sa Susi sa Pagwawasto.
Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.

115
2. Bilang bahagi ng paglalahat, hatiin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat at
ipamahagi ang mga illustration board, chalk, at pambura. Sa hudyat na Go,
ipalista sa kanila ang lahat ng makikita nilang kagamitan sa inyong silid-aralan,
kinakailangang magkakaibang gamit ang maililista ng bawat grupo. Pagkaraan
nang tatlong minuto, ipahinto ang paglilista.
3. Bigyan ng puntos ang bawat gamit na nailista ng iisang pangkat lamang na wala
sa listahan ng ibang grupo. Ang pangkat na may pinakamaraming puntos ang
siyang magwawagi.

Ikalawang Araw (Ang Layo sa Isa’t Isa ng mga Bagay sa Silid-Aralan Ko)
Panimulang Gawain
1. Atasan ang mga mag-aaral na ilahad ang mga bahagi ng silid-aralan at ang
lokasyon nito.
2. Isulat sa blackboard ang pamagat ng paksa at magbigay nang maikling
introduksiyon ukol dito.

Panlinang na Gawain
1. Hatiin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat at ipabasa sa kanila ang teksto ng
paksa na nasa pahina 255 hanggang 257 ng aklat at sabihin na magkakaroon ng
“Tagisan ng Kaalaman” ang klase ukol dito.
Panuto:
Isa-isang ilahad ang limang tanong kaugnay ng binasang paksa.
Pagkatapos basahin ang tanong, ipasulat sa bawat pangkat ang kanilang sagot sa
illustration board. Atasan ang mga mag-aaral na itaas ito upang matukoy ang
pangkat na tapos na sa pagsulat. Ilahad ang sagot sa unang tanong at ang
pangkat na makakukuha ng tamang sagot ay magkakaroon ng puntos. Ulitin ang
pagtatanong at pagsulat ng sagot ng mag-aaral sa papel hanggang matapos ang
limang tanong. Ang pangkat na may pinakamataas na puntos ang ituturing na
panalo.
Mga Tanong:
(Maaaring baguhin ng guro ayon sa kaniyang pagtataya sa kahandaan ng
mga mag-aaral. Ipaalala sa mga mag-aaral na ang mga tanong ay batay sa mga
teksto na kaugnay ng paksa)
1. Ayon sa mapa, saang bahagi ng silid-aralan matatagpuan ang mga pinto?
kaliwa kanan likuran
2. Ayon sa mapa, saang bahagi ng silid-aralan matatagpuan ang cabinet?
harapan kaliwa kanan
3. Ayon sa mapa, anong bahagi ng silid-aralan ang malapit sa isa’t isa?
blackboard at cabinet mga bintana teacher’s table at shelf
4. Ayon sa mapa, anong bahagi ng silid-aralan ang malapit sa isa’t isa?
bulletin board at pinto cabinet at blackboard ceiling fan at
ilaw
5. Ayon sa mapa, anong bahagi ng silid-aralan ang malayo sa isa’t isa?
blackboard at bulletin board cabinet at pinto mga silya ng mag-aaral

Ilahad ang puntos ng bawat pangkat.

116
Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 257 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasagutan sa Susi sa Pagwawasto.
Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang bahagi ng paglalahat, isa-isahin sa klase ang mahalagang kaalaman na
natutunan sa pagtalakay ng aralin.

Ikatlong Araw (Ang Layo o Lapit Ko sa mga Bagay sa Silid-Aralan)


Panimulang Gawain
1. Ipalahad sa mga mag-aaral ang mga bahagi ng silid-aralan at ang distansiya nito
sa isa’t isa.
2. Isulat sa blackboard ang pamagat ng paksa at magbigay ng maikling
introduksiyon ukol dito.

Panlinang na Gawain
1. Ipabuklat ang aklat sa pahina 258 at ipabasa ang teksto ng paksa.
2. Ipaskil sa blackboard ang “skeletal frame” ng silid-aralan at pabigyang-pansin sa
mga mag-aaral ang pananda sa pahina mga 255 at 256. Atasan ang mga mag-
aaral na gamitin ang mga pananda upang makabuo sila ng mapa ng silid-aralan
sa “skeletal frame.” Gamitin ang nabuong mapa upang maipatukoy ang mga
bagay na nasa siid-aalan na maituturing na malayo o malapit sa mga mag-aaral.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 259 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasagutan sa Susi sa Pagwawasto.
Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Ipagawa ang Subukin sa pahina 259 at Suriin sa mga pahina 260 at 261. Iwasto
rin ang mga ito gamit ang Susi sa Pagwawasto.
3. Para sa Sanayin sa pahina 261 ng aklat, basahin ang panuto at ipaliwanag ito sa
mga mag-aaral. Ilahad sa mga mag-aaral ang rubric sa pagmamarka ng kanilang
gawain at ipaliwanag ito. Maglaan ng dalawang minuto para sa bawat mag-aaral
upang makapagbahagi ng kanilang mga iginuhit.
4. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Alamin sa pahina 252 ng aklat at pasagutan ito sa
kanila. Bigyang pansin ang bahagi ng sagot ng mga mag-aaral na dapat
palawigin at iwasto.

SUSI SA PAGWAWASTO
Tuklasin
May kulay pula ang larawan ng yeso at pambura at ilaw.
May kulay asul ang larawan ng pinto, bintana, blackboard, at cabinet.

Sagutin
1. harapan
2. palibot
3. kaliwa

Sagutin
Ituring na wasto ang sagot ng mga mag-aaral batay sa kaayusan ng silid-aralan
ng paaralan

117
Subukin
Ituring na wasto ang sagot ng mga mag-aaral batay sa kaayusan ng silid-aralan
ng paaralan

Suriin
1. a
2. b
3. b
4. b
5. a

Aralin 6
Ang Komunidad Ko
Mga Pahina sa Aklat: 262–273
Mungkahing Bilang ng Araw: 3

MGA LAYUNIN NG ARALIN AT KATUMBAS NA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO


BATAY SA K TO 12 KURIKULUM
Mga Layunin Pamantayan Sa Pagkakatuto Batay
sa K to 12 Kurikulum
• Natutukoy ang mga bagay at • AP1KAP-IVe-9
estruktura sa komunidad • AP1KAP-IVf-10
• Nasasabi ang katawagan sa mga • AP1KAP-IVg-11
bagay at estruktura sa sariling • AP1KAP-IVi-13.13.2
komunidad
• Nailalahad ang mga sasakyan na
makikita sa sariling komunidad
• Natutukoy ang angkop na
sasakyang gagamitin patungo sa
mga lugar sa komunidad
• Nakagagawa ng mapa ng
komunidad na nagpapakita ng
sariling daanan mula tahanan
patungo sa paaralan
• Nasusuri ang larawan na kaugnay
ng mga estruktura at sasakyan sa
komunidad
• Napangangatuwiran ang dahilan ng
sariling pagpapahalaga sa mga
bagay at estruktura sa sariling
komunidad

MALAKING IDEYA
Ang mga estruktura sa komunidad ay ginagamit ng bawat bata, ng kaniyang
pamilya at kapuwa kaya dapat na pahalagahan ito.

118
MAHALAGANG TANONG
Bakit kailangang pahalagahan ko ang mga bagay at estruktura sa aking komunidad?

MGA KAGAMITAN
• audio/video player
• larawan ng mga uri ng estruktura
• larawan ng mga uri ng transportasyon
• iba’t ibang tunog ng mga sasakyan
1
• illustration board, chalk, at pambura
8

PAMAMARAAN
Unang Araw (Mga Bagay at Estruktura sa Komunidad Ko)
Panimulang Gawain
1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Tuklasin sa pahina 262 bilang pre-assessment
activity. Iwasto ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasagutan sa Susi sa
Pagwawasto.
2. Ipakita sa klase ang mga larawan ng mga uri ng estruktura sa komunidad.
Pagkatapos, tumawag ng mga mag-aaral upang magbigay ng deskripsyon ukol sa
mga naturang estruktura.
3. Isulat sa blackboard ang pamagat ng paksa at ipabasa ito sa mga mag-aaral.
Ipabuklat ang aklat sa pahina 263.

Panlinang na Gawain
1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang paunang teksto ng paksa sa pahina 263 hanggang
265 ng aklat. Tumawag ng mga boluntaryo na magbabasa ng mga iba’t ibang
halimbawa ng mga estruktura.
2. Pagkatapos mabasa ang mga halimbawa, itanong sa mga mag-aaral kung ano-
ano ang kahalagahan ng mga nasabing estruktura para sa mga tao sa komunidad.
Maaari silang magbigay ng kanilang karanasan sa paggamit ng mga ito.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 265 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasagutan sa Susi sa Pagwawasto.
Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang bahagi ng paglalahat, ipaguhit sa mga mag-aaral sa isang bondpaper ang
isang halimbawa ng estruktura na maituturing nilang pinakamahalaga sa
kanilang komunidad. Magbigay ng limang minuto para sa pagguhit at dalawang
minuto para sa bawat mag-aaral upang maibahagi nila ito sa klase.

Ikalawang Araw (Mga Uri ng Sasakyan sa Komunidad Ko)


Panimulang Gawain
1. Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat na grupo. Ipamahagi ang mga illustration
board, chalk, at pambura. Patutunugin ng guro ang iba’t ibang uri ng tunog ng
mga sasakyan, at isusulat ng mga pangkat ang kanilang mga kasagutan sa
illustration board at itataas ito pagkatapos. Ang pangkat na makakakuha ng
pinakamaraming tamang sagot ang siyang magwawagi.

119
2. Isulat sa blackboard ang pamagat ng paksa at ipabasa ito sa mga mag-aaral.
Ipabuklat ang aklat sa pahina 266.

Panlinang na Gawain
1. Basahin ang paunang teksto ng paksa sa mga pahina 266 at 267. Tumawag ng
mga boluntaryong mag-aaral upang basahin ang iba’t ibang uri ng sasakyan.
Pagkatapos ng bawat pagbabasa, atasan ang buong klase na patunugin ang tunog
o ingay na nililikha ng kababanggit lamang na sasakyan.
2. Itanong sa mga mag-aaral kung alin sa mga sasakyang ito ang madalas nilang
nasasakyan at ang dahilan bakit madalas nila itong gamitin.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 268 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasagutan sa Susi sa Pagwawasto.
Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang bahagi ng paglalahat, pabalikin sila sa kanilang mga pangkat.
Magbibigay ang guro ng mga depinisyon ng mga sasakyan, at isusulat ito ng
mga pangkat sa kanilang mga board at magpapaunahan sa pagtaas ng mga ito.
Ang makakuha ng pinakamaraming tamang sagot ang magwawagi.

Ikatlong Araw (Ang Mapa ng Komunidad Ko)


Panimulang Gawain
Isulat sa blackboard ang pamagat ng paksa at ipabasa ito sa mga mag-aaral.
Ipabuklat ang aklat sa pahina 268.

Panlinang na Gawain
1. Basahin ang panimulang teksto ng paksa sa pahina 268 ng aklat at pabigyang-
pansin sa mga mag-aaral ang mapa ng komunidad sa pahina 269 ng aklat.
Ipatukoy sa mga mag-aaral ang mga estruktura sa komunidad na nasa mapa.
2. Ipatukoy sa mga mag-aaral ang landas patungo sa bawat estruktura sa
komunidad. Pagkatapos, itanong kung anong uri ng transportasyon ang
maaaring gamitin sa pagtungo sa mga estrukturang ito.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 270 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasagutan sa Susi sa Pagwawasto.
Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Ipasagot ang Subukin sa pahina 271 at ang Suriin sa pahina 272. Ipaliwanag ng
maayos ang mga panuto sa bawat gawain bago ipasagot ang mga ito. Iwasto ito
sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasagutan sa Susi sa Pagwawasto.
3. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Alamin sa pahina 262 at pasagutan ito sa kanila.
Bigyang pansin ang bahagi ng sagot ng mga mag-aaral na dapat palawigin at
iwasto.
4. Para sa Sanayin sa pahina 273, maglaan ng tatlong minuto para sa bawat
pangkat na makapaghanda ng kanilang ipakikitang tableau.

120
SUSI SA PAGWAWASTO
Tuklasin
Wasto ang lahat maliban sa kama

Sagutin
Wasto ang anumang sagot ng mga mag-aaral

Sagutin
May kahon ang larawan ng
1. bisikletang may sidecar
2. dyip
3. bangka

Sagutin
Wasto ang anumang iginuhit ng mag-aaral na mapa mula sa kanilang tahanan
hanggang sa paaralan

Subukin
1. b
2. a
3. a
4. b
5. a

Suriin
1. a
2. b
3. b
4. a
5. b

Aralin 7
Ang Pag-aalaga Ko sa Kapaligiran
Mga Pahina sa Aklat: 274–282
Mungkahing Bilang ng Araw: 3

MGA LAYUNIN NG ARALIN AT KATUMBAS NA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO


BATAY SA K TO 12 KURIKULUM
Mga Layunin Pamantayan Sa Pagkakatuto Batay Sa K
to 12 Kurikulum
• Natutukoy ang kahalagahan ng • AP1KAP-IVh-12
kapaligiran • AP1KAP-IVi-1
• Nailalahad sa malikhaing • AP1KAP-IVj-14
pamamaraan ang mabuti at di-

121
mabuting gawi sa kapaligiran
• Nasusuri ang larawan kaugnay ng
mga gawi ng pagpapahalaga sa
kapaligiran
• Naipaliliwanag ang dahilan ng pag-
aalaga sa kapaligiran
• Nakapagpapakita sa klase ng mga
positibong gawi sa pag-aalaga ng
kapaligiran

MALAKING IDEYA
Dapat alagaaan ang kapaligiran dahil may epekto ito sa buhay ng bata at ng
kaniyang kapuwa.

MAHALAGANG KATANUNGAN
Bakit dapat kong pangalagaan ang aking kapaligiran?

MGA KAGAMITAN
• larawan ng marumi, malinis, magulo, payapa, tahimik, at maingay ng lugar at
mga positibong simbolo (thumbs-up, smileys, check mark, positive sign)
• worksheet ng positibong gawi
• larawan ng maayos at malinis na tahanan, komunidad at paaralan
• mga piraso ng itim na papel
• scotch tape

PAMAMARAAN
Unang Araw (Ang Kahalagahan ng Kapaligiran Ko)
Panimulang Gawain
1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Tuklasin sa pahina 274 ng aklat bilang pre-
assessment activity. Iwasto ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasagutan
sa Susi sa Pagwawasto.
2. Isulat sa blackboard ang pamagat ng paksa at maglahad ng introduksiyon ukol
dito.

Panlinang na Gawain
1. Ipabuklat ang aklat sa pahina 275 at basahin ang panimulang teksto ng paksa.
Pagkatapos, pabigyang-pansin sa mga mag-aaral ang larawan ng uri ng mga
kapaligiran.
2. Magpabuo ng pangkat sa mga mag-aaral at papiliin sila ng kapaligiran na
kanilang iguguhit. Ipasulat din ang kahalagahan ng kapaligirang ito sa kanila at
pagkatapos ay ipakita sa klase ang resulta ng kanilang ginawa.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 276 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasagutan sa Susi sa Pagwawasto.
Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.

122
2. Bilang bahagi ng paglalahat, ipasulat sa notebook ng mga mag-aaral ang
pahayag ng pangako at palagyan ito ng kanilang pangalan at ipabasa ito sa
kanila.
“Ako si _____________________,
ay may pangako na magpapahalaga sa kapaligiran ko.”

Ikalawang Araw (Mga Positibong Gawi sa Kapaligiran)


Panimulang Gawain
Isulat sa blackboard ang pamagat ng paksa at pabigyang-pansin sa mga mag-aaral
ang salitang POSITIBO. Ipaliwanag ang kahulugan ng salitang ito. Ipakita sa mga mag-
aaral ang mga positibong simbolo at ipaliwanag ang kaugnayan nito sa salitang
POSITIBO.

Panlinang na Gawain
1. Atasan ang mga mag-aaral na bumuo ng pangkat na may apat na kasapi at
pagkatapos ay ipabasa sa kanila ang teksto ng paksa.
2. Ipaskil ang mga larawan sa blackboard at ipamahagi sa mag-aaral ang mga
piraso ng mga positibong simbolo. Ipadikit sa mga mag-aaral ang positibong
simbolo sa angkop na larawan.

Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 278 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasagutan sa Susi sa Pagwawasto.
Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Bilang bahagi ng paglalahat, ipaisa-isa sa mga mag-aaral ang positibong gawi sa
kapaligiran na tinalakay sa klase.

Ikatlong Araw (Mga Negatibong Gawi sa Kapaligiran)


Panimulang Gawain
1. Balikan ang mga positibong gawi sa komunidad na maaaring isagawa ng mga
mag-aaral. Ipaskil sa blackboard ang mga larawan nang maayos at malinis na
tahanan, komunidad, at paaralan. Pagkatapos ay bigyan ng isang piraso ng itim
na papel ang bawat mag-aaral.
2. Ipasagot sa mga mag-aaral ang tanong, ”Anong di-mabubuting gawi ang
maaaring gawin sa ating paligid?” Pagkatapos ay idikit ang itim na papel saan
mang bahagi ng larawan. Sabihin sa mga mag-aaral na ang itim na papel ay
simbolo ng di-mabuting gawi sa kapaligiran. Isulat sa blackboard ang pamagat
ng paksa.

Panlinang na Gawain
1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto ng paksa sa mga pahina 278 at 279 ng aklat
at itanong kung alin sa mga negatibong gawi ang napapansin nilang ginagawa
ng mga tao sa kapaligiran.
2. Ipasulat sa notebook ng mga mag-aaral ang paalala na nais nilang sabihin sa
mga taong gumagawa ng negatibong gawi sa kapaligiran at pagkatapos ay
ipabasa ito.

123
Paglalahat at Pagtataya
1. Ipagawa ang Sagutin sa pahina 279 ng aklat at iwasto ang ginawa ng mga mag-
aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasagutan sa Susi sa Pagwawasto.
Talakayin ang sagot ng ilang mag-aaral na dapat bigyang-pansin.
2. Ipasagot ang Subukin sa pahina 280 at Suriin sa pahina 281. Iwasto ang mga ito
sa pamamagitan muli ng Susi sa Pagwawasto.
3. Para sa Sanayin sa pahina 282, maglaan ng limang minuto upang maisulat ng
mga mag-aaral ang hinihingi sa gawain. Basahin ang panuto at ipaliwanag.
Ilahad sa mga mag-aaral ang rubric sa pagmamarka ng kanilang gawain at
ipaliwanag ito.
4. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Alamin sa pahina 274 ng aklat at pasagutan ito sa
kanila. Bigyang pansin ang bahagi ng sagot ng mga mag-aaral na dapat
palawigin at iwasto.

SUSI SA PAGWAWASTO
Tuklasin
May kulay ang lahat ng larawan maliban sa larawan ng mga batang nagsusulat
sa pader.

Sagutin
Nakadugtong ng guhit ang mga sumusunod:
• Unang larawan sa kaliwa at ikalawang larawan sa kanan
• Ikalawang larawan sa kaliwa at ikatlong larawan sa kanan
• Ikatlong larawan sa kaliwa at unang larawan sa kanan

Sagutin
May tsek ang larawan sa bilang 2 at 3

Sagutin
May ekis ang una at ikatlong larawan

Subukin
may kulay pula ang larawan ng babaeng nagwawalis, batang nagtatapon ng
basura, lalaking nagbebenta ng mga lumang diyaryo, at mga batang nagtatapon
ng basura sa tamang basurahan

Suriin
1. a
2. b
3. b
4. a
5. b

124
PAMAMARAAN SA PAGTATAPOS NG YUNIT

MGA LAYUNIN
• Makapaglahad ng paglalahat ukol sa kabuuan ng yunit
• Makapagsagawa ng pagtatanghal kaugnay ng yunit

MALAKING IDEYA SA ARALIN


Ang gawaing nasimulan ay dapat na tapusin upang malinang ang pansariling
kasanayan

MAHALAGANG TANONG
Paano dapat paghandaan ng bawat mag-aaral ang anumang gawaing kanilang
isasagawa?

NAKALAANG PANAHON: Dalawang araw

MGA KAGAMITAN
• piraso ng papel na may simbolo ng star o smileys
• sipi ng Performance Task Blueprint, projector, kompyuter o laptop

PAMAMARAAN
Unang Araw (Pagtataya sa Kaalamang Nakuha ng mga Mag-aaral sa mga Aralin ng
Yunit 4)
Panimulang Gawain
Hatiin ang klase sa apat na pangkat at ilahad ang panuto ng larong Freeze Frame na
isasagawa ng mga mag-aaral.
Panuto: Sasabihin ng guro ang kapaligiran at maghahanda ang mga pangkat upang
maipakita ang positibong gawi na angkop para dito. Ipakikita ng bawat pangkat ang
kanilang inihandang positibong gawi kapag narinig na nilang sinabi ng guro ang salitang
positibo. Ang pangkat na makapagpakita ng maayos na gawain ang ituturing na nagwagi.

Panlinang na Gawain
Isulat sa blackboard ang Mahalagang Ideya ng Yunit, sabayan ang mga mag-aaral
sa pagbasa nito at pagkatapos ay ipaliwanag ito.

Paglalahat at Pagtataya
1. Sabihin sa mga mag-aaral na sasagutan nila ang mga tanong sa pagsusulit kaya
kailangan nilang ihanda ang mga gagamitin nila para dito.
2. Ipamahagi sa mga mag-aral ang unang bahagi ng pagsusulit. Sabayan ang mga
mag-aaral sa pagbasa ng panuto at pagkatapos ay ipaliwanag ito. Pasimulan sa
mga mag-aaral ang pagsagot sa pagsusulit habang ginagabayan sila sa
pagsasagawa nito. Pagkatapos ay kolektahin ang pagsusulit at sagutang papel ng
mga mag-aaral.
3. Ipamahagi ang kasunod na bahagi ng pagsusulit at isagawa ang kaugnay nitong
mga hakbang hanggang sa masagutan ng mga mag-aral ang kabuuang pagsusulit.
4. Ipamahagi ang smileys sa mga mag-aaral matapos nilang sagutan ang buong
pagsusulit.

125
Ikalawang Araw (Presentasyon ng bawat pangkat para sa Yunit 4)
Panimulang Gawain
Ipaskil sa blackboard ang Performance Task Blueprint at ipaalala kung kailan nila
ito unang nakita.

Panlinang na Gawain
1. Sabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng nilalaman ng Performance Task
Blueprint at ipaliwanag ito.
2. Sabihin sa bawat pangkat ang inaasahang gawain na dapat nilang ipakita sa klase.
Gabayan ang bawat pangkat sa kanilang paghahanda. Maglaan ng sapat na oras
para sa paghahanda ng mga mag-aaral.

Paglalahat at Pagtataya
1. Anyayahan ang pangkat na isagawa ang kanilang inihandang presentasyon ng
Performance Task. Gamitin ang rubric na nasa huling mga pahina ng Gabay sa
Pagtuturo ng Guro upang markahan ang resulta ng ginawa ng mga mag-aaral.
2. Bigyan ng simbolo ng star o smileys ang miyembro ng bawat pangkat na
nagsagawa ng kanilang gawain. Purihin din ang klase sa kanilang kooperasyon.

PAGSUSULIT SA YUNIT 4
I. Isulat sa patlang ang letra ng bahagi ng tahanan na tinutukoy sa bawat bilang.
Gamiting batayan ang pagpipilian.
Pagpipilian sa bilang 1–5
a. bintana c. hagdan e. sala
b. bubong d. kusina f. silid-tulugan

______ 1. Ito ang pinakatuktok na bahagi ng tahanan.


______ 2. Ito ang nilalakaran upang makarating sa itaas o ibabang bahagi ng
tahanan.
______ 3. Ito ang lugar kung saan naglilibang ang pamilya at tumatanggap ng
kanilang bisita.
______ 4. Ito ang pinaglalagyan ng kasangkapan sa pagluluto.
______ 5. Ito ang lugar na pahingahan ng pamilya.

Pagpipilian sa bilang 6–10


a. dingding c. kisame e. poste
b. hardin d. pinto f. sahig

______ 6. Ito ang nagbibigay ng tibay sa tahanan.


______ 7. Ito ang labasan o pasukan sa tahanan.
______ 8. Ito ang nakatakip sa paligid ng tahanan.
______ 9. Ito ang lugar na kinalalagyan ng halaman sa labas ng tahanan.
_____ 10. Ito ang nagsisilbing lapag ng tahanan.

126
II. Isulat sa patlang ang T kung ang bagay o estruktura ay sa tahanan, K kung sa
komunidad, P kung sa paaralan, at L kung sa lahat.

____1. hagdan ____6. terminal


____2. kusina ____7. Principal’s Office
____3. palengke ____8. silid-tulugan
____4. silid-aralan ____9. tulay
____5. mall ____10. pook-dasalan

III. Pag-aralan ang larawan at isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng
pangungusap at MALI kung hindi wasto.

1. Ang mesa ay malapit sa mga mag-aaral.


2. Ang bintana ay nasa kaliwang bahagi ng silid-aralan.
3. Nasa likuran ng mga bata ang blackboard.
4. Nasa lamesa ang halaman.
5. Ang silya ay nasa kisame.

IV. Isulat sa patlang ang angkop na mabuting gawi sa bawat sitwasyon.


Sitwasyon Angkop ng Mabuting Gawin

1. Walang gumagamit sa Ang gagawin ko ay


nakabukas na gripo. ______________________________
______________________________

2. Nakatumba ang mga paso sa Ang gagawin ko ay


halamanan. ______________________________
______________________________
3. Nagkalat ang basura. Ang gagawin ko ay
______________________________
______________________________
4. Maingay ang kapuwa mag- Ang gagawin ko ay

127
aaral sa silid-aralan. ______________________________
______________________________
5. May nakitang sirang Ang gagawin ko ay
kasangkapan sa tahanan. ______________________________
______________________________

V. Isulat sa patlang ang iyong katuwiran ng paggawa ng sumusunod na mabubuting gawi.


Mabubuting Gawi Ang Aking Katuwiran
1. Pumipila ako nang maayos. Ginagawa ko ito upang
__________________________
__________________________
2. Itinatabi ko sa tamang lalagyan Ginagawa ko ito upang
ang ginamit ko. __________________________
__________________________
3. Inaayos ko ang aking higaan. Ginagawa ko ito upang
__________________________
___________________________
4. Nag-aalaga ako ng Ginagawa ko ito upang
hayop. __________________________
__________________________
5. Hinihinaan ko ang radyo kapag Ginagawa ko ito upang
nakikinig ako. __________________________
__________________________

SUSI SA PAGWAWASTO SA PAGSUSULIT NG YUNIT


I.
1. b 6. e
2. c 7. d
3. e 8. a
4. d 9. b
5. f 10. f

II.
1. L 6. K
2. T 7. P
3. K 8. T
4. P 9. K
5. K 10. L

III.
1. Tama 4. Tama
2. Tama 5. Mali
3. Mali

IV.
Maaaring mag-iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.

128
1. … isasara ko ang nakabukas na gripo
2. … itatayo ko ang nakatumbang paso
3. … ilalagay ko ang basura sa basurahan
4. … sasabihan ko ang kapuwa mag-aaral na huwag mag-ingay/tumahimik
5. … sasabihin ko sa magulang ko na may sirang kasangkapan

V.
Maaaring mag-iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral
1. …maging maayos ang pila o hindi magkagulo sa pila
2. …hindi ito masira o makasakit sa ibang tao
3. …manatili itong malinis/maayos kapag ginamit ko
4. …maipakita ko ang pagpapahalaga sa kapaligiran
5. …hindi maistorbo ang ibang tao

129
MGA KAGAMITAN SA PAGTATAYA NG MGA GAWAING PANGKLASE

Rubric Para sa mga Gawaing Pangklase

Unang Bahagi

Bilang ng Yunit at Aralin

Pamagat ng Yunit at Aralin

Pamagat ng Gawain

Panahong Iuukol ng Pangkat/Mag- ____ Piryud


aral

Aspekto ng Gawain (Lagyan ng tsek ____ Sanayin


ang linya)
____ Performance Task / Proyekto

____ Iba pa

Uri ng Gawain (Lagyan ng tsek ang ____ Indibidwal


linya)
____Magkapareha

____ Pangkatan

Mga Kagamitang Gagamitin ng 1.


Mag-aaral
2.

3.

4.

Mga Miyembro ng Pangkat

Pangalan Deksripsyon ng Kontribusyon sa


Gawain

131
1.

2.

3.

4.

5.

6.

Mga Hakbang ng Mag-aaral / Magkapareha / Pangkat sa Pagsasagawa ng Gawain

1.

2.

3.

4.

**Maaaring paramihin ng guro ang sipi ng unang bahagi ng rubric at hayaan ang
mga mag-aaral na lapatan ito ng angkop na mga impormasyon.

132
Ikalawang Bahagi

Inaasahang Bunga at Pagmamarka (Lagyan ng tsek ang kahon.)

Mga Pamantayan 0 1 2 3 4 5 Puntos

Kabuuang Puntos

Legend:
5 – Labis ang naipakita sa inaasahan
4 – Sapat na naipakita ang inaasahan
3 – May kaunting kakulangan sa inaasahan
2 – Malaki ang kakulangan sa inaasahan
1 – Kailangan pa nang labis na pagsasanay upang makamit ang inaasahan
0 – Hindi nagtangka/Walang pagtatangka na magpakita ng inaasahan

133
Mga Posibleng Pamantayan
• Pagbabahagi ng impormasyon / • Pagpapakita ng tiwala sa sarili
kaalaman o ideya ukol sa paksa • Pagpapaliwanag ng
• Pagbabahagi ng sariling karanasan ideya/pananaw/panig
• Pagkamalikhain sa pagguhit / • Pagpapamalas ng angkop na
pagkulay damdamin
• Paggamit ng awtentikong • Pagsasagawa ng angkop at wastong
kagamitan / kasuotan aksiyon
• Paggamit ng angkop na salita / • Pagsasalita nang may maayos /
wika malakas na tinig
• Pakikiisa / Pakikilahok sa gawain • Pagsunod sa itinakdang oras
ng pangkat • Pagsunod sa mga hakbang o
• Pakikisalamuha sa iba pang kasapi pamamaraan
ng pangkat • Pagsunod sa panuto
• Pag-unawa sa panuto • Pagsulat ng salita / pangungusap
• Paghahanda sa presentasyon / • Pagtanggap sa pananaw/puna ng
pagtatanghal iba
• Paglalahad ng pananaw / kuwento
• pagpapahayag ng mensahe / ideya / ** Maaaring magdagdag ng iba pang
pananaw pamantayan ang guro

Mga Tala ng Guro sa Pagtataya

Aspekto ng pagkatuto na binigyan ng pagtataya

Kaalaman Kasanayan Pag-unawa Iba pang


aspekto

Kagamitang pampagtataya mula sa Kamalayang Panlipunan – Grade 1 na ginamit

Tuklasin Sagutin Subukin Suriin

Sanayin Mahahalagang Performance Unit Test


Katanungan Task
Dami ng mga mag-aaral na nakakuha ng markang:

74% pababa Sanhi ng

134
(di-katanggap- _______ pagkakamit ng ___________________________
tanggap) katanggap-
tanggap na marka ___________________________

___________________________

75- 79% Sanhi ng


(katanggap- _______ pagkakamit ng ___________________________
tanggap) lubos na
katanggap- ___________________________
tanggap na marka
___________________________

80% pataas Sanhi ng


(lubos na _______ pagkakamit ng ___________________________
katanggap- lubos na
tanggap katanggap- ___________________________
tanggap na marka
___________________________

Paksa na pagtutuunan ng pansin sa pamuling pagtuturo (remediation) sa mga mag-


aaral na nakakuha ng di-katanggap-tanggap na marka

Gagamiting paraan sa pamuling pagtuturo

Direktang Ginabayang Pagtuturo ng


pagtuturo pagtuturo kapuwa mag-aaral

Pagbuo ng maikling
Ginabayang katugunan Pagpapakita ng
pansariling gawain halimbawang
gawain

135

You might also like