You are on page 1of 18

4

Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
Quarter 2 - Modyul 9
Week 4: Pagtanggap ng Bisita sa Bahay
(Home Economics)

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Grade 4
Alternative Delivery Mode
Quarter 2 - Modyul 9: Pagtanggap ng Bisita sa Bahay
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang – sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang
pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni
kinakatawan ng mga tagapaglathala (publishers) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City


Schools Division Superintendent: Rebonfamil R. Baguio

Development Team of the Module

Author: Riahn Ray S. Agbayani

Editor: Ronald I. Flores, HT-1

Reviewers: Fortunato R. Ocaya, Jr. – EPS, MTB-MLE


Rocelyn G. Garcesa
Susan C. Sabacajan

Illustrator: Juniver Kris B. Jimeno


Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso
Israel C. Adrigado
Management Team:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Eugene I. Macahis, Jr.


Asst. Schools Division Superintendent

Members: Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES


Sarah Jane A. Valdez, EPS – EPP/TLE/TVL
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Zaldy G. Ampong, PSDS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II

Regional Evaluator Mary Joy R. Tymico, Lanao del Norte

Inilimbag sa Pilipinas ng:


Department of Education - Division of Valencia City
Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615
Website: deped-valencia.org

1i
4
Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
Quarter 2 - Modyul 9
Week 4: Pagtanggap ng Bisita sa Bahay
(Home Economics)

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang na


inihanda at sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong
paaralan. Hinihikayat namin ang pang nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna, komento at
rekomendasyon sa Kagawaran ng Edukasyon sa
region10@deped.gov.ph.

Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mga


puna at rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

2
Panimula

Ang Modyul na ito ay magbibigay kaalaman sa mag-aaral kung


papaano ang wastong pagtanggap ng bisita sa bahay maging kamag-
anak, kaibigan, kaklase, kasamahan sa trabaho lalong-lalo na sa mga
hindi kakilala.

Ito ay may pukos sa wastong gawi ng pagpapaupo, pagbibigay


ng makakain, tubig at iba pa, pagsasagawa ng wastong pag-iingat sa
pangtanggap ng bisita at lalong-lalo na sa pagpapakilala sa ibang
kasapi ng pamilya.

Upang mas lalong maintindihan at maunawaan ang layunin ng


modyul na ito, iba’t-ibang gawaing pagkatuto ang inihanda para mas
maging kanais-nais at kawili-wili ang pagsagot ng mag-aaral.

Inaasahang basahin at unawain ang bawat panuto nang sa


ganon ay mabigyang halaga ang bawat layunin nito.

Mga tala para sa Guro

Ang modyul na ito ay isang gawaing pang-


indibidwal na nangangailangan ng kaukulang
pansin, kaya dapat gabayan ang bawat mag-aaral
na basahin, intindihin ang bawat panuto, at sagutin
ang lahat ng mga gawaing pagkatuto upang mas
lalong maintindihan at maunawan ang bawat
layunin nito.

i
3
Alamin

Likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging maaalahanin tuwing


may bisita tayo sa bahay. Ito ay isang paraan kung saan ipinapakita
natin ang ating malugod na pagtanggap sa kanila. Sa araling ito,
malalaman natin kung anu-ano ang mga wastong pamamaraan sa
pagtanggap ng bisita maging kamag-anak man, kaklase, kaibigan,
katrabaho o mga taong hindi natin kilala. Papaano nga ba ang
wastong pagtanggap sa kanila bilang mga bisita?

Layunin sa pagkatuto:

Nakatutulong sa pagtanggap ng bisita sa bahay tulad ng:

1. pagpapaupo, pagbibigay ng makakain, tubig at iba pa.


2. pagsasagawa ng wastong pag-iingat sa pagtanggap ng
bisita.
3. pagpapakilala sa ibang kasapi ng pamilya

Paano matuto sa Modyul na ito:

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang


mga sumusunod na hakbang:

• Basahin at unawain nang mabuti ang aralin.

• Sundin at gawin ang panuto sa bawat pagtataya at pagsasanay.

• Sagutin ang lahat na pagtataya at pagsasanay.

4
Icons sa Modyul na ito

Alamin Ang bahaging ito ay naglalaman ng


layunin sa pagkatuto na inihanda
upang maging gabay sa iyong
pagkatuto.
Subukin Ito ay mga pagsasanay na sasagutin
upang masukat ang iyong dating
kaalaman at sa paksang tatalakayin

Balikan Ang bahaging ito ay may kaugnayan


sa nakaraang aralin at sa iyong
bagong matututunan

Tuklasin Ipakikilala ang bagong aralin sa


pamamagitan ng gawaing pagkatuto
bago ilahad ang paksang tatalakayin

Suriin Ito ay pagtatalakay sa pamamagitan


ng gawain sa pagkatuto upang
malinang ang iyong natuklasan sa
pag-unawa sa konsepto.
Pagyamanin Ito ay mga karagdagang gawain na
inihanda para sa iyo upang ikaw ay
magiging bihasa sa mga kasanayan.

Isaisip Mga gawaing idinisenyo upang


maproseso ang inyong natutunan
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay mga gawaing dinisenyo upang


maipakita ang iyong mga natutunan
na kasanayan at kaalaman at ito ay
magamit sa totoong sitwasyon.
Tayahin Ang pagtatasang ito ay ginamit
upang masusi ang inyong antas ng
kasanayan sa pagkamit ng layunin
sa pagkatuto
Karagdagang Ito ay mga karagdagang gawaing
Gawain pagkatuto na dinisenyo upang mas
mahasa ang iyong kasanayan at
kaalaman.
5
iii
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat


sa patlang ang salitang TAMA kung ito ay nagpapakita ng maayos na
pagtanggap ng bisita at MALI naman kung hindi.

______1. Maging maingat sa pagtanggap ng bisitang hindi kilala.

______2. Hayaang magutom ang mga bisita.

______3. Ipakilala ang kasapi ng mag-anak.

______4. Patuluyin agad sa loob ng bahay ang di-kilalang bisita.

______5. Magalang na patuluyin at paupuin ang mga bisita.

______6. Ihatid sa labas ng pinto o gate ang bisita kapag


nagpapaalam na.

______7. Magalang na magsimula ang kwentuhan ng kamustahan


sa isa’t-isa.

______8. Iwanang mag-isa ang bisita sa loob ng bahay.

______9. Maaaring alukin ng maiinom o makakain ang bisita.

______10. Pagalitan ang bisita dahil naabala ang iyong gawain.

6
z

Aralin
Pagtanggap ng Bisita
1 sa Bahay
Kilala tayong mga Pilipino sa pagiging maalalahanin lalong-lalo
na sa pagtanggap ng ating mga bisita maging kamag-anak man,
kaklase katrabaho o sa mga hindi kakilala. Ano man ang estado natin
sa buhay, lahat gagawin mapagsilbihan lang ang ating mga bisita.
Isang mahalagang kaugalian na kailan man ay likas na sa atin bilang
mga mamamayang Pilipino. Tatalakayin ito sa araling ito.

Balikan

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Lagyan ng tsek


(/) ang loob ng bilog kung ito ay nagpapakita ng pagtulong na may
pag-iingat at paggalang, ekis (x) naman kung hindi.

Umaalis sa bahay nang tahimik at walang paalam, kapag


inutusan.

Nag-aalaga sa nakababatang kapatid nang tahimik.

Malugod na sinasamahan ang nanay sa pamamalengke.

Magiliw na nakikipagtulungan sa kapatid kapag naglilinis ng


bahay.

May kusang nagpupunas ng mga kagamitan sa bahay sa mga


araw-araw na walang pasok.

7
Tuklasin

Anong mga pamamaraan ang inyong ginagawa sa


pagtanggap ng bisita sa inyong bahay.

Kamag-anak

_____________________________________________

_____________________________________________

_____________________________________________

Kaklase/Kaibigan

_____________________________________________

_____________________________________________

_____________________________________________

Hindi-kilala

_____________________________________________

_____________________________________________

_____________________________________________

8
Mga pangkaraniwang ginagawa sa pagtanggap ng mga
sumusunod na bisita.

a. Mga Kamag-anak
1. Magalang na patuluyin at paupuin sa loob ng bahay
ang kamag-anak.
2. Maaaring alukin ng maiinom o makakain ang bisita.
3. Magalang na magsimula ang kuwentuhan ng
kamustahan sa isa’t-isa. Iwasang mapag-usapan ang
mga usapin na makapagbibigay ng lungkot sa bisita.
4. Maaaring ihatid sa pintuan o labas ng bahay ang bisita
kapag nagpapaalam siya.

b. Mag kaibigan/kaklase o kasamahan sa trabaho


1. Magalang na patuluyin at paupuin sa loob ng bahay
ang bisita.
2. Ipakilala sa kasapi ng mag-anak.
3. Maaaring hainan ng maiinom at makakain ang bisita.
4. Magalang na makikipagkuwentuhan at makikipag-usap.
5. Ihatid sa labas ng pinto o gate ang bisita kung
magpapaalam na siya.

c. Mga Hindi Kakilala


1. Maging maingat sa pagtanggap ng bisitang hindi
kakilala.
2. Maingat at magalang na itanong ang pangalan at kung
sino at ano ang kailangan.
3. Iwasang patuluyin sa loob ng bahay ang hindi kakilala
hangga’t hindi nakasisiguro sa pagkatao.
4. Iwasang iwanan na mag-isa sa loob ng tahanan o
bakuran ang bisita.
5. Maaaring alukin ng maiinom o makakain ang bisita.
6. Ihatid sa labas ng pinto o gate ang bisita kapag
nagpapaalam na.

9
Suriin

Panuto: Ayusin ang mga letrang makikita sa loob ng panaklong


upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat ang tamang sagot
sa patlang.

(ikalilapa) 1. Ang bisita ay nararapat na ____________ kung


hindi kakilala ng buong mag-anak.

(nikula) 2. Marapat na ___________ ang bisita ng maiinom


o
makakain.

(naimtag) 3. Maging ____________ sa pagtanggap ng bisita


kung hindi ito kakilala.

(gagalangp) 4. Makipag-usap nang may ___________ sa bisita.

(upasin) 5. Iwasan pag-usapan ang mga ____________ na


makapagdudulot ng kalungkutan sa bisita.

Pagyamanin

Pagsunud-sunurin ang mga pamamaraan sa pagtanggap


ng bisita sa pamamagitan ng pagsulat ng bilang mula 1-5 sa
patlang.

_____ Ihatid sa labas ng pinto o gate ang bisita kung


magpapaalam na siya.

_____ Ipakilala ang bisita sa kasapi ng mag-anak.

_____ Maaaring bigyan ng maiinom at makakain ang bisita.

_____ Magalang na patuluyin at paupuin sa loob ng bahay ang


bisita.

_____ Magalang na makikipagkuwentuhan at makikipag-usap

10
sa bisita.

Isaisip

Sagutin ang mga sumusunod.

1. Magbigay ng mga halimbawa ng wastong pamamaraan sa


pagtanggap ng mga bisita.

___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

2. Bakit mahalaga na malaman ang wastong pamamaraan ng


pagtanggap ng mga bisita lalong-lalo na kapag ito ay hindi natin
kilala?

___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

3. Bilang kasapi ng pamilya, paano ka makakatulong sa


pagtanggap ng bisita?

___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

11
Isagawa

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag.


Ibahagi ang iyong nalalaman tungkol sa wastong
pamamaraan ng pagtanggap ng bisita.

1. Pumunta ang iyong kaklase na si Ando sa inyong


bahay upang pag-usapan ang inyong magiging
proyekto sa EPP. Bilang nagmamay-ari ng bahay,
papaano mo maipapakita ang pagtanggap sa iyong
bisita na si Ando?

___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________

2. Araw ng sabado, umalis ang mga magulang mo at


mag-isa ka lang na naiwan sa inyong bahay. Biglang
may dumating na di-inaaasahang bisita at hindi mo ito
kilala dahil ngayon mo lang ito nakita. Ano ang dapat
mong gawin?

___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________

12
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag.


Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung ito ay nagpapakita
ng maayos na pagtanggap ng bisita at MALI naman kung hindi.

______1. Alukin o hainan ng makakain ang mga bisita.

______2. Maging maingat sa pagtanggap ng bisitang hindi


kilala.

______3. Ipakilala ang bisita sa mga kasapi ng mag-anak.

______4. Iwasang patuluyin agad sa loob ng bahay ang bisita


lalong-lalo na kapag hindi ito kilala.

______5. Isara ang pintuan ng padabog kapag aalis na ang


bisita.

______6. Magalang na magsimula ang kwentuhan ng


kamustahan sa isa’t-isa.

______7. Magalang na patuluyin at paupuin ang mga bisita.

______8. Pagalitan ang bisita dahil naabala ang iyong gawain.

______9. Pasalamatan ang bisita sa kanyang pagdalaw.

______10. Iwanang mag-isa ang bisita sa loob ng bahay.

13
Karagdagang Gawain

Panuto: Sa inyong bahay, gumawa ng tseklist tungkol sa mga


wastong pamamaraan sa pagtanggap ng bisita. Lagyan ng tsek (/)
ang kahon kung ito ay naisakatuparan.

Wastong Pamamaraan ng
Pagtanggap ng Bisita

Magalang na patuluyin at paupuin ang bisita.

Hainan ng makakain o maiinom ang bisita.

Magalang na makipagkwentuhan at
makipag-usap.

Maingat na magbukas ng usapin na magdudulot


ng kalungkutan sa bisita.

Pasalamatan ang pagdalaw ng bisita.

Ihatid sa labas ng pinto o gate ang


bisita kung magpapaalam na siya.

14
15
Tayahin
1. Tama
2. Tama
3. Tama
4. Tama
5. Mali
6. Tama
7. Tama
Balikan
8. Mali
1. X
9. Tama
2. /
10. Mali
3. /
4. /
Pagyamanin 5. /
1. 5
2. 2
3. 3 Subukin
4. 1 1. Tama
5. 4 2. Mali
3. Tama
4. Mali
Suriin 5. Tama
1. ipakilala 6. Tama
2. alukin 7. Tama
3. maingat 8. Mali
4. paggalang 9. Tama
5. usapin 10. Mali
Answer Key
Sanggunian:

Kagawaran ng Edukasyon. 2015. Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan IV. Kagamitan ng Mag-aaral. Vibal, Inc. pp. 269-273

Kagawaran ng Edukasyon. 2015. Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan IV. Gabay sa Pagtuturo.Vibal, Inc. pp. 95-97

Most Essential Learning Competencies (MELC’s, 2020).

16
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Valencia City

Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

Telefax: (088) 828 - 4615

17

You might also like