You are on page 1of 16

Ang kabuuan ng lahat na ito na naging paraan o systema

ng kanilang pamumuhay ay kasama sa kanilang Kultura. Ito ay


may dalawang uri. Ang materyal at di-materyal na kultura. Suriin
ang talaan. Ito ang mga bahagi ng bawat pangkat.

MATERYAL DI-MATERYAL

1. Kasangkapan 1. Edukasyon
2. Kaugalian
2. Kasuotan 3. Pamahalaan
4. Paniniwala
3. Pagkain 5. Relihiyon/Pananampalataya
4. Tahanan 6. Sining/Agham
7. Wika
Noong bago dumating ang mga banyagang mananakop, walang
kasangkapan ang ating mga ninuno. Lumipas ang panahon, natuton
silang gumawa ng sariling kagamitan para sa pang-araw-araw nilang
pamumuhay. Natuklasan ito sa mga yungib na ginawa nilang panirahan
at sa loob ng mga banga. Narito ang ilang larawan na ginawa ng ating
mga ninuno.Inukit, hinasa, pinakinis at nililok nila ang mga ito ayon sa
kagamitang nais nilang mabuo. Hindi ba’t isang katangian ito ng
Pagiging malikhain.
Sa kasalukuyan nakikita ang ating kultura sa mga
disenyo ng ating kasangkapan iba’t iba man ang uri ng
materyal nito.
Katangi-tangi rin ang pananamit ng
ating mga ninuno noon. Nagkakaiba-
iba sila ayon sa kanilang pinagmulan
at pag-aangkop sa klima ng
kapaligiran. Tingnan ang tsart na
naglalarawan sa kanilang kasuotan.
PAGLALARAWAN URI NG KASUOTAN
Sa mga LALAKI Kangan—pang itaas na damit na walang
kuwelyo at manggas
Bahag__kaperasong tela na ginagamit pang-
ibaba
Putong—kaperasong tela na ibinabalot sa ulo
Sa mga babae Baro – pang itaas na may mahabang
manggas na
parang jaket
Saya- kapirasong tela o tapis na
iniikot sa
baywang.
Patadyong-naman ang tawag ng
mga Visaya rito.
Nakayapak o walang sapin sa paa
ang ating
mga ninuno.
Sari-saring alahas din ang suot ng ating
mga ninuno gaya ng singsing, kwintas,
hikaw, at pulseras. Hindi lamang ang mga
leeg, kamay at tainga ang kanilang
nilalagyan ng alahas. Sinasabitan pa nila
ang kanilang mga binti, braso at pagitan ng
mga ngipin.
Yari pa ito sa ginto at mamahaling bato
na kanilang namimina.
Sa kasalukuyan, karaniwan na ang
modernong kasuotan sa lahat ng Pilipino
ano man ang antas sa buhay. Ngunit sa
mga espesyal o pormal na okasyon,
nakikita ang pagkamalikhain ng mga
Pilipino sa paggamit ng mga karaniwang
materyales na nakikita sa kanilang
kapaligiran kagaya ng pina, abaca at
seda.
Dahil hindi pa marunong magtanim ang mga ninunong
Pilipino noon, nanggagaling lamang sa dagat, ilog at
mga punungkahoy sa kagubatan ang kanilang
pagkain. Niluluto nila ang kanilang pagkain sa palayok
o sa bumbong ng kawayan. Nakakamay sila kung
kumain sa dahon o sa bao ng niyog. Umiinom sila sa
pinakinis na bao o biyas ng kawayan.
Walang tiyak na tirahan
ang ating mga ninuno.
Nagpalipat-lipat sila ng tirahan
kung saan sila mapadpad.
Batay sa mga pagsasaliksik ng
mga mag-aaral/dalubhasa sa
piangmulan ng tao, nanirahan
muna sila sa loob ng kweba.
Sa paglipas ng panahon, natuto
silang gumawa ng isang palapag na
bahay na yari sa pawid,kahoy,
kawayan, sawali at kugon. Ang sahig
ay yari sa kawayan at nakaangat sa
lupa. Ang silong ng bahay ay
imbakan ng mga panggatong,
kagamitan sa pagsasaka at kulungan
ng mga alagang hayop.

You might also like