You are on page 1of 25

5

Filipino
Ikaapat na Markahan
Sariling Linangan Kit 7:
Pagsulat ng Balita, Editoryal, at
Iba Pang Bahagi ng Pahayagan
Filipino – Ikalimang Baitang
Ikaapat na Markahan - Sariling Linangan Kit 7: Pagsulat ng Balita, Editoryal, at Iba
Pang Bahagi ng Pahayagan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa SLK na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa SLK na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI


Regional Director: Allan G. Farnazo
Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsulat ng Sariling Linangan Kit


Manunulat: Corazon B. Coloma
Editor: Ligaya L. Perez
Tagasuri: Rosemarie B. Sagum, Rene P. Sultan, Alemer O. Veloso
Tagaguhit: Hareld O. Candari
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena
Mary Jeane B. Aldiguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada May Ann M. Jumuad
Mary Jane M. Mejorada Rene P. Sultan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Department of Education - Sangay ng Lungsod ng Davao
Office Address: Daang E. Quirino, Lungsod ng Davao
Telefax: (082) 2274726
E-mail Address: davaocitydivision@deped.gov.ph
5

Filipino
Ikaapat na Markahan
Sariling Linangan Kit 7:
Pagsulat ng Balita, Editoryal, at
Iba Pang Bahagi ng Pahayagan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang SLK na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
SLK.

Para sa mag-aaral:
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang SLK:
1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring
sulatan ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos
ng mga gawain.
Kung may mga bahaging nahihirapan kayo sa pagsagot sa mga
inilaang gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaang hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng SLK na ito, ay mararanasan mo ang
isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa
sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo iyan!

ii
Alamin Natin

Magandang Araw!
Handa ka na ba sa pag-aaralan mo sa araw na ito?
Sige simulan mo na.

Sa pagtatapos ng araling ito ay inaasahang matututuhan mo ang


sumusunod na kasanayang pampagkatuto:

• Nagagamit ang mga bagong natutuhang salita sa paggawa ng


sariling komposisyon. F5PT-IVc-5-6

• Nakasusulat ng maikling balita, editoryal, at iba pang bahagi ng


pahayagan. F5PU-la-2.8, F5PU-IIIj-2.2.11, F5PU-IVe-h-2.11

• Nakasusulat ng iskrip para sa radio broadcasting at teleradyo.


F5PU-IVc-1-2.12

Subukin Natin
I. Panuto: Tukuyin kung sa anong bahagi ng pahayagan matatagpuan
ang sumusunod na mga balita. Piliin sa loob ng kahon ang titik ng
angkop na sagot.

A. Balitang Panlalawigan D. Libangan

B. Anunsiyo Klasipikado E. Isports

C. Balitang Pandaigdig

1. Bea Alonzo, itinanghal na best actress ng Famas awards.

2. Bansang Japan, nakaranas ng lindol na may lakas na


magnitude 7.

3. Pacquiao, nagwagi sa laban nila ni Bradley.

4. Nangangailangan ang Techno Com ng limang surveyor para sa


kanilang branch sa Calinan.

1
5. Sinalanta ng bagyong Ulysses ang malaking bahagi ng Cagayan

II. Kilalanin kung anong bahagi ng pahayagan ang ipinakikita sa ibaba.


Isulat ito sa sagutang papel.

1. _________________________________________

2. __________________________________________

2
3. __________________________ 4. _____________________ _____

5. _____________________________________

Aralin Natin
Basahin at pag-aralan ang tekstong pang-impormasyon. Tukuyin ang
napapansin ninyo dito.

Tagapagbalita: Magandang umaga Lungsod ng Davao, ako ang inyong


Roan Enzo Nicollo at ito ang DXCC 11.96 RADYO
SENTRAL. Sa ulo ng mga nagbabagang balita, 487K
AstraZeneca vaccines darating ngayon. Para sa detalye,
Darating ngayong araw ang apat na raan walumpu’t pitong
libo at dalawang daang bakuna mula sa AstraZeneca.
Inanunsiyo ni Senador Christopher “Bong” Go na
sasalubungin nila ni Pangulong Rodrigo Duterte ang
nasabing vaccines dakong ala-7 ng gabi sa Villamor
Airbase. Napag-alamang nagmula ang mga bakunang ito
sa Covax Facility. Matatandaang inasahan ng pamahalaan
ang pagdating ng mahigit limang daang libong bakuha ng

3
AstraZeneca vaccines nitong Lunes subalit hindi natuloy
dahil sa limitadong bakuna.
Ayon kay Senador Go, nakatanggap ang Malakanyang
ng
isang liham na nag-aabiso ng pagdating ng nasabing
bakuna.

Pinagkunan: Philstar Balita Ngayon

➢ Ano ang tawag sa nabasa mong tekstong pang-impormasyon?


Tama, ang binasa mo ay isang balita.

❖ Ang balita ay ang kaalaman o impormasyong nagaganap sa araw-


araw sa loob at labas ng bansa. Maaaring magmula ang balita sa
radio, telebisyon, diyaryo o pahayagan.
Ito ay tiyak at hindi maligoy, payak at nauunawaan ng lahat ang
wika/salitang ginamit, katotohanan lamang ang isinusulat na
pangyayrai, hindi sasamahan ng sariling opinyon o pananaw at
tiyakin na pawang nangyari o pangyayari lamang ang ibabalita at
walang kinikilingan.

Balikan mo ang tekstong pang-impormasyong nasa simula ng Aralin Natin.


➢ Ano ang nilalaman niyon maliban sa balita?

❖ Iyon ay naglalaman ng mga sasabihin sa isang tagapagbalita sa radyo.


Ito ang tinatawag na radio broadcasting. Ito ay isang paraan ng
paghahatid ng mahalagang impormasyon sa malawak na populasyon
ng tagapakinig gamit ang radio waves.
Hindi lalampas sa limang minuto ang isang balita at dapat ito
ay simple, tama at malinaw.

➢ Ano ang makikita mo sa larawan?

4
(Pinagkunan:https://www.abante.com.ph/abante-front-page-balita-ngayong-august-13-2020/)

Tama, ang mga ito ay mukha ng iba’t ibang pahayagan. Marami


tayong mga pahayagang nasusulat sa Ingles at nasusulat sa Filipino. Iilan
lamang ang pahayagang gumagamit ng wikang gamit sa paaralan. Ang iba
halu-halong Ingles at Filipino.

➢ Ano-ano naman ang nilalaman ng mga pahayagan o diyaryo?

❖ Ang diyaryo o pahayagan ay may iba’t ibang bahagi o nilalaman


upang maging maayos ang pagbibigay ng balita.

Mga Bahagi ng Pahayagan:

• Pangmukhang Pahina – Tinataglay nito ang pangalan ng diyaryo


o pahayagan at ang mga pangunahing balita sa araw na iyon.

• Balitang Pandaigdig- Mga balitang nagaganap sa iba’t ibang


panig ng mundo ang tinataglay nito,

• Pangulong tudling o editoryal – Tinataglay nito ang opinyon o


kuro-kuro o puna ng patnugot hinggil sa napapanahong isyu.

• Balitang Panlalawigan – Mga balitang nagaganap sa mga


lalawigan o rehiyon sa ating bansa ang nilalaman nito.

• Anunsiyo klasipikado – Makikita rito ang mga anunsiyo para sa


iba’t ibang uri ng hanapbuhay, bahay, lupa, sasakyan, at iba
pang kagamitang ipinagbibili o kaya’y pinauupahan.

• Obitwaryo – ang pahinang ito ay anunsiyo para sa mga taong


namatay na. Nakasaad dito kung saan nakaburol at kung kailan
ililibing ang namatay.

• Libangan – ito ang pahina ng balita tungkol sa artista, pelikula,


telebisyon, at iba pang pansining. Makikita rin dito ang mga
krosword, komik istrip at horoscope.

• Lifestyle – Tinataglay nito ang mga artikulong may kinalaman sa


pamumuhay, tahanan, pagkain, paghahalaman, at iba pang
aspeto ng buhay sa lipunan.

• Isports – naglalaman ito ng balitang pampalakasan.

5
➢ Ano-ano ang mahahalahagang sangkap o bahagi ng balita?

❖ Pagsulat ng Balita

Sa pagsulat ng balita o straight news ay sinusunod ang inverted


pyramid style. Ang unang talata ay naglalaman ng puna ng
impormasyon. Halos sinasagot ang mahahalagang tanong tulad ng;
➢ Ano? Ano ang nangyari?
➢ Sino? Sino ang kasangkot sa pangyayari?
➢ Saan? Saan nangyayari ang balita?
➢ Kailan? Kailan ito nangyari?
➢ Bakit? Bakit ito nangyari?
➢ Paano? Paano ito nangyari?

• May mga katangian ang isang mabuting balita. Sa pagsulat ng


isang balita, narito ang mga katangiang dapat alamin;
1. Kawastuhan - Naglalahad ito ng katotohanan o tunay na
nangyari.
2. Kaiklian - Mas mabisa kung maikli at sapat lamang ang haba
upang mabilis itong mabasa.
3. Kalinawan - Tiyak at hindi paligoy-ligoy ang paglalahad nito
ng mga pangyayari.
4. Napapanahon - Sariwa ang balita at pinag-uusapan sa
kasalukuyan.
5. Walang kinikilingan - Hindi ito nagbibigay ng anumang
pagkiling sa isang tao, relihiyon,
pangkat o lahi ng tao, o ideolohiya.

Halimbawa:
Libreng face mask sa inuutos ni Pangulong Duterte

“Kailangang mabigyan ng libreng face mask ang lahat upang


makasunod sa minimum health protocols,” ayon kay Pangulong
Rodrigo Duterte.
Pinuna ni Pang. Duterte na ilang beses na ginagamit ang
mga lumang mask lalo na ng mga walang pambili.
“It’s the mask, ilang gamit lang ‘yan. Iba luma na, isang
buwan na gamit because they don’t have money to buy,” sabi ni
Duterte.
“We have to provide masks for everyone. Kung yung tao
walang pambili, how would you expect compliance?” anang

6
Pangulo.
Inatasan ni Duterte ang Department of Interior and Local
Government at kapitan ng barangay na tumulong sa pamamahagi
ng face mask sa kanilang nasasakupan.

Pinagkunan: Philstar.com

❖ Pagsulat ng Editoryal
Ang editoryal ay isang bahagi ng pahayagan na nagsasaad ng
kuro-kuro sa isang tinatalakay na isyu. Ito ang sinasabing tinig ng
pahayagan na nagbibigay kaalaman, nagpapakahulugan,
humihikayat, at nanlilibang sa mga mambabasa. Ang isang editoryal
ay naglalaman o naglalahad ng pananaw, kuro-kuro at reaksiyon ng
editor o patnugot ng pahayagan tungkol sa mga napapanahon at
mainit na isyu ng isang bansa, na maaaring tungkol sa politika,
pamahalaan, napapanahong isyu, sining at edukasyon.

Mga Uri ng Editoryal:


1. Editoryal na nagpapabatid – Ipinaalam ang isang pangyayari na
binibigyang-diin o linaw ang kahalagahan o ilang kalituhang bunga
ng pangyayari.
Halimbawa:

Spy Fund ni GMA


Bakit nga ba merong intelligence fund ang Office of the
President (OP)? Saan ba gagamitin ng president ang pondong
pang-espiya o paniktik? Sino naman ang titiktikan nito?
Ang mga enforcement agencies lang naman talaga ang dapat
mayroon nito. Ang kaso, mukhang mas malaki pa ang spy fund
ng OP kaysa pulisya at military. Ito ang talagang hindi na tama.
Utang na loob naman.
Kung mayroong higit na dapat paglagyan ng pondo ay itong
agrikultura at health. Idagdag pa ang public works ngayong labis
na sinalamin ng bagyo ang Aurora, Quezon, Nueva Ecija,
Bulacan at Camarines Sur.
Ang dami-dami ng nangangailangan at makikinabang ng
650K milyong pondong ito. Burahin ang spy fund ng OP at ilagay
sa mas importanteng gastusin at programa ng gobyerno.
Halaw sa Abante Tonite

7
2. Editoryal na namumuna – Ito ay pumupuna ng aksyon, desisyon,
o sitwasyon habang nagbibigay ng solusyon sa problemang
kinilala. Kagyat na layunin nito ay para makuha ng mga
mambabasa ang problema, hindi ang solusyon.
Halimbawa:

Sindikato sa Squatting
Marami sa ating mga kababayan ang walang permanenteng
tahanan sa sarili nitong bayan. Marami rin sa kanila ang hindi
makabili ng sariling lupa na mapagtatayuan ng bahay.
Kaya nga umusbong ang mga squatter sa mga lupang may
nagmamay-ari nito.
Sinasamantala naman ito ng ilan sa ating mga kababayan na
gustong kumita sa mabilis ngunit maruming paraan. Wala silang
matitirhan.
Halaw sa Ang Mulawin

3. Editoryal na Nanghihikayat – Ito ay nagbibigay rin ng


kahulugan, nakikipagtalo, namumuna subalit ang binigyang-diin
ay ang mabisang panghihikayat.
Halimbawa:
Itaguyod ang kampanya laban sa COVID-19

4. Editoryal na nagpaparangal o nagbibigay-puri – Layunin ng


editoryal na pahalagahan ang sinumang may malaking nagawa sa
pagpapaunlad ng edukasyon, agrikultura, ekonomiya, sining,
wika, agham, at teknolohiya. Layunin din nitong papurihan ang
proyekto, programa o gawaing makatutulong sa pagpapaunlad ng
paaralan, komunidad, lungsod, bayan o rehiyon.
Halimbawa:

MMFF 2002
Bahagi nang Paskong Pilipino ang pagtatanghal ng Metro
Manila Film Festival, kung saan pitong purong pelikulang
Filipino ang ipinapalabas sa mga sinehan sa Kamalayan na
mapagpipilian ng mga manonood sa Kapaskuhan. Mapalad ang
nakasama sa MMFF ngayon. Mula sa pitong pelikula na entry
MMFF, na mapapanood sa Disyembre 25 hanggang Enero 1,
2003, iraranggo ang mga ito at ang papasok sa ikaanim at
ikapitong puwesto ng mga pelikulang kumita, ay huhugutin at
papalitan. Kaugnay nito, dapat na maging batayan marahil ng
selection committee ng MMFF sa pagpili ng pelikulang ilalahok
ay ang pelikulang tunay na sasalamin ng ating pagka-Pilipino.

8
Sasalamin sa ating galing sa larangan ng pelikula bilang mga
Pilipino.
Halaw sa Kabayan, Disyembre, 2002

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Editoryal:


• Pumili ng isang paksang napapanahon at kawili-wili sa mambabasa.
• Mangalap ng mga tala o datos na nagbibigay ng kahalagahan sa
paksa.
• Tandaan na ang pinakamahalagang bahagi ay ang panimula at ang
pangwakas.
• Huwag mangaral o magsermon (no preaching). Ilahad lamang ang
mga katwiran at hayaan ang mga mambabasang gumagawa ng
sariling pagpapasya.
• Isipin kung paano ilalahad ang paksa.
• Gawing maikli ang paglalahad.
• Gumamit ng mga payak at tiyak na salita.
• Sundin ang dapat isaalang-alang sa mabisang pagsulat; kaisahan
(unity), linaw (clarity), pagkakaugnay-ugnay (coherence) at diin
(emphasis).

❖ Pagsulat ng Balitang Isports


Isang pagpapahayag ng mga balitang kaugnay sa mga
pangyayari sa mundo ng palakasan. Isa sa pinakamaganda at
nakaaaliw na gawaing pampahayagan.

➢ Uring Balitang Isports:


• Balitang isport (advance news)
• Resulta ng Laro
• Sport Profile
• Editoryal/Opinyon
.
➢ Paraan ng Pagsulat ng Balitang Isports:
• Isinulat ito katulad ng pagsulat ng pagkaraniwang balita.
• Inuuna rin sa pagsulat ng isports ang malaking pangyayari sa
pamamaraang baligtad ng piramide (inverted pyramid).
• Gumagamit ang isang sports writer ng salitang makukulay at
buhay.
• Laging nasa patnubay ang resulta ng laro o tunggalian na siyang
pumupukaw at umaakit sa mambabasa.
• Kung ang laro ay labanan ng koponan na katulad ng basketball
at softball ay huwag kalimutang banggitin ang nagpanalo sa laro.

9
. Halimbawa:

Davao, posibleng diretso na sa MPBL Finals


Sakaling may magpositibo sa mga players ng Basilan-Jumbo
Plastic – kasalukuyang nasa pitong araw na quarantine – sinabi
ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes na hindi na nila ito
palalaruin ay ibibigay ang final slots sa karibal na Davao Cocolife.
Lite.balitanet.com

Gawin Natin

Gawain 1
A. Panuto: Ayusin sa tamang pagkasunod-sunod ang mga impormasyon
upang makabuo ng isang balita. Isulat ang bilang 1-5 sa sagutang
papel.

_____ A. ‘Yan ang inanunsyo ng PhiVolcs matapos umabot sa 1,722 ang


mahihinang lindol sa ilalim ng Bulkang Pinatubo mula ika-20
ng Enero, 2021, ayon sa Pinatubo Volcano Network.

_____ B. “Bunsod ng paulit-ulit na paglindol, ang DOST-PHIVOLCS ay


nagtaas ng alerto ng Bulkang Pinatubo mula Alert level 0
patungong Alert level 1,” sabi ng tagapagsalita ng PhiVolcS.

_____ C. Matapos manahimik nang maraming taon, iniakyat ng


Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcS)
ang alerto sa Bulkang Pinatubo dahil sa patuloy na aktibidad at
ligalig na ipinakita nito.

_____ D. Umabot sa magnitude 2.8 na lindol ang pangalawang kumpol


ng mga pagyanig sa paligid nito na nasa hilagang kanluran at
timog silangang silangan ng bulkan at may lalim na 15-25
kilometro.

_____ E. Malubhang pinag-iingat ngayon at pinaiiwasan ang pagpasok


ninuman sa Pinatubo Crater. Patuloy na nagmamanman ang
Phivolcs sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga himpilan sa

10
PVN at may dalas na geochemical survey ng Pinatubo Crater.
Oobserbahan din ang ground deformation ang satellite data.

B. Panuto: Isulat muli ang nabuong balita sa Gawain 1-A ayon sa


tamang pagkakasunod-sunod nito.

_____________________________
Ni: ____

____________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
____________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Gawain 2
Panuto: Pag-aralan ang balita at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Griffin, binitiwan ng Detroit; Conley, pumalit kay Booker sa All-Star


March 6, 2021 Filed under Basketball Posted by Balita Online RSS Feed
Nakipagkasundo ang All-Star forward sa Pistons para sa ‘contract
buyout’ na sapat para makabalik sa aksiyon ang 6-foot-7 dunker at
bigyan daan ang nais na rebuilding process ng Pistons na kasalukuyang
nasa ilalim ng Eastern Cerence standings.

Griffin
“I thank the Pistons organization for working together on an
outcome that benefits all involved and I wish the franchise success in the
future,” pahayag ni Griffin nitong Biyernes (Sabado sa Manila).
Nabakante si Griffin nang magdesisyon ang Pistons na resolbahin
ang problema niya sa kontrata. Nauna nang nai-trade ng Pistons sa New
York si one-time MVP Derrick Rose.

11
Nakuha ng Detroit si Griffin, magdiriwang ng kaniyang ika-32
kaarawan sa susunod na buwan, mula sa trade sa Los Angeles Clippers
nitong 2017-18 season.
Tangan niya ang averaged 12.3 points, 5.2 rebounds at 3.9 assists
sa unang 20 laro ngayong season, kung kaya’t ang katanungan ay kung
may kukuha kay Griffin sa kasalukuyan.
“As we stated from the beginning of our discussions with Blake and
his representatives, our goal has been to pahayag ni Pistons general
manager Troy Weave. “We appreciate all of Blake’s efforts on and off the
court in Detroit, have great respect for him as a player and a person and
we wish him all the best in the future.”
May kontrata siyang minana ng Pistons na US$171 milyon sa loob
ng limang taon.
“Blake has been a great representative for our franchise and for the
city of Detroit,” sambit ni team owner Tom Gores. “His work ethic and his
approach to the game contributed a lot. Samantala, hindi na makalalaro
sa ALL Star Game si Phoenix star Devin Booker matapos ma-sprained sa
kaliwang tuhod.
Papalitan siya ni Utah guard Mike Conley na lalaro sa unang
pagkakataon sa All-Star sa kaniyang ika-13 season sa liga. Makakasama
niya ang kasanggang sina Donovan Mitchell at Rudy Gobert.
Tangan ni Conley ang averaged 16.1 points at 5.7 assists sa Jazz,
ang nangungunang koponan ngayon sa NBA na may 27-9 karta.
Pinagkunan: http://balita.net.ph/2021/03/06/griffin-binitiwan-ng-detroit-conley-
pumalit-kay-booker-sa-all

1. Tungkol saan ang balita?


2. Sino ang pinag-uusapan dito?
3. Saan ito nangyari?
4. Kailan ito nangyari?
5. Paano nila napanalunan ang laro?

12
Sanayin Natin

A. Panuto: Pag-aralan ang editoryal at isulat sa sagutang papel ang


iyong masasabi ukol dito.

OPINYON

EDITORYAL

Face masks nasa pusod na ng dagat


Pilipino Star Ngayon
March 12, 2021 - 12:00am

Ang mga itinatapong single-use face masks ay humantong na sa


dagat at sumisira ng likas na yaman. Kahit na madalas ang paalala sa
mamamayan na itapon nang maayos ang face masks, face shield at iba
pang personal protective equipment (PPE) laban sa COVID-19, marami
pa ring iresponsable sa pagtatapon ng mga ito. Ngayon nga, hindi
lamang sa kalye makikita ang ginamit na face masks kundi pati na rin
sa ilalim ng dagat.
Kung hindi magkakaroon ng disiplina ang mga tao sa pagtatapon
ng ginamit na face masks, maaaring sa mga susunod na panahon ay
santambak na basura ang makokolekta sa karagatan. Malaking banta
ang mga basurang ito sa pagkasira ng kapaligiran. Bukod pa rito,
maaaring mamatay ang mga lamandagat gaya ng balyena kapag kinain
ang face masks na tinapon sa dagat. Babara ang mga ito sa bituka ng
mga balyena at iba pang nabubuhay sa dagat.
Sa report ng British Broadcasting Network (BBC) nagulat ang
divers nang makakuha ng face masks sa coral reef ng Anilao, Batangas.
Mga asul na face masks ang naiahon ng divers.

13
Paboritong dive spot ang Anilao coral reef at hindi akalain ng mga
professional divers na ang magandang tanawin sa ilalim ng dagat ay
mapapalitan ng mga nakakasulasok na basura na ginamit sa panahon
ng pandemya.
Bukod sa face masks nakakuha rin ang grupo ng diver ng iba
pang plastik na basurang kinabibilangan ng face shield, plastic bottles,
tarpaulin at mga sako. Nakakalat ang mga nabanggit sa mismong dive
spot.
Hindi lamang sa Anilao coral reef may mga itinapong face masks
at face shield. Noong nakaraang taon, nakita rin sa dagat na malapit sa
Baseco ang mga face masks na lulutang-lutang. Bukod sa face masks,
may nakita ring face shield at mga guwantes.
Noong nakaraang taon din nakita ang mga itinapong used test
kits para sa COVID sa isang kalye sa Sampaloc, Maynila. Nagkalat sa
kalsada ang mga test kits na ikinarga ng isang magbabasura sa
kaniyang traysikad. Ayon sa magbabasura, napulot lang niya ang black
bag.
Maging responsable sa pagtatapon ng mga basura lalo na
ngayong may pandemya. Huwag tapon nang tapon sapagkat maaaring
kumalat ang sakit. Kapag humantong sa dagat, apektado ang
kapaligiran at pati ang mga lamandagat. Isaayos ang pagtatapon ng
mga basura para walang maperwisyo. Maging disiplinado sana ang
mamamayan sa pagkakataong ito lalo pa nga ngayong may pandemya.

Pinagkunan: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2021/03/12/2083759/editoryal-
face-masks-nasa-pusod-na-ng-dag

Sagot:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

B. Panuto: Sumulat ng iskrip batay sa balita sa ibaba. Gayahin ang


halimbawa ng iskrip na nasa Aralin Natin.
1.
Health Workers na nais magpabakuna, dumami pa

Humiling na sa Department of Health (DOH) ang pamunuan ng


General Hospital ng dagdag na doses ng Sinovac vaccine
makaraang lalo pang dumami ang mga health care workers na
nais magpabakuna.
Sinabi ni PGH Director Dr. Gerardo Legaspi na mula sa 1,200
doses itinaas na nila sa 2,000 ang kanilang request para mas
maraming staff nila ang mabakunahan.
Pinakaunang nagpabakuna si Legaspi sa PGH na sinundan ng

14
ibang opisyal ng pamahalaan at mga naka-iskedyul na health
workers na unang pumirma.
Sa unang araw ng vaccination, nasa 128 medical staff nila ang
nagpabakuna na sinundan ng 483 nitong Martes.
Agad namang tumugon ang DOH at itinaas sa 2,000 doses ang
ibibigay na Sinovac sa PGH.

Philstar Balita Ngayon

Sagot:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Tandaan Natin

Sa pagsulat ng balita, nararapat na


• Tiyak at hindi maligoy.
• Payak at nauunawaan ng lahat ang wika/salitang
ginamit: hindi lalahukan ng mga idyoma o
matalinghagang salita.
• Katotohanan lamang ang isusulat na pangyayari.
• Hindi sasamahan ng sariling opinyon o pananaw hinggil
sa isyu.
• Tiyakin na pawing nangyari o pangyayari lamang ang
ibabalita at walang kinikilalang panig.

Sa pagsulat ng editoryal:
• Pumili ng isang paksang napapanahon at kawili-wili sa
mambabasa.
• Mangalap ng mga tala o datos na nagbibigay ng
kahalahahan sa paksa.
• Isipin kung paano ilalahad ang paksa.
• Gawing maikli ang paglalahad.
• Gumamit ng mga payak at tiyak na salita.

Sa pagsulat ng iskrip panradyo o teleradyo:

15
• Kumuha ng malinaw na instruksiyon o tagubilin at
alamin kung sino ang tagapakinig.
• Magsaliksik tungkol sa paksa.
• Ihanda ang balangkas o content outline.
• Isulat ang unang burador draft)
• Basahin ito nang malakas at orasan din ito.
• I-visualize ang iskrip.
• Rebyuhin ang iskrip
• Rebisahin ang estilo at iwasto ang iskrip.

Suriin Natin

I. Panuto: Tukuyin kung anong bahagi ng pahayagan makikita ang


sumusunod na balita.

1. KZ Tandingan, napisil sa Disney Raya.

2. Pocket tournament target ng SBP para sa Gilas

3. 6.6 magnitude na lindol yumanig sa Mindanao

4. Bibitaying OFW sinalba ni Pangulong Duterte

5. 2 katao gumaling sa COVID-19 sa Lungsod ng Baguio

II. Panuto: Sumulat ng balitang isports batay sa sumusunod na datos.


Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Margielyn Didal
Tinalo ng 21-anyos na Tokyo Olympic hopefuls ang pitong iba
Naibulsa niya ang $1,500 na premyo
Tinanghal bilang Women’s Asia Skater of the Year
Kabilang din na nominado sa award ang isang Pinay skater na
si Cindy Lou Cerna
Bomboradyo.com

16
➢ Tungkol saan ito?
➢ Sino ang kasangkot dito?
➢ Saan ito nangyari?
➢ Kailan ito nangyari?
➢ Ano ang sanhi o maaaring kalalabasan ng pangyayaring nasa
balita?

III. Isulat sa sagutang papel ang bahagi ng pahayagan kung saan


makikita ang sumusunod;
1. Bagong pelikula
2. Giyera sa Iraq
3. Palaisipan
4. Pangunahing Balita
5. Palarong Pambansa
6. Eleksiyon sa Pilipinas
7. Ipinagbibiling kotse
8. Opinyon ng editor
9. Krosword
10.Palabas sa telebisyon mamayang gabi

Payabungin Natin

A. Panuto: Gumawa ng iskrip panradyo gamitin ang balitang nasa


ibaba. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. (Balikan ang
bahaging Aralin Natin upang iyong gawing pamatnubay)

National athletes, coaches umaasang mabibigyan ng bakuna


Umaasa pa rin ang mga national athletes at coaches na maisasama
sila sa priority list ng gobyerno para sa bibigyan ng corona virus disease
vaccines.
Kasalukuyan nang nasa “bubble” training ang mga elite athletes
kasama ang kanilang coaches bilang paghahanda sa 2021 Olympic
Games at Southeast Asian Games.
Tanging ang mga frontliners lamang ang prayoridad ng gobyerno para
sa Covid-19 vaccines.

17
“Antay lang kami ng pasabi nila (Philippine Sports Commission) kung
kasama kami sa priorities nila,” wika kahapon ni national women boxing
head coach Boy Velasco.
Kasama ni Velasco sina Olympic-bound Irish Magno at Carlo Paalam
sa “bubble” training sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
Philstar Balita Ngayon

RUBRIK SA PAGSULAT NG EDITORYAL, BALITA, ISPORTS AT ISKRIP


PANRADYO
5 4 3 2 1
Sumusunod sa tamang alituntunin sa
pagsulat ng editoryal, balita at iskrip
panradyo.
Malinaw at maayos na naisulat ang
editoryal, balita at iskrip panradyo.
Wasto at angkop ang mga
impormasyong isinulat.
Malinis ang pagkakasulat.

5- Pinakamahusay 3 – Katanggap-tanggap 1- Nangangailangan


4- Mahusay 2 – Mapaghuhusay pa pa ng mga pantulong
na pagsasanay

Pagnilayan Natin

Panuto: Ipaliwanag ang iyong sagot sa mga tanong.

“Ang katapangan ay tunay kung handang itaya ang sariling buhay


upang mailigtas ang iba pang kapwa.”

Sang-ayon ka ba rito? Bakit? Anong karanasan mo na naipakita mo


ang ganitong katapangan?

18
19
Subukin Natin
1. D
2. C
3. E
4. B
5. A
Gawin Natin
A. 1. C
2. A
3. B
4. D
5. E
Surrin Natin: I
1. Libangan
2. Isports
3. Balitang Panlalawigan
4. Balitang Pandaigdig
5. Balitang Panlalawigan
iii.
1. Libangan
2. Balitang Pandaigdig
3. Libangan
4. Pangmukhang Pahina
5. Isports
6. Balitang Panlalawigan
7. Anunsiyo Klasipikado
8. Pangulong Tudling o Editoryal
9. Libangan
10. Libangan
Gamitin ang rubriks sa pagkilatis sa iba
pang mga Gawain.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Astorga E. et al, (2016) Wikang Sarili 5, ABIVA PUBLISHING HOUSE,


INC. Abiva Bldg., 851 G. Araneta Avenue, Quezon City
Castillo L. et al, (2015) Yamang Filipino, Batayan at Sanayang Aklat sa
Filipino, REX Bookstore, 856 Nicanor Reyes St.
Agarrado P. et al, Alab Filipino, Batayang Aklat, Vibal Group, Inc. 1253
Gregorio Araneta Avenue, Quezon City
Lalunio L. et al, (2010) Hiyas sa Pagbasa, Batayang Aklat- Filipino
Ikalimang Baitang, SD Publishing House, G. Araneta Ave.,
Quezon City
Emily V. Marasigan, (2007), Pluma 6, Wika at Pagbasa sa Batang
Pilipino, Ikalawang Edisyon, Phoenix Publishing House, Inc.,
927 Quezon Avenue, Quezon City

Liwanag, Lydia B., Ph.D., et al, (2011) Landas sa Wika 6, Batayang


Aklat sa Filipino, EduResources Publishing, Inc., Unit 407, #77
Visayas Avenue, Quezon City 1128
Philstar.net.com
Philstar Balita Ngayon

20
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education – Region XI
F. Torres St., Davao City
Telefax:
Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph
20

You might also like