You are on page 1of 16

3

Mother Tongue Based


Multilingual Education
Ikatlong Markahan – Modyul 8:
Pagbibigay ng Layunin ng May Akda sa
Pagsulat ng Kwento
Mother Tongue (MTB-MLE) – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 8: Pagbibigay ng Layunin ng may Akda sa Pagsulat ng Kwento
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM


Awtor : Asuncion B. Reyes
Co-Awtor - Content Editor : Jessica A. Torres, MAEd
Co-Awtor - Language Reviewer : Fe T. Q. Espiritu
Co-Awtor - Illustrator : Ar. Shella Joy B. Reyes
Co-Awtor - Layout Artist : Jennifer G. Baldonado

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Bagac : Modesta B. Abrantes, EdD
Principal District LRMDS Coordinator : Grace F. Daracay , MAEd
Teacher District LRMDS Coordinator : Marites M. Bantugan
District SLM Content Editor : Mariel M. Labandilo, MAEd
District SLM Language Reviewer : Grace F. Daracay, MAEd
District SLM Book Designer : Rowin R. Sanchez

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, MTB-MLE : Mila D. Calma
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano
Division Book Designer : Rommel M. Magcalas

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
3

Mother Tongue Based


Multilingual Education
Ikatlong Markahan – Modyul 8:
Pagbibigay ng Layunin ng May Akda sa
Pagsulat ng Kwento
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

iii
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang


mabigyang pansin ang pagbibigay ng layunin ng may akda sa pagsulat ng
kwento.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matututuhan mo ang :

1. Nakapagbibigay ng layunin ng may akda sa pagsulat ng kwento.


MT3RC –IIIh-4.6

Subukin
Ano ang pagdiriwang na ipinahihiwatig ng mga pangungusap? Piliin ang titik ng
tamang sagot sa tanong sa loob ng kahon.

1. Maingay sa labas ng bahay may mga musikong nagdadaan, maganda ang mga
palamuting banderitas.
2. Kampana ay naririnig na, halina, halina at may awiting “Ang Pasko ay
Sumapit”.
3. Maagang pumunta sa kamposanto ang mag-anak na Santos at may dala silang
bulaklak.
4. Kabikabila ay maririnig mo ang malalakas na mga paputok, kung kaya ayaw
kong lumabas .
5. Maaga akong gumising, at paglabas ko ng aking silid ang cake na regalo ni ate
ang sumalubong sa akin.

a. Bagong Taon b. Pista c. Undas d. kaarawan e. Pasko

vi
Aralin
Layunin ng May Akda sa Pagsulat ng
1 Kuwento

Balikan

Basahin ang mga sumusunod na teksto. Piliin ang titik ng hinuha upang
malaman kung ano o sino ang tinutukoy. Isulat sa papel ang iyong sagot.

1. Bago magbukang liwayway, nagbubungkal


na ako ng lupa. Upang sa kinabukasan ako ay a. mananahi

umani ng aking pinaghirapan. Sino ako?


2. Ako ay sumusulat , nagbabasa, umaawit, at
sumasayaw kasama ng bata. Nasisiyahan ako b. magsasaka

dahil natututo ang mga bata. Kilala mo ba


ako?
3. Gumagawa ako ng maririkit na damit
pambabae at kaaya-ayang damit panlalaki.
c. mangingisda
Pati na rin ang mga kaakit-akit na kurtina para
sa inyong bahay. Sino ako?
4. Nakikita mo ako tuwing umaga sariwang
ulam hatid ko sa iyo tuwina. Sino ako? d. guro

5. Araw- araw ikaw ay namamasyal, inihahatid


na ligtas sa nais mong lugar. Sino ako? e. drayber

2
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Tuklasin

Basahin ang maikling kuwento. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa


ibaba.
Ang Lungsod ng Maynila
Maria Odulio (de Guzman)

Bagong lipat na mag-aaral si Chona sa Paaralang Sentral ng Candelaria sa


lalawigan ng Quezon. Dati siyang nag-aaral sa isa sa mga paaralan ng Lungsod
ng Maynila. Sabi ni Chona, malaki at maunlad ang Lungsod ng Maynila.
Napakaraming tao ang naninirahan dito. Marami at iba-iba ang mga sasakyan sa

3
lungsod. Mayroon ding mga daan na ginagawa sa ibabaw at ilalim nito. Ang
tawag sa mga ito ay overpass at underpass.

Dahil sa dami ng mga sasakyan,


kailangan ang mga automatic na ilaw-
trapiko sa lungsod. Sumisindi at
nagpapalit ito ng kulay kahit walang pulis-
trapiko na pumipindot nito. Nakatutulong
ito sa mga taong tumatawid sa pedestrian
lane o mga pook-tawiran.

Malaki ang mga gusali sa Lungsod ng Maynila. Dito makikita ang Cultural Center of
the Philippines, ang Philippine International Convention Center o PICC, ang Philippine
General Hospital, Manila Hotel at iba pa.
Ang mga tahanan sa lungsod ay naglalakihan at gawa sa kongretong gamit.
Napakadami ng tao sa Lungsod kung kayat siksikan na ang mga bahay dito.

1. Sino ang batang taga-lungsod?


2. Ano-ano ang mga makikita sa lungsod ng Maynila?

4
Suriin

1. Ano ang layunin ng may akda sa kwento?


2. Ano ang ibig ipahayag ng may akda sa kwento? (Suggestion: Bigyan ng
pagpipilian ang bata)

Pagyamanin
Basahin ang kwento. Sagutin ang mga tanong . Isulat sa sagutang papel.

Ang Tindahan ni Aling Nida


Mira Milana

Kung mayroon akong isang lugar na pinakapaborito sa aming


barangay, ito’y walang iba kundi ang tindahan ni Aling Nida. Hindi man ito
kalakihan , puno ito sa paninda at sikat sa lahat ng tindahan sa aming lugar.
Ang lahat ng paninda ni Aling Nida ay nakaayos ayon sa kulay. Ang mga
candy, cake, at chocolate ay nakaayos na nakaaakit sa paningin. Sa isang gilid,
may isang cabinet na lalagyan ng bagong gawang cake. Sa kabilang bahagi
naman nakalagay ang iba’t ibang prutas at gulay gaya ng caimito, chico, mangga,
saging, carrots, repolyo at talong. May isa itong maliit na mesa na palaging may
sariwang bulaklak sa ibabaw na nagsisilbing bayaran. Sana makaupo ako doon
at maging isang kahera sa napakaayos na tindahan ni Aling Nida. Talagang
kinagigiliwan ko ang lahat ng bahagi ng kaniyang tindahan.

1. Ano ang layunin ng may-akda sa kwento?


a. nagbibigay ng impormasyon b. nanghihikayat a. nanlilibang

5
2. Ano ang inilalarawan sa kwento?
a. mga paninda sa tindahan
b. cake sa cabinet
c. ang tindahan ni Aling Nida
3. Ano ang gustong maranasan ng nagsasalaysay ng kwento?
a. gusto niyang magkaroon ng tindahan
b. gusto niyang maging kahera ng tindahan
c. gusto niyang bumili sa tindahan ni Aling Nida

Isaisip

Sa paggawa ng kwento naipapahayag ng isang manunulat ang kanyang


damdamin. Isa sa mga layunin ng mga manunulat sa tingin ko’y ang maipaintindi nila
sa kanilang mambabasa ang kanilang nararamdaman at naiintindihan ang tungkol sa
isang bagay. Isa pa’y ang maghatid ng aral at impormasyon sa mga tao.

6
Isagawa

Alamin ang layunin o nais ipahayag ng may-akda sa mga sumusunod


na kwento. Piliin kung ito ay ( a. nagbibigay ng impormasyon, b.nanghihikayat
c. nanlilibang ) Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Paglalakbay sa Barangay
Asuncion B. Reyes

Isang paglalakbay ang isinagawa ng mga mag-aaral ni Bb. Nora Reyes . Una
nilang pinuntahan ang Tanggapan ng Alkalde at Sangguniang Pambarangay.

Isinunod nilang puntahan ang Pamilihang Bayan ng Malaya. Nagtuloy sila


sa Simbahan ng Santo Niño. Pumunta rin sila sa Kumbento ng Santo Niño. Bago
sila umuwi, nagmeryenda sila sa kantin sa plasa. Masaya ang naging paglalakbay
ng mga mag-aaral ni Bb.Nora Reyes.

2. Mahalagang Pagpupulong
Asuncion B. Reyes

Araw ng Biyernes ika-apat ng hapon, ang Pangulo ng School Pupil


Government sa pamumuno ni Antony dela Cruz ay nagdaos ng isang
pagpupulong.

Hinihiling niya sa kanyang ka miyembro na magtulung-tulong upang


maging malinis ang kanilang paaralan. “Sikapin nating magkaroon ng malinis na
paaralan, dahil ito ang ating pangalawang tahanan. Ang malinis na paaralan ay
kaaya–aya sa ating pag-aaral at nagiging ligtas tayo sa karamdaman.”

Ang bawat kasapi ay nangakong makikiisa sa hiling ng kanilang pinuno.

7
3. Andres Bonifacio
Senpai Argel

Mahal ng mga batang Pilipino si Andres Bonifacio. Hinahangaan nila


ang pagiging mabait niyang kapatid. Nang maulila silang magkakapatid, si
Andres ang naghanapbuhay para sa mga kapatid niya. Nagtinda siya ng
mga pamaypay sa gilid ng daan sa mga lansangan sa Tondo.
Si Andres Bonifacio ay matapang na kawal. Namatay siya nang dahil
sa ating bayan Isa siyang dakilang bayani.
Sa pag aaral sa ngayon ang bayaning si Andres Bonifacio ay
hinahangaan sa tapang na pagtataguyod sa kanyang mga kapatid. Maaari
natin siyang tularan sa kanyang katapangan at kabaitan.

Tayahin

Ano ang layunin ng may-akda sa bawat kwento? Piliin sa kahon ang titik
ng tamang sagot.

a. nanghihikayat b. nagbibigay ng impormasyon c. nanlilibang

1. Lungsod ng Baguio
Asuncion B. Reyes

Ang Lungsod ng Baguio ang paborito kong lugar. Malamig ang panahon
kaya halos lahat ng mga taong naglalakad ay nakasuot ng makapal na damit. May
kani-kaniyang pinupuntahan ang mga tao tulad ng mga parke at palaruan.
Mawiwili ang sinuman dahil sa magaganda at makukulay na mga bulaklak.
Iba-iba ang mga halamang nakatanim. Pababa at pataas ang mga daan. Pulos
berdeng-berde ang mga damo. Para sa akin, kakaibaang Lungsod ng Baguio.

8
2. Pagdalo ng Misa
Asuncion B. Reyes

Ang atin pong pagsisimba sa panahon ngayon ay may iilan-ilan lamang na


mamamayan ang makadadalo rito.
Ipinagbibigay alam po na maaari po tayong magsimba sa pamamagitan ng
panonood ng misa sa telebisyon. Nang sa gayon , maaari pa ring makadalo sa
pagdaraos ng banal na misa sa araw-araw.
Ito ay paraan ng patuloy nating pagsamba sa Panginoon, dahil sa dinaranas
nating pandemiya ngayon.
Inaasahan po ang inyong suporta.Maraming salamat po sa inyong
pagtugon.

3. Nayong Pilipino
Asuncion B. Reyes
Isang araw ang pamilya Morales ay nagkaroon ng pamamasyal sa Nayong
Pilipino. Dahil sa ito ay laging maraming tao, hindi mabilang ang mga bata,
matatanda, at mag-aaral na namamasyal dito araw-araw.
Masayang lumibot-libot sila sa bawat panoorin doon. Wiling-wili sila sa
panonood sa pinaliit na anyo ng magaganda at mahahalagang pook sa ating
bansa.
Nalilibang sila na nakikita ang makukulay na vinta, ang matitibay na bahay
at lumang mga kasangkapan.
Kasiya-siya ang pamamasyal ng mag-anak sa Nayong Pilipino.

4. Sa Bukid ni Lolo
Asuncion B. Reyes
Sabado noon. Isinama ni Lolo Ambo sina Popoy, Nenet, Rene at Ben sa
bukid. May mga dala silang mga pagkain at meryenda. Ang dami palang
punongkahoy dito, wika ni Nenet. Sa banda pa roon ay ang punong mangga at
duhat. Masayang nangunguha ng mga bungangkahoy ang magkakapatid.
May sinabi si Lolo Ambo na may malinis ditong talon, kung kayat dali-dali
silang nagpunta at nagsipaligo. Natutuwa sila sa pagkapunta nila sa bukid.

9
5. Halaman at Hayop, Yaman ng Bansa
Alice Bernardo
Sari-saring halaman at iba’t ibang hayop ang matatagpuan saanmang
dako ng Pilipinas. Ang mga ibon sa himpapawid, ang mga isda sa ilog at dagat,
at ang iba’t ibang hayop sa kagubatan at kaparangan ay mga yaman ng bansa.
Sinasabing libo-libong uri ng mga halaman ang tumutubo kahit saang
dako ng ating bansa. Ang mga halamang gulay, mga ornamental na halaman, at
malalaking puno sa mga bundok at gubat ay yaman din ng ating bansa.

Karagdagang Gawain

Ano ang layunin ng may akda sa kwento? Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot.

a. nagbibigay ng b. nanghihikayat c. nanglilibang


impormasyon

Si Allan at ang Saranggola na Di-Marunong Lumipad


Asuncion B. Reyes

Palaging mag-isa ang batang si Allan. Ika-nga’y parang napag-iwanan na


siya ng lahat sapagkat siya ay bunso at malaki na ang mga kapatid niya. Tuwing
hapon, naglalaro siya ng saranggola- isang saranggola na hindi na marunong
lumipad.
Siya ay anak ng mag-asawang Mang Lucio at Aling Maria. Abala sa
pagsasaka ang kaniyang ama kung kaya ay di-magawa nito ang saranggola ng
anak. Naging matiyaga si Allan at siya na ang nag ayos ng kanyang saranggola.
Mula noon ay masaya na siyang naglalaro nito.

10
Susi sa Pagwawasto

Maynila
5. e ang mga makikita sa
5. d 2.Ipinahahayag nila
4. a 4. c impormasyon
nagbibigay ng 3. b
3. c 3. a
1.Ang may akda ay 2. c
2. e
2. d Suriin 1. b
1. b
Subukin 1. b 2.MRT<CCP>PICC atbp. Pagyamanin:
1. Chona
Balikan: Tuklasin

5. b
3.a 4. c
2.b 3. c 1. c.
1. c 2 a Karagdagang gawain
1. b
Isagawa
Tayahin

Sanggunian
Mother Tongue 3 Teacher's Guide (English). 1st ed., 2014.
K To 12 Curriculum Guide. Mother Tongue 3, 2013.
Bamba, Nelia, Florita Matic, Franlie Corporal, and Arabella May Sinirga.
Mother Tongue 3 Kagamitan Ng Mag-Aaral (Tagalog). 1st ed. Reprint,
Pilipinas: Book Media Press, Inc., 2014.
Aragon, A. and Jocson, M., 2010. Bagong Filipino 3 Sa Salita At Sa Gawa. 1st
ed. Quezon City: SD Publication, Inc., pp.53, 54, 173, 194, 190, 144, 217.
Most Essential Learning Competencies. Mother Tongue 3 (Tagalog)., 2020

11
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like