You are on page 1of 15

Paunang Salita Para Sa Mga Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Ikatlong Baitang,


modyul sa Pandiwa at Pagbibigay Hinuha.
Ang modyul na ito ay ginawa ng mga guro sa Sangay
Lungsod ng Malaybalay ayon sa Kurikulum ng K – 12 ginagabayan ng
mga punong-guro, tagamasid pampook at tagamasid pansangay .
Ginawa rin ito bilang tugon sa iyong pangangailangan sa gitna ng
pandemya (Covid-19).
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang
wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng
mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Paalaala sa mga Guro:


Nakapaloob nito ay ang mga pamamaraan para matuto
ang mga mag-aaral. Inaasahang magagabayan ninyo ang mga
mag-aaral sa paggamit nito.

Paalaala sa mga Mag-aaral:


Ang modyul na ito ay ginawa para sa iyo upang
maintindihan mo ang mga competency na dapat mong matutunan.
Pinaalalahanan din kayo sa mga sumusunod:
1. Huwag dumihan at sulatan ang modyul. Ang inyong mga sagot
sa mga gawain ay isulat lamang sa aktibiti notbuk sa Filipino.
2. Isunod-sunod and pagsagot sa mga gawain.
3. Ibalik ang modyol na maayos ayon sa petsa na
napagkasunduan ng iyong guro.
4. Kung mayroong mga tanong at alinlangan, huwag mag-
atubiling magkonsulta sa iyong guro.
5. I teks o tumawag sa numerong ito ____________.
Alamin
Magandang araw sa iyo!
Kumusta ka?
Ako’y lubos na nasisiyahang ipaalam na sa araling ito,
ikaw ay
 makapag bibigay ng sariling hinuha,
 nagagamit ang tamang salitang kilos,
 pagbibigay ng angkop na pamagat at
 nakagagamit ng wasto sa mga nakalimbag na
kagamitan sa pagbasa ng kuwento. Handa ka na ba?

Subukin
Panuto: Ibigay ang wastong sagot sa mga tanong at Isulat
sa aktibiti notbuk.
1. Dumaan ang fire trak. Ano sa palagay mo ang
nangyayari?
a. may sunog b. umulan c. uminit
2. Si Hope ay sumasayaw. Alin dito ang salitang nagsasaad
ng kilos?
a. Hope b. si c. sumasayaw
3. Ang Ale sa batis ay naglalaba. Alin dito ang salitang
nagsasaad ng kilos?
a. batis b. naglalaba c. Ale
4. Alin ang tamang pagkakasulat ng pamagat?
a. ang pusa ko b. Ang Puno c. si Atong
5. Saan mo maaaring mabasa ang mga balita at
patalastas?
a. pocket book b. dyaryo c. music book

1
Unang Araw Pagbibigay ng sariling hinuha, bago, habang at
pagkatapos mabasa ang teksto.

Balikan
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa aktibiti
notbuk.

1. Tungkol saan ang pictograph?


2. Ano ang ginamit sa pagrerepresanta ng pictograph?
3. Ano ang katumbas ng isang keyk?
4. Anong buwan ang may pinakamaraming bata na
nagdiriwang ng kaarawan?

Tuklasin
Piliin ang hinuha sa bawat pangyayari. Isulat ang iyong
sagot sa aktibiti notbuk.
1. Batang naglalaro ng posporo sa kanilang bahay.
a. Maganda ang bahay ng bata.
b. Masusunog ang bahay.
c. Kumain ng kendi ang bata.
2. Batang naliligo sa ulan.
a. Magkakasakit ang bata.
b. Nanunuod ng telebisyon ang bata.
c. Kumain ng saging ang bata.

2
3. Batang umaakyat sa puno.
a. Nagwawalis ang bata.
b. Nagsasaing ang bata.
c. Mahuhulog ang bata sa puno

Suriin
Ang pagbibigay ng sariling opinyon, palagay o kuru-kuro sa
binasang seleksyon o talata ay pagbibigay hinuha.
Halimbawa:
Umulan at umihip ng malakas ang hangin habang sila ay
papauwi sa kanilang tahanan.
Hinuha - Hindi sila makakauwi dahil umulan at umihip ng
malakas ang hangin.
Ito naman ang halimbawa sa paghihinuha bago ,habang
pagkatapos mapakinggan/mabasa ang isang teksto.

Bago: Maaliwalas ang paligid dahil sa malalaking puno.


Habang:Mainit ang paligid sapagkat pinutol ang mga puno.
Pagkatapos: Labis na pagbaha kasi walang sisipsip sa tubig
ulan.

Pagyamanin
Magbigay ng isang hinuha sa bawat pangyayari. Piliin ang
iyong sagot sa kahon at isulat sa aktibiti notbuk.
a. Nagkasakit ang bata dahil hindi naliligo.
b. Nagkaroon ng sipon dahil naglaro siya sa ulan.
c. Nagkasakit ang mata dahil sa nagbabad sa gadget.
d. Maganda ang bulaklak sa paligid ng hardin.
e. Kaarawan ng kanyang anak.

______1. Si Pedrito ay mahilig maglaro ng gadget.


______2. Inaalagaan ng Ale ang kanyang hardin.
______3. Bumili ng keyk si Nanay.
______4. Limang araw na hindi naligo ang bata.
______5. Lumabas si Kim habang may Covid.

3
Ikalawang Paggamit ng tamang salitang kilos / pandiwa sa
Araw pagsasalaysay ng mga personal na karanasan.

Balikan
Panuto: Magbigay ng hinuha sa mga sumusunod na
pangyayari. Isulat ang sagot sa iyong aktibiti notbuk.

1. Nakatulog si Carly sa klase.


___________________________________________________
2. Kumain ng marami si Kara.
___________________________________________________

Tuklasin
Panuto: Isulat ang mga salitang nagsasaad ng kilos. Isulat ang
sagot sa aktibiti notbok.
______________1. Si Carmel ay sumayaw sa entablado.
______________2. Sinipa ng kabayo ang puno.
______________3. Pinutol ng mga taga bayan ang mga puno.
______________4. Naglaro ng posporo si Miel.
______________5. Kinuha ni Ezra ang baso.

Suriin

Ang pandiwa ay mga salitang nagsasaad ng kilos,


nagbibigay buhay sa isang lipon ng mga salita o
pangungusap. Kagaya ng kumanta, sumayaw, tumakbo,
bumili, naputol, nagkasakit at lumabas.

Pagyamanin

Panuto: Pag-aralan ang mga pangungusap. Hanapin ang


mga salitang nagsasaad ng kilos at isulat ang sagot sa aktibiti
notbuk.
1. Kumanta at sumayaw si Elai sa entablado.
2. Tumakbo ng matulin ang kabayo ni Cardo.

4
3. Inutusan si Rosa na maglakad patungong
gasolinahan.
4. Naputol ang puno sa likod bahay dahil sa bagyo.
5. Nagkasakit si Kim ng Covid dahil siya ay lumabas ng
bahay na walang proteksyon.

Ikatlong Araw Pagbibigay ng angkop na pamagat sa binasang


teksto.

Balikan
Panuto: Magbigay ng limang salitang may kilos. Isulat ang
iyong sagot sa aktibiti notbuk.
1. __________________ 4. ____________________
2. __________________ 5. ____________________
3. __________________

Tuklasin

Panuto: Piliin ang angkop na pamagat sa talata. Isulat ang


sagot sa aktibiti notbuk.
Ang niyog (cocos nucifera) ay may karaniwang taas na
anim na metro o higit pa. Natatangi sa lahat ng puno ang
niyog sapagkat bawat bahagi nito ay maaari ring sangkap
sa paggawa ng sabon, shampoo, at iba pa.
a. ang niyog c. Ang mga Gamit ng Niyog
b. Ang Niyog d. ang mga gamit ng Niyog

Suriin
Ang pamagat (title) ng isang akda o larawan ay
nagpapahayag ng diwa o paksa nito. Mahalagang
tandaan na sa pagbibigay ng pamagat, gawin itong maikli
at nakatatawag ng pansin. Ito ay kalimitang humihikayat sa
mambabasa na ituloy ang pagbabasa sa akda. Kailangang
simulan sa malaking titik ang mahahalagang salita sa
pamagat.

5
Pagyamanin
Panuto: Piliin ang angkop na pamagat sa talata. Isulat ang
sagot sa aktibiti notbuk.
1. Ang pating ay isang uri ng karniborong isda. Sa kasalukuyan,
mayroong mahigit limandaang uri ng pating. Karamihan sa
uri ng pating ay nananatili sa tubig-dagat ngunit may iilang
nabubuhay sa tubig tabang. Ang pinakamaliit na pating ay
may habang anim na pulgada. Ang pinakamahaba naman
ay ang butanding. Ito ay umaabot sa haba na
labindalawang metro.
a. Ang Nakakatakot na Isda
b. Ang Iba't Ibang Uri ng Pating
c. Ang Pating
2-5. Piliin ang wastong pagkakasulat ng pamagat. Pumili ng apat.
a. Ang Bata d. Ang Saya ni Kate
b. si sisa e. ang apat na aso
c. Ang Gumamela f. Ang Regalo ni Rera

Ikaapat na Nakagagamit ng wasto sa mga nakalimbag na


Araw kagamitan sa pagbasa ng kuwento.

Balikan
Panuto: Alin ang tamang pagkakasulat ng pamagat? Pumili
ng lima. Isulat ang sagot sa aktibiti notbuk.
a. Ang Hagdanan d. Si Lino at Lina
b. Ang mga Okra ni Ben e. ang duyan ni jen
c. Ang Gumamela f. Ang Bahay ni Roy

Tuklasin
Panuto: Piliin ang limang kagamitan kung saan makakuha
tayo ng impormasyon sa pamamagitan ng pagbasa nito.
Isulat ang sagot sa iyong aktibiti notbuk.
a. magasin d. radyo
b. aklat e. atlas
c. komiks f. diyaryo

6
Suriin
Nagagamit ang mga nakalimbag na kagamitan para
makakuha ng impormasyon, dagdag kaalaman at
makakuha ng mga ideya sa pamamagitan ng pagbabasa
nito. Ang mga diyaryo, aklat, komiks, magasin at atlas ang
limang uri ng mga nakalimbag na kagamitan.

Pagyamanin
Panuto: Isulat ang limang uri ng nakalimbag na kagamitan.
Isulat ang sagot sa aktibiti notbok.
1. __________________ 4. ____________________
2. __________________ 5. ____________________
3. __________________

Ikalimang Nakasusulat ng isang


6 ulat tungkol sa isang
Araw pangyayari.

Tuklasin
Panuto: Basahin ang ulat at isulat ang sagot sa akitbiti
notbuk.

Ang Kaamulan festival ay isang etniko ng kultura na


ginaganap taun-taon sa Malaybalay, Bukidnon tuwing
Marso. Ito ay ginaganap upang ipagdiwang ang mga
kultura at tradisyon ng pitong etnikong tribu. Ang pitong tribu
ay ang Bukidnon, Higaonon, Talaandig, Manobo,
Matigsalug, Tigwahanon at Umayamnon. Ito ay natatanging
etnikong pagdiriwang sa Pilipinas. Libu-libong tao ang
nakikisaya sa pagdiriwang na ito.

1. Kailan ipinagdiriwang ang Kaamulan festival?


a. tuwing Marso b. tuwing Enero
c. tuwing Mayo
2. Saan ipinagdiriwang ang Kaamulan festival?
a. Cagayan de Oro b. Malaybalay, Bukidnon
c. Manila

7
3. Ilan ang etnikong tribu ng Bukidnon?
a. walo b. pito c. lima
4. Bakit ipinagdiriwang ang Kaamulan festival?
a. kalayaan b. kultura at tradisyon
c. kaarawan
5. Sino ang nakikisaya sa pagdiriwang ng Kaamulan festival?
a. hayop b. tao c. puno

Suriin
Ang ulat ay isang pagpapahayag o pakikipag-usap sa mga
taong may kaalaman o pagmamasid sa bagay-bagay. Ang
ulat ay nakasasagot sa sino, saan, kailan at pagkasunod-
sunod ng pangyayari.

Pagyamanin
Panuto: Basahin ang ulat at isulat ang sagot sa aktibiti
notbuk.
Ang pamilya Reyes ay masayang kumakain ng
pananghalian. Pagkatapos ay sabay-sabay nilang nilinis ang
kanilang pinagkainan.Napag-isipan nilang pumunta sa
plasa upang mamasyal at magkuwentuhan.
1. Sino ang masayang pamilya?
2. Saan nagpunta ang pamilya Reyes?
3. Kailan sila kumain?
4. Ano ang ginawa ng pamilya Reyes?
5. Saan nila napag-isipang pumunta?

Isaisip
Dapat nating tandaan ang mga tanong na sino, saan,
kailan sa pagsulat ng isang ulat at kailangan din ang
wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

Isagawa
Panuto: Gumawa ng isang ulat tungkol sa iyong karanasan sa
paaralan at isulat ang sagot sa akitbiti notbuk.
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

8
Tayahin
Panuto: Ibigay ang wastong sagot sa mga tanong at isulat ito sa
aktibiti notbuk.

1. Batang naglalaro ng posporo sa kanilang bahay. Piliin ang


hinuha.
a. Maganda ang bahay ng bata.
b. Masusunog ang bahay ng bata.
c. Kumain ng kendi ang bata.
2. Si Iya ay nagwawalis sa kanilang bahay. Alin ang salitang
nagsasaad ng kilos?
a. bahay b. bata c. nagwawalis
3. Piliin ang wastong pagkakasulat ng pamagat.
a.ang bata b. Ang Baka c. ang saya niya
4. Alin sa mga ito ang nagbibigay impormasyon sa
pamamagitan ng pagbasa nito.
a. diyaryo b. radyo c. telepono
5. Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang ulat?
a. sino, saan at kailan
b. magkano, ilan at kailan
c. ano, ilan at saan

Karagdagang gawain
Panuto: Gumawa ng isang ulat tungkol sa isang masayang
pamilya at isulat sa aktibiti notbuk.
____________________________________________________
____________________________________________________

9
Batang Pinoy Ako Kagamitang ng mag-aaral Pp 109-112
Batang Pinoy Ako Patnubay ng Guro Pp 198-199
Batang Pinoy Ako Patnubay ng Guro Pp 197-198
Batang Pinoy Ako Patnubay ng Guro Pp 195-196
Batang Pinoy Ako Patnubay ng Guro Pp 192-194
Batang Pinoy Ako Patnubay ng Guro Pp 189-190
K-12 Curriculum Guide (MELC)
Sanggunian:
Subukin Ikatlong araw
1.a 2. a 3. b 4. b 5. b Balikan
magkaiba ang sagot ng mga
Unang araw bata
Balikan
1.Birthday Chart Suriin
2.Buwan 1.b
3.6 Pagyamanin
4.Mayo 1.c 2. a 3. c 4. d 5. f
Suriin
1.b 2. a 3. c IIka-apat na araw
Pagyamanin Balikan
1.c 2. d 3. e 4. a 5. b 1.a 2. b 3. c 4. d 5. f
Suriin
1.a 2. b 3. c 4. e 5. f
Ikalawang araw
Pagyamanin
Balikan
1.magasin 4. komiks
magkaiba ang sagot ng mga
2. aklat 5. Atlas
bata
3. dyaryo
Suriin
1.sumayaw
2.sinipa Ikalimang araw
3.pinutol Suriin
4.naglaro 1. a 2. b 3. b 4. b 5. b
5.kinuha Pagyamanin
Pagyamanin 1. Pamilya Reyes
1.kumanta, sumayaw 2. Plaza
2.tumakbo 3. Tanghali
3.maglakad 4. niliinis ang kanilang pinagkainan,
4.maputol pumunta sa plaza namasyal at
5.lumabas nagkwentuhan
Isagawa
Magkaiba ang sagot ng mga bata
Tayahin
1.b 2. c 3. b 4. a 5. a
Karagdagang Gawain
Magkaiba ang sagot ng mga bata
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like