You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARON
City Schools Division of Dasmariñas
AGHAM 3
Ikaapat na Markahan-Ikawalong Linggo
Unang-Araw
I. Layunin
Matukoy ang masamang epekto ng liwanag at init ng araw sa tao, hayop at halaman
II. Paksang Aralin
A. Paksa
Ligtas na Pamamaraan upang maiwasan ang masamang epekto na ibinibigay ng liwanag at
init ng araw sa tao, hayop at halaman.
B. Kagamitan: larawan para sa pangkatang gawain, tsart
D. Mga Proseso sa Agham
Pagtukoy,Paglalarawan
E. Sanggunian
K to 12 Curriculum Guide Grade 3
Science Links 2 Work text in Science and Health for Grade Two pp. 331-335
www.google.com
Pagpapahalaga: Pangangalaga at Pagpapayaman sa Nilikha ng Diyos
III. Pamamaraan
A.Engagement
1. Pagganyak
Ano kaya ang posibleng mangyari kung palaging napakatindi ng sikat ng araw at
hindi na ito lumulubog sa kanluran?
2. Paglalahad
Makikinig kayo ng isang ulat panahon. Aalamin ninyo kung ano ano ang masamang
epekto na ibinibigay na init at liwanag ng araw sa tao, hayop at halaman.
Pagbabahagi ng Ulat Panahon
Ibabahagi ang ulat panahon gamit ang banghay sa pagbasa.
1. Ilahad ang ulat panahon sa klase.
2. Babasahin ng isa o dalawang mag-aaral ang isang bahagi ng ulat panahon.
3. Hayaang ang babae o lalaki ang magbasa ng ulat panahon.
4.Basahing muli ang ulat panahon sa klase.
Sa sandaling ito ay mapapakinggan natin ang ulat panahon ni Kuya Kim mula sa Metro
Manila.“Yes Ted, Maraming salamat . Ngayon nga po ay nararanasan ng mga mamamayan
dito sa Cavite ang napakatinding init ng panahon. Ayon sa mga mamamayan mag
dadalawang linggo na nila itong nararanasan. Ang temperatura ng panahon sa kanilang lugar
ay kalimitang umaabot ng 32-34 digri sentigrado. Ayon sa kanila ay naaapektuhan na ang
kanilang pang-araw araw na pamumuhay gayon din ang kanilang kabuhayan. Sa tindi ng init
ng panahon maraming tao ang nagkakasakit. Ang kanilang mga alagang hayop ay patuloy na
nanghihina at ang iba ay namatay na. Ang kanilang mga tanim ay mga nangamatay na din
dahil sa tindi ng init ng panahon. Ang lupa ay tuyong tuyo at nagkakabitak bitak na.
Pinaplano na ibang pamilya na manirahan sa ibang lugar. Ted , iyan ang iba’t ibang hinaing
ng mga taong aking nakapanayam. At mula dito sa Cavite, Kuya Kim nag uulat. Balik sayo
Ted.
1. Ano ang pangunahing paksa na inyong narinig?
2. Ano ang masasabi mo sa ulat panahon na iyong napakinggan/nabasa?
3. Sino/ano ang naapektuhan ng matinding sikat ng araw?
B. Exporation
Hatiin sa 4 na pangkat ang mag-aaral. Bawat pangkat ay bibigyan ng envelop na naglalaman
ng mga dapat gawin at mga tanong na sasagutan. Bigyan ng 5 minuto ang mag-aaral para
matapos ang gawain. Iulat ang sagot pagkatapos ng gawain.

Pangkat I- Ibigay ang masamang epekto ng sobrang init ng araw sa halaman sa pamamagitan
ng pagguhit.
Tanong
1. Tungkol saan ang inyong iginuhit?
2. Ano ang inyong naramdaman habang ginagawa ang inyong gawain?
3. Paano nyo ginawa ang inyong gawain?
4. Paano nakakaapekto ang sobrang init at liwanag ng araw sa halaman?
5. Ano ang gagawin mo para maiwasan ito?

Pangkat 2- Ibigay ang masamang epekto ng sobrang init ng araw sa hayop sa pamamagitan
ng pagsasadula
Tanong
1. Tungkol saan ang inyong isinadula?
2. Ano ang inyong naramdaman habang nagsasadula?
3. Ano ang nangyari sa mga hayop?
4. Paano nakakaapekto ang matinding init at liwanag ng araw sa mga hayop?
5. Ano ang gagawin mo para maiwasan ito?
Pangkat 3- Concept Mapping Ibigay ang masamang epekto ng sobrang init ng araw sa tao sa
pamamagitan ng pagsagot sa Concept Mapping.

Epekto sa
tao

Tanong
1. Tungkol saan ang inyong ginawa?
2. Paano nyo nasagutan ang gawain?
3. May masama bang naidudulot ang sobrang init at liwanag ng araw sa tao?
4. Paano nakakasama sa tao ang sobrang init at liwanag ng araw?
5. Paano natin ito maiiwasan?
Pangkat 4-Bibigyan ng mga larawan ang mag-aaral na nagpapakita ng masamang epekto ng
init at liwanag ng araw.Idikit ang mga larawan sa tamang hanay.

Masamang Epekto ng init at Masamang Epekto ng init at Masamang Epekto ng init at


liwanag ng araw sa halaman liwanag ng araw sa hayop liwanag ng araw sa tao

Tanong
1. Tungkol saan ang inyong gawain?
2. Paano naapektuhan ang halaman sa sobrang inti at liwanag ng araw?
3. Ano-ano ang masamang epekto ng sobrang init at liwanag ng araw sa hayop?
4. Ano-ano ang masamang epekto ng sobrang init at liwanag ng araw sa tao?
5. Paano natin maiiwasan ang masamang dulot ng sobrang init at liwanag ng araw?
C. Explanation
1.Pag-uulat ng bawat pangkat
2. Pagpoproseso
1. Ano ang masamang epekto ng matinding init at liwanang ng araw sa tao?sa halaman? sa
hayop?
2. Masasabi mo bang masamang epekto lamang ang ibinibigay ng init at liwanag ng araw?
Ipaliwanag.
3. Ano ano ang maganda at masamang epekto nito?
4. Ano ang masasabi mo sa init at liwanag na ibinibigay ng araw?
5. Paano mo maipapakita na pinapahalagahan mo ang nilikha ng Diyos?
D. Ellaboration
1. Paglalahat
Ano-ano ang masamang epekto ng matinding init at liwanag ng araw sa halaman,
hayop at tao?
2. Paglalapat
Ano ang dapat mong gawin para sa lahat ng pagkakataon ay magandang epekto ang
ating makukuha sa init at liwanag na ibinibigay ng araw?
E. Evaluation
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang katangian ng araw?
a. malamig at mainit.
b. mainit at maliwanag.
c. puno ng ulap
d. binunuo ng mga bato at tubig.
2. Aling bahagi ng katawan ang pinakamadaling naaapektuhan kung matagal na mananatili
sa ilalim ng arawan?
a. Tiyan
b. Puso
c. Balat
3.Aling pahayag ang nagsasaad na ang lupa ay lubos na naapektuhan ng init ng araw? Ito
ay _________.
a. mamasa masa.
b. tuyong tuyo at nagbibitak bitak.
c. mataba na maaaring mapagtamnan.
4. Ano ang mangyayari sa halaman kung napakatindi ng sikat ng araw?
a. lalaking maganda.
b. mamamatay.
c. lalaking madami.
5. Ano ang mangyayari sa mga hayop kung makakaranas sila ng napakainit ng panahon?
a. mamamatay.
b. lalaking malusog.
c. mabilis ang paglaki.
F. Takdang-gawain
Magsagawa ng isang pananaliksik sa pamamagitan ng pakikipanayam o pagtatanong sa iba
pang masamang epekto ng matinding init at liwanag na ibinibigay ng araw.
IKALAWANG-ARAW
I.Layunin
Nakakatala ng mga paraan sa pag-iwas ng mga may buhay laban sa masamang dulot ng
init at liwanag ng araw.
II. Paksang Aralin
A. Paksa
Pagtatala ng mga paraan sa pag-iwas ng mga may buhay sa masamang dulot ng init at
liwanag ng araw
B. Kagamitan
mga larawan, Video Presentation, kanta
C. Mga Proseso sa Agham
Paglalarawan
Pagbibigay Hinuha
Pag eeksperimento
D. Sanggunian
K to 12 Curriculum Guide Grade 3
Science Links 2 Work text in Science and Health for Grade Two pp. 331-335
Pagpapahalaga: Maging handa sa masamang epekto ng init at araw
III. Gawain sa Pagkatuto
1. Balik-aral
Paano nakakaapekto ang araw sa mundo?
A. Engagement
1. Pagganyak
Awitin sa tono ng “Eency Weency Spider”
May isang halaman,
na nasa bakuran,
Pumatak ang ulan ,
siya ay nadiligan,
Sumikat ang araw,
natuyo at nalanta,
Kaya ang ibang halaman ,
hindi na tumubo.
Tanong: Tungkol saan ang awit?
Ano ang nangyari nang pumatak ang ulan?
Nangsumikat ang araw, ano ang masasabi nyo sa halaman?
2. Paglalahad
Video Presentation tungkol sa mga naapektuhan ng araw tulad ng hayop, halaman at tao
B. Exploration
1. Pamantayan sa Pangkatang Gawain
2.Pangkatang Gawain
Ipangkat ang klase sa apat na pangkat, bawat pangkat ay bibigyan ng gawain.
Pangkat I-Isulat sa patlang kung ano ang dapat gawin sa mga larawan
upang makaiwas sa masamang epekto ng init at liwanag ng araw.

_____________
_________________

_____________

Pangkat II-Piliin at idikit ang mga larawan sa liwanag ng araw ang mga bagay na ginagamit
upang makaiwas sa masamang epekto ng init at liwanag ng araw.

mga
bagay

Pangkat III-Picture Pics


Hulaan ang salitang tumutukoy sa mga larawan. Isulat sa kahon ang mga titik kung
paano makaiwas sa masamang epekto ng init at liwanag ng araw.

Pangkat IV-Ayusin ang mga salita upang makabuo ng pangungusap tungkol sa kung paano
nakakaiwas ang mga bagay na may buhay sa masamang epekto ng init at liwanag ng araw
maglaro iwasang arawan sa

ng painumin ang alagang tubig hayop

ng halaman magdilig
C. Explanation
1. Pag-uulat ng bawat pangkat
2. Pagpoproseso ng mga tanong
Tungkol saan ang inyong gawain?
Paano nakakaapekto ang liwanag at init ng araw?
Ano ang mabuting naidudulot ng araw?
Paano naman ito nakakadulot ng masamang epekto?
Makakaiwas kaya tayo sa masamang epekto ng init at liwanag ng araw? Paano?
Paano nyo maipapakita ang inyong kahandaan laban sa masamang epekto ng init at
liwanag ng araw?
D. Ellaboration
1. Paglalahat
Paano makakaiwas sa masamang epekto ng init at liwanag ng araw?
2. Paglalapat
Bigyan ng flag ang bawat mag-aaral na may nakaguhit na nakangiting araw at malungkot na
araw.Maghahanda ng mga gawain na nakasulat sa kapirasong papel ang guro. Magtatawag
ng isang mag-aaral na magsasadula tungkol sa nakasulat. Kung ang pinakita ay paraan kung
paano makakaiwas sa masamang epekto ng araw, itataas ng mag-aaral ang nakangiting araw,
malungkot na araw naman kung hindi wasto ang isinadula.
E. Evaluation
Magpakita ng mga larawan, itala sa papel ang pinapahiwatig tungkol sa tamang pag-iwas
laban sa masamang epekto ng init at liwanag ng araw.
1.
___________________

2. __________________

3.
__________________

4.
__________________

5.
__________________

F. Takdang-Aralin
Magsaliksik ng iba’t ibang sakit na nakukuha dahil sa sobrang init ng araw. Ihanda
ang sarili para sa paglalahad nito sa klas
IKATLONG-ARAW
I.Layunin
Maisagawa ang mga ligtas na pamamaraan upang maiwasan ang masamang epekto ng
liwanag at init ng araw sa pamamagitan ng pagsasadula
II. Paksang Aralin
A. Kasanayan
Pagsagawa ng mga ligtas na pamamaraan upang maiwasan ang masamang epekto ng
liwanag at init ng araw sa pamamagitan ng pagsasadula.
B. Kagamitan
5 markers
strips of Manila paper
larawan
C. Konsepto sa Agham
Ang init at liwanag ng araw ay nakakatulong sa mga tao, hayop at halaman ngunit kung
magbibigay ito ng napakatinding init masamang epekto na ang maibibigay nito sa mga tao,
hayop at halaman.
D. Mga Proseso sa Agham
Pagbibigay Hinuha
E. Sanggunian
K to 12 Curriculum Guide Grade 3
Science Links 2 Work text in Science and Health for Grade Two pp. 331-335
Google.com
Pagpapahalaga: Wastong Paghahanda Para Maiwasan ang Kapahamakan
III. Gawain sa Pagkatuto
1. Balik- aral
Pag –usapan ang isinagawang pananaliksik ng mga mag-aaral.
A. Engagement
1. Pagganyak
Saan nyo gustong pumunta ngayong summer vacation?
Paano kayo maghahanda sa inyong bakasyon?
2. Paglalahad
Magpapaskil ang guro ng mga larawan.

Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng inyo ring ginagawa tuwing summer vacation?
B. Exploration
1. Pamantayan sa Pangkatang Gawain
2. Pangkatang gawain
Hahatiin ang mga mag-aaral sa apat pangkat.
Ang bawat isa sa inyo ay mabuti na magdala ng payong kapag lumalabas ng
bahay o silid-aralan. Mabuti na ibahagi ang inyong payong sa kamag-aaral na wala. Manatili
sa inyong pangkat habang isinasagawa ang gawain. Walang sinuman ang maaaring pumunta
sa kung saan-saan.
Ang mga mag-aaral ay lalabas ng silid-aralan.
Buksan ang inyong mga payong. Manatili sa lilim na ibinibigay ng inyong payong.
Makalipas ang limang minuto. Tiklupin ang inyong payong at manatiling nakatayo sa ilalim
ng arawan. Makalipas ang 3 minuto damhin at hawakan ang itaas na bahagi ng inyong
ulo.Papasukin na ang mga mag-aaral sa loob ng silid.
Pangkat I- Ilarawan ang epekto ng inyong ginawa sa pamamagitan ng yell
Pangkat II-Sa papamagitan ng action song, ipahayag ang epekto kapag nasa arawan
Pangkat III-Iguhit ang mangyayari kapag hindi gumagamit ng payong habang nasa
arawan
Pangkat IV-Maliban sa payong, gagawa ang inyong pangkat ng mga bagay na
nakakatulong upang maiwasan ang masamang epekto kapag nasa arawan.

C. Explanation
1. Ano ang inyong naramdaman ng gumamit kayo ng payong?
2. Ano ang inyong naramdaan ng hindi na ninyo ginamit ang payong?
3. Ano sa palagay ninyo ang mangyayari kung nanatili kayo ng mas matagal sa ilalim ng
arawan?
4. Ano ang masasabi ninyo sa pananatili ng matagal sa ilalim ng arawan?
5. Maliban sa payong, ano pa ang pwedeng gamitin kapag nasa arawan.
6. Bakit mahalagang malaman ang mg paraan upang maiwasan ang masamang dulot ng init
at liwanag ng araw?

D. Ellaboration
1. Paglalahat
Ano ano ang inyong gagawin o ang mga ligtas na pamamaraan upang maprotektahan ang
inyong sarili sa masamang epekto ng matinding init ng araw?
2. Paglalapat
Maglista ng mga dapat gawin upang maging ligtas sa masamang epekto na dulot ng araw sa
sumusunod na sitwasyon.
A. Maligo sa dagat
B. Maglaro sa labas
E. Evaluation
Panuto: Bubunot ang lider ng bawat pangkat ng isang gawain na dapat isadula. Gumamit ng
RUBRICS sa pagmamarka.
1. Paglalagay ng sunblock sa katawan bago maligo o magpaaraw
2. Uminom ng maraming tubig lalo na kung mainit ang panahon
3. Maglalaro lamang sa lilim na lugar at hindi sa arawan
4. Magsuot ng preskong kasuotan
5- Malikhaing naisadula ng wasto ang gawain
4-Naisadula ng wasto ang gawain
3-Naisadula ng maayos ngunit may dapat iwasto
2-1Naisadula ngunit hindi maayos
F. Takdang-aralin
Maganda ba sa ating katawan ang lumangoy habang katanghaliang tapat? Bakit?
Bakit hindi?
IKAAPAT NA ARAW

I.Layunin
Mabigyang halaga ang ibinibigay na liwanag at init ng araw at maproptektahan ang sarili
sa masasamang epekto nito
II. Paksang Aralin
A. Kasanayan
Pagbibigay halaga sa ibinibigay na liwanag at init ng araw at maproptektahan ang
sarili sa masasamang epekto nito
B. Nilalaman
Ligtas na Pamamaraan upang maiwasan ang masamang epekto na ibinibigay ng liwanag
at init ng araw sa tao, hayop at halaman.
C. Konsepto sa Agham
Ang init at liwanag ng araw ay nakakatulong sa mga tao, hayop at halaman ngunit kung
magbibigay ito ng napakatinding init masamang epekto na ang maibibigay nito sa mga tao,
hayop at halaman.
D. Mga Proseso sa Agham
Paglalarawan
Pagbibigay Hinuha
Pag eeksperimento
E. Sanggunian
K to 12 Curriculum Guide Grade 3
Science Links 2 Work text in Science and Health for Grade Two pp. 331-335
F. Kagamitan
5 markers
20 strips of Manila paper
Pagpapahalaga:
III. Gawain sa Pagkatuto
1. Balik-aral
Ano ang inyong masasabi sa masamang epekto ng matinding init ng araw?
A. Engagement
1. Pagganyak
Crossword Puzze. Bilugan ang mga salitang may kaugnayan sa epekto ng init at liwanag ng
araw.

L I W A N A G B
H P F D H G M N
T Y T E W D C V
B I T A M I N A
G H D F S D A S
S U N O G P K L
O P Y T D F D S
T T Y B I N I T

Paano nakakaapekto ang sikat ng araw sa atin?

2. Paglalahad
Fast Sharing. Ibahagi sa klase ang tungkol sa araw at kung paano ito nakakaapekto sa
mga bagay na may buhay sa ating mundo.
B. Exploration
1. Pamantayan sa Pangkatang Gawain
2.Pangkatang Gawain
Hahatiin ang mga mag-aaral sa limang pangkat.
Ang bawat pangkat ay bibigyan ng enbelop na may nakalagay na katanungan. Pag-isipan ang
mga posibleng kasagutan sa mga tanong. Isulat ang kasagutan sa papel.
Pangkat 1- Ano ang mabuting epekto ng init at liwanag ng araw?
Pangkat 2 – Ano ang masamang epekto ng matinding init at liwanag ng araw sa tao?
Pangkat 3 – Ano ang masamang epekto ng matinding init at liwanag ng araw sa hayop at
halaman?
Pangkat 4 – Ano ang mga ligtas na pamamaraan para maiwasan ang masamang epekto ng
matinding init ng araw?
Pangkat 5 – Ano ang mga pamamaraan na makakapagpatigil ng masamang epekto ng init ng
araw?
Sa hudyat ng guro, ilalagay ng bawat pangkat ang kanilang kasagutan sa
envelop saka ipapasa ang enbelop sa ibang pangkat.Ang pangkat na tumanggap ng enbelop
ang kasunod na maglalagay ng kanilang kasagutan sa isang papel saka muling ipapasa sa
ibang pangkat sa hudyat ng guro. Kapag ang orihinal na enbelop ay bumalik na sa pangkat,
kukuhanin nila ang mga papel at babasahin ang mga kasagutan saka nila ibubuod ang
kanilang mga kasagutan.
Isusulat ng bawat pangkat ang kanilang ibinuod sa manila paper at ilalahad ito sa klase.
C. Explanation
1. Pag-uulat ng bawat pangkat
2. Pagpoproseso ng mga tanong

D. Paglalapat
Ang pagpapakita ng kanilang mga kasagutan ay sa malikhaing pamamaraan.
Pangkat 1- Pag awit
Pangkat 2 – Patula
Pangkat 3 – Rap/chant
Pangkat 4 – Slogan
Pangkat 5 – Patalastas
E. Pagtataya
Isulat ang E linya kung nagpapahayag ng masamang epekto ng init ng araw. Isulat
ang S kung nagpapahayag ng ligtas na pamamaraan sa epekto ng init ng araw.

_______1. Si Jose ay may sunburn sa kanyang mukha at likod


_______2. Ang itinanim na halaman ni Maria ay nalanta dahil sa matinding sikat ng araw.
_______3. Gumagamit si Ana ng payong saan man siya ay magpunta.
_______4. Sa pag –aararo ng palayan gumagamit ng mahahabang damit at sombrero si Mang
Pedro.
_______5. Sa pagtitinda ng gulay si Aling Elsa ay gumagamit ng pangtalukbong sa kanyang
ulo.
F. Takdang-Aralin
Magsaliksik ng iba’t ibang sakit na nakukuha dahil sa sobrang init ng araw. Ihanda
ang sarili para sa paglalahad nito sa klase.
Prepared by:

ARLENE G. ALARCON
Sta. Cristina Elementary School
writer

Aproved by:

ANTONIO P. FAUSTINO, JR
EPS-Science

You might also like