You are on page 1of 41

3

Mathematics
Modules
Quarter 4 – Weeks 5 – 8
3
Mathematics
Ikaapat na Markahan - Modyul 5:
Pagkolekta ng Datos, at
Paggawa at Paglalahad ng
Datos sa Talahanayan
at Bar Graph
Mathematics - Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan - Modyul 5: Pagkolekta ng Datos, at Paggawa at Paglalahad ng Datos
sa Talahanayan at Bar Graph
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Mary Ann S. Valera

Editor: Patricia Ulynne F. Garvida

Tagasuri: Michael R. Lee

Tagalapat: Michiko Remyflor V. Trangia at Ma. Fatima D. Delfin

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Michael R. Lee
Pandibisyong Tagamasid, Mathematics

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education - Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 882 5861 / 882 5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

2
Alamin

Ang modyul na ito ay nilikha at isinulat para sa mag-aaral na


tulad mo. Ito ay nagnanais na matutunan mo ang pagkokolekta ng
datos at ang paggawa at paglalahad ng datos sa talahanayan at
bar graph. Ang mga kasanayang ito ay mahalaga dahil
nakatutulong ito upang makuha at maunawaan ang mga
mahahalagang impormasyon na iyong kakailanganin at upang
mabigyan ng solusyon ang mga maaaring maging suliranin. Mas
nagiging organisado rin ang mga datos kung ito ay mailalahad sa
pamamagitan ng talahananayan o isasagawa sa pamamagitan ng
graph.
Ang modyul na ito ay naglalaman ng sumusunod na kasanayan
na dapat mong matutunan:
 Pagkolekta ng Datos
 Paggawa at Paglalahad ng Datos sa Talahanayan at Bar
Graph
Sa pagtatapos mo ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang
maisagawa ang sumusunod:
1. Nakapagkokolekta ng mga datos; at
2. Nakagagawa at nakapaglalahad ng datos sa talahanayan
at bar graph.

Subukin

Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang napiling titik sa inyong
sagutang papel.

Ang isang ahensya sa turismo ay nagsagawa ng survey sa mga turista.


Itinanong sa kanila kung alin ang pinakamagandang tanawin ang
makikita sa Pilipinas. Narito ang kanilang mga sagot.

Chocolate Hills Chocolate Hills Banaue Rice Terraces Mayon Volcano

Banaue Rice Terraces Chocolate Hills Mayon Volcano Banaue Rice Terraces

Mayon Volcano Banaue Rice Terraces Banaue Rice Terraces Mayon Volcano

3
1. Kung kokolektahin ang mga datos sa survey, alin ang may
pinakamagandang tanawin ayon sa mga turista?
A. Chocolate Hills C. Banaue Rice Terraces
B. Mayon Volcano D. Luneta

2. Ilang turista ang nagsabing ang Mayon Volcano ang may


pinakamagandang tanawin para sa kanila?
A. 4 C. 6
B. 5 D. 7

3. Ilang lahat ang turista na kasali sa survey?


A. 10 C. 12
B. 11 D. 15

4. Alin sa mga talahanayan ang tugma sa mga datos sa survey?


Magandang Kabuuan Magandang Kabuuan
A. Tanawin C. Tanawin
Chocolate 3 Chocolate 5
Hills Hills
Banaue Rice 5 Banaue Rice 3
Terraces Terraces
Mayon 4 Mayon 4
Volcano Volcano
Magandang Kabuuan Magandang Kabuuan
Tanawin Tanawin
Chocolate 5 Chocolate 4
B. Hills D. Hills
Banaue Rice 4 Banaue Rice 3
Terraces Terraces
Mayon 3 Mayon 5
Volcano Volcano

5. Paano ilalahad sa pamamagitan ng bar graph ang mga


nakolektang datos?

Survey sa Magandang Survey sa Magandang


Tanawin Tanawin
A. 6
C. 6
4 4
2 3 2 4
0 0
Mayon Banaue Rice Chocolate Mayon Banaue Rice Chocolate
Volcano Terraces Hills Volcano Terraces Hills

Survey sa Magandang Survey sa Magandang


Tanawin Tanawin
B. 6 D. 6
4 4
2 5 2 3
0 0
Mayon Banaue Rice Chocolate Mayon Banaue Rice Chocolate
Volcano Terraces Hills Volcano Terraces Hills

4
Aralin Pagkolekta ng Datos at Paggawa, at

1 Paglalahad ng Datos sa
Talahanayan at Bar Graph

Ang mga datos ay mahalagang aspeto sa pag-


aaral. Ang mga nag-aaral o nagsasaliksik
(researchers) ay nangangailangan ng mga datos
upang kanilang lubos na maunawaan, mailarawan,
at maipaliwanag ang suliranin. Ang mga
nakolektang datos ay makatutulong upang
maibigay ang mga mahahalagang impormasyon
at mabigyan ng solusyon ang maaaring maging
suliranin.

Ang mga nakolektang datos ay maaaring ilahad sa


pamamagitan ng talahanayan at graph. Sa ganitong paraan, mas
nagiging organisado at madaling unawain ang impormasyong
nakapaloob dito.

Balikan

Unawain ang mga datos na makikita sa pictograph. Sagutin kung


Tama o Mali ang ipinahahayag ng bawat pangungusap.
Paboritong Ice Cream Flavor ng Mga Mag-aaral

Flavor ng Ice Cream Bilang ng mga Mag-aaral


Vanilla 8

Strawberry 7

Chocolate 9

Butterscotch 6

Tama
_______1. Chocolate ang paboritong ice cream flavor ng mga mag-
aaral.

Mali
_______2. Lima sa mga mag-aaral ang pumili ng butterscotch
flavor.
Mali
_______3. Strawberry flavor ang pinili ng sampung mag-aaral.
Mali
_______4. Dalawampu’t walong mag-aaral ang kasali sa survey.
Mali
_______5. Limang flavors ng ice cream ang pagpipilian sa survey.

5
Tuklasin

Ano ang gusto mong maging sa iyong paglaki?

Gustong malaman ni Mhe Ann kung ano ang pinaka-popular na


gustong maging hanapbuhay ng kaniyang mga kamag-aral sa
kanilang paglaki. Nag-interview siya sa kaniyang mga kaklase at
gumawa ng survey. Heto ang kaniyang nakolektang datos:
Gustong Maging Tally Kabuuan
Doktor IIII – IIII 10
Guro IIII – II 7
Pulis IIII 4
Chef IIII – I 6
Nurse IIII – IIII 10
Engineer IIII – IIII – III 13

Base sa nakolektang datos ni Mhe Ann, masasabi mo ba kung ano


ang pinaka-popular na gustong maging hnapbuhay ng kanyang
mga kamag-aral? Ilang mag-aaral ang kasali sa survey?

Suriin

Ang isang paraan ng pagkolekta ng datos ay


ang pagsasagawa ng survey. Layunin ng
survey na makakuha ng impormasyon, ideya,
at konsepto. Maaari ring makapagbigay linaw
ito sa isyu o paksa. Makapagbibigay din ito ng
mungkahing solusyon sa mga suliranin.

6
Ang ginawang survey ni Mhe Ann ay isang paraan ng pagkolekta ng
datos. Inilahad niya ito sa pamamagitan ng isang talahanayan o
table of frequency.

Tally marks o guhit na patayo ang maaaring gamitin


upang itala ang mga datos na nakolekta. Maaaring i-
grupo sa tig-lima ang tally marks upang madaling
makuha ang kabuuan.

Ang sumusunod na impormasyon ay maaaring makita sa


talahanayan na kaniyang inilahad. Ipininakikita ng survey na:

1. Pinakamarami ang gustong maging engineer sa kanilang


paglaki.
2. Pinakamaliit na bilang ang gustong maging pulis sa kanilang
klase.
3. Magkaparehong bilang ang gustong maging nurse at doktor.
4. May kabuuang 40 na mag-aaral ang kasali sa survey.

Maaari ring ilahad sa pamamagitan ng bar graph ang mga


nakolektang datos.

Ang bar graph ay isang tsart na gumagamit ng parihabang bar na


nagpapakita ng paghahambing ng magkakaugnay na ideya. Ito ay
maaaring i-plot nang patayo o pahalang.

Mga hakbang sa paglalahad ng datos gamit ang bar graph:

1. Umisip ng angkop na pamagat ng graph.


2. Gumawa ng mga patayo at pahalang na guhit.
3. Lagyan label ang guhit na pahalang at patayo.
4. Iguhit ang parihabang bar ayon sa datos na nakolekta.

Ano Ang Gusto Mong Maging Sa


Paglaki?
15

10

0
Doktor Guro Pulis Chef Nurse Engineer

7
Pagyamanin

Nag-check si Gng. Garcia ng test papers


ng kaniyang klase. Ang sumusunod ay
ang mga nakuhang puntos ng kaniyang
mga mag-aaral:
20 17 40 18 25 25 15
36 18 26 20 25 20 25
25 17 16 25 18 16 25
35 20 40 35 30 15 35

1. Gumawa ng talahanayan o table of frequency sa nakolektang


datos ni Gng. Garcia.
2. Ano ang pinakamataas na puntos na nakuha ng mag-aaral ni
Gng. Garcia? 40
3. Ano naman ang pinakamababang nakuhang puntos? 15
4. Anong score ang may pinakamaraming nakuha? 25
5. Ilahad sa pamamagitan ng bar graph ang mga scores na
nakuha ng mga mag-aaral.

Isaisip

 Ang survey ay maaaring gamitin sa pagkolekta ng datos.


Layunin ng survey na makakuha ng impormasyon, ideya, at
konsepto. Maaari ring makapagbigay linaw ito sa isyu o paksa.

8
Isagawa

 Makapagbibigay din ito ng mungkahing solusyon sa mga


suliranin.
 Maaaring ilahad sa pamamagitan ng isang talahanayan o
table of frequency ang mga nakolektang datos.
 Tally marks o guhit na patayo ang maaaring gamitin upang itala
ang mga datos na nakolekta
 Maaari ring ilahad sa pamamagitan ng bar graph ang mga
nakolektang datos.
 Ang bar graph ay isang tsart na gumagamit ng parihabang bar
na nagpapakita ng paghahambing ng magkakaugnay na
ideya. Ito ay maaaring i-plot nang patayo o pahalang.

Gusto mong malaman kung ano ang paboritong prutas ng iyong


mga kaklase. Gumawa ng isang survey at kolektahin ang mga datos
ukol dito. Ilahad ang mga nakuhang datos sa pamamagitan ng
talahanayan o bar graph.

Tayahin

Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang napiling titik sa inyong
sagutang papel.

Tinanong ang ilang mga kabataan kung ano ang paborito nilang
ulam. Ang mga nasa ibaba ay ang kanilang mga kasagutan.

Pinakbet 2 Fried Chicken 8 Fried Chicken

Fried Chicken Fried Chicken Fried Chicken

5 Adobong Baboy Adobong Baboy Fried Chicken

Adobong Baboy Adobong Baboy Adobong Baboy

Fried Chicken Fried Chicken Pinakbet

9
1. Ayon sa survey, ano ang paboritong ulam ng mga kabataan?
A. Pinakbet C. Adobong Baboy
B. Fried Chicken D. Sinigang

2. Ilan ang nagsabing paborito nila ang adobong baboy?


A. 3 C. 5
B. 4 D. 6

3. Ilan ang mga kabataan na kasali sa survey?


A. 10 C. 15
B. 13 D. 20

4. Ano ang ipinakikita ng survey?


A. Gusto ng mga kabataan ang ulam na may sabaw.
B. Ayaw ng mga kabataan ang mamantikang pagkain.
C. Dapat kumbinsihin ang mga kabataan na kumain ng
gulay.
D. Mas gusto ng mga kabataan ang kumain sa labas.

5. Paano ang wastong paglalahad ng mga datos sa bar graph?

Paboritong Ulam ng Paboritong Ulam ng


A. mga Kabataan C. mga Kabataan
8 10
6
4 5
2
0 0
Pakbet Fried Adobong Pakbet Fried Adobong
Chicken Baboy Chicken Baboy

Paboritong Ulam ng Paboritong Ulam ng


mga Kabataan mga Kabataan
B. 10
D. 8
6
5 4
2
0 0
Pakbet Fried Adobong Pakbet Fried Adobong
Chicken Baboy Chicken Baboy

10
3
Mathematics
Ikaapat na Markahan – Modyul 6:
Pagbibigay-Kahulugan sa
Datos na nasa Bar Graph
(Vertical at Horizontal)
at Paglutas ng mga Suliraning
Routine at Non-Routine sa
Single Bar Graph
Mathematics - Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan - Modyul 6: Pagbibigay-Kahulugan sa Datos na nasa Bar Graph
(Vertical at Horizontal) at Paglutas ng mga Suliraning Routine at Non-Routine sa Single
Bar Graph
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palbas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Sherelee D. Lagisma

Editor: Patricia Ulynne F. Garvida

Tagasuri: Michael R. Lee

Tagalapat: Michiko Remyflor V. Trangia

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Michael R. Lee
Pandibisyong Tagamasid, Mathematics

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education - Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 882 5861 / 882 5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

2
Alamin

Magandang araw, aking mag-aaral! Sa araw na ito ay may bago kang


kaalaman at kasanayan na matututunan. Handa ka na bang tuklasin ang
mga ito? Narito ang mga paksang pag-aaralan mo sa araw na ito. Ang
modyul na ito ay lilinang sa iyong kasanayan sa:
 Pagbibigay-kahulugan sa mga Datos na nasa Bar Graph (Vertical at
Horizontal)
 Paglutas ng mga Suliraning Routine at Non-Routine ukol sa mga Datos
na Nakalahad sa Single Bar Graph

Sa katapusan ng aralin, inaasahang nalinang na sa iyo ang sumusunod


na mga layunin:
1. Nakapagbigay-kahulugan sa mga datos na nasa bar graph (vertical
at horizontal); at
2. Nakapaglulutas ng mga suliraning routine at non-routine ukol sa mga
datos na nakalahad sa single bar graph.

Subukin
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
Tingnan ang talahanayan at sagutin ang sumusunod na tanong.
Larong Pinoy Bilang ng Mag-aaral
Piko 10
Tumbang Preso 19
Patintero 10
Luksong Baka 15
Chinese Garter 6
KABUUAN 60

1. Aling larong pinoy ang pinakagusto ng mga mag-aaral?


A. Luksong Baka C. Chinese Garter
B. Piko D. Tumbang Preso

2. Aling larong pinoy ang may pinakakaunting bilang ng mag-aaral na


pumili?
A. Chinese Garter C. Piko
B. Patintero D. Tumbang Preso

3. Kung gagawing vertical na bar graph ang talahanayan, alin ang


akmang vertical bar graph para rito?

3
A. C.

B. D.

Para sa bilang 4 at 5.

Hindi matatawarang kasiyahan ang naramdaman ng mga mag-aaral


ng F. Benitez Elementary School – Main nang sila ay makatanggap ng
bagong rubber shoes na Air Binay 2.0 na ipinamahagi ng kagalang-galang
na Punong-Lungsod Abby Binay.

Nasa ibaba ang bar graph na nagpapakita ng bilang ng mga


mag-aaral sa bawat grade level na nakatanggap ng rubber shoes.

4. Ilang rubber shoes ang natanggap ng Ikatlong Baitang?


A. 200 B. 239 C. 224 D. 188

5. Ilan ang kabuuang bilang ng mag-aaral sa F. Benitez Elementary


School – Main ang nakatanggap ng Air Binay 2.0 rubber shoes?
A. 1 564 B. 1 565 C. 1 566 D. 1 567

4
Aralin Pag-interpret ng mga Datos na nasa
Bar Graph(Vertical at Horizontal) at

1 Paglutas ng mga Suliraning Routine at Non-


Routine sa Single Bar Graph

Balikan
Pag-aralan ang talahanayan na nasa ibaba.

Mga Iskor sa Lagumang Pagsusulit sa


Matematika
Tally Kabuuan
20 IIII 4
19 III 3
18 II 2
17 III 3
16 II 2
15 IIII 5
14 III 3
13 III 3
Kabuuan

20
Ano ang pinakamataas na iskor? _____________
13
Ano ang pinakamababang iskor? ____________
Ilan ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral ang
25
kumuha ng pagsusulit? ________

Pagbibigay-kahulugan sa mga Datos na nasa Bar Graph (Vertical at


Horizontal)

Tingnan ang talahanayan.


Isport Bilang ng Mag-aaral
Basketball 21
Badminton 15
Volleyball 12
Baseball 8
Table Tennis 4
Kabuuan 60

5
 Aling isport ang pinakagusto ng mga mag-aaral? Basketball
ang larong pinakagusto ng mga mag- aaral
 Alin naman ang pinakakaunti ang may gusto?
Table Tennis ang pinakakaunti ang may gusto
 Sa paanong paraan ipinakita ang datos o impormasyon?
Ipinakita ang datos o impormasyon sa pamamagitan ng
talahanayan.

Suriin

Pagbibigay-kahulugan sa mga Datos na nasa Bar Graph (Vertical at


Horizontal)
May iba pang paraan upang maipakita ang datos – ito ay sa
pamamagitan ng pagbuo ng Bar Graph.

Tingnan ang halimbawa:

Vertical Bar Graph (Patayo)


Paboritong Isport ng mga Mag-aaral
25
Bilang ng Mag- aaral

20

15

10

0
Basketball Badminton Volleyball Baseball Table Tennis
Isport

Horizontal Bar Graph (Pahalang o Pahiga)

Paboritong Isport ng Mga Mag-aaral

Table Tennis

Baseball
Isport

Volleyball

Badminton

Basketball

0 5 10 15 20 25
Bilang ng Mag-aaral

6
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang pamagat ng vertical at horizontal bar graph?
Paboritong Isport ng mga Mag-aaral
2. Ilang mag-aaral ang may gusto sa Basketball? 21 mag-aaral
3. Ilang mag-aaral ang may gusto ng Volleyball? 12 mag-aaral
4. Ilang mag-aaral ang may gusto ng Table Tennis? 4 mag-aara

Sa paglutas ng suliranin gamit ang bar graph, sundin ang sumusunod na


hakbang:
A. Ano ang kabuuang bilang ng mag-aaral?
1. Ano ang tinatanong sa suliranin? Ang kabuuang bilang ng
mga mag-aaral.
2. Ano ang binigay na datos sa suliranin? Basketball – 21,
Badminton – 15, Volleyball –12, Baseball – 8, Table Tennis – 4
3. Ano ang operasyon na gagamitin? Addition
4. Ano ang pamilang na pangungusap? 21 + 15+ 12 + 8 + 4 = N
5. Ano ang solusyon at sagot? 21 + 15+ 12 + 8 + 4 = 60 ang
kabuuang bilang ng mag-aaral.

Pagyamanin

Tingnan ang graph at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

Paboritong Bulaklak ng mga Nanay


14
12
Bilang ng Nanay

10
8
6
4
2
0
Rose Lily Daisy Tulip Sunflower
Mga Bulaklak

1. Ano ang pamagat ng vertical bar graph? __________________________


Rose
2. Anong bulaklak ang pinakapaborito ng mga Nanay? _______________
8
3. Ilan ang may gusto ng Sunflower? __________________________________
4. Ano ang kabuuang bilang kung pagsasamahin ang bilang ng Rose at
Lily?
a. Ano ang tinatanong sa suliranin? ________________________________
Rose - 13, Lily - 4
b. Ano ang binigay na datos? _____________________________________
Addition
c. Ano ang operasyon na gagamitin? _____________________________
13 + 4 = N
d. Ano ang pamilang na pangungusap? __________________________

7
13 + 4 = 17
e. Ano ang solusyon at sagot? ____________________________________
5. Ano ang kabuuang bilang ng bulaklak?
a. Ano ang tinatanong sa suliranin? _______________________________
b. Ano ang binigay na datos? ____________________________________
Addition
c. Ano ang operasyon na gagamitin? ____________________________
13 + 4 + 4 + 6 + 8 = N
d. Ano ang pamilang na pangungusap?_________________________
13 + 4 + 4 + 6 + 8 = 35
e. Ano ang solusyon at sagot? ___________________________________

#5b) Rose - 13, Lily - 4, Daisy - 4, Tulip - 6, Sunflower 8

Isaisip
Tandaan:

 Maaari nating ipakita ang datos sa pamamagitan ng bar graph.


 May dalawang klaseng bar graph: ang Patayo (Vertical Bar Graph) at
Pahiga/Pahalang (Horizontal Bar Graph)
 Sa pagbibigay-kahulugan sa graph:
- Alamin ang pamagat ng bar graph.
- Basahin at unawain ang impormasyon sa patayo (vertical) at
pahigang (horizontal) aksis (axis).
 Sa paglutas ng suliranin (word problem) gamit ang graph, mahalaga na
alamin ang itinatanong sa suliranin (what is asked), ibinigay na datos
(facts given), operasyon na dapat gamitin (operation to be used),
pamilang na pangungusap (number sentence), solusyon, at sagot.

Isagawa

Gamitin ang datos sa graph sa ibaba at sagutin ang mga tanong.

Paboritong Asignatura ng mga Mag-aaral sa


Ikatlong Baitang
16
Bilang ng mga Mag-aaral

14
12
10
8
6
4
2
0
English Mathematics Filipino Araling MAPEH
Panlipunan
Asignatura

8
Mga tanong:

1. Anong impormasyon ang ipinapakita sa graph?


______________________________________________________________________

2. Aling asignatura ang may pinakakaunting bilang ng mag-aaral na


pumili?
Araling Panlipunan
_______________________________________________________________________

3. Ilan ang lamang ng bilang ng mga mag-aaral na paborito ang


Mathematics sa bilang ng mga may gusto sa Araling Panlipunan?
Lamang ng Math sa A.P.
a. Ano ang tinatanong sa suliranin? __________________________________
Math - 12, A.P. - 7
b. Ano ang ibinigay na datos? _______________________________________
Subtraction
c. Ano ang operasyon na gagamitin? ________________________________
12 - 7 = N
d. Ano ang pamilang na pangungusap? _____________________________
12 - 7 = 5
e. Ano ang solusyon at sagot? _______________________________________

4. Ilan lahat ang batang sumagot sa survey na ito?


a. Ano ang tinatanong sa suliranin? _________________________________
Engl - 10, Math - 12, Fil - 10, A.P. - 7, Mapeh - 15
b. Ano ang ibinigay na datos? ______________________________________
Addition
c. Ano ang operasyon na gagamitin? _______________________________
10 + 12 + 10 + 7 + 15 = N
d. Ano ang pamilang na pangungusap? ____________________________
10 + 12 + 10 + 7 + 15 = 54
e. Ano ang solusyon at sagot? _______________________________________

5. Sa iyong palagay, bakit pinakakaunti ang batang paborito ang Araling


Panlipunan? ____________________________________________________

Tayahin

Pag-aralan ang bar graph sa ibaba at sagutin ang sumusunod na tanong.

Mga Sikat na Online Games sa Pilipinas


1000
900
Bilang ng mga Manlalaro

800
700
600
500
400
300
200
100
0
Roblox Minecraft League of Rules of Fortnite
Legend Survival
Sikat na Online Games

9
1. Tungkol saan ang graph?
A. Mga Sikat na Online Games sa Korea
B. Mga Sikat na Online Games sa China
C. Mga Sikat na Online Games sa Pilipinas
D. Mga Sikat na Online Games sa Japan

2. Anong online game ang pinaka popular sa mga Pinoy?


A. Minecraft C. Rules of Survival
B. Roblox D. Fortnite

3. Ilang manlalarong Pinoy ang may gusto sa Minecraft?


A. 500 C. 200
B. 700 D. 300

4. Anong operasyon ang gagamitin kung kukunin ang kabuuang bilang


ng mga manlalarong Pinoy na may gusto ng online games?
A. Subtraction C. Division
B. Multiplication D. Addition

5. Ilan ang kabuuang bilang ng mga manlalarong Pinoy na may gusto


ng Online Games?
A. 2 800 B. 2 000 C. 3 000 D. 2 500

10
3
Mathematics
Ikaapat na Markahan - Modyul 7:
Pagtukoy sa Posibilidad o
Pagkakataon na Maaaring
Mangyari o Maganap
Mathematics - Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan - Modyul 7: Pagtukoy sa Posibilidad o Pagkakataon na Maaaring
Mangyari o Maganap
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Olivia M. Gannaban

Editor: Patricia Ulynne F. Garvida

Tagasuri: Michael R. Lee

Tagalapat: Michiko Remyflor V. Trangia

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Michael R. Lee
Pandibisyong Tagamasid, Mathematics

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education - Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 882 5861 / 882 5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

2
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda para matulungan kang maging


bihasa sa pagsabi kung ang isang bagay o sitwasyon ay may
posibilidad na mangyari, siguradong mangyayari, o di kailanman
mangyayari. Ang pagiging mahusay sa pagsasabi ng kaganapan o
kahihinatnan ng isang bagay ay magandang katangian ng isang
mag-aaral na magagamit mo sa pagpili at paggawa ng mga
desisyon. Narito ang mga paksang pag-aaralan mo sa modyul na
ito.
1. Pagsasabi ng posibilidad o pagkakataon na maaaring
mangyari o maganap.
2. Paglalarawan kung ang pangyayari ay maaaring mangyari o
maganap.

Sa katapusan ng aralin, inaasahang nalinang na sa iyo ang


sumusunod na mga layunin:
1. Nasasabi ang posibilidad o pagkakataon na maaaring
mangyari o maganap; at
2. Nailalarawan kung ang pangyayari ay maaaring mangyari o
maganap.

Subukin

Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang posibilidad o chance na paghagis mo ng sampung


piso, makikita mo ay ang ulo paglapag nito?
A. Imposible
B. Maliit ang posibilidad
C. Pantay na pagkakataon o Chance
D. Siguradong mangyayari

2. Si Pauline ay hindi pinapayagang maglaro sa labas ng bahay


dahil sa pinatutupad na ordinansang nagbabawal sa paglabas
ng bahay ang mga batang menor de edad, kaya sinabi niya na
1
mayroon lang siya na chance na 4 para mapayagang maglaro
sa labas. Ano ang posibilidad na mangyari ito?

3
A. Impossible C. Equally likely
B. Unlikely D. Sure

3. Kung pakukuhanin ka ng bola sa loob ng kahon na hindi mo


tinitingnan ang kulay, ano ang posibilidad o chance na pula (P)
na bola ang makukuha mo?

P D P P D P
A. Imposible C. Malaki ang posibilidad
B. Maliit ang posibilidad D. Siguradong mangyayari

4. Alin sa sumusunod na kahon ang equally likely chance na


makakakuha ng puting holen si Yotis?

A. C.

B. D.

5. Ano ang probability na makakakuha ng hugis


puso sa garapon?

1 2
A. P (hugis puso) = C. P (hugis puso) =
9 7
2 7
B. P (hugis puso) = D. P (hugis puso) =
9 9

Aralin Pagtukoy sa Posibilidad o

1 Pagkakataon na Maaaring
Mangyari o Maganap

Balikan

Tingnan ang talahanayan at sagutin ang sumusunod na tanong.


4
Paboritong prutas ng mga bata sa Grade 3 – Sampaguita

Uri ng Prutas Bilang ng bata


saging 7
mangga 15
atis 4
mansanas 10
abokado 6

 Anong prutas ang pinakagusto ng mga bata? _______mangga


 Anong prutas ang may pinakakaunting bilang ng mga bata ang
atis
pumili? _______
 Ilan ang kabuuang bilang ng mga bata sa Grade 3–
42
Sampaguita? ______
 Ilan ang kabuuang bilang ng pumili ng saging, atis, at abokado?
7 + 4 + 6 = 17
______
 Ilan ang dami ng pumili ng mangga kaysa mansanas? _______15 - 10 = 5

Tuklasin
Si nanay ay bumili ng 9 mansanas, 2 abokado, 3 mangga, at 1
bayabas na inilagay sa isang basket. Kung kukuha siya ng prutas sa
basket nang hindi tinitingnan ang loob, aling prutas kaya ang malaki
ang posibilidad na makuha niya?
15
1. Ilan lahat ang prutas sa basket?
9
2. Ano ang fraction ng mansanas?
15
3. Ano ang posibilidad na makakakuha si nanay ng
mansanas nang hindi tinitingnan ang loob ng basket?
most likely

Suriin

Ang posibilidad o pagkakataon ng isang bagay na maaaring


mangyari o maranasan ay tinatawag nating probability.
Ito ang magsasabi kung ang isang bagay ay imposible, maliit
ang posibilidad, pantay na pagkakataon, malaki ang posibilidad, o
kaya siguradong mangyayari.
Ang probability ay may value mula 0 to 1. Kung ito ay malapit
sa 1, mas malaki ang posibilidad na ito ay mangyari o maranasan.

5
Tingnan ntin ang bawat bahagi ng number line sa ibaba. Ito ay
nagpapakita ng iba’t ibang posibilidad o pagkakataon ng isang
pangyayari na maaaring mangyari o hindi sa pamamagitan ng
bilang 0 hanggang 1.

0 ¼ ½ ¾ 1
Impossible to Unlikely Equally likely Most likely Sure to
happen to happen to happen to happen happen

Impossible to happen - ibig sabihin imposible ang pagkakataon na


mangyari ang isang bagay.

Kung ikaw ay may 2 asul na face mask at 2 itim na


face mask, imposibleng makakakuha ka ng puting
face mask kasi walang puting face mask sa
pagpipilian. Ang probability nito ay 0.
Isinusulat natin ito ng ganito: P(puting face mask)=0

Unlikely to happen - ang chance o probability na mangyayari ang


isang event ay higit sa 0 ngunit mas mababa sa kalahati o sa ½.

Tingnan ang garapon sa kanan.


Ano ang probability na makakakuha ka ng hugis bituin?
Ilan lahat ang hugis na nasa garapon?
Ano ang kalahati ng 10?
Mayroong 3 hugis bituin. Ang probability nito ay unlikely to happen
dahil mas mataas ang 3 kaysa 0 at mas mababa ito sa kalahati ng
laman ng garapon na 10 hugis.
3
P(hugis bituin)= 10

Equally likely o pantay na pagkakataon - ang probability na


mangyari ang isang event ay kalahati o ½

Kung ang iyong nanay ay buntis, pantay ang chance na pwedeng


lalaki o babae ang kanyang ipapanganak.

Most Likely to happen - malaki ang probability o chance na mangyari


ang isang event o isang bagay. Higit sa ½ ang probability nito ngunit
hindi lalagpas sa 1.

Mayroong 3 ball pen, dalawa ang kulay asul at 1 ang


kulay itim, mas marami ang kulay asul kaysa sa itim

6
kaya most likely na asul ang makuha kung papipiliin ka ng hindi mo
tinitingnan.
2
P( asul)= 3 = most likely to happen

Certain o sure to happen - ang chance o probability na mangyari


ang isang bagay ay 1 o sigurado.

Kung pakukuhain ka ng pulang rosas, ang probability ay


certain o sure kasi wala nang ibang kulay kundi pula.
4
P(pulang rosas)= 4 o 1

Iba pang halimbawa:


Sa pag-toss ng coin o barya, may dalawang posibleng kalalabasan
o outcome, head or tail:
1
P (tail) = = 50%
2
1
P (head) = = 50%
2

Sa pag-roll ng die, may anim 6 na posibleng kalalabasan o


outcomes:
1
1, 2, 3, 4, 5, o 6. Ang probability ng pagkuha ng 2 ay P ( 2) = 6
Ano ang probability na makakakuha ka ng even numbers?
3 1
P (even number) = 6 o 2 kasi 3 ang even numbers (2, 4, at 6)

Pagyamanin

A. Isulat kung ang event ay sure, most likely, equally likely, unlikely
o impossible to happen.

1. Kung ngayon ay Lunes, bukas ay Miyerkoles.


impossible
___________________
2. Ang mga nagkalat na basag na bote ay magdudulot ng
sure
isang aksidente. ____________________
3. Makakakita ka ng bulalakaw mamayang gabi
impossible
________________________
4. Makakakuha ka odd numbers sa pagpagulong ng dice.
equally likely
____________________________
5. Ang araw ay sisikat sa silangan. sure
________________________

7
B. Gamitin ang sure, most likely, equally likely, unlikely, at
impossible para matukoy ang posibilidad o likelihood na ang
spinner ay babagsak sa bilang na ibinigay.

1. impossible
Bilang na 12 -_________________________________
2. equally likely
Even numbers -_________________________________
3. unlikely
Multiple of 3 - ________________________________
4. Sum of 8 most likely
- _________________________________
5. Bilang na 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8 - ________________________
sure

C. Isulat ang hinihinging probability sa kulay kung saan hihinto


ang spinning wheel.

1. Dilaw - unlikely
_______
2. Asul - equally likely
_______
3. Lila - impossible
_______
4. Berde - equally likely
_______
5. Pula - most likely
_______

Isaisip

TANDAAN:
Probability ang tawag sa posibilidad o pagkakataon ng isang
bagay na maaaring mangyari o maranasan .
Ito ang magsasabi kung ang isang bagay ay imposible, maliit
ang posibilidad, pantay na pagkakataon, malaki ang posibilidad, o
kaya siguradong mangyayari.

0 ¼ ½ ¾ 1
Impossible to Unlikely Equally likely Most likely Sure to
happen to happen to happen to happen happen

Ang probability ay may value mula 0 hanggang 1. Kung ito ay


malapit sa 1, mas malaki ang posibilidad na ito ay mangyari o
maranasan.

8
Isagawa

Sagutin ang sumusunod.

1. Ano ang probability ng pagpili ng mga letra sa salitang


M AT H E M A T I C S.

2/11 unlikely 2/11 unlikely


A. P (A) - ____ D. P (M) - ____
1/11 unlikely
B. P (H) - ____ 1/11 unlikely
E. P (E) - ____
C. P (O) - ____
0 - impossible

2. Ang basket ay may lamang 10 mansanas, 8 mangga, at


2 orange. Ano ang probability ng sumusunod:

unlikely
F. P (mangga) - _____ impossible
I. P (chico) - ______
G. P (mansanas) - equally equally likely
____ likely J. P (mangga at orange) - _______
unlikely
H. P (oranges) - ______

3. Si Wisdom ay may 10 asul, 12 berde, 8 dilaw, at 5 pulang holen


sa kaniyang lalagyan . Ano ang probability ng pagkuha niya
ng:

unlikely most likely


K. pulang holen - ___ N. berdeng holen - ____
impossible O. asul na holen - ____
L. orange na holen - ___ unlikely
M. dilaw na holen - unlikely
___

Tayahin

Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang posibilidad o chance na paghagis mo ng sampung


piso, pagbagsak nito ay ang makikita mo ay ang ulo?
A. Imposible C. Pantay na pagkakataon o Chanc
B. Maliit ang posibilidad D. Siguradong mangyayari

9
2. Ano ang posibilidad o chance na ang arrow ng spinner ay
babagsak sa dilaw na bahagi ng wheel?
D
B B
B
A. Imposible C. Malaki ang posibilidad
B. Maliit ang posibilidad D. Siguradong mangyayari

3. Tuwing pagkatapos ng klase, gumagawa si Kate ng takdang


aralin niya at palaging nag-aaral sa tuwing may pagsusulit.
Sinasabi niya na may posibilidad siya o chance na maging top
50
sa klase nila ay 50.
A. Impossible C. Equally likely
B. Unlikely D. Sure

4. Pagkatapos mag-compute ang guro ng grado ng kaniyang


mga mag-aaral, sinulat niya sa kaniyang record na may
3
posibilidad na 4 ang papasa sa kanyang klase.
A. Equally likely C. Sure
B. Most likely D. Impossible

5. Ano ang probability at event na hihinto ang spinning wheel sa


bilang 2 at 4?
4
A. 4 – equally likely
2
B. – unlikely
8
5
C. 8 – most likely
5
D. 8 – sure

10
3
Mathematics
Ikaapat na Markahan - Modyul 8:
Iyong Sagutan,
Mga Kasanayang Natutuhan
Mathematics - Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan - Modyul 8: Iyong Sagutan, Mga Kasanayang Natutuhan
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Mga Piling Guro sa Ikatlong Baitang (Mathematics)

Editor: Michael R. Lee

Tagasuri: Michael R. Lee

Tagalapat: Ma. Fatima D. Delfin

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum
Michael R. Lee
Pandibisyong Tagamasid, Mathematics

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education - Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 882 5861 / 882 5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

2
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag/
katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang
bilang. (30 puntos)

1. Ilang araw mayroon sa 48 oras?


A. 1 araw
B. 2 araw
C. 3 araw
D. 4 araw

2. 36 buwan na ang edad ni Daniella. Ilang taon na siya?


A. 2 taon
B. 3 taon
C. 4 taon
D. 5 taon

3. Nanatili si Carmen ng 90 araw sa Isabela. Ilang buwan siya nanatili


roon?
A. 1 buwan
B. 2 buwan
C. 3 buwan
D. 4 buwan

4. Nagtrabaho si binibining Vera sa ibang bansa sa loob ng dalawang


taon. Ilang buwan siyang nangibang bansa?
A. 12 buwan
B. 24 buwan
C. 36 buwan
D. 48 buwan

5. Ilan ang katumbas na sukat ng 4 metro sa sentimetro?


A. 4 sentimetro
B. 40 sentimetro
C. 400 sentimetro
D. 4 000 sentimetro

6. Tuwing bakasyon, ang pamilya ni Ginoong De Vera ay umuuwi sa


kanilang probinsiya sa Palawan. Sila ay nanatili ng 3 linggo. Ilang
araw silang nanatili roon?
A. 14 araw
B. 21 araw
C. 28 araw
D. 30 araw

3
7. Nag-eensayo si Macoy sa pagsayaw nang 1 oras araw-araw sa
loob ng 5 araw. Ilang minuto siyang nag-ensayo sa loob ng limang
araw?
A. 200 minuto
B. 300 minuto
C. 400 minuto
D. 500 minuto

8. Ang isang pitsel ay naglalaman ng 4 000 mL na Calamansi Juice,


ilang litro ang katumbas nito?
A. 4 000L
B. 400L
C. 40L
D. 4L

9. Nag anunsiyo ang Manila Water na magkakaroon ng skedyul ng


pagkukumpuni ng mga sirang tubo ng tubig sa Barangay
Pinagsama kaya kinakailangang mag ipon ng tubig. Nakapag ipon
si Aling Rosa ng tubig ulan sa timba. Ang laman nito ay 17 500 mL.
Ilang litro ng tubig ang katumbas nito? 17.5
A. 17L B. 17.5L C. 18L D . 18.5L

10. Ang bagahe na maaaring dalhin ni


Ana sa eroplano ay 10 kilo lamang
subalit ang dala niyang bagahe ay
12 500 gramo. Ilang gramo ang labis
nito sa nararapat niyang dalhin sa
eroplano?

A. 1000g B. 1500g C. 2000g D. 2500g

11. Ilan 250 mL na lata ang katumbas ng 3 L?

A. 6 B. 8 C.12 D. 16

4
12. Kailangan ng 6 na litrong tubig para mapuno ang lalagyan. Kung
may dati itong laman na 3500 mililitro, ilang mililitro pa ng tubig
ang kailangan?
A. 4 000 mL
B. 2 500 mL
C. 3 000 mL
D. 2 000 mL

13. Nagtimpla si nanay ng isang pitsel ng gulaman na naglalaman


ng 2 L para sa aming mga bisita. Ilang mililitro ito?
A. 5 000mL
B. 3 000 mL
C. 4 000 mL
D 2 000 mL

14. Ang laman ng tangke ng bus ay 35 L


na gasolina. Noong Martes ay 18 L
ang nagamit, gaano karaming gasolina
ang natira sa tangke?

A. 17L B. 18L C. 19L D. 20L

15. Tinamnan ng mga gulay ni Mang Tonyo


ang bakanteng lote nila sa likod bahay
na may haba na 8 m at lapad na 5 m.
Ano ang kabuuang area ng kanyang
gulayan?

A. 100 sq. m C. 80 sq. m


B. 60 sq.m D. 40 sq. m

5
16. Ano ang area ng figure na may kulay?

A. 115 sq. cm Legend:


B. 130 sq. cm = 6 cm
C. 150 sq. cm
D. 175 sq. cm

17. Ang silid tulugan ay hugis parisukat .


Kung ang gilid nito ay 6 na metro,
ano ang area nito?
A. 36 sq. m C. 49sq. m
B. 25 sq. m D. 16sq. m

18. Ano ang area ng parihaba na may habang 9 metro at lapad na


7 metro?
A. 48 sq. m C. 63 sq. m
B. 52 sq. m D. 75 sq. m

19. Ano ang area ng isang panyo na may gilid na 12 sentimetro


(cm)?
A. 144 sq. cm C. 146 sq. m
B. 145 sq. cm D. 147 sq. m

20. Ano ang suliranin na magagawa gamit ang mga sumusunod na


detalye: parisukat na may gilid na 6 na metro?
A. Ano ang hugis ng larawan?
B. Ano ang gilid ng parisukat?
C. Ano ang area ng parisukat?
D. Ano ang haba ng larawan?

6
21. Magkakaroon ng Pandistritong Palaro 2019 sa Makati na
gaganapin sa Makati Coliseum.Ang mga nasa talahanayan ay
mga paboritong laro na sinalihan ng mga mag- aaral ng District
I, II, IV, at VI. Kung pagsasamahin ang datos na pumili ng Chess
at Badminton, ilan ang kabuuang bilang nila?

Paboritong Isport Tally Kabuuan


Basketball 25
Volleyball 17
Chess 8
Badminton 10
Soccer 5

A. 17 B. 18 C. 19 D. 20

22. Si Mang Cardo ay bumili ng kahoy na gagamitin sa proyekto ng


kaniyang anak sa EPP. Ito ay may kabuuang area na 280 sq. cm.
Kung ang lapad nito ay 7 sq. cm, ano naman ang haba
nito?

A. 25 cm B. 30 cm C. 35 cm D. 40 cm

23. Ano ang lapad ng telang binili ni Alyana, kung ito ay may
kabuuang area na 544 sq.cm at habang 34 cm?

A. 16 cm B. 18 cm C. 25 cm D. 28 cm

Para sa bilang 24-25:

Ipinagdiriwang sa Pilipinas ang “Buwan ng Wikang Pambansa”


tuwing Agosto, alinsunod sa Presidential Proclamation No.1041 na
nilagdaan noong Pebrero 15, 1997.

7
Pangunahing Wika na Ginagamit sa Tahanan ng
Mag-aaral sa Ikatlong Baitang
Pangunahing Wika Bilang ng Mag-aaral
Tagalog 21
Bisaya 11
Cebuano 8
Ilokano 12
Bikolano 9
Kapampangan 9

24. Aling wika ang pinaka ginagamit ng mga mag-aaral sa ikatlong


baitang sa kanilang tahanan?
A. Kapampangan B. Tagalog C. Ilokano D. Bisaya

25. Kung pagsasamahin ang bilang ng mga mag-aaral na


gumagamit ng salitang Ilokano at Bisaya, ilan lahat sila?
A. 20 B. 21 C. 22 D. 23

26. Tignan ang graph sa baba. Kung pagsasamahin ang mga mag-
aaral na ginagamit ang wikang Cebuano, Ilokano at
Kapampangan, ilan ang lamang nila sa gumagamit ng wikang
Tagalog?

Pangunahing Wika na ginagamit ng mga Mag-aaral sa


Ikatlong Baitang sa kanilang Tahanan
25
21
20
Bilang ng Mag-aaral

15
12
11
10 9 9
8

0
Tagalog Bisaya Cebuano Ilokano Bikol Kapampangan

Pangunahing Wika

A. 8 B. 9 C. 10 D. 11

8
27. Kung pakukuhanin ka ng bola sa loob ng kahon nang hindi mo
tinitingnan ang kulay, ano ang posibilidad o chance na asul
(blue) na bola ang makukuha mo?

Legend:
B- blue
R- red

B B B
B R R
A. Imposible
B. maliit ang posibilidad
C. Malaki ang posibilidad
D. Sigurado na mangyayari

28. Alin sa mga sumusunod na kahon ang equally likely chance na


makakakuha ng itim na holen si Justine.

A. C.

B. D.

9
29. Pagkatapos magbilang ng guro kung ilan ang sasama sa
Fieldtrip, isinulat nya sa kanyang record na may posibilidad na
¾ ang sasama sa sa kanyang klase. Ano ang probability ng
mga batang sasama sa Fieldtrip?

A. Equally likely C. Sure


B. Most likely D. Impossible

30. Upang mapasaya ang mga estudyante ni Gng. Reyes, naglagay


siya ng 20 pirasong Php20.00, 10 pirasong Php50.00, 5 pirasong
Php100.00 at 1 pirasong Php500.00 sa isang kahon. Kung kukuha
si Carlo ng isang perang papel sa kahon nang hindi tinitignan,
magkano ang posibilidad na makuha niya?

A. Php500.00 C. Php20.00
B. Php100.00 D. Php50.00

10

You might also like