You are on page 1of 38

Araling

Panlipunan 3
Pagpapahalaga sa
mga Pangkat ng Tao

Quarter 3, Week 7
Balitaan
Isulat ang salitang “tama” kung ang pahayag ay tama, at
“mali” naman kung ito ay mali.
_____1. Makikipagkaibigan sa ibang kamag-aral na kabilang sa
ibang pangkat ng tao.
_____2. Tutuksuhin ang pagkakaiba ng mga kamag-aral na iba
ang anyo dahil ito ay galing sa ibang pangkat ng tao.
_____3. Makilahok sa mga gawain sa paaralan kahit na ibang
pangkat ng tao ang pinanggalingan.
_____4. Pagtatawanan ang mga kamag-aral na galing ng ibang
pangkat ng tao dahil sa kanilang kasuotan.
_____5. Namimili ng mga batang maaaring kaibiganin sa
paaralan.
Sa aralin na ito, matututuhan mo na palalimin ang pagkakaunawa
sa mga pangkat na kabilang sa sariling lalawigan sa pamamagitan
ng pagpapakita ng pagpapahalaga sa pagkakaibaiba ng bawat
pangkat sa isa’t isa.
Hularawan
Hulaan ang pangkat ng
mga tao ayon sa larawan.
Hularawan

AYTA
AY-TA
Hularawan

TAGALO
G
TA-GA-LOG
Hularawan

DAYUHAN
DA-YU-HAN
Sino sa inyo ang
nakaranas na mabulas o
ma-BULLY?
Katanungan:
1. Ano ang gagawin mo kapag ikaw ay mabully?
2. Tama ba na gawain ang bullying o pambubulas?
Bakit?
3. Ano ang dapat ninyong gawin kapag kayo na-
bully?
4. Ano ang masamang naidudulot o naibibigay ng
bullying o pambubulas?
“Si Anton, Ang Batang
Ayta”
Si Anton ay isang batang Ayta
na may maitim na kulay ng
balat, at kulot na buhok. Siya
ay nasa ikatlong baitang na sa
isang mababang paaralan.
“Si Anton, Ang Batang
Ayta”
Dahil iba ang kaniyang pisikal
na anyo kaysa sa mga batang
Tagalog na nag-aaral din sa
parehong paaralan ay umiiwas
sila sa kaniya at ilang sa
pakikipagkaiban dito.
“Si Anton, Ang Batang
Ayta”
Napansin ito ng kanilang guro
kaya naman gumawa agad siyang
paraan. Nang araw na iyon
tinalakay nila sa klase ang mga
bayaning katutubo na nagtanggol
sa Pilipinas noong pananakop ng
mga dayuhan.
“Si Anton, Ang Batang
Ayta”
Tinalakay din nila ang mga katutubong
nagtagumpay sa buhay at ngayon ay may
malaking ambag sa pag-unlad ng lalawigan.
Huli nilang tinalakay na ang mga Filipino
ay nasa iisang bansa na samasamang
nabubuhay, nagtutulungan, at
nagmamahalan magkakaiba man ang uri ng
pangkat-etniko na kinabibilangan.
“Si Anton, Ang Batang
Ayta”
Mula noon ay hindi na nailang ang mga
batang Tagalog kay Anton at naging
magkakaibigan na sila.
Ang paggalang sa pagkakaiba iba ng
bawat tao, anyo man o paniniwala ay
mahalaga upang tayo ay mabuhay nang
mapayapa at may pagkakaisa.
Katanungan:
1. Sino ang tauhan sa kwento? Anong pangkat ang
kaniyang kinabibilangan?
2. Ano ang ginawa ng mga kaklase niya sa kanya?
Bakit?
3. Ano ang ginawa ng guro?
4. Sa iyong palagay naging epektibo ba ang ginawa
ng guro sa ginawang talakayan? Bakit?
5. Paano natin ipinapakita ang pagpapahalaga natin sa
pangkat ng tao?
Bagama’t magkakaiba ang mga itsura at
katangian ng mga pangkat ng tao sa isang
lalawigan, silang lahat ay kasapi ng
kinabibilangang lalawigan. Mahalaga na
matutuhan kung papano ipapakita ang
paggalang sa iba’t ibang pangkat ng tao sa
inyong lalawigan.
Mga Pagpapahalagang dapat gawin sa pangkat ng tao:

• Paggalang at pagrespeto sa kanilang paniniwala,


kinamulatang pamumuhay, pananamit, at pagsasalita.

• Pagbabasa ng kuwentong bayan ng samu’t saring


buhay ng mga Pilipino lalo na ng pangkat ng tao.
Mga Pagpapahalagang dapat gawin sa pangkat ng tao:

• Pagmamalaki ng kultura ng pangkat ng tao.


• Pag-aralan ang kultura ng iba’t ibang pangkat-
etnikong Pilipino tulad ng kanilang kuwentong bayan,
katutubong sayaw, awit, laro, at iba pa.
Opo o
Hindi po
1. Ang mga pangkat ng
tao ay nagpapayaman ating
kultura at isang bagay na
dapat natin ipagmalaki.
2. Mahalaga ang mga
pangkat ng tao sa Pilipinas
sapagkat ang kanilang
bahagi sa kasaysayan ay
napakalaki.
3. Pagtawanan ang anyo
ng iyong kamag-aral na
nabibilang sa pangkat ng
tao.
4. Lalayuan ang pangkat
ng mga tao dahil sila ay
may kakaibang
pamumuhay.
5. Bigyan ng pagkakataon na
mapalawak ang
pakikipagkaibigan sa ibang
tao anuman ang kanilang
katayuan sa buhay o lahi o
pangkat.
Ang ating bansa ay binubuo ng iba’t ibang _______
pangkat
ng tao. Ang papapahalaga sa mga _________ nating
pagkakaiba
mga Pilipino ay mahalaga upang ang kapayapaan at
________ ay makamtan sa ating kaunlaran
bayan. Kaya naman,
bilang mag-aaral, mahalaga na marunong kang ipakita
ang iyong ____________ sa pagkakaiba ng bawat
pagpapahalaga
pangkat ng tao sa ating bansa.

pangkat pagkakaiba
kaunlaran pagpapahalaga
Pangkatang
Gawain
Pangkat 1
Paghambingin ang mga pangkat ng mga tao. Ano ang
kanilang pagkakapareho at pagkakaiba.
Pagkakapareho Pagkakaiba

Tagalog

Ayta
Pangkat 2
Punuin ang graphic organizer, magbigay ng mga pagpapahalaga
para sa pangkat ng tao. Gumawa ng isang pag-uulat tungkol dito.

________

Pagpapahalaga sa
Pangkat ng Tao

________ ________
Pangkat 3

Gumawa ng isang maiksing dula


tungkol sa pagpapahalaga sa
pangkat ng tao.
Pangkat 4

Gumawa ng isang slogan para


mabigyan ng proteksyon, respeto at
paggalang ang pangkat ng tao.
Pangkat 5

Gumawa ng liham para sa pangkat ng


mga tao. Isulat ang inyong nais mong
maiparating sa kanila.
Batayan sa Pagmamarka
BATAYAN PANGKAT 1 PANGKAT 2 PANGKAT 3 PANGKAT 4 PANGKAT 5

1. Kasiya-siya ba ang pag-


uulat?

2. Mahusay bang sumunod sa


ipinagagawa ng guro ang
pangkat?
3. Napukaw ba ng tagapag-
ulat ang atensyon o
damdamin?

4. May sapat bang kaugnayan


ang paksang tinalakay?

5. Nakikiisa ba ang bawat


kasapi ng pagbuo ng gawain?
Isulat ang salitang “tama” kung ang pahayag ay tama, at
“mali” naman kung ito ay mali.
_____1.
tama Makikipagkaibigan sa ibang kamag-aral na kabilang sa
ibang pangkat ng tao.
_____2.
mali Tutuksuhin ang pagkakaiba ng mga kamag-aral na iba
ang anyo dahil ito ay galing sa ibang pangkat ng tao.
_____3.
tama Makilahok sa mga gawain sa paaralan kahit na ibang
pangkat ng tao ang pinanggalingan.
mali Pagtatawanan ang mga kamag-aral na galing ng ibang
_____4.
pangkat ng tao dahil sa kanilang kasuotan.
mali Namimili ng mga batang maaaring kaibiganin sa
_____5.
paaralan.
Takdang Aralin

Magbigay ng mga lugar sa


CALABARZON na mayroong
komunidad ng pangkat etniko.
Maraming salamat
po1

You might also like