You are on page 1of 5

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

SA IKALIMANG BAITANG

I. MGA LAYUNIN
a. Natutukoy ang elemento ng kwentong binasa - tagpuan - tauhan – banghay

b. Napagsunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong napakinggan sa pamamagitan ng


larawan

c. Nasusuri ang sanhi at bunga sa binasang kwento

II. NILALAMAN
Paksang Aralin: Ang mayabang na pato
Sanggunian: Internet, Wikang sarili 5 (patnubay ng guro)
Mga Kagamitan: Larawan, Video, Manila Paper

III. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
a. Pagbati
Magandang Umaga mga mag-aaral! Nasisiyahan Magandang umaga din po guro
ako at muli ko kayong makita sa araw na ito

kamusta , kamusta, kamusta


Kamusta kayong lahat
Ako’y tuwang-tuwa, masaya at nagagalak
Tra-la-la-la-la-la-la-la
Tra-la-la-la-la-la-la-la
Tra-la-la-la-la-la-la-la
Tra-la-la-la-la-la-la-la

b. Panalangin
Manatiling nakatayo para sa ating panalangin.
Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espirito Santo
Amen.

c. Pagtala ng liban
Mga mag-aaral mayroon bang lumiban sa ating Wala po guro
kalse ngayon?

Magaling!

d. Balik-aral
Mga bata ano ang ating paksang-aralin kahapon? Aspekto ng pandiwa po guro
Mahusay!
Ang aspektong naganap na o perpektibo.
Base sa ating paksa kahapon, meron kayong
sasagutin sa black board. Naintindihan? Opo guro

Ibigay ang panlapi at pandiwang naganap na ng


salitang-ugat.
Salitang-ugat Panlapi Pandiwang
Napakahusay!
Naganap Na

1. Kain
2. Tali
3. Aral
4. Uwi
5. Kanta
B. Pagganyak
Mga bata handa na ba kayo sa ating gawain sa Opo guro
oras na ito?

(Ang guro ay ipanood ang kantang bidyung


“Anak” by Freddie Aguilar) pagkatapos ay
magtanong.
Mga tanong:
Mga bata ano ang napansin niyo sa napanood
niyong video? Ang anak ay naging pasaway sa mga magulang
po guro
Mahusay! Ang bata ay pinatawad ng mga magulang

C. Paglalahad

Sa ngayon ang napanood natin ay may


kinalaman sa ating paksang aralin sa oras na ito
ang maikling kwentong pinamagatang “Natuto
sa Karanasan” ni Erlinda Bayona

D. Pagtalakay
(Sa pamamagitan ng pagkuwento gamit ang big
book)

Natuto sa Karanasan
ni Erlinda Bayona
Araw ng linggo, pagkatapos magsimba ay
nagtutnungo sa palengke ang nanay ni Nene.
Bago sila maghiwalay ay nagbilin sa kaniya ang
ina.
“Nene, hugasan mo ang mga pinggan at
magsalang ka na rin ng sinaing pag-uwi mo para
ulam nalang ang lulutuin ko,” bilin ng ina.
“Opo, inay, “ tugon ni Nene
“Ingatan mo ang mga pinggan at baso sa
paghuhugas at banatayan mong maigi ang
sinaing nang hindi masunog,” pahabol ng ina.
Pag-uwi ng bahay dali-daling nagpalit ng damit
si Nene. binuksan niya ang telebisyon subalit
hindi pa nagsisismula ang paborito niyang
programa. Nagtungo muna siya sa kusina.
Isinalang ang sinaing, pagkatapos ay binilisan
niya ang paghuhugas ng pinggan, kaya hindi
siya nakaiwas sa pagkabasag ng mg ito. Sininop
niya ang mga ito at itinapon sa basurahan.
Sinimulan na niya ang panonood na may narinig
siyang tumatawag. “Ne, gusto mo bang sumali
sa amin? Maglalaro kami ng tumabang preso,”
sigaw ng kalaro.
“Sandali lag, bababa na ako,” sagot ni Nene.
Nalibang siya sa paglalaro. Sa kainitan ng
paglalaro ay ay may naamoy siyang nasusunog
na sinaing.
“Teka muna sandali, sinaing ko yata yung
nangangamoy!” paalam ni Nene. Nagtutong ang
sinaing niya. Malayo palang ay naamoy na ng
kaniyang ina ang sinaing kaya galit ito nang
dumating. Nadagdagan pa ang kaniyang galit ng
makita ang basag na baso at pinggan.
“Ano ka ba Nene, hindi ba binilinan kita? Bakit
hindi mo maayos ang gawain mo?” sabay pingot
sa tainga ni Nene.
Nagsisi si Nene. Nagkamali siya sa pag-
aakalang maaaring gumawa nang padaskol-
daskol. Nagalit sa kaniya nag kaniyang ina. Siya
ay umiyak at sinabing sa susunod ay gagawin na
niya nang maayos ang kaniyang gawain.

Mga bata may mga elemento ng maikling


kwento ito ay;
1. Tauhan Opo guro
Mga bata sinu-sino ang mga tauhan base sa Ang nanay, Nene at mga kaibigan ni Nene po
kwento? guro
Mahusay!
2. Tagpuan
Saan naman naganap ang pangyayari? Sa bahay po guro
3. Kasiglahan
Ano naman ang kasiglahan? Nung naghuhugas si Nene ng mga pinggan at
baso
Nung nasunog ang sinaing
4. Suliranin o tunggalian
Ano naman ang suliranin sa kwento? Tao laban sa tao
5. Kasukdulan
Ano naman ang kasukdulan sa kwento? Nung naamoy ni Nene ang sinaing na nasunog
Nung dumating ang nanay at pinagalitan si
Nene
6. Kalakasan
Ano naman ang kalakasan sa kwento? Nagsisi si Nene
7. Wakas Si Nene ay umiyak at sinabing sa susunod ay
Ano naman ang wakas sa kwentomga bata? gagawin na niya nang maayos ang kaniyang
gawain.
(Aking tanong, iyong tugon)

E. Paglalahat Opo guro


Mga mag-aaral naintindihan niyo ang maikling
kwento ito?
Mahusay!
Natuto sa karanasan
Ano nga ba ang pamagat ng kwento mga bata?
Tauhan, tagpuan, kasiglahan, suliranin,
Ano ang pitong elemento ng maikling kwento? kasukdulan, kalakasan, at wakas
Mahusay!
Mahalaga ang pagsunod sa magulang dahil sila
Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga
ay nakatatanda
magulang? Tanda ito ng paggalang at pagbibigay respeto
Tama!

Bakit mahalagang makinig sa mga payo at bilin


Upang hindi palpak ang ating gagawin
ng mga magulang at mga guro natin? Upang maganda ang kalalabasan ng trabaho sa
Mahusay!
bahay at sa paaralan
F. Paglalapat

Unang pangkat
Panuto: Ibigay ang sanhi at bunga ng sumusunod

SANHI BUNGA

1. Binilisan ni Nene ang


paghuhugas ng pinggan

2. Nasunog ang sinaing ni


Nene

3. Pinagalitan si Nene
ng kaniyang ina

4. Pag-aaral ng mabuti

5. May magandang
aanihin

Pangalawang pangkat

Panuto: Ayusin o pagsunod-sunurin ang mga


pangyayari sa pamamagitan ng mga larawan sa
nabasang kwento at isa sa inyo ang magsalaysay
sa harap.
( Ulit-balik, balik-banggit na estratehiya)
IV. PAGTATAYA
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
Isulat ang iyong sagot sa mga patlang.
1. Ano-ano ang ibinilin ng ina kay Nene?
2. Bakit hindi nasunod ni Nene ang mga
iniutos sa kaniya?
3. Ano sa palagay mo ang dapat na ginawa
ni Nene para hindi siya napagalitan?
4. Ano ang pangunahing aral ng kwento?
At Bakit?
5. Kung ikaw si Nene, paano ka babawi sa
iyong ina sa nagawa mong
pagkakamali?

V. TAKDANG ARALIN
Bumuo ng sariling maikling kwento na kumpleto
ang elemento nito. Ilagay sa isang buong papel.

You might also like