You are on page 1of 25

2

FILIPINO
Ikatlong Kwarter-Modyul 4
Pagpapahayag ng Sariling Damdamin o Reaksyon
Tungkol sa Napakinggang Kuwento Batay sa Tunay
na Pangyayari/ Pabula
Filipino – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Kwarter – Modyul 4: Pagpapahayag ng Sariling Damdamin o
Reaksyon Tungkol sa Napakinggang
Kuwento Batay sa Tunay na
Pangyayari/Pabula.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi


maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan
ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul
na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng
mga ito.
Walang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Arsenia V. Lumayag, Angelita O. Mecla
Editor: Mariely S. Rafal, Rosita B. Ranara, Delia D. Acle, Roy S. Estrobo,
Virgen G. Chan, Aida P. Gales, Brigette R. Aranas
Tagasuri: Bernandita G. Babanto
Tagaguhit: Aida U. Lopez
Tagalapat: Willa Primie M. Babanto
Tagapamahala: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III, Regional Director
Dr. Edgardo V. Abanil, CESO VI, SDS
Dr.Lanila M. Palapar, Ph.D., ASDS
Dr. Emelia G. Aclan, CID Chief
Dr. Linda D. Saab, Division EPS-LRMS
Delia D. Acle, EPS - I Filipino
Lucita B. King, PSDS Designate
Roy S. Estrobo, ADM Coordinator
Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng Camiguin
Department of Education –Region X
Office Address : B.Aranas St., Poblacion, Mambajao, Camiguin
Website : www.depedcamiguin.com
E-mail Address : depedcamiguin@gmail.com, camiguin@deped.gov.ph
2

FILIPINO
Ikatlong Kwarter – Modyul 4:
Pagpapahayag ng Sariling Damdamin o Reaksyon
Tungkol sa Napakinggang Kuwento Batay sa Tunay
na Pangyayari/ Pabula
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Filipino sa Ikalawang Baitang) ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa aralingNaipahahayag ng Sariling
Damdamin o Reaksyon Tungkol sa Napakinggang Kuwento Batay sa Tunay na
Pangyayari/ Pabula.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum
ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa (Filipino sa Ikalawang Baitang) ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa araling Naipahahayag ng Sariling Damdamin o
Reaksyon Tungkol sa Napakinggang Kuwento Batay sa Tunay na Pangyayari/
Pabula.

ii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo


Alamin
ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-


Balikan
aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong


Tuklasin
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
Suriin
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Binubuo ito ng mga gawaing para
Pagyamanin
sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga


Isaisip
katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


Isagawa
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon
o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong


Tayahin
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa


Gawain iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang


Pagwawasto sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

iv
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo

v
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo


upang makatulong sa mga bata at
magiging gabay sa kanilang pag-aaral
at nagpapahayag ng kanilang sariling
ideya/damdamin batay sa tunay na
pangyayari.
.

Subukin

Panuto: Ilagay sa sagutang papel ang (✓) kung


TAMA ang gawain ( x ) naman kung MALI

____ 1. Iiyak at magmumukmok sa kuwarto.

____ 2. Mag-iisip ng magiging solusyon sa suliranin.

____ 3. Sasabihin sa mga magulang ang problema


upang matulungan.

____4. Iisipin na laging may solusyon ang lahat ng


problema.

____ 5. Hahayaan na lamang na hindi


masosolusyunan ang mga problema.

1
Pagpapahayag ng Sariling Damdamin o
Aralin Reaksyon Tungkol sa Napakinggang

1 Kuwento Batay sa Tunay na Pangyayari/


Pabula

Sa araling ito kailangang matutunan ng mag-aaral


na ang bawat isa ay may sariling ideya, damdamin o
reaksyon batay sa nabasang kuwento. Ito ay
maipapahayag sa pamamagitan ng sariling damdamin.

Balikan

Panuto: Isulat ang tamang impormasyon para makabuo


ng Identification Card o ID sa Ikalawang
Baitang. Isulat sa sagutang papel.

1. ____________________________________
(pangalan ng mag-aaral)
2. _______________ 3. _______________
(Edad) (Baitang)
4. _____________________________
(Pangalan sa Paaralan)

5. _____________________________
(Pangalan sa Magulang)
6. _____________________________
(Tirahan)

2
Tuklasin
Panuto: Basahin at unawain ang maikling kuwento.

Si Mang Roy

Pagtatanim sa bakuran ang pinagkakaabalahan ng


pamilya ni Mang Roy. Namumunga na ang kanilang mga
tanim na gulay. Isang umaga, nagising sila na putol- putol
ang puno ng mga gulay. Nakawala pala ang kambing
ng kapit-bahay. Kay laki ng kanilang panghinayang sa
mga tanim na nasayang.

Panuto: Suriin kung aling mga salita ang nagpapahayag


ng ideya at damdamin. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Bakit naisipang magtanim ng gulay ang pamilya ni


Mang Roy?
A. upang magkaroon ng malinis na bakuran
B. upang sila ay makakain ng preskong gulay
C. dahil may paligsahan sa kanilang barangay

2. Ano ang naramdaman ni Mang Roy na namunga na


ang kanilang mga tanim na gulay?
A. nainis
B. nagalit
C. namangha

3
3. Ano kaya ang naramdaman ng kanilang kapitbahay
ng kinain ng kambing ang mga halaman?
A. nahiya
B. nagalit
C. nainggit

4. Kung ikaw si Mang Roy, ano ang mararamdaman


mo na inubos ng kambing ang mga tanim mong
gulay?
A. matutuwa
B. malulungkot
C. mamamangha

5. Paano kaya masolusyunan ni Mang Roy ang


nangyari sa kanyang mga halaman?
A. Itataboy niya ang mga kambing.
B. Aawayin niya ng kanyang kapitbahay.
C. Magtanim ulit ng gulay at lagyan ng bakod.

Suriin

Panuto: Basahin at unawain ang kuwento.

Umaga na, tulog pa rin si Ramon. Napuyat siya


sa paggawa ng proyekto para sa asignaturang
Filipino. Nakahanda na ang lahat ng mga gamit niya
sa pagpasok. Pinuntahan siya ng kanyang nanay sa
silid upang gisingin. Dali-daling bumangon si Ramon
at nag-umpisang mag-asikaso ng sarili.
Panuto: Basahin ang mga tanong. Piliin ang
( Source: titik
Bagong ng pp. 134 )
BatangPinoy,

4
wastong sagot at isulat ito sa sagutang papel.
1. Sino ang napuyat sa paggawa ng kanyang
proyekto?
A. Roy
B. Mario
C. Ramon

2. Bakit maagang ginising si Ramon ng kanyang


nanay?
A. para maglinis ng bahay
B. para magluto ng almusal
C. para maagang makapasok sa paaralan

3. Sa palagay mo, ano kaya ang mararamdaman ni


Ramon pagkatapos ng mga proyekto niya?
A. magagalit
B. matutuwa
C. mapupuyat

4. Kung ikaw si Ramon, papasok ka pa rin ba sa


paaralan kahit puyat, bakit?
A. Oo, para kumain sa labas.
B. Hindi, gusto kung matulog sa bahay.
C. Oo, dahil ayaw kung lumiban sa klase.

5. Ano kaya ang pakiramdam ng kanyang nanay sa


ipinakitang ugali ni Ramon?
A. nainis
B. natakot
C. natuwa
Pagyamanin

5
Ginabayang Gawain
Panuto: Basahin at unawain ang kuwento.

Ang Pagong ni Dingdong


Si Dingdong ay may alagang pagong. Ito ay si
Pong Pagong. Si Pong Pagong ay maraming itim na
maliit sa kanyang katawan. Siya ay laging
nakakulong sa silong ng barung-barong sa bahay ni
Dingdong.
Minsan, gusto niyang mamasyal sa bakuran
dahil pagod na pagod na siya sa kulungan. Gusto
rin niyang makalanghap ng sariwang hangin.
( Source: LRMDS Grade- 1 File )

Panuto: Basahin ang mga tanong at piliin ang titik ng


tamang sagot na nagpapahayag ng damdamin
o reaksyon batay sa napakinggang kuwento.
Isulat ito sa sagutang papel.

1. Sino ang may alagang hayop?


A. Ben
B. Dino
C. Dingdong

2. Saan nakakulong si Pagong?


A. hawla
B. hospital
C. barong-barung
3. Bakit gusto niyang mamasyal sa bakuran? dahil _____

6
A. gusto lang niya
B. paborito niya itong lugar
C. pagod na pagod na siya sa kanyang kulungan

4. Ano ang ipinakitang damdamin ni Dingdong sa mga


hayop? Siya ay ______
A. mainisin
B. maramot
C. mapagmahal

5. Ano kaya ang mararamdaman mo kung palagi


kang nakakulong sa bahay?
A. maiinip
B. matutuwa
C. malulungkot

Tayahin

7
Panuto: Basahin ang kuwento at piliin ang sagot na
nagpapahayag ng sariling damdamin o
reaksiyon batay sa napakinggang kuwento.

Si Pagong at si Hantik
Si Pagong at si Hantik ay
Magkaibigan. Isang araw,
sila ay nagkagalit. Naisipan
nilang magpunta sa kaibigang
Kwago upang humingi ng payo.
Sabay sa paglalakad ang dalawa kahit na
bahagyang galit pa sa isa’t-isa . Walang anu-ano’y
biglang bumuhos ang malakas na ulan. Halata ni
Pagong na ginaw na ginaw si Hantik. Naawa naman
siya. “ Halika, Hantik,” tawag ng Pagong, “ sumilong
ka muna sa aking bahay “. “ Hindi ka na ba galit sa
akin ? “ tanong ni Hantik. “ Kahit galit pa ako sa iyo
ay hindi naman kita matitiis, sagot ni Pagong.
“Salamat Pagong”, sabi ni Hantik. “ Isa kang tunay
na kaibigan”.
(Source :BanghayAralinsa Filipino Grade-2 pp.135)

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa


sagutang papel.

8
1. Ano ang relasyon ni Pagong at Hantik?
A. magpinsan
B. magkapatid
C. magkaibigan

2. Bakit naisipan nilang pumunta sa kaibigang Kwago?


A. upang makipag-away
B. upang humingi ng payo
C. upang sila’y mamasyal

3. Sa palagay mo, tama kaya ang ginawang tulong ni


Pagong kay Hantik?
A. Oo, dahil masama siyang kaibigan
B. Oo, dahil wala siyang pakialam sa nangyari
C. Oo, dahil minahal niya ang kaibigan kahit galit
ito sa kanya

4. Kung ikaw si Hantik, ano kaya ang mararamdaman


mo kapag tinulungan ka ng iyong kaibigan?
A. sasaya
B. magagalit
C. malulungkot

5. Sa totoong buhay, nakatanggap ka na ba nang


tulong mula sa iyong kaibigan, ano ang naramdaman
mo?
A. naiyak
B. natuwa
C. natakot
Malayang Gawain

9
Panuto: Pagtambalin ang mga sitwasyon na
nagpapahayag ng sariling damdamin o
reaksiyon sa Hanay A at Hanay B. Piliin lamang
ang letra at isulat ang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. Nawala ang pera ni Mara dahil A. naiyak


kinuha ito ng kanyang kapatid na
si Klara. Sinabi niyang “ Umalis ka
sa aking harapan!” Siya ay______

2. Umuwi si Mecca sa bahay dala-dala B. nainip


ang kard na may matataas na marka.
Sinabi niyang, “ Yehey! Malaki ang
marka ko.” Siya ay____

3. Biglang nawala ang kuryente. C. nagalit


May nakitang kakaiba si Dona sa
madilim na paligid. Siya ay____

4. Kumain ng matamis si Roland. Biglang D. natuwa


sumakit ang kanyang ngipin.
Siya ay ___

5. Namasyal sa Parke ang magkapatid E. natakot


na si Rica at Rea. Matagal ding nag-
hintay ang bunsong kapatid sa kanila.
Siya ay ____

Tayahin

10
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang damdaming
ipinahihiwatig ng pahayag . Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

Pagkatuwa Pagkainip Paninisi


Pagkahiya Pagkagalit

_________ 1.“ Bakit mo iniwan ang nakasalang na


sinaing? Nasunog tuloy “.

_________ 2. “ Yehey! mataas ang nakuha ko sa


pagsubok”.

_________ 3. “ Pasensiya na po. Narumihan ko ang


iyong sapatos”.
_________ 4. “ Bakit ang tagal-tagal nila? Kanina
pa ako rito “.

_________ 5. “ Ilang ulit ko nang sinabi sa iyo na


bawal dito ang aso “.

Isaisip
Ang bawat tao ay may sariling damdamin o
reaksiyon sa tunay na buhay o batay sa nabasang
kwento. Ito ay maipapahayag sa salita, isip at sa kilos.
Maaaring masaya, malungkot, magalit, matakot at
iba pa. Unawain natin ang bawat isa sa kanilang
nararamdaman.

11
Isagawa
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letrang
nagsasaad ng tamang damdamin ayon sa
salitang may salungguhit.
1. Napabulyaw at nasabi niya nang malakas, “Ay
kabayo! “ dahil sa matinding gulat.
A. paninisi
B. pagkabigla
C. pagkalungkot
2. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang may
ibang gumamit ng kanyang damit.
A. pagkainis
B. pagkagalit
C. pagkatuwa
3. Naku! kinikilabutan at naninindig ang aking balahibo!
A. pagkahiya
B. pagkagulat
C. pagkatakot
4. “ Aha! Diyan ka lang pala nagtatago, Ikaw na ang
taya.”
A. pagkainis
B. pagkagulat
C. pagkatuwa
5. “Yehey, tumama at nanalo ng malaking halaga ang
nanay ko sa paligsahan “.
A. pagsisisi
B. pagkabigla
C.pagkatuwa

12
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin ang


titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang
papel.

1. Pasipul-sipol na naglalakad si Tony, siya ay______


A. masaya
B. nagsisi
C. nagalit
2. Pagtapat ni Emy sa madilim na lugar, dali-dali
siyang tumakbo sa liwanag _______ kasi siya sa dilim.
A. nahihiya
B. natatakot
C. natutuwa
3. Mahimbing pa ang tulog ni Nonoy, nang bigla siyang
tapikin ng kanyang kuya _______ siyang bumangon.
A. hiyang-hiya
B. gulat na gulat
C. takot na takot
4. Ayaw magsalita ni Isko sa harapan dahil siya ay _____.
A. mahiyain
B. magulatin
C. masayahin
5. Bakit nandito ang libro ko, andoon iyon kanina hindi
ba? _________ tanong ni Susan.
A. nalilitong
B. natatakot
C. nasisiyahang

13
Susi sa Pagwawasto

14
Sanggunian

Ang Bagong Batang Pinoy LM pp. 33, pp. 102-103,


pp. 120-121, pp. 123-124, p. 184, p. 179

Batang Pinoy Ako Grade-3, TG pp. 70


Mga Banghay Aralin sa Filipino, Grade-2 pp.121,
pp. 236

Mga larawang hango sa “https://pixabay.com “

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Division of Camiguin

B. Aranas St., Poblacion, Mambajao, Camiguin Province

Email Address: depedcamiguin@gmail.com, camiguin@deped.gov.ph

Cellphone no: 09057284681


TALAAN NG GUMAGAMIT NG MODYUL

Pangalan ng Kailan Kondisyon Kailan Lagda ng


Humiram Hiniram Isinauli Guro

You might also like