You are on page 1of 19

2

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan
Modyul 2:
Nailalahad ang mga
Pagbabago sa Sariling Komunidad
(AP2KNN-lla-1)
a. Heograpiya
(katangiang pisikal)
b. politika (pamahalaan)
c. ekonomiya
(hanapbuhay/kabuhayan)
d. sosyo – kultural
Araling Panlipunan 2
Self-Learning Module (SLM)
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Nailalahad ang mga Pagbabago sa Sariling
Komunidad (AP2KNN-lla-1) a. Heograpiya (katangiang pisikal) b. politika (pamahalaan)
c. ekonomiya (hanapbuhay / kabuhayan) d. sosyo – kultural
First Edition, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rowena L. Abdul, Arlene Marie N. Gorospe
Patnugot: Dr.Edna H. Cereneo, Mergie D. Benedicto
Tagasuri: Dr. Rachelle T. Amando, Dr. Belinda L. Distor, Dr. Alex S. Labarosa,
Dr. Vivencio O. Aniñon, George Hofer, Dr. Ruby A. Buhat
Tagaguhit: Kenneth F. Luminda, Rafhana Raffah A. Lacungan
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Dr. Concepcion F. Balawag, CESO V - Schools Division Superintendent
Edgar S. Sumapal - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny Sumugat - REPS, Araling Panlipunan
Dr. Pancho G. Balawag - CID Chief
Engr. Reynaldo SE Villan – Division EPS In Charge of LRMS
Dr. Vivencio O. Aniñon, - Division ADM Coordinator
Dr. Edna H. Cereneo- EPS - Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XII


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
2
Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan:
Modyul 2
Nailalahad ang mga
Pagbabago sa Sariling Komunidad
(AP2KNN-lla-1)
a. Heograpiya (katangiang pisikal)
b. politika (pamahalaan)
c. ekonomiya
d. sosyo- kultural
PAUNANG SALITA
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling
Panlipunan 2 ng Self- Learning Module (SLM)para sa
araling Mga Pagbabago sa Sariling Komunidad.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo,
nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko
at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K
to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay


ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto
na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at
oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing
teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan
ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng


paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin

1
ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 2 ng


Self- learning Module (SLM) ukol sa mga Pagbabago sa
Sariling Komunidad.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa
iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na
dapat mong maunawaan.

Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang
mga dapat mong matutuhan sa
modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

2
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap
o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot
Pagwawasto sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Sanggunian: Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

3
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit
ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag
lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago
lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang
bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa
pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa
iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o
tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang
mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang
hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na
ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

4
Alamin

Sa modyul na ito, ang mag – aaral ay inaasahang


matutukoy ang mga pagbabagong naganap sa
komunidad sa iba’t – ibang larangan batay sa
pagbabago sa heograpiya (katangiang pisikal), political
(pamahalaan), ekonomiya (hanapbuhay / kabuhayan),
at sosyo – kultural.
• Mailalarawan ang mga pagbabagong ito sa iba’t –
ibang malikhaing pamamaraan.
• Mailalagay sa timeline ang mga pagbabagong
naganap sa komunidad ayon sa pagkakasunod –
sunod ng mga pangyayari.

5
Subukin

Isulat ang N kung noon ito ginagamit at NG kung ngayon


ito ginagamit. Isulat ang sagot sa patlang.
________ 1. baro’t saya
________ 2. internet
________ 3. bahay kubo
________ 4. computer
________ 5. e – mail

Aralin Nailalahad ang mga


2 Pagbabago sa Sariling
Komunidad
Maraming pagbabago ang nagaganap sa isang
komunidad. Sa ano mang larangan nito ang pagkatuto
at pag-unawa sa mga pagbabagong ito ay
nakatutulong upang lubos mo maunawaan ang mga
pangyayari ito.

Balikan

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot


sa patlang.
____________ 1. Ano ang pangalan ng iyong komunidad?
____________ 2. Saan nagmula ang pangalan ng iyong
komunidad?

6
____________ 3. Anong lugar sa iyong komunidad ang
makasaysayan?

Mga Tala para sa Guro


Mga alituntunin sa paggamit ng modyul.
1. Makipag – ugnayan sa iyong guro o kung
sinumang may ganap na kaalaman kung may
malabong panuto o anumang bahagi ng modyul.
2. Basahin at intindihing mabuti ang mga
babasahin o teksto.
3. Sundin ang mga panutong nakapaloob sa
modyul.
4. Panatilihing maayos at malinis ang paggamit ng
modyul upang maibalik ng maayos sa iyong guro.
5. Ang mga tamang sagot sa panimula at
pangwakas na pagsusulit ay kukunin ng guro
pagkatapos mong masagutan ang mga aytem.

7
Tuklasin

Basahin ang isang kwento sa ibaba tungkol sa isang


komunidad.
“Komunidad Ko Noon at Ngayon”

Ang aking komunidad ay nasa kapatagan. Malawak


ang lupang sakop nito. Mayroon ditong ilog, bundok at
sakahan. Simple ang pamumuhay dito.
Minsan, nagtanong ako sa aking Nanay at Tatay
kung ano ang anyo ng aming komunidad noon. Ito ang
kanilang kuwento.

Noong taong
1960 – 1970

Sa paglipas ng panahon, nagsimula ng magkaroon ng


pagbabago ang aking komunidad. Taong 1990,

8
nadagdagan ang taong naninirahan dito. Dumami ang
mga bahay. Nagkaroon ng kuryente at nagkailaw ang
maraming kabahayan. Nagkaroon din ng paaralan na
may anim na baitang.

9
Suriin

A. Pag – usapan:
1. Saan matatagpuan ang komunidad ayon sa kuwento?
2. Ano – ano ang mga kasuotan noon ng mga lalaki at
babae?
3. Ano ano ang transportasyon at libangan noon?
4. Ano ano ang pagbabagong naganap sa komunidad
matapos ang ilang taon?

Pagyamanin

Panuto: Sagutin ng TAMA o MALI.

_______ 1. Mahusay gamitin ang timeline sa tala ng


pagbabago sa komunidad.
_______ 2. Higit na magiging malinaw ang pagbabago sa
komunidad kung maayos na mapagsusunod –
sunod.
_______ 3. Hindi mahalaga ang mga naganap noong
unang panahon.
_______ 4. Maging mapagsaliksik sa mga pagbabago sa
komunidad.
_______ 5. Ang ngayon lang ang dapat nating alamin at
pag – aralan.

10
Isaisip
May kuwento tungkol sa pinagmulan ng
pamumuhay sa bawat komunidad.

Mahalaga ang pagkilala at pag – unawa sa


pagkakaiba ng nakaraan sa kasalukuyan at ang
pagpapatuloy mula sa iba – ibang panahon.

Dapat ring maunawaan ang kahalagahang


pangkasaysayan at pagpapahalaga sa mga
pangyayari sa nakaraan man o kasalukuyan.

Isagawa

A. Iguhit sa papel ang mga pagbabagong naganap sa


iyong komunidad. Gayahin ang tsart sa ibaba.
Noon Ngayon

Bahay

Komunikasyon

Sasakyan

11
Libangan

Kasuotan

Tayahin

Isulat sa patlang Noon o Ngayon ayon sa sinasabi ng


bawat kalagayang nagaganap sa isang komunidad.

____1. Makabago ang mga kagamitan sa bahay.


____ 2. Bangkang de sagwan ang kanilang sinasakyan.
____ 3. Pakikinig sa radio ang kanilang libangan.
____ 4. Baro at saya ang karaniwang suot ng mga
kababaihan.
____ 5. Telebisyon, videoke, internet at banda ang
kanilang libangan.

12
Karagdagang Gawain

Ayusin ang mga pangungusap ayon sa pagkakasunod


na pangyayari o timeline. Lagyan ng bilang 1 – 5.

______ 1. Nagkaroon ng telebisyon ang mga tahanan.


______ 2. Dumating ang mga pamilya na unang
nanirahan dito.
______ 3. Lumuwang ang kalsada at nagging konkreto.
______ 4. Nagkaroon ng paaralan na may dalawang
grado sa aking komunidad.
______ 5. Nagsimulang dumami ang mga sasakyan.

13
14
Karagdagang Tayahin Pagyamanin
Gawain
1. Ngayon 1. TAMA
1. 3 2. Noon 2. TAMA
2. 1 3. Noon 3. MALI
3. 4 4. Noon 4. TAMA
4. 2 5. Ngayon 5. MALI
5. 5
Suriin
1. kapatagan
2. baro’t saya, kamisa de tsino
Subukin
barong tagalog
3. bangka, kabayo, kalabaw 1. N
pakikinig sa radio, larong pinoy 2. NG
3. N
4. Nagkaroon ng kuryente,
4. NG
nagkailaw, dumami ang mga 5. NG
bahay
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

• K to 12 Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag –


aaral
• K to 12 Araling Panlipunan Patnubay ng Guro

15
PAHATID - LIHAM
Ang sariling Pagkatutong Modyul na ito ay
nilinang ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong
SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa
bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay
batay sa Most Essential Learning Competencies
(MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay
pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII
simula sa taong panuruan 2020-2021.Ang proseso ng
paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng modyul na
ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming hinihimok
ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No. (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

16

You might also like