You are on page 1of 24

2

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 8:
Mga Taong Nag-aambag sa Kapakanan
at Kaunlaran ng Komunidad
Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 8: Mga Taong Nag-aambag sa Kapakanan at Kaunlaran ng Komunidad
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Faye L. Flores


Patnugot : Ramil D. Dacanay
: Rochella C. David
: Janet P. Lingat

Tagasuri : Emily F. Sarmiento PhD


: Angelica M. Burayag PhD
Tagaguhit : Lady Diane M. Bonifacio

Tagalapat : Noel S. Reganit


Tagapamahala :
Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Lourdes G. Dela Cruz PhD
Emily F. Sarmiento PhD
Ramil D. Dacanay

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 8:
Mga Taong Nag-aambag sa Kapakanan
at Kaunlaran ng Komunidad
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito
ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang
bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit
ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng
mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy
o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin
upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang
makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit.
Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa
mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit
wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Ang module na ito ay naglalaman ng mga leksyon patungkol sa


mga taong naglilingkod sa ating mga komunidad. Pagkatapos mong
maisakatuparan ang mga gawain, inaasahan na maipakikita mo ang
sumusunod na kakayahan:
*natutukoy ang mga namumuno at mga mamamayang nag-
aaambag sa kaunlaran ng komunidad.

Subukin
Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Siya ang nagtuturo ng mga aralin, kagandahang asal at tumutulong
sa ating mga mag-aaral sa loob ng paaralan.
a. guro c. magsasaka
b. karpintero d. tubero
2. Siya ang gumagawa sa mga sirang tubo ng tubig patungo sa mga
bahay at mga gusali.
a. guro c. magsasaka
b. karpintero d. tubero
3. Siya ang nagbabantay sa ating mga komunidad. Hinuhuli niya ang
mga hindi sumusunod sa mga batas.
a. guro c. magsasaka
b. karpintero d. pulis
4. Siya ang nanggagamot kapag tayo ay may sakit.
a. doktor c. magsasaka
b. guro d. tubero
5. Siya ang naglilinis sa ating mga kalsada.
a. doktor c. kaminero
b. guro d. tubero
1
Aralin
Mga Taong Nag-aambag sa Kapakanan at
1 Kaunlaran ng Komunidad

Balikan

Sa nakaraang aralin, napag-aralan mo ang tungkol sa mabuting


pamumuno sa mga komunidad. Balikan natin ang nasabing aralin sa
pamamagitan ng paglilista sa mga katangiang ito sa loob ng kahon.
Basahin ang mga pangungusap at isulat sa iyong sagutang papel
ang mga salita na tumutukoy sa mga katangian ng mabuting pinuno.
1. Ang isang mabuting pinuno ay tinutulungan ang kanyang mga
nasasakupan tulad ng pagbibigay ng mga libreng gamot at iba
pa.
2. May takot sa Diyos ang isang mabuting pinuno kaya hindi siya
gagawa ng anumang masama sa kanyang posisyon.
3. Ginagawa ng maayos ng isang mabuting pinuno ang kanyang
tungkulin kahit walang nagbabantay sa kanya.
4. Ang pagtatanim ng mga puno at halaman ang isa sa mga
mabuting katangian ng isang pinuno.
5. Pantay ang pagpapatupad ng batas ng isang pinuno sa kanyang
mga nasasakupan.
Mga Katangian ng isang Mabuting Pinuno:
1. ___________________________ 4. ___________________________
2. ___________________________ 5. ___________________________
3. ___________________________

2
Tuklasin

Basahin ang kuwento sa ibaba at sagutin ang mga katanungan sa


iyong sagutang papel. Piliin ang sagot sa loob ng kahon na nasa ibaba.

Magtulungan Tayo!
Ni: Faye L. Flores

Ang Barangay Lourdes Sur ay pinamunuan ni Kapitan Homer. Ang


barangay ay naglunsad ng mga programa para sa kalusugan,
edukasyon, at hanapbuhay na kailangan ng bawat nasasakupang
pamilya. Nag-imbita si Kapitan Homer ng mga doktor at nars. Sila ay
nagbigay ng libreng konsultasyond sa mga tao.
Mayroon ding mga guro na boluntaryong nagturo ng pagbabasa at
kagandahang asal sa mga bata. Dumating din galing sa mga pribadong
kumpanya ang mga magtuturo sa paggawa ng sabon, pagluluto at iba
pang maaaring pagkakitaan sa mga nanay. Karamihan sa mga tao na
dumalo ay masayang umuwi galing sa programa.

3
Umaasa sila na sa pagtutulungang ito ng mga tao sa komunidad ay
gaganda ang kalagayan ng buhay ng mga naninirahan sa barangay.

1. Sino ang naglunsad ng programa sa barangay Lourdes Sur?


2. Anong mga programa ang nabanggit sa kuwento na nakatulong sa
mga tao?
3. Sino- sino ang mga naimbitahan sa programa? Ano ang kanilang
mga naitulong sa komunidad?
4. Ano ang magiging kalagayan ng Barangay kapag nagtagumpay ang
programa ni Kapitan Homer?
5. Anong magandang aral ang natutunan mo sa kwentong binasa?

Suriin

Ang pag-unlad ng ating mga komunidad o lugar ay nasa kamay ng


mga sumusunod na mga tao:

A. Mga Taong Nagbibigay ng Ating mga Pangangailangan

Ako si Mark, isang mangingisda. Kumukuha ako ng


mga likas na yamang tubig tulad ng isda, pusit, alimango, hipon, at
marami pang iba.

4
Ako si Ding, isang magsasaka. Nagtatanim ako ng palay, gulay,
prutas at iba’t ibang mga halaman bilang pagkain.

B. Mga Taong Nagbibigay ng mga Serbisyo


Ako si Faye, isang guro. Nagtuturo ako sa mga bata upang matuto
silang magbasa, magbilang at magkaroon ng magandang asal.

Ako si Miguel, isang karpintero. Ako ay gumagawa at


nagkukumpuni ng mga bahay.

5
Ako si Pedro, isang tubero. Nag- aayos ako ng sirang linya ng
tubig.

Ako si Juan, isang kaminero. Pinapanatili ko ang kalinisan ng


kapaligiran.

Ako si Rodel, isang basurero. Kinukuha ko ang mga basura sa mga


kabahayan.

6
C. Mga Taong Nagbibigay ng Proteksiyon sa
Mamamayan

Ako si Jeff, isang pulis. Nagpapanatili ako ng kapayapaan at


kaayusan sa komunidad. Hinuhuli ko ang mga hindi sumusunod sa
batas.

Ako si Isagani, isang bumbero. Tinutulungan ko ang mga


nasusunugan.

Ako si Maura, isang kapitan. Pinamumunuan ko ang aking


nasasakupang komunidad.

7
Ako si Kaloy, isang barangay tanod. Tumutulong ako sa kapitan
ng barangay at sa mga pulis sa pagpapanatili ng kapayapaan ng
komunidad.
D. Mga Taong Nangangalaga sa Ating Kalusugan

Ako si Oswaldo, isang doktor. Ako ay nanggagamot sa mga may


sakit tulad ng lumalaganap na Covid-19.

Ako si Ella, isang nars. Tinutulungan ko ang mga doktor sa


pangangalaga ng mga maysakit.

8
Ako si Maria, isang komadrona. Makikita ako sa birthing center o
paanakan na tumutulong sa mga buntis upang ligtas na manganak.

Ako si Juana, isang Barangay Health Worker. Nangangalaga ako


sa kalusugan ng mga tao sa komunidad.

Pagyamanin

Isulat sa iyong sagutang papel ang salitang Tama kung ang


pangungusap ay wasto at Mali naman kung hindi wasto.
__________ 1. Ang guro ang nagtuturo ng mga asignatura,
nagbibigay ng gabay sa pang-araw-araw na gawain
at kagandahang asal.

__________ 2. Ang doktor ang nagpapanatili ng kalinisan sa


kapaligiran sa pamamagitan ng paglilinis sa kalsada
at daan.
9
__________ 3. Ang pulis ang nagpapanatili sa kapayapaan at
kaayusan ng komunidad. Hinuhuli niya ang mga
hindi sumusunod sa batas.
__________ 4. Ang kapitan ng barangay ay naglilingkod para sa
kaayusan at kaligtasan ng nasasakupang
komunidad.
__________ 5. Ang barangay health worker ay naglilingkod para sa
pangkalusugang pangangailangan ng nasasakupang
komunidad.

Isaisip
Gawain 1

Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang letra sa iyong


sagutang papel.

Hanay A Hanay B
____1. Barangay tanod a. Tinutulungan niya ang mga doktor sa
panggagamot.
____2. Kaminero b. Siya ang tumutulong sa mga
nasusunugan.
____3. Basurero c. Ang katulong ng kapitan at ng ating
kapulisan sa pagpapanatili sa
kapayapaan ng komunidad.

____4. Nars d. Pinananatili niya ang kalinisan ng ating


mga daan.
____5. Bumbero e. Kinokolekta niya ang mga basura
upang dalhin sa tamang tapunan.

10
Tandaan:
May mga mahahalagang tao sa komunidad na nagbibigay ng
serbisyo para sa kapakanan ng mga tao tulad ng:
● pangunahing pangangailangan ng komunidad;
● pangkalusugan at kalinisan ng komunidad; at
● pangkapayapaan at kaligtasan ng komunidad.

Gawain 2
Tukuyin sa loob ng panaklong ( ) ang mga nag-aambag sa
kaunlaran ng komunidad. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang
papel.

1. Ang (guro, kapitan) ang siyang nagpapatupad ng mga serbisyong


ibinibigay ng pamahalaan sa nasasakupang lugar.

2. Ang (tanod, barangay health worker) ang katulong ng


pamahalaan sa pagbibigay ng libreng bakuna sa mga bata.

3. Ang (magsasaka, mangingisda) ang nagtatanim ng palay, gulay,


prutas at iba’t ibang halaman para may pagkain ang mga tao.

4. Ang (magsasaka, mangingisda) ang kumukuha ng mga likas na


yamang tubig tulad ng isda, pusit, alimango, hipon, at marami
pang iba.

5. Ang (tubero, karpintero) ang nag- aayos ng sirang linya ng tubig o


gripo.

11
Isagawa
Gawain 1
Suriin ang puzzle at hanapin ang mga tao na nagbibigay ng
serbisyo sa ating komunidad. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

T U B E R O

A P U L I S

N K M O T G

O L B S R K

D N E H R G

G U R O S O

G M O M L G

1. ___________________________ 4. ___________________________
2. ___________________________ 5. ___________________________
3. ___________________________

May mga tao sa ating komunidad na tumutulong sa ating mga


pangangailangan. Kilalanin mo ang ilan sa kanila.

12
Gawain2 : Gusto Kong Maging!
Gumuhit o magdikit ng isang larawan sa isang bond paper o sa
iyong sagutang papel ng gusto mong tularan paglaki.

Rubrik sa pagiskor:
Nakasunod sa Nakasunod sa Hindi nakasunod sa
pamantayan nang pamantayan subalit pamantayan
PAMANTAYAN higit sa inaasahan may ilang (1)
(5) pagkukulang
(3)
1. Maayos at
malinis ang
pagkagawa

2. Wasto ang
nilalaman o
konseptong
ginawa
ISKOR:

13
Tayahin

Piliin sa loob ng kahon ang uri ng hanapbuhay ng mga tao sa


larawan. Isulat sa iyong papel ang mga tamang sagot.

● barangay health worker

1. ● guro
● pulis
● bumbero

● magsasaka
2. ● kaminero
● mangingisda
● doktor

● barangay tanod
● barangay health worker
3.
● pulis
● bumbero

14
● pulis
● kaminero
4.
● basurero
● doktor

● nars
5. ● kaminero
● magsasaka
● doktor

● tubero
6. ● guro
● mangingisda
● doktor

● magsasaka
● kaminero
7.
● mangingisda
● doktor

15
● guro
● barangay health worker
8.
● nars
● bumbero

● tubero
● doktor
9. ● barangay tanod
● bumbero

● bumbero

10. ● basurero
● barangay tanod
● pulis

16
Karagdagang Gawain
Magdikit ng isang larawan ng taong iyong hinahangaan na
naglilingkod sa komunidad. Magtanong sa iyong magulang ng ilang mga
bagay patungkol sa kanyang trabaho sa komunidad. Magtala ng mga
mahahalagang impormasyon sa iyong kuwaderno bilang isang portfolio.

Rubrik sa pag-iskor:
Nakasunod sa Nakasunod sa Hindi nakasunod
pamantayan nang pamantayan subalit sa pamantayan
PAMANTAYAN higit sa inaasahan may ilang (1)
(5) pagkukulang
(3)
1. Maayos at
malinis ang
pagkagawa
2. Wasto ang
nilalaman o
konseptong
ginawa
ISKOR:

17
Susi sa Pagwawasto

Subukin Tuklasin Isaisip


1. Kapitan Homer
1.a Gawain 1
2. Pangkalusugan, 1. c
2.d
magkatroon ng 2. d
3.d 3. e
hanapbuhahay,
4.a pangkabuhayan, at 4. a
5.c pangedukasyon 5. b
Balikan 3. doktor, nars at guro
1. may malasakit sa 4. uunlad ang komunidad Gawain 2
kanyang mga nasasakupan. 5. pakikipagtulungan
1.kapitan
2. May takot sa Diyos
3. Ginagampanan ng 2.barangay health worker
mahusay Pagyamanin
4.Pinangangalagaan ang 3. magsasaka
1.Tama
kalikasan
2.Mali 4. mangigisda
5. Pantay at walang
3Tama
kinikilingan
4.Tama 5.tubero
5.Tama

Isagawa Tayahin
1. barangay health worker
Gawain 1: 2.mangingisda
1.tubero 3.bumbero
2.guro 4.pulis
3.pulis 5.magsasaka
6.doktor
4.tanod
7.kamenero
5.bumbero 8.guro
9.tanod
Gawain 2 10. basurero
Magbase sa rubrik na binigay Karagdagang Gawain

Magbase sa rubrik na binigay.

18
Sanggunian

Cruz, Gloria M., Charity A. Capunitan, Emelita C. dela


Rosa, and Leo F. Arrobang. Araling Panlipunan 2
Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig City: Vibal Publishing House Inc.,
2013.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like