You are on page 1of 4

Brgy.

Entablado, Cabiao, Nueva Ecija, 3107

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 2

I. Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga hanapbuhay na nagbibigay serbisyo sa komunidad.
2. Maipakita ang pagkakaiba ng bawat hanapbuhay na nagbibigay serbisyo.
3. Mabigyang halaga ang mga hanapbuhay na nagbibigay serbisyo.

II. Paksang Aralin:


Paksa: Mga Hanapbuhay sa ating Komunidad
Sanggunian:
Learner’s Material pp. 188-203
SLM AP Q3 Module 8 - Mga Taong nag-aambag sa kapakanan at kaunlaran ng Komunidad

Mga Kagamitan: krayola, art paper o anumang makukulay na papel, manila paper, mga larawan ng mga
hanapbuhay

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
Pagbati
Pagdarasal
Pagtsek ng mga lumiban at hindi lumiban sa klase

B. Panlinang na Gawain:
1. Balik-aral:
Mga bata, mayroon akong ipapakita na mga larawan. Inyong tutukuyin kung sino ang mga ito at ano ang
kanilang mga ginagampanan na tungkulin sa ating komunidad. Handa na ba kayo mga bata?

2. Pagganyak:
Ngayon na tanda at alam ninyo na ang mga pinuno ng ating komunidad, at ang kanilang mga
responsibilidad. Alam ninyo ba na may mga katulong o katuwang sila para magampanan ang mga ito?
Mga bata, sa ating pag-aaral at paglaki, mayroon tayong mga pangarap na matupad o maabot pagdating ng
panahon. Ano ang iyong gusto paglaki ninyo at bakit ito ang napili mo?

3. Paglalahad:
Mayroon akong mga larawan na ipapakita sa inyo, sabihin ninyo kung ano ang ginagawa nila at kung
mahuhulaan ninyo kung sino sila.

Sino ito? Tama, Siya ay isang magsasaka.


Nagtatanim sila ng mga palay, gulay, prutas
at iba pang mga maaari nating pagkuhanan
ng makakain mula sa lupa.
Ito naman ay mga mangingisda. Mga isda,
at iba pang lamang-dagat na maaari natin
na kainin at gawing kabuhayan ang kanilang
ibinibigay sa atin.

Ang dalawang hanapbuhay na ito ay ang mga taong nagbibigay sa atin ng ating pangangailangan. Kailangan
natin ng pagkain upang makapagtrabaho, makapag-aral at makagawa ng mga proyekto o plano sa
maghapon.

Narito naman ang mga hanapbuhay na nagbibigay serbisyo sa mga mamamayan:


(magpapakita ng larawan sa harap ng klase)
 Barangay Tanod - katuwang ng pulisya sa pagbabantay at pagpapanatili ng kapayapaan sa komunidad.
 Pulis - nagbabantay at nagpapanatili ng kapayapaan sa komunidad.
 Bumbero - tumutulong upang malaman ng wasto ng mga mamamayan ang mga paraan para maging mas
ligtas at malayo sa sunog ang mga tahanan. Sila din ang matatapang na pumupuksa sa mga sunog at
nangungunang sumasagip sa mga nasunugan.
 Guro - matyagang nagtuturo sa mga bata ng mga kaalaman tulad ng pagbabasa, pagsusulat, pagbibilang
at pagkompute at naggagabay at humuhubog upang maging mabuting mamamayan ang mga bata.
 Doktor - Naggagamot sa mga maysakit at nagtuturo ng mga pang - unang lunas sa mga sakit.
 Nars - matiyaga na nagmomonitor ng mga pasyente sa ospital, katuwang ng mga doktor sa pagbibigay
lunas sa mga maysakit.
 Karpintero - naggagawa at nagkukumpuni ng bahay, mga muwebles at iba pang kagamitan sa loob ng
tahanan.
 Kaminero - tumutulong sa kalinisan ng komunidad. Sila ang matiyagang naglilinis ng lansangan.
 Basurero - naghahakot at nag-aayos ng mga basura sa komunidad.
 Komadrona - nagpapaanak at nagtsetsek up ng mga nagdadalang tao sa komunidad.
Mga bata, marami pang hanapbuhay na nagbibigay serbisyo. Ito ay ilan lamang sa mga nagbibigay ng
kanilang serbisyo sa ating komunidad.

4. Pagsasagawa ng Gawain:
Paggawa ng pangkatang gawain.
Group 1 - Pagtambal ng mga larawan ng mga hanapbuhay at mga pangalan nito.
Group 2 - Pagbuo ng puzzle tungkol sa hanapbuhay
Group 3 - Pagkilala sa mga hanapbuhay ayon sa kanilang mga kagamitan.

5. Paglalahat:
May mga mahahalagang tao sa komunidad na nagbibigay ng serbisyo para sa kapakanan ng mga tao tulad
ng:

● pangunahing pangangailangan ng komunidad;

● pangkalusugan at kalinisan ng komunidad; at

● pangkapayapaan at kaligtasan ng komunidad.


IV. Pagtataya:
Tukuyin sa loob ng panaklong ( ) ang mga nag-aambag sa kaunlaran ng komunidad. Bilugan ang tamang
sagot.

1. Ang (guro, kapitan) ang siyang nagpapatupad ng mga serbisyong ibinibigay ng pamahalaan sa
nasasakupang lugar.

2. Ang (tanod, barangay health worker) ang katulong ng pamahalaan sa pagbibigay ng libreng bakuna sa
mga bata.

3. Ang (magsasaka, mangingisda) ang nagtatanim ng palay, gulay, prutas at iba’t ibang halaman para may
pagkain ang mga tao.

4. Ang (magsasaka, mangingisda) ang kumukuha ng mga likas na yamang tubig tulad ng isda, pusit,
alimango, hipon, at marami pang iba.

5. Ang (tubero, karpintero) ang nag- aayos ng sirang linya ng tubig o gripo.

V. Gawaing - Bahay:
Gumupit o gumuhit ng isang larawan ng hanapbuhay na iyong gusto at magsulat ng 2-3 pangungusap
tungkol dito.

Inihanda ni:

NOEMI GRACE S. DAYAO


Teacher III

Binigyang Pansin:

JENELYN C. CASTRO, PhD.


School Principal III

Brgy. Entablado, Cabiao, Nueva Ecija, 3107

CLASSROOM OBSERVATION
ARALING PANLIPUNAN 2
NOEMI GRACE S. DAYAO

You might also like