You are on page 1of 6

1

MELC/Kasanayan
Nakagagamit ng magalang na pananalita sa kapwa
bata. Nakapagpapakita ng iba’t ibang magalang na
pagkilos sa kaklase o kapwa bata at nakatatanda.
(EsP2P- IId – 8,EsP2P- IId-9)

Mga Inaasahan

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang ang


kaalaman ng mga mag-aaral batay sa mga sumusunod na
kasanayan :
1. Nakagagamit ng magalang na pananalita sa kapwa
bata (EsP2P- IId – 8)
2. Nakapagpapakita ng iba’t ibang magalang na
pagkilos sa kaklase o kapwa bata at nakatatanda.
(EsP2P- IId-9)

Paunang Pagsubok

Gawain 1.1 Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1.Magbigay ng mga magagalang na mga pananalita
na ginagamit ninyo sa inyong tahanan at paaralan.

2.Dapat ba tayong gumamit nang magagalang na


pananalita sa pakikipag -usap sa ating kapwa?

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 2


Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
2

Balik-tanaw
Gawain 1.2 Bilugan ang larawan na
nagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa kapwa.

1. 3.

2. 4.

Pagpapakilala ng Aralin
Sa ating aralin ngayon ay malalaman ninyo
ang mga iba’t ibang magagalang na pananalita na
ginagamit sa pakikipag-usap sa ibang tao lalo na sa mga
nakakatanda upang maipakita ang pagiging isang
magalang na bata

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 2


Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
3

A. Alamin Natin
Basahin ang tula.
“Magalang na Pananalita”
ni R. B. Catapang

Isang pagbati na may paggalang,


Kay sarap pakinggan sa batang magalang.
Salitang “po” at “opo” na ating binibigkas,
Ang siyang lumalabas sa kanilang mga labi.
“Maraming salamat po”, “walang anuman”.
“Ikinalulungkot ko”, ay mapapakinggan.
“Tao po”, “Tuloy po kayo” ay maaasahang
mamumutawi sa labi ng batang magalang.
Kaya’t ating turuan ang mga kabataan,
Na maging magalang sa pakikipagtalastasan.
Maging sa kapwa bata o magulang man,
Ito ang katangiang tunay na kinalulugdan.

Mga Tanong:
1. Ano-anong magagalang na salita ang nabanggit sa
tula?
2. Ano ang tawag sa batang gumagamit ng ganitong
mga salita?
3. Sa iyong palagay, masarap bang pakinggan ang
mga magagalang na salita?

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 2


Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
4

B. Isaisip Natin

Bilugan ang letra ng mga upo na may


nakasulat na magagalang na salita.
Opo sa Upo
A.

Mga Gawain
C. Isagawa Natin
Gawain 1.3 Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng
paggalang? Bilugan ang bilang ng tamang sagot.

1.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 2


Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
5

2.

Tandaan

Lahat tayo ay dapat maging magalang sa kilos at


pananalita. May mga ginagamit tayong salita upang
maipakita ang paggalang sa ating kapwa.
Ang paggamit ng magagalang na katawagan, at
mga salita ay tanda ng pagiging magalang. Dapat natin
itong gamitin sa paikipag-usap sa mga namamahala ng
ating paaralan.

Pag-alam sa mga Natutuhan


D. Isabuhay Natin
Lagyan ng puso ( ) ang kolum na nagsasabi kung gaano
mo kadalas ginagamit ang magagalang na salita sa iyong
kapwa.
Paminsan
Mga Ginawa ko Madalas Minsan Hindi
(3) (2) (1)

1.Bumabati ako ng
“magandang umaga,
tanghali o hapon sa aking
mga guro at kaklase.

2. Bago ako pumasok


sa ibang bahay ako
ay kumakatok muna
sa pintuan at
sinasabi ko ang
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 2
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
6

salitang “tao po”.

3.Kapag may dumating na


bisita sa aming bahay ay
sinasabi ko ang salitang
“tuloy po kayo”.

Pangwakas na Pagsusulit
E. Subukin Natin
Isulat sa patlang kung Tama o Mali ang mga pag-uugali
na sinasabi sa bawat pangungusap.
_____1. Ang “po” at “opo” ay ginagamit ko sa pakikipag-
usap sa mga nakatatanda sa akin.
_____2. Ako ay batang magalang kaya pasigaw akong
makipag-usap sa aming tahanan.
_____3. Tinatanggap ko ang paumanhin ng aking kaklase
kapag nasira niya ang laruan ko.
_____4. Madalas kong sinasabi ang “maraming salamat po”
sa mga taong nagbigay ng tulong o anumang
bagay sa akin.
_____5. Sinasabi ko ang salitang “paalam” sa aking mga
magulang bago ako umalis ng bahay.

Pagninilay
F. Isapuso Natin
Sumulat ng mga magagalang na pananalita sa loob ng
kahon.

Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan.


Kung mayroong bahagi sa modyul na ito na hindi mo
naunawaan mangyaring makipag-ugnayan ka sa iyong
guro.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 2


Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo

You might also like