You are on page 1of 13

ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan:_________________________________Pangkat:__________Guro____________________

Aralin
POLITIKAL NA PAKIKILAHOK
5
MELC/ Kasanayan

Natatalakay ang mga epekto ng aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga

gawaing pansibiko, sa kabuhayan, politika at lipunan.

Sa araling ito ay iyong mauunawaan ang kahulugan ng pakikilahok. at mga paraan ng

politikal na pakikilahok. Mga paraang magbibigay ng kapangyarihan sa mamamayan para

makamit ang tinatamasang mabuting pamamahala. Sa araling din na ito masusuri natin ang

epekto at kahalagahan ng pakikilahok ng mamamayan sa mga gawain at usaping pampolitika

lalo na sa pakikilahok sa halalan at paglahok sa Civil Society.

PANUTO: Upang masubok ang iyong nalalaman sa modyul na ito, subuking sagutan ang

pagsusulit sa ibaba sa pamamagitan ng pagsulat sa titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng mamamayan.

A. Pakikilahok sa eleksiyon B. Pagrarali sa kalsada

C. Pagsali sa Civil Society D. Pagsali sa mga unyon

2. Pinakamahalagang elemento ng estado, nasa kanyang mga kamay ang pagtugon sa mga

isyu at hamong panlipunan na kanyang haharapin.

A. Batas B. Mamamayan C. Pamahalaan D. Simbahan

3. Batay sa ISSP Citizens survey noong 2004, ano ang nangunguna katangian ng isang

mabuting mamamayang Pilipino.

A. Wastong pagbabayad ng buwis B. Laging pagsunod sa batas

C. Pakikilahok sa eleksyon o pagboto D. Pagsubaybay sa gawain ng pamahalaan

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

4. Grassroot organization na naglalayong protektahan ang interes ng mga miyembro nito.

A. Non- Govermental Organization B. People’s organization

C. Local Government Organization D. Voluntary Organization

5. Ayon sa Artikulo V ng Saligang Batas ng 1987, ang mga sumusunod ay maaaring makaboto

maliban sa isa,

A. Mamamayan ng Pilipinas B. Mga dayuhan na nagbabakasyon sa Pilipinas

C. 18 taon gulang pataas D. Nakatira sa Pilipinas nang kahit isang taon

6. Mga diskwalipikadong bumoto…

A. Mga taong idineklara ng mga eksperto bilang baliw

B. Mga taong nasentensyahan ng hukuman sa mga kasong rebelyon

C. Mga taong nasentensiyahan na makulong na hindi bababa sa isang taon

D. Lahat ng nabanggit

7. Ayon sa ating Saligang Batas, ______________Ang Pilipinas ay isang Estadong republikano

at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa

kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan

A. Artikulo I, Sek 1 B. Artikulo II, Sek 1 C. Artikulo III, Sek. 1 D. Artikulo IV, Sek. 1

8. Isang Non- Govermental Organization na nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga Peoples

organization para tumulong sa nangangailangan.

A. GRIPO B. FUNDANGO’s C. DJANGO’s D. TANGO’s

9. Mga aksyon ng mga indibidwal o ng mga samahan sa iyong komunidad na sama-samang

nagtratrabaho upang subukan at tuluyang malutas ang mga problema sa iyong komunidad.

A. Pagwewelga B. Pakikilahok C. Pagbobolunter D. pamumuno

10. Ito ang sektor ng lipunan na binubuo ng mga kilos protesta, mga lipunang pagkilos at mga

boluntaryong organisasyon.

A. Civil Society B. Grassroot Organization

C. Participatory Governance D. Civic Engagement

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

Panuto: Natalakay na natin ang ilang tanyag na pandaigdigang organisasyon na nagbibigay

proteksiyon sa karapatang pantao. Piliin sa Hanay B ang mga hinihingi sa Hanay A. Isulat ang

letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. Pandaigdigang kilusan na may kasaping umaabot sa 7 A. CHR - Commission on

milyong katao. Ang motto nito ay “ It is better to light a Human Rights

candle than to curse the darkness.”

2. Layunin ng samahang ito na magkaroon ng higit na B. Amnesty International

kamalayan tungkol sa karapatang pantao at

pagsasakatuparan nito sa buong Asya.

3. Pangunahing tungkulin na panglagaan ang mga C. Global Rights

karapatang pantao ng mga mamamayan sa Pilipinas.

4. Pinasinayaan noong 1987 sa Ethiopia na ang layunin D. OSISA - African

ay proteksiyonan at itaguyod ang karapatang pantao sa Commission On Human and

Africa. peoples Right

5. Pangunahing layunin ng pandaigdigang samahan na ito E. AHRC – Asian Human

na itaguyod at pangalagaan ang karapatan ng mga Rights Commission

walang gaanong boses sa lipunan at pamahalaan.

Politikal na Pakikilahok

Ano nga ba ang tinutukoy na pakikilahok at paano ito nagaganap? Ang pakikilahok ay

ang mga aksyon ng mga indibidwal na tulad mo o ng mga samahan sa iyong komunidad,

na sama-samang nagtratrabaho upang subukan at tuluyang malutas ang mga problema

sa komunidad. Ang pakikilahok ng mga tao ay maaaring magdulot ng pagkakaisa at sama-

samang pagkilos. Ang gawaing politikal ay tumutukoy sa isang proseso na kung saan ang isang

indibidwal ay nagkakaroon ng mga kaalaman tungkol sa sistemang politikal, pagpapahalaga at

paniniwala.

Ayon sa Artikulo II, Seksyon 1 ng ating Saligang Batas “Ang pilipinas ay isang

Estadong Republikano at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan.” Patunay lamang na

ang kapangyarihan ng estado sa wala sa pamahalaan at sa mga taong bumubuo nito, sa halip,

ito ay nagmumula sa mga mamamayan. Bilang pinakamahalagang elemento ng estado nasa

kamay ng mga mamamayan ang pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan kanyang

kinakaharap. Ang mamamayan ay dapat may kaalaman at kamalayan sa mga isyung

panlipunan. Ang kamalayang ito ang magtutulak sa mamamayan na aktibong makilahok sa mga

hakbangin magbibigay katugunan sa maraming isyung panlipunan. Isang mahalagang paraan

para matugunan ang mga isyung ito ay ang pakikilahok sa mga gawaing politikal. Maaaring sa

paraan ng pagboto o maaring sa mas masidhing mga aksiyon para igiit ang pagkakaroon ng

isang mabuting pamahalaan.

Ang pakikilahok sa eleksyon ang pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng mamamayan.

Ang pagboto ay isang obligasyon at karapatang politikal na ginagarantiyahan ng ating Saligang

Batas. Ayon sa Artikulo V ng Saligang Batas ng 1987 ang maaaring makaboto ay

• Mamamayan ng Pilipinas
• Hindi diskwalipikado ayon sa isinasaad ng batas
• 18 taon gulang pataas
• Tumira sa Pilipinas nang kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong bumoto ng
hindi bababa sa anim na buwan
Mga Diskwalipikadong Bumoto:
• Mga taong nasentensiyahan na makulong nang hindi bababa sa isang taon. Maaari
siyang makaboto muli pagkaraan ng limang taon pagkatapos niyang matapos ang
parusang inihatol sa kaniya.
• Mga taong nasentensyahan ng hukuman sa mga kasong rebelyon, sedisyon, paglabag sa
anti-subversion at firearms law at anumang krimeng laban sa seguridad ng bansa. Maaari
siyang makaboto muli pagkaraan ng limang taon pagkatapos niyang matapos ang
parusang inihatol sa kaniya.
• Mga taong idineklara ng mga eksperto bilang baliw.
Sanggunian: Omnibus Election Code, Artikulo 12, Seksiyon 116

Sa pamamagitan ng pagboto, nakapipili ang mamamayan ng mga opisyal ng

pamahalaan na sa tingin nila ay makapaglilingkod nang maayos. Ito ang pagkakataon kung

saan naipakikita ng mamamayan na siya ang pinanggagalingan ng kapangyarihan ng mga halal

na opisyal; na siya ring may kapangyarihan na alisin sila sa puwesto kung sa tingin nila ay hindi

ginagampanan nang maayos ang kanilang sinumpaang tungkulin. Pantay-pantay ang mag tao

pagdating sa boto. Bawat isang Pilipino ay mayroon lamang isang boto, mayaman man o

mahirap.

Isa sa nagiging balakid sa pakikilahok ng mga tao sa eleksyon ay ang napapabalitang

pagbebenta ng boto ng ating mga kababayan. Ayon kay dating Commissioner ng Commission

on Election na si Gregorio Lardizabal, noong halalan ng 2016 ay naging talamak parin ang

insidente ng pamimili ng boto. Dahil dito, maaaring sa halip na ang nakaupo sa pamahalaan ay

mahuhusay at matitinong opisyal ay maaaring maupo ay mag opisyal na sarili lamang ang

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

iniisip. Ilan pa sa mga maling gawain sa panahon ng halalan ay ang pagboto gamit ang

ibang pangalan, pananakot sa mga botante, ballot –snatching, pandaraya, terorismo at

political killings. Ito ay ayon sa pag-aaral ng International Foundation for Electoral System at

IPER sa kanilang “Elections in the Philippines” noong Hunyo 2003.

Batay sa ISSP Citizenship survey noong 2004, nangunguna ang pagboto bilang

pangunahing katangian ng isang mabuting mamamayan. Kasama rin sa listahan ang

wastong pagbabayad ng buwis, laging pagsunod sa batas, pagsubaybay sa gawain ng

pamahalaan at unawain ang opinyon ng ibang tao. Kung ang suvey na ito ang pagbabataya,

mababatid na malaki ang pagtingin ng mga Pilipino sa kahalagahan ng karapatang makaboto

sa kabila ng maraming balakid at suliranin.

PAGLAHOK SA CIVIL SOCIETY. Hindi natatapos sa paglahok sa eleksyon ang politikal

na pakikilahok ng mga mamamayan. Sa halip unang hakbang lamang ito para sa isang

malayang lipunan. Ang esensya ng demokrasya ay ang pagkakaroon ng mamamayang

nakikilahok sa pagpapaunlad ng bayan sa paraang higit pa sa pagboto. Isa pang paraan na

maari nating gawin ay ang boluntaryong pagsali o pagsama sa mga samahang direktang

nkikipag-ugnayan sa pamahalaan upang iparating ang pangangailangan ng mamamayan.

Tinatawag itong Civil Society.

Ano ang Civil Society

✓ sektor ng lipunan na hiwalay sa estado at binubuo ng mga mamamayan na hindi


umaasa sa pamahalaan.
✓ binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos protesta, lipunang pagkilos at
mga Non- Government Organizations(NGO) at Peoples’ Organization (PO)
✓ Naglalayon ang Civil Society na maging kabahagi ng mga pagbabago sa mga polisiya at
maggiit ng accountability (kapanagutan) at transparency (katapatan) mula sa estado.
(Siliman,1998)
✓ Layunin din ng Civil Society na makabuo ng mga samahang direktang makikipag-
ugnayan sa pamahalaan.

Kahalagahan ng Pakikilahok sa Civil Society

1. Ayon ky Randy David (2008) sa pamamagitan ng paglahok sa civil society, ang mga mithiin
ng mga mamamayan ay magiging batayan ng buong estado sa pamamahala ng isang bansa.
2. Ayon kay Larry Diamond (1994) isang mahusay na pagsasanay ang pakikilahok sa civil
society para sa demokrsya.
3. Nagiging malawak ang pang-unawa ng isang tao sa paniniwala ng iba at sa mga karapatang
pantao na mahalagang katangian ng isang aktibo at mabuting mamamyan.

Ang mga samahan na tinatawag na Non-government Organization at Peoples’

Organization ay mahalagang bahagi ng Civil Society. Ayon kay Horacio Morales (1990)

mahalaga ang pagbuo ng mga organisasyon ng mamamayan dahil ito ang magiging katuwang

ng pamahalaan sa pagbuo ng mga programa para sa ikauunlad ng bayan. Kinikilala ng

Saligang Batas 1987 ang kahalagahan ng mga samahang ito sa pagtataguyod ng kaunlaran.

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

GRASSROOT ORGANIZATION O PEOPLES ORGANIZATION

➢ Naglalayong protektahan ang interes ng mga miyembro nito


➢ Kinabibilangan ng mga mamamayang direktang naapektuhan ng mga problema o krisis at
may partikular na ipinaglalaban.
➢ Dito nahahanay ang mga sektoral na grupo ng kababaihan, kabataan, magsasaka,
mangingisda at mga cause-oriented group.

GRASSROOTSUPPORT ORGANIZATION O NON GOVERNMENT ORGANIZATION

➢ Naglalayong suportahan ang mga programa ng mga Peoples Organization


➢ Kolektiba ng mga taong may isang mithiin o grupo na pinupunduhan ng indibidwal upang
magsagawa ng mga bagay na kadalasang ginagawa ng isang pamahalaan.
➢ Ilan sa mga gawaing ito ay may kinalaman sa kalusugan, edukasyon at trabaho.

Maraming ibat-ibang uri ng NGO at PO ang makikita sa Pilipinas. Bawat isa ay may kani-
kaniyang tungkulin sa bayan. (Putzel, 1998)

◆ TANGOs (TRADITIONAL NGOs) - nagsasagawa ng mga proyekto para sa mahihirap


◆ FUNDANGOs (Funding - Agency NGOs) - nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga peoples’
organization para tumulong sa mga nangangailangan.
◆ DJANGOs (Development,Justice and Advocacy NGOs) - nagbibigay suporta sa mga
komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng legal at medical na mga serbisyo.
◆ PACO (Professional Academic and Civic Organizations) - binubuo ng mga propesyonal at
ng mga galing sa sektor ng akademiya.
◆ GRIPO (Government Run and Initiated POs) - mga POs na binuo ng pamahalaan.
◆ GUAPO (Genuine, Autonomous POs) - ito ay mga POs na itinayo mula sa inisyatibo ng
mamamayan at hindi ng pamahaalan.

Ilang halimbawa ng Civil society at NGO sa Pilipinas: https://brainly.ph at List of Civil Org.

Gawain 1: Larawan – Suri

Suriin ang sumusunod na larawan at isulat ang iyong nakikita at reaksiyon.

Ano ang iyong nakikita sa larawan?

Ano ang iyong reaksyon sa larawan?

Sanggunian: Sun Star(n.d) Retrieved March 26, 2014 from Vote Buying

Ano ang iyong nakikita sa larawan?

Ano ang iyong reaksyon sa larawan?

___________________________________________________

Sanggunian: The Manila Times.net 2013/10/30/editorial-cartoons/flying voter49134

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

Ano ang iyong nakikita sa larawan? ______________________


Ano ang iyong reaksyon sa larawan?

Sanggunian: reseachgate/net/Election-violence-source-Phil.-Fee-Press Oct. 10,1959

Ano ang iyong nakikita sa larawan?

Ano ang iyong reaksyon sa larawan?


____________________________________________________

Sanggunian: tempo.com.ph/2019/05/13 editorial-cartoon

Mga pamprosesong tanong:

1. Ano ang pinatutungkulan ng mga larawan?

2. Ano ang mensaheng nais iparating ng mga larawan patungkol sa pagboto?

3. Bakit mahalaga para sa mamamayan ng isang bansa ang bumoto?

Gawain 2: Video- Suri


Suriin ang video tungkol sa karapatan ng mamamayan sa kanilang politikal na pakikilahok

Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=03T4BoflY1I

Pamprosesong tanong:

1. Ano ang pinapakita sa video?

2. Ano- ano ang mga dahilan bakit bumoto si Juan?

3.Bilang mag-aaral, paano mo mapapahalagahan ang karapatan ng mamamayan sa pagboto?

Gawain 3: Uumpisahan ko…Tapusin mo.: Isulat sa patlang ang sa palagay mo ay karugtong

na sagot.

1. Ang pakikilahok sa eleksyon ay______________________________________.

1. Ang mga bumubuo sa Civil Society ay _________________________________.

2. Ang pagkakaiba at pagkakapareho ng People’s Organization sa Non-Government

Organization ay____________________________.

3. Mahalaga ang mga samahang ito sa ating bansa dahil___________________________.

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

4. Kung mabibigyan ng pagkakataon, ako ay lalahok sa mga samahang ito dahil____________.

GAWAIN 4: CIVIL SOCIETY MAPPING

Magsaliksik ng mga aktibong Civil Society Organizations (NGOs/POs) sa inyong komunidad.

Tukuyin kung anong uri ng civil society organization, sector na kinakatawan at tungkulin o

adbokasiya nito.

Sektor ng lipunan na Tungkulin/ Adbokasiya ng


NGOs / POs
kinakatawan samahan

Mga pamprosesong tanong:

1. Ano ano ang mga civil society organizations ang matatagpuan sa inyong komunidad?

2. Anong uri ito ng NGO/ PO?

3. Anong mga sektor ang kanilang kinakatawan?

4. Ano ano ang mga tungkulin ng civil society organization na ito?

5. Anong sektor sa inyong lipunan ang walang representasyon sa mga civil society
organizations?

6. Paano nakatulong ang mga samahang ito sa nararanasan natin ngayon na problema sa

Covid 19?

• Isang mahalagang paraan para matugunan ng mga mamamayan ang mga isyung

panlipunan ay ang pakikilahok sa mga gawaing politikal.

• May ibat-ibang paraan para maging kalahok ang mga mamamayan sa gawaing

politikal. Sa paraan ng pagboto at sa paglahok sa Civil Society.

• Isang uri ng pakikilahok ay sa paraan ng pagboto. Ang isang boto na ito ay

lubhang makapangyarihan sapagkat maaari nitong baguhin ang takbo ng buhay

ng mga Pilipino at makamit ang mabuting pamamahala.

• “ Ang layunin ng pagboto ay hindi na ang pagbibigay ng mandato sa mga opisyal

para mamuno bagkus ay nag pagbibigay ng kapangyarihan sa mga

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

makapagpapaunlad sa estado at malupig ang mga nagpapahirap sa bayan. “ Fr.

Joaquin Bernas (1992)

• Ang civil society ay nakabubuti sa isang demokrasya, binibigyan nito ang mga

mamamayan ng mas malawak na pakikilahok sa pamamahala ng isang bansa.

• Ang civil society ay binubuo ng mga kilos protesta, mga panlipunang pagkilos at

mga voluntary organization na nahahati sa dalawang kategorya. Ang Grassroot

Organization o People’s Organization at Grassroot Support Organization o Non-

Government Organization.

• Sa pamamagitan ng pag-eenganyo sa mga mamamayan sa mga gawain ng civil

society, masisiguro na magkakaroon ng pananagutan ang mga mamamayan at

ang bawat opisyal ng pamahalaan sa kanilang tungkulin. (Bello,2000)

ISA-ISIP: Paggawa ng REFLECTIVE JOURNAL

Binabati kita at natapos mo ang paksang ito. Bilang pagwawakas, sa isang bond paper, isulat

ang iyong natutunan o insights tungkol sa aralin na tinalakay. Maging malikhain sa pagpili ng

pamagat at paglalagay ng design sa inyong output.

ISAGAWA: Picture- Collage

Gumupit ng mga larawan mula sa lumang magasin o dyaryo na nagpapakita ng politikal na

pakikilahok ng mga mamamayan. Idikit at gawing collage ang mga nagupit na larawan. Lagyan

ng maikling deskripsyon ang nabuong picture collage.

FACT O BLUFF: Suriin ang mga sumusunod na pahayag at isulat ang salitang FACT

kung ang pangungusap ay totoo at BLUFF kung hindi totoo.

_______________1. Pantay-pantay ang tao pagdating sa boto. Bawat isang Pilipino ay

mayroon lamang isang boto.

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

_______________2. Ang civil society ay binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga

kilos protesta, lipunang pagkilos, mga armadong grupo na naglalayong pabagsakin ang

pamahalaan.

_______________3. Isa sa mga diskwalipikadong bumoto ay yong mga taong idineklara ng

mga eksperto bilang baliw.

_______________4. Ang pamahalaan ang pinakamahalagang elemento ng estado, nasa

kanyang mga kamay ang susi para sa pagbabago ng lipunan.

_______________5. Nakapaloob sa Artikulo IV, Seksyon 1-2 ng Saligang Batas 1987 ng

Pilipinas ang mga karapatang bomuto.

_______________6. Ang DJANGOs ay isang NGO na nagbibigay tulong pinansyal sa mga

People’s organization para tumulong sa mga nangangailangan.

_______________7. Ang unang kwalipikasyon ng isang botanteng Pilipino ay 18 taong gulang

pababa.

_______________8. Sa pamamagitan ng pagboto, naipakikita ng mamamayan na siya ang

pinanggagalingan ng kapangyarihan ng mga halal na opisyal at siya rin ang may kapangyarihan

na alisin sila sa puwesto.

_______________9. Hindi kinikilala ng Saligang Batas ang mga samahang NGOs at POs sa

pagtataguyod ng kaunlaran.

_______________10. Nahahati sa dalawang kategorya ang voluntary organizations na

bumubuo sa civil society. Ito ay ang grassroot organization o Non-Government Org. At

grassroot support Org. o Peoples Organization.

Pledge of Commitment: Bilang isang mabuting mamamayan, gumawa ka ng pledge

of commitment ng mga paraan kung paano ka makikilahok sa mga gawaing pampolitika at

pansibiko at kung maari ay iyong maisakatuparan lalo na ngayon na nasa panahon ng

pandemic.Isulat ito sa bond paper.

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

SAGUTANG PAPEL- Qrt.4- Week 5

PANGALAN: _________________________________________________________

PANGKAT: ____________________________ Guro: _______________________

PAUNANG PAGSUSULIT: BALIK-TANAW

1. 6. 1.

2. 7. 2.

3. 8. 3.

4. 9. 4.

5. 10. 5.

GAWAIN 1: Suriin ang mga larawan at isulat ang nakikita at reaksyon dito.

1. A_____________________________________________________________________

B_____________________________________________________________________

2. A_____________________________________________________________________

B_____________________________________________________________________

3. A_____________________________________________________________________

B_____________________________________________________________________

4. A_____________________________________________________________________

B_____________________________________________________________________

Mga pamprosesong tanong:

1. Ano ang pinatutungkulan ng mga larawan?


2. Ano ang mensaheng nais iparating ng mga larawan patungkol sa pagboto?
3. Bakit mahalaga para sa mamamayan ng isang bansa ang bumoto?

GAWAIN 2
Suriin ang video tungkol sa karapatan ng mamamayan sa kanilang politikal na pakikilahok
Pamprosesong tanong:

1. Ano ang pinapakita sa video?

2. Ano- ano ang mga dahilan bakit bumoto si Juan?

3.Bilang mag-aaral, paano mo mapapahalagahan ang karapatan ng mamamayan sa pagboto?

GAWAIN 3: Uumpisahan ko….tapusin mo

1. Ang pakikilahok sa eleksyon ay______________________________________.

2. Ang mga bumubuo sa Civil Society ay _________________________________.

3.Ang pagkakaiba at pagkakapareho ng People’s Organization sa Non-Government

Organization ay____________________________.

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

4. Mahalaga ang mga samahang ito sa ating bansa dahil___________________________.

5. Kung mabibigyan ng pagkakataon, ako ay lalahok sa mga samahang ito dahil____________.

GAWAIN 4: CIVIL SOCIETY MAPPING

Magsaliksik ng mga aktibong Civil Society Organizations (NGOs/POs) sa inyong komunidad.

Tukuyin kung anong uri ng civil society organization, sector na kinakatawan at tungkulin o

adbokasiya nito.

PAG-ALAM SA NATUTUHAN:

ISA-ISIP: Paggawa ng REFLECTIVE JOURNAL

Binabati kita at natapos mo ang paksang ito. Bilang pagwawakas, sa isang bond paper, isulat

ang iyong natutunan o insights tungkol sa aralin na tinalakay. Maging malikhain sa pagpili ng

pamagat at paglalagay ng design sa inyong output.

ISAGAWA: Picture- Collage

Gumupit ng mga larawan mula sa lumang magasin o dyaryo na nagpapakita ng politikal na

pakikilahok ng mga mamamayan. Idikit at gawing collage ang mga nagupit na larawan. Lagyan

ng maikling deskripsyon ang nabuong picture collage.

PANGHULING PAGSUSULIT:

1. 6. 11.

2. 7. 12.

3. 8. 13.

4. 9. 14.

5 10. 15.

PAGNINILAY:

Pledge of Commitment: Bilang isang mabuting mamamayan, gumawa ka ng pledge

of commitment ng mga paraan kung paano ka makikilahok sa mga gawaing pampolitika at

pansibiko at kung maari ay iyong maisakatuparan lalo na ngayon na nasa panahon ng

pandemic. Isulat ito sa isang buong papel/ bond paper.

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6


ARALING PANLIPUNAN 10-IKAAPAT NA MARKAHAN

AP 10- QUARTER 4- WEEK 5 and 6

You might also like