You are on page 1of 2

THIRD UNIT TEST IN FILIPINO 5 –CIC

I. Salungguhitan ang pang-abay sa pangungusap at isulat sa linya kung ito ay pamaraan, panlunan o
pamanahon.

1) Lumalangoy sila sa malaking lawa.


2) Masarap magluto ng sinigang si Ate Rosita.
3) Inilagay ko sa loob ng kabinet ang mga pagkaing de-lata.
4) Sa harap ng simbahan tayo magkita.
5) Ang munting prinsesa ay mahinhin kumilos.
6) Tuwing Sabado nagluluto kami ng espesyal na meryenda.
7) Nasalubong ko sa labas ang magkakapatid.
8) Madalas magsinungaling ang batang iyan.
9) Malinaw na ipinaliwanag ng punong-guro ang mga patakaran.
10) Sumisid sa dagat ang mga anak ng mangingisda.

II. Bilugan ang pang-abay sa pangungusap at isulat kung pananggi, panang-ayon, o pang-aga.

III. Isulat sa linya kung si Nonoy o si Cardong Daga ang tinutukoy ng bawat bilang.

1) Kamote ang karaniwan at madalas niyang pagkain.


2) Mapanganib ang uri ng kanyang pamumuhay.
3) Mapayapa siyang nakatira sa simple at maliit na kuwarto.
4) May malaking tirahan at marangyang pamumuhay.
5) Sanay siyang kumain ng kanin, karne at tinapay na may palamang hamon o keso.

IV. Isulat ang tamang sagot sa kahon.

1) salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay


2) pang-abay na nagsasaad kung kalian ginanap , ginaganap o gaganapin ang sinasabi ng pandiwa sa
pangungusap
3) pang-abay na tinatawag na pariralang sa at kumakatawan sa lugar
4) pang-abay na sumasagot sa tanong na paano ginanap , ginaganap o gaganapin ang sinasabi ng pandiwa
sa pangungusap
5) ito ang pang-abay na nagsasaad ng pagsang-ayon
6) ito ang tawag sa mga pang-abay na nagsasaad ng pagtanggi o di pagsang-ayon

7) ito ang pang-abay na nagpapahayag ng di katiyakan sa kilos na ipinahahayag ng pandiwa

Sagutin ang mga katanungan tungkol sa kwento na inyong binasa.

1. Bakit kamote at tinapay lamang ang pagkaing mayroon sa tahanan ni Nonoy Daga?

2. Kaninong kalagayan ka mas naaawa sa magpinsan?Bakit? Ipaliwanag ang iyong sagot.

3. Ano –ano ang mga aral na naihatid sa iyo ng pabula? Sa paanong paraan mo magagamit ang mga
aral na ito?

You might also like