You are on page 1of 5

GAWAIN 3.

D. Layunin ng pagtuturo

E. Kasangkapan sa proseso ng pagtuturo

F. Mga elemento ng mabuting pagtuturo

3. Ang mga kasanayang pangwika ay pagtatamo ng kasanayang akademik.

4. Kasalukuyang kalagayan ng pagtuturo ng Filipino sa batayang Edukasyon.

Ang mga sumusunod ay mga sagot:

D. LAYUNIN NG PAGTUTURO

Ang layunin ng pagtuturo ay ang proseso ng pagtuturo sa dulo ng resulta na nakamit, o mga gawain
pagtuturo upang makamit ang inaasahang resulta.

Ang guro bilang fasiliteytor ay may malinaw na layunin sa pag tuturo. Upang higit na mas malinaw na
maipahayag at maunawaan ng kanyang mga mag aaral ang kanyang ituturo. Tatlong batayang layunin ang
iminungkahi ni Hendricks (1998).

 Turuang mag isip ang mga mag-aaral (KNOWING)


 Turuang matuto ang mag-aaral (UNDERSTANDING)
 Turuang gumawa ang mag-aaral (DOING)

 MAHAHALAGANG HAKBANG SA PAG TUTURO

Pokus- ipokus sa Kahulugan ang aralin.

Pagtuklas- isangkot ang mga mag-aaral sa pag tuklas.

Pagtugon- patnubayan at pasiglahin ang mga mag-aaral upang tumugon.

E. KASANGKAPAN SA PROSESO NG PAGTUTURO

Apat na Kasangkapan sa Proseso ng pagtuturo

 HOOK o pagganyak
 BOOK o aralin
 LOOK o kabatiran
 TOOK o pagtugon

ANG PAGGANYAK

--Ito ang nagbibigay-pangako at nag hahandog ng kawilihan sa mga mag-aaral upang making at ibigay ang
panahon sa pagkaklase.

 2 Uri ng pagganyak

INTRINSIK- pan loob at sariling hangarin na gumaganyak sa isang tao upang kumilos.
EKSTRINSIK- pagganyak na nagmumula sa kapaligirang panlabas ng mag-aaral.

 PANGKALAHATANG PANUNTUNAN SA PAGGANYAK

-Ang kapaligiran ay magagamit upang maituon ang atensyonng mga mag-aaral sa mga bagay na dapat matutunan.

-Ang mga pampasigla ay mga nakagaganyak nang mabisa at aktibong pagkatuto.

-Ang intrinsic na pagganyak ay pangmatagalan na nararapat na paulit-ulit na pagyamanin sa pamamagitan ng


pagbibigay puri at konkretong gantimpala.

-Ang pagkatuto ay lalong epektibo kung ang indibidwal ay handa nang matuto at kung may hangaring matuto.

-Ang pagganyak ay mapapalalim sa pamamagitan ng maayos na pag-oorganisa ng mga kagamitang panturo.

BOOK-AKLAT-ARALIN
 Sa pagpili at paghahanda ng aralin, dapat isaalang-alang ang kabuluhan nito sa karanasan ng mga mag-
aaral.
 Naaayon ba ito sa kanilang intreres, abilidad, o kaya’y kahandaan.
 Kailangan malinaw sa kanila kung ano-ano ang Mababatid at matutuklasan sa teksto.

LOOK-KABATIRAN
 Ito ang pinaka puso ng pagtuturo.
 Dito nahahamon ang tunay na pagkamalikhain ng guro.
 Sa masining na pamamaraan at pagdidisenyo ng mga gawain, ang mga mag-aaral ay nahihikayat gumawa,
tumuklas, pumili, kumilala, at mag-ugnay.
 Sa tulong ng mga kongkretong sitwasyon, Malaya nilang nagagalugad ang mga pahiwatig, katotohanan,
konsepto, at impormasyon.

TOOK-PAGTUGON
 Sariling pagpapasya ng mga mag-aaral.
 Hindi maaaring guro ang tumugon para sa mag-aaral.
 Ang tungkulin ng guro ay pagpapasigla sa pagtugon.
 Ito ay dapat ding palawakin pa sa silid-aralin.

F. MGA ELEMENTO NG MABUTING PAGTUTURO

May mga dapat isaalang-alang ang guro sa pagpili ng pamamaraang kanyang gagamitin.

-Angkop sa kakayahan at kawilihan ng mag-aaral.

-Angkop sa paksang aralin at sitwasyon.


Maaring sabihing ang isang mabuting pamaraan ng pagtuturo ay magtaglay ng mga sumusunod:

1. Ang mabuting pamaraan ng pagtuturo ay yaong payak at madaling isagawa.

Hindi na mangangailangan ng mahabang araw ng paghahanda ng mga kagamitan at mga pantulong ang guro.

2. Nasasangkot sa lahat ng mag-aaral sa mahahalagang gawain gaya ng

 Pagbabalak  Pakikimatyag

 Pagsusuri  Pagpapasiya

 Pagtatanong  Paglalahat

 Pagtatalakayan  Pagsasanay at pagkakapit ng mga simulain

 Paghahambing at Pageeksperimento  Tuntunin at paglalahat na nabuo at natutuhan

3. Ang mabuting pamaraan ay nagbibigay ng mabuting bunga at kahihinatnan.

4. Ang mabuting pamaraan ng pagtuturo ay humuhubog sa mabuting pag-uugali at kaasalan ng mag-aaral.

-Hindi diwa ng paglalaban o kompetisyon ang dapat malinang kundi ang diwa ng pag-unawa at pakikipagtulungan.

5. Nakikitulong sa paglinang ng maraming kakayahan gaya ng

 Pananaw  Pakikinig

 Paghipo  Panlasa

 Pang-amoy

Nanasasangkot din ang

 Pang-unawa  Pagpapahayag
 Pagsusuri  Pagpapakahulugan
 Pagbibigay ng palagay  Masusing pagmamasid

6. Ang mabuting pamaraan ng pagtuturo ay humahamon sa kakayahan ng mag-aaral.

-Gumaganyak ito sa mga mag-aaral sa pagsasakatuparan ng mga gawain.

7. Ang guro ay tagasubaybay at tagapayo at papasok lamang sa bahaging hindi na kaya ng mag-aaral ang gawain.

8. Ang isang mabuting pamaraan ng pagtuturo ay umaalisunod sa mga simulain ng pagkatuto at sa pilosopiya ng
pagtuturo at sikolohiyang edukasyunal.

3. ANG MGA KASANAYANG PANGWIKA AY PAGTATAMO NG KASANAYANG AKADEMIK.


Ang mga Kasanayang Pangwika sa Pagtatamo ng Kasanayang Akademik

(1) higit na magiging malikhain at/o inobatibo ang mga guro sa kanilang mga estratehiya sa interdisiplinaring
pagtuturo;

(2) higit na mahahamon ang mga mag-aaral na makapag-isip nang kritikal upang mahikayat silang masikap na
matamo ang kanilang interes o pangarap sa buhay;

(3) Interaktibo ang pinaka-ideyal na proseso ng pagtuturo at pagkatuto;

(4) Magkakaroon ng resiprokal na interaksyon ang mga guro at mga mag-aaral sa iba’t ibang disiplina, s amga
gagamiting kagamitang panturo at hanguang multimidya;

(5) kasangkapan ang wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyong sosyal at interpersonal at ito’y behikulo sa
pagtuturo ng mga disiplinang itinuturo sa Filipino.

4. KASALUKUYANG KALAGAYAN NG PAGTUTURO NG FILIPINO SA BATAYANG EDUKASYON.

Sa kasalukuyan, ang pagtuturo ng Filipino sa batayang edukasyon ay patuloy na nagbabago at


nagpapabago upang mas mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Ayon sa isang posisyong papel na nakalap
sa Studocu1, ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Kurso (SEF30143) ay tatalakay sa mga batayang teoretikal,
nilalaman, katangian at panuntunan sa pagpapatupad ng nireestrakturang kurikulum sa Filipino. Iniaangkop ang
kurikulum sa mga kondisyon at sitwasyong lokal. Sinasaklaw din ng kursong ito ang pag-aaral sa mga layunin,
teorya, simulain, mga batas, kalakaran ng pagtuturo at pagkatuto ng wikang Filipino batay sa kahingian ng
kurikulum ng batayang edukasyon sa elementary, sekondarya, at kolehiyo.

Layunin din ng pag-aaral na ihanda ang mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino na maging
mulat at maalam sa mga bagong kalakaran sa pagtuturo at pagkatuto ng Filipino. Isinama rin sa kurso ang
pagtalakay sa mga kahalagahan ng kagamitang panturo na maaaring magamit nila at maiangkop ang mga ito sa
tiyak na paksa.

Ayon naman sa isang presentasyon sa Scribd2, ang mga tiyak na kasanayan ay nililinang sa pamamagitan
ng mga sitwasyon ng iba’t-ibang kagamitan tulad ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at pag-iisip.
GAWAIN 3:
Mababatid sa isang episode ng Ipaglaban mo ang pagganap ni Miles Ocampo bilang
isang guro. Masilan ang paksa, maraming dapat talakayin. Bilang guro, anong mga partikular na
konsepto ang iyong namalas sa episode na ito? Kailan ka dapat tumindig sa mga oras na
kailangan mong magsalita? Kailan ka magiging guro?
Talakayin ito bilang inyong Gawain Blg. 3. (Sa bandpaper ito isasagawa)
Mag-iwan sa ating comment ng pinakapangunahing kakintalan o aral na inyong nabatid sa
episode na ito.
SAGOT:
COMMENT: Para saakin Ang pinaka pangunahing kakintalan o aral na nabatid ko sa
episode na ito na pinamagatang "Disiplina" ay Huwag magpadala sa damdamin o kuntrulin Ang
'emotion' at pag isipan ng mabuti ang magiging kapalit o ' consequences' Bago mo gawin Ang
Isang bagay upang wala Kang pag sisihan sa Huli, gayunman Ang nangyari sa ginampanan ni
Miles Ocampo mariin din na dapat nating gawin ay habaan Ang pasensya sa loob man o sa labas
ng paaralan, magpakumbaba, humingi ng tawad at harapin Ang nagawang pagkakamali at
gawin itong aral o magsilbing liksyon sa ating sarili at sa iba pa na naka alam na ng kwentong ito
ng sagayon ay Hindi na maulit pa.
Karagdagan, Dahil ang pagiging guro Ang ating pinili na propesyon ay dapat natin itong
panindigan at isantabi ang mga personal na problima at palawakin ang pasensya at dapat may
pananagutan tayo sa ating aksyon kahit na tao lang din ang guro na nakakagawa rin ng mali
dapat maging responsible rin tayo sa ating mga aksyon at para naman sa bata na napagbuhatan
ng guro sa episode na ito mariin din na igalang o erespeto natin ang ating mga guro sa loob
man o sa labas ito ng paaralan sapagkat ang ating guro ay nagsisilbi na rin nating pangalawang
magulang at dahil bukod sa ating mga magulang ay sila rin ang nagtuturo saatin upang makamit
o mapagtagumpayan natin ang ating mga pangarap o mithiin sa buhay. Bilang isang magulang
naman alam ko na pagmamahal at pagsuporta nila sa kanilang anak ay di matutumbasan ngunit
kailangan din nating turuan ang ating mga anak ng tamang asal kailangan natin silang turuan na
gumalang o magbigay respeto sa mga nakakatanda, guro, o kahit kanino na makakaharap nila
dahil kagaya nga ng sabi ni miles Ocampo sa kanyang ginampanan na ang respeto o ugali ng
bata o magaaral ay nagmumula sa loob ng tahanan at hindi sa loob ng paaralan.

You might also like